KEYLAPagkatapos naming kumain ay niyaya naman niya akong lumabas ng mansyon. Pagkabukas pa lang niya ng pinto ay mga basket ng bulaklak na ang bumungad sa akin. Nakahilera sila sa daan at ang ganda nilang pagmasdan.“Anong meron bakit ang daming nagkalat na bulaklak dito?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at dumaan kami sa gitna ng nakahilerang bulaklak.“Hindi ko alam kung anong favorite mong flowers kaya binili ko na lamang lahat.” Sagot niya sa akin na ikina-awang ng labi ko. Binili niyang lahat ng bulaklak na ‘to dahil hindi niya alam ang gusto ko? Malakas na talaga ang tama nito sa akin.Ilang hakbang pa ay bumungad na sa akin ang arko na korteng bulaklak din. Nakaharap ito sa nagkikislapang ilaw sa malayong syudad. Sobrang ganda ng arc iba’t-ibang kulay ng rosas ang nakakabit dito at may mga orchids din. May mga maliliit din na lights na nagkikislapan sa paligid nito. Masarap sa matang pagmasdan. Para kaming nasa fairytale na beauty and the wolf ang
KEYLAImbis na sa loob ng aking kwarto ay ibang kwarto ang pinagdalhan niya sa akin. Kung yung kwarto ko ay maaliwalas pa ng kaunti dahil sa light colors na pintura sa pinasukan naming ay puro naman dark ang nakikita ko. Kulay itim ang kurtina, gray ang dingding at ang sahig. Pero itim din ang kanyang kama pati na rin ang kanyang sofa na may glass table sa gitna. May malaking glass cabinet din at may dalawa pang itim na pinto. May malaking chandelier din na nagbibigay liwanag sa buong kwarto. May kilala akong mahilig din sa ganitong mixed ng kulay. Yun ay si Luna, hindi na ako magtataka dahil pareho silang misteryoso ang pagkatao.Dahan-dahan niya akong nilapag sa malambot na kama. Pagkatapos ay umalis siya at nagtangal ng coat. At pumasok sa isang pinto na sa tingin ko ay bihisan niya. Mataman lang akong naghihintay pero kinakabahan din ako. Okay lang naman sa akin ang ganitong kwarto. Kahit hindi masyadong maliwanag napaka aesthetic lang at mas nagiging sensual sa pakiramdam. Napasi
KEYLA Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. Tumayo ako sa kama at nag-unat dahil pakiramdam ko naninigas na ang mga muscles ko sa kakahiga dahil sa sugat ko. Kapag gumaling na ako ay balak kong mag rock climbing para makababa ako sa bangin gusto ko lang naman subukan kung kakayanin kong makatakas dito kapag doon ako dumaan. Sa tingin ko ay nasa dalawang daan na talampakan ang lalim nito kaya mas maige kung gagamit ng harness pababa at pa-akyat pero mukhang hindi rin ako papayagan ni Thiago baka isipin niya tatakasan ko siya ulit. Pero kapag nagising na siya sa kabaliwan niya sa akin baka nga takasan ko siyang muli. Pagkalabas ko ng kuwarto ay siya na agad ang hinanap ng mata ko. Baka nasa loob lang siya ng bahay. Nag-ikot pa ako ngunit wala akong makita. Imbis na si Thiago ay si Harvey ang nakasalubong ko sa sala. “Nagugutom ka na Ms. Keyla? Nakahanda na ang almusal sa mesa.” Nakangiting sabi niya sa akin. “Si Thiago?” “Ah! Umalis siya kanina pinuntahan si Victor.” Sagot n
THIAGOHindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam na yakap ko sa pagtulog ang babaeng nagpatibok sa aking puso. Kung alam lang niya kung gaano ko siya kagustong angkinin ngunit inaalala ko pa din ang sugat niya. Kaya tiniis ko na lamang na hindi siya halikan upang makalayo ako sa temptation at makalimutan kong kailangan pa niyang magpagaling.Nahirapan akong matulog dahil ayaw kumalma ng alaga ko. Kaya naging mababaw lang ang tulog ko sa magdamag. Pero siya rinig ko ang mahinang hilik niya sa dibdib ko.Damn it! This is not a good idea! Paano ko natagalan ang bagay na ito?Halos pabukang liwayway na nang matangap ko ang tawag ni Victor. Lumabas ako ng kuwarto upang hindi makagawa ng ingay dahil ayokong magising siya sa mahimbing niyang pagkakatulog.“Victor, alam mo ba kung anong oras lang dito? Bakit napatawag ka?” Inis na tanong ko sa kanya.“Tuloy na ang malaking transaction natin ng smuggled weapon dito bukas. Gusto mo bang tignan ang mga armas?” Tanong niya sa akin. Matag
THIAGO“Thiago, tama na yan! Kapag hindi mo tinigil ang pag-iinom mo masusunog ang atay mo. Ano bang nangyayari sa’yo? Isang linggo ka ng nagpapakalunod sa alak. Sa tingin mo masu-sulosyonan ng pag-inom mo ang problema mo kay Keyla? Parang hindi ka lalaki ah!” Litanya ni Harvey sa akin. Akmang aagawin niya sa akin ang hawak kong rhum pero hinampas ko ang kanyang kamay. Isang linggo na ang nakalipas nang umalis si Keyla. Noong araw na umalis siya ay nalaman namin na sa bumagsak ang helicopter sa dagat malapit sa Laguna de bay. At hangang ngayon ay hindi ko pa rin nahananap si Keyla. Pinapuntahan ko na rin sa mga tauhan ko ang farm at wala na siya doon. Imposibleng kasama siyang lumubog sa ilalim. Alam kong hinding-hindi siya ganun kadaling mamatay. At isa pa walang bangkay ang na-recover kaya malakas ang kutob ko na buhay pa siya. Hindi pa rin tumitigil ang mga tauhan ko sa paghahanap pero hangang ngayon wala pa rin kaming balita. Para na akong masisiraan ng bait sa kakaisip kung nasaa
THIAGOBumagsak ang dilat na mata ni Naokimoto sa sahig dahil sa putok ng baril ko sa kanyang sentido. Umaagos pa ang dugo sa kanyang ulo. Hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil sa pagsiklab ng aking galit sa ginawa nilang paglalaro kay Keyla.Nagsimulang magpalitan ng mga putok ng baril mula sa mga body guards ko laban sa mga bodyguards niya. Sunod-sunod kong binaril ang salamin dahil wala itong pintuan na nakaharap sa amin. Pinatamaan ko na din ang lalaking kasama ni Keyla. Kaya Bumagsak din ito sa semento. Nakasubsob ang hubad na katawan ni Keyla sa kama. At walang pagdadalawang isip ko siyang binalot sa kumot. Habang si Harvey naman ang nakabantay sa likod ko.Pagkatapos kong ibalot siya sa kumot ay binuhat ko na siya. Mahihinang ungol ang namutawi sa kanyang labi. Ayoko munang isipin kung ano ang nangyari sa kanya dahil ang mas mahalaga sa akin ngayon ay maitakas ko siya sa impyernong lugar na ito!“Harvey, tawagan mo ang piloto na sunduin tayo ngayon din!” Utos ko sa kanya
KEYLANagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Idinilat ko ang aking isang mata. Masakit pa rin ang aking ulo. Pero mas masakit ang aking katawan. Sa tingin ko para akong dinambahan ng sampung kabayo. Sapo ang noo na inalala ko ang nangyari.Nawalan ako ng control sa helicopter kaya pinilit ko na ibagsak sa dagat upang walang madamay na tao. Bago ito bumulusok ay nagawa ko pang makatalon mula sa itaas ngunit inabot pa rin ako kaya nagkaroon ako ng mga galos at sugat sa katawan dahil sa pagsabog nito.Pinilit ko ang aking sarili na makalangoy at makalapit sa dalampasigan. Ngunit hindi ko inaasahan na ang hihingian ko palang tulong ay mga sindikato. Dahil sa labis na panghihina ay hindi ko nagawang makapanlaban sa kanila. Armado din kasi sila at marami samantalang ako bukod sa pagod na nilangoy ko ay masasakit din ang sugat na tinamo ko sa pagbagsak ng helicopter. Dinala nila ako sa isang warehouse imbis na sa hospital. At doon nila ako ginamot ng tatlong araw. Nakatali
