MULING binalikan ni Vivian si Timothy, inakay na niya ito pabalik sa kanyang silid upang makapagpahinga na ito."Gusto mo bang tumawag ako ng Doctor para magamot ang mga sugat mo?" tanong ni Vivian. Umiling lamang si Timothy pagkatapos na maihiga niya ito mula sa kama."Huwag na Viv, kusa rin gagaling ang mga ito ang mabuting gawin mo ay tignan ng buong mansiyon kung may napano sa ating mga tauhan dahil sa panloloob ni Lerryust." Utos niya sa babae."Sige... Tim, sorry pala sa ginawa ni ama. Kung may magagawa lamang ako para itaboy siya palayo sa pamilya mo ginawa ko na." Paghingi ng patawad ni Vivian sa lalaki."Huwag mo ng isipin iyon, magiging maayos din ang lahat. Ang mahalaga ngayon ay ligtas tayo at hindi niya nagawan ng masama," sabi naman ni Timothy na nginitian ang babae.Napangiti na rin si Vivian na hindi na namalayan ang sarili na yumakap na rito...GANOON naman eksena ang ipinakita ni Aureus kay Kendra na nasa isang kulungan na punong-puno ng mahika."Nakikita mo ba ang
KAHIT matagal nang hindi naniniwala si Kendra sa poong maykapal ay inumpisahan na rin niya ang pagdarasal. Pumikit siya at ginaya rin ang ginawa ni Eleezhia ang ipagsalikop ang dalawang palad sa kanyang harapan."Nanalangin ako sa iyo ama ng lahat kung naririnig mo ako. Sana pakinggan mo ang aking daing, Oh! ama ilayo mo po sa kapahamakan ang aking mag-aama. Kung nasaan man sila ngayon, patnubayan mo sila. Ano man ho ang maaring mangyari sa akin dito kayo na po ang may hawak sa akin buhay," taos sa puso na pagdarasal ni Kendra.Isang matinis na halakhak ang namutawi sa buong paligid na kanilang nadinig kaya upang maalis sa ginagawa nilang pagdarasal ang pansin nila.Kitang-kita nila ang paglapit ni Aureus sa kinaroroonan nila na may dala-dalang tray na naglalaman ng kanilang makakain sa mga sandaling iyon."Kung totoo man ang sinasamba niyong Panginoon, bakit pinabayaan niya kayo. Heto! ang pagkain, ako ang nagbigay niyan at hindi ang dinadasalan niyong nilalang! Ngayon pa lang ay ti
TINAPIK-TAPIK ni Mavy ang braso ni Vivian upang awatin ito mula sa pagkakayakap sa kanya."Sige na at malalim na ang gabi Viv, matulog ka na rin para makapagpahinga ka," sabi niya rito.Natitigilan naman ang babae na nagtataka sa ikinilos niya. Ramdam niya ang hindi pagiging kumportable ni Timothy sa pinagsaluhan nilang yakap.Heto siya umaasa na mapapansin ng lalaki, lalo at pag-aari na niya ngayon ang mukha at katawan ni Kendra na asawa nito.Tuwang-tuwa siya nang malaman niya na ang may kagagawan si Timothy sa pagkakapalit ng katawan niya na si Selina sa ngayon na si Kendra.Hindi niya alam kung batid pa ba iyon ng lalaki, wala na siyang pakialam ang importante ay napapalapit siya rito.Salawahan na kung salawahan, masaya naman siya kapag kasama niya si Gio. Pero iba ang dating ng ama nito sa kanya."Goodnight and sleep tight Tim. Ipagpabukas na lang natin ang mga iba mo pang iuutos sa akin. Matanong ko, ano pa lang gusto mong tanghalian para bukas. Gusto mo ba ng adobong manok?" ta
NANG magising naman si Vivian kinabukasan ay hindi kaagad siya nakabangon dahil sa sobrang sama ng pakiramdam niya. Dala yata iyon ng pagbubuntis niya.Agad siyang napatakbo mula sa kama hanggang sa banyo ng silid niya at nagduwal ng diretso sa bowl. Halos yumukyok siya roon at hirap na hirap sa nangyayari sa kanya ngayon.Mayamaya ay naramdaman niya ang paghimas ng kamay sa may likuran niya. Nang balingan niya kung sino iyon ay si Mavy pala iyon."Ayos ka na ba?" tanong nito na may concern sa tinig.Tumango naman si Vivian,"Medyo nahihilo pa ako pero ayos na ako Tim. Siya nga pala h-hindi pa pala ako nakakagawa ng breakfast," ani niya."No worries, starting today ay bahala na ang mga katulong sa pagluluto rito. Unahin mo muna ang sarili mo, tara na samahan na kitang mahiga uli sa kama. After that, mag-aakyat ako ng pagkain para makakain ka," masuyo naman tugon ni Mavy.Tumango naman si Vivian at matipid na nangiti, ewan niya pero kinikilig na siya sa ipinapakita ng lalaki sa kanya.
