Tuluyang natuyo ang ilog kung saan umaagos ang talon, sa pagkatuyot nito'y tuluyang na ding nagsara ang lagusan.
Ilang Taon na rin ang lumipas ngunit tila kahapon lamang naganap ang lahat.
Akala ni Timothy at Kendra ay iyon na ang huling tagpo na makakasama nila ang isa't-isa. Ramdam nila ang kawalan ng pag-asa sa mga panahon na iyon.
Inilibot ni Timothy ang tingin, tuluyan ng bumalik sa dati ang ganda ng mundo ng mga mortal.
Ngunit sa kasawiang palad... hindi katulad ng naunang digmaan sa pagitan ng kanilang lahi at maging ng mga Zowol ang mundo ng Acerria ay tuluyang nawasak. Kasabay ng pagkasawak ay ang pagkawala ng kanyang ina na si Trinity.
Naging maliwanag sa kanya ang lahat ng ito'y mawala. Tila napaghandaan na nito ang pag
MAGAALAS-NUEBE na ng gabi, ilang minuto na lang ay matatapos na ang klase ni Zain. Maiksi niyang tinapuan ang suot na relo. Manaka-naka'y itinapik-tapik niya sa lamesa ang hawak na ballpen. Pinasadaan niya ng tingin ang mga estudyanteng kasalukuyang sumasagot sa pagsusulit na isinagawa niya. Maya-maya'y biglang nakaramdam ng kakaiba sa paligid ang binata. Bigla'y pinagpawisan siya ng malapot. Maski ang hininga niya'y nahigit niya, bigla nalang tumigil sa paggalawan ang lahat ng nasa paligid ng binata. Tuluyan nilukuban ng kakaibang enerhiya ang buong silid. Nanatili siyang nakatingin sa nilalang na nasa kanyang harapan. katawang tao, ngunit halos maabot na nito ang kisame sa sobrang taas nito. Ang katawan nito'y tila napapalibutan ng ginto. Pilitt inaaninag ni Zain ang mukha nito ngunit nanatiling wala siyang maaninag. Bigla'y tila naringgan niyang umusal ito ng mga salita. "Nalalapit na ang tak
KASALUKUYANG nagluluto si Halls sa kanilang kusina. Ilang linggo na rin ang nakararaan ng lubos silang gulatin ng kakaibang pangyayari. Kung saan patungkol kay Eleezhia. Siya ang nakatukang magbantay sa bata ng gabing iyon, kasalukuyang nasa trabaho pa ang dalawang kapatid noon. Nakita niyang himbing na himbing pa sa pagtulog si Eleezhia. Iniwan niya ito saglit upang ipagtimpla ito ng gatas. Ngunit laking-pagkabigla niya ng magbalik siya'y wala na ito sa kinahihigaan. Bigla siyang sinakmal ng takot sa mga sandaling iyon. "Kamusta Halls?" Walang anu-ano'y may narinig siyang nagsalita sa kanyang likuran. Bigla niyang iniiwas ang tingin. Wala kasing kahit na anong saplot ito. "H-Hey! s-sino ka ba? N-Nasaan si Eleezhia!"pautal-utal at marahas niyang sabi. Mabilis siyang kumuha sa damitan ni Zai
ISANG pares ng mga mata ang nakatunghay sa mga nagaganap sa mundo ng mga mortal. Kung saan unti-unting umaayon ang lahat sa dapat na naitakda DATI pa. "MASAYA kana ba Grimmo na pati ang anak mo ay kailangan mong isali sa mga plano mo?"maanghang na sabi ni Cloefee. Marahan lang siyang binalingan nito, wala ni katiting na emosyon ang mababanaag rito. "Mahal kong Reyna alam mo namang hindi lang ito basta plano..."makahulugang sabi nito.Kumibot-dili ang labi ni Cloefee ngunit sa huli'y nanatili na lamang itong hindi umiimik. Isang makahulugang tingin ang iniwan nito sa kanyang hari bago tuluyan itong lumabas ng silid na kinaroroonan. Kahit anong pagtutol ang gawin niya'y wala rin mangyayari. Dahil sa mundong kanilang ginagalawan iisa lamang ang masusunod. Ang sino mang sumaway at gumawa ng maling gawa ay papatawan ng kapa
