HINDI MAALIS ang ngiti sa aking labi habang pinagsisilbihan sina Ember at Luther. Ganadong-ganado ang dalawa habang kumakain sa hapag. Maaga talaga akong gumigising para magluto at maglinis para naman kapag gumising na sila ay maayos na ang lahat. Ngayong araw ay walang pasok si Luther kaya naman mayro’n akong makakasama sa bahay samantalang si Ember naman ay gagabihin ng uwi mamaya lalo na’t maraming trabaho siyang gagawin. “Naihanda ko na ang babaunin mo, Mahal. Mamaya ay maghahatid ako ng tanghalian at meryenda mo,” malambing kong turan. Napangiti naman si Ember. “Maraming salamat, Mahal. Napakasuwerte ko talaga sa iyo dahil bukod sa mabait na ay sobrang maganda ka pa.” Namula ang aking pisngi sa kilig at hindi naman maalis ang ngiti sa aking labi. Lagi niyang ipinapadama sa akin kung gaano niya ako kamahal at ipinapangalandakan din niya na sobrang maganda raw ako kahit sa reyalidad ay medyo tagilid ako sa parteng iyon. “Ang aga-aga pero ang lakas mong mambola sa akin, ha?”
HABANG nakasakay sa tricycle papunta sa pinagtatrabahuan na sakahan at taniman ng mga gulay ng asawa kong si Ember ay kasama ko sina Amor at Luther na nasa magkabilaang gilid ko at nakayakap sa akin habang kandong ko ang basket kung nasaan nakalagay ang mga iniluto kong pagkain para kay Ember. Sinigurado ko rin na hindi matatanggal ang kulay lila ang malambot na telang panaklob sa aking mukha. Ilang minuto lang ang itinagal namin at nakarating na rin kami. Pagkatapos kong magbayad ay dumiretso na sa kubo kung nasaan nagpapahinga ang mga trabahador. Nakasukbit sa aking braso ang basket habang nakahawak sa kabilang kamay ko si Amor. Patalon-talon naman si Luther habang binabati ang mga kasamahan ni Ember sa trabaho. “Uy! Nandito na si Totoy Luther!” magiliw na pagtawag ni Manong Indoy habang nakaupo sa batuhan at ipinapaypay sa sarili ang hawak niyang sombrero. Mabilis namang lumapit si Luther kay Manong Indoy para magmano at hindi ko napigilang ngumiti sa likod ng telang nakataklo
NANG NAGISING ako ay nakahiga na ako sa isang kama. Hindi ako pamilyar ang silid na aking kinalalagyan. Hindi ko inakala na sasakit ng gano’n ang aking ulo kanina. Medyo naguguluhan talaga ako lalo na’t medyo malabo ang mga biglang lumalabas sa aking isipan. Nilamon naman ako ng takot nang naalala ko na kasama ko sina Amor at Luther. Paniguradong hinahanap nila ako pati na rin ni Joan. “Mabuti at nagkamalay ka na. Kumusta ang iyong pakiramdam?” tanong ng babaeng pamilyar sa akin at inalalayan akong uminom ng tubig. “Maayos na po ang aking pakiramdam. Nakaramdam lang po ako ng matinding sakit ng ulo kanina,” sagot ko. “Ahm. . . Nasaan po pala ako pati na rin ang mga kasama ko?” Tinitigan niya ako nang matagal. “Nandito kayo sa bahay ko. At nasa labas lang sila ng silid kung nasaan ka. Habang ang iyong kasama ay tinawagan ang asawa mo habang ang anak mo naman ay kalaro ng aking anak. Ako nga pala si Yeona, ano pala ang pangalan mo?” Unti-unti akong tumango at medyo nakahinga ako
NAKALIPAS ang ilang mga linggo at naging maayos na ang takbo ng lahat. Mas pinili ko na lang na sundin si Ember dahil mas alam ng asawa ko kung ano ang nakabubuti para sa akin. Ayaw ko rin na magkaro’n kami ng alitan. Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga rekados para sa lulutuin ko mamayang hapunan nang mayro’ng kumatok sa pinto. Napakunot naman ang aking noo dahil wala akong hinihintay na bisita. Dahan-dahan kong ibinaba ang kutsilyo sa ibabaw ng mesa at tumayo mula sa silyang gawa sa kahoy. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Nagulat naman ako dahil si Ate Yeona iyon na seryoso ang mukha. Luminga-linga pa siya bago hinawakan ang braso ko. “Ate Yeona? Teka lang po. . . Paano mo po nahanap ang bahay ko, Ate?” gulat kong tanong kay Ate Yeona. Wala naman kasi akong sinabi sa kaniya kung saan ako nakatira. “Nagtanong-tanong ako kung saan ka nakatira at tinuro nila rito. Kumusta ka na, Yssah? Medyo kinakabahan ako para sa iyo, eh.” sagot niya. Bigla akong humanga nang dahil do’n. Ta
