“Pumasok ka na sa gate!” sigaw ko sa babae pero hindi nya yata ako narinig.
Patuloy kong sinalag ang mga pag atake nila, hanggang isang malakas na hangin ang dumating, may bumulong sa akin na yumuko. Pagkayuko ko naman ay biglang humampas ang isang kulay dugo na bagay sa dalawang lalaki, tumilapon sila sa isang katawan ng greatwood at may bumagsak sa kanilang dalawa. Greatwoods.
Kitang kita ko na gumalaw ang mga greatwoods sa paligid namin. Nilingon ko ang babae, ngunit kahit sya ay nagulat sa mga nangyari, napaupo sya sa pagkabigla at natulala. Bumalik sa dating pwesto ang mga puno at nawala ang nararamdaman kong panganib. Tinungo ko ang babae at nilahad ang aking palad sa kaniya, tinitigan nya lamang ito at tumayo mag – isa.
“Hindi basta basta nagtitiwala ang mga charmers.” lumingon lingon ako at hinahanap ang nagsasalita. Ako lang ang nakakarinig dito. I sighed heavily. Nilingon nya ang greatwood na kumilos.
Pinagpag nya ang coat nya at tumindig ng maayos, Nakaka- intimidate sya.
“Isa ka bang Charmer?” tanong nya sa akin, pinagmamasdan nya ako. Maamo ang mukha nya, pero habang tumatagal nagiging blangko ang expression nya.
Umiling ako bilang pagtugon sa kanya, “Sumunod ka sa akin um…” sabi nya na tila inaantay na sabihin ko ang pangalan ko.
“Dane. Dane ang pangalan ko.”
“Okay, Dane. Ngayon lang may nakapagkontrol ng mga ggreatwood.”
Tinignan ko ang mga bangkay ng mga nakaaway namin. Bigla na lamang naging abo ang mga katawan nila at hinangin. Binaling ko ang paningin pabalik sa kanya.
Naglakad kami papalapit sa gate ng mga Charmers, at ako ang unang estranghero na mapapadpad sa loob nito.
Halu -halong emosyon ang nararamdaman ko, pero namayani ang kaba. Ano ang mangyayari sa oras na pumasok kami sa barrier?
Hindi ko na magamit ang allure ko pag malapit sa kaniya. Hindi ko pa lubusang naiintindihan ang modification charm na gamit nya.
Nilapat nya ang kaniyang kamay sa mala gintong gate ng mga Charmers, may bumukas na parte ng barrier at unti unting bumukas ang higanteng gate.
Sa loob ay makikita ang malawak na kagubatan. Puro Greatwood ang nakatanim doon, habang naglalakad kami ay gumagalaw isa isa ang mga ito, na tila yumuyuko.
Mistulang mga giant trolls ang pagkilos ng mga ito pero hindi sila nakakaalis sa kinatatayuan nila.
“Dane, anong klase ang kapangyarihan mo? Simula ng dumating ka rito ay nag – iba ang mga ikinikilos ng mga greatwoods.”
Lumingon sya sa lugar ko at tumigil kami sa paglalakad, tinitignan nya pa rin ang mga greatwoods na nakapaligid sa dinaraanan namin, nakayuko lamang ang mga ito.
“Invisibility ang allure ko. Ano ang ibig mong sabihin sa ibang ikinikilos?”
Tinignan nya ako sa mata , tila kinikilatis ako lalo at inoobserbahan ako.
“Dati ay normal na refuge tree sila, steady lang. Pero nang napadpad ka dito ay bigla na lamang silang kumilos ng ganyan. Wala pa sa bayan ang nakapagpagalaw sa kanila ng ganito. Baka ikaw na ang sinasabi sa legend.”
“Legend?”
Natigilan sya at tila may nasabing sikreto. Nagsimula na syang maglakad, muli at sumunod lamang ako, sa aming paglalakad tila may mainit na nakakapaso ang naramdaman ko sa braso ko. Dumadagdag ito sa sakit ng katawan at mga sugat n natamo ko.
“Si Headmaster na ang magpapaliwanag sa’yo. Oo nga pala, Ako si Frea. Modifier.”
Nilingon nya ko at naroon nanaman ang blank expression nya. Sa paglalakad namin ay may sumalubong sa amin na lalaki.
Naka-shirt ito ng magenta, silvery white ang buhok nya at itim ang mga mata nya, mas nakakatakot.
Seryoso lamang ang kaniyang mukha. Matangkad sya sa akin at may napansin ako na nasa balikat nya, isang fairy.
“Rhei…” bati ni Frea sa kanya pero tila wala itong narinig at nakatingin sa pwesto ko.
