A month has been passed.
Nagawa naman ni Alelie na hindi ipahalata sa mga kaibigan niya ang tungkol sa binata.
At ngayon na nagbabalak na naman ang mga kaibigan niyang mag-sleep over at ang napili nilang condo ay ang condo niya, wala siyang nagawa kung hindi ang i-text ng palihim ang binata.
Sa loob ng isang buwan na pamamalagi niya kasama ang binata sa condo nito, tuwing sabado nang gabi ay naiisipan naman ng mga baliw niyang kaibigan ang mag sleep over muli.
No'ng nakaraan, dalawang beses sila sa condo ni Sharmaine, no'ng nakaraan naman sa condo ni Charisse at ngayon, condo naman niya.
Sa apat na beses na iyon, lagi rin siyang nagpapaalam sa binata.
Minsan pa nga, hindi maipinta ang mukha nito na tila ba hindi siya papayagan pero agad naman itong papayag.
Sa ngayon, hindi tulad ng nakaraang mga linggo na uuwi muna sila bago pumunta sa condo ng pags-sleep-over-an nila, ngayon ay direts
Hindi makapaniwala si Khalid sa nakitang dahilan ng pagpunta nila sa bahay ng mga magulang ng dalaga. Ito ang pinapakuha ng Daddy niya? Tanong ng isip niya nang makita ang mga iyon. Vacuum. Tornado Mop. Different kinds of floor mat. Liquid solution and many more.Hindi niya maiwasan hindi pakatitigan ang mga iyon at ang pumapasok lang sa isip niya ay ang sariling katanungan. Kakailanganin ba nila iyon? Bakit? May naglilinis naman na ng condo niya. Bakit sila binigyan nito ng ama ng dalaga. “Thanks for this, Dad.” Napatingin siya sa dalaga nang magpasalamat ito sa ama, “Mas madaling maglinis gamit ang mga ito.” Nangingiting pagpapasalamat ng dalaga sa ama. She really do love this kind of things? Tanong niya sa isip saka muling tiningnan ang mga gamit pang-linis. “Ang Mommy mo ang nakaisip n'yan,” anang ama nito. “Kaysa naman kuhanin mo pa ang gamit mo sa condo mo. Ito na lang.” Dugtong nitong sabi. My Abigail will use thi
Nang matapos silang kumain at magpasyang sa sala muna silang dalawa, hindi maiwasang pagmasdan ni Alelie ang binata. Tahimik kasi ito at sa TV lang nakatutok ang mga mata. “Khal.” pagtawag niya rito. Naiilang kasi siya sa katahimikan na pumapa-loob sa kanila ngayon. Sila na nga lang dalawa sa condo nito ay tahimik pa ito. Samantalang hindi naman ito ganito mula nang lumipat siya rito. E, kaya nga niya piniling sumama rito kanina para makapag-bonding sila, makapag-usap. Tapos ganito naman bigla, ang tahimik.“Khal.” tawag niyang muli rito. Nilingon siya nito at tipid itong ngumiti. “May balak ka bang kausapin ako o manonood ka na lang? Ang tahimik mo pa, alam mo ba iyon?” hindi niya maiwasang mainis. He sighed. “I'm sorry. I just need to calm myself.” sagot nito. “From, what?” tanong niyang muli.“Hindi mo gugustuhing marinig ang sagot ko, Abigail. I swear.” sagot nito.Napailing na lang siya
Ewan niya pero hindi niya maintindihan ang sarili niya. Iba siya lalo na kapag kasama niya ang dalaga. Ngayong tulog na ito sa kama nila at siya naman ay nakahiga na sa couch sa loob ng kuwarto niya, hindi niya maiwasan ang pakatitigan ang dalaga at mapaisip. Bakit kailangan niyang pag-selosan ang mga idolo nito? Naiiling na lang siya sa tuwing naiisip iyon. But, what makes his heart wanted to be with his woman even more, was because of what she said. At hindi niya maintindihan ang sarili! Gusto niya ang mga sinabi nitong sagot sa kanya kanina! “I was thinking the same thing, Khal. I won't fought it anymore. Kung ano mang nararamdaman ko.” anito. “I like you. Hindi ko naman itatanggi iyon, e. Pero, natatakot ako, baka masaktan lang ako sa huli.” patuloy nito. Nakipagtitigan siya rito. “Alam kong hindi mo naiintindihan 'yong lyrics ng kanta at sa title ka lang bumase,” ngumiti ito. “Pero
