Hindi alam ni Devon ang gagawin dahil meron siyang business trip sa America. Iniisip nito ang asawa, tanging si Cole lamang ang kanyang maaasahan sa ngayon at maging si Hailey.
Kita naman ni Finn ang pagiging problemado nito. Halata kasi rito na ayaw niyang maiwan si Seraphina.
"Boss, we need to go," saad ni Finn at halos 30 minutes late na sila, "I know." Tumayo na si Devon at tinungo ang sasakyan.
Habang si Cole naman ay nakahanda na dahil ito ang pangalawang misyon ni Devon. Babantayan niya ang anghel nito habang iniintay niya ang balita ni Lucif tungkol sa second gang. Wala pang isang buwan si Cole pero may sasakyan na siya. Regalo ito ni Venus at Evel bilang kasama sa pamilya nila.
Iniisip niyang malaki ang pasasalamat nito sa buong pamilya ni Devon. Habang busy na rin ang kapatid nitong si Lori sa school, hatid sundo siya ni Butler Tom at Carol.
Huminga siya ng malalim bago sagutin ang tumutunog na cellphone, "Boss," tawag n
Masayang ginagawa ni Melissa ang kanyang trabaho. Habang hindi niya maiwasan ang mapatingin sa pinto. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin si Hailey at Seraphina."Baka naman tumalab ang plano ko?" mahina niyang saad at may ngiti sa mga labi. Bigla siyang natigilan at kumunot ang noo. Nagsimula kasing tumayo ang mga kasamahan niya sa department at sumilip sa pinto."Ano bang meron?" takang saad niya at maging ang ilan sa mga naka-upo ay napatayo na rin, "Is that Seraphina?""Oo nga, sino naman 'yong kasama niya?" Rinig ni Melissa at pagtingin niya sa labas, nakita nito ang lalaking nagbuhos ng wine sa kanya. Bitbit nito si Seraphina at kasunod no'n ang nangangatal na si Hailey.Dahil sa nakita ni Melissa, gusto niyang tumalon sa tuwa. Parang hindi pa nga siya satisfied sa nakita. Gusto pa niyang pahirapan ito kapag nakabalik na ulit sa trabaho. Masayang bumalik si Melissa sa kanyang upuan. Hindi lang niya pinahalata na nakangiti siya at masaya.
Dare-daretso lang si Devon at Finn, papunta sa kwarto nila ni Seraphina. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Devon. Dahil nakita niyang nakabukas ang pinto ng kanilang kwarto. Pagpasok niya sa loob, tumambad sa kanya ang mga mukha nilang natatakot. Kasunod no'n ang pagtingin niya sa kanyang anghel na si Seraphina.Nagawang pumikit ni Devon dahil ito ang pinaka-ayaw niyang makita, "Get out." Sabay labas nilang lahat sa kwarto.Tanging siya at si Seraphina lamang ang nandoon. Nangangatal ang mga kamay niya ng hawakan ang asawa. Hinawi nito ang buhok at nakitang pulang-pula ang mga mata."Era, who did this? Tell me," wala sa sariling tanong ni Devon at gusto niyang sirain lahat ng mga nakikita niyang bagay.Panay iyak lamang ang naririnig nito sa asawa at nagawang tabihan, "Era, I'm mad right now." Hinawan nito ang buhok at inalis sa parte ng mukha."D-Devon," tawag ni Seraphina sa asawa at hanggang ngayon ay masakit pa rin ang tyan niya.
