Tahimik lang na nakasunod si Giovanni kay Lucca. Nasa Baldini Mansion siya ngunit dadalhin pa lamang talaga siya ni Lucca sa loob ng mansiyon. Kahapon lang nang kausapin siya ni Lucca sa library upang kunin siyang personal bodyguard. Walang patumpik-tumpik niya iyong tinanggap, hindi niya kailangang magpanggap na kunwari ay ayaw niya. Ipinakita niya lang na nasilaw siya sa alok nitong pasahod at sinabi pa nga niya rito na maligaya siyang makaalis na sa pagiging truck driver sa loob ng halos limang taon.
"Masasanay ka na rin sa layo ng nilalakad mula sa gate. Kapag nasa library lang naman tayo o sa iba pang sulok dito. Kapag naman galing tayo sa labas, deretso na sa parking malapit sa mansiyon ang sasakyan natin," nakangiting basag ni Lucca sa katahimikan habang naglalakad kasama si Giovanni at tatlo pang naglalakihang mga lalaki na pawang armado. "Bihira lang ang nakakapasok sa mansiyon at kasama ka sa bihirang iyon. Ang karamihan sa mga tauhan ko ay doon malapit sa gate ang tulugan o nagsisilbi na ring bahay nila. Mayroon ding bantay sa library araw at gabi dahil maraming importanteng bagay doon na kami lang nina Carlo at David ang nakakaalam," dagdag pa ni Lucca na kumuha ng interes ni Giovanni."Nakakatakot pala kayong kalaban, boss, eh... Sigurado akong umurong na ang buntot ng nang-ambush sa inyo noong nakaraan," komento ni Giovanni.Ngumisi lang si Lucca."Itong mga maliliit na bahay na ito ay tirahan ng iba ko pang mga tauhan. Kung tatanungin mo ako, mahigit sa isang daan ang tao ko rito, hindi lang halata dahil maluwang ang lugar at hindi sila makalat dahil may kaniya-kaniya silang puwesto," pagturo ni Lucca sa kanan at kaliwa nila na pawang may maliliit lang ngunit naggagandahang bahay."Kahit alin sa mga bahay na 'to, boss, siguradong magugustuhan ko," masayang pahayag ni Giovanni. Sadya niyang pinasisigla ang mukha at ipinakikitang manghang-mangha siya. Kailangan niyang panindigan ang pagiging mahirap. Kung kinakailangang magtanga-tangahan siya sa ibang bagay ay gagawin niya upang makaiwas sa duda."Come on, Gio, you're not occupying any house in there," pag-iling ni Lucca.Kunwari naman ay nagtaka si Giovanni kahit na may idea na siya kung saan talaga siya balak paglagiin ni Lucca."Don't you always give me that face," chuckled Lucca. "As my personal bodyguard, gugustuhin kong nasa malapit ka lang. Iyong tipong hindi lilipas ang dalawang segundo bago ka makalapit sa akin," anito pa."Welcome, Gio!" maluwang ang pagkakangiting sinalubong sila ni David sa pintuan ng mansiyon.Malaki ang mansiyon na nasa harapan ni Giovanni. Kinailangan pa ngang lumabas ni David nang tuluyan upang makalapit sa kanila dahil mayroong mga apat na metro pa ang layo ng kinatatayan nila ni Lucca. Sa kinatatayuan kasi nila ay mayroong tatlong magkakatabing pintuan at bawat pintuan ay mayroong bantay. Pagpasok mo sa kahit saang pintuan na iyon ay ang siyang pinto na mismo ng mansiyon kung saan lumabas si David."David, ikaw na nga ang magdala rito kay Gio sa magiging kuwarto niya. Akala yata ay sa mga maliliit na bahay sa labas ng mansiyon ko siya patitirahin," may halong pagyayabang na saad ni Lucca habang kay Giovanni nakatingin.Napakamot na lang naman sa ulo si Gio at sabay namang natawa sina Lucca at David.Nang pumasok na nga silang tatlo nang tuluyan ay makikita naman sa isang malaking bintana sa itaas ng mansiyon si Carlo na kanina pa pala nakasilip kina Giovanni. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin ito sang-ayon sa pagkuha ng kaniyang Kuya Lucca sa kagaya ni Giovanni."Mamaya ay ipakikilala ko sa 'yo ang aking soon to be wife. Gustong-gusto ka na rin niyang makilala at mapasalamatan. Kung hindi dahil sa 'yo ay malamang wala na kami rito," wika ni Lucca nang nasa loob na sila ng mansiyon."Naku naman, boss, sobra-sobra na nga itong ibinigay ninyo sa aking trabaho, eh. Masyado ng nakakahiya kung pati ang girlfriend ninyo ay magpapasalamat pa sa akin samantalang ako ang may malaking dapat ipagpasalamat sa inyo," mapagpakumbaba namang sagot ni Gio."Marunong lang tumanaw ng utang na loob ang mga Baldini, Gio," nakangiti namang pagtapik ni David sa balikat ni Giovanni."Isa palang malaking karangalan na makapasok sa Baldini Mansion at maging personal bodyguard pa ng isang Baldini," ganti namang sagot ni Giovanni. Ngunit sa kaloob-looban nito ay parang gusto niyang isuka ang lahat ng papuring sinasabi niya sa mga Baldini."Ang mabuti pa ay sumama ka na kay David para makita at makabisado mo na ang iyong kuwarto. At ako naman ay magpapahinga muna. Sa dinner na lang ulit tayo magkita mamaya, Gio," pagtataboy na ni Lucca kina Gio at David.Nakangiting sinundan na lamang ng tingin ni Gio ang paglayo sa kanila ni Lucca at pag-akyat nito sa hagdanan. Pagkatapos ay sila naman ni David ang umakyat sa hagdanan, ngunit isa iyong malaking split staircase at sa kasalungat na hagdan siya dinala ni David."Maiwan na muna kita. You can rest, or sleep. Wala ka namang kailangan kasing gawin lalo na at nagpapahinga lang din ngayon si Lucca. Mamaya, baka pag-usapan ninyo kung ano ng daily routine mo sa kaniya at kung kailan ka may maluwag na oras," wika ni David bago iwan si Giovanni roon.Marahang isinara ni Giovanni ang pinto at saka niya iyon ni-lock. Maluwang ang kuwartong ibinigay sa kaniya kumpara sa kuwarto niya sa kaniyang mansiyon. Kumpleto rin ang kagamitang nakikita niya. Mayroon ding T.V. at iba pang appliances. Inilibot niya rin ang paningin upang siguraduhing walang hidden camera na nakakabit. Marunong naman siyang maghanap at napanatag siya na wala naman.Naupo siya sa gilid ng malambot at malaking kama bago niya inilabas ang kaniyang cellphone upang tawagan si Luigi."Stand by lang muna kayo. Kapag nakabisado ko na ang Baldini Mansion at ang casino nila, saka tayo gagawa ng hakbang para sirain sila nang unti-unti at alamin kung nasaan si Don Rocco. Sa ngayon ay kailangan ko munang panindigan ang pagiging Gio Ricci. Wala kayong ibang gagawin kundi siguradin at bantayan ang mga magulang kong kilala nila Lucca. Baka hindi pa sila tapos sa pagbabackground check sa akin. Kaya expect na baka may mga lumapit sa kanila at magtanong-tanong tungkol sa akin bilang si Gio. Make sure na walang butas na makikita. Do you understand, Luigi?"Matapos ang pakikipag-usap kay Luigi ay nagpasya siyang mahiga."Magbabayad kayo nang malaki... Lalong-lalo ka na, Don Rocco..." bulong niya sa sarili habang naglalaro sa kaniyang balintataw ang mukha ng babaeng hindi niya man lang nailigtas sa kamay ni Don Rocco... Si Lia Albino...Habang pababa sa hagdanan si Giovanni ay nagliikot din ang kaniyang mga mata. Kailangan niyang kabisaduhin ang bawat sulok ng kabahayan. Isa sa mga gusto niyang madiskubre ay ang mga