MARAHAN na pinaglandas ni Halls ang daliri sa leeg ni Hailey. Kitang-kita niya ang dalawang maliit na marka kung saan naroon pa rin ang bahid ng sariwang dugo ni Hailey. Napatutok ang mata ng binata sa magandang mukha ni Hailey. "I'm sorry h-hindi ko sinsadiyang kagatin ka. It's just that h-hindi ko lang mapigilan."bulong ni Halls rito. Isang manipis na ngiti ang ipinaskil ng dalaga, kasabay ng pagtayo nito. Hindi nito ipinahalata ang panghihina niya sa ginawang pagkagat ng binata sa kanya. Bawal na bawal kasi sa kanila ang magpakagat sa may dugong werewolf. Nagkakaroon ng malaking epekto at pagkairita sa kanila kapag nakagat sila nito. Bagamat hindi naman purong werewolf ang binata ramdam niya ang masamang epekto niyon sa katawan nito. Napansin pa niya ang panghihinayang sa mata ni Halls ng lumayo siya rito. Hindi naman niy
SA mga sandaling iyon ay tuluyan ng binalot ng pangamba at takot si Oleene. Hindi lang para sa kanya, kung 'di para na rin sa kalagayan ni Oreojon. Kitang-kita niya ang malaking hiwa nito sa tiyan. Kung saan aninaw niya ang sariwang dugo at laman ng binata. Gusto niyang maduwal ngunit nagpigil siya, ang totoo napakahina niya sa mga ganito. May phobia na kasi siya dati noong bata siya, kung saan isang trahedya ang kinasangkutang ng mga magulang niya na naging dahilan ng pagkasawi ng mga ito at maagang pagkaulila naman niya. Kabisadong-kabisado pa niya ang mga pangyayari, kung saan kalunos-lunos at tigmak na ng mapupulang dugo ang mukha' t katawan ng mga magulang sa sarili niyang kandungan. Unti-unting nanlabo ang paningin ng dalaga, dahil sa tuluyang pagtutubig ng kanyang mga mata. Hindi na niya namalayang mahigpit na pala niyang niyayakap si Oreo, kasabay ng impit na
MADILIM na ang buong kapaligiran, matatanaw ang malawak na kalangitan ang mga nakasabog na bituin at iba' t ibang uri ng hugis ng Buwan sa madilim na kalangitan. Marahan hinawi ni Herriena ang isang buwan para ilipat iyon sa kabilang panig ng langit. Maski ang mga bituin ay magaan niyang iniangat gamit ang kamay, isang kumpas ang kanyang isinagawa. Nangislap ang mga mata ng Diyosa ng sumunod ang mga mumunting bagay sa nais niya. Makaraan ang ilang sandali nanatili na lamang siyang nakatanaw. Ang kislap na bumabalot sa kanyang mga magagandang mata'y tila nahalinhinan ng panglaw. Mayamaya'y naramdaman na lang niya ang isang magaan at kakaibang enerhiya na kadalasan nadadama niya kapag magpapakita ang pinakamataas sa lahat--- Ang ama ng lumikha sa lahat. Hindi nga siya nagkamali dahil, unti-unti'y isang puting liwanag ang bumaba mula sa langit at tuluyang nagkahug
MAGKAGAYUNMAN dumating sa puntong hindi na nito napigilan ang nadarama sa kanya...Sa hapon na iyon ay inilibot ni Vermous ang mga bagong makakasama nila ng Dyosa Herriena sa palibot ng Acceria.Bagama't magkakaiba ng lahi ang nanggalingan nila ay hindi naging mahirap sa tatlo na magkasundo.Manghang-mangha sina Yaboo at Lauke habang patuloy silang naglalakad sa maberding kapaligiran. Ang masuyong hatid ng papalubog na araw ay nagbigay balsamo sa mga pagal na utak nila.Patapos na sila sa paglalakad ng umimik si Lauke."Vermous aking kaibigan nasabi mong tayo' y pabalik na, ngunit mayroon ka yatang nakaligtaang ipatingin sa amin. "Nangunot ang noo na bumaling si Vermous rito, mahihinuha ang pagkalito sa kanyang mukha."Ipagpatawad mo kaibigan, ngunit nakatitiyak akong lahat ng magaganda at importanteng lugar dito sa Ace