Natatawa si Seraphina sa tuwing naaalala niya si Devon. Kanina kasi bago ito umalis papunta sa Donovan Industry. Aligaga ito at ayaw siyang pakilusin sa loob ng bahay at tanging sa kwarto lamang. Pero dahil wala na ang asawa niya, pwede na itong tumayo at lumabas ng kwarto. Kinikilig naman siya sa tuwing naaalala niya ang sinabi ni Talia kagabi."Magkakaroon na kami ng baby," mahinang saad nito at halos mapatalon sa tuwa. Kasunod no'n ang pagtingin sa kanya ni Butler Tom at Carol.Ang mga mukha nito ay may bahid ng pagkagulat. Sinabihan kasi sila na hindi pwedeng umalis ng kwarto si Seraphina. Kaya naman agad nila itong nilapitan at binati."Lady Era, good morning," sabay na sabi nila at nginitian naman ito ni Seraphina.Isip-isip ni Carol ay bumalik na ang sigla ng kanyang mga ngiti. Maging siya kahapon ay natakot ng makitang umiiyak ang anghel ng demonyo. Inalalayan niya ito at pinaupo sa sofa, "Lady Era, napagutusan lamang kami at hindi kayo pwede luma
Minulat ni Seraphina ang kanyang mga mata at napagtanto niyang nakatulog pala siya. Tumayo ito agad at napansin niya si Hailey na nakatingin sa kanya."Hindi na kita ginising, ang himbing ng tulog mo," masayang saad sa kanya at isang ngiti naman ang pinakawalan ni Seraphina."Pasensya ka na, masyado akong inaantok at hindi ko alam kung bakit," malungkot na saad nito at ginulo naman ni Hailey ang kanyang buhok."Lady Era, natural lang po 'yon, kasi nga po buntis kayo." Nakalimutan ni Seraphina na buntis nga pala siya. Bigla tuloy itong tumawa at tumango-tango pa.Napailing tuloy siya dahil sa hindi niya naisip na buntis siya. Kasunod no'n ang tatlong katok na nanggaling sa pinto. "Pasok," may kalakasang saad ni Seraphina. Bumungad sa kanya si Carol Weyn na may dalang trolley."Carol, h'wag mo na dalhin 'yan sa taas. Kami na lang ang baba," paliwanag nito at magtatangkang magsalita sana si Carol, ngunit pinigilan ito ni Seraphina."H'wag ka ma
Kinabukasan, abala ang lahat sa pagluluto at pinaghahandaan nila ngayon ang birthday ni Venus Donovan. Maging si Hadues ay hindi pumasok sa trabaho, pero si Devon ay pumasok, dahil may importante itong meeting. Habang si Lucif naman ay kumakain sa sala at pinagmamasdan ang mga tao sa bahay na super busy.Lumabas naman ng kwarto si Seraphina kasama si Hailey at nagawa nilang bumaba sa first floor. Ginagawa ni Hailey ang kanyang makakaya para maingatan ang kaibigan. Ayaw niyang magalit sa kanya ang demonyo at sinisigurado niyang hindi siya patutulugin nito.Labis ang ngiti sa kanilang mga labi ng makita nila ang anghel. Kumikinang ang balat nito sa kaputian sa tuwing natatapatan ng ilaw."Lady Era," tawag ni Carol, sabay turo nito sa lamesa."Kumain po muna kayo ni Ms. Hailey." Sabay lapag ng iba't ibang pagkain sa lamesa."Salamat Carol," masayang saad ni Seraphina at napahawak siya sa kanyang sintido. Nakita naman ni Hailey ang itsura ng kaib
Nang matapos kumain si Seraphina at Hailey kanina sa lamesa, tinungo nila ang garden sa likod ng hacienda. Si Hailey ay naka-alalay sa kanyang kaibigan at tinitignan nito ang bawat lakad nito, baka mamaya kasi ay bigla itong matalisod. Nang banggitin ni Devon sa kanila ang about sa pagbubuntis ni Seraphina, naisip niyang sensitive ito.Antukin siya at talagang palaging pagod, kaya naman ginagawa nila ang lahat na protektahan ang anghel ng demonyo, kasi hindi na nila kaya kung mauulit muli ang nakakatakot na pangyayareng naganap kailan lang. Sa tuwing maiisip ito ni Hailey ay parang nilalamon siya ng lupa papunta sa impyerno. Ang mga mata ng kanilang ako at ang awra nito ay talagang nakakatakot.Parang ang mata niya ay nagiging kulay utim sa tuwing galit at napapalibutan ng maitim na awra. Bigla tuloy napahawak si Hailey sa kanyang magkabilang braso at hinimas-himas iyon. Kinilabutan siya sa kanyang mga naiisip tungkol sa kanyang boss. Kaya naman hinila na l
