THIAGO
Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin at tanaw mula rito ang nagki-kislapang ilaw sa labas ng Mirage Hotel&Casino dito sa Las Vegas. Kinailangan ko kasing makipagkita sa isangmahalagang tao para sa aking negosyo. Tumunog ang phone ko at rumihistro angnumero ni Harvey kaya kaagad kong sinagot ang tawag niya.
“Nahanap mo na ba ang babaeng matagal ko nang pinapahanap sa’yo?” Tanong ko sa kanya.
“Yes, Thiago.”
Nakaramdam ako ng excitement dahil sa sagot niya at sa sasabihin pa niyang impormasyon tungkol sa babaeng yun.
“Pero nagtataka naman ako sa’yo. Kailan ka pa nagka-interesado sa babaeng nagpapatuka ng mga ibon at manok? Nagpapakain ng mga damo sa mga hayop, nangangabayo sa malawak nilang hacienda. At bakit mo siya pinapahanap?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Sumilay ang ngiti sa aking labi.
“Hindi mo na kailangang malaman, Harvey. Huwag mong i-aalis ang tingin mo sa kanya. Siguraduhin mong sa pagbalik ko ay alam ko parin kung saan ko siya makikita.” Utos ko sa kanya. Siya ang pinakamalapit 'kong kaibigan at tauhan na rin. Siya din ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat kaya siya ang pinahanap ko sa babaeng hindi nawala sa aking isip simula ng gabing yun.
“Kung puwersahan na lang namin siyang kunin?” Hirit ni Harvey na ikina-init agad ng ulo ko.
“Wag mong gagawin yan!” Singhal ko sa kanya.
“Bakit? Kung gusto mo siya madali lang naman siyang kunin. Bakit kailangan pa nating patagalin?”
Pinilit ‘kong ikalma ang aking sarili dahil hindi naman alam ni Harvey ang pagkatao ng babaeng pinapahanap ko sa kanya. Hindi rin nito alam kung paano nagawang patayin ng babaeng yun ang kanyang target sa auction. Tanging pangalan at mukha lang ng babae ang ibinigay 'kong pagkakakilanlan nito. At ilang buwan din ang lumipas bago siya matagpuan nito.
“She’s a dangerous woman, kaya wag kang gagawa ng mga bagay na ikakapahamak mo.”
Pagkatapos kong sabihin yun ay pinatay ko na ang tawag. Nagtungo ako sa lagayan ng mamahaling alak at nagsalin sa babasagin na baso. Inisang lagok ko lang ito upang ma-relax at makatulog ako ngayong gabi. Mula nang makita ko ang babaeng yun na binili ko mula sa auction sa halagang isang daang milyon ay palagi na lamang itong laman ng isip ko. Hindi ko makakalimutan ang tanging babae na kumuha ng aking atensyon. Pagkalagay ko ng baso ay nagtungo na ako sa kama.
Ibinagsak ko ang aking pagod na katawan sa malambot na higaan. Hangang ngayon ay naalala ko pa rin ng magandang mukha niya. Ang maganda at perpektong katawan niya. Ang magandang kulay ng buhok na bumagay sa kanyang maliit na mukha. Ang hugis puso nitong labi at ang maganda nitong mga mata. Hangang ngayon ay naamoy ko pa rin niya ang mabangong kamay nito na tanging nahawakan ko ng gabing yun. At hangang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan kung gaano ito katapang na labanan ang isang sindikato.
Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Pero naalala ko pa din ang eksena kung paano ko siya tinignan habang nakatayo sa itaas ng stage at ipinapakita ang kanyang alindog. Hindi lang ako ang nabihag niya ng mga oras na ‘yon. Dahil maski ang ibang lalakiay ginusto siyang bilhin sa malaking halaga. Dahil sa alak na ininom ko at sa init na hatid nito sa aking katawan ay kaagad na rin akong nilamon ng antok.
Kinabukasan ay inayos ko na ang mga gamit at maleta na dadalhin ko pauwi ng Pilipinas. Hindi na rin kasi ako makapag-antay na makita siyang muli. Iniwan ko na kay Victor ang pamamahala sa aking negosyo. Makalipas ang halos sixteen hours na byahe ay nakalapag na rin ang airplane na sinasakyan ko. Pagkalabas ko sa airport ay sumakay na agad ako sa bugatti. At lumipat naman ang driver nito sa likurang sasakyan kung saan naka-convoy sa akin ang aking mga bodyguards.
