HINDI TALAGA ako pinapasok sa trabaho ng ilang mga araw kaya naman nasa bahay lang ako. Ayaw naman akong pagawain ng mga gawaing bahay ni Vito pero talagang ipinilit ko na kahit sa pagluluto ay hayaan niya ako at mabuti na lang pumayag siya dahil kung hindi ay kukulitin ko siya. Sobrang masaya ako na ipagluto ng breakfast, lunch at dinner namin ng aking mag-ama. Pati ang baon ni Archer ay pinaghahandaan ko araw-araw at sinisigurado kong mag-e-enjoy siya sa bawat inihahanda ko para sa kaniya. Lumalabas talaga ang pagiging artist ko mula sa pag-de-design at pag-iisip ng mga lulutuin ko na ilalagay sa lunch box ni Archer para mas lalo siyang ganahan sa pag-aaral. Ngunit hindi ko aakalain na magiging bidang-bida si Archer sa school. Nagkukuwento pa nga sa akin si Archer na tuwang-tuwa at naiinggit daw ang mga kaklase niya sa kaniyang baon kaya naman nagpapagawa din sila sa kanilang mga magulang. Masaya naman na na-a-appreciate ang effort ko lalo na’t lagi akong pinupugpog ni Archer ng m
PINANGGIGILAN ko si Baby Guiel habang tawa naman nang tawa sa tabi ko si Vito. Umalis muna sina Guishonne at Ate Maricel para mag-date at mamasyal na rin kaya naman naiwan sa amin ang kanilang anak. Wala namang problema sa akin iyon lalo na’t gusto ko rin na nandito sa aming bahay si Baby Guiel. “Ang bango-bango naman ng Baby Guiel namin, oh! Ang cute-cute pa!” bulalas ko. Ngumiti naman si Baby Guiel habang pakawag-kawag ang mga kamay at paa na ikinatuwa ko. “Eh. . . Si Ater din po ay bango-bango at cute-cute rin, Naynay.” ungot ni Archer habang matulis ang nguso na nakasalampak sa carpet. Wala
ITINAGO ko at kinimkim sa aking sarili ang tungkol sa natanggap kong pananakot at wala akong ibang pinagsasabihan. Takot na takot ako na baka manumbalik muli ang trahedyang nangyari sa akin no’ng mga nakalipas na taon. Hindi ko kayang pati ang mga mahal ko sa buhay ay makita kong naliligo sa dugo at wala nang buhay. Sa likod ng aking mga ngiti at tawa ay nakatago ang takot at pangamba. Pakiramdam ko talaga ay mayro’ng nagmamasid sa aking bawat kilos. Nakakapraning lalo na’t hindi ko alam kung nasaan ba sila nagtatago.Ngunit unti-unting nawawala ang mga takot at pangamba ko sa tuwing nakikita ko si Vito. Lagi niyang kasama si Guishonne pati na rin ang kaniyang mga tauhan. Sinisigurado niya na ang kaniyang maraming tauhan ay nakapalibot para protektahan kami. Bantay sarado ang aming seguridad at kampante rin akong walang mangyayaring masama sa amin
NAGISING ako nang biglang mayro’ng bumuhos sa akin ng malamig na tubig. Kumikirot pa rin ang aking ulo nang unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Mayro’ng nakatakip na tela sa aking bibig at hindi rin ako makagalaw nang maayos dahil nakatali ang aking mga kamay at paa sa metal chair. Hindi ko alam kung nasaan ako basta’t ang alam ko lang ay nasa panganib ako. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko para makatakas dito. Ni-hindi ko rin alam kung ano na ang nangyari kay Ate Marissa. Nakaramdam din ako ng matinding pagsisisi dahil hindi ko sinabi na nakatatanggap ako ng threats kay Vito. “Oh, finally you were now awake, B*tch.” mapang-asar na turan ng isang pamilyar na tinig. Ilang beses akong kumurap at nakita ko si Mikha na dating nagpapanggap bilang si Bridgettine noon sa Gem na hindi ko inakala na minamanman na ako. Iba na rin ang kaniyang itsura, mayro’n siyang tattoo sa collarbones at chest piercing. Kulay blue ang kaniyang hanggang balikat na buhok a