Pulang-pula sa inis si Melissa at nakatingin ito ng masama kay Venus. Tumayo ito at agad na sumigaw, dahilan na mapantig ang taenga ni Venus at mapataas ang kanyang kilay."Gan'yan n'yo ba tratuhin ang bisita?!" sigaw nito at agad humarang si Cole, pero pinigilan lamang ito ni Venus. Tumawa pa nga ito ng mahina at napatingin ang mga katulong sa kanilang amo.Kinakabahan sila na baka kung ano ang gawin nito at mas lalo na kung nandito pa ang isa nilang amo na sa Evel. Wala kasi ito ay may inaayos, ang pagkakaalam nilang lahat ay darating ito mamaya, pero hindi sila sure kung anong oras. Sanay na kasi sila na kusang dumarating ito ng kahit na anong oras, kaya minsan ay kinakabahan sila kapag bigla itong sumusulpot sa kung saan."Sino ba ang nagsabing bisita ka? Ilang ulit ko bang sasabihin?" Gulat na gulat silang lahat at gustong matawa. Lalo na ng tignan nila ang mukha ni Melissa na pulang-pula at hindi na maipinta.Nang dahil sa inis ni
Nang imulat ni Seraphina ang kanyang mga mata, medyo nahilo siya. Ramdam niya ang sakit ng kanyang ulo. Magugulat sana siya kung bakit siya nakahiga sa kama nila, pero naalala rin nito na kasama pala niya si Hailey at Carol kanina. Napatingin ito sa kanyang tabi ng maramdaman niya ang isang bagay na matigas. Parang nakahiga siya sa matigas na bagay, pero komportable naman siya. Nang tignan niya ito, agad din naman nawala ang sakit ng kanyang ulo at napangiti."Devon," masayang sabi ni Seraphina, kasunod no'n ang pagmulat ng mga mata ni Devon. Bumungad sa kanya ang anghel na masayang nakangiti at hindi maiwasan ni Devon na halikan ito sa mga labi."How's your day?" tanong nito habang nilalaro ang mga buhok ng asawa at yakap-yakap ang beywang."Kanina ay nahihilo ako, pero okay naman na ako. Sabi ni Hailey baka raw maselan ako magbuntis." Naging malungkot ang mukha ni Seraphina ng banggitin niya ang mga salita. Naiinis kasi ito sa tuwing naiisip niyang masel
Ang simoy ng hangin ay sobrang lakas at panay ang dapo nito sa balak ni Devon. Nakatingin ito sa kalangitan at hawak-hawak ang isang picture frame. Tinitigan niya ito at saka ngumiti ng bahagya. Bawat katulong na makakakita kay Devon ay hindi maiwasan na malungkot.Nagbago kasi ito matapos na mawalan ng mahal sa buhay at palagi na rin nila nakikita na ngumingiti ito paminsan-minsan. Sa paglalakad ni Devon, natigilan ito ng marinig ang ni boses ni Hadues."Brother let's go! Mom is waiting for us." Sabay sakay ni Hadues sa kanyang kotse at naiwan si Devon. Halos lahat din ng katulong nila ay nandoon sa paroroonan na pupuntahan niya. Pero napangiti si Devon ng marinig nito ang isang boses na katulad na katulad ng boses niya."Dad, let's go. I can't wait to visit her," malamig ang boses ng isang batang lalaki at tumango naman si Devon ng sumakay sila sa kotse."Are you ready