secret passage at mga emergency exit para kay Lucca. Kailangang alam niya iyon para kapag dumating na ang araw na lulusubin na nila ang Baldini Mansion ay matitiyak nilang hindi makakatakas si Lucca. Mahaba-haba at matinding pakikipaglapit pa kay Lucca ang kailangan niyang magampanan."Gio, kanina ka pa namin hinihintay bumaba. Hindi ka na namin inistorbo dahil baka napasarap talaga ang pagtulog mo."Nasa huling baitang na si Gio nang marinig niya ang boses ni David. Kung alam lang sana ng lalaki na hindi naman talaga siya nakatulog. Hindi siya nasarapan sa malambot na kama kung iyon ng ibig sabihin ni David. Kung ikukumpara sa kaniyang mansiyon, alam niyang mas maganda talaga ang sa mga Baldini, ngunit kahit gaano pa iyon kaganda, hindi niyon matatakpan ang dumi at kasamaan ng isang Baldini."Oo nga, pas
Malakas na tugtog ang sumalubong kina Giovanni sa pagpasok nila sa casino. Sa bawat sulok ay mayroong mga naglalaro na mahahalatang malalaking tao o mayayamang personalidad. Nagkalat din ang mga waitress na ang suot ay kasuotan ng isang katulong. Ngunit di tulad sa normal na uniporme ng mga katulong na nakikita niya noon sa Pilipinas, ang mga naroon ay maiigsi ang tela ng kanilang uniporme. Kulay dilaw iyon na may malalim na neckline, maigsi ang pagkabestida na masisilip kaagad ang suot nilang mga underwear. Hanggang tuhod din ang kulay dilaw nilang mga medyas at mataas ang takong ng mga sandals na gamit nila. Makakapal din ang kanilang make-up. Ang iba sa mga ito ay nakatali ang buhok, may nakalugay, may maiigsi lamang, at ang tanging pagkakapareho ay ang kulay ng mga buhok nila—dilaw."Look at them, Gio. You can pick any of these girls. They're good to be with. And don't worry, wala silang mga sakit," biglang sabi ni David nang mapansin nitong sinusundan ng tingin ni Giovanni ang ba
Nayupi sa mga palad ni Giovanni ang soda can na hawak-hawak habang nakaupo at pinapanood ang balita. Naroon siya sa kaniyang kuwarto at naghihintay na lamang na sumapit ang alas otso nang gabi. Araw iyon ng Biyernes at bukas, Sabado, ay ang nag-iisa niyang day-off na ibinigay ni Lucca. Hindi na siya roon magpapaabot nang umaga kaya naman aalis na siya mamaya. Ihahatid siya ng isa sa mga driver-tauhan ni Lucca kaya hindi rin siya makakaderetso sa kaniyang mansiyon. Doon sigurado ihahatid sa mga peke niyang mga magulang at hihintayin na lamang niyang makaalis ang maghahatid sa kaniya upang makauwi naman siya at makausap na sina Luigi at Arturo."You're a real devil, Carlo..." anas niya sa sarili.Ang napapanood niya kasi sa balita ng mga sandaling iyon ay tungkol sa natagpuang patay na babae sa isang abandonadong lugar na dating junk shop. Ayon sa balita, dalawang araw ng patay ang babae at nangamoy lang ito kaya napansin. Ang ikinagagalit niya ay dahil iyon ang babaeng nakita niya sa c
Walang sinayang na oras si Giovanni pagkaalis ng naghatid sa kaniya sa lugar kung saan inaakala nina Lucca siya nakatira. Iyon ang peke o front niya kina Lucca."Aalis na rin po ako kaagad. Hanggang bukas lang ako nang gabi kaya importanteng makausap ko kaagad sina Luigi," aniya sa kunwari niyang mga magulang. Ang mga ito ay miyembro rin ng Rosso at napagkakatiwalaan niya rin. Parte na sa plano nila ang sitwasyong iyon. Ang identity nila ay hindi pagdududahan dahil talagang matagal na ang mga ito roon sa Italy. Habang nasa Pilipinas siya at sina Luigi ay narito na talaga sa Italy ang mga kunwari niyang magulang. Ang tungkol naman sa pagiging truck driver niya ng ilang taon ay kasama na sa inasikaso noong nasa Pilipinas pa siya."Naroon na si Harold, naghihintay," tumayo sa pagkakaupo sa wheelchair si Carlo, ang kunwaring ama niya. Kasama sa pagpapanggap ang pagkakawheelchair nito upang mas kapani-paniwalang wala talaga silang pera o yaman."Maraming salamat po. Ako na ang bahala. Tawa
