Share

Kabanata 6

Author: Maejin
last update Last Updated: 2022-09-04 22:23:49

Tahimik lang na nakaupo si Giovanni sa sedan na kinalululanan habang patingin-tingin naman sa kaniya sa salamin ang nagmamaneho niyon.

"Stop looking at him. Huwag mong takutin," natatawa namang wika ng katabi ng driver.

"Don't worry, I fear nothing. Kung ipapa-salvage niyo man ako ngayon, walang problema," seryoso namang sagot ni Giovanni.

Nagkatinginan at sabay na nagkatawanan ang driver at katabi nito.

"Mukhang magugustuhan ka ni boss," komento ng driver.

"Malayo pa ba tayo?" Pagkuwa'y tanong na lamang ni Giovanni.

"Actually, we're already here," sagot naman ng katabi ng driver.

Nagtatakang napatingin sa labas si Giovanni. Sarado ang mga bintana ng sasakyan dahil naka-aircon sila. Tinted din iyon kaya medyo may dilim ang nakikita niya sa labas. Nang sabihin ng lalaking malapit na sila ay nagtaka lamang siya dahil wala pa siyang nakikitang kahit anong bahay sa paligid. Open field iyon at kung susuriin niya ay parang malayo-layo pa ang kailangang lakbayin ng sasakyan bago makarating sa destinasyon nila.

"Ang balita namin, limang taon ka ng truck driver sa isang warehouse rito. Hindi mo ba naririnig ang Baldini Family?" tanong ng nagmamaneho.

"Wala akong masyadong alam sa mga tao na may apelyidong Baldini. Pero ang mga sikat na kompanya, business, pati na rin iyong casino ay madalas kong marinig," sagot ni Giovanni.

Napansin ni Giovanni na medyo bumagal ang takbo ng sasakyan. Bumukas naman ang bintana sa side ng nasa shotgun seat at inilabas nito ang kanang kamay saka kumaway. Nakita niyang may isang malaking gate na bumukas at may mahigit limang malalaking lalaki ang nakabantay doon. Wala siyang makitang armas na nakasuksok sa tagiliran o nakasukbit sa balikat ng mga lalaki. Ang isa pa niyang napansin ay ang lalaking nasa loob ng isang tila guard house na may kausap sa cellphone habang nakatingin sa kanila. Duda niya ay itinatawag na ng lalaki ang pagdating nila.

"Huwag kang mag-panic. Kailangan lang nilang i-check ang bawat sulok ng sasakyan. Ganoon talaga kapag may bagong papapasukin sa mansiyon," baling ng nagmamaneho kay Giovanni.

Kusa ngang nag-unlock ang pinto sa kinauupuan ni Giovanni. Binuksan lahat ng apat na pinto ng sasakyan at sumilip ang mga bantay sa gate, ultimo sa paanan niya ay sumilip ang mga ito. Pagkatapos ay bumukas naman ang pinto sa likod ng sasakyan upang iyon naman ang isunod na i-check.

"Clear," dinig ni Giovanni na saad ng lalaking may cellphone sa tainga.

"By the way, kanina mo pa pala kami kasama pero hindi pa kami nagpapakilala. Just call me Ramo, short for Abramo. Ito naman si Dante," pagpapakilala ng lalaking nasa shotgun seat.

"Gio," tipid na tugon ni Giovanni bago muling sumara ang pinto ng sasakyan.

Umandar na muli sila at tantiya ni Giovanni na humigit-kumulang sa kinse minutos pa ang itinakbo nila bago sila nakarating sa isa pang gate kung saan may nakasulat sa itaas niyon na Baldini Mansion.

"Nandito na tayo," saad ni Ramo.

Napabuntonghininga pa si Giovanni nang i-check pa rin ng mga bantay sa gate na iyon ang loob ng sedan na kinalululanan. Kung ano ang ginawa sa unang gate kanina ay ganoon din ang ginawa ulit ngayon. Napagtanto niyang hindi nga basta-basta mapapasok ng kalaban ang mansiyon ni Lucca. At kung mapasok man, sa unang gate pa lang ay malalaman na kaagad at makakapaghanda na ang mga nasa mansiyon. Tiyak niya ring may escape route si Lucca sa mansiyon na iyon kung sakali man.