KEYLA “Maliligo ka ba o gusto mong ako na ang magpaligo sa’yo?” Sinamaan ko siya ng tingin at napilitan akong pumasok sa banyo. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang sahig na maraming petals ng rose pati na rin ang mabangong aroma mula sa nakasinding kandila. Lumakad ako hangang makarating ako sa malaking bath tub. Akala ko sa sahig lang pero marami ding nakalagay doon petals na kumulay na sa tubig. Nakakarelax ang amoy. Bahagya kong nakalimutan na nasa loob ako ng malaking palasyo ng wolf na yun! Tinangal ko ang bath robe na suot ko at isinabit ko sa ding-ding. Ini-apak ko ang aking paa papasok sa bath tub. Maligamgam ang tubig at masarap sa pakiramdam. Itinawid ko ang aking katawan upang dahan-dahan kong mailubog sa tubig. Isinandal ko ang aking ulo at pumikit ako. Ang sarap! Makakatulong ito upang kahit paano ay mabawasan ang nararamdaman ko. Walang hiya ang lalaking yun! Pinagsamantalahan niya ako! Kung nasa katinuan lang ako nang mga oras na yun hindi niya magagawa yun sa aki
SEBASTIAN “Ikaw?!” Bulalas ng babaeng sapilitan kong ipinadukot upang dalhin dito sa isang rest house namin. “Mabuti naman naalala mo pa ako? Hindi ako makapaniwalang nahirapan ang mga tauhan kong dalhin ka dito. Totoo ngang magaling ka sa martial arts dahil bukod sa black-eye bali-bali pa ang mga buto nila.” Naiiling na sabi ko sa kanya. Tumayo siya sa kama at akmang susuntukin ako ngunit mabilis kong nahawakan ang mga kamay niya at inikot ko ang kanyang katawan at hinawakan ko siya ng mahigpit. Nasa likuran niya ako at mahigpit kong hawak ang mga kamay niya. Nakapaikot sa beywang niya ang braso ko. “Manyak ka talaga! Bitawan mo ako! Kung ano man ang balak mo sa akin. Wala kang mahihita sa akin! Hindi ako anak mayaman at kapag nakawala ako dito lagot ka sa tatay ko!” Singhal niya sa akin habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap ko. “Hindi pera ang dahilan kaya kita dinala dito. Binasted mo ako remember? Ayoko nang pinaghihirapan makuha ang isang bagay kaya kung ayaw mo ng santo
KEYLAEveryone is here, celebrating with us. Talagang binigyan nila ng araw at oras ang mahalagang araw na ito for me and Thiago. Although wala si Nara dito I know kung nasaan man siya masaya siya for me. Natupad ang isa sa pangarap ko ilang beses na ring hindi matuloy-tuloy ang pagpapakasal naming dalawa pero heto kami ngayon. Were dancing in front of all people who are happy to see both us. Talagang ginastusan ni Thiago ang buong resort dahil exclusive lang ito para sa aming at sa mga bisita. “Are you happy?” Nakangiting tanong niya sa akin. “Of course, ikaw ba? Paano tayo after nito?” Tanong ko sa kanya. Siya kasi ang nagplano ng lahat ng ito. Nang malaman kong gusto niya kaming ikasal sa ibang bansa hindi na niya ako ini-stress sa lahat ng detalye. At kumuha siya ng wedding planner at organizer sa California to prepare our wedding. At hindi ko alam kung ano ang plan niya after the reception. “Huwag mo nang problemahin yun. Si Mommy daw muna ang mag-aalaga kay Seb. Sabi niya mag
