NAPUTOL ang paglalakbay ni Kendra sa kabuuan ng kaharap nang ngumiti ito sa kanya.
Na tila nabasa nito ang tumatakbo sa isipan niya."Imposible naman na matukoy niya kung anong nasa isip ko,"bulong sa isipan ni Kendra."Maupo ka Selina, nagpahanda ako kay yaya Triming ng mamemeryenda,"saad ni Gio na ipinaghila pa siya ng mauupuan."Naks! kilig na kilig ka,"kantiyaw naman ni Vivian sa pamangkin. Hindi pa rin naimik si Kendra, dahil pinag-aralan niya ang bawat galaw ng babae."Bakit ba kasi dito sa katawan ng Selina na 'tu ako nakulong! bwesit naman! limitado tuloy lahat ng magagawa ko!"himutok ni Kendra.Gusto sana niyang malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Vivian ngunit mukhang malabong mangyari ang gusto niya.Dahil habang nasa katawan siya ng isang mortal ay hindi lalabas ang kakayahan niya bilang bampira."Ang mabuti pa ay umpisahan na natin mag-design sa gagawin natin project kay Sir Argus. NasabINIHATID na nga ng driver si Kendra sa bahay ng batang babae kung saan siya naglalagi. Tuluyan na siyang bumaba sa kotse at naglakad papasok. Halos isang linggo na rin ng pinili niyang umuwi roon. Hindi niya inaasahan na mahihirapan siya sa pagtira sa tahanan ni Selina at maging ang pagtanggap sa bagong buhay na meron siya ngayon. "Selina!!! hoy! bata ka... bakit ngayon ka lang huh! natuto ka ng maglakatswa. Sige ayusin mo ang tumpok ng gulay doon para maagang maidating sa palengki. Agahan mong gumising sa umaga para makatulong ka sa akin. Bawal ang kukupad-kupad kung gusto mong kumain!"galit na sabi ng tiyang Rosalinda ni Selina. Hugis bilog ang halos makikita sa katawan nito, dahil sobra ang timbang nito. Kulot ang buhok nito, maputi at singkit ang mata. Pango ang ilong at halos sira na ang lahat ng ngipin dahil sa palagiang paninigarilyo nito. Katulad ngayon halos may nakalagay na naman na nakasinding sigarilyo sa bibig ito, habang na
TAHIMIK lamang na nakatingin si Kendra sa mga kasama niya sa van."Natitiyak ko mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin,"wika ni Gio na ngiting-ngiti sa tabi niya."Tama siya Selina magugustuhan mo ang dagat,"pakikisali naman sa usapan ni Aziel."O-oo,"matipid lang na ani ni Kendra. Saka muli niyang ibinalik ang pansin sa lalaking nagmamaneho. Walang iba kung 'di si Mavy o Timothy. Kahit ano man ang pangalan nito ay maliwanag naman na ito ang mahal niyang asawa."Masaya ako at magkasundong-magkasundo kayong apat,"wika naman ni Vivian na inayos-ayos ang suot na antipara sa mata.Lihim na naiinis si Kendra sa pasimpleng paghawak-hawak lang naman ng babae kay Mavy!Kaya isang ideya ang naisip niya para kahit paano ay makaganti sa kalandian nito."May tao!"biglang tili ni Kendra. Kaya upang mariin tapakan ni Mavy ang preno ng sinasakyan nila.Kulang na lang ay mapasubsob sa harapan si Vivian, gusto niyang
DUMATING na nga sila sa beach, inilibot ni Kendra ang tingin sa paligid. Pansin niya ay walang ibang taong naroon kung 'di sila lang ng mga kasama niyang dumating."Tayo lang narito Sel, walang iba. Kaya hindi tayo maiisturbo kung sakali dahil atin ang buong lugar na ito!"masayang sabi ni Gio na hindi naman mapigilan na akbayan si Kendra. Ipinagkibit-balikat niya ang pag-iisip sa pakiramdam na tila nababasa nito ang isipan niya."M-mabuti kung ganoon,"usal ni Kendra. Kahit anong pilit niyang pigilan ang sarili para hindi tapunan ng sulyap si Mavy ay hindi niya magawa dahil parang may hindi nakikitang sinulid na pilit siyang hinihila patitig dito.At heto siya malaya na naman pinagmamasdan ang lalaking mahal niya. Kahit sobra-sobra siyang nasasaktan dahil sa nakikitang pagdikit-dikit ni Vivian rito."Ano ba Kendra! Nakikita mo na ngang sobrang sweet nila pero heto ka apektad