"Sa library niyo raw siya dalhin, 'wag sa mismong mansiyon," wika kay Ramo ng isang nagbabantay sa gate.

Naglikot ang mga mata ni Giovanni sa paligid. Napakaluwang niyon. Mula roon ay may natatanaw siyang mataas na bahay at duda niyang iyon ang mansiyon na tingin niya ay may fifty meters pa ang distansiya mula sa kinaroroonan niya. Natatabunan din iyon ng ilang mga puno kaya hindi masyadong kita ang kabuuan at may iba pang bubong siyang nakikita bago ang mga punong tumatabon sa kalahati niyon.

"Baba na," tawag ni Ramo kay Giovanni.

Nakapagpark na sila at nang bumaba si Giovanni ay isa iyong maluwang na parking lot.

"Sumunod ka lang sa amin," saad naman ni Dante na iniayos pa ang kaniyang sinturon kaya nasulyapan ni Giovanni ang baril nito sa tagiliran.

Bukod kina Ramo at Dante ay may tatlo pang nakabuntot kay Giovanni habang naglalakad sila.

"Ganoon pala kadami ang bantay ng mga Baldini?" sambit ni Giovanni habang naglalakad.

Ngumiti lang si Ramo at Dante.

Ilang sandali pa ay huminto na sila sa paglalakad. Nasa tapat na sila ng isang kulay orange na pinto at nang bumukas iyon ay iniluwa si Carlo na matiim kaagad ang titig na ibinigay kay Giovanni.

"You must be Gio Ricci," wika ni Carlo.

Ramdam ni Giovanni ang lamig ng boses ni Carlo ngunit nanatiling kalmado ang kaniyang mukha.

Tinanguan naman ni Carlo si Ramo hudyat na papasukin na si Giovanni at tumalikod na ito sa kanila.

"Sige na, pumasok ka na. Hindi na kami kasama sa loob. Nandiyan sa loob si boss, naghihintay sa 'yo," nakangiting ani Ramo kay Giovanni.

Nang makapasok na si Giovanni sa loob ay muling naglikot ang kaniyang mga mata. Sa magkabilaang gilid ay mayroong book shelves na puno ng mga libro. Mahaba ang pasilyong iyon at sa dulo ay isang clear na bintana na mistulang pinto sa laki. Ipinagtataka niya pa na kaybilis nawala ni Carlo samantalang halos kasunod naman siya. Sa haba ng pasilyong iyon dapat ay tanaw niya pa ang lalaki. Pagkarating niya sa dulo ay parehong pwedeng lumiko sa kanan o kaliwa, ang tanong lang ay kung saan ba siya tamang pupunta.

"Sa wakas ay makikita ko na rin ng malapitan ang mukha ng taong nagligtas sa buhay ko at sa nag-iisang babae ng buhay ko."

Napalingon si Giovanni sa kanan kung saan nanggaling ang boses. Nakilala niya kaagad si Lucca, ngunit kailangan niyang ipakitang nagtataka ang kaniyang mukha.

"Mukhang hindi mo kaagad ako namukhaan base sa reaksiyon mo," mahinang tumawa si Lucca pagkatapos ay naglakad ito palapit kay Giovanni.

"I'm Lucca and it's nice to finally meet you, Gio Ricci, the truck driver who saved me from death," paglahad ni Lucca ng kamay.

Tinitigan muna ni Giovanni ang palad ni Lucca.

"It's okay, I'm harmless to kind people," pagngiti ni Lucca.

"Sorry, I don't mean to be rude," mabilis na ngang kinamayan mi Giovanni si Lucca.

"Your english is good," komento ni Lucca.

"Kahit papano ay nakapag-aral din ako at isa ang english sa paborito ko. Hinasa ko talaga ang sarili ko sa paggamit ng salitang Ingles at Italian dahil na rin sa trabaho ko. Marami kasi akong nakakasalamuhang may iba't-ibang gamit na salita," mabilis na pagpapaliwanag ni Giovanni. Bago pa siya pumunta roon ay nakahanda na ang lahat ng sasabihin niya. Alam niyang konklusyon kaagad ni Lucca na mahirap lamang siya kaya't maaari nga nitong kuwestiyonin ang iba pa niyang kakayanan.