Mabilis na kinuha ng mga tauhan ni Zeke si Seraphina. Kaya naman panay ang pagpupumiglas ni Seraphina. "Ano ba?! Bitawan n'yo nga ako!" sigaw nito at panay ang iyak. Habang si Devon naman ay agad ainapok ang isa sa mga nakahawak sa kanya, pero hindi ito nakagalaw ng tutukan ni Zeke si Seraphina ng baril."I don't want to hurt her. Kaya tumahimik ka d'yan," sambit ni Zeke at itinali nila ito sa upuan. "H'wag n'yong higpitan."Tumigil naman si Devon at kinakabahan itong nakatingin kay Seraphina. Nanganginig maigi ang kanyang mga kamay sa galit. Nang makita nitong tinatali si Seraphina ay agad nakirot ang kanyang dibdib. Wala itong ideya kung paano ito napunta rito, pero masama ang loob ni Devon ng dahil sa nadamay pa ang asawa niya."Let's fight. If I win, you know what to do. If I lose then I will give you my throne," seryosong sabi ni Devon at tumawa si Zeke. Pumuwesto ito sa gitna ng sala at saka tuman
Nagising si Seraphina at masama ang loob niya. Sa kanyang pagmulat ng mga mata, nakita niyang madilim na ang labas. Napatayo siya at saka tinignan ang balkonahe at sobrang dilim na. Hindi niya alam na sobrang tagal niyang nakatulog at gustong makita ang asawa.Wala sa mood na bumaba si Seraphina habang naiisip ito ng maaari niyang gawin para mapuntahan si Devon. Mayroon na siyang ideya kung nasaan ito ngayon at hanggang ngayon kasi ay wala pa rin ito sa tabi niya. Nang bumaba ito sa first floor ay agad naman naging alerto ang mga katulong at pinaghain ito ng pagkain. Simula kaninang umaga kasi ay hindi kumain si Seraphina at saka ng tanghali. Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa rin ito kakain?Umupo nang dahan-dahan si Seraphina at saka kinain nito ang pagkain na nakalagay sa lamesa. Tanging pasta lamang ang kinakain nito at saka lutang na lutang. Panay ang isip nito dahil talagang gusto na niyang makita si Devon.&
Natapos na nga ang kasal ni Devon at Seraphina at kauuwi lang nila sa hacienda. Ang mga regalo ng mga bisita ay nasa isang kotse at hindi pa nga ito kasya. Sa dami ng taong dumalo ay bawat isa sa kanila ay may regalo. Kaya naman hindi lamang benteng sasakyan ang ginamit para lang ma-i-uwi ang lahat ng regalo. Samantalang pagod na pagod ang dalawa at sumabay pa si Lucif na sobrang kulit. Nagtatalo nanaman kasi ang dalawang magkapatid at si Venus naman ay hindi maiwasan na mairita."Lucifer!" sigaw ni Venus at saka hindi pa rin tumitigil ang dalawa. Mabilis na tumakbo ito nang sa gano'n ay hindi mahabol ng ina."You too should go to your room." Sabay turo kay Seraphina at Devon. Kaya naman hindi nag-atubilin si Devon na dalhin ang asawa sa taas at pagbuksan ito ng kwarto."Are you tired? Do you want to sleep?" tanong ni Devon at ginabi na kasi sila sa De Van. Kaya naman maaaring pagod na talaga si Seraphi
Abala ang lahat ng dahil sa dami ng bisita. Ipinakilala rin ni Venus si Seraphina sa iba dahil si Evel naman ay tamad magsalita. Bawat tao na tumitingin kay Seraphina ay hindi maiwasan na mapangiti. Nang dahil na rin sa pagiging masiyahin nito. Maya't maya ito nakangiti sa mga tao at ang napakaputing ngipin nito ay kitang-kita.Sabay napatingin ang lahat sa pinto ng dumating si Mavi at Maru at nasa tabi nila si Lori at Jao. Nalate lang ang dalawa dahil pinagpalit pa nila ito ng damit. Habang ang dalawa naman ay tumatakbo papalapit kay Seraphina."Tita Era!" sigaw nang dalawa at tumingin naman si Seraphina at yumakap ang dalawa sa kanyang magkabilang hita. Habang ang tao sa paligid ay hindi maiwasan na matawa."Kumain na ba kayo? Kain muna kayo. Mavi at Maru, paki-asikaso muna itong mga bata at h'wag lang kayo lalayo." Tumango naman ang kambal at sumama rin agad ang dalawang bata. Habang nakatayo si Sera
