Pagkalabas ng private elevator nina Alyssa at Mark, dumiretso na kaagad sila sa venue ng final rehearsal. "Perry..." Tawag ni Alyssa sa organizer ng event. "Alyssa, my dear." Mabilis na lumapit si Perry kay Alyssa. "How are you?" "I'm fine, Perry." Sagot ni Alyssa habang nakikipagbeso-beso kay Perry. "Kinailangan ko lang magpahinga ng ilang araw." "That's good to hear, my dear." Sabi ni Perry. "Ikaw naman kasi...Hindi ba't sabi ko sa'yo na okay lang kahit hindi ka na magrehearse. Tuloy ganyan pa ang nangyari sa'yo." "Hindi, Perry. Alam mo namang..." "I know...It's against your principle, my dear." Sabi ni Perry habang pinanlalakihan ng mga mata si Alyssa. "Yeah. You know me well." Natatawang sabi ni Alyssa. "Maiba nga tayo, my dear, who's that hunk?" Tanong nito habang nakatingin kay Mark na kasalukuyang may kausap sa cell phone. "That's Mark." "Boyfriend mo??" "Hindi..." Sagot ni Alyssa. "Wala kasi si Jaycee kaya s'ya muna ang kasama ko ngayon." Paliwanag ni Alyssa. "Bestf
Nagmamadaling lumabas ng opisina sina Alyssa at Mark patungong elevator. Pagdating nila sa lobby, natanaw nila kaagad si Laura na nakaupo sa couch. "Ate..." Tawag ni Alyssa dito. "Alyssa..." Mabilis na tumayo si Laura mula sa pagkakaupo. "Bakit po, Ate? Ano po bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Alyssa. "Pumunta muna tayo sa ospital. At doon ko sasabihin sa'yo ang buong detalye..." Sabay napatingin si Laura sa likuran ni Alyssa. "Kasama mo pala si Mark." "Opo. Wala kasi si Jaycee kaya si Mark muna ang bodyguard ko ngayong araw." Paliwanag ni Alyssa dito. "Ganun ba. Sige, tayo na sa ospital." Sabi ni Laura at lumakad na ito papalabas ng lobby ng Yssa International. "Sasakyan ko na lang ang gamitin natin." "Ako na ang magdadrive." Mungkahi ni Mark. Sumakay na silang tatlo sa kotse. Katahimikan ang namagitan sa kanila habang papunta sa ospital. Pagdating nila sa ospital, nakaabang na roon si Zari. "Ate Zari??" "Mabuti't narito na kayo." Bungad na sabi ni Zari sa kanilang tat
Sa isang luxury condonium... "In two days' time, Globe Fashion Week will be started. Marcus, kailangang maisakatuparan na ang ating mga plano," sabi ni Katrina. "Yes, Boss." "Sabihan mo ang mga tao mo na ayusin ang mga trabaho nila. Dahil kung hindi mananagot sila sa akin." "Yes, Boss." At nagmamadali na itong umalis. "Tingnan lang natin ngayon kung makakaligtas ka pa, Alyssa." Nakangising bulong ni Katrina. Sa Amore'... "Sa inyong lahat na naririto ngayon, alam ko kung gaano kayo kabusy sa araw-araw. Kaya lubos kaming natutuwa at nagpapasalamat na mag-asawa na nagawa n'yo kaming samahan sa mga oras na ito para i-celebrate ang isang napakagandang balita." Panimula ni First Young Master Kyle. "Maraming salamat sa inyo." "Zari, salamat sa pagtulong mo sa akin. Kung hindi dahil sa'yo hindi ako maliliwanagan at hindi rin namin malalaman kaagad ang pagdadalangtao ko." Sabi ni Laura. "Oh! Its nothing. We are families here, right." Sagot ni Zari. "Tama! Dahil d'yan let's cheers to