"Follow me, please," nakangiti pa ring wika ni Lucca bago ito nagpatiunang maglakad.

Muling inilibot ni Giovanni ang paningin sa paligid. Hindi niya kailangang ilihim ang pagmasid sa loob niyon dahil alam niyang iisipin lamang ni Lucca na namamangha siya na makakita ng ganoon kaganda at kaluwang na library. Ngunit ang tunay na pakay naman ng paglibot niya ng tingin ay upang makabisado ang loob niyon. Duda niya rin may secret passage roon na maaaring siyang pinasukan ni Carlo kanina kaya nawala kaagad ito sa pasilyo.

"Sit down, please," untag ni Lucca kay Giovanni na abala sa pagtingin sa paligid.

Naupo si Lucca sa isang couch na naroon at si Giovanni naman ay sa sofa naupo. Mula sa kinauupuan niya ay may kaharap pa siyang isang sofa at sa bandang kaliwa niya naman ay ng couch na kinauupuan ni Lucca. Mayroon ding center table kung saan may isang librong nakapatong doon na nakabuklat.

"This is where I go everytime I want to read," sambit ni Lucca.

Sa likuran ng couch na kinauupuan ni Lucca ay mayroong lamesa at swivel chair. Nahulaan kaagad ni Giovanni na working space iyon ni Lucca dahil mayroong mga gamit sa ibabaw ng lamesa katulad ng mga papel, ballpen, at mga folder.

"David's here, Kuya Lucca."

Sabay na napalingon sina Giovanni at Lucca kay Carlo na lumitaw sa pinanggalingan nilang dalawa. Naisip na kaagad ni Giovanni na dahil sa bandang kaliwa sila pumunta ni Lucca, marahil ay sa kanang bahagi nanggaling sina Carlo papunta nga roon sa kung nasaan sila ngayon ni Lucca. Palaisipan sa kaniya kung ano ba ang makikita sa kanang bahagi na iyon mula sa mahabang pasilyo na tinahak niya.

"Come on, you two. Sit down here with us," pag-aya kaagad ni Lucca kina Carlo at David.

Sa kabilang sofa naupo sina Carlo at David kung saan kaharapan nga nila si Giovanni.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Gio. Gusto kong ipakilala sa 'yo sina Carlo at David. Si Carlo, kapatid ko, at si David naman ang aking kanang kamay o tagapayo ko na rin," saad ni Lucca. "At ipinatawag kita rito dahil gusto kong baguhin ang buhay na kinagisnan mo," dagdag pa nito.

Lihim na napangiti si Giovanni. Natiyak niya ng umaayon ang plano niya sa itinatakbo ng usapan.

"Anong ibig ninyong sabihin?" kunwa ay tanong ni Giovanni kahit na alam na nito ang sasabihin ni Lucca.

"I want you to become my personal bodyguard. At ang sahod mo ay hindi mo kikitain sa loob ng isang taon hanggang limang taon sa pagiging truck driver mo," mabilisang sagot ni Lucca.

Kung si Carlo ay nagngingitngit ng lihim, si Giovanni ay lihim ng nagdidiwang sa mga naririnig dahil mag-uumpisa na ang pagsalakay niya sa mga Baldini...