Pababa noon si Giovanni sa hagdanan nang mamataan niya si Daria na mukhang papunta sa kusina. Napatingin siya sa suot na relo at saka niya na-realize na sa ganoong oras tuwing umaga ay madalas ngang magpunta ng kusina ang babae. Halos kapareho niya ang oras nito kung saan nagpupunta rin siya sa kusina para naman magkape. Ilang araw na rin siyang naiinip sa tahimik na nagyayari sa mansiyon. Bihira lang kasing magpunta si Lucca sa casino at madalas ay sina Carlo o kaya ay si David ang nagpupunta roon. Hindi naman siya makasama dahil ang trabaho niya nga ay manatili kung nasaan si Lucca. Sa ilang araw niya rin doon ay wala pa rin siyang natutuklasang kahit ano."Good morning, Gio."Napalunok siya nang marinig kaagad ang boses ni Daria. Hindi pa nga siya tuluyang nakakapasok sa kusina ay nabati na siya nito."G-good morning..." ganting bati na lamang niya rito.Ngumiti si Daria bago ito lumabas bitbit ang isang basong may lamang fresh milk. Ngunit hindi nakaligtas sa kaniya ang mugtong ma
Kasalukuyang nakahiga si Giovanni at malalim ang iniisip nang makarinig siya nang mahihinang katok sa pinto. Hindi naman siya nag-aksaya ng oras at mabilis siyang tumayo upang buksan iyon sa pagbabakasakaling si Lucca na iyon. But he's wrong because it's Daria. She was looking at him with sadness in her eyes. Pero ngumiti sa kaniya ang babae na para bang pinagtatakpan ang lungkot sa mga mata nito."M-may kailangan ka?" parang gusto niyang lumubog na lang sa kinatatayuan dahil sa klase ng tanong niya."Ahm... W-wala naman..." bahagyang lumunok si Daria na para bang kumukuha ng lakas ng loob. "I-I just want to apologize tungkol sa way ng pagsagot ko sa 'yo kanina," sinsero nitong sabi."N-no, no... It's okay, Daria. N-no n-need to apologize," tumikhim siya nang bahagya sa pagbabakasakaling aayos ang pananalita niya sa harapan ng babae."Actually, si Lucca, minsan talaga sa isang buwan ay umaalis siya nang siya lang. I don't even know kung saan siya pumupunta. Basta't ang alam ko lang ay
Ginising si Giovanni ng mga katok sa kaniyang pinto. Nagtatakang napatingin siya sa orasan. Ala-una nang madaling-araw at ngayon lang nangyari na may kumakatok sa kaniya nang ganoong oras. Bumaba siya sa kama at mabilis na binuksan ang pinto. He was expecting that it could be Lucca, but he was surprised that it was Daria."D-daria?" nagtatanong ang mga mata niya rito."I-I'm s-sorry... Can I come in first?" mababakas sa mukha ni Daria ang hindi maipaliwanag na kaba o takot.Dahil nag-alala rin siya sa ipinakitang ekspresyon ni Daria, niluwagan niya ang pagkakabukas sa pinto hudyat na pinapapasok niya ito. Nakasuot lamang ito ng itim at may kanipisang bestida. Nakayakap ito sa sarili bago naupo sa gilid ng kama niya."M-may nangyari ba? Dumating na ba si Boss Lucca? N-nag-away ba kayo? B-baka kung anong isipin niya kapag nalaman niyang nandito ka..." sunod-sunod na tanong niya kay Daria.Sunod-sunod naman na umiling si Daria sa kaniya. "He's still not here... H-hindi ko alam, pero nata