THIAGO“Hoy! Ano ka ba? Para kang hindi mapatae diyan!” Saway ni Harvey sa akin. Kanina pa kasi ako hindi mapakali nandito kami waterfront beach resort sa huntington beach sa California. Dito ko napiling pakasalan si Keyla kasama ng pamilya at malapit naming kaibigan. Bukod sa luxurious Hilton hotel kung saan magaganap ang aming reception napili kong maging backdrop ng exchange vows namin ay ang sunset at blue wavy waves ng resort beach resort. At almost five minutes na siyang late nandito na lahat ng a-attend sa kasal namin. Kabilang si Harvey na best man ko. Ang lahat ng kaibigan ni Keyla at agents ng TAJSO kompleto at pati na rin ang mga bago naming business partners at investors. “Late na siya at malapit na ring lumubog ang araw sa tingin mo paano ako kakalma?” Kunot noong tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tinapik niya ako sa balikat. “Five minutes palang, ganun talaga ang mga babae Thiago. Si Cherry nga eh tatlong oras akong pinag-antay sa date namin at nakalimutan d
KEYLANapabalikwas ako ng bangon nang makapa kong wala na akong katabi sa kama. Mataas na rin ang araw at tumatagos na ang hangin sa nakabukas na salamin ng balkonahe. Paglingon ko sa crib ay wala na din doon si Baby Seb kaya bumaba ako ng kama at nagtungo ako sa balkonahe upang tanawin ang magandang panahon sa labas. Napatingin ako sa ibaba at nakita ko silang dalawa. Karga niya si Baby at tuwang-tuwa niya itong nilalaro habang pinapainitan. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Hindi ko kasi akalain na darating ang araw na ito. Na buhay siya at makakasama namin siyang muli. Napa-angat siya ng tingin sa gawi ko at malawak na nginitian niya ako. Kung ganito ba naman ka-guwapo ang bubungad sayo pagising palang ang sarap ng sundan ni Baby Seb! Kumuha ako ng cardigan at lumabas ako ng kuwarto. Pagkababa ko ng hagdan ay bumungasd si Mommy sa akin na naghahanda ng pagkain sa veranda. “Mabuti naman gising ka na. Pinuyat ka ba ni Baby Seb? O baka naman ang lalaking yun ang pumuyat sa’yo? Alala
THIAGONabigla ako nang sabihin ni Keyla na wala na si Nara. Hindi ko inasahan na matatalo siya ng ganun at hahantong sa masaklap na kamatayan. Matagal ko na rin naman siyang napatawad kaya nakikisimpatya ako sa pagdadalamhati nila at nagpasyang ipagpaliban muna ang kasal. Dahil yun ang hiling ng kanyang mga magulang. Isa pa wala pang fourty days at nagluluksa parin sila kaya ni-respeto ko ang kanilang hiling. Hindi ko na naman kailangan ng assurance dahil sapat na si Baby Seb upang masiguro kong papakasalan ako ni Keyla sa kabila ng nangyari sa mga nakalipas na buwan.Sa ngayon ay nandito kami sa crystal de galyo ang islang pagmamay-ari at minana ng kanyang ama. Nalaman kong dito din pala siya nagtago kaya hindi ko siya mahanap noong mga oras na naghiwalay kaming dalawa. Kailangan daw kasi namin ng magandang lugar to unwind lalo pa’t mabigat parin ang kalooban ng kanyang mga magulang. At kasama akong nagdadalamhati dahil alam kong masakit din ito kay Keyla. “Mahal, kanina pa naiya
KEYLATumawid ako sa tulay na inilagay nila upang makatawid kay Thiago. Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit.“Natapos din ang lahat.” Mahinang sambit ni Thiago habang yakap niya ako. “Hindi pa tapos Thiago, kailangan muna nating matangal ang bombang inilagay ni Tanita diyan sa katawan mo.” Hinaplos ni Thiago ang buhok ko.“I know, pero hindi na ako nag-alala sa bomba mas inalala kita kanina. Alam mo bang para akong a-atakihin habang nakatingin lang sa inyong dalawa? Bakit ba kasi ayaw mong tulungan kita sa baliw na babaeng yun? Paano kung napahamak ka? Paano kung ikaw ang nahulog? Tignan mo ang nangyari sa’yo.” Paninisi nito sa kanya habang hinahaplos ang duguan niyang labi.“Dahil laban namin yun ni Tanita. Marami siyang atraso sa sayo lalo na sa akin. Kaya nararapat lang na ako ang tumapos sa kanya. Kahit hindi niya sabihin sa akin ng harapan alam kong ngayon lamang siya nakatagpo ng katapat kaya ginamit niya ang huli niyang baraha. And I was satisfied fighting with her. Karapat
