Chapter: IXBAKAS pa rin sa mga mata ni Melody ang saya. Para sa kaniya parang nananaginip pa rin siya. Kasama niya talaga si Elijah at hindi mababago ang katotohanan na 'yon. "Okay ka lang ba?" bahagya pa siyang nagulat dahil sa boses ni Elijah sa likuran niya. Nakalapit na pala ito sa kaniyang hindi niya man lang namalayan."Ayos lang ako. Napakaganda lang ng paligid, lalo na ang bughaw na karagatan, Elijah.""Salamat naman at nagustuhan mo, Melody. Maganda talaga dito, kaya nga mas minabuti kong mamalagi sa lugar na 'to."Hindi napigilan ni Melody na mapangiti sa harap ni Elijah nang makalapit ito sa kaniya. Simple lang pala ang lalaking nasa harap niya ngayon, dahil nga sa sinabi nitong mas gugustuhin nitong tumira sa lugar na 'yon keysa sa siyudad na mas komportableng tirhan ng ibang katulad nito."Ikaw ba? May pagkakataon bang gusto mo rin tumira sa isla?" tanong nito sa kaniya.Sa totoo lang minsan niya na rin naman naisip ang bagay na 'yon. Iyon nga lang alam niyang hindi
Last Updated: 2023-01-04
Chapter: VIIIISANG malaking ngiti ang pinagkaloob ni Melody sa kaniyang sarili. Hindi niya lubos na inakalang makakatanggap siya ng isang imbitasyon mula kay Elijah. Inaasahan naman niyang magkikita silang dalawa pero iyong iimbitahan siya nito para sa isang hapunan kasama nito ay hindi naging sakop ng imahinasyon ng dalaga. Pakiramdam niya panaginip lang ang lahat ng 'to. Hindi niya pa nagawang magpaalam sa dalawa niyang kaibigan, tsaka niya lang siguro sasabihin kapag iyon paalis na siya. Baka kasi magduda na naman ang mga ito at mag-isip na naman ng mali.'Bahala na! Mapagkakatiwalaan ko naman siguro si Elijah. Hindi niya naman siguro ako pababayaan. May reputasyon siya rito hindi niya ipagpapalit iyon sa isang katulad ko lang.'I mean! Hindi lang naman ako basta lang, may ibibigay naman ako kung tungkol sa estado ng buhay nila ang pag-uusapan. Hindi man nila ganoon kasing yaman sina Elijah tulad na lamang ng lahat na napag-alaman niya tungkol sa binata, kahit papano marangyang buh
Last Updated: 2022-10-21
Chapter: VIIHINDI pa rin mawala sa isip ni Melody ang tagpong mayroon kanina sila ni Elijah. Mukhang makakagawa na naman siya ng panibagong kanta, aniya pa."Para saan na naman ang ngiting 'yan?" bulong sa kanya ni Zandra. Kasalukuyan sa isang boutique silang dalawa para mamili ng mga pasalubong nilang tatlo, siya si Sonata lang naman ang balak niyang bilhan sa mahigpit nitong bilin sa kaniyang polseras daw. Mahilig ang bunsong kapatid nya sa mga abubot kaya hindi nya ito bibiguin, alam niyang magiging masaya si Sonata kapag binigay nya ito rito.Malaki naman ang lihim na pabaon sa kanya ng mommy niya."Hindi ka pa rin makamove-on sa pagkikita niyo 'no?" tukso ni Zander. Talagang tumigil pa ito sa harap niya kasabay ng pagwagayway ng t-shirt na napili nito sa mukha niya."Masaya lang ako.""Alam naman namin, feel na feel naman namin, Oddy. Pero huwag magpakalunod at baka hindi ka makaahon," anito sa kaniya.Alam niyang may laman ang sinabi ni Zander. Tumingin siya sa kakambal nito
Last Updated: 2022-10-14
Chapter: VI"IYONG kamay ko, miss." Bigla ang ginawang pagbitiw ni Melody at hindi niya namalayang natagalan ang paghawak niya sa kamay ng lalaking kaharap niya na walang iba kung hindi si Elijah Perez. Inaasahan niya rin naman ang paghaharap nilang dalawa pero ang hindi niya akalain ay ang mapaaga ito. "How's your stay?" tanong ng inaakala niyang si Elijah sa kanilang magkakaibigan. Hindi ito nakatingin sa kaniya kun 'di sa dalawa niyang kasamang nasa tabi niya. Hindi pa rin halos makapaniwala si Melody sa pagkakataong 'tong hindi niya ito inaasahan ng lubos. "Okay na okay naman, Mr. Perez. Masaya naman kami lalo na ang kaibigan naming si Melody." Tumingin sa gawi niya ang dalawang kaibigan niya, may panunudyo sa mga mata nito. Umiwas na lang siya ng tingin dito at baka isipin agad ni Elijah na gustong-gusto niya ito."Enjoy yourselves, guys. Salamat sa pagbisita. Welcome in Villa Camino."Sinundan ng tingin ni Melody si Elijah habang magalang itong nagpaalam
Last Updated: 2022-10-14
Chapter: VMAAGANG nagising si Melody, hindi natuloy ang plano nilang lakad kami na mag-swimming. Bigla na lamang kasi ang pagsama ng panahon at umulan ng malakas na hindi nila inaasahan.Kaya heto at umaga siyang nagising sa kaniyang silid, iniisip niya kung gising na rin ba si Zandra at Zander, tingin niya hindi pa.Kagabi kasi nang matulog na siya nag-iingay pa ang dalawa at panay pa ang tiktok. Kapwa bloggers ang mga kaibigan niyang 'to, ang source of income nila, kaya nga kahit hindi man siya bigyan ng pera ng parents nya nagagawa niya pa rin sumama dahil mapera naman ang kambal at madalas libre naman siya ni Zandra.Kahit anak siya ni Don Hugo Enriquez, galante pa rin ang mga kaibigan nya sa kanya at pinagpapasalamat niya naman ng sobra iyon.Nagpasyang bumangon si Melody, para puntahan ang mga ito.Kahit naman papano may alam siya sa paghahanda ng pagkain nila, lalo na sa agahan. Pwedi niyang pagsilbihan ang mga ito kung nagpapahinga pa, hindi rin naman kasi biro ang trabahong hilig ng da
Last Updated: 2022-09-15
Chapter: IVCHAPTER FOUR - KANTA "MAGANDA BA?" tanong ni Melody sa kaibigan niyang si Zandra tungkol sa kantang sinusulat nyang sa 'yo lamang ang pamagat nito.Ito ang isa sa mga plano niyang ibigay kay Elijah. Binasa naman ito ng malakas ni Zandra, wala pa siyang tunog dito dahil kanina niya lang naisip ito habang nasa sasakyan sila papunta sa Villa. Refrain Matagal na kitang pinagmamasdan, mula sa malayo sa 'iyo ay nakatingin. Araw-araw nagmamasid, naghihintay makita ka lang kahit saglit. Hindi naman ako nangangamba na baka balewala sa 'yo ang pag-ibig ko sinta. Sa iyo lamang iaalay, sa 'yo lamang ibibigay. Sa iyo lamang magmamahal, ikaw lamang ang iibigin."Ano pa ba sa tingin mo, Ody? Hindi lang siya maganda kung hindi napakaganda!" natatawa nitong sambit sa kaniya. Napangiti si Melody.Sapat na sa kaniya ang sinabi ni Zandra para hindi niya ibigay kay Elijah 'yon. Wala nang mas karapat-dapat sa mga komposisyon nya kung hindi si Elijah lang."Wala ka pa ring kupas, O
Last Updated: 2022-09-15