ILANG araw din inalagaan ni Vivian si Mavy. Nagkalagnat din kasi ito pagkatapos, hindi na rin natiis nito na sabihin kina Aziel, Klent at Gio ang totoo sa ikatlong araw na ganoon ang kalagayan ng ama ng tatlo.Humahangos na nagtatakbo ang mga ito papunta sa silid ng kanilang ama.Pagbukas pa lamang nila ng pinto at makita nito ang kalagayan ng ama ay labis na silang naawa rito."Papa, ano pong nararamdaman niyo?" tanong agad ni Aziel matapos na makalapit sa ama na nanatiling nakapikit. Ngunit walang sagot mula rito."Tita Vivian, bakit hindi gumigising si Papa. Ano ang nangyari sa kanya?"nag-aalalang tanong naman ni Gio na napaiyak na."H-hindi ko rin alam, nang dumating siya ay sugatan siya at nanghihina. Nang tinanong ko sa kanya kung sino ang may gawa sa kanya hindi na niya nagawang sabihin," umiiyak din saad ni Vivian.Napalapit naman si Klent sa ama at pinagmasdan ito sa naawang tingin, lagi man silang hindi nagkakasundo nito ay napakahalaga pa rin nito sa kanya. Napakuyom siya n
NAGKAKASIYAHAN sa tagong kaharian sa mundo ng mga tao. Naroroon ang mga kasapi sa hukbo ni Aureus na sina Lerryust, Trinity, Zandrew at maging ang ina at dating hari na si Marcuss na ama ni Kendra.Isang malaking piging ang inihanda upang sa pagdating ng anak ng kadiliman na si Rosso. Iyon na ang magiging pangalan nito sa mundong ibabaw sa pagdating nito."Mabuti naman at umaayon na sa plano natin ang lahat Reus," saad ni Lerryust na may tangan na basong babasagin na may tangan na mamahalin alak."Tama ka at nanabik na rin akong makita ang ating magiging bagong hari," sabi naman nito. Nasa itaas sila ng palasyo kung saan nakatanaw sila mula sa ibaba.Nagkalat na ang mga sundalo ng magiging hari na si Rosso. May tao, bampira, lobo at Galelea na matagal din nahimlay at naghintay na muling maghari ang kasamaan sa mundo."Napakagaling ng ginawa mo Aureus pinabilib mo kami at maging ang pagbuhay sa amin na namayapa na ay nagawa mo rin kahit matagal na ang nakalipas," dagdag naman ni Zandr
PILIT na nginitian ni Vivian si Mavy nang tuluyan makalapit ito mula sa kanilang kama. Iinot-inot itong naupo sa tabi niya."W-wala naman, napansin ko lang na kahawig mo siya," sabi niya.Pinakatitigan naman ni Mavy ang sanggol at napatango-tango."Tama ka, nakuha niya ang ilong at labi ko," saad naman ni Mavy.Ikinagalak naman ni Vivian ang sinabi nito, dahil ibig sabihin niyon ay pinapaniwalaan na talaga nito na anak nito ang batang isinilang niya."Bakit umiiyak ka?" takang-tanong ni Mavy. Sa pagpahid lang naman ng babae sa luhang umagos sa pisngi nito."Wala, I'm just happy dahil alam kong naniniwala ka na talagang anak mo siya."Natigilan naman si Mavy, pinili niyang ngumiti rito."I'm sorry kung pinagdudahan ko siya. Don't worry starting this day ay ibibigay ko ang lahat ng pag-aaruga na nararapat sa kanya. Katulad ng pagmamahal ko kina Aziel, Klent at Gio ay pantay-pantay lamang sa kanilang lahat asahan mo iyan," pangako niya sa babae.Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa labi
