"Sweetheart, I think we should stop now," Mahinang bulong ni Mark kay Alyssa. "Or else..." Sabay kindat nito sa dalaga. Namula ang pisngi ni Alyssa matapos marinig ang sinabi ni Mark. Naisubsob tuloy n'ya ang kanyang mukha sa dibdib nito. "It's okay, sweetheart." Bulong muli ni Mark nang makita nito ang naging reaksyon ni Alyssa. "You don't need to be shy." Saka niyakap muli ang dalaga. "Kainis ka. Tinutukso mo pa ako." Sabi ni Alyssa sabay hampas ng mahina sa dibdib ni Mark. Natawa si Mark sa sinabi ni Alyssa at saka hinalikan ito sa noo. "Tayo ng tumayo." Sabi ni Mark. Nang makatayo na silang dalawa, muling niyakap ni Mark si Alyssa. "Tulungan mo akong magluto." "Sige." Sagot ni Alyssa at nagtungo na silang dalawa sa kusina na magkahawak-kamay. Pagdating sa kusina, inabot ni Alyssa ang nakasabit na apron sa may cupboard at tinulungan si Mark na isuot ito. "May ekstrang apron pa sa may cabinet." Sabi ni Mark matapos nitong maisuot ang apron. "Sige. Kukunin ko na lang." "Ano
Dumaan ang katahimikan sa pagitan nina Alyssa at Mark habang iniinom nila ang kanilang mga tsaa. "S'ya nga pala..." Sabay pa nilang sabi sa isa't isa. Pagkatapos ay bigla silang natawa pareho. "You go first, sweetheart. Ano 'yon?" Sabi ni Mark kay Alyssa. "I just want to say thank you. Thank you sa pag-alaga at pagbantay mo sa akin habang nasa ospital ako. Alam ko kung gaano ka ka-busy. Pero nagawa mo pa rin akong samahan." Sinserong sabi ni Alyssa kay Mark. "For that, thank you." "You're welcome, sweetheart." Nakangiting sabi ni Mark. "Mark, can I ask you something?" "Sure. Fire it away?" "Bakit mo ito ginagawa? Bakit pinag-aaksayahan mo ako ng panahon?" Seryosong tanong ni Alyssa kay Mark. "Because I like you." Direktang sagot ni Mark habang nakatingin ng diretso kay Alyssa. "I got mesmerized with your beauty the first time I saw you." Napangiti si Alyssa. "Mark, huwag mo nga akong binibiro ng ganyan." Saka tumayo para pumunta sana sa kusina. Ngunit laking gulat ni Alyssa na
"Ready?" Tumango si Alyssa bilang sagot sa tanong ni Mark. "Then, let's go." Sabi ni Mark saka inilapit ang braso nito para doon humawak si Alyssa. "You're gorgeous with that gown." Bulong muli ni Mark. "Sa gown lang na ito?" Seryosong tanong ni Alyssa saka ngumiti pagkatapos. "Syempre hindi lang sa gown na 'yan. Pati na rin sa iba." "Mark, are you sick?" "No, sweetheart. Why did you ask?" "You spoke bolder now than you usually did." Natawa si Mark sa sinabi ni Alyssa. "Mas confident na kasi akong ipakita sa'yo ngayon kung gaano ako kaaffectionate." Sabay kindat kay Alyssa. "Tara na nga." Natatawang sabi ni Alyssa matapos nilang lumabas sa elevator. "Kung anu-ano na tuloy ang lumalabas sa bibig mo." xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx Sa Globe Fashion Week closing ceremony... Medyo marami ng tao sa venue nang dumating doon sina Alyssa at Mark. Si Alyssa ay nakasuot ng isang sky blue off-the-shoulder na evening gown. The evening gown features a popular sheer bodice with delicate