Related chapters

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 7

    Tahimik lang na nakasunod si Giovanni kay Lucca. Nasa Baldini Mansion siya ngunit dadalhin pa lamang talaga siya ni Lucca sa loob ng mansiyon. Kahapon lang nang kausapin siya ni Lucca sa library upang kunin siyang personal bodyguard. Walang patumpik-tumpik niya iyong tinanggap, hindi niya kailangang magpanggap na kunwari ay ayaw niya. Ipinakita niya lang na nasilaw siya sa alok nitong pasahod at sinabi pa nga niya rito na maligaya siyang makaalis na sa pagiging truck driver sa loob ng halos limang taon."Masasanay ka na rin sa layo ng nilalakad mula sa gate. Kapag nasa library lang naman tayo o sa iba pang sulok dito. Kapag naman galing tayo sa labas, deretso na sa parking malapit sa mansiyon ang sasakyan natin," nakangiting basag ni Lucca sa katahimikan habang naglalakad kasama si Giovanni at tatlo pang naglalakihang mga lalaki na pawang armado. "Bihira lang ang nakakapasok sa mansiyon at kasama ka sa bihirang iyon. Ang karamihan sa mga tauhan ko ay doon malapit sa gate ang tulugan o

    Last Updated : 2022-09-06
  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 8

    Habang pababa sa hagdanan si Giovanni ay nagliikot din ang kaniyang mga mata. Kailangan niyang kabisaduhin ang bawat sulok ng kabahayan. Isa sa mga gusto niyang madiskubre ay ang mga secret passage at mga emergency exit para kay Lucca. Kailangang alam niya iyon para kapag dumating na ang araw na lulusubin na nila ang Baldini Mansion ay matitiyak nilang hindi makakatakas si Lucca. Mahaba-haba at matinding pakikipaglapit pa kay Lucca ang kailangan niyang magampanan."Gio, kanina ka pa namin hinihintay bumaba. Hindi ka na namin inistorbo dahil baka napasarap talaga ang pagtulog mo."Nasa huling baitang na si Gio nang marinig niya ang boses ni David. Kung alam lang sana ng lalaki na hindi naman talaga siya nakatulog. Hindi siya nasarapan sa malambot na kama kung iyon ng ibig sabihin ni David. Kung ikukumpara sa kaniyang mansiyon, alam niyang mas maganda talaga ang sa mga Baldini, ngunit kahit gaano pa iyon kaganda, hindi niyon matatakpan ang dumi at kasamaan ng isang Baldini."Oo nga, pas

    Last Updated : 2022-09-06
  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 9

    Malakas na tugtog ang sumalubong kina Giovanni sa pagpasok nila sa casino. Sa bawat sulok ay mayroong mga naglalaro na mahahalatang malalaking tao o mayayamang personalidad. Nagkalat din ang mga waitress na ang suot ay kasuotan ng isang katulong. Ngunit di tulad sa normal na uniporme ng mga katulong na nakikita niya noon sa Pilipinas, ang mga naroon ay maiigsi ang tela ng kanilang uniporme. Kulay dilaw iyon na may malalim na neckline, maigsi ang pagkabestida na masisilip kaagad ang suot nilang mga underwear. Hanggang tuhod din ang kulay dilaw nilang mga medyas at mataas ang takong ng mga sandals na gamit nila. Makakapal din ang kanilang make-up. Ang iba sa mga ito ay nakatali ang buhok, may nakalugay, may maiigsi lamang, at ang tanging pagkakapareho ay ang kulay ng mga buhok nila—dilaw."Look at them, Gio. You can pick any of these girls. They're good to be with. And don't worry, wala silang mga sakit," biglang sabi ni David nang mapansin nitong sinusundan ng tingin ni Giovanni ang ba

    Last Updated : 2022-09-07
  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 10

    Nayupi sa mga palad ni Giovanni ang soda can na hawak-hawak habang nakaupo at pinapanood ang balita. Naroon siya sa kaniyang kuwarto at naghihintay na lamang na sumapit ang alas otso nang gabi. Araw iyon ng Biyernes at bukas, Sabado, ay ang nag-iisa niyang day-off na ibinigay ni Lucca. Hindi na siya roon magpapaabot nang umaga kaya naman aalis na siya mamaya. Ihahatid siya ng isa sa mga driver-tauhan ni Lucca kaya hindi rin siya makakaderetso sa kaniyang mansiyon. Doon sigurado ihahatid sa mga peke niyang mga magulang at hihintayin na lamang niyang makaalis ang maghahatid sa kaniya upang makauwi naman siya at makausap na sina Luigi at Arturo."You're a real devil, Carlo..." anas niya sa sarili.Ang napapanood niya kasi sa balita ng mga sandaling iyon ay tungkol sa natagpuang patay na babae sa isang abandonadong lugar na dating junk shop. Ayon sa balita, dalawang araw ng patay ang babae at nangamoy lang ito kaya napansin. Ang ikinagagalit niya ay dahil iyon ang babaeng nakita niya sa c

