Share

Chapter 62

CASSY

"Cassy?! Ano'ng ginagawa mo d'yan?" pasigaw na tanong ni Izza sa akin habang pinapakinggan ko ang pinag-uusapan ng dalawa sa labas.

Muntik na akong mapatalon sa pagkagulat sa biglang pagsigaw ng kaibigan ko sa akin. Akala ko ay kung sino na kaya kinabahan ako kahit papaano.

"Ginulat mo naman ako. Akala ko ay kung sino na," reklamo ko sa kaibigan ko na si Izza.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo d'yan, huh? Kulang na lang ay dumikit ka na d'yan sa may pader," tanong niya sa akin.

"Wala. May pinapakinggan lang ako sa labas," mahinang usal ko sa kanya.

"Huh? May pinapakinggan ka sa labas? Sino?" tanong pa niya sa akin.

"Si Sir Zach at Olivia Concepcion ay nag-uusap sa labas..." sabi ko sa kanya.

"Ah, talaga ba?"

"Oo."

"Huwag kang ganyan, Cassy. Hindi maganda ang nakikinig sa usapan ng iba. Alam mo 'yan," sabi niya sa akin at kinunutan ko tuloy siya ng noo.

"Hindi ko intensiyon na pakinggan silang dalawa kung ano man ang pinag-uusapan nila, 'no? Lalabas sana ako para ipagpatuloy ang t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status