I connected my phone sa bluetooth headset upang matawagan ko si Harvey while I’m driving.
“Where is she?” I asked.
“Thiago, mabuti naman tumawag ka. Kung pupunta ka dito wag mo na ituloy. Kanina pa namin sinusundan ang sasakyan niya at kakalampas lang namin sa NLEX going to Manila kaya—”
Naputol ang sasabihin ni Harvey sa akin at narinig ko na lamang na nagkakagulo ang mga ito sa kabilang linya.
“What happen?” Seryosong tanong ko dahil narinig ko ang pagsigaw ni Harvey.
“Harvey? Tell me what happen?”
“Bigla siyang nawala! Nalaman niya sigurong nakasunod kami sa kanya kaya binilisan niya ang patakbo ng kotse. Kasalukuyan na namin siyang hinahabol kaya wag kang mag—”
“Damn it! Stop your fuckin car! Now!”
“Why? Hindi na namin siya maabutan!” Inis na sagot ni Harvey sa akin. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat kung gaano ito katapat sa akin ay ganun din katigas ang ulo nito.
“Listen to me! She’s not an ordinary girl. Kapag sinundan niyo pa siya. I doubt it kung makakatakas kayo sa kanya. I told you, she’s dangerous! So stop that fuckin car now!” Ma-authoridad na utos ko sa kanila.
Ang totoo hindi lang siya ang inaalala ko. Inaalala ko din na baka manlaban ‘to at mapuruhan ng mga tauhan ko. Halos lahat ng mga tauhan ko ay nabibilang sa class A o skilled sa pagamit ng armas. Magagaling din sila sa martial arts. Ngayon pa lamang ako nakaramdamng ganitong takot para sa isang tao. Baka ikapahamak nito ang gagawin ng aking mga tauhan. Hindi yun ang gusto kong mangyari. Hindi ko rin alam kung bakitganito ako nahuhumaling sa kanya. Pero alam ko na hindi ito ang klase ng babae na madaling makuha. Lalo pa’t malakas ang kutob ‘kong hindi lamang ito alagad ng batas.
“Harvey? Ano na ang nangyari?” Kinakabahan pa rin na tanong ko sa kanya.
“We stop chasing her, yun utos mo diba? Kaya yun ang masusunod. Umiba kami ng daan dahil baka kami naman ang abangan niya.” Paliwanag niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya yun.
“Good, magkita na lamang tayo sa Solaire.” Wika ko sa kanya at nagpaalam na rin ako. Pagkarating ko sa Solaire ay kumuha na ako ng dalawang magkatabing premiere suit para sa akin at para sa aking mga bodyguards. Kaagad akong hinatid ng staff sa 7th floor kung nasaan ang aking magiging room. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ito.
Pagkalapag ko ng aking mga gamit sa sofa ay tinawagan kong muli sa Harvey upang ipaalam na nandito na ako at umakyat na lamang siya sa room ko kapag nakarating na siya. Kilala naman ako dito dahil madalas akong dito nagpapahinga kapag may inaasikaso ako sa Manila.
Pagkatapos kong kausapin si Harvey ay nagpasya muna akong mag-order ng pagkain para sa akin at sa kabilang room dahil wala pa rin kasi kaming hapunan.
Kung tutuusin ay hindi ko naman kailangan ng bodyguards dahil kaya kong protektahan ang aking sarili. Pero dahil mas lumalawak ang aking empluwensya sa black market ay mas dumadami din ang nakikipag-kompetensya sa akin at may ibang pilit akong ibinababa. Minsan na ring nanganib ang buhay ko. Kung hindi dahil kay Harvey na noon ay bodyguard ko pa lamang ay siguradong ako ang tatamaan ng sniper na gustong magpatumba sa akin. Napansin kasi ito ni Harvey at tinulak niya ako kaya imbis ako ang tataman ay siya ang tinamaan ng bala sa dibdib. Mabuti na lamang at hindi sumentro sa puso nito ang bala dahil kung nagkataon siguradong wala na rin ang tapat kong tauhan.
Pagkarating ng pagkain ko ay kumain na rin ako. Makalipas ang isang oras ay dumating na rin si Harvey. Pinapasok ko siya sa loob at pinaupo sa receiving area.
