I've been running and hiding to save myself, I am the last of our clan. Infront of me, my sister died, saving me.
“Dane wag mo sisihin ang sarili mo. Tandaan mo, I will be with you always until your last breath” ito ang mga huling salita ni Faye, the Dark leviathan, my partner, my best friend, my enemy, my beloved sister.
I am helpless without her. Ang mga magulang namin ay may malalakas na kapangyarihan, they have nullifying allure and air manipulators. But still they were defeated by Luna, a Colossian.
Ang Rimiera ay nahahati sa iba't - ibang rehiyon.
Ang norte ay para sa mga Leviathans na kinikilalang pinakamalalakas na halos ilang dekada ng nananahimik, ang kanluran ay sa Charmers na may matatayog at matataas na pader, walang nakakapasok sa parteng iyon, kilala ang bayan nila sa mga greatwood na tanging sila ang may gawa.
Ang mga Ceruleans ang nasa silangan, nasa kanila ang pamumuno ng great tide at ang nasa kanila ang tanging karagatan na naroon, bihira sa lahi nila ang ibang kapangyarihan, hawak nila ang kapangyarihan ng tubig.
Ang huli ay ang mga Colossians, hunting at dark magic ang mayroon sila. Ang kanilang bayan ay kilala sa pagiging Evening Island.
Nobody had interfered us, until Luna brain-washed the Colossians and the Ceruleans. Hindi alam ng Great Hall o council ang plano n'yang ito, kahit ang lahi namin.
Biglaan na lamang ang pagdayo nila. Naniwala ang ilan sa kanila sa kung anu man ang sinabi ni Luna, dahil isa sya sa mga namumuno sa Raven domain.
Naiplano n'ya maigi ang pag wipeout sa lahi ng mga Leviathans. Walang nakaalam ng pagsalakay maliban sa dalawang bayan na kasama n'ya.
My parents protected us so Faye and I could escape. As we ran to the forest, we were blocked by the Ceruleans. We feared of being attacked alone but, we were invincible if we are together.
Hindi pa husto ang kapangyarihan namin ni Faye, ang kaya lamang namin sa panahon na iyon ay ang hakuryo, o ang pagsasama ng isang invisibility at shadow allure. Tinatago nito ang scent at ang mga casters.
“Nasaan na sila?! Bigla na lang nawala” sabi ng isa na may poison na lumilibot sa katawan nya.
Habang papalayo kami ay naglalakad naman sa kabila ang mga Ceruleans na na - brainwashed ni Luna. Malayo layo na rin ang nalakad namin nang natapakan ni Faye ang isang tuyong tangkay at gumawa ng ingay.
Narinig iyon ng isang Colossian na may Unco , kakaiba ang kanya, dahil lethal ang kapangyarihan nya, mabilis na iginawi nya ang braso at kamay nya sa amin,tinulak ako ni Faye palayo sa kanya para mailigtas ako.
Nakita ko na parang isang dagger ang tumama sa dibdib nya at tumagos iyon. Paluhod na natumba si Faye. May ibinulong sya bago ako tuluyang nakalapit.
Mabilis na nanghina si Faye, palapit na sa amin ang mga hunters, she told me, “Dane wag mo sisihin ang sarili mo. Tandaan mo, I will be with you always until your last breath” matapos ay ngumiti ito at pinatakas ako, may parang barrier na bumalot sa akin bago ako nawala sa paningin ng mga hunters. Takbo lamang ako ng takbo, pilit na nilalakasan ang loob.
Namatay ang buong lahi namin dahil sa isang Colossian. Walang nakasunod sa akin pero ramdam ko na hindi sila titigil hanggang hindi napapatay ang huling Leviathan.
I must stay strong...
Ilang oras ang ginugol ko para makatakas at magtago, narating ko ang kanluran. Ang lugar ng mga Charmers...
Hinawakan ko ang brickwalls at paglapat ng kamay ko roon ay ang mabilis na tumilapon ako palayo. Tila may barrier na nagpoprotekta dito, kumislap ito na parang kidlat. Napangiwi ako sa sakit ng likod ko.
