Share

Chapter 54

JENA

Alam ko kung sino ang kumuha ng necklace ni Ma'am Rosaline. Hindi ako puwedeng magkamali dahil nakita ko 'yon. Si Cassy ang kumuha ng necklace ni Ma'am Rosaline. Ako dapat ang kukuha nito ngunit nabitawan ko 'yon dahil nagmamadali ako dahil may narinig akong ingay mula sa labas na akala ko ay may tao ngunit wala naman.

Nagtago ako para hintayin kung may tao talaga ngunit nakita ko si Cassy na pumasok sa loob ng kuwarto nina Ma'am Rosaline at Sir Antonio. Walang ibang kukuha ng necklace na 'yon ni Ma'am Rosaline kundi siya lang naman dahil siya ang pumasok ng araw na 'yon at wala nang iba pa.

Nakita ko rin na sumunod sa kanya si Sir Zach ngunit hindi ito pumasok sa kuwarto ng mga magulang niya. Ang ginawa nga nito ay ang silipin si Cassy kung ano ang ginagawa niya sa loob ng kuwartong 'yon na nakita naman nga niya kung ano ang ginagawa nito.

Alam ni Sir Zach na si Cassy ang nagnakaw ng necklace ng mommy niya ngunit wala siyang sinasabi dito. Hindi niya sinasabi kung ano ang kany
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status