“Nakakamangha ang babaeng yun Thiago. Hindi lang sa kabayo mabilis magpatakbo. Daig pa ang car racer kanina kung takasan kami.” Seryosong sabi ni Harvey sa akin na bahagyang kong ikinangiti.
“Harvey, bukod sa farm na inuuwian niya. Wala ka na bang ibang nalaman tungkol sa kanya?”
Napabuntong-hininga ito bago sumagot sa akin.
“Yun nga ang nakakapagtaka Thiago. Walang information about her. Kung hindi dahil sa sketch na binigay mo hindi pa namin siya mahahanap.” Reklamo niya sa akin. Ilang buwan din ang lumipas kaya siguradong nahirapan si Harvey sa paghahanap. Napatayo ako at humarap sa salamin upang makita ang labas ang kabuohan ng Manila Bay na ngayon ay napaka-aliwalas na tignan mula sa kinaroroonan ko.
“She’s not just a dangerous woman, she’s mysterious too. That’s why she’s always bugging my mind. I want you to find her again. Kung kailangan baliktarin niyo ang buong Pilipinas para mahanap niyo siya ulit ay gawin niyo.” Seryosong utos ko sa kanya. Kapag nakita ko na siyang muli ay ako mismo ang kukuha sa kanya.
THIAGOKakagising ko palang ay hinarap ko na ang ilang papeles na hindi ko pa napi-pirmahan sa nakalipas na ilang araw ko sa Las Vegas. Lumapit si Harvey sa akin na may dalang itim na envelop.“Thiago, dadalo ka ba sa inihandang pagdiriwang ni Mr. Fang sa Casino Imperial?” Tinigil ko ang pagpirma ng mga dokumento at kinuha ang itim na envelop na inabot niya sa akin.“At ano naman ang gagawin natin doon? Alam kong isa si Mr. Fang ang humahadlang sa mga transactions ko sa black market. Kunwari pa siyang gusto akong maging kaibigan. Pero ang totoo, hinaharang niya ang lahat ng mga negosyante na balak lumapit sa akin. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nasa ikatlong rank na siya. Pati nga si Xandro na nasa ikaapat na rank ay nagawa niyang ungusan at kunin ang loyalty ng mga tagasunod nito.”Kinuha ko ang nilalaman ng imbitasyon at binasa ‘to.“Bukas na ng gabi yan. Mas maganda kung pupunta tayo. Wag mong problemahin si Mr. Fang kahit naman mas umangat na siya ngayon ay mas kilala ka p
THIAGOHindi ako makapaniwala na makikita ko siya ngayong gabi. Ang babaeng matagal ko nang hinahanap ay dito ko pa sa Casino Imperial matatagpuan. Pero malaking katanungan sa akin kung bakit siya naririto. Kung tama ang hinala ko na alagad siya ng batas ay mali atang narito siya sa pagtitipon ng mga taong illegal ang ginagawa.Lahat ng kilos ni Keyla ay mataman kong sinusundan masama ang kutob na may magaganap ngayong gabi kagaya ng nangyari sa auction. Kapag totoo ang hinala ko siguradong nandito sa party ang kanyang target. Naagaw ng atensyon ko ang pagsunod ng tingin niya kay Mr. Fang. Tinapik ako ni Harvey kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.“Anong gagawin mo?” Kunot noo na tanong niya sa akin. Pareho kaming dalawa na bumalik ang tingin sa kanya. Kung kanina ay binata ang kausap niya ngayon ay matandang lalaki naman. Mukhang hindi lang ako ang nakakakuha ng atensyon niya. Nakatalikod ito sa gawi namin at ilang dipa ang layo namin sa kanya. Pero alam kong masaya ang usapan nil
KEYLAIdidilat ko na sana ang mga mata ko nang may marinig akong pamilyar na boses na nag-uusap malapit sa akin. Mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Hindi ko akalain na magagaling din pala ang mga tauhan ng Mr. Fang na yun. Kung hindi ako nakailag ay siguradong napuruhan ako. Involved si Mr. Fang sa illegal business like drugs and human trafficking. Ibinibenta niya ang mga babae na makukuha nila sa mga parokyano niyang yakuza. At sa Casino umiikot ang kanyang negosyo. Isa siya sa high profile na matagal nang binabantayan ng TAJSO. Sinigurado ‘kong nagawa ko ng maayos ang aking ikatlong misyon ngayon taon. Anim na buwan pa lamang mula nang maging isa akong agent na kasapi ng Trial and Justice Secret Organization or (TAJSO). Kasama ko ang aking kakambal na si Nara. Sa ngayon ay nasa labas siya ng bansa dahil may sarili din siyang misyon. Ang mga magulang namin ay myembro din ng isang undercover organization pero nagretero na si Mommy dahil ayaw na ni Daddy na pumasok pa siya sa delikad