SA pagwa-walk out ni Vivian ay dinala lang naman siya ng paa papunta sa gubat kung saan naroon ang ilog na inaagusan ng talon.Muli siyang naupo sa nakausling bato, pinakatitigan niya ang repleksyon niya mula roon. Mapait siyang napangiti habang nakatitig sa mukha."Oo nasa akin na ang mukha mo Kendra, nasanay na ang mga bata sa akin. Heto nabigyan ko pa ng anak si Timothy pero ikaw pa rin ang hinahanap niya! Ano bang meron sa iyo na wala ako!" naghihinakit niyang hinagpis sa kinauupuan.Doon niya ibinuhos ang lahat ng hinanakit niya ng mga sandaling iyon, umiyak siya ng umiyak kahit hindi naman niya ng iyon gawain dati."Napapagod ka na ba sa sitwasyon mo?" Isang tinig ang narinig niya buhat sa may likuran niya ng lingunin niya kung sino iyon walang iba kung 'di si Selena o sabihin ang dating siya."Bakit ka nandito?" Bumangon ang galit niya sa babaeng nasa harapan niya. Lalo ito ang dahilan kung bakit sila may sigalot ngayon ni Timothy."Bakit... bawal na ba akong pumasyal dito, gay
UNTI-UNTING hinila palayo ni Haring Rosso si Timothy nang makita niyang palapit si Kendra at ang iba pang kasama nito.Hindi niya inaasahan na ganito ang kahitnanatnan ng lahat ng inumpisahan niya. Ang mabilis niyang pagbangon mula sa madilim na pinanggalingan lugar ay tila nagbabadiya na!"Itigil mo na ito Rosso! ubos na ang lahat ng mga kawal mo. Ang tanging gagawin mo lang ay humingi ng kapatawaran sa Amang lumikha. Tiyak kapag ginawa mo iyon ay mapapatawad ka pa Niya sa lahat ng pagkakamaling nagawa mo," tugon naman galing kay Don Ascor."Tumigil ka! wala akong pagkakamali lahat ng ginawa ko ay tama dahil iyon ang dapat mangyari. Dapat ako ang binigyan niya ng karapatan na mamuno sa buong sanlibutan at sa Acceria noon, hindi ang isang katulad ni Herriena na nagawa pang umibig sa isang bampira!" galit nitong wika.Muli ay naalala niya ang nakalipas kung saan sariwang-sariwa pa sa alaala niya ang nakaraan buhay niya sa masaganang paraiso kasama ang Ama ng lahat...TUWANG-TUWA s
MULING napasadsad si Kendra sa sahig. Ngunit dahil itinukod niya ang kamay ay hindi siya masiyadong napuruhan.Malalim na ang kanyang paghinga ng mga sandaling iyon. Pagod na pakiramdam at kawalan ng pag-asa ang maaninag sa kabuuan ni Kendra. Ngunit sa kaloob-looban niya ay masidhing adhikain na makasama na ng tuluyan si Timothy."Kahit na anong mangyari ay hindi mababago ang kagustuhan kong bumalik ka sa amin ng mga anak mo. Kaya ikaw Rosso sumuko ka na, dahil hindi ko susukuan si Timothy kahit na anong mangyari!" matatag na bigkas ni Kendra."Makikita natin..." usal naman ni Rosso at isang pitik ng daliri ang ginawa nito.Sabay na bumukas ang malaking pinto at pumasok sina Lerryust. Nanlalaki ang matang napatitig si Kendra pagkakita sa mga hawak-hawak ng mga ito."Zain! Oreo! Halls!" Pagsigaw niya sa mga pangalan ng anak.Akmang lalapitan niya ang mga ito nang humarang si Timothy at inuumang na naman sa kanya ang patalim ng esapada nito na may bahid na rin ng dugo mula sa kanya.