"Alyssa is not just our younger sister but also our best buddy. Kaya huwag ka sanang magseselos kung makita mo kaming ganoon ka-close sa kanya." Sabi ni Second Young Master Xander kay Mark habang umiinom ito ng wine. "Kapag may pagtatalong nagaganap sa pagitan naming tatlo, si Alyssa ang mediator namin. Hindi uubra sa kanya na hindi namin aayusin ang problema." Natatawang sabi ni First Young Master Kyle. "Siya ang pinakabata sa amin pero mas madalas na parang s'ya ang pinakamatanda." "Di inaamin mo rin, Kuya Kyle na minsan ay childish ka." Natatawang sabi ni Second Young Master Xander sa kapatid. "Yeah. It's Alyssa who made me realize that." Sagot ni First Young Master Kyle. "Ikaw din naman, honey." Biglang sabat ni Zari sa usapan ng tatlo. "May pagkachildish ka rin paminsan-minsan." Natawa sina First Young Master Kyle at Mark sa tinuran ni Zari. "I know, honey. Hindi ko rin naman itinatanggi." Bulong si Second Young Master Xander sa asawa sabay yakap dito. "Definitely all of us
"Good morning, Young Miss." Bati ni Jaycee kay Alyssa nang makita n'ya itong pababa ng hagdan. "Good morning too, Jaycee." Nakangiting bati rin ni Alyssa dito. "Sa office tayo, Jaycee. But before that, magbreakfast muna tayo." "Nakapagbreakfast na po ako, Young Miss." Sagot nito. "Hintayin ko na lang po kayo sa labas." Tumango si Alyssa bilang tugon kay Jaycee saka dumiretso na s'ya sa dining area. "Good morning, everyone." Bati ni Alyssa sa mga taong naabutan n'ya roon. "Morning too, brat." Bati ni First Young Master Kyle sa kanya. "Kain na, Alyssa." Yaya sa kanya ng Ate Laura n'ya. Naupo si Alyssa sa kanyang puwesto sa hapag-kainan at maganang kumain. Makalipas ang sampung minuto, tapos ng mag-almusal si Alyssa. "Mauna na ako sa inyong dalawa." Paalam ni Alyssa sa kapatid at hipag. "Bye." "Bye, Alyssa. Ingat kayo ni Jaycee." "We will, Ate Laura." Nang makalabas si Alyssa sa mansyon, natanaw na n'yang naghihintay malapit sa kotse n'ya si Jaycee. "Let's go, Jaycee." Sabi ni
"Yssa..." Napalingon si Alyssa kay Celine. "Bakit napapangiti ka d'yan?""Naalala ko lang na madalas tayong tumambay dito sa tabi ng grand piano dati.""Yeah. During the old days." Nakangiting sabi ni Celine. "Kumain na tayo. Hindi na masarap 'yung pagkain kapag lumamig.""Indeed."Naupo na silang dalawa sa harap ng dining table. Nakahain doon ang niluto ni Celine na butter chicken with brocolli saka ang paborito ni Alyssa na crab and corn soup. Ang chocolate cake na dala ni Alyssa ang magsisilbi nilang dessert."Kain na tayo." Sabay nilang sabi sa isa't isa. At nagsimula na nga silang kumain."Kumusta na nga pala si Uncle James?" Tanong ni Alyssa kay Celine habang sumasandok ng crab and corn soup."Dad is fine. After undergoing two consecutive surgeries, his health back to normal." Sagot ni Celine habang hinihiwa ang butter chicken sa kanyang plato. "Nakakapag-gardening na nga s'ya. 'Yun nga lang I advised him to do it with assistance para hindi s'ya mapuwersa lalo na kung may kailan
"Master..." "Kamusta si Alyssa?" "Buong araw pong namalagi ang Young Miss sa Yssa International. Nakipagmeeting po s'ya sa kanyang mga managers. Mag-a-alaskuwatro na po ng hapon nang s'ya ay umalis doon kasama si Jaycee. Sa kasalukuyan po nasa Suncrest ang Young Miss. Mag-oovernight stay po s'ya sa villa ni Miss Celine Larrazabal." "Ganun ba. Ipagpatuloy lang ang palihim na pagbabantay kay Alyssa hanggang sa makabalik ako." "Okay po, Master Clyde." Nagbilin pa ng ilang importanteng bagay si Mark kay Simon bago n'ya tinapos ang tawag na iyon. Sa kasalukuyan nasa isang mahalagang misyon si Mark. Isang notorious syndicate na matagal ng sinusubaybayan ng kanyang grupo ang napag-alaman nilang may isasagawang malawakang transakyon sa loob ng Metro City. Ang transakyon na ito ay may kinalaman sa droga at mga dekalibreng mga baril. "Leader, ayon sa informant natin bukas sa ganap na alas-kuwatro ng hapon magaganap ang malawakang transakyon sa Crimson District." "Isagawa na natin ang pla