THIAGOPagkalabas ko ng kwarto ay nagtatakang mukha ni Harvey ang sumalubong sa akin.“May nangyari ba? Nabawasan kasi ng isang linya ang wrinkles mo don’t tell me naka-score ka agad kay Miss K?” Nakangising sabi niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at nagmadali akong bumaba ng hagdan. Nakasunod siya sa akin hangang makababa na ako sa sala at umupo ako sa malaking sofa.Pina-tingnan ko muna si Keyla kay Doctor Alvin. Para malaman ko kung okay na ba siya at kung pwede na siyang kumain. Narito kami sa mansyon ko, malayo ito sa city at nasa tagong bahagi pa ito ng mataas na bundok. Kaya bangin na ang likuran nito. Para makarating dito ay kinakailangan pang sumakay ng helicopter. Pinasadya ko ang ganito kalayong palasyo para walang ibang makapunta dito. Wala din ibang nagtatangka na pumunta dito dahil bukod sa kontrolado ko ang buong lugar ay heavily guarded din ang lugar na ito. Hindi lang nagkalat ang mga tauhan ko sa labas. Nagkalat din ang mga Doberman pinscher sa nasasakupan ng l
KEYLANagising ang diwa ko dahil may naramdaman akong humihila ng laylayan ng damit ko sa hita. Hinanda ko na ang aking sarili na sugurin ang sira ulong humihipo sa hita sa akin. Sisipain ko na sana siya pero pagdilat ko ay ang guwapong mukha niya ang bumungad sa akin. Naka-loose pajama siya at fitted na gray t-shirt, hawak niya ang laylayan ng damit ko. Nagulat din siguro siya dahil yun ang nakita ko sa mukha niya.“Anong ginagawa mo?” Napa-upo ako at napa-atras sa headboard ng kama.“Ah, eh wala akong balak gawin sa’yo. Inaayos ko lang ang damit mo dahil baka pumasok si Doctor Alvin dito makita itong makinis at maputi mong hita.” Kunot noo niyang sabi sa’kin. Hinila ko ang kumot at itinakip ko sa aking hita pababa. Malikot talaga ako matulog kaya dapat palagi akong naka pajama ang problema itong malambot at mahabang damit ang binigay sa akin. Kapag tinangka kong lumakad sa gabi sa labas mapagkakamalan na akong white lady.“Eh ano naman kung makita niya? Doctor siya at walang malisya
KEYLANakakakilabot ang mga tahol ng malalaking aso! At napakabilis din nilang tumakbo! Nahihilo na rin ako sobrang sakit na ng sugat ko. Kahit magpasikot-sikot ako sa damuhan siguradong matutunton ako ng malalaking aso na yun. Hindi ko na alam kung makakaalis pa ba ako at kung aabot pa ba ako ng buhay!“Keyla!!!”Narinig ko na naman ang malakas na sigaw niya. Siguradong nakalabas na gilagid noon sa galit sa akin pero wala akong paki-alam kung galit siya sa akin mas galit ako sa kanya!Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa dinadaanan ko dahil napapasin kong mas matatalim na ang bato dito kaysa kanina hangang sa nagmali ako ng tapak at nagulat na lamang ako nang dumulas ang paa ko pababa.“Ahhh!”“Keyla!!!”Jusko! Bakit bangin na itong nasa ibaba ko? Kung hindi ako nakahawak sa nakausli at malaking bato sigurado akong lasog-lasog na ang katawan ko sa ibaba sa lalim ng bangin! Hindi nga ako malalapa ng aso siguradong hindi na ako mabubuhay kapag tuluyan akong nahulog dito!“Keyla! Huma