⚠️⚠️⚠️ BEWARE SPG ALERT!!!MABILIS na naglalakad si Kendra, tila sa ginagawa niya ay luluwag ang bigat na dala-dala niya sa dibdib."Pwedi ba huwag mo akong susundan Gio!"Inis na sabi ni Kendra.Ngunit nanatiling may sumusunod na yabag sa likuran niya, sa inis niya ay marahas siyang napalingon.Ngunit laking-gulat niya ay walang tao sa kanyang likuran!Biglang nagtayuan ang lahat ng buhok sa batok at braso ni Kendra. Dahil isa na siyang normal na tao ay madali na siyang sinasalakay ng kung ano-anong emosyon.Dama ni Kendra ang lumakas na pag-ihip ng hangin na ibinibigay sa kanya ng kalikasan. Maging ang buwan at bituin mula sa kalangitan ay tuluyan tinakpan ng maitim na ulap.Bigla niyang ipinagtaka dahil tila magkakaroon ng unos sa biglang pag-iiba ng klima."K-kailangan ko ng makabalik sa beach house,"bulong sa sarili ni Kendra. Mahirap na at baka maabutan siya ng malakas na buhos ng ulan at
HINDI na maintindihin ni Kendra, ngunit tila siya baliw habang patuloy na nagpapakasasa si Timothy sa labi niya."Can we make love mahal?"nag-iinit na tanong ng lalaki sa namumungay na mata. Dahil sa mahal niya ito ay sunod-sunod siyang tumango, pinabayaan niya ang sariling mapagbigiyan sa anuman naisin ng lalaking pinakamamahal.Tuluyan na nga siyang ipinasok sa loob ng beach house, malakas pa nitong sinipa ang pinto. Mabuti na lang at hindi nilakasan ng lalaki iyon dahil kung hindi tiyak niyang bagsak iyon. Dinala na nga siya sa silid at inilapag sa naghihintay na kama."Please locked the door Tim,"anas ni Kendra."Your wish is my command,"sagot naman ng lalaki at tuluyan naglakad pabalik sa may pinto at sinunod naman ang utos niya.Sunod-sunod na napalunok si Kendra sa nakikitang pag-alis ng polo ni Timothy, may pagkasabik ang makikita sa mata niya habang pinagmamasdan niya ng paunti-unti ang paglapit nito na tila pinapatakam
NAKASAKAY na silang lahat sa sasakiyan. Halos walang umiimik sa kanila, paano ba naman ay wala silang matandaan sa nangyari ng gabi. Nagising na lamang sila na nakasalampak sa buhanginan kung saan sila nag-inuman. Mag-uumaga na rin iyon. "Nagugutom ba kayo, may gusto ba kayong daanan para bilhin?"tanong ni Vivian. Halata sa itsura nito na masayang-masaya ito. Napansin ni Kendra na gumawi ang tingin nito kay Gio. Katulad nito ay kumikislap din sa katuwaan ang mga mata nito. Nang titigan niya si Mavy ay wala siyang reaksiyon na makikita sa mukha nito. Naka-focus lang ito sa pagmamaneho. "N-nagugutom po ako, p-pwedi po ba kaya tayong kumain sa isang fast-food chain?"Lakas loob na suhestiyon ni Kendra. "Oo naman, ihinto mo sa unang madadaanan mong kainan Mavy,"wika ni Vivian. Hindi naman umimik si Mavy ngunit sinunod naman iyon ng lalaki. Nang makakit