Nakatanaw sa bintana si Lucca habang hinihintay si David sa kuwarto nila ni Daria."D-Do you want me to leave when David arrives? Para may privacy—""Yes, please. We'll talk later about your stay in Gio's room," Lucca answered without looking at Daria."Okay," mahinang sagot ni Daria.Eksakto namang pagpihit ni Daria ay nakita niyang papunta na roon si David. Hindi niya na hinintay pang makapasok si David at lumabas na siya kaagad ng kuwarto."Close the door," saad ni Lucca nang makapasok na roon si David.David slowly closed the door as he sighed. Ramdam niya pa rin sa boses ni Lucca ang magkakahalong emosyon."He's alright now but he needs to stay in the hospital a little longer," wika ni David."Does dad already knows?" Tanong ni Lucca at hinarap na nito si David."It's Baldini's Hospital, Lucca. Doon pa lang ay may pakpak na ang balita. Hindi pa man tapos gamutin si Carlo ay nakalipad na ang balita kay Don Rocco," pagsagot naman ni David."He talked to you already, right?" patungk
Nakangiting sinalubong ni Giovanni si Lucca. Umaga noon at sinabihan siya ni David gabi pa lamang na darating na nga si Lucca at kailangan niya umanong maghanda dahil isasama siyang muli sa casino. Tingin niya ay iyon na ang simula ng sinasabi sa kaniyang sasanayin na siya sa casino."Welcome back, boss," ang salubong ni Giovanni.Tinapik lang naman ni Lucca sa balikat si Giovanni bago ito nagtuloy sa silid nila ni Daria. Napasunod naman ng tingin si Giovanni at nakita niya ang paghalik at pagyakap ni Lucca sa babae nang bumukas ang pinto sa silid ng mga ito."Ayos ka na ba?"Kaagad na napalingon si Giovanni sa pagpasok naman ni David sa mansiyon kasama si Carlo.Tumango si Giovanni habang nakatitig kay Carlo. Bakas pa ang mantsa ng pagkakabugbog ni Lucca rito."Maghanda-handa ka na at mukhang malapit ka ng tuluyang pagkatiwalaan ni Lucca," wika ni David.Napakunot-noo si Giovanni."Come on, don't tell me... Ang alam mo ay pinagkakatiwalaan ka na nga talaga ni kuya?" taas naman ang ki
Napabalikwas ng bangon si Giovanni nang mayroong kumatok sa pinto ng kaniyang kuwarto. Kinakabahan siya sa isiping si Daria iyon. Mula kasi nang malaman niya kaninang umaga na wala si Lucca ay nagkulong na siya sa kaniyang kuwarto. Nais niyang iwasan muna si Daria. Hindi niya naman kasi kailangang bantayan si Daria dahil nasa loob sila ng Baldini Mansion. Tiyak na ligtas ang babae sa dami pa lang ng mga bantay.Dahan-dahang binuksan ni Giovanni ang pintuan at napalunok siya nang makumpirmang si Daria nga ang kumakatok."Are you avoiding me?" Iyon ang ibinungad ni Daria kay Giovanni."H-ha?" Alam man ni Giovanni ang ibig sabihin ni Daria ay nagtataka naman ito kung bakit nagawa ng huli na itanong iyon nang deretsahan sa kaniya."Nakakulong ka lang dito sa kuwarto mo mula pa kaninang umaga," blangkong wika ni Daria.Hindi alam ni Giovanni kung tama ba ang nakikita niya sa mga mata ng babae. Her eyes are burning and he can see sadness at the same time. Para bang may magkasalungat na pani