KEYLALagpas tanghali na ay hindi pa rin siya bumabalik sa kuwarto ko. Nakatulog na nga ako ng ilang oras kanina pagkatapos tahiin ang sugat ko. Hindi naman sa ina-antay ko siya. Pero hindi ko rin alam kung bakit panay ang tingin ko sa orasan. Simula kanina hindi na siya bumalik. Parang ayaw ko na tuloy maniwala kay Doc Alvin na kinilig nga siya sa sinabi ko kanina.Parang nakakaramdam ako ng inis na hindi ko alam kung saan nangangaling. Naiinis ba ako dahil hindi niya ako dinadalaw dito o naiinis ako dahil hindi tumalab sa kanya ang pagpapabebe ko kanina?Hmp! Kapag hindi pa rin siya nagpakita sa akin maghapon ay hindi ko na siya kakausapin! Hindi man lang niya sinilip kung buhay pa ako! Tapos nagwalk-out pa siya kanina!Pagkatapos ‘kong magtanghalian kanina ay wala pa rin siya. Hindi ko pa rin nakikita ang masungit niyang mukha.Hangang sa malapit nang magdilim ay talagang hindi pa rin siya pumapasok sa kuwarto ko. Nakakabagot kaya mag-stay dito wala naman akong puwedeng kausapin ku
THIAGOKakarating ko lang sa mansyon dahil may inayos akong negosyo sa Manila. Hindi na ako nakapagsabi kay Keyla dahil urgent ang naging meeting ko sa isa sa mga negosyong balak kong pagtuunan ng pansin kapag tinalikuran ko na ang lahat ng mga illegal kong negosyo. Dumaan din ako sa dangwa upang bumili ng maraming rosas dahil yun daw ang gustong bulaklak ng mga babae. Kaya pinakyaw ko na ang lahat ng variety na nakita ko sa tatlong tindahan. Sapat na siguro ang mga yun para magustuhan ni Keyla. Nahirapan pa nga ang mga tauhan kong pagkasyahin sa loob ng chopper ang mga bulaklak sa dami.Ginabi na ako at sabik na rin akong makita siya. Kaya pagkababa ko ay nagmadali na akong magtungo sa kuwarto ni Keyla.Nang buksan ko ang pinto niya ay narinig ko siyang umuungol kaya nagmadali akong lumapit sa kanya.“Keyla? Keyla!”Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at marahan ko siyang niyugyog. Sa tingin ko ay binabangungot siya.“Wag…wag mo akong patayin!” Sigaw niya na ikinataranta ko.“Ke
SEBASTIAN “Ikaw?!” Bulalas ng babaeng sapilitan kong ipinadukot upang dalhin dito sa isang rest house namin. “Mabuti naman naalala mo pa ako? Hindi ako makapaniwalang nahirapan ang mga tauhan kong dalhin ka dito. Totoo ngang magaling ka sa martial arts dahil bukod sa black-eye bali-bali pa ang mga buto nila.” Naiiling na sabi ko sa kanya. Tumayo siya sa kama at akmang susuntukin ako ngunit mabilis kong nahawakan ang mga kamay niya at inikot ko ang kanyang katawan at hinawakan ko siya ng mahigpit. Nasa likuran niya ako at mahigpit kong hawak ang mga kamay niya. Nakapaikot sa beywang niya ang braso ko. “Manyak ka talaga! Bitawan mo ako! Kung ano man ang balak mo sa akin. Wala kang mahihita sa akin! Hindi ako anak mayaman at kapag nakawala ako dito lagot ka sa tatay ko!” Singhal niya sa akin habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap ko. “Hindi pera ang dahilan kaya kita dinala dito. Binasted mo ako remember? Ayoko nang pinaghihirapan makuha ang isang bagay kaya kung ayaw mo ng santo
KEYLAEveryone is here, celebrating with us. Talagang binigyan nila ng araw at oras ang mahalagang araw na ito for me and Thiago. Although wala si Nara dito I know kung nasaan man siya masaya siya for me. Natupad ang isa sa pangarap ko ilang beses na ring hindi matuloy-tuloy ang pagpapakasal naming dalawa pero heto kami ngayon. Were dancing in front of all people who are happy to see both us. Talagang ginastusan ni Thiago ang buong resort dahil exclusive lang ito para sa aming at sa mga bisita. “Are you happy?” Nakangiting tanong niya sa akin. “Of course, ikaw ba? Paano tayo after nito?” Tanong ko sa kanya. Siya kasi ang nagplano ng lahat ng ito. Nang malaman kong gusto niya kaming ikasal sa ibang bansa hindi na niya ako ini-stress sa lahat ng detalye. At kumuha siya ng wedding planner at organizer sa California to prepare our wedding. At hindi ko alam kung ano ang plan niya after the reception. “Huwag mo nang problemahin yun. Si Mommy daw muna ang mag-aalaga kay Seb. Sabi niya mag
