SA pagwa-walk out ni Vivian ay dinala lang naman siya ng paa papunta sa gubat kung saan naroon ang ilog na inaagusan ng talon.Muli siyang naupo sa nakausling bato, pinakatitigan niya ang repleksyon niya mula roon. Mapait siyang napangiti habang nakatitig sa mukha."Oo nasa akin na ang mukha mo Kendra, nasanay na ang mga bata sa akin. Heto nabigyan ko pa ng anak si Timothy pero ikaw pa rin ang hinahanap niya! Ano bang meron sa iyo na wala ako!" naghihinakit niyang hinagpis sa kinauupuan.Doon niya ibinuhos ang lahat ng hinanakit niya ng mga sandaling iyon, umiyak siya ng umiyak kahit hindi naman niya ng iyon gawain dati."Napapagod ka na ba sa sitwasyon mo?" Isang tinig ang narinig niya buhat sa may likuran niya ng lingunin niya kung sino iyon walang iba kung 'di si Selena o sabihin ang dating siya."Bakit ka nandito?" Bumangon ang galit niya sa babaeng nasa harapan niya. Lalo ito ang dahilan kung bakit sila may sigalot ngayon ni Timothy."Bakit... bawal na ba akong pumasyal dito, gay
PAGKADATING nila sa mansyon ay sinunod na nga nila ang utos ni Mavy.Ginamot na ni Aziel ang sariling sugat, ang dalawa naman ay pinuntahan si Yaya Triming para sabihan na maghanda na ng lulutuin pagkain sa kanilang hapunan.Si Mavy naman ay mabilis na niyang ipinasok sa kanilang silid si Kendra at kahit ayaw na sanang gawin iyon sa babae ay linagyan niya ng kadena ito sa paa.Spesyal na bagay iyon, magaan iyon sa iba pero sa magsusuot ay napakabigat niyon.Bago pa siya lumabas sa silid ay binalingan na muna niya ng tingin ang asawa."Sana mag-behave ka mahal hanggang sa makabalik ako."Tuluyan na nga siyang naglaho at iyon naman ang pagpasok ni Vivian na masamang nakatitig kay Selena na nakahiga pa rin sa kama at walang kamalay-malay."Nagpakita ka pa kasi! Sana nanatili ka na lang sa kung saan ka nababagay! Sinira mo pa ang masaya na namin pamilya!" inis na sabi ni Vivian na matalim ang titig dito.Tuluyan siyang napalapit at tinignan ang kadena na nakakabit sa paan nito. Akmang h
UNTI-UNTING iminulat ni Kendra ang mata unang bumungad sa kanya ang hindi pamilyar na kisame.Agad siyang napabangon mula sa pagkakahiga sa malambot na kama."Nasaan ako?" tanong niya sa sarili.Napagawi ang tingin niya sa kaliwang bahagi nang magsalita si Aziel."Mama nasa bahay ka na natin," pagsagot nito sa kanyang tanong. Nabasa nito ang nasa isip niya."B-bahay natin? P-paanong...""Dahil napatulog ka ni Papa, humiga ka na uli Ma. Mamaya ay kakain na tayo ng dinner," sabad naman ni Klent na nakisingit na rin sa usapan nila."Nababaliw ba kayo! Aalis na ako, kung gusto niyong kumain kayo na lang hinihintay na ako ni Rosso!" maigting na sigaw ni Kendra.Nagpumilit na tumayo sa kama ito, habang ang dalawa ay pinipigilan siya.Nang akmang ihahakbang ni Kendra ang mga paa para humakbang ay hindi niya ito maigalaw. Nang balingan niya iyon ay kitang-kita niya ang kadenang nakakabit sa kaliwa niyang paa."Sinong naglagay nito sa akin! alisin niyo ito! gusto ko nang makaalis rito!"Napaigt