Mula nang makaalis sila sa condo ng binata ay hindi siya nito kinakausap. Natatawa siya sa tuwing tinitingnan niya ito dahil nahuhuli niya itong nakatingin din sa kanya. Alam niyang dahil iyon sa nangyari kanina kaya ganito ang binata. Hanggang sa makabalik sila sa condo nito ay tahimik lang ito. Sa simbahan kanina nang mag-peace be with you na at babatiin din sana niya ito nang bigla naman siya nitong hinila payakap saglit saka agad na humiwalay pagkatapos siya nitong batiin. Hindi man lang siya nito hinayaang batiin din pabalik. Sinundan niya ito nang dumiretso itong naupo sa sofa sa sala saka binuksan ang TV. “Khal.” aniya. He sighed then looked at her, “I'm sorry for not talking to you, My Abigail.” anito. “As you can see, nahihiya pa ako until now.” dugtong nito saka umiwas ng tingin. Umiling siya saka ngumiti. Siya ang dapat nagsosorry, e. “Sorry.” aniya na ikinali
Three weeks and three days has been passed. Today's a special day of Alelie.At ito siya ngayon sa bahay ng mga magulang niya kasama ang pamilya ng binata.Nagulat pa si Alelie nang malamang ang kambal ng fiancé niya ang magluluto. Well, Kailey's a great Chef and all. Sisikat ba ang Cafe Innamorata kung hindi. Pero, nahihiya pa rin siya dahil siya ang may kaarawan. Buti na lang at saglit lang dito ang pamilya ng fiancé niya at aalis din agad. Kailangan daw kasing magpahinga nang maaga ni Kailey dahil maaga rin daw itong gigising bukas at maagang bubuksan ang Cafe nito. And, her fiancé's parents especially her soon-to-be father-in-law, has a company to take care of. Kaya naman napagdesisyunan na family dinner muna at kapag nakauwi na ang pamilya ng binata ay ang mga magugulong kaibigan naman ni Alelie ang pupunta. “Sissy, ano ba'ng favorite foods ng friends mo?” agad niyang nalingon ang Anghel na katabi niya.
Hindi maiwasan ni Alelie ang hindi tingnan ang puwesto kung nasaan naka-table ang binata.Nakatingin din kasi ito sa kanya at nakanguso na tila ba nakikiusap sa kanyang iisang table na lamang sila.Umiling siya binata at mas lalo itong sumimangot. Napailing na lang siyang muli. Lalo pa nang makita niyang hindi pinapansin ng binata ang mga kasama nitong naroon.Kilala niya ang mga lalaking kasama ng binata. Dahil nakikita na niya ito minsan na kasama ng binata sa pag-mo-modelo. Though, isa sa mga kasama nito ay hindi naman masyadong active sa pagmomodelo.Nai-kuwento na sa kanya ng binata iyon kanina bago ito umalis ng bahay nila kasama ang pamilya nito.Kurt Vandred Centino, and, of course, Khalid's cousin, Alexandre Pascuelo III. That Pascuelo.Kung sana puwede kong hingin ang tulong ni Khal ngayon. Hayy! anang isip niya saka nginitian ang binata na nakatingin sa kanya bago binalik ang atensyon sa mga babaeng k