THIAGO“Hoy! Ano ka ba? Para kang hindi mapatae diyan!” Saway ni Harvey sa akin. Kanina pa kasi ako hindi mapakali nandito kami waterfront beach resort sa huntington beach sa California. Dito ko napiling pakasalan si Keyla kasama ng pamilya at malapit naming kaibigan. Bukod sa luxurious Hilton hotel kung saan magaganap ang aming reception napili kong maging backdrop ng exchange vows namin ay ang sunset at blue wavy waves ng resort beach resort. At almost five minutes na siyang late nandito na lahat ng a-attend sa kasal namin. Kabilang si Harvey na best man ko. Ang lahat ng kaibigan ni Keyla at agents ng TAJSO kompleto at pati na rin ang mga bago naming business partners at investors. “Late na siya at malapit na ring lumubog ang araw sa tingin mo paano ako kakalma?” Kunot noong tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tinapik niya ako sa balikat. “Five minutes palang, ganun talaga ang mga babae Thiago. Si Cherry nga eh tatlong oras akong pinag-antay sa date namin at nakalimutan d
KEYLANapabalikwas ako ng bangon nang makapa kong wala na akong katabi sa kama. Mataas na rin ang araw at tumatagos na ang hangin sa nakabukas na salamin ng balkonahe. Paglingon ko sa crib ay wala na din doon si Baby Seb kaya bumaba ako ng kama at nagtungo ako sa balkonahe upang tanawin ang magandang panahon sa labas. Napatingin ako sa ibaba at nakita ko silang dalawa. Karga niya si Baby at tuwang-tuwa niya itong nilalaro habang pinapainitan. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Hindi ko kasi akalain na darating ang araw na ito. Na buhay siya at makakasama namin siyang muli. Napa-angat siya ng tingin sa gawi ko at malawak na nginitian niya ako. Kung ganito ba naman ka-guwapo ang bubungad sayo pagising palang ang sarap ng sundan ni Baby Seb! Kumuha ako ng cardigan at lumabas ako ng kuwarto. Pagkababa ko ng hagdan ay bumungasd si Mommy sa akin na naghahanda ng pagkain sa veranda. “Mabuti naman gising ka na. Pinuyat ka ba ni Baby Seb? O baka naman ang lalaking yun ang pumuyat sa’yo? Alala
THIAGONabigla ako nang sabihin ni Keyla na wala na si Nara. Hindi ko inasahan na matatalo siya ng ganun at hahantong sa masaklap na kamatayan. Matagal ko na rin naman siyang napatawad kaya nakikisimpatya ako sa pagdadalamhati nila at nagpasyang ipagpaliban muna ang kasal. Dahil yun ang hiling ng kanyang mga magulang. Isa pa wala pang fourty days at nagluluksa parin sila kaya ni-respeto ko ang kanilang hiling. Hindi ko na naman kailangan ng assurance dahil sapat na si Baby Seb upang masiguro kong papakasalan ako ni Keyla sa kabila ng nangyari sa mga nakalipas na buwan.Sa ngayon ay nandito kami sa crystal de galyo ang islang pagmamay-ari at minana ng kanyang ama. Nalaman kong dito din pala siya nagtago kaya hindi ko siya mahanap noong mga oras na naghiwalay kaming dalawa. Kailangan daw kasi namin ng magandang lugar to unwind lalo pa’t mabigat parin ang kalooban ng kanyang mga magulang. At kasama akong nagdadalamhati dahil alam kong masakit din ito kay Keyla. “Mahal, kanina pa naiya