TULUYAN ibinaba na nga si Kendra sa bahay ng Tiyang Rosalinda niya. Kumaway pa siya sa mga kasama niya sa loob ng van bago siya pumasok sa loob.As usual wala ang tiya niya. Nasa palengki pa ito, tuluyan niyang itinabi ang burger na hindi niya kinain. Iyon na lang ang ibibigay niyang pasalubong sa Tiya Rosalinda niya.Dahil sa nanlalagkit na ang buong katawan niya ay tuluyan na siyang dumiretso ng ligo sa banyo. Mabilis din naman siyang natapos, itinapis na niya ang tuwalya at sa silid na lang siya magbibihis. Iyon nga ang ginawa niya matapos niyang mai-locked ang pinto na ginagamit ay kumuha na siya ng isang maluwang na t-shirt at short sa loob ng cabinet niya.Balak niyang puntahan si Aureus ngayon para kausapin ito. Akmang isusuot niya ang t-shirt ng mapansin niya ang pulang marka sa tagiliran bahagi ng dibdib niya."Teka saan galing 'tu?"gulat niyang tanong habang pinagmamasdan ang hickey na naroon. Nang i-checked pa niya
PADABOG na umalis naman si Vivian, masamang-masama ang loob niya sa narinig kay Mavy."Dad! bakit naman ganoon ang sinabi mo sa kanya. Hindi niya iyon deserve,"pagtatanggol naman ni Gio at tuluyan sinundan ang babae na pumasok sa loob ng kusina.Natahimik naman si Mavy, masiyado na siyang nafu-frustrate sa mga nangyayari sa kanila. Tuluyan siyang tumayo at akmang maglalaho ng biglang magsalita si Aziel."Saan ka pupunta Dad?"tanong nito."Mag-uusap lang kami ng mga pinuno,"saad niya. Tuluyan na siyang naglaho na parang bula sa harapan ng dalawang anak.Sa pagmulat ng kanyang mata ay dinala siya ng kakayahan sa isang malaking silid na may magkakahilerang upuan sa bawat panig ng lamesang pinaggitnaan.Isa-isa ay napupuno na rin ang labing-dalawang upuan. Nginitian lang ni Mavy at tinanguan ang mga nagsusulputan nilalang sa loob ng pribadong silid na kinaroroonan niya ngayon.Hanggang sa dumating na nga ang hu
UNTI-UNTING hinila palayo ni Haring Rosso si Timothy nang makita niyang palapit si Kendra at ang iba pang kasama nito.Hindi niya inaasahan na ganito ang kahitnanatnan ng lahat ng inumpisahan niya. Ang mabilis niyang pagbangon mula sa madilim na pinanggalingan lugar ay tila nagbabadiya na!"Itigil mo na ito Rosso! ubos na ang lahat ng mga kawal mo. Ang tanging gagawin mo lang ay humingi ng kapatawaran sa Amang lumikha. Tiyak kapag ginawa mo iyon ay mapapatawad ka pa Niya sa lahat ng pagkakamaling nagawa mo," tugon naman galing kay Don Ascor."Tumigil ka! wala akong pagkakamali lahat ng ginawa ko ay tama dahil iyon ang dapat mangyari. Dapat ako ang binigyan niya ng karapatan na mamuno sa buong sanlibutan at sa Acceria noon, hindi ang isang katulad ni Herriena na nagawa pang umibig sa isang bampira!" galit nitong wika.Muli ay naalala niya ang nakalipas kung saan sariwang-sariwa pa sa alaala niya ang nakaraan buhay niya sa masaganang paraiso kasama ang Ama ng lahat...TUWANG-TUWA s
MULING napasadsad si Kendra sa sahig. Ngunit dahil itinukod niya ang kamay ay hindi siya masiyadong napuruhan.Malalim na ang kanyang paghinga ng mga sandaling iyon. Pagod na pakiramdam at kawalan ng pag-asa ang maaninag sa kabuuan ni Kendra. Ngunit sa kaloob-looban niya ay masidhing adhikain na makasama na ng tuluyan si Timothy."Kahit na anong mangyari ay hindi mababago ang kagustuhan kong bumalik ka sa amin ng mga anak mo. Kaya ikaw Rosso sumuko ka na, dahil hindi ko susukuan si Timothy kahit na anong mangyari!" matatag na bigkas ni Kendra."Makikita natin..." usal naman ni Rosso at isang pitik ng daliri ang ginawa nito.Sabay na bumukas ang malaking pinto at pumasok sina Lerryust. Nanlalaki ang matang napatitig si Kendra pagkakita sa mga hawak-hawak ng mga ito."Zain! Oreo! Halls!" Pagsigaw niya sa mga pangalan ng anak.Akmang lalapitan niya ang mga ito nang humarang si Timothy at inuumang na naman sa kanya ang patalim ng esapada nito na may bahid na rin ng dugo mula sa kanya.