Sa hardin ng mga Araneta... "Hija, is there something going on between you and Mark?" Biglang tanong ni Madam Elaine kay Alyssa habang nagdidilig ito ng halaman. "None, mom. We're just friends." Mabilis na sagot ni Alyssa sa kanyang ina. "Why mom?" "Nothing. I'm just curious. And besides wala namang masama kung magiging kayo ni Mark. He's single just like you." Nakangiting sabi nito. "Mom, nakakahiya naman kay Mark. Baka may makarinig." "Alam mo hija, ganyan din kami ng dad ninyo noon. We started as friends, then eventually became lovers." "Mom, sabi nga nila kung ukol di bubukol. We'll see." "Yeah." Sang-ayon ng kanyang ina. "Pero alam mo hija kapag naging kayo ni Mark, ako ang unang matutuwa." "Ikaw talaga, mom. Kung anu-ano pong naiisip n'yo." Natatawang sabi ni Alyssa. "Madam, kakain na raw po." Sabi ng isang kasambahay. "Susunod na kamo kami." Sagot ni Madam Elaine dito. Naroroon na ang lahat sa dining room ng pumasok ang mag-ina. Nakaupo sa kabiserang upuan si Master A
"How did you find out that I was there?" Biglang tanong ni Alyssa sa nagmamanehong si Mark. "I saw your car na papalabas ng mansyon matapos ang meeting namin ni Kyle. I asked Uncle Steve kung saan ka pupunta at kung may kasama ka bang bodyguard. Nang sabihin n'yang sa office at wala kang kasamang bodyguard kaagad na kitang sinundan." Paliwanag ni Mark. "Good thing ginawa ko 'yun. Dahil kung hindi napahamak ka na naman. Napakatigas kasi ng ulo mo." "Mark, I'm fine. Kaya huwag ka ng magalit. Saka kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko." "I know, sweetheart. Pero hanggat hindi pa nahuhuli ang mastermind sa mga nangyayari sa'yo, kailangan mo pa ring mag-ingat." "Okay. I won't do it again. I promise." Sabi ni Alyssa dito. "Kapag hindi puwede si Jaycee, you can call me. I'm willing to be your bodyguard." Seryosong sabi ni Mark. "I'll keep that in mind from now on." "Good." Napabuntong-hininga na lamang si Mark. "Saan nga pala kita ihahatid?" "Puwede bang sa penthouse?" Mabilis na s
"Ahh..." "Bang..." Nagising si Mark nang marinig niyang may lumagabog. Nagmamadali siyang bumangon at nagtungo sa katabing silid. "Alyssa..." Bungad na tawag ni Mark sa dalaga pagkapasok nito sa silid. "I'm here, Mark." Sagot ni Alyssa na nakaupo sa sahig. Sa tabi nito ay may basag na baso. "What happened to you?" Tanong ni Mark nang makalapit ito sa kanya. "Are you alright?" "Yeah. Patayo na kasi ako when I lost my balance. 'Yung injured side ko pala 'yung nagamit ko sa pagtayo. To regain my balance natabig ko 'yung baso at tuluyan na nga akong napaupo dito sa sahig." "Be careful next time. Buti na lang hindi mo naupuan 'yung mga bubog." Sabi ni Mark bago nito binuhat si Alyssa paupo sa kama. "I will. Thank you." Tumango lang si Mark bilang sagot sa sinabi ni Alyssa. Pagkatapos ay winalis nito ang mga nagkalat na bubog sa sahig. "By the way, how are you feelin'?" Tanong ni Mark sa dalaga sabay abot dito ng digital thermometer. Kinuha naman ni Alyssa ang thermometer at inilag
"Ouch...Shit!" Ang mga katagang ito ang nasambit ni Katrina matapos siyang maisalya ni Alyssa. Tumama ang kanyang kamay sa basag na vase kaya nasugatan siya. "Iyong balak na pagpatay sa akin 'nung isang araw, ikaw ba ang may kagagawan 'nun?" Humihingal na tanong ni Alyssa dito. "Oo. Kaso ang mga tangang 'yun hindi ka nagawang patayin." Sagot ni Katrina habang pinupunasan ang dugo sa kanyang kamay. "Iyong pagkidnap sa akin, ikaw rin ba ang may gawa 'nun?" Muling tanong ni Alyssa dito. "Hindi. Wala akong kinalaman doon. Marahil may ibang tao pa ang nagnanais na mawala ka bukod sa akin." Nakangiting sabi ni Katrina. "Young Miss...Young Miss..." Tawag ni Jaycee kay Alyssa ng marinig nito mula sa labas ang tunog ng mga nabasag na vase. Nakalock ang pinto ng dressing room kaya hindi ito mabuksan ni Jaycee. "I'm alright, Jaycee. Don't worry too much." Sagot ni Alyssa mula sa loob. Nang marinig ni Jaycee ang sagot ni Alyssa alam niyang nasa panganib ito at pilit lang siya nitong pinaka