NANG imulat ni Vivian ang mga mata ay tila kay bigat ng ulo niya."A-anong nangyari?" nanghihina niyang usal kasabay ng pagtayo niya sa kama.Natigilan siya nang matunghayan niya ang nasa tabi niyang si Kendra na nanatiling nakahiga at nakapikit."B-bakit mo gamit ang katawan na iyan! akin iyan!" hysterical niyang sigaw at agad na nilapitan ang nakahigang babae.Niyugyog niya ito upang magising ito. Naalimpungatan naman si Kendra at nang mapagsino ang umiisturbo sa kanya ay agad niyang tinabig ang kamay nitong nakahawak sa kanya."Ano bang problema mong babae ka!" inis na rin niyang sabi.Kitang-kita niya ang panlilisik sa mata nito. Mayamaya ay tuluyan din siyang naestatwa nang magtugma ang nasa isip nila."Bakit iba na ang itsura mo? Ibig bang sabihin ay..." Hindi na niya tinapos ang sasabihin dahil mabilis na siyang nagtatakbo palapit sa tokador ng malaking salamin.Na-speechless siya dahil bumalik na pala siya sa tunay niyang katawan!Ramdam na niya ng ipinagkaiba sa katawan na
MAGKAGAYUNMAN kahit hindi pa rin niya nagustuhan ang naging desisyon ni Mavy na ibalik na sila ni Kendra sa totoong katawan nila ay nire-respeto naman niya ang naging desisyon ng binata."Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Mavy nang makita niyang tumayo na si Selena mula sa pagkakaupo sa nakausling bato."Eh, ano pa nga ba, uuwi kasama mo," nakangiting bigkas nito."Good! masaya ako at naiintindihan mo ako. Salamat Selena, hayaan mo kahit na nagkapalit na kayo ng asawa ko ng katawan ay hindi ko naman kakalimutan na ina ka ni Troy," wika naman ni Mavy na tinapik-tapik pa ang balikat ng babae."About that, may aaminin ako," kinakabahan niyang sabi. Nagpatuloy na sila sa paglalakad pabalik sa mansyon."Ano iyon... aamin ka na ba na hindi ko talaga anak si Troy. Dahil ang totoo, si Gio. Siya ang nakatalik mo noon..."Tumango naman si Selena, wala talaga siyang maitatago sa lalaki."Paano mo nalaman n-na siya ang ama ng dinadala ko?" tanong niya rito."Naramdaman ko lang at napatunayan niyon
NAABUTAN naman ni Mavy na nagkakaingayan at nagkakatuwaan sina Kendra at ang dalawa nilang anak na sina Aziel at Klent."Ano bang pinagkakaguluhan niyo diyan?" tanong niya matapos na makalapit. Inakbayan niya ang babae na halatang nagulat sa aksyon niya. Magkagayunman ay hindi naman ito pumalag."Heto hinihintay na namin matapos sa pagtitimpla ng pan cake si Mama!" excited na sabi ni Aziel."Oo nga, matagal-tagal na rin ng huli tayong makatikim ng matinong pagkain. Puro kasi palpak kay Tita Vivian," sabad naman ni Klent."Hay naku! huwag niyo na ngang ginaganyan si Selena. Saka huwag niyo na siyang tatawagin Tita Vivian, Selena na lang o kaya Hailey o Yalena. Magmula sa araw na tayo ang dati na rin natin mga pangalan ang itatawag natin sa bawat isa. Wala ng pagtatago ay magpakatotoo na lang lahat, maliwanag ba?" wika naman ni Timothy.Tumango naman ang mga ito.Makalipas naman ang kinse minutos ay natapos na sa pagluluto si Kendra. Si Aziel ang nanguha na ng mga plato at kubyertos sa
MULING ginamit ni Kendra ang kakayahan niyang makipag-usap sa isip kay Aureus.Hindi naman siya nabigo, dahil ilang segundo lamang ay sumagot na ito sa kanyang panawagan."Kumusta Kendra, mayroon ka na bang magandang ibabalita sa akin?" tanong agad nito."Heto nga kaya nga nakikipag-usap ako sa iyo dahil para sabihin na nasakatupad ko na ang nasa plano mo..." ani ni Kendra na may nasisiyahan tinig."You mean... wow! your really good decieving other. Great job my lady, gawin mo na ang sunod na plano," utos nito sa babae.Saka tuluyan naputol ang pag-uusap nila nang makaramdam siya ng papalapit na yabag mula sa labas ng silid kung saan sila naroroon."Hello mahal, halika at hinihintay ka na ng lahat sa hapag-kainan," saad ni Timothy matapos itong pumasok, tuluyan inakay naman nito ang babae palabas."Kakain na naman ba tayo? Katatapos lang natin diba?" Naiiling ito pero tuluyan itong sumunod sa lalaki.Madali naman silang nakarating sa silid kung saan naroon naman ang labing dalawang ba