KASABAY ng pagkakadikit ng likuran ng binata sa madamong lapag. Ramdam niya ang pangangailangan ni Hailey sa mga sandaling iyon. Sa mga katulad nitong Alpha' y may mga sandaling kinakailangn nitong makipag-mating.Naeexcite man si Halls dahil ito ang unang karanasan niya. Hindi na niya namalayan na tuluyan na niyang tinugon ang marubdob at mapusok na halik ng dalaga. Halatang marami na itong naging karanasan sa bagay na iyon. Maski ang mapapangahas nitong kamay na naglalakbay sa kabuuan niya nagbibigay ng kakaibang init sa binata ay ipinagwalang-bahala na niya.Halos hindi mapaghiwalay ang bawat labi nila dahil sa mabilisan nilang pag-alis ng kanilang mga kasuotan.Napalunok ng laway si Halls ng mag-umpisang gumapang ang labi ni Hailey sa leeg niya pababa sa hubad niyang dib-dib, hanggang sa kanyang pag-aari na tayung-tayo at tigas na tigas na sa
UNTI-UNTING hinila palayo ni Haring Rosso si Timothy nang makita niyang palapit si Kendra at ang iba pang kasama nito.Hindi niya inaasahan na ganito ang kahitnanatnan ng lahat ng inumpisahan niya. Ang mabilis niyang pagbangon mula sa madilim na pinanggalingan lugar ay tila nagbabadiya na!"Itigil mo na ito Rosso! ubos na ang lahat ng mga kawal mo. Ang tanging gagawin mo lang ay humingi ng kapatawaran sa Amang lumikha. Tiyak kapag ginawa mo iyon ay mapapatawad ka pa Niya sa lahat ng pagkakamaling nagawa mo," tugon naman galing kay Don Ascor."Tumigil ka! wala akong pagkakamali lahat ng ginawa ko ay tama dahil iyon ang dapat mangyari. Dapat ako ang binigyan niya ng karapatan na mamuno sa buong sanlibutan at sa Acceria noon, hindi ang isang katulad ni Herriena na nagawa pang umibig sa isang bampira!" galit nitong wika.Muli ay naalala niya ang nakalipas kung saan sariwang-sariwa pa sa alaala niya ang nakaraan buhay niya sa masaganang paraiso kasama ang Ama ng lahat...TUWANG-TUWA s
MULING napasadsad si Kendra sa sahig. Ngunit dahil itinukod niya ang kamay ay hindi siya masiyadong napuruhan.Malalim na ang kanyang paghinga ng mga sandaling iyon. Pagod na pakiramdam at kawalan ng pag-asa ang maaninag sa kabuuan ni Kendra. Ngunit sa kaloob-looban niya ay masidhing adhikain na makasama na ng tuluyan si Timothy."Kahit na anong mangyari ay hindi mababago ang kagustuhan kong bumalik ka sa amin ng mga anak mo. Kaya ikaw Rosso sumuko ka na, dahil hindi ko susukuan si Timothy kahit na anong mangyari!" matatag na bigkas ni Kendra."Makikita natin..." usal naman ni Rosso at isang pitik ng daliri ang ginawa nito.Sabay na bumukas ang malaking pinto at pumasok sina Lerryust. Nanlalaki ang matang napatitig si Kendra pagkakita sa mga hawak-hawak ng mga ito."Zain! Oreo! Halls!" Pagsigaw niya sa mga pangalan ng anak.Akmang lalapitan niya ang mga ito nang humarang si Timothy at inuumang na naman sa kanya ang patalim ng esapada nito na may bahid na rin ng dugo mula sa kanya.