Tumama ako sa isang puno. Nanatili akong tago o invisible. Isinandal ko ang katawan ko na pagod na pagod, ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa maghapon kong pagtakbo.
Maaari nila akong maabutan dito, kaya kahit nasugatan ako sa pagtilapon ko , inakyat ko ang unang sanga ng puno kung saan ako hindi mapapansin. Tinignan ko ang inaakyat kong puno at nalaman na isa itong greatwood.
Kulay dugo ang katawan nito at sobrang taas, bihira ang nakakaakyat sa tuktok nito. Ang mga dahon nito ay kulay puti at itim, mahahaba at magaganda ang ilang dahon nito, ang iba ay tila isang lubid na nakapaikot sa katawan nito.
Ayon kay Chief Pietro, ang namayapang chief leviathan, ang greatwood ay isang refuge. Ang makaakyat sa kahit sa isa sa mga sanga nito ay nabibigyan ng proteksyon sa mga kalaban , walang makakasira sa barrier na meron ang ganitong puno, tanging sa kanluran lamang ito makikita.
Mga great Charmers ang gumawa ng mga greatwood, isang napakalakas na Forest Charmer lamang ang nakakagawa nito. Hindi mapoproteksyonan ng greatwood ang refugee nito kapag Charmer ang nakaaway.
Habang tahimik akong nakaupo sa sanga ay napansin ko ang marahas na paghawi ng mga damo sa kagubatan. Tatlong tao. Pagkalabas nila sa damo ay nakita ko ang isang charmer , isang babae na ka – edaran ko.
May itim na itim na buhok, maayos na nakalugay ito, hindi nakakakitaan ng takot ang mukha nito. Kulay lila ang mapupungay nyang mata, at maputla ang kulay ng kaniyang balat. Kapansin pansin rin ang isang gintong brace sa braso nya, lumiliwanag iyon.
Nakatingin sya sa direksyon ng gubat kung saan sya galing, inaantay ang nakasunod sa kanya. Bigla ay may bumalot sa kanya na crystal, tila barrier ito at nawala din agad.
Lumabas ang mga lalaki na humahabol sa kanya, sila ang pumatay sa kapatid ko. Nakangisi sila at inaakalang Leviathan ang babae.
Sa di malaman na dahilan ay hindi sumusugod ang babae, nakatitig lamang sya sa dalawa.
“Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko” sigaw ng isa.
“Isang modifier ang huling Leviathan, matutuwa kaya sya pag dinala ka namin sa kanya?” nakangisi ito at dahan dahang lumapit sa kanya.
May hawak na itong dagger na tanging mga Ceruleans ang mayroon. Mula sa aking likod, kinapa ko sa bag ang aking battle knife, pasugod na ang dalawa sa babae na ni isang emosyon ay hindi pansin.
Tila hindi tumatalab sa akin ang charm nya, mabilis akong bumaba at hinarang ang pagsalakay nila.
Nagulat sila na mabilis na tumilapon ang mga sandata nila.
Unti unti ay ipinakita ko ang aking sarili.