Nagpalakpakan ang lahat ng matapos ang kasal ni Seraphina at Devon. Kasabay no'n ang paglingon ni Devon kay Cole. Parang walang nangyari at naging maayos naman ang kasal ng dalawa. Samantalalang hindi pa rin maiwasan ni Devon ang kabahan habang sila ay papalapit na sa labas ng simbahan. Baka mamaya kasi ay may kung anong nag-aantay sa kanila sa labas. Hinawakang maigi ni Devon si Seraphina at pinagbuksan agad ito ni Devon ng pinto sa kotse.Sumakay parehas ang dalawa at saka nagsalita si Cole, "Boss h'wag na po kayo mag-alala. Sabi ni boss Lucif ay walang kahit na anong trace ni Zeke at Kairo. Wala ring mga tauhan na nagbabantay sa simbahan at mukhang hindi niya planong sumugod ngayon." Sabay tingin nito sa salamin at umiwas ng tingin kay Devon.Hindi na lamang nagsalita si Devon at nakahinga na nga ito ng tuluyan. Hindi maisup ni Devon kung talaga bang wala itong plano ngayon o sa susunod pa talaga, kapag nailabas na ang anghel sa sinapupunan ni Seraphina. Kung
Excited ang lahat ng malaman nila ang about sa kasal ni Devon at Seraphina. Ang mga taong imbitado at kahit nasa ibang bansa pa ito ay naisipan na umuwi sa Pilipinas para lang dumalo. Hindi kasi nila ito palalagpasin at nalaman nilang umibig ang demonyo. Kaya naman bawat bisita ay may nakahandang mamahalin na regalos.Minsan lang ito mangyare, kaya naman talagang pinaghandaan ng lahat ang pagdalo. Habang ang iba't ibang gang ay masaya rin sa balitang nalaman nila. Halos lahat ata ng mga ito ay mapera ng dahil sa under sila ni Devon. Kahit na hindi na kumuha ng ilang daang tao si Devon ay nandito ang mga tauhan niya para protektahan ang dalaga.Kasunod no'n ang isang babae na pumasok sa isang kwarto at namangha ito ng makita niya ang isang babaeng napakaganda at walang iba kung hindi si Seraphina. Talagang napakainosente ng mukha nito at hindi maiwasan na maisip na ito ay galing sa langit at bumaba lamang sa lupa."Lady Era, are you ready?" tano
Hindi pa sumisikat ang araw pero abala na ang lahat. Abala na ang lahat sa pag-aayos ng dahil sa nalalapit na kasal ni Seraphina at Devon. Sa susunod na linggo na kasi ang plano ng lahat at doon na rin nila ipapakilala ang prinsesa ng pamilya. Hindi na sila makapaghintay, lalo na si Venus.Excited ito ito at mas excited pa nga ito sa anak. Talagang maaga itong gumising para lang asikasuhin ang lahat ng invitation. Gusto niyang makakarating dapat ang lahat ng mga taong importante sa kanila at mga business man at business woman na mga kaibigan ng pamilya nila.Samantalang hindi maintindihan ni Evel ang asawa. Alam kasi niyang aakto ito ng ganito. Pero hindi niya inaasahan na gigisingin siya nito ng alas-kwatro para lang sa kasal ng dalawa."Venus, hindi pa dumudungaw ang araw pero ginising mo na ako," inis na wika ni Evel at panay ang kamot nito. Nasira ang tulog nito ng dahil sa ginawa ni Venus. Hindi kasi talaga ito mapigilan at panay ang gising sa k
Napatawa ang lahat ng marinig nila ang sinabi ni Seraphina, pero natigilan din ang lahat ng makita nilang tumatakbo si Venus na may hawak na mga magazines. Excited kasi ito para sa darating na kasal ng dalawa sa susunod na linggo. Kaya naman hindi ito makapaghintay na makapamili na sila at makapaghanda."Era, come here. Tignan mo 'tong mga gowns ang gaganda. Talagang bagay na bagay sa iyo lahat." Hindi mapigilan ni Venus na ipakita kay Seraphina ang mga gown na susuutin nito. Habang ang mga mata ni Seraphina ay napadako sa mga magazines at para itong bata na tumakbo papalapit kay Venus.Ang kinakain nitong donut na pasalubong ni Devon ay biglang nawalan ng saysay. Natuon kasi ang mata nito sa mga magagandang gown at hindi rin naman umangal si Devon dahil si Seraphina na lang naman talaga ang kulang."Magsusuot po ba ako n'yan? Ang ganda naman masyado," manghang sabi ni Seraphina at hindi maiwasan na ngumiti ni Venus at Evel."Dapat lang Era, d