NAKARATING na nga si Kendra sa Kaharian ni Haring Rosso. Hindi na nagpaligoy-ligoy ang tadhana, dahil kaagad ng pinagsanggalang nito landas nilang dalawa."Natutuwa naman ako at kusa ka ng bumalik sa aking kaharian mahal kong ina. Hindi ka ba matahimik dahil sa hindi mo kami kapiling ng aking ama." Saka nito binalingan si Aureus na mataman ang pagkakatitig kay Kendra na tila hindi naman alintana ang paninitig sa kanya."Nagkakamali ka, hindi ako pumunta rito dahil para makita at makasama ang isa sa inyo. Narito ako para bawiin si Timothy!" maigting na saad ni Kendra.Agad ang pamumula ng magkabilang mata nito, handa siya sa anuman mangyayari sa kanya sa kaharian nito. Ikapahamak man niya iyon ay maaatim niya basta mailigtas lamang ang asawa niya."Ang sweet mo naman sa kanya, pero 'di bale hanggang ngayon lang naman iyan. Dahil magsasawa ka rin, ito lang masasabi ko ina. Hindi ganoon kadali na makuha mo si Timothy. Dadaan ka muna sa butas ng karayom!" Dumagundong ang malalim nitong
NAGHAHANDA na si Kendra sa pag-alis, napag-isip isip niya ngayon magaling na siya at kaya na rin niyang lumaban ay pupuntahan na niya si Rosso upang bawiin si Timothy.Hindi siya makakapayag na manatili pa ng ilang araw ang pinakamamahal niyang asawa."Anong ginagawa mo Ma? Saan ka pupunta?" Sunod-sunod na pagtatanong ni Zain na kapapasok lamang sa silid ng kanyang ina.Nakita niya na muling isinuot ni Kendra ang suot panlaban nito. Malakas ang kutob niyang may binabalak ito."Ma! Sumagot ka, anong nangyayari saan ka pupunta?" Pang-uulit ni Zain.Nakaharap sa salamin ng tokador si Kendra, at nakatitig mula roon. Kitang-kita rin niya ang repleksyon ng anak doon."Aalis ako, pupuntahan ko ang Papa niyo sa palasyo ni Rosso. Ibabalik ko siya rito." Pag-amin ni Kendra na napabuntong-hininga pa. Hindi na sana siya magpapakita sa mga anak, aalis siya ng walang paalam para hindi siya mahirapan umalis."Iiwanan mo pala kami, pero bakit hindi ka man nagpapaalam sa amin?" naghihinakit na saad ni
ILANG araw ang lumipas ay pinagbigyan na si Kendra na makalabas sa kanyang silid. Nagawa niyang muling tumayo ng paunti-unti sa pagdaan ng mga araw.Dahil sa ilang Buwan na coma siya ay humina ang senses niya. Tila bumalik siya sa pagkabata na muling nagsasanay na makapaglakad."Sige pa Mama, ihakbang mo pa." Pang-uudyok ni Zain na nasa harapan ni Kendra. Nakahanda itong saluhin siya oras na mawalan siya ng balanse."Tama iyan Mama, ganyan nga nagagawa mo na ng maayos. Ipagpatuloy mo lang hanggang sa masanay kang muling makapaglakad," saad naman ni Halls.Si Oreo naman ay tahimik lamang sa isang tabi habang nag-e-strum sa gitara nito.Mula ng gumising sila ay naibalik na rin sa kanila ang kani-kanilang pagmumukha.Mas gusto naman nila iyon dahil mas kumportable sila sa dati nilang kaanyuan.Tumayo na si Oreo matapos niyang itabi ang hawak na gitara."Hindi pa ba kayo tapos diyan, tayo naman ang magsanay!" Pag-aya niya sa dalawa."Ikaw na lang Oreo, tatapusin pa namin ang session kay
UNTI-UNTING iminulat ni Kendra ang namimigat na mata. Nang tuluyan siyang makaaninaw ang una niyang nagisnan ay ang puting kisame.Sobrang napakatahimik ng paligid niya, nang inilinga-linga niya ang ulo ay nasa isang silid pala siya. Doon niya rin napagtanto na may mga nakakabit na mga tubo sa kanya.Akma niyang hahablutin ang isa sa mga iyon nang madinig niya ang pagbukas ng pinto."My god your awake Kendra!" Gulat na gulat ang reaction ni Yalena. Nagmadali itong naglakad palapit sa kanya."Y-Yalena, a-anong nangyari?" nagtataka naman na tanong ni Kendra."Wala ka bang maalala?" balik-sagot naman nito. Saglit na hindi nakapagsalita si Kendra, inalala nga nito ang huling nangyari bago siya panawan ng ulirat."Ang pagkakatanda ko ay na-enkuwentro ko sina Rosso, pinagtulungan nila ako. Akala ko mamatay na ako... hindi pa pala." May bitterness sa tinig niya.Mas gusto pa kasi niyang mamatay, dahil ang totoo ay siya lamang ang magiging susi para matigil na ang paghaharian ni Rosso ang anak