    Last Updated : 2022-09-08
  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 11

    Walang sinayang na oras si Giovanni pagkaalis ng naghatid sa kaniya sa lugar kung saan inaakala nina Lucca siya nakatira. Iyon ang peke o front niya kina Lucca."Aalis na rin po ako kaagad. Hanggang bukas lang ako nang gabi kaya importanteng makausap ko kaagad sina Luigi," aniya sa kunwari niyang mga magulang. Ang mga ito ay miyembro rin ng Rosso at napagkakatiwalaan niya rin. Parte na sa plano nila ang sitwasyong iyon. Ang identity nila ay hindi pagdududahan dahil talagang matagal na ang mga ito roon sa Italy. Habang nasa Pilipinas siya at sina Luigi ay narito na talaga sa Italy ang mga kunwari niyang magulang. Ang tungkol naman sa pagiging truck driver niya ng ilang taon ay kasama na sa inasikaso noong nasa Pilipinas pa siya."Naroon na si Harold, naghihintay," tumayo sa pagkakaupo sa wheelchair si Carlo, ang kunwaring ama niya. Kasama sa pagpapanggap ang pagkakawheelchair nito upang mas kapani-paniwalang wala talaga silang pera o yaman."Maraming salamat po. Ako na ang bahala. Tawa

    Last Updated : 2022-09-10
  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 12

    Pababa noon si Giovanni sa hagdanan nang mamataan niya si Daria na mukhang papunta sa kusina. Napatingin siya sa suot na relo at saka niya na-realize na sa ganoong oras tuwing umaga ay madalas ngang magpunta ng kusina ang babae. Halos kapareho niya ang oras nito kung saan nagpupunta rin siya sa kusina para naman magkape. Ilang araw na rin siyang naiinip sa tahimik na nagyayari sa mansiyon. Bihira lang kasing magpunta si Lucca sa casino at madalas ay sina Carlo o kaya ay si David ang nagpupunta roon. Hindi naman siya makasama dahil ang trabaho niya nga ay manatili kung nasaan si Lucca. Sa ilang araw niya rin doon ay wala pa rin siyang natutuklasang kahit ano."Good morning, Gio."Napalunok siya nang marinig kaagad ang boses ni Daria. Hindi pa nga siya tuluyang nakakapasok sa kusina ay nabati na siya nito."G-good morning..." ganting bati na lamang niya rito.Ngumiti si Daria bago ito lumabas bitbit ang isang basong may lamang fresh milk. Ngunit hindi nakaligtas sa kaniya ang mugtong ma

    Last Updated : 2022-09-11
  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 13

    Kasalukuyang nakahiga si Giovanni at malalim ang iniisip nang makarinig siya nang mahihinang katok sa pinto. Hindi naman siya nag-aksaya ng oras at mabilis siyang tumayo upang buksan iyon sa pagbabakasakaling si Lucca na iyon. But he's wrong because it's Daria. She was looking at him with sadness in her eyes. Pero ngumiti sa kaniya ang babae na para bang pinagtatakpan ang lungkot sa mga mata nito."M-may kailangan ka?" parang gusto niyang lumubog na lang sa kinatatayuan dahil sa klase ng tanong niya."Ahm... W-wala naman..." bahagyang lumunok si Daria na para bang kumukuha ng lakas ng loob. "I-I just want to apologize tungkol sa way ng pagsagot ko sa 'yo kanina," sinsero nitong sabi."N-no, no... It's okay, Daria. N-no n-need to apologize," tumikhim siya nang bahagya sa pagbabakasakaling aayos ang pananalita niya sa harapan ng babae."Actually, si Lucca, minsan talaga sa isang buwan ay umaalis siya nang siya lang. I don't even know kung saan siya pumupunta. Basta't ang alam ko lang ay