Nang makarating siya kung nasaan ang kaibigang si Sharmaine. Nakayuko lang ito. Saglit siyang kinabahan ngunit naalala niyang umiinom nga pala ang babaeng ito. But then, when she looked around to look for Charisse. Hindi niya mahanap ito kung nasaan ito kanina sumasayaw. Oh no! sigaw ng isip niya at agad na niyugyog ang balikat ni Sharmaine. “Shar, wake up. C'mon.” Pang-gigising niya sa kaibigan.Hindi naman siya nahirapan pa at gumising naman agad ito. “W-why?” tanong nito. Kabado siyang lumingong muli sa mga nagsasayawan ngunit wala talaga ang kaibigan niya ro'n, “Shar. Hindi ko makita si Charisse.” aniya. Agad na napabalikwas ng lingon ang kaibigan niya kung saan nila huling nakitang nagsasayawan ang kasama nila. “Shit! Damn it!” ani Sharmaine na tila nawala ang lasing nang makitang wala ang pinsan. “Shar.” Kabado niyang tawag dito. Nilingon siya nito at saglit nitong nasapo ang sariling ulo. N
Nag-aalala man siya para sa kaibigan, hindi niya maiwasan ang hindi pansinin ang binata habang nasa elevator sila nito. Napakalawak kasi ng ngiti nito at pakiramdam niya ay nang-aasar ito. Isa pa, hindi niya maiwasang hindi maalala ang ginawa nila ng binata sa loob ng kotse nito.At kung paano niya ginaya ang ginagawa nitong pag-halik sa kanya kanina. Ramdam niya ang kung ano sa batok niya.Kaya sa tuwing magtatangkang hawakan ng binata ang kamay niya ay mabilis niyang inilalayo ang kamay at nagkukunwaring hinahaplos ang sariling braso.Pero hindi man lang yata naapektuhan ang binata sa ginagawa niyang pag-iwas sa gustong gawin nito.Ngumingiti pa ito at pakiramdam niya'y may mainit na tubig ang ibinubuhos sa mukha niya.“Khal, masasapak na talaga kita.” Banta niya sa binata habang palabas sila ng elevator. He chuckled, “Masaya lang ako, Abigail.” he chuckled again. “Ano'ng masama sa pag-ngiti?” saka ito muling ngumiti.
Nangingiting pinakatitigan ni Mildred Ornieza ang dalawang kasama.“Mildred, ano nga pala ang sasabihin mo sa akin?” Tanong ni Ara sa kanya. Ang ina ni Alelie.Ngumiti siya rito. Nakita naman niya ang pag-iling ni Karmela.“Haynako, Ara. Sana makayanan mo kung ano mang nais niyang sabihin. Dahil ako, ayos lang sa akin.” ani Karmela habang naiiling.Napanguso siya.Ang totoo kasi niyan, sa loob ng isang taon, isang taon rin niyang pinababantayan ang mga anak ng dalawa.Nalaman niya kay Karmela na kahit ayaw ng anak nitong si Khalid ang ipinakiusap nila rito noon, ginagawa pa rin nito.Iyon ay ang makipag-kilala ito sa ibang babae.Nababahala rin kasi siya lalo pa't nasa tamang edad na ang binata para mag-asawa.Kaya naman hiniling nila ni Karmela rito na, umattend ng MI. Pumayag naman ito nang pakiusapan nila ito kahit na ilang babae lang ang kitain nito.Para nga siyang bugaw dahil sa pamimilit rito. Mabuti na lan
Makalipas ang ilang buwan, hindi makapaniwala si Alelie na kahit saan siya magpunta ay bantay-sarado siya sa mga kaibigan.Oras-oras ang mga itong tumatawag sa kanya. Kahit na nasa broadcasting room siya, magugulat na lang siya kasi pabigla-bigla ay bubukas iyon at naroon ang dalawa.Gaya na lamang ngayon. Busy siyang inaayos ang natapos nilang i-record nang biglang bumukas ang pintuan no'n.Kunot-noo niyang tiningnan ang dalawa na para bang nakampante nang makita siya.“Really? Hanggang saan niyo ako balak na sundang dalawa?” tanong niya sa mga ito. Saka niya pinasadahan ng tingin ang mga suot nito, “At aware ba kayo sa itsura niyo ngayon?” ngiwi niyang tanong sa dalawa.Si Sharmaine kasi, suot pa rin ang uniform nito sa cheerleading na super ikli. Si Charisse naman, suot ang isang dark green na gown. Sigurado siyang galing pa sa practice ng cheerleading squad si Sharmaine at hindi na siya magugulat kung galing pang practice ng theater club si Cha