“Pumasok ka na sa gate!” sigaw ko sa babae pero hindi nya yata ako narinig. Patuloy kong sinalag ang mga pag atake nila, hanggang isang malakas na hangin ang dumating, may bumulong sa akin na yumuko. Pagkayuko ko naman ay biglang humampas ang isang kulay dugo na bagay sa dalawang lalaki, tumilapon sila sa isang katawan ng greatwood at may bumagsak sa kanilang dalawa. Greatwoods. Kitang kita ko na gumalaw ang mga greatwoods sa paligid namin. Nilingon ko ang babae, ngunit kahit sya ay nagulat sa mga nangyari, napaupo sya sa pagkabigla at natulala. Bumalik sa dating pwesto ang mga puno at nawala ang nararamdaman kong panganib. Tinungo ko ang babae at nilahad ang aking palad sa kaniya, tinitigan nya lamang ito at tumayo mag – isa. “Hindi basta basta nagtitiwala ang mga charmers.” lumingon lingon ako at hinahanap ang nagsasalita. Ako lang ang nakakarinig dito. I sighed heavil
Hindi pagkabigla ang makikita sa mukha ng headmaster, takot. Tila tattoo ang sunog na parte ng aking braso, isang dragon tail. Kahit ako ay nabigla. Ito ang kanina pang mainit ,mahapdi at kumikirot.“Mukhang mangyayari na ang kinatatakutan ng karamihan Frea.. Makakaalis ka na, sana ay walang makaalam ng kung ano ang nakita mo rito.”“Masusunod po headmaster.” Tumayo na si Frea at yumuko bilang paggalang at umalis na ng kwartoPagkalabas ni Frea tinabihan ako ng headmaster sa couch, sumeryoso ang itsura ng headmaster, nakikita nya na kahit ako ay naguguluhan na sa mga nangyayari.“Dane, may alam ka pa bang kakaiba sa kakayahan mong kapangyarihan, bukod sa pagiging invisible?”“Pwede nyo po bang ipaliwanag lahat ng nangyayari? Kanina pa sinasabi ni Frea ang tungkol sa isang legend. Nauupos na
Chapter 4 : The ritualPagkalapit ko ay siya namang paglingon ni Rhei, naka brush up na at mas maayos na ang buhok nito at naka pink itong long sleeves shirt, si Frea naman ay naka-dress na puti at dinisenyohan ng bulaklak na halong puti at asul, naka-bun ng maayos ang buhok n'ya, ang fairy ni Rhei ay masiglang bumati kay Dhirma.Nakasuot si Sheena ng asul na cocktail dress at naka-braid ang mahaba nitong buhok. Ngumiti lamang si Dhirma.Frea’s POVHindi ko lubusang maisip kung paano s'ya naging Leviathan sa kanyang kapangyarihan. Pinaliwanag sa amin ni headmaster na isa s'ya sa mga napili ni Charmer Esther.S'ya ang nagtataglay ngayon ng pinakamalakas na kapangyarihan. Pinakiusapan kami ni headmaster na i-train s'ya mabuti para mahasa ang natatagong ability n'ya, at lumabas ang ilang kapang
“H-headmaster” ang tanging naging tugon ni Grethel. Para syang maamong tupa sa pagdating ng headmaster.Matalim ang tingin nya sa amin, “Inside. NOW!”Lahat kami ay nagulat at mabilis na pumasok papunta sa opisina ng headmaster.Ngayon ko lang sya nakita ng ganon, galit na galit ang boses at itsura nya.Nasa loob na kami ng opisina at nakaharap kay headmaster Regina. Nasa harapan si Miss Grethel na umamin na sya ang nagsimula ng gulo, nasa likuran kaming tatlo nasa balikat ko naman si Dhirma.“Sheena, dalhin mo na si Dane sa kwarto nya. Dane, magpahinga ka na. Mahaba ang araw mo bukas.” utos ni Headmaster Regina.Sheena pala ang pangalan ng fairy ni Rhei bulong ko sa sarili ko. Ti