Inantay ni Thiago na tumigil ang pag-ikot ng CCTV camera dahil yun ang hudyat na tulog na ang mga nagbabantay nito. Kaagad siyang tumayo sa kanyang higaan. At nagbihis ng pantalon, puting t-shirt at jacket pati na rin sapatos. Wala siyang armas kaya kailangan niya munang kumuha sa mga tauhan ni Tanita. Kaagad niyang binuksan ang pinto dahil hindi naman ito naka-locked. Alam niyang sa kabilang kuwarto lang ang kinaroroonan ng kanyang anak dahil yun ang sinabi sa kanya ng nurse pagbalik nito. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa kuwarto ni Baby Seb. Binuksan niya ang pinto at nagulat siya nang makita ang mga paa ng dalawang tauhan ni Tanita na nakabulagta sa loob ng kuwarto. Nag-angat siya ng tingin madilim ang paligid at tanging anino lang ng sa tingin niya ay babae ang kanyang nakita. Dahil sa liwanag sa salamin na pinto sa veranda. Nakatayo ito sa gilid ng crib karga nito ang kanyang anak. “Sino ka?!” Madiin niyang tanong kasabay ng matulis na bagay na tumapat sa kanyang leeg.
Matutulog na sana si Thiago nang bumukas ang pinto.“Thiago! I have a surprise for you!”Excited na bulalas ni Tanita nang pumasok ito sa kanyang kuwarto bitbit ang sangol na kinuha niya kay Isay. Matapos niya itong patayin kasama ng Doctora na inuto din niya. Ayaw niya kasing may iba pang makaalam sa ginawa niya kaya tinapos na rin niya ang buhay ng mga ito.Kaagad na ini-adjust ng nurse ang kanyang higaan upang ma-elevate ang kanyang ulo.“Look how handsome he is!” Inilapit niya ito kay Thiago na kasalukuyang naka-upo na sa kanyang kama.“This is our child…Baby Sebastian.” Nangingilid ang luha na sabi nito sa kanya. Para siyang naitulos sa kinuupuan niya nang makita niya ang mukha ng sanggol. Kahawig na kahawig niya ito noong baby pa siya at naramdaman niya kaagad ang lukso ng dugo. Napakuyom siya sa kanyang kamao na nasa ilalim ng makapal niyang unan. Gustuhin man niyang kunin ito sa kamay ni Tanita ngunit kapag ginawa niya yun ay masasayang ang ilang buwan na pagtitiis niya at pag
Nagising si Keyla dahil sa ingay na nasa paligid niya. Pagdilat niya ay nakapalibot na sa kanya ang buo niyang pamilya.“Ate!”“Anak…”Nag-aalalang sambit ng mga ito. Napatingin siya sa kanyang ama dahil ang huli niyang naalala ay naghihinagpis siya sa gilid ng kotse yung nasaan ang bangkay ng tumangay kay Baby Seb.Naupo siya sa kama at muli niyang naalala na wala na sa kanyang piling ang kanyang anak kaya muling nangilid ang kanyang luha at napahagulgol sa sakit ng kanyang nararamdaman.“Anak, tama na…alam na namin kung sino ang may pakana ng lahat.”Nag-angat siya ng tingin dahil sa sinabi ng kanyang Ama. Kinuha nito ang pulang sobre sa ibabaw ng mesa na ibinigay ni Mr. X para sa susunod niyang misyon.“Anong ibig sabihin nito?” Nagtatakang tanong ni Keyla.“Open it...hahayaan ka naming mag-desisyon kahit labag sa loob namin dahil sa pagkawala ng kapatid mo.”Kinabig ni Brian ang kanyang asawa na si Aliixane na nasa tabi lang niya at naiiyak na rin. Dahil alam niyang kapag tinangap