BAGONG umaga ang nasilayan nila sa araw na iyon. Ikalawang araw na pagkadating nina Coleene at Eleezhia, hindi matutumbasan ang kaligayahan nadarama ng dalawa na sina Oreo at Zain. Sakay sa tig-isang wheel chair ang dalawang babae ay marahan nilang itinutulak iyon pabalik ng mansyon. Nanggaling sila sa gubat upang mailibot naman nila ang dalawang babae."Napakapayapa ng kapaligiran, akala ko talaga hindi ko na magagawang makapaglibot magmula ng kuhanin kami ng mga nilalang na iyon," wika ni Coleene habang pinagmamasdan ang mga paro-parong nagliliparan sa palibot niya."Don't worry Coleene, hangga't narito kami ay hindi kayo magagalaw, pangako!" ani naman ni Oreo na hinimas-himas pa ang braso ng babae."Uy! huwag ka ngang mangangako kung hindi mo naman matutupad.""No, this time ay gagawin ko ang lahat para maging safe kayo." Pangangako pa ni Oreo.Nagkibit-balikat na lang si Coleene at ibinalik ang pansin sa pagtingin sa mga nadadaanan nila.Habang sina Eleezhia at Zain ay tahimik lam
UNTI-UNTING hinila palayo ni Haring Rosso si Timothy nang makita niyang palapit si Kendra at ang iba pang kasama nito.Hindi niya inaasahan na ganito ang kahitnanatnan ng lahat ng inumpisahan niya. Ang mabilis niyang pagbangon mula sa madilim na pinanggalingan lugar ay tila nagbabadiya na!"Itigil mo na ito Rosso! ubos na ang lahat ng mga kawal mo. Ang tanging gagawin mo lang ay humingi ng kapatawaran sa Amang lumikha. Tiyak kapag ginawa mo iyon ay mapapatawad ka pa Niya sa lahat ng pagkakamaling nagawa mo," tugon naman galing kay Don Ascor."Tumigil ka! wala akong pagkakamali lahat ng ginawa ko ay tama dahil iyon ang dapat mangyari. Dapat ako ang binigyan niya ng karapatan na mamuno sa buong sanlibutan at sa Acceria noon, hindi ang isang katulad ni Herriena na nagawa pang umibig sa isang bampira!" galit nitong wika.Muli ay naalala niya ang nakalipas kung saan sariwang-sariwa pa sa alaala niya ang nakaraan buhay niya sa masaganang paraiso kasama ang Ama ng lahat...TUWANG-TUWA s
MULING napasadsad si Kendra sa sahig. Ngunit dahil itinukod niya ang kamay ay hindi siya masiyadong napuruhan.Malalim na ang kanyang paghinga ng mga sandaling iyon. Pagod na pakiramdam at kawalan ng pag-asa ang maaninag sa kabuuan ni Kendra. Ngunit sa kaloob-looban niya ay masidhing adhikain na makasama na ng tuluyan si Timothy."Kahit na anong mangyari ay hindi mababago ang kagustuhan kong bumalik ka sa amin ng mga anak mo. Kaya ikaw Rosso sumuko ka na, dahil hindi ko susukuan si Timothy kahit na anong mangyari!" matatag na bigkas ni Kendra."Makikita natin..." usal naman ni Rosso at isang pitik ng daliri ang ginawa nito.Sabay na bumukas ang malaking pinto at pumasok sina Lerryust. Nanlalaki ang matang napatitig si Kendra pagkakita sa mga hawak-hawak ng mga ito."Zain! Oreo! Halls!" Pagsigaw niya sa mga pangalan ng anak.Akmang lalapitan niya ang mga ito nang humarang si Timothy at inuumang na naman sa kanya ang patalim ng esapada nito na may bahid na rin ng dugo mula sa kanya.