Nagsimulang rumampa si Alyssa sa stage. Nakasuot siya ng isang itim na evening gown na napapalamutian ng isang kulay pilak na peacock brooch. Habang ang kanyang mahabang buhok ay nakalugay naman at may kaunting kulot sa dulo. Habang naglalakad si Alyssa sa gitna ng stage, marami ang humanga sa kanya. Dahil ito sa aura n'yang nagtataglay ng kumpiyansa sa sarili at pagka-elagante. Ang paraan niya ng paglalakad ay hindi kakikitaan ng anumang problema. Hindi mo nga aakalain na ang kaliwang binti pala n'ya ay injured. Matapos mag-pose ni Alyssa sa kaliwa, kanan at gitna ng stage, iniwanan niya ang audience ng isang matamis na ngiti. At lumakad na s'ya pabalik sa backstage. "Alyssa..." Nag-aalalang lumapit si Mark dito. "I'm fine, Mark. Don't worry. I just want to sit for a while." Sabi ni Alyssa kay Mark. Inabot ni Jaycee ang isang upuan kay Mark upang makaupo si Alyssa. "Salamat sa tulong inyong dalawa." Sabi ni Alyssa kina Mark at Jaycee. "Wala po 'yun, Young Miss. Ang mahalaga ay
"Magandang araw, Young Miss.""Magandang araw, Sir Mark." Bati ng mga kasambahay sa kanilang dalawa."Dumating na ba ang mga kapatid ko?" Tanong ni Alyssa sa isa sa mga kasambahay."Bukod tanging ang Third Young Master at si Miss Celine pa lang ang naririto, Young Miss.""Talaga!" Masayang reaksyon ni Alyssa. "Where is Celine? Kasama ba ni Kuya Dave?""Nagpapahinga siya sa silid ko, brat." Bungad na sagot ni Third Young Master Dave habang pababa ito sa grand staircase."Kuya Dave..." Lumapit si Alyssa dito at yumakap. "Good thing at okay na talaga kayo ni Celine.""Yeah.""I'm happy for you, Kuya Dave." "Thanks, brat.""By the way, where's mom?" Tanong ni Alyssa."She's in the kitchen." Sagot nito saka bumulong. "Brat, masama na ang tingin sa akin ni Mark.""Kuya... he's not jealous of you."Natawa si Third Young Master Dave. "Are you sure? Eh, parang any minute ay titimbuwang na lang ako dito."Natawa na rin si Alyssa sa sinabi nito. "Maiwan ko na nga kayong dalawa. I'll look for mo
"Hello..." Sagot ni Alyssa sa kabilang linya. Kasalukuyan silang nasa loob ng private elevator ni Mark ng tumawag ang secretary niyang si Grace. "Ipapakuha ko na lang kay Jaycee mamaya... okay... umhh... alright... bye."Matapos ibaba ni Alyssa ang tawag na iyon, katahimikan ang bumalot sa paligid. Nakakailang na katahimikan. Feeling ni Alyssa nasu-suffocate siya. Para kalmahin ang sarili, dahan-dahan siyang huminga ng malalim. Inhale. Exhale.Nang kalmado na siya, pinakiramdaman niya si Mark. Chill lang itong nakatayo sa tabi niya habang nagpipipindot sa cell phone nito. Napaismid si Alyssa."Kaasar 'tong lalaki na 'to." Bulong niya sa sarili. "Sobra na nga ang pagka-akward ko dito, samantalang siya walang pakialam. Kainis...""Are you saying something, sweetheart?""Wala." Mabilis na sagot ni Alyssa. "Bakit ba ang bagal yata ng elevator ngayon?"Natawa at napapailing na lang si Mark sa sinabi niya.Sa mansyon ng mga Araneta..."Celine... hija, how are you?" Bungad na tanong ni Madam