NAKARATING na nga si Kendra sa Kaharian ni Haring Rosso. Hindi na nagpaligoy-ligoy ang tadhana, dahil kaagad ng pinagsanggalang nito landas nilang dalawa."Natutuwa naman ako at kusa ka ng bumalik sa aking kaharian mahal kong ina. Hindi ka ba matahimik dahil sa hindi mo kami kapiling ng aking ama." Saka nito binalingan si Aureus na mataman ang pagkakatitig kay Kendra na tila hindi naman alintana ang paninitig sa kanya."Nagkakamali ka, hindi ako pumunta rito dahil para makita at makasama ang isa sa inyo. Narito ako para bawiin si Timothy!" maigting na saad ni Kendra.Agad ang pamumula ng magkabilang mata nito, handa siya sa anuman mangyayari sa kanya sa kaharian nito. Ikapahamak man niya iyon ay maaatim niya basta mailigtas lamang ang asawa niya."Ang sweet mo naman sa kanya, pero 'di bale hanggang ngayon lang naman iyan. Dahil magsasawa ka rin, ito lang masasabi ko ina. Hindi ganoon kadali na makuha mo si Timothy. Dadaan ka muna sa butas ng karayom!" Dumagundong ang malalim nitong
NAGHAHANDA na si Kendra sa pag-alis, napag-isip isip niya ngayon magaling na siya at kaya na rin niyang lumaban ay pupuntahan na niya si Rosso upang bawiin si Timothy.Hindi siya makakapayag na manatili pa ng ilang araw ang pinakamamahal niyang asawa."Anong ginagawa mo Ma? Saan ka pupunta?" Sunod-sunod na pagtatanong ni Zain na kapapasok lamang sa silid ng kanyang ina.Nakita niya na muling isinuot ni Kendra ang suot panlaban nito. Malakas ang kutob niyang may binabalak ito."Ma! Sumagot ka, anong nangyayari saan ka pupunta?" Pang-uulit ni Zain.Nakaharap sa salamin ng tokador si Kendra, at nakatitig mula roon. Kitang-kita rin niya ang repleksyon ng anak doon."Aalis ako, pupuntahan ko ang Papa niyo sa palasyo ni Rosso. Ibabalik ko siya rito." Pag-amin ni Kendra na napabuntong-hininga pa. Hindi na sana siya magpapakita sa mga anak, aalis siya ng walang paalam para hindi siya mahirapan umalis."Iiwanan mo pala kami, pero bakit hindi ka man nagpapaalam sa amin?" naghihinakit na saad ni
ILANG araw ang lumipas ay pinagbigyan na si Kendra na makalabas sa kanyang silid. Nagawa niyang muling tumayo ng paunti-unti sa pagdaan ng mga araw.Dahil sa ilang Buwan na coma siya ay humina ang senses niya. Tila bumalik siya sa pagkabata na muling nagsasanay na makapaglakad."Sige pa Mama, ihakbang mo pa." Pang-uudyok ni Zain na nasa harapan ni Kendra. Nakahanda itong saluhin siya oras na mawalan siya ng balanse."Tama iyan Mama, ganyan nga nagagawa mo na ng maayos. Ipagpatuloy mo lang hanggang sa masanay kang muling makapaglakad," saad naman ni Halls.Si Oreo naman ay tahimik lamang sa isang tabi habang nag-e-strum sa gitara nito.Mula ng gumising sila ay naibalik na rin sa kanila ang kani-kanilang pagmumukha.Mas gusto naman nila iyon dahil mas kumportable sila sa dati nilang kaanyuan.Tumayo na si Oreo matapos niyang itabi ang hawak na gitara."Hindi pa ba kayo tapos diyan, tayo naman ang magsanay!" Pag-aya niya sa dalawa."Ikaw na lang Oreo, tatapusin pa namin ang session kay
UNTI-UNTING iminulat ni Kendra ang namimigat na mata. Nang tuluyan siyang makaaninaw ang una niyang nagisnan ay ang puting kisame.Sobrang napakatahimik ng paligid niya, nang inilinga-linga niya ang ulo ay nasa isang silid pala siya. Doon niya rin napagtanto na may mga nakakabit na mga tubo sa kanya.Akma niyang hahablutin ang isa sa mga iyon nang madinig niya ang pagbukas ng pinto."My god your awake Kendra!" Gulat na gulat ang reaction ni Yalena. Nagmadali itong naglakad palapit sa kanya."Y-Yalena, a-anong nangyari?" nagtataka naman na tanong ni Kendra."Wala ka bang maalala?" balik-sagot naman nito. Saglit na hindi nakapagsalita si Kendra, inalala nga nito ang huling nangyari bago siya panawan ng ulirat."Ang pagkakatanda ko ay na-enkuwentro ko sina Rosso, pinagtulungan nila ako. Akala ko mamatay na ako... hindi pa pala." May bitterness sa tinig niya.Mas gusto pa kasi niyang mamatay, dahil ang totoo ay siya lamang ang magiging susi para matigil na ang paghaharian ni Rosso ang anak