HABANG TUMATAGAL ay mas lalo akong natatakot sa nangyayari. Gusto ko nang makatakas dito sa lalo’t madaling panahon. Kung puwede ko lang na gamitin ang suot kong tracker necklace ay tapos na ang paghihirap ko ngunit hindi ko magawa dahil nakatali ako sa metal chair. Muntik ko na rin malimutan ang tungkol sa suot kong tracker necklace dahil sa kaba at takot. Ito na lang ang alas na mayro’n ako at sana naman ay hindi nila ito kunin mula sa akin. Ilang araw na akong walang maayos na tulog, kain at ligo. Masakit na rin ang katawan ko at nanghihina na rin ako. Talagang pinapahirapan nila ako. Hindi rin nakatutulong ang mga panglalait at mga mapang-asar na kuwento ni Mikha na halos hindi raw lubuyan ni Vito ang impostora na nagpapanggap na ako. I’m physically, mentally and emotionally drained and stressed. Hinang-hina na ako. Gusto ko nang bumitaw pero sa tuwing naiisip ko na nasa bingit ng kamatayan sina Vito, Archer pati na rin ang aking pamilya at mga kaibigan dahil kasama nila ang imp
YEARS HAD PASSED, and I’m really fortunate to marry the woman I loved and the mother of my children. I married her three times, and vowed my faithfulness and love to her in the Philippines, Rio De Janeiro, Brazil and Castello Di Del Moore. Our close friends and her family witnessed it. Our relationship grew stronger and sweeter. We shared intimate moments multiple times, and even went around the world to celebrate special moments with our family. I couldn’t ask for more, especially that I got what I needed. Napabalik ako sa reyalidad nang bumukas ang pinto ng aking opisina. Sumandal ako sa aking swivel chair at pinanood ang pagpasok ni Guishonne na bitbit ang ilang mga papeles at ang kaniyang tablet. “Mio Signore, these were the files that you needed to read and sign,” Guishonne uttered, and put down the files on top of my table. “Hmm. . . What’s the update on the boundaries around the Castello Di Del Moore? Was there anything suspicious going on?” I asked. He pushed his glasses u
MY SMILE WIDENED as I saw Archer running outside the gate while heading towards me. Time flew so fast, and now he was ten years old. Doing his best to make my wife and I proud of him. I immediately crouched to welcome him with a hug, and ruffled his hair. I grabbed his backpack and lunch bag, and gave it to my men to put it inside my car. “I had a surprise, and I hope that it would make the both of you happy, Tatay!” he exclaimed delightedly. “Oh! What was it, Anak?” nakangiti kong tanong. Nagpalinga-linga siya sa paligid at biglang nawala ang kaniyang ngiti. “Where’s Nanay, Tatay? Akala ko pa naman po ay kasama mo po siyang susundo sa akin.”I smiled at him while caressing his hair. “She just run some errands, Anak. Pero sabay-sabay naman tayong mag-di-dinner.”He sighed heavily. “Okay, Tatay. . .”Alam kong nagtatampo siya sa kaniyang ina lalo na’t halos gano’n lagi ang aming eksena. Gusto talaga ni Archer na magkasama namin siyang susunduin ng kaniyang ina ngunit mayro’ng dumati
NAPABALIKWAS ako ng bangon habang habol ko ang aking hininga. Pawis na pawis din ako kahit na hindi naman mainit. Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib at sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Napasuklay ako ng aking mga daliri sa aking mahabang buhok. ‘Isa na namang masamang panaginip. . .’ Hindi ko alam kung bakit gano’n ang aking napapanaginipan. Isang malaking himala nga’t nagigising pa ako mula sa mga bangungot na iyon. Nakakatakot at hindi ko kayang sikmurain na nando’n ako lalo na’t maraming bangkay na naliligo sa kani-kanilang dugo. Ngunit ang mas lalong ikinapagtataka ko ay mayro’ng lalaki ro’n na matikas at maskulado ang pangangatawan na nakasuot ng itim na kasuotan na halatang hindi kagaya ng kasuotan ng mga nakikita ko sa aming lugar. Nakatalikod siya at mayro’n hawak sa magkabilaang kamay ng gintong baril at patalim na mayro’ng bahid ng dugo. ‘Bakit ba lagi ko na lang napapanaginipan iyon? Ano naman ang kinalaman ko ro’n?’ Wala sa sariling napahawak ako sa