Ding Dong! Ding Dong!"Are you expecting someone?" Tanong ni Alyssa kay Mark ng marinig ang tunog ng doorbell."That must be Simon." Sagot ni Mark. "Sweetheart, pagbuksan mo naman s'ya. Tatapusin ko lang 'to." Kasalukuyan silang nagliligpit ng pinagkainan noon."Sure." Sagot ni Alyssa saka tumalima patungo sa main door. Bago binuksan ni Alyssa ang pinto ay tumingin muna siya sa monitor. Kita kasi roon kung sino ang taong nasa labas. Si Simon nga iyon. Pinindot ni Alyssa ang passcode ng pinto saka ito binuksan."Simon... pasok ka." "Magandang araw, Young Miss." Bati nito."Magandang araw din. Nasa kusina si Mark. Doon ka na dumiretso." Sabi ni Alyssa dito. "Didiligan ko lang sandali itong mga halaman."Tumango lamang si Simon at nagtungo na sa loob."Master Clyde..." Bati ni Simon kay Mark ng makita niya ito sa kusina. Lumingon si Mark sa kanya."Anong bago?" "Narito na po ang resulta ng DNA testing?" Saka inabot ni Simon ang isang brown envelope. Mabilis na binuksan ni Mark ang env
"Jaycee... huwag mo na akong sunduin. Nandito na ako sa parking lot ng Le Grande. Sa penthouse na lang muna ako tutuloy ngayong gabi." "Sige, Young Miss." "Tatawagan na lang kita bukas ng umaga kapag magpapasundo na ako." "Noted, Young Miss." Matapos ibalik ni Alyssa ang kanyang cellphone sa bag ay lumabas na siya sa kanyang kotse. Akmang isasara na niya ang pinto ng maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Nakita niya mula sa reflection ng bintana ng kanyang kotse na may taong papalapit sa gawing likuran niya. Nakasuot ito ng itim na face mask at jacket na may hood. Marahan niyang isinara ang pinto at nagpanggap na hindi ito napansin. Mabilis na sinugod siya nito. Ngunit alerto naman niyang nailagan. May hawak pala itong patalim. Tumama ang patalim sa bintana ng kanyang kotse. "Sinong nag-utos sa'yo na gawin ito?" Tanong niya dito. Hindi ito sumagot bagkus ay muli na naman siyang inundayan ng patalim. Sa pagkakataong iyon, lumaban na siya. Pinatamaan niya ng isang malakas na si
"Master Clyde." Bati ni Simon sa kanya bago nito iniabot ang isang folder. "Iyan ang lahat ng impormasyong nakalap ko." Kaagad na binuklat at binasa niya ang nilalaman ng folder. "May alam si Uncle George?" "Yes, Master Clyde. Kaya mas makabubuti kung personal n'yo siyang kakausapin tungkol dito." Mabilis na tumayo si Mark mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. "Before I go, ask someone to look for Alyssa." "Yes, Master Clyde." Sa mansiyon ni Master George... "Master, a man named Mark Montenegro was looking for you." "Have him in." "Yes, Master." Makalipas ang limang minuto ay natanaw na nga niya si Mark na papalapit. "Uncle George." Bati ni Mark sa kanya. "Mark." Ganting bati niya dito. "Have a seat." Muwestera niya dito na maupo. "What can I do for you?" "Uncle George, I need to talk to you." "Alright." Sagot niya dito. "Bring it on." Mataman niyang tiningan si Mark. Kita niya sa facial expression nito na importanteng bagay ng kanilang pag-uusapan. Inabot sa kanya
"Hey! What happened?" Nag-aalalang tanong ni Alyssa. She was on another commitment during the accident happened. Kaya nagmamadali siyang nagtungo sa ospital ng malaman niya ang nangyari kay Celine. "One of the girls accidentally pushed her. Tumama ang tiyan niya sa kanto ng mesa. Then... then, I saw some blood in between her legs." Garalgal ang boses na kuwento ni Erica. Halatang pinipigilan lang nitong umiyak sa harap niya. "Good thing, Third Young Master Dave passed by. He helped us." "Thanks, God." Sambit ni Alyssa. "Ate Alyssa... is Ate Celine pregnant?" Tanong ni Erica. Tumango si Alyssa bilang tugon dito. "Bakit hindi niya sinabi sa akin?" "She was about to." Sagot ni Alyssa sabay buntong hininga. "After daw ng fashion show niya sasabihin sa'yo. Busy ka daw kasi sa preparation kaya ayaw niyang sumabay." "Si Ate talaga..." "Alam mo naman ang ugali ng Ate mo? Hindi ba?" "Yeah. Matigas ang ulo." Sagot ni Erica. "Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" Mayamayapa'y tanong ng n