Tatlong linggo na ang nakalilipas, katatapos lang din ng libing ng anak ng mag-asawang Ornieza noong nakaraang linggo.At sa labas ng dalawang operating room, ang mga magulang ni Alelie ay naghihintay matapos ang pag-oopera sa kanyang mga mata at ang nasa kabilang operating room naman ay si Kailey Ellena na ino-operahan naman sa puso.Sa labas kasama nila, naroon rin ang mag-asawang Ornieza na naghihintay kasama nila.Nais raw ng mga itong makita matapos ang operasyon ng dalawa.Minsan ay pupuntahan sila ni Mrs. Ornieza para dalhan ng makakain, pagkatapos ay pupunta naman sa kabilang operating room para dalhan ng pagkain ang mga Allada.Pinagmasdan ni Mildred ang mag-asawang Garcia saka dumako ang tingin niya sa pintuan ng operating room.Narinig niya mula mismo sa mga Garcia, na sa tuwing gigising ang anak ng mga ito, lagi itong sumisigaw ng tulong. It really brought her a trauma. Anang isip ni Mildred habang nakatingin sa pintuan.
Pagkalabas niya sa Mall, binasa ni Alelie ang dalawang mensahe galing sa kaibigang si Charisse at isang mensahe naman mula sa kaibigang si Sharmaine.From: Charisse;Alelie-babe, sunod kami agad sa'yo. Buset na mga ka-theater club ko ayaw umayos. 🥺From: Charisse;I already told Ssen kung saan ka namin pupuntahan. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon nasa cheerleading squad pa rin siya, e graduate naman na si Peter last year. Anyway, sunod agad ako sa'yo. Saglit lang ito! Ingat, Alelie-babe! Muah! 😘From: Sharmaine;A, I'll be done here after 20 or 25 minutes. Nas-stress ako rito. Wala naman na akong ichi-cheer ayaw pa akong paalisin ng buset na bakla na 'to. Feeling may matres e wala naman siya no'n! 🙄Text me when you get there. Tatapusin ko lang ang buhay nitong bakla na ito. 😆 Charot. Ingat, A! Sunod ako agad! 😘Natawa siya sa mga mensaheng natanggap mula sa mga kaibigan.Nang matapos basahin ang mga mensahe ng mga ito,
“Daddy!” umiiyak na tumatakbo patungo sa kanya ang anak na babae at yumakap sa kanya.Narito sila ni Alelie sa puntod ng babaeng parehas na espesyal sa kanila.It's been 5 years. Five years with his loving Wife. Five years with his adorable twins. Unlike him and Ellena, his son Azrael Adrian and his daughter Callie Micaela, looks so identical.In Loving Memories OfSecret Micaela Ornieza Born: November 20, 19**Died: May 11, 20**Pinunasan niya ang luha ng kanyang anak, “Hey, Princess. What's wrong?” tanong niya sa anak.Mas umiyak lalo ang anak, “D-Daddy, Azrael told Mommy about our s-secret.” anito saka mas lalo pang umiyak.Oh. Their secret. Anang isip niya. Kahit s'ya ay ayaw sa sikretong iyon na gustong itago ng Prinsesa niya.“D-Daddy, what should I do n-now? I f-feel so embarrassed.” iyak na tanong nito.Pinatahan niya ito habang hinahaplos ang buhok nito, “Ano'ng sabi ni Mommy?” tanong
