Share

II

Penulis: Thunder Bird
last update Terakhir Diperbarui: 2022-09-13 13:25:06

AFTER 5 YEARS

KATATAPOS lang magsimba ng pamilya ni Melody. Sabay-sabay silang mag-anak umuwi sa Villa nila sa Surigao, hindi pa rin nawala sa isip niya ang pangako ng Daddy Mansueto niyang papayagan na siyang magbakasyon nito mag-isa sa El Nido sa Palawan.

"Finally! Masaya ako't hahayaan na ako ni daddy, Yaya," masayang sambit niya sa Yaya Mely niya habang papasok sila sa malaking bahay nila.

Nasa loob na ang lahat ng pamilya niya kasama ang pitong taong gulang niyang kapatid na si Sonata.

"Mabuti naman at hindi ka na pinagbabawalan ngayon, pero dapat mag-iingat ka pa rin palagi, Melody."

"Oo naman, Ya. Huwag kang mag-alala at ako ang bahala sa pasalubong mo," nakangiti niyang pagkakasabi rito.

"Kahit na walang pasalubong, Hija. Alam mo naman na walang mas mahalaga sa akin kun 'di ang kaligtasan mo, kayong dalawa ni Sonata."

Napangiti na lamang si Melody sa sagot sa kaniya ng mabait nilang katiwala. 

Malaking bagay sa buhay niya na at nakasama niya ito hanggang sa paglaki niya, lalo na ng bunsong kapatid niyang si Sonata, limang taong gulang lang ito at mula pagkabata ito na ang naging kasama ng kapatid niya. 

Halong ang Yaya Mely na nila ang nagpalaki sa kanilang dalawa sa kabila ng pagiging abala ng mga magulang niya sa kani-kanilang negosyo.

"Kailan ang alis mo?"

"Sa susunod na sabado siguro, Yaya. Kasama ko naman si Zander at Zandra kaya walang dapat ipag-alala sa akin ang lahat," aniya ni Melody sa katiwala.

Tuluyan na silang nakapasok sa malaking bahay nila. Napakunot-nuo siya nang wala man lang siyang narinig na ingay ni Sonata. 

Madalas niya itong nakikita sa malawak na sala pagka-uwi nila o 'di kaya nasa harap ito ng malaking piyano nila sa malaking espasyo sa gitna ng sala. 

Kanina pa nakauwi ang mga ito at siya ay nakasunod lang sa sasakyan ng magulang kasama ang Yaya Mely niya.

"Nasaan kaya si Sonata?" tanong niya.

"Baka nagbihis na 'yong batang iyon at init na init iyon kanina sa loob ng simbahan," natatawang ani sa kaniya ng yaya niya.

Tama ito! Mula yata nagsimula hanggang sa natapos ang misa wala itong nagawa kun 'di ang magreklamong mainit at magpaypay sa mommy nilang katabi ng kapatid niya.

"Aakyat lang ho ako, Yaya. Mag-aayos na rin ako ng mga gamit kong dadalhin ko. Alam mo na, baka magbago pa ang isip ni daddy at mommy at bigla na lamang akong 'di payagan ng mga ito."

Natatawa na lamang ang yaya niya sa mga sinabi niya rito tungkol sa magulang niya. Madalas naman talaga ang mga itong magbago ang isip. 

Mabuti na nga lang at napapayag niya ito sa tulong na rin ng mga kaibigan niyang kambal na mula pagkabata kilala na ng mga ito. Malapit nang ikasal si Zandra at isa lang ang gusto nilang mangyari ni Zander ang makasama nila ito sa maikling sandali bago ito lumagay sa tahimik na pamumuhay.

Umaasa rin siyang magiging maganda ang lakad nilang 'yon, dahil bukod 'yon ang unang beses na magbabakasyon siyang wala ang pamilya may inaasahan din siyang makikita sa lugar na 'yon. 

Napasinghap na lamang si Melody nang maalala ang Tweet ng manager ng lalaking hiling niyang makita sa El Nido.

~

   HALOS trenta minutos nang nakatuon ang mga mata ni Nikolai sa kisame ng silid niya. 