Mabilis na natapos ang meeting ni Alyssa. Kaya naisipan muna n'yang mag-ikot-ikot sa kahabaan ng Crimson District. Dalawang naglalakihang shopping malls kasi ang matatagpuan sa lugar na iyon. Ang Indigo at Purple Haven. Nagtungo si Alyssa sa Indigo partikular sa VIP section nito. Ang section na iyon ay inilaan para sa mga kilalang personalidad sa buong Metro City. Makakapagshopping sila dito ng walang gumabambala sa kanilang privacy at seguridad. "Good afternoon, Young Miss." Bati kay Alyssa ng mga staff sa section na iyon. "Good afternoon, too." Sagot ni Alyssa sa mga ito. Kilala si Alyssa ng mga staff. Dahil isa sa mga major shareholder ng Indigo ang mga Araneta. "Is Director Rivera present at the moment?" Tanong ni Alyssa sa isa sa mga staff roon. "Yes, Young Miss. I'll inform her immediately that you're here." "Okay." Nag-ikot-ikot at tumingin-tingin muna si Alyssa sa mga nakadisplay roon habang hinihintay n'yang dumating si Director Ingrid Rivera. Si Director Ingrid Riv
"Magandang araw, Young Miss.""Magandang araw, Sir Mark." Bati ng mga kasambahay sa kanilang dalawa."Dumating na ba ang mga kapatid ko?" Tanong ni Alyssa sa isa sa mga kasambahay."Bukod tanging ang Third Young Master at si Miss Celine pa lang ang naririto, Young Miss.""Talaga!" Masayang reaksyon ni Alyssa. "Where is Celine? Kasama ba ni Kuya Dave?""Nagpapahinga siya sa silid ko, brat." Bungad na sagot ni Third Young Master Dave habang pababa ito sa grand staircase."Kuya Dave..." Lumapit si Alyssa dito at yumakap. "Good thing at okay na talaga kayo ni Celine.""Yeah.""I'm happy for you, Kuya Dave." "Thanks, brat.""By the way, where's mom?" Tanong ni Alyssa."She's in the kitchen." Sagot nito saka bumulong. "Brat, masama na ang tingin sa akin ni Mark.""Kuya... he's not jealous of you."Natawa si Third Young Master Dave. "Are you sure? Eh, parang any minute ay titimbuwang na lang ako dito."Natawa na rin si Alyssa sa sinabi nito. "Maiwan ko na nga kayong dalawa. I'll look for mo
"Hello..." Sagot ni Alyssa sa kabilang linya. Kasalukuyan silang nasa loob ng private elevator ni Mark ng tumawag ang secretary niyang si Grace. "Ipapakuha ko na lang kay Jaycee mamaya... okay... umhh... alright... bye."Matapos ibaba ni Alyssa ang tawag na iyon, katahimikan ang bumalot sa paligid. Nakakailang na katahimikan. Feeling ni Alyssa nasu-suffocate siya. Para kalmahin ang sarili, dahan-dahan siyang huminga ng malalim. Inhale. Exhale.Nang kalmado na siya, pinakiramdaman niya si Mark. Chill lang itong nakatayo sa tabi niya habang nagpipipindot sa cell phone nito. Napaismid si Alyssa."Kaasar 'tong lalaki na 'to." Bulong niya sa sarili. "Sobra na nga ang pagka-akward ko dito, samantalang siya walang pakialam. Kainis...""Are you saying something, sweetheart?""Wala." Mabilis na sagot ni Alyssa. "Bakit ba ang bagal yata ng elevator ngayon?"Natawa at napapailing na lang si Mark sa sinabi niya.Sa mansyon ng mga Araneta..."Celine... hija, how are you?" Bungad na tanong ni Madam