Niyakap na lamang ni Alyssa si Celine bilang tanda ng pakikisimpatya at pagbibigay ng suporta dito. Ang suporta niya bilang kaibigan na laging maaasahan ay malaki ang maitutulong sa aspetong emosyonal nito sa ngayon lalo pa at nais ni Celine na palakihin ang anak nito ng mag-isa. "Thanks, Yssa." Sabi ni Celine. "Ano ka ba. Wala iyon." Sagot ni Alyssa dito. "Magkaibigan tayo at magiging inaanak ko ang batang iyan. Nasabi mo na rin ba kay Erica ang tungkol dito?" "Hindi pa. Pero alam niyang nagpakonsulta ako." Sabi ni Celine. "Sa mga susunod na araw ko na lang sasabihin sa kanya. Masyado pang busy si Erica sa fashion show para abalahin ko pa." "Kumain na nga lang tayo." Sabi ni Alyssa. "My treat." Kinabukasan sa Araneta Shooting Range... Maaga pa lamang ay abala na si Third Young Master Dave. Marami siyang kailangang i-review at pirmahang dokumento. Ilang araw din kasi siyang hindi nakapunta sa opisina dahil sa iba pa niyang aktibidad. "Third Young Master..." "Yes?" "Nakagayak
"You're nine weeks pregnant."Paulit-ulit sa isipan ni Celine ang sinabing iyon ni Doktora Mendoza. Ngayon pa lamang nagsi-sink in sa kanya ang mga katagang iyon matapos siyang lumabas sa clinic nito."Anak... s1orry kung nabigla ako sa pagdating1 mo." Bulong ni Celine habang hawak ang kanyang tiyan. "Masaya ako kahit hindi ko ito inaasahan. Huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan."Bumuntong-hininga muna si Celine bago niya pinaandar ang kanyang kotse. Sa kanyang condo muna siya ngayon uuwi. Nais niya kasing mapag-isa. Saka na niya sasabihin kay Erica ang kanyang kalagayan.Pagdating ni Celine sa kanyang condo ay naupo muna siya sa couch. Nakaramdam siya ng pagod at parang nais niyang matulog. Tumingin siya sa kayang wristwatch. Ayon doon ay mag-aalas tres na ng hapon. "Anak... umidlip muna tayo." Bulong ni Celine sa kanyang tiyan.Inalis ni Celine ang kanyang sandals at saka nahiga sa couch. At ilang sandali pa lamang ay nakatulog na siya.Sa mansyon ng pamilya Araneta..."Ate Z
"Hello, everyone." Bungad na pagbati ni Third Young Master Dave sa mga taong nasa silid ni Laura. "Nahuli ka na naman, Kuya Dave." Sagot ni Alyssa dito. "I know, and I'm sorry for that." Sabi nito. "Ang importante nakahabol ako. Nasaan na ba ang pamangkin ko?" "Narito na po siya." Sagot ng nars habang papasok ito sa silid karga ang isang sanggol. "Oh! There you are.' Excited na sabi ni Third Young Master Dave at kinuha ang sanggol mula sa nars. "Kuya Dave... baka mabitawan mo." "Brat... relaxed. Hindi ko siya mabibitawan." Sabi ni Third Young Master Dave sa kapatid. "He's right, brat." Sang-ayon naman ni Second Young Master Xander dito. "Sanay na sanay si Dave magkarga at mag-alaga ng mga bata. Noong maliit ka pa, siya ang madalas na nag-aalaga sa sa'yo." "You're right, Xander." Natatawang sabi ni First Young Master Kyle. "Natatandaan ko pa noon kung gaano kabilis patigilin ni Dave si Alyssa sa pag-iyak. Habang tayo ay hindi malaman ang gagawin." "Talaga?" Hindi makapaniwal