NAKARATING na nga si Kendra sa Kaharian ni Haring Rosso. Hindi na nagpaligoy-ligoy ang tadhana, dahil kaagad ng pinagsanggalang nito landas nilang dalawa."Natutuwa naman ako at kusa ka ng bumalik sa aking kaharian mahal kong ina. Hindi ka ba matahimik dahil sa hindi mo kami kapiling ng aking ama." Saka nito binalingan si Aureus na mataman ang pagkakatitig kay Kendra na tila hindi naman alintana ang paninitig sa kanya."Nagkakamali ka, hindi ako pumunta rito dahil para makita at makasama ang isa sa inyo. Narito ako para bawiin si Timothy!" maigting na saad ni Kendra.Agad ang pamumula ng magkabilang mata nito, handa siya sa anuman mangyayari sa kanya sa kaharian nito. Ikapahamak man niya iyon ay maaatim niya basta mailigtas lamang ang asawa niya."Ang sweet mo naman sa kanya, pero 'di bale hanggang ngayon lang naman iyan. Dahil magsasawa ka rin, ito lang masasabi ko ina. Hindi ganoon kadali na makuha mo si Timothy. Dadaan ka muna sa butas ng karayom!" Dumagundong ang malalim nitong
NAGHAHANDA na si Kendra sa pag-alis, napag-isip isip niya ngayon magaling na siya at kaya na rin niyang lumaban ay pupuntahan na niya si Rosso upang bawiin si Timothy.Hindi siya makakapayag na manatili pa ng ilang araw ang pinakamamahal niyang asawa."Anong ginagawa mo Ma? Saan ka pupunta?" Sunod-sunod na pagtatanong ni Zain na kapapasok lamang sa silid ng kanyang ina.Nakita niya na muling isinuot ni Kendra ang suot panlaban nito. Malakas ang kutob niyang may binabalak ito."Ma! Sumagot ka, anong nangyayari saan ka pupunta?" Pang-uulit ni Zain.Nakaharap sa salamin ng tokador si Kendra, at nakatitig mula roon. Kitang-kita rin niya ang repleksyon ng anak doon."Aalis ako, pupuntahan ko ang Papa niyo sa palasyo ni Rosso. Ibabalik ko siya rito." Pag-amin ni Kendra na napabuntong-hininga pa. Hindi na sana siya magpapakita sa mga anak, aalis siya ng walang paalam para hindi siya mahirapan umalis."Iiwanan mo pala kami, pero bakit hindi ka man nagpapaalam sa amin?" naghihinakit na saad ni
ILANG araw ang lumipas ay pinagbigyan na si Kendra na makalabas sa kanyang silid. Nagawa niyang muling tumayo ng paunti-unti sa pagdaan ng mga araw.Dahil sa ilang Buwan na coma siya ay humina ang senses niya. Tila bumalik siya sa pagkabata na muling nagsasanay na makapaglakad."Sige pa Mama, ihakbang mo pa." Pang-uudyok ni Zain na nasa harapan ni Kendra. Nakahanda itong saluhin siya oras na mawalan siya ng balanse."Tama iyan Mama, ganyan nga nagagawa mo na ng maayos. Ipagpatuloy mo lang hanggang sa masanay kang muling makapaglakad," saad naman ni Halls.Si Oreo naman ay tahimik lamang sa isang tabi habang nag-e-strum sa gitara nito.Mula ng gumising sila ay naibalik na rin sa kanila ang kani-kanilang pagmumukha.Mas gusto naman nila iyon dahil mas kumportable sila sa dati nilang kaanyuan.Tumayo na si Oreo matapos niyang itabi ang hawak na gitara."Hindi pa ba kayo tapos diyan, tayo naman ang magsanay!" Pag-aya niya sa dalawa."Ikaw na lang Oreo, tatapusin pa namin ang session kay
UNTI-UNTING iminulat ni Kendra ang namimigat na mata. Nang tuluyan siyang makaaninaw ang una niyang nagisnan ay ang puting kisame.Sobrang napakatahimik ng paligid niya, nang inilinga-linga niya ang ulo ay nasa isang silid pala siya. Doon niya rin napagtanto na may mga nakakabit na mga tubo sa kanya.Akma niyang hahablutin ang isa sa mga iyon nang madinig niya ang pagbukas ng pinto."My god your awake Kendra!" Gulat na gulat ang reaction ni Yalena. Nagmadali itong naglakad palapit sa kanya."Y-Yalena, a-anong nangyari?" nagtataka naman na tanong ni Kendra."Wala ka bang maalala?" balik-sagot naman nito. Saglit na hindi nakapagsalita si Kendra, inalala nga nito ang huling nangyari bago siya panawan ng ulirat."Ang pagkakatanda ko ay na-enkuwentro ko sina Rosso, pinagtulungan nila ako. Akala ko mamatay na ako... hindi pa pala." May bitterness sa tinig niya.Mas gusto pa kasi niyang mamatay, dahil ang totoo ay siya lamang ang magiging susi para matigil na ang paghaharian ni Rosso ang anak