Ding Dong! Ding Dong!"Are you expecting someone?" Tanong ni Alyssa kay Mark ng marinig ang tunog ng doorbell."That must be Simon." Sagot ni Mark. "Sweetheart, pagbuksan mo naman s'ya. Tatapusin ko lang 'to." Kasalukuyan silang nagliligpit ng pinagkainan noon."Sure." Sagot ni Alyssa saka tumalima patungo sa main door. Bago binuksan ni Alyssa ang pinto ay tumingin muna siya sa monitor. Kita kasi roon kung sino ang taong nasa labas. Si Simon nga iyon. Pinindot ni Alyssa ang passcode ng pinto saka ito binuksan."Simon... pasok ka." "Magandang araw, Young Miss." Bati nito."Magandang araw din. Nasa kusina si Mark. Doon ka na dumiretso." Sabi ni Alyssa dito. "Didiligan ko lang sandali itong mga halaman."Tumango lamang si Simon at nagtungo na sa loob."Master Clyde..." Bati ni Simon kay Mark ng makita niya ito sa kusina. Lumingon si Mark sa kanya."Anong bago?" "Narito na po ang resulta ng DNA testing?" Saka inabot ni Simon ang isang brown envelope. Mabilis na binuksan ni Mark ang env
"Jaycee... huwag mo na akong sunduin. Nandito na ako sa parking lot ng Le Grande. Sa penthouse na lang muna ako tutuloy ngayong gabi." "Sige, Young Miss." "Tatawagan na lang kita bukas ng umaga kapag magpapasundo na ako." "Noted, Young Miss." Matapos ibalik ni Alyssa ang kanyang cellphone sa bag ay lumabas na siya sa kanyang kotse. Akmang isasara na niya ang pinto ng maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Nakita niya mula sa reflection ng bintana ng kanyang kotse na may taong papalapit sa gawing likuran niya. Nakasuot ito ng itim na face mask at jacket na may hood. Marahan niyang isinara ang pinto at nagpanggap na hindi ito napansin. Mabilis na sinugod siya nito. Ngunit alerto naman niyang nailagan. May hawak pala itong patalim. Tumama ang patalim sa bintana ng kanyang kotse. "Sinong nag-utos sa'yo na gawin ito?" Tanong niya dito. Hindi ito sumagot bagkus ay muli na naman siyang inundayan ng patalim. Sa pagkakataong iyon, lumaban na siya. Pinatamaan niya ng isang malakas na si
"Master Clyde." Bati ni Simon sa kanya bago nito iniabot ang isang folder. "Iyan ang lahat ng impormasyong nakalap ko." Kaagad na binuklat at binasa niya ang nilalaman ng folder. "May alam si Uncle George?" "Yes, Master Clyde. Kaya mas makabubuti kung personal n'yo siyang kakausapin tungkol dito." Mabilis na tumayo si Mark mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. "Before I go, ask someone to look for Alyssa." "Yes, Master Clyde." Sa mansiyon ni Master George... "Master, a man named Mark Montenegro was looking for you." "Have him in." "Yes, Master." Makalipas ang limang minuto ay natanaw na nga niya si Mark na papalapit. "Uncle George." Bati ni Mark sa kanya. "Mark." Ganting bati niya dito. "Have a seat." Muwestera niya dito na maupo. "What can I do for you?" "Uncle George, I need to talk to you." "Alright." Sagot niya dito. "Bring it on." Mataman niyang tiningan si Mark. Kita niya sa facial expression nito na importanteng bagay ng kanilang pag-uusapan. Inabot sa kanya
"Hey! What happened?" Nag-aalalang tanong ni Alyssa. She was on another commitment during the accident happened. Kaya nagmamadali siyang nagtungo sa ospital ng malaman niya ang nangyari kay Celine. "One of the girls accidentally pushed her. Tumama ang tiyan niya sa kanto ng mesa. Then... then, I saw some blood in between her legs." Garalgal ang boses na kuwento ni Erica. Halatang pinipigilan lang nitong umiyak sa harap niya. "Good thing, Third Young Master Dave passed by. He helped us." "Thanks, God." Sambit ni Alyssa. "Ate Alyssa... is Ate Celine pregnant?" Tanong ni Erica. Tumango si Alyssa bilang tugon dito. "Bakit hindi niya sinabi sa akin?" "She was about to." Sagot ni Alyssa sabay buntong hininga. "After daw ng fashion show niya sasabihin sa'yo. Busy ka daw kasi sa preparation kaya ayaw niyang sumabay." "Si Ate talaga..." "Alam mo naman ang ugali ng Ate mo? Hindi ba?" "Yeah. Matigas ang ulo." Sagot ni Erica. "Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" Mayamayapa'y tanong ng n