HINDI KO NA NAABUTAN si Ember dahil mukhang madaling araw pa lang ay umalis na siya. Ngunit mayro’n naman siyang iniwang almusal sa ibabaw ng mesa na pinagsaluhan naming dalawa ni Luther. Wala pa rin siyang pasok dahil inaayos ang linya ng kuryente sa school dahil mayro’ng sumabog ulit dito. Pinaliguan ko muna si Luther at inayusan bago ako naligo at nag-ayos ng aking sarili. Pupunta kami sa bayan para bisitahin si Ate Yeona. Gusto ko rin humingi ng tawad at makausap siya tungkol do’n sa kaibigan niyang si Allyssa. Habang tumatagal ay mas nanaig sa akin na malaman ang tungkol do’n. Kung ayaw sabihin sa akin ni Ember ang tungkol do’n ay hahanap ako ng paraan para malaman iyon at alam kong si Ate Yeona ang magiging kasagutan sa mga katanungan. “Mommy, sakit po ng tummy ko po,” ungot ni Luther. Napabaling naman ako sa kaniya at itinigil ko ang paglalagay ng pagkain sa tupperware na ibibigay ko mamaya kay Ate Yeona. “Pumunta ka na sa banyo, Anak. Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka n
PAGKAUWI namin ay nagpalit lamang kami ng damit bago kami nagpahinga ni Luther sa sobrang pagod. Ngunit napabalikwas ako ng bangon habang pawis na pawis. Muli na namang kumirot ang aking ulo mula sa aking napanaginipan. Napapadalas na ito simula nang ipakita sa akin ni Ate Yeona ang larawan ng kaniyang kaibigan na si Allyssa. Unti-unting nagiging malinaw ang lahat ngunit nagtataka pa rin ako kung bakit parang pakiramdam ko ay nando’n din ako. Sobrang pamilyar sa akin ang lahat. Imposible naman na mangyari iyon lalo na’t napakasimple lamang ng aming pamumuhay ni Ember at hindi puwedeng magkrus ang aming landas nina Allyssa ang asawa niya na si Achil o Vito dahil mayaman sila. Hanggang ngayon ay isa pa ring malaking palaisipan sa akin kung sino ba ang lalaking nakasuot ng tuxedo na nakatalikod habang mayro’ng hawak na gintong baril at matalas na patalim na mayro’ng bahid ng dugo. Napabaling naman ako sa maliit na mesa sa tabi ng kama ni Luther. Nakapatong do’n ang botelya ng gamot na
NAKAPIKIT ang aking mga mata habang nakatalikod sa gawi ni Ember. Nakapag-usap na kami muli at tumabi na rin ako sa kaniya sa loob ng aming silid. Hindi ako makatulog at nang dahil do’n ay muli ko na namang narinig nang mas malapitan ang pakikipag-usap ni Ember sa misteryosong kausap niya mula sa kaniyang cellphone. “Yeah. . . You know me well, and I’m not dumb. Of course, I would kill anyone who would intrude in my plans. Also, I would make sure that she always took the dosage of pills, so that she would forget everything from her past. I’m her present and definitely the future. Alright, I would call you again tomorrow,” pabulong na turan ni Ember at mabilis na pinatay ang tawag. Napahigpit ang hawak ko sa aking kumot dahil mayro’n talaga siyang itinatago sikreto mula sa akin. Sobrang kinakabahan ako at pakiramdam ko ay hindi ko talaga siya kilala sa ginagawa niyang ito. Ngunit magpapanggap ako na wala akong alam. Ayaw kong mapahamak kaming dalawa ni Luther. Gagawa ako ng paraan pa
NANGHIHINA at nahihilo na ako dahil sa pagod, uhaw at gutom sa haba ng biyahe. Alam kong gano’n din ang nararamdaman ng aking anak na yakap-yakap ko na nakatulog na sa pag-iyak mula sa mga pabulong kong pagkukuwento sa kaniya ng buong katotohanan mula sa kung sino talaga siya. Halatang hindi siya makapaniwala pero sinabi ko sa kaniya na magtiwala lamang siya sa akin at makakaligtas kami para makabalik kami sa buhay na nararapat para sa amin. Hindi ko na kayang maglihim pa at mamuhay na isang bulag mula sa katotohanan. Kapag hindi ako pinalad na makita si Vito ay sisiguraduhin kong makakatakas si Archie para humingi ng tulong sa kaniyang tunay na ama. Ayaw kong walang alam at naniniwala siya sa mga kasinungalingan. Ang mundong kinagisnan ng aking anak ay purong kasinungalingan. Sobrang naaawa ako sa kaniya dahil marami siyang pinagdaanan pagkatapos niyang mawala sa aking kanlungan. Ang sakit at sobrang sikip ng dibdib ko sa galit na ginawa ni Anastasia. Napakatuso niya at walang kal