DINALA na nga siya ni Lerryust sa magiging silid niya sa palasyo.Inilibot niya ang tingin sa paligid, pula ang kulay ng dingding. Itim ang mga blinds ng bintana, ang chandelier na glamoroso tignan na nakadikit sa itaas ng kisame ay sapat na para mabigyan ng liwanag ang silid.Inilinga pa niya ang pansin, isang katre ang naroon na may matress. Katulad ng mga panahon ng espanyol ay may tabing iyon. Isang lampshade ang nakita niyang nasa lamesa ng tabi ng hihigaan niya. Pati ang aparador na sa tingin niya'y antic ay bumagay naman."Tapos ka na ba sa ginagawa mo, kung maari pumasok ka na sa loob. Hintayin mo na lang ang pagkain na ibibigay sa iyo." Pag-agaw ng pansin ni Lerryust sa pagmamasid niya."Salamat," pagsagot naman ni Timothy bilang pasasalamat. Dahil napansin niya ay tila bumait ito sa kanya."Salamat? para saan. Anong inaakala mo ayos na tayo, huwag kang aasa na porke't pinatutunguhan kita ng maayos ay okay tayo. Nagkakamali ka Timothy, dahil kalaban pa rin ang turing ko sa'y
HINDI pa sumisikat ang araw ng mapagpasiyahan ni Timothy na umalis. Hindi na siya nagpaalam sa mga kasama niya, dahilan niya ay baka mahirapan pa siyang makaalis.Sa paglabas niya ng pinto ay hindi niya inasahan ang madadatnan niya mula sa kabilang pinto."Sinasabi ko na nga ba, tama ang sinabi sa akin ni Aureus. Kusang ikaw ang lalabas sa pintong ito!" Sikmat ni Lerryust at agad siyang hinila."Bitiwan mo ako walang hiya ka!" Pagpapalag naman ni Timothy na natumba pa sa lapag. Hindi siya makatayo dahil dinaganan siya nito mula sa likuran niya."Tanga ba ako Tim? Hindi ako uto-uto katulad mo. Kita mo na magpahanggang ngayon ay talunan ka!" Saka ito nagtatawa. Agad na sinenyasan nito ang mga kawal na kasama nito na pasukin ang silid ng pagsasanay."Ngayon, nadiskubre na namin ang pinagtataguan niyo ay tatapusin na namin kayo isa-isa! Ayaw mo niyon Tim hindi na kayo maghihirap at magkakahiwalay habang panahon!""Hindi mangyayari iyan!" Pagsisigaw ni Timothy. Tumigil na siya sa pagpapa
BIGLANG nabaling ang buong pansin nina Timothy nang magising si Zain at Oreo. Ngunit hindi na katulad ng dati ang gawi ng dalawa.Biglang nagwawala ang mga ito na parang ulol na aso."A-ano pong nangyayari sa kanila?" Nahihintakutan at umiiyak na tanong ni Coleene.Hindi naman nasagot ni Timothy ito dahil sa tuluyan niyang tinalian ang mga anak. Masakit man sa loob niya na gawin iyon ay iyon ang dapat.Agad naman niyakap ni Eleezhia si Coleene, maging siya ang nabibigla rin sa mga nangyayari. Kanina lang ay maayos pa nilang nakakausap ang dalawa. Pero ngayon halos hindi na nila makilala ang dalawa."Lumabas na muna kayo." Utos ni Timothy matapos na gumilid. Katatapos lang niyang matalian ng mahigpit ang dalawa. Pinagpawisan siya at nahirapan dahil sa pangangalmot at ginawang pagwagwag ng mga kamay."Pero gusto po namin silang bantayan, kung pahihintulutan niyo po." Pakiusap ni Coleene."I'm sorry ija, pero hindi pwedi... mas mabuting iwan niyo muna sila. Hindi kayo safe rito," sabi n