Rhei’s POVPagkatapos namin sa training room ay ibinalita ko kaagad kay Regina ang mga nangyari.“Hindi na nya kailangan magtraining, nagagawa nya ang naisin nya. Sa lawak ng kaya ni Dane ay hindi nya alam kung paano kontrolin iyon at hindi nya alam alin ang dapat na gamitin.” wika ni Headmaster Regina.Kinuwento ko kay Regina ang nangyari sa training room. Labis na pagkabigla ang naipinta sa kanyang mukha. Hindi nya inaasahang ganon ang mangyayari, sabi nya sa akin magsasanay sya sa ilalim ni Grethel at Timmy.“Sigurado ka, Headmaster Regina?”“Kailangan nyang magsanay sa mga kagaya nya. May 3% ng Esther Tattoo si Timmy, samantalang si Grethel ay ampon ng mga Charmers.”Hindi kagaya ng
I cleared my throat at natigilan silang dalawa. Umupo kami sa damuhan malapit sa entrance ng Valiant Forest.“Okay, Dane makinig kang mabuti.” pagsisimula ni Miss Grethel na inayos ang robe bago umupo ng tuluyan sa damuhan.“Ang crest na ibinigay sayo ni Dhirma ay galing pa kay Esther habang binubuo pa lamang nya ang Charm City. Magkaiba ang crest nyo ni Frenny, although may pagkakahawig ito ay ginawa lang iyon ng ama nya. Masama ang idudulot non pag iba ang nagsuot, sa iyo ito nagreact ng maayos.”Tahimik kami nina Rhei na nakikinig, kahit sya ay interesado sa sinasabi ng tinuring nyang ina.“Ano ang mangyayari pag iba ang nagsuot?” Tanong ko sa kanya.Hindi sya sumagot, she hesitated yet, what she did surprised us. She opened her buttoned robe from her neck down to her upper chest.Isang malaking peklat na kulay pula ang naroon, kahit si Rhei ay nagulat. Ilang segundo lamang nya i
Maraming nagkalat na fairies sa Rimiera, pero bihira ang pinagkakatiwalaan nito.Malaking tulong ang pagkakaroon ng fairies, pero pahirapan ang pagkakaroon.Sa kalagayan ko ay iba, si Dhirma na isang pious fairy ay may kakayahang magpagaling ng mga sugat, ang bilis ng paggaling ay depende sa natamong pinsala.Si Sheena naman ang rarest fairy. Kaya nyang baguhin ang itsura ng isang ordinaryong bagay at lagyan ito ng ability gaya ng ginawa nya sa bulaklak na nakita lang nya sa Valiant Forest , kaya nya ring bawiin ang mahikang iyon kapag hindi nagamit.Si Timber na taga-pangalaga ng mga gubat sa buong Rimiera, si Yajima ang isang fairy na kayang sumuporta tuwing combat, kaya nyang magtransform sa iba't ibang weapons sambitin lang ng summoner.“Dane maaari kang maglabas masok sa Cha
Dane’s PoVBumabalik lahat ng alaala ko nang tumapak muli ako sa Forest of Levi.Mas lamang ang numero ng masasayang bata na naglalaro, mga matatanda na tahimik na namumuhay.Wala silang kaalam alam sa mangyayaring wipeout.“Psst! Dane.”Lumingon lingon ako sa paligid.“Psst! Dane.”“Sino ang nandyan? Ipakita mo ang sarili mo.” hindi ko man lang nadala ang mga dagger ko, patuloy lamang ang pagtawag sa akin ng tinig na iyon.Maingat akong naglakad papasok sa gubat, nang may biglang lumitaw na fairy sa harap ko,“Ano ang pakay mo sa Gubat ni Levi?” alam kong si Timber iyon dahil sa pananamit nya na mukha syang wood cu
Habang nakasakay sila kay Hikaru, si Travis naman ang hindi mapakali.“Dane, maraming akong tanong na hanggang ngayon at hindi pa rin nasasagot.”“Hangga’t kaya ko, Travis sasagutin ko lahat ng katanungan mo.” Tugon ni Dane na hindi nilingon ang kausap.“Hikaru, descend.” Utos nito sa gryphus nya.Dahan dahang bumaba si Hikaru, nasa isang isla sila lagpas ng Rimiera. Isa isa silang bumaba at nagpahinga sa paligid.Nagpunta sa isang lugar sina Travis at Dane, hindi malayo sa kanilang mga kasama. Si Hikaru ay tahimik na nakikipaglaro kay Frea, si Sheena at Rhei ay nag uusap din sa kabilang banda.“Ano ang iyong mga tanong, Travis?”Nakatingin ng diretso si Travis sa kanya, alam ni Dane na may alinlangan ito sa mga nagaganap. Mabilis lahat ng pangyayari. Sumandal si Dane sa puno malapit sa kanila.Nagsimula na si Travis magtanong, “Saan napunta s