NAKARATING na nga si Kendra sa Kaharian ni Haring Rosso. Hindi na nagpaligoy-ligoy ang tadhana, dahil kaagad ng pinagsanggalang nito landas nilang dalawa."Natutuwa naman ako at kusa ka ng bumalik sa aking kaharian mahal kong ina. Hindi ka ba matahimik dahil sa hindi mo kami kapiling ng aking ama." Saka nito binalingan si Aureus na mataman ang pagkakatitig kay Kendra na tila hindi naman alintana ang paninitig sa kanya."Nagkakamali ka, hindi ako pumunta rito dahil para makita at makasama ang isa sa inyo. Narito ako para bawiin si Timothy!" maigting na saad ni Kendra.Agad ang pamumula ng magkabilang mata nito, handa siya sa anuman mangyayari sa kanya sa kaharian nito. Ikapahamak man niya iyon ay maaatim niya basta mailigtas lamang ang asawa niya."Ang sweet mo naman sa kanya, pero 'di bale hanggang ngayon lang naman iyan. Dahil magsasawa ka rin, ito lang masasabi ko ina. Hindi ganoon kadali na makuha mo si Timothy. Dadaan ka muna sa butas ng karayom!" Dumagundong ang malalim nitong
NAGHAHANDA na si Kendra sa pag-alis, napag-isip isip niya ngayon magaling na siya at kaya na rin niyang lumaban ay pupuntahan na niya si Rosso upang bawiin si Timothy.Hindi siya makakapayag na manatili pa ng ilang araw ang pinakamamahal niyang asawa."Anong ginagawa mo Ma? Saan ka pupunta?" Sunod-sunod na pagtatanong ni Zain na kapapasok lamang sa silid ng kanyang ina.Nakita niya na muling isinuot ni Kendra ang suot panlaban nito. Malakas ang kutob niyang may binabalak ito."Ma! Sumagot ka, anong nangyayari saan ka pupunta?" Pang-uulit ni Zain.Nakaharap sa salamin ng tokador si Kendra, at nakatitig mula roon. Kitang-kita rin niya ang repleksyon ng anak doon."Aalis ako, pupuntahan ko ang Papa niyo sa palasyo ni Rosso. Ibabalik ko siya rito." Pag-amin ni Kendra na napabuntong-hininga pa. Hindi na sana siya magpapakita sa mga anak, aalis siya ng walang paalam para hindi siya mahirapan umalis."Iiwanan mo pala kami, pero bakit hindi ka man nagpapaalam sa amin?" naghihinakit na saad ni
ILANG araw ang lumipas ay pinagbigyan na si Kendra na makalabas sa kanyang silid. Nagawa niyang muling tumayo ng paunti-unti sa pagdaan ng mga araw.Dahil sa ilang Buwan na coma siya ay humina ang senses niya. Tila bumalik siya sa pagkabata na muling nagsasanay na makapaglakad."Sige pa Mama, ihakbang mo pa." Pang-uudyok ni Zain na nasa harapan ni Kendra. Nakahanda itong saluhin siya oras na mawalan siya ng balanse."Tama iyan Mama, ganyan nga nagagawa mo na ng maayos. Ipagpatuloy mo lang hanggang sa masanay kang muling makapaglakad," saad naman ni Halls.Si Oreo naman ay tahimik lamang sa isang tabi habang nag-e-strum sa gitara nito.Mula ng gumising sila ay naibalik na rin sa kanila ang kani-kanilang pagmumukha.Mas gusto naman nila iyon dahil mas kumportable sila sa dati nilang kaanyuan.Tumayo na si Oreo matapos niyang itabi ang hawak na gitara."Hindi pa ba kayo tapos diyan, tayo naman ang magsanay!" Pag-aya niya sa dalawa."Ikaw na lang Oreo, tatapusin pa namin ang session kay
UNTI-UNTING iminulat ni Kendra ang namimigat na mata. Nang tuluyan siyang makaaninaw ang una niyang nagisnan ay ang puting kisame.Sobrang napakatahimik ng paligid niya, nang inilinga-linga niya ang ulo ay nasa isang silid pala siya. Doon niya rin napagtanto na may mga nakakabit na mga tubo sa kanya.Akma niyang hahablutin ang isa sa mga iyon nang madinig niya ang pagbukas ng pinto."My god your awake Kendra!" Gulat na gulat ang reaction ni Yalena. Nagmadali itong naglakad palapit sa kanya."Y-Yalena, a-anong nangyari?" nagtataka naman na tanong ni Kendra."Wala ka bang maalala?" balik-sagot naman nito. Saglit na hindi nakapagsalita si Kendra, inalala nga nito ang huling nangyari bago siya panawan ng ulirat."Ang pagkakatanda ko ay na-enkuwentro ko sina Rosso, pinagtulungan nila ako. Akala ko mamatay na ako... hindi pa pala." May bitterness sa tinig niya.Mas gusto pa kasi niyang mamatay, dahil ang totoo ay siya lamang ang magiging susi para matigil na ang paghaharian ni Rosso ang anak