Niyakap na lamang ni Alyssa si Celine bilang tanda ng pakikisimpatya at pagbibigay ng suporta dito. Ang suporta niya bilang kaibigan na laging maaasahan ay malaki ang maitutulong sa aspetong emosyonal nito sa ngayon lalo pa at nais ni Celine na palakihin ang anak nito ng mag-isa. "Thanks, Yssa." Sabi ni Celine. "Ano ka ba. Wala iyon." Sagot ni Alyssa dito. "Magkaibigan tayo at magiging inaanak ko ang batang iyan. Nasabi mo na rin ba kay Erica ang tungkol dito?" "Hindi pa. Pero alam niyang nagpakonsulta ako." Sabi ni Celine. "Sa mga susunod na araw ko na lang sasabihin sa kanya. Masyado pang busy si Erica sa fashion show para abalahin ko pa." "Kumain na nga lang tayo." Sabi ni Alyssa. "My treat." Kinabukasan sa Araneta Shooting Range... Maaga pa lamang ay abala na si Third Young Master Dave. Marami siyang kailangang i-review at pirmahang dokumento. Ilang araw din kasi siyang hindi nakapunta sa opisina dahil sa iba pa niyang aktibidad. "Third Young Master..." "Yes?" "Nakagayak
"You're nine weeks pregnant."Paulit-ulit sa isipan ni Celine ang sinabing iyon ni Doktora Mendoza. Ngayon pa lamang nagsi-sink in sa kanya ang mga katagang iyon matapos siyang lumabas sa clinic nito."Anak... s1orry kung nabigla ako sa pagdating1 mo." Bulong ni Celine habang hawak ang kanyang tiyan. "Masaya ako kahit hindi ko ito inaasahan. Huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan."Bumuntong-hininga muna si Celine bago niya pinaandar ang kanyang kotse. Sa kanyang condo muna siya ngayon uuwi. Nais niya kasing mapag-isa. Saka na niya sasabihin kay Erica ang kanyang kalagayan.Pagdating ni Celine sa kanyang condo ay naupo muna siya sa couch. Nakaramdam siya ng pagod at parang nais niyang matulog. Tumingin siya sa kayang wristwatch. Ayon doon ay mag-aalas tres na ng hapon. "Anak... umidlip muna tayo." Bulong ni Celine sa kanyang tiyan.Inalis ni Celine ang kanyang sandals at saka nahiga sa couch. At ilang sandali pa lamang ay nakatulog na siya.Sa mansyon ng pamilya Araneta..."Ate Z
"Hello, everyone." Bungad na pagbati ni Third Young Master Dave sa mga taong nasa silid ni Laura. "Nahuli ka na naman, Kuya Dave." Sagot ni Alyssa dito. "I know, and I'm sorry for that." Sabi nito. "Ang importante nakahabol ako. Nasaan na ba ang pamangkin ko?" "Narito na po siya." Sagot ng nars habang papasok ito sa silid karga ang isang sanggol. "Oh! There you are.' Excited na sabi ni Third Young Master Dave at kinuha ang sanggol mula sa nars. "Kuya Dave... baka mabitawan mo." "Brat... relaxed. Hindi ko siya mabibitawan." Sabi ni Third Young Master Dave sa kapatid. "He's right, brat." Sang-ayon naman ni Second Young Master Xander dito. "Sanay na sanay si Dave magkarga at mag-alaga ng mga bata. Noong maliit ka pa, siya ang madalas na nag-aalaga sa sa'yo." "You're right, Xander." Natatawang sabi ni First Young Master Kyle. "Natatandaan ko pa noon kung gaano kabilis patigilin ni Dave si Alyssa sa pag-iyak. Habang tayo ay hindi malaman ang gagawin." "Talaga?" Hindi makapaniwal