Tahimik na nakamasid si Giovanni kina Lucca at Daria. Gabi na noon at kagagaling lang nila sa pinagpagawaan ng isusuot ni Daria para sa event ng casino."I told you, baby, ako ang bahala sa isusuot mo at hindi ako papayag na hindi ka magawan," nakangiting hinagkan ni Lucca sa labi si Daria habang nandoong nakamasid si Giovanni."Akyat na muna ako, boss," pagtikhim ni Giovanni dahil sa awkwardness na nararamdaman nito idagdag pa ang biglaang selos na sumigid sa kaniyang puso."Oh, yes, Gio! Nakalimutan ko ng andiyan ka!" Palatak ni Lucca habang napapatawa. "Thank you for accompanying Daria," anito pa."Walang anuman, boss. Ginagawa ko lang naman ang kung anong mga magagawa ko para sa inyo," sagot ni Giovanni.Tuluyan na ngang umakyat si Giovanni ngunit nagawa pa nitong tapunan ng tingin si Daria."Sa susunod ay huwag mo ng gagawin iyon, please. Natakot kaya ako kanina," dinig pa ni Giovanni ang malambing na boses na iyon ni Daria.Ang tungkol sa pinagpagawaan nila ng isusuot ni Daria a
Iwas na iwas si Giovanni na mapatingin kay Daria habang nasa hapagkainan sila. Bihirang-bihira mangyari na magkasabay-sabay silang kumain at kanina pa niya gustong matapos."Siyangapala, Gio, magkakaroon tayo ng special event sa casino. Part of it is a car raffle and many more. Just to thank our loyal customers and newcomers as well. It will happen on your day-off. So, okay lang ba na huwag ka munang magday-off?" tanong ni Lucca sa kabila ng pagnguya.Hindi naman kaagad nakasagot si Giovanni. Bukod sa gusto niya sana munang makauwi at makapag-isip isip ay kailangang nakakausap niya sina Luigi linggo-linggo. Bilang pag-iingat kasi ay hindi niya tinatawagan sa cellphone sina Luigi. Sa lungga ni Lucca ay alam niyang doble dapat ang kanilang pag-iingat."We'll be needing you there, Gio. Sana ay huwag mong ipagkait ang isang day-off," bigla namang sabi ni David nang mapansin nitong hindi sumasagot si Giovanni.Pasimple namang tinapunan ng tingin ni Daria si Giovanni. Magkaharapan lang kasi
Bahagyang natapon ang kapeng tinitimpla ni Giovanni sa kaniyang kamay nang marinig ang boses ni Daria mula sa kaniyang likuran."Good morning, Gio..." ang malamyos at malamig na boses ni Daria.Bahagya siyang napalunok. Tuwing dumarating sila ni Lucca galing casino ay dumederetso kaagad siya sa kaniyang kuwarto upang magpahinga. Sadya niya ng iniiwasan si Daria. Tuwing umaga naman ay maaga na siya kung magkape upang hindi rin makasabay si Daria sa kusina kaya naman hindi niya inaasahan ang paglitaw ng babae ngayon doon."D-Daria... I-ikaw pala," tangi niyang nasambit."I've never got the chance to see you again since you and Lucca stays at the casino everyday..." Wika ni Daria."U-uhm... Y-yes... N-nagpapahinga na kasi kaagad ako. M-medyo pagod ang k-katawan at lagi ng inaantok pagkauwi rito," mabilis naman niyang paliwanag."Oh, I see..." pagtango-tango ni Daria bago ito naglakad papunta sa kinatatayuan ni Giovanni upang kumuha ng baso.Halos pigil naman ni Giovanni ang paghinga. Amo
Pinagmamasdan ni Giovanni ang ilan sa mga babaeng padaan-daan sa kaniyang harapan. Ang mga babaeng kung tawagin doon ay Angels. Ngunit mayroon siyang isang napansin na nagbago sa mga Angels. Hindi na maiigsi o nakakaakit sa ibang mga lalaki ang kasuotan ng mga ito. Pare-pareho na rin ang uniforms ng mga nandoon magmula sa waitress, cashier, slot attendant at iba pang employees na babae. Nakasuot na lamang ang lahat ng dilaw na turtle neck at may maliit na logo ang nakaburda sa bandang dibdib. Naka black wrap skirt na lang din sila na disenteng tingnan."Gio."Napatingin siya sa tumawag ng pangalan niya. He doesn't know the man but he remembers him. Isa ito sa mga tinatawag na casinos host doon na ipinakilala sa kaniya ni Carlo noong unang punta niya roon."Boss wants you to have these," malaki ang boses ng lalaki.Chips ang iniaabot ng lalaki sa kaniya."For what?" tanong niya pa rin kahit alam na niya kung para saan ang mga iyon."Magtatagal kasi si boss sa private office niya kaya p