DINALA na nga siya ni Lerryust sa magiging silid niya sa palasyo.Inilibot niya ang tingin sa paligid, pula ang kulay ng dingding. Itim ang mga blinds ng bintana, ang chandelier na glamoroso tignan na nakadikit sa itaas ng kisame ay sapat na para mabigyan ng liwanag ang silid.Inilinga pa niya ang pansin, isang katre ang naroon na may matress. Katulad ng mga panahon ng espanyol ay may tabing iyon. Isang lampshade ang nakita niyang nasa lamesa ng tabi ng hihigaan niya. Pati ang aparador na sa tingin niya'y antic ay bumagay naman."Tapos ka na ba sa ginagawa mo, kung maari pumasok ka na sa loob. Hintayin mo na lang ang pagkain na ibibigay sa iyo." Pag-agaw ng pansin ni Lerryust sa pagmamasid niya."Salamat," pagsagot naman ni Timothy bilang pasasalamat. Dahil napansin niya ay tila bumait ito sa kanya."Salamat? para saan. Anong inaakala mo ayos na tayo, huwag kang aasa na porke't pinatutunguhan kita ng maayos ay okay tayo. Nagkakamali ka Timothy, dahil kalaban pa rin ang turing ko sa'y
HINDI pa sumisikat ang araw ng mapagpasiyahan ni Timothy na umalis. Hindi na siya nagpaalam sa mga kasama niya, dahilan niya ay baka mahirapan pa siyang makaalis.Sa paglabas niya ng pinto ay hindi niya inasahan ang madadatnan niya mula sa kabilang pinto."Sinasabi ko na nga ba, tama ang sinabi sa akin ni Aureus. Kusang ikaw ang lalabas sa pintong ito!" Sikmat ni Lerryust at agad siyang hinila."Bitiwan mo ako walang hiya ka!" Pagpapalag naman ni Timothy na natumba pa sa lapag. Hindi siya makatayo dahil dinaganan siya nito mula sa likuran niya."Tanga ba ako Tim? Hindi ako uto-uto katulad mo. Kita mo na magpahanggang ngayon ay talunan ka!" Saka ito nagtatawa. Agad na sinenyasan nito ang mga kawal na kasama nito na pasukin ang silid ng pagsasanay."Ngayon, nadiskubre na namin ang pinagtataguan niyo ay tatapusin na namin kayo isa-isa! Ayaw mo niyon Tim hindi na kayo maghihirap at magkakahiwalay habang panahon!""Hindi mangyayari iyan!" Pagsisigaw ni Timothy. Tumigil na siya sa pagpapa
BIGLANG nabaling ang buong pansin nina Timothy nang magising si Zain at Oreo. Ngunit hindi na katulad ng dati ang gawi ng dalawa.Biglang nagwawala ang mga ito na parang ulol na aso."A-ano pong nangyayari sa kanila?" Nahihintakutan at umiiyak na tanong ni Coleene.Hindi naman nasagot ni Timothy ito dahil sa tuluyan niyang tinalian ang mga anak. Masakit man sa loob niya na gawin iyon ay iyon ang dapat.Agad naman niyakap ni Eleezhia si Coleene, maging siya ang nabibigla rin sa mga nangyayari. Kanina lang ay maayos pa nilang nakakausap ang dalawa. Pero ngayon halos hindi na nila makilala ang dalawa."Lumabas na muna kayo." Utos ni Timothy matapos na gumilid. Katatapos lang niyang matalian ng mahigpit ang dalawa. Pinagpawisan siya at nahirapan dahil sa pangangalmot at ginawang pagwagwag ng mga kamay."Pero gusto po namin silang bantayan, kung pahihintulutan niyo po." Pakiusap ni Coleene."I'm sorry ija, pero hindi pwedi... mas mabuting iwan niyo muna sila. Hindi kayo safe rito," sabi n