DINALA na nga siya ni Lerryust sa magiging silid niya sa palasyo.Inilibot niya ang tingin sa paligid, pula ang kulay ng dingding. Itim ang mga blinds ng bintana, ang chandelier na glamoroso tignan na nakadikit sa itaas ng kisame ay sapat na para mabigyan ng liwanag ang silid.Inilinga pa niya ang pansin, isang katre ang naroon na may matress. Katulad ng mga panahon ng espanyol ay may tabing iyon. Isang lampshade ang nakita niyang nasa lamesa ng tabi ng hihigaan niya. Pati ang aparador na sa tingin niya'y antic ay bumagay naman."Tapos ka na ba sa ginagawa mo, kung maari pumasok ka na sa loob. Hintayin mo na lang ang pagkain na ibibigay sa iyo." Pag-agaw ng pansin ni Lerryust sa pagmamasid niya."Salamat," pagsagot naman ni Timothy bilang pasasalamat. Dahil napansin niya ay tila bumait ito sa kanya."Salamat? para saan. Anong inaakala mo ayos na tayo, huwag kang aasa na porke't pinatutunguhan kita ng maayos ay okay tayo. Nagkakamali ka Timothy, dahil kalaban pa rin ang turing ko sa'y
HINDI pa sumisikat ang araw ng mapagpasiyahan ni Timothy na umalis. Hindi na siya nagpaalam sa mga kasama niya, dahilan niya ay baka mahirapan pa siyang makaalis.Sa paglabas niya ng pinto ay hindi niya inasahan ang madadatnan niya mula sa kabilang pinto."Sinasabi ko na nga ba, tama ang sinabi sa akin ni Aureus. Kusang ikaw ang lalabas sa pintong ito!" Sikmat ni Lerryust at agad siyang hinila."Bitiwan mo ako walang hiya ka!" Pagpapalag naman ni Timothy na natumba pa sa lapag. Hindi siya makatayo dahil dinaganan siya nito mula sa likuran niya."Tanga ba ako Tim? Hindi ako uto-uto katulad mo. Kita mo na magpahanggang ngayon ay talunan ka!" Saka ito nagtatawa. Agad na sinenyasan nito ang mga kawal na kasama nito na pasukin ang silid ng pagsasanay."Ngayon, nadiskubre na namin ang pinagtataguan niyo ay tatapusin na namin kayo isa-isa! Ayaw mo niyon Tim hindi na kayo maghihirap at magkakahiwalay habang panahon!""Hindi mangyayari iyan!" Pagsisigaw ni Timothy. Tumigil na siya sa pagpapa
BIGLANG nabaling ang buong pansin nina Timothy nang magising si Zain at Oreo. Ngunit hindi na katulad ng dati ang gawi ng dalawa.Biglang nagwawala ang mga ito na parang ulol na aso."A-ano pong nangyayari sa kanila?" Nahihintakutan at umiiyak na tanong ni Coleene.Hindi naman nasagot ni Timothy ito dahil sa tuluyan niyang tinalian ang mga anak. Masakit man sa loob niya na gawin iyon ay iyon ang dapat.Agad naman niyakap ni Eleezhia si Coleene, maging siya ang nabibigla rin sa mga nangyayari. Kanina lang ay maayos pa nilang nakakausap ang dalawa. Pero ngayon halos hindi na nila makilala ang dalawa."Lumabas na muna kayo." Utos ni Timothy matapos na gumilid. Katatapos lang niyang matalian ng mahigpit ang dalawa. Pinagpawisan siya at nahirapan dahil sa pangangalmot at ginawang pagwagwag ng mga kamay."Pero gusto po namin silang bantayan, kung pahihintulutan niyo po." Pakiusap ni Coleene."I'm sorry ija, pero hindi pwedi... mas mabuting iwan niyo muna sila. Hindi kayo safe rito," sabi n