Walang laman ang isip niya kun 'di ang nangyari n'on limang taon na ang nakaraan, ang ma-ambush ang buong pamilya niya kasama ang bunsong kapatid nyang si Zia. 

Sariwa pa rin sa utak ni Nikolai ang lahat-lahat ng nangyari, namatay ang buong pamilya niyang mayroon siya sa isang iglap lang.

Nagtagis ang mga bagang ni Nikolai nang maalala ang naging responsable ng lahat ng 'yon walang iba kun 'di ang dating Gobernador ng Surigao na si Don Hugo Enriquez.

Hindi niya kailanman mababaon sa limot ang lahat. Buo ang loob niyang maghihiganti siya sa pamilya nito.

"Buhay ang kinuha niyo! Buhay din ang kukunin ko!" galit niyang bulong sa sarili para sa mga ito. 

Iyon ang sinumpa ni Nikolai sa bangkay ng buo niyang pamilya, lalong-lalo na sa limang buwan niyang kapatid na walang kalaban-laban na pinatay ng mga ito.

"Nikolai... Gising ka na pala! Hinahanap ka ng Tito Manuel mo sa ground floor," untag ni Fernan kay Nikolai nang pumasok ito sa silid niya.

Bumangon siya at umupo sa malawak niyang kama. Hindi siya nagsalita rito hanggang sa tuluyan itong makapasok sa loob at tumayo paharap sa kaniya. Walang nagbago kay Fernan, kahit wala na ang mga magulang niyang pinuno ng organisasyong mayroon ang pamilya nila, hindi siya nito nagawang iwan kahit kailan.

"May problema ba?"

"Wala naman. May bagong report lang na natanggap tungkol sa anak ni Don Hugo."

Napatingin ng diretso si Nikolai sa kaharap. Ito ang hinihintay niya noon pang balita mula sa panganay na babaeng anak ni Hugo Enriquez.

"Ayon sa source darating daw ito sa El Nido, any moment from now. Confirmed!"

"May kasama ba siya?" walang emosyong tanong ni Nikolai dito. Kung siya lang masusunod, hindi niya idadamay ang dalaga sa kasalanan ng mga magulang nito.

Sa ilang buwan niyang pag-antabay sa social media accounts nito naging pamilyar na sa kaniya si Melody Enriquez. Isa itong piyanista sa teatro at kung saan-saan na rin ito lumabas para magtanghal sa iba't ibang sulok ng mundo.

Hindi siya mahihirapan lumapit dito kung sakali dahil nasa iisang mundo lang sila ng dalaga— ang musika.

"Ito ang files ng report na natanggap ko mula sa sekretarya ng hotel na tutuluyan nilang magkakaibigan, may dalawa itong kaibigang kambal na kasama, apat na araw at limang gabi silang mananatili sa Isla."

Pinakinggan lang mabuti ni Nikolai ang lahat ng mga sinabi nito. Hindi niya nakuhang magsalita tungkol sa lahat ng impormasyon na natanggap niya mula kay Fernan.

Dinampot niya ang brown envelope na inabot nito sa kaniya at mula r'on nilabas niya ang mga larawang kuha ng isang spy nila sa panig ng mga Enriquez.

"Makakalabas ka na, Fernan! Mag-aayos lang ako at pupuntahan ko na si Tito Manuel."

Ang tiyuhin niyang kapatid ng kaniyang ama ang tinutukoy niya, ang ginoong himalang nabuhay sa ambush limang taon na ang nakalipas.

Bab terkait

  • The Mafia Kings Melody   III

    FINALLY! Sa unang beses na naging Enriquez si Melody nakaramdam din siya ng kalayaan mula sa kaniyang mga magulang nang hayaan siya nitong magbakasyon sa El Nido, kasama ang dalawang kaibigan niyang kambal na si Zander at Zandra. Malaking bagay sa kaniya ang ginawang tulong ng mga itong payagan siya. Masasabi niyang tagumpay ang plano nila at heto na siya ngayon, halos kalalapag lang ng eroplanong sinasakyan nila sa Palawan.Ilang oras na lang nasa magandang Isla na silang tatlong magkakaibigan."Kamusta ang pakiramdam, Melody?" nakangiting tanong ni Zander kay Melody. Ano pa nga ba ang isasagot niya rito? Kung 'di siya na ang pinakasamayang bakasyunista sa magandang lugar na 'yon na bahagi ng Pilipinas.Inikot ni Melody ang tingin niya sa paligid. Wala na siyang hihilingin ngayon kun 'di ang maging masaya sa loob ng ilang araw nilang pananatili sa Isla.Napasinghap na lamang siya sa mga naisip. She can wait the moment na makakaharap niya ang lalaking naging dahilan kung bakit sum