Tanging mga torches ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na paligid ng Evening Island. Lahat ng Colossians at ilang Ceruleans ay nagtitipon para sa pag iisa nina Luna at ni Dane.Ito ang pinakahinihintay ni Luna, ang mapasa kanya ang kapangyarihan ng mga Leviathan. Napasakamay na nya ang Island Beast.Magiging masalimuot ang mangyayari sa oras na makuha na nya ang mga kapangyarihan ng mga ito.Mula sa labas ng Great Hall ay nakati dig ang isang binata. Matingkad na kahel ang suot nyang robe na hanggang tuhod lamang ang haba, simpleng sandals lang ang suot nya. Strikto ang itsura nito at kulay kape ang kulay ng buhok.Ang buong katawan nya ang napapalibutan ng kakaibang awra. Iniangat nya ang kanyang manggas na bumabalot sa kanyang kamay. Inilagay nya ang mga palad sa pintuan at itinulak iyon.Nakuha nya ang atensyon ng lahat. Una nyang napansin ay ang
Hinarap ni Emrys sina Grethel, Rhei at Frea. Ikinumpas nya ang kanyang kamay at mula sa kanyang palad ay lumabas ang kulay pulang ilaw. Inilapat nya ang kanyang palad sa ulunan ng isa’t isa.Isa isa silang pumikit habang nilalapat ni Emrys ang kanyang palad.Mainit ang mahika na iyon, ramdam nila ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kanilang katawan. Nang matapos iyon ay minulat nila ang kanilang mata.Pagkatapos nun aay ang biglang pagdating ni Regina, kasama ang kanyang mga tinipon na mga Charmers. Kasama roon si Dhirma na nakilala agad ang bathalang si Emrys.Agad nyang inilapat ang kanyang kanang palad sa kanyang dibdib at yumuko, tanda ng pag galang nya.Nakita nya ang pagbabago sa tatlong Charmers.Lahat sila ay napapalibutan ng kulay pulang aura.Tinignan ni Emrys ang mga bagong dating, “Half Leviathan, maiwan ka rito.”Matalim ang tingin nya
Nakatingin lamang sa amin si Dane, ang buong braso nya ay napapalibutan na ng tattoo ni Esther.Iba na ang kasuotan nya, ibang iba na sya sa Dane na nakasanayan naming down to Earth, masayahin at inosente. Yung Dane na minahal ng mga Charmers, yung Dane Nialle na minahal ni Frea, yung Dane na Leviathan na handang iligtas ang iba bago ang sarili nya.Halos gumuho ang mundo ni Frea nang marinig nya ang winika ni Levi.“Sya si Emrys.”Halos umecho yun sa aming isipan.Umiiyak si Frea nang itanong nya si Levi, “Anong ginawa nyo kay Dane?!”Hawak hawak sya ni Lucent.Lahat ng fairies ay nakayuko, batid ang kalungkutan sa mukha nila.Tinignan ni Levi si Emrys bago nya lapitan si Frea.Bago pa man makapagsalita si Levi ay lumapit si Emrys sa amin at nagbasbas ng kakaibang spell.“Si Dane ang nagmakaawa sa akin na iligt
Pinatamaan ni Frea ang kaisar ng kanyang “curse” spell, pero walang nangyari. Naging itim ang aura ni Emrys at nagwika, “Sinabi ko na hindi ako pumunta rito upang pakipaglaban.” Unti unti syang lumingon, napaatras si Frea…Isang mabilis na itim na mahika ang naipon sa kaniyang kamao at ibinato sa pwesto ni Frea, hindi makagalaw ang diwata sa paparating sa kaniya.“DISPERSE!” sigaw ni Regina at nawala ang mahika na ibinato ni Emrys papunta kay Frea. Napaupo si Frea sa pagkabigla.“Tayo na ,Emrys” utos ni Regina at lumabas na sila.Patakbo silang pumunta sa higaan ni Dane. Iba ang barrier na nakabalot sa kanya.Nagkatinginan sina Travis at Rhei, “Tara.”Napatingin sina Frea at Timmy sa dalawa, “Huwag nyo na ituloy ang plano nyo, kung anuman yan.”“Hayaan mo muna kami, Timmy. Mag iingat kami ni Travis.” Tugon ni Rhei na may kakaibang ngiti.