Nakatanaw sa bintana si Lucca habang hinihintay si David sa kuwarto nila ni Daria."D-Do you want me to leave when David arrives? Para may privacy—""Yes, please. We'll talk later about your stay in Gio's room," Lucca answered without looking at Daria."Okay," mahinang sagot ni Daria.Eksakto namang pagpihit ni Daria ay nakita niyang papunta na roon si David. Hindi niya na hinintay pang makapasok si David at lumabas na siya kaagad ng kuwarto."Close the door," saad ni Lucca nang makapasok na roon si David.David slowly closed the door as he sighed. Ramdam niya pa rin sa boses ni Lucca ang magkakahalong emosyon."He's alright now but he needs to stay in the hospital a little longer," wika ni David."Does dad already knows?" Tanong ni Lucca at hinarap na nito si David."It's Baldini's Hospital, Lucca. Doon pa lang ay may pakpak na ang balita. Hindi pa man tapos gamutin si Carlo ay nakalipad na ang balita kay Don Rocco," pagsagot naman ni David."He talked to you already, right?" patungk
Ginising si Giovanni ng mga katok sa kaniyang pinto. Nagtatakang napatingin siya sa orasan. Ala-una nang madaling-araw at ngayon lang nangyari na may kumakatok sa kaniya nang ganoong oras. Bumaba siya sa kama at mabilis na binuksan ang pinto. He was expecting that it could be Lucca, but he was surprised that it was Daria."D-daria?" nagtatanong ang mga mata niya rito."I-I'm s-sorry... Can I come in first?" mababakas sa mukha ni Daria ang hindi maipaliwanag na kaba o takot.Dahil nag-alala rin siya sa ipinakitang ekspresyon ni Daria, niluwagan niya ang pagkakabukas sa pinto hudyat na pinapapasok niya ito. Nakasuot lamang ito ng itim at may kanipisang bestida. Nakayakap ito sa sarili bago naupo sa gilid ng kama niya."M-may nangyari ba? Dumating na ba si Boss Lucca? N-nag-away ba kayo? B-baka kung anong isipin niya kapag nalaman niyang nandito ka..." sunod-sunod na tanong niya kay Daria.Sunod-sunod naman na umiling si Daria sa kaniya. "He's still not here... H-hindi ko alam, pero nata
Kasalukuyang nakahiga si Giovanni at malalim ang iniisip nang makarinig siya nang mahihinang katok sa pinto. Hindi naman siya nag-aksaya ng oras at mabilis siyang tumayo upang buksan iyon sa pagbabakasakaling si Lucca na iyon. But he's wrong because it's Daria. She was looking at him with sadness in her eyes. Pero ngumiti sa kaniya ang babae na para bang pinagtatakpan ang lungkot sa mga mata nito."M-may kailangan ka?" parang gusto niyang lumubog na lang sa kinatatayuan dahil sa klase ng tanong niya."Ahm... W-wala naman..." bahagyang lumunok si Daria na para bang kumukuha ng lakas ng loob. "I-I just want to apologize tungkol sa way ng pagsagot ko sa 'yo kanina," sinsero nitong sabi."N-no, no... It's okay, Daria. N-no n-need to apologize," tumikhim siya nang bahagya sa pagbabakasakaling aayos ang pananalita niya sa harapan ng babae."Actually, si Lucca, minsan talaga sa isang buwan ay umaalis siya nang siya lang. I don't even know kung saan siya pumupunta. Basta't ang alam ko lang ay