    Last Updated : 2022-09-13
  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 14

    Ginising si Giovanni ng mga katok sa kaniyang pinto. Nagtatakang napatingin siya sa orasan. Ala-una nang madaling-araw at ngayon lang nangyari na may kumakatok sa kaniya nang ganoong oras. Bumaba siya sa kama at mabilis na binuksan ang pinto. He was expecting that it could be Lucca, but he was surprised that it was Daria."D-daria?" nagtatanong ang mga mata niya rito."I-I'm s-sorry... Can I come in first?" mababakas sa mukha ni Daria ang hindi maipaliwanag na kaba o takot.Dahil nag-alala rin siya sa ipinakitang ekspresyon ni Daria, niluwagan niya ang pagkakabukas sa pinto hudyat na pinapapasok niya ito. Nakasuot lamang ito ng itim at may kanipisang bestida. Nakayakap ito sa sarili bago naupo sa gilid ng kama niya."M-may nangyari ba? Dumating na ba si Boss Lucca? N-nag-away ba kayo? B-baka kung anong isipin niya kapag nalaman niyang nandito ka..." sunod-sunod na tanong niya kay Daria.Sunod-sunod naman na umiling si Daria sa kaniya. "He's still not here... H-hindi ko alam, pero nata

    Last Updated : 2022-09-14

Latest chapter

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 21

    Nakangiting sinalubong ni Giovanni si Lucca. Umaga noon at sinabihan siya ni David gabi pa lamang na darating na nga si Lucca at kailangan niya umanong maghanda dahil isasama siyang muli sa casino. Tingin niya ay iyon na ang simula ng sinasabi sa kaniyang sasanayin na siya sa casino."Welcome back, boss," ang salubong ni Giovanni.Tinapik lang naman ni Lucca sa balikat si Giovanni bago ito nagtuloy sa silid nila ni Daria. Napasunod naman ng tingin si Giovanni at nakita niya ang paghalik at pagyakap ni Lucca sa babae nang bumukas ang pinto sa silid ng mga ito."Ayos ka na ba?"Kaagad na napalingon si Giovanni sa pagpasok naman ni David sa mansiyon kasama si Carlo.Tumango si Giovanni habang nakatitig kay Carlo. Bakas pa ang mantsa ng pagkakabugbog ni Lucca rito."Maghanda-handa ka na at mukhang malapit ka ng tuluyang pagkatiwalaan ni Lucca," wika ni David.Napakunot-noo si Giovanni."Come on, don't tell me... Ang alam mo ay pinagkakatiwalaan ka na nga talaga ni kuya?" taas naman ang ki

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 20

    Napabalikwas ng bangon si Giovanni nang mayroong kumatok sa pinto ng kaniyang kuwarto. Kinakabahan siya sa isiping si Daria iyon. Mula kasi nang malaman niya kaninang umaga na wala si Lucca ay nagkulong na siya sa kaniyang kuwarto. Nais niyang iwasan muna si Daria. Hindi niya naman kasi kailangang bantayan si Daria dahil nasa loob sila ng Baldini Mansion. Tiyak na ligtas ang babae sa dami pa lang ng mga bantay.Dahan-dahang binuksan ni Giovanni ang pintuan at napalunok siya nang makumpirmang si Daria nga ang kumakatok."Are you avoiding me?" Iyon ang ibinungad ni Daria kay Giovanni."H-ha?" Alam man ni Giovanni ang ibig sabihin ni Daria ay nagtataka naman ito kung bakit nagawa ng huli na itanong iyon nang deretsahan sa kaniya."Nakakulong ka lang dito sa kuwarto mo mula pa kaninang umaga," blangkong wika ni Daria.Hindi alam ni Giovanni kung tama ba ang nakikita niya sa mga mata ng babae. Her eyes are burning and he can see sadness at the same time. Para bang may magkasalungat na pani