    Terakhir Diperbarui : 2022-09-15
  • The Mafia Kings Melody   IV

    CHAPTER FOUR - KANTA "MAGANDA BA?" tanong ni Melody sa kaibigan niyang si Zandra tungkol sa kantang sinusulat nyang sa 'yo lamang ang pamagat nito.Ito ang isa sa mga plano niyang ibigay kay Elijah. Binasa naman ito ng malakas ni Zandra, wala pa siyang tunog dito dahil kanina niya lang naisip ito habang nasa sasakyan sila papunta sa Villa. Refrain Matagal na kitang pinagmamasdan, mula sa malayo sa 'iyo ay nakatingin. Araw-araw nagmamasid, naghihintay makita ka lang kahit saglit. Hindi naman ako nangangamba na baka balewala sa 'yo ang pag-ibig ko sinta. Sa iyo lamang iaalay, sa 'yo lamang ibibigay. Sa iyo lamang magmamahal, ikaw lamang ang iibigin."Ano pa ba sa tingin mo, Ody? Hindi lang siya maganda kung hindi napakaganda!" natatawa nitong sambit sa kaniya. Napangiti si Melody.Sapat na sa kaniya ang sinabi ni Zandra para hindi niya ibigay kay Elijah 'yon. Wala nang mas karapat-dapat sa mga komposisyon nya kung hindi si Elijah lang."Wala ka pa ring kupas, O

    Terakhir Diperbarui : 2022-09-15
  • The Mafia Kings Melody   V

    MAAGANG nagising si Melody, hindi natuloy ang plano nilang lakad kami na mag-swimming. Bigla na lamang kasi ang pagsama ng panahon at umulan ng malakas na hindi nila inaasahan.Kaya heto at umaga siyang nagising sa kaniyang silid, iniisip niya kung gising na rin ba si Zandra at Zander, tingin niya hindi pa.Kagabi kasi nang matulog na siya nag-iingay pa ang dalawa at panay pa ang tiktok. Kapwa bloggers ang mga kaibigan niyang 'to, ang source of income nila, kaya nga kahit hindi man siya bigyan ng pera ng parents nya nagagawa niya pa rin sumama dahil mapera naman ang kambal at madalas libre naman siya ni Zandra.Kahit anak siya ni Don Hugo Enriquez, galante pa rin ang mga kaibigan nya sa kanya at pinagpapasalamat niya naman ng sobra iyon.Nagpasyang bumangon si Melody, para puntahan ang mga ito.Kahit naman papano may alam siya sa paghahanda ng pagkain nila, lalo na sa agahan. Pwedi niyang pagsilbihan ang mga ito kung nagpapahinga pa, hindi rin naman kasi biro ang trabahong hilig ng da

    Terakhir Diperbarui : 2022-09-15
  • The Mafia Kings Melody   VI

    "IYONG kamay ko, miss." Bigla ang ginawang pagbitiw ni Melody at hindi niya namalayang natagalan ang paghawak niya sa kamay ng lalaking kaharap niya na walang iba kung hindi si Elijah Perez. Inaasahan niya rin naman ang paghaharap nilang dalawa pero ang hindi niya akalain ay ang mapaaga ito. "How's your stay?" tanong ng inaakala niyang si Elijah sa kanilang magkakaibigan. Hindi ito nakatingin sa kaniya kun 'di sa dalawa niyang kasamang nasa tabi niya. Hindi pa rin halos makapaniwala si Melody sa pagkakataong 'tong hindi niya ito inaasahan ng lubos. "Okay na okay naman, Mr. Perez. Masaya naman kami lalo na ang kaibigan naming si Melody." Tumingin sa gawi niya ang dalawang kaibigan niya, may panunudyo sa mga mata nito. Umiwas na lang siya ng tingin dito at baka isipin agad ni Elijah na gustong-gusto niya ito."Enjoy yourselves, guys. Salamat sa pagbisita. Welcome in Villa Camino."Sinundan ng tingin ni Melody si Elijah habang magalang itong nagpaalam