KEYLATumawid ako sa tulay na inilagay nila upang makatawid kay Thiago. Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit.“Natapos din ang lahat.” Mahinang sambit ni Thiago habang yakap niya ako. “Hindi pa tapos Thiago, kailangan muna nating matangal ang bombang inilagay ni Tanita diyan sa katawan mo.” Hinaplos ni Thiago ang buhok ko.“I know, pero hindi na ako nag-alala sa bomba mas inalala kita kanina. Alam mo bang para akong a-atakihin habang nakatingin lang sa inyong dalawa? Bakit ba kasi ayaw mong tulungan kita sa baliw na babaeng yun? Paano kung napahamak ka? Paano kung ikaw ang nahulog? Tignan mo ang nangyari sa’yo.” Paninisi nito sa kanya habang hinahaplos ang duguan niyang labi.“Dahil laban namin yun ni Tanita. Marami siyang atraso sa sayo lalo na sa akin. Kaya nararapat lang na ako ang tumapos sa kanya. Kahit hindi niya sabihin sa akin ng harapan alam kong ngayon lamang siya nakatagpo ng katapat kaya ginamit niya ang huli niyang baraha. And I was satisfied fighting with her. Karapat
Inantay ni Thiago na tumigil ang pag-ikot ng CCTV camera dahil yun ang hudyat na tulog na ang mga nagbabantay nito. Kaagad siyang tumayo sa kanyang higaan. At nagbihis ng pantalon, puting t-shirt at jacket pati na rin sapatos. Wala siyang armas kaya kailangan niya munang kumuha sa mga tauhan ni Tanita. Kaagad niyang binuksan ang pinto dahil hindi naman ito naka-locked. Alam niyang sa kabilang kuwarto lang ang kinaroroonan ng kanyang anak dahil yun ang sinabi sa kanya ng nurse pagbalik nito. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa kuwarto ni Baby Seb. Binuksan niya ang pinto at nagulat siya nang makita ang mga paa ng dalawang tauhan ni Tanita na nakabulagta sa loob ng kuwarto. Nag-angat siya ng tingin madilim ang paligid at tanging anino lang ng sa tingin niya ay babae ang kanyang nakita. Dahil sa liwanag sa salamin na pinto sa veranda. Nakatayo ito sa gilid ng crib karga nito ang kanyang anak. “Sino ka?!” Madiin niyang tanong kasabay ng matulis na bagay na tumapat sa kanyang leeg.
Matutulog na sana si Thiago nang bumukas ang pinto.“Thiago! I have a surprise for you!”Excited na bulalas ni Tanita nang pumasok ito sa kanyang kuwarto bitbit ang sangol na kinuha niya kay Isay. Matapos niya itong patayin kasama ng Doctora na inuto din niya. Ayaw niya kasing may iba pang makaalam sa ginawa niya kaya tinapos na rin niya ang buhay ng mga ito.Kaagad na ini-adjust ng nurse ang kanyang higaan upang ma-elevate ang kanyang ulo.“Look how handsome he is!” Inilapit niya ito kay Thiago na kasalukuyang naka-upo na sa kanyang kama.“This is our child…Baby Sebastian.” Nangingilid ang luha na sabi nito sa kanya. Para siyang naitulos sa kinuupuan niya nang makita niya ang mukha ng sanggol. Kahawig na kahawig niya ito noong baby pa siya at naramdaman niya kaagad ang lukso ng dugo. Napakuyom siya sa kanyang kamao na nasa ilalim ng makapal niyang unan. Gustuhin man niyang kunin ito sa kamay ni Tanita ngunit kapag ginawa niya yun ay masasayang ang ilang buwan na pagtitiis niya at pag
Nagising si Keyla dahil sa ingay na nasa paligid niya. Pagdilat niya ay nakapalibot na sa kanya ang buo niyang pamilya.“Ate!”“Anak…”Nag-aalalang sambit ng mga ito. Napatingin siya sa kanyang ama dahil ang huli niyang naalala ay naghihinagpis siya sa gilid ng kotse yung nasaan ang bangkay ng tumangay kay Baby Seb.Naupo siya sa kama at muli niyang naalala na wala na sa kanyang piling ang kanyang anak kaya muling nangilid ang kanyang luha at napahagulgol sa sakit ng kanyang nararamdaman.“Anak, tama na…alam na namin kung sino ang may pakana ng lahat.”Nag-angat siya ng tingin dahil sa sinabi ng kanyang Ama. Kinuha nito ang pulang sobre sa ibabaw ng mesa na ibinigay ni Mr. X para sa susunod niyang misyon.“Anong ibig sabihin nito?” Nagtatakang tanong ni Keyla.“Open it...hahayaan ka naming mag-desisyon kahit labag sa loob namin dahil sa pagkawala ng kapatid mo.”Kinabig ni Brian ang kanyang asawa na si Aliixane na nasa tabi lang niya at naiiyak na rin. Dahil alam niyang kapag tinangap