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 19

    Tahimik na nakamasid si Giovanni kina Lucca at Daria. Gabi na noon at kagagaling lang nila sa pinagpagawaan ng isusuot ni Daria para sa event ng casino."I told you, baby, ako ang bahala sa isusuot mo at hindi ako papayag na hindi ka magawan," nakangiting hinagkan ni Lucca sa labi si Daria habang nandoong nakamasid si Giovanni."Akyat na muna ako, boss," pagtikhim ni Giovanni dahil sa awkwardness na nararamdaman nito idagdag pa ang biglaang selos na sumigid sa kaniyang puso."Oh, yes, Gio! Nakalimutan ko ng andiyan ka!" Palatak ni Lucca habang napapatawa. "Thank you for accompanying Daria," anito pa."Walang anuman, boss. Ginagawa ko lang naman ang kung anong mga magagawa ko para sa inyo," sagot ni Giovanni.Tuluyan na ngang umakyat si Giovanni ngunit nagawa pa nitong tapunan ng tingin si Daria."Sa susunod ay huwag mo ng gagawin iyon, please. Natakot kaya ako kanina," dinig pa ni Giovanni ang malambing na boses na iyon ni Daria.Ang tungkol sa pinagpagawaan nila ng isusuot ni Daria a

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 18

    Iwas na iwas si Giovanni na mapatingin kay Daria habang nasa hapagkainan sila. Bihirang-bihira mangyari na magkasabay-sabay silang kumain at kanina pa niya gustong matapos."Siyangapala, Gio, magkakaroon tayo ng special event sa casino. Part of it is a car raffle and many more. Just to thank our loyal customers and newcomers as well. It will happen on your day-off. So, okay lang ba na huwag ka munang magday-off?" tanong ni Lucca sa kabila ng pagnguya.Hindi naman kaagad nakasagot si Giovanni. Bukod sa gusto niya sana munang makauwi at makapag-isip isip ay kailangang nakakausap niya sina Luigi linggo-linggo. Bilang pag-iingat kasi ay hindi niya tinatawagan sa cellphone sina Luigi. Sa lungga ni Lucca ay alam niyang doble dapat ang kanilang pag-iingat."We'll be needing you there, Gio. Sana ay huwag mong ipagkait ang isang day-off," bigla namang sabi ni David nang mapansin nitong hindi sumasagot si Giovanni.Pasimple namang tinapunan ng tingin ni Daria si Giovanni. Magkaharapan lang kasi

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 17

    Bahagyang natapon ang kapeng tinitimpla ni Giovanni sa kaniyang kamay nang marinig ang boses ni Daria mula sa kaniyang likuran."Good morning, Gio..." ang malamyos at malamig na boses ni Daria.Bahagya siyang napalunok. Tuwing dumarating sila ni Lucca galing casino ay dumederetso kaagad siya sa kaniyang kuwarto upang magpahinga. Sadya niya ng iniiwasan si Daria. Tuwing umaga naman ay maaga na siya kung magkape upang hindi rin makasabay si Daria sa kusina kaya naman hindi niya inaasahan ang paglitaw ng babae ngayon doon."D-Daria... I-ikaw pala," tangi niyang nasambit."I've never got the chance to see you again since you and Lucca stays at the casino everyday..." Wika ni Daria."U-uhm... Y-yes... N-nagpapahinga na kasi kaagad ako. M-medyo pagod ang k-katawan at lagi ng inaantok pagkauwi rito," mabilis naman niyang paliwanag."Oh, I see..." pagtango-tango ni Daria bago ito naglakad papunta sa kinatatayuan ni Giovanni upang kumuha ng baso.Halos pigil naman ni Giovanni ang paghinga. Amo

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 16

    Pinagmamasdan ni Giovanni ang ilan sa mga babaeng padaan-daan sa kaniyang harapan. Ang mga babaeng kung tawagin doon ay Angels. Ngunit mayroon siyang isang napansin na nagbago sa mga Angels. Hindi na maiigsi o nakakaakit sa ibang mga lalaki ang kasuotan ng mga ito. Pare-pareho na rin ang uniforms ng mga nandoon magmula sa waitress, cashier, slot attendant at iba pang employees na babae. Nakasuot na lamang ang lahat ng dilaw na turtle neck at may maliit na logo ang nakaburda sa bandang dibdib. Naka black wrap skirt na lang din sila na disenteng tingnan."Gio."Napatingin siya sa tumawag ng pangalan niya. He doesn't know the man but he remembers him. Isa ito sa mga tinatawag na casinos host doon na ipinakilala sa kaniya ni Carlo noong unang punta niya roon."Boss wants you to have these," malaki ang boses ng lalaki.Chips ang iniaabot ng lalaki sa kaniya."For what?" tanong niya pa rin kahit alam na niya kung para saan ang mga iyon."Magtatagal kasi si boss sa private office niya kaya p