    Terakhir Diperbarui : 2022-10-14
  • The Mafia Kings Melody   VII

    HINDI pa rin mawala sa isip ni Melody ang tagpong mayroon kanina sila ni Elijah. Mukhang makakagawa na naman siya ng panibagong kanta, aniya pa."Para saan na naman ang ngiting 'yan?" bulong sa kanya ni Zandra. Kasalukuyan sa isang boutique silang dalawa para mamili ng mga pasalubong nilang tatlo, siya si Sonata lang naman ang balak niyang bilhan sa mahigpit nitong bilin sa kaniyang polseras daw. Mahilig ang bunsong kapatid nya sa mga abubot kaya hindi nya ito bibiguin, alam niyang magiging masaya si Sonata kapag binigay nya ito rito.Malaki naman ang lihim na pabaon sa kanya ng mommy niya."Hindi ka pa rin makamove-on sa pagkikita niyo 'no?" tukso ni Zander. Talagang tumigil pa ito sa harap niya kasabay ng pagwagayway ng t-shirt na napili nito sa mukha niya."Masaya lang ako.""Alam naman namin, feel na feel naman namin, Oddy. Pero huwag magpakalunod at baka hindi ka makaahon," anito sa kaniya.Alam niyang may laman ang sinabi ni Zander. Tumingin siya sa kakambal nito

    Terakhir Diperbarui : 2022-10-14
  • The Mafia Kings Melody   VIII

    ISANG malaking ngiti ang pinagkaloob ni Melody sa kaniyang sarili. Hindi niya lubos na inakalang makakatanggap siya ng isang imbitasyon mula kay Elijah. Inaasahan naman niyang magkikita silang dalawa pero iyong iimbitahan siya nito para sa isang hapunan kasama nito ay hindi naging sakop ng imahinasyon ng dalaga. Pakiramdam niya panaginip lang ang lahat ng 'to. Hindi niya pa nagawang magpaalam sa dalawa niyang kaibigan, tsaka niya lang siguro sasabihin kapag iyon paalis na siya. Baka kasi magduda na naman ang mga ito at mag-isip na naman ng mali.'Bahala na! Mapagkakatiwalaan ko naman siguro si Elijah. Hindi niya naman siguro ako pababayaan. May reputasyon siya rito hindi niya ipagpapalit iyon sa isang katulad ko lang.'I mean! Hindi lang naman ako basta lang, may ibibigay naman ako kung tungkol sa estado ng buhay nila ang pag-uusapan. Hindi man nila ganoon kasing yaman sina Elijah tulad na lamang ng lahat na napag-alaman niya tungkol sa binata, kahit papano marangyang buh

    Terakhir Diperbarui : 2022-10-21
  • The Mafia Kings Melody   IX

    BAKAS pa rin sa mga mata ni Melody ang saya. Para sa kaniya parang nananaginip pa rin siya. Kasama niya talaga si Elijah at hindi mababago ang katotohanan na 'yon. "Okay ka lang ba?" bahagya pa siyang nagulat dahil sa boses ni Elijah sa likuran niya. Nakalapit na pala ito sa kaniyang hindi niya man lang namalayan."Ayos lang ako. Napakaganda lang ng paligid, lalo na ang bughaw na karagatan, Elijah.""Salamat naman at nagustuhan mo, Melody. Maganda talaga dito, kaya nga mas minabuti kong mamalagi sa lugar na 'to."Hindi napigilan ni Melody na mapangiti sa harap ni Elijah nang makalapit ito sa kaniya. Simple lang pala ang lalaking nasa harap niya ngayon, dahil nga sa sinabi nitong mas gugustuhin nitong tumira sa lugar na 'yon keysa sa siyudad na mas komportableng tirhan ng ibang katulad nito."Ikaw ba? May pagkakataon bang gusto mo rin tumira sa isla?" tanong nito sa kaniya.Sa totoo lang minsan niya na rin naman naisip ang bagay na 'yon. Iyon nga lang alam niyang hindi