Alelie felt so bothered. Kanina pa tahimik ang binata at kahit na isang salita ay walang lumalabas mula rito.Alam n'yang dahil iyon sa nangyari kanina.He really took my brother's words seriously. Anang isip n'ya.Dumiretso lang ito sa sala saka ito umupo sofa. Pinanood lang n'ya ang mga kilos nito.Sumunod s'ya rito at umupo sa tabi nito, “Khal?” pagkuha n'ya ng atensyon nito.Tumingin ito sa kanya na para bang isang bata na nakikiusap, “Baby?” tawag nito sa kanya pabalik.She kissed him on his cheek, “Hmm?” she hummed. He stared at her, “Don't leave me, please?” pakiusap nito.Ito na nga ba ang sinasabi n'ya. Talagang sineryoso nito ang sinabi ng kapatid n'ya.Kinuha n'ya ang dalawang kamay nito at ipinalibot iyon sa bewang n'ya. Saka n'ya ipinalibot ang sariling mga kamay sa leeg nito, “I won't. I'm not planning to.” aniya. “H'wag mong seryosohin ang sinabi ng kapatid ko. Hindi mangyayari iyon.” aniyang muli sa dina
Khalid sighed. He's really trying hard to control himself not to take her here. But, looks like his Abigail really wants him to touch her. Fuck! Mura ng isip n'ya saka mabilis na tinungo ang puwesto ng dalaga.Napansin nito ang pag-lapit n'ya, “Kha--” he kissed her.Khalid wasn't able to stop himself anymore. He tried earlier but here he is, kissing, licking, sucking and nipping his Abigail's lips and tongue.His kisses went from her lips to her earlobe, licking it, down to her neck, slightly nipping her skin.Impit na ungol ang pinakawalan ni Alelie dahilan para tumigil s'ya sa ginagawa sa isiping naipit o nasagi n'ya balikat nito.Hinabol pa nito ang labi n'ya, “Kiss me.” anito.Hinihingal na tumuon ang mata n'ya sa balikat ng dalaga, saka n'ya naramdaman ang unti-unting pag-hupa ng init na nararamdaman n'ya.“Khal~” anang dalaga.Dumilat ito at nagtatanong ang mga matang tumingin sa kanya, “Baka maipit ko ang balikat
Naalimpungatan si Khalid nang may paulit-ulit na yumuyugyog sa balikat n'ya.He looked up to see who it was and it was Kailey Ellena.Tumingin s'ya sa pambisig na relong suot n'ya. Alas-10 pasado na.Kailey Ellena smiled, “Alelie's okay now and she has been transferred to her room.” Agad s'yang napatayo, “Shit. Nakatulog ako.” aniya.Ngumiting muli ang kapatid saka tumango, “Mas okay na rin 'yon. Atleast ngayon, she's fine.” ani Kailey Ellena.Tumango s'ya, “Saan ang room n'ya?” tanong n'ya sa kapatid.Tinapik nito'ng muli ang balikat n'ya, “Tagal mo kasing magising. Kanina pa kita ginigising, e.” anito. “Anyway, tara na. I'll lead you the way. Naroon na rin pala ang si Mommy at Tita Ara. Well, about Dad and Tito Jerome, nagpa-iwan sila sa presinto. Anong oras na naroon pa rin.” kuwento nito sa kanya kahit hindi naman s'ya nagtatanong.Lumingon ito sa kan'ya nang mapansin tahimik s'ya, “I'm telling you that just to informed yo
Agad s'yang pumasok sa kotse nang binata katabi nito.Katatapos lang ng presentation n'ya for her thesis and it turned out great.Buti na lang at hindi s'ya masyadong nahirapan.“How did it go?” agad na tanong sa kan'ya ni Khalid matapos s'ya nitong halikan.Ngumiti s'ya rito, “Of course, it went great.” sagot n'ya. “How about your shoot?” tanong n'ya naman dito habang sinusuotan s'ya nito ng seatbelts.Khalid smiled, “It was good.” sagot nito.Pinaningkitan n'ya ito ng mata, “Khal, don't tell me hindi ka umalis dito?” tanong n'ya rito.His eyebrows arched up as chuckled while he looked at her, “Pumasok ako. Takot ko lang.” anito saka tumawa.Ngumuso s'ya, “H'wag mo nga akong tawanan. I'm serious here.” aniya.He chuckled again, making her heart beats fast.Bakit ang cute n'ya? Tanong n'ya sa isip habang pinagmamasdan ang binata.“Pumasok talaga ako. Kahit itanong mo pa sa kapatid ko.” anito.Ngumiwi