Kumalat na sa braso nya at tinahak na ng tattoo ang likuran ni Dane.Malakas na sampal ang ibinigay ni Zele kay Dane. Halos masubsob na ang binata sa lupa sa lakas nito.Tila natauhan si Dane nang tumayo ito. Kitang kita sa kanyang mukha na nasaktan ito.Pulang pula ang pisngi ng binata. May dugo rin ito sa labi, na mabilis nyang pinunasan.“Ano? Gising ka na?” pagtataray ni Zele habang nakapamewang.Nakatingin lang si Dane dito, sinubukang alalayan ni Frea si Dane ngunit pinigilan sya ni Lucent, “Huwag mong hahawakan ang kaisar,lalo na ang may mga marka ng tattoo.”“Ano ba ang nangyari sayo?” tanong ni Frea.“Pagkalapag namin ni Hikaru ay nakita ko ay naliligo ang damuhan ng dugo. Wala kayo roon, pasensya na kung pinag alala ko kayo.” Mahinahong sagot ni Dane.“Narito lang kami, Dane. Buhay kami, maaaring isang ilusyon ang nakita mo.” Tugon ni Luce
Ang Charm City ay may higit dalawang daang charmers na nahahati sa iba’t ibang klase. May nullifying class, attack, defend at rare class. Ang headmaster na si Regina ay nahahanay sa rare class. Bibihira ang mga nasa rare class gaya ni Timmy, ang anak ni Esther.Si Timmy Seigfrid ay isa sa maituturing na pinakamatandang charmer na nakatira sa Charm City. Inilayo sya ni Esther sa ama nito na isang Elder Charmer, pero ang sabi ng iba ay anak ni Pietro si Timmy kaya may dugo itong Leviathan.Lahat ng elder charmer ay nakatira sa pinakaliblib na lugar sa Charm city, sila ang huling nakausap ni Headmaster Regina.Maraming kakayahan si Timmy na wala si Dane. Isa rito ang telepathy at ang pinakarare ang pagkakaroon nya ng Godlike Allure.Siya rin ay half Leviathan kaya nagkaroon sya ng Esther’s Tattoo..Si Travis Wursch ang isa sa mga na-train ni Timmy. Matalino ito at madaling turuan pero pagdating sa academics ay tu
Parehong napabalikwas sina Dane at Frea tila galing ang matinding pagsabog sa gitna ng academy. Patayo na sana si Dane pero pinigil sya ni Frea, “Huwag mong pilitin ang sarili mo, Dane. Hindi ka pa magaling. Matindi ang mga natamo nyong sugat ni Yajima.”Itinulak ng mahinahon ni Frea ang binata pabalik sa pagkakahiga nito.Lumingon si Dane kay Hikaru, “Samahan mo siya, protektahan mo sya gaya ng pagprotekta no sa akin.”Alam ni Dane na magiging labag iyon kay Hikaru pero sumunod naman iyon. Lumipad iyon sa balikat ni Frea. Tinignan nya ang dalawa at ngumiti, “Mag iingat kayo.”Binalot sina Frea ng mga talulot at unti unting naglaho.“Zele…” bulong ni Dane at lumabas ito agad.Imbes na kumustahin ang summoner ay pinagalitan nya ito. “Huwag mo ng balakin, Dane”Lumabas si Lucent kahit hindi tinatawag ni Dane, lumitaw sa paanan ni Dane ang isa pa nyang summon.“Mukhang nakalimutan mo
“Kuya, tignan mo to oh.” Masiglang sabi ni Faye sa kakambal habang pinapakita ang kakaibang itim na usok na lumalabas sa kaniyang mga palad.Tahimik lang na nanunuod si Dane, bakas ang inggit sa kaniyang mukha. Dahil wala syang ganoong kapangyarihan. Pinilit lang ngumiti ni Dane at maging masaya para sa kapatid nya.Hindi kalayuan sa kanilang puwesto ay nakamasid ang kanilang mga magulang na kausap ang matandang leviathan, si Chief Pietro.Natarantang tumakbo ang kanilang ama nang makita nitong palapit na ang mga palad ni Faye kay Dane.Bago pa man ito nakalapit sa kanila ay biglang naglaho ang kanyang mga anak.Gulat at pagtataka ang naipinta sa mukha ng kanilang ama.“Dane! Faye! Nasaan na kayo?” Tawag ng kanilang ama, pero walang sagot ang maririnig.“Papa, narito lang kami.” Tugon ni Dane sabay ang hagikgik ni Faye.“Papa, may kakaibang nangyari