DINALA na nga siya ni Lerryust sa magiging silid niya sa palasyo.Inilibot niya ang tingin sa paligid, pula ang kulay ng dingding. Itim ang mga blinds ng bintana, ang chandelier na glamoroso tignan na nakadikit sa itaas ng kisame ay sapat na para mabigyan ng liwanag ang silid.Inilinga pa niya ang pansin, isang katre ang naroon na may matress. Katulad ng mga panahon ng espanyol ay may tabing iyon. Isang lampshade ang nakita niyang nasa lamesa ng tabi ng hihigaan niya. Pati ang aparador na sa tingin niya'y antic ay bumagay naman."Tapos ka na ba sa ginagawa mo, kung maari pumasok ka na sa loob. Hintayin mo na lang ang pagkain na ibibigay sa iyo." Pag-agaw ng pansin ni Lerryust sa pagmamasid niya."Salamat," pagsagot naman ni Timothy bilang pasasalamat. Dahil napansin niya ay tila bumait ito sa kanya."Salamat? para saan. Anong inaakala mo ayos na tayo, huwag kang aasa na porke't pinatutunguhan kita ng maayos ay okay tayo. Nagkakamali ka Timothy, dahil kalaban pa rin ang turing ko sa'y
HINDI pa sumisikat ang araw ng mapagpasiyahan ni Timothy na umalis. Hindi na siya nagpaalam sa mga kasama niya, dahilan niya ay baka mahirapan pa siyang makaalis.Sa paglabas niya ng pinto ay hindi niya inasahan ang madadatnan niya mula sa kabilang pinto."Sinasabi ko na nga ba, tama ang sinabi sa akin ni Aureus. Kusang ikaw ang lalabas sa pintong ito!" Sikmat ni Lerryust at agad siyang hinila."Bitiwan mo ako walang hiya ka!" Pagpapalag naman ni Timothy na natumba pa sa lapag. Hindi siya makatayo dahil dinaganan siya nito mula sa likuran niya."Tanga ba ako Tim? Hindi ako uto-uto katulad mo. Kita mo na magpahanggang ngayon ay talunan ka!" Saka ito nagtatawa. Agad na sinenyasan nito ang mga kawal na kasama nito na pasukin ang silid ng pagsasanay."Ngayon, nadiskubre na namin ang pinagtataguan niyo ay tatapusin na namin kayo isa-isa! Ayaw mo niyon Tim hindi na kayo maghihirap at magkakahiwalay habang panahon!""Hindi mangyayari iyan!" Pagsisigaw ni Timothy. Tumigil na siya sa pagpapa
BIGLANG nabaling ang buong pansin nina Timothy nang magising si Zain at Oreo. Ngunit hindi na katulad ng dati ang gawi ng dalawa.Biglang nagwawala ang mga ito na parang ulol na aso."A-ano pong nangyayari sa kanila?" Nahihintakutan at umiiyak na tanong ni Coleene.Hindi naman nasagot ni Timothy ito dahil sa tuluyan niyang tinalian ang mga anak. Masakit man sa loob niya na gawin iyon ay iyon ang dapat.Agad naman niyakap ni Eleezhia si Coleene, maging siya ang nabibigla rin sa mga nangyayari. Kanina lang ay maayos pa nilang nakakausap ang dalawa. Pero ngayon halos hindi na nila makilala ang dalawa."Lumabas na muna kayo." Utos ni Timothy matapos na gumilid. Katatapos lang niyang matalian ng mahigpit ang dalawa. Pinagpawisan siya at nahirapan dahil sa pangangalmot at ginawang pagwagwag ng mga kamay."Pero gusto po namin silang bantayan, kung pahihintulutan niyo po." Pakiusap ni Coleene."I'm sorry ija, pero hindi pwedi... mas mabuting iwan niyo muna sila. Hindi kayo safe rito," sabi n