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 15

    Nakatanaw sa bintana si Lucca habang hinihintay si David sa kuwarto nila ni Daria."D-Do you want me to leave when David arrives? Para may privacy—""Yes, please. We'll talk later about your stay in Gio's room," Lucca answered without looking at Daria."Okay," mahinang sagot ni Daria.Eksakto namang pagpihit ni Daria ay nakita niyang papunta na roon si David. Hindi niya na hinintay pang makapasok si David at lumabas na siya kaagad ng kuwarto."Close the door," saad ni Lucca nang makapasok na roon si David.David slowly closed the door as he sighed. Ramdam niya pa rin sa boses ni Lucca ang magkakahalong emosyon."He's alright now but he needs to stay in the hospital a little longer," wika ni David."Does dad already knows?" Tanong ni Lucca at hinarap na nito si David."It's Baldini's Hospital, Lucca. Doon pa lang ay may pakpak na ang balita. Hindi pa man tapos gamutin si Carlo ay nakalipad na ang balita kay Don Rocco," pagsagot naman ni David."He talked to you already, right?" patungk

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 14

    Ginising si Giovanni ng mga katok sa kaniyang pinto. Nagtatakang napatingin siya sa orasan. Ala-una nang madaling-araw at ngayon lang nangyari na may kumakatok sa kaniya nang ganoong oras. Bumaba siya sa kama at mabilis na binuksan ang pinto. He was expecting that it could be Lucca, but he was surprised that it was Daria."D-daria?" nagtatanong ang mga mata niya rito."I-I'm s-sorry... Can I come in first?" mababakas sa mukha ni Daria ang hindi maipaliwanag na kaba o takot.Dahil nag-alala rin siya sa ipinakitang ekspresyon ni Daria, niluwagan niya ang pagkakabukas sa pinto hudyat na pinapapasok niya ito. Nakasuot lamang ito ng itim at may kanipisang bestida. Nakayakap ito sa sarili bago naupo sa gilid ng kama niya."M-may nangyari ba? Dumating na ba si Boss Lucca? N-nag-away ba kayo? B-baka kung anong isipin niya kapag nalaman niyang nandito ka..." sunod-sunod na tanong niya kay Daria.Sunod-sunod naman na umiling si Daria sa kaniya. "He's still not here... H-hindi ko alam, pero nata

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 13

    Kasalukuyang nakahiga si Giovanni at malalim ang iniisip nang makarinig siya nang mahihinang katok sa pinto. Hindi naman siya nag-aksaya ng oras at mabilis siyang tumayo upang buksan iyon sa pagbabakasakaling si Lucca na iyon. But he's wrong because it's Daria. She was looking at him with sadness in her eyes. Pero ngumiti sa kaniya ang babae na para bang pinagtatakpan ang lungkot sa mga mata nito."M-may kailangan ka?" parang gusto niyang lumubog na lang sa kinatatayuan dahil sa klase ng tanong niya."Ahm... W-wala naman..." bahagyang lumunok si Daria na para bang kumukuha ng lakas ng loob. "I-I just want to apologize tungkol sa way ng pagsagot ko sa 'yo kanina," sinsero nitong sabi."N-no, no... It's okay, Daria. N-no n-need to apologize," tumikhim siya nang bahagya sa pagbabakasakaling aayos ang pananalita niya sa harapan ng babae."Actually, si Lucca, minsan talaga sa isang buwan ay umaalis siya nang siya lang. I don't even know kung saan siya pumupunta. Basta't ang alam ko lang ay

DMCA.com Protection Status