    Terakhir Diperbarui : 2023-01-04
  • The Mafia Kings Melody   I

    ISANG malakas na pagsabog ang narinig ni Nikolai sa unahang bahagi ng sasakyan kung saan naka-cowboy siya sa mga magulang niya kasama ang tatlong body guard ng Daddy Lucas niya. Pinagmasdan niya ang tatlo kung saan nagkaniya-kaniyang nilagay ang radyo na hawak ng mga 'to sa kaniya-kaniyang sariling teynga. Malakas ang loob niyang may hindi magandang nangyayari; talahib at mataas na bangin ang daan na dinadaanan nila ng mga sandaling 'to patungo sa resort ng pamilya Buencamino. Hindi niya rin naiwasang mapatingin sa mga kalibreng armas ng mga tauhan ng magulang niya. Kaniya-kaniyang higpit ng hawak ang mga ito. "A-anong n-nangyayari?" nauutal na tanong ni Nikolai kay Fernan ang isa sa mga naging malapit sa kaniya sa tagal ng panahon na nanungkulan ito sa pamilya nila. Puno ng pag-alala ang nanahan sa puso niya nang pumorma ang mga ito sa pagbaba. Hindi siya basta-basta papayag na iwan na lamang siya ng mga ito sa sasakyan. Mula sa front seat kinuha ni Nikolai ang isang 45 calibre

    Terakhir Diperbarui : 2022-09-13

Bab terbaru

  • The Mafia Kings Melody   II

    AFTER 5 YEARS KATATAPOS lang magsimba ng pamilya ni Melody. Sabay-sabay silang mag-anak umuwi sa Villa nila sa Surigao, hindi pa rin nawala sa isip niya ang pangako ng Daddy Mansueto niyang papayagan na siyang magbakasyon nito mag-isa sa El Nido sa Palawan. "Finally! Masaya ako't hahayaan na ako ni daddy, Yaya," masayang sambit niya sa Yaya Mely niya habang papasok sila sa malaking bahay nila. Nasa loob na ang lahat ng pamilya niya kasama ang pitong taong gulang niyang kapatid na si Sonata. "Mabuti naman at hindi ka na pinagbabawalan ngayon, pero dapat mag-iingat ka pa rin palagi, Melody." "Oo naman, Ya. Huwag kang mag-alala at ako ang bahala sa pasalubong mo," nakangiti niyang pagkakasabi rito. "Kahit na walang pasalubong, Hija. Alam mo naman na walang mas mahalaga sa akin kun 'di ang kaligtasan mo, kayong dalawa ni Sonata." Napangiti na lamang si Melody sa sagot sa kaniya ng mabait nilang katiwala. Malaking bagay sa buhay niya na at nakasama niya ito hanggang sa paglaki niy

  • The Mafia Kings Melody   I

    ISANG malakas na pagsabog ang narinig ni Nikolai sa unahang bahagi ng sasakyan kung saan naka-cowboy siya sa mga magulang niya kasama ang tatlong body guard ng Daddy Lucas niya. Pinagmasdan niya ang tatlo kung saan nagkaniya-kaniyang nilagay ang radyo na hawak ng mga 'to sa kaniya-kaniyang sariling teynga. Malakas ang loob niyang may hindi magandang nangyayari; talahib at mataas na bangin ang daan na dinadaanan nila ng mga sandaling 'to patungo sa resort ng pamilya Buencamino. Hindi niya rin naiwasang mapatingin sa mga kalibreng armas ng mga tauhan ng magulang niya. Kaniya-kaniyang higpit ng hawak ang mga ito. "A-anong n-nangyayari?" nauutal na tanong ni Nikolai kay Fernan ang isa sa mga naging malapit sa kaniya sa tagal ng panahon na nanungkulan ito sa pamilya nila. Puno ng pag-alala ang nanahan sa puso niya nang pumorma ang mga ito sa pagbaba. Hindi siya basta-basta papayag na iwan na lamang siya ng mga ito sa sasakyan. Mula sa front seat kinuha ni Nikolai ang isang 45 calibre

DMCA.com Protection Status