“Hi Frea!” Matinis at masigla na bati sa amin ng fairy.
Tinititigan ako ng lalaki, “You don’t look familiar.” sabi nya at unti unting may lumalabas na itim na apoy sa paligid nya, flame orbs at sa paanan nya ay malaipo ipong itim na apoy, napalayo naman ang fairy. Napansin ko ang pag galaw ng kamay ni Frea sa tagiliran nya at nawala unti unti ang apoy.
“FREA!” galit na sigaw ng lalaki.
“Look, Rhei. He is not a threat. Nakita ko sya sa greatwood…” bago nya naituloy ang sasabihin, napalingon si Rhei sa lahat ng Greatwoods sa paligid na nakayuko sa lugar ko. I heard him cursed.
Tumalikod sya at umalis, bigla syang nawala. Frea sighed and continued walking, noong nakalapit kami, isang kubo ang nasa gitna ng daanan at sira sira ang itsura nito. Pagkapasok namin sa loob ay nakita ko ang isa eleganteng pinto, nagliliwanag.
Pinasok namin iyon at tumambad ang magandang bayan ng mga Charmers.
Mayroong napakalawak na lupain ito, masagana ang lupain nila dahil sa iba’t ibang nakahain na tila palengke nila, bago pa man kami nakalakad ay naramdaman ko ang mainit na bagay na bumabalot sa kamay ko, masakit pero hindi ko ulit pinansin. Napahawak ako sa kamay ko, umaakyat na hanggang braso ang hapdi.
“Ayos ka lang? Pupunta tayo kay headmaster.” tinignan nya ako. Tumango lang ako bilang tugon sa kanya.
Patuloy kami sa paglalakad hanggang may bumati sa kanya.
“Ate Frea!” isang batang lalaki ang bumati at yumakap sa bewang nya . Umupo si Frea sa kanyang mga binti para maging pantay sa bata.
Itinabi nya ang ilang mga hibla ng buhok nito sa mukha, nakangiti ang paslit kay Frea, “Naging mabait ka ba, Nicholas?”
“Opo, tumulong po ako na ayusin ang banderitas ng bayan para sa pista ngayong linggo.”
“Sige, babalik agad si ate. Tatapusin ko lang ang trabaho tapos maglalaro tayo ha.”
Hinalikan nya sa noo ang bata at tumayo, tinignan nya ito habang palayo sa amin, nangilid ang luha ko dahil naalala ko ang kapatid ko. Yumuko na lamang ako at nagpatuloy kami.
Nasa pintuan na kami ng palasyo at tumuloy. Binati ng mga naroon si Frea.
“Si Headmaster?” tanong nya sa isang tagapagsilbi ng palasyo.
“Nasa kwarto po nya.” Maikling sagot nito.
Tumalima kami at agad na tinungo ang kwarto na tinukoy. Hindi gaya ng mga pinto na dinaanan namin, simple lamang ang kahoy nito na kapag sinipa ay parang masisira agad.
Nilapat ni Frea ang kamay sa pinto at bahagyang kumislap ito, nawala ang barrier , napanganga ako dahil sa nakita ko.
“Headmaster…” bati ni Frea sa babaeng naroon.
“Frea, may napansin akong kakaiba sa Rimiera tugon nito habang nakatalikod sa amin.”
Ang kamay nya ay nasa likuran nya, nakatingin sya sa labas ng palasyo at inoobserbahan ang mga nag aayos para sa magiging pista sa linggo. Humarap ito sa amin at bahagyang nagulat nang makita ako.
“May bisita pala tayo.” ngumiti ito , napaka- kalmado nya, malumanay at sopistikada.
Nakabraid ang blond na buhok nya, umaabot ito hanggang bewang nya. Mapupula ang mga labi nya, mapupungay ang asul na asul na mata nya, maputi ang makinis nyang balat at maliban roon ay normal ang tingin ko sa kanya.
“Headmaster, sya po si Dane. Niligtas nya po ako laban sa mga Ceruleans na sinundan ako. Inakala po nila na isa akong Leviathan.”
Pagkasabi ng Leviathan ay nawala ang kalmadong ekspresyon sa mukha nito, tinignan nya ako.
“Dane, ano ang ginagawa mo sa gubat ng Greatwoods? Ikaw ba ang humawak sa barrier ng Charmers?” tanong sa akin ng headmaster
“H-headmaster... Ako lpo ang hinahabol ng mga Ceruleans. Pinatay po ng mga ilang Ceruleans at Colossians ang lahi ko, sa pamumuno ni Luna. Ako ang huling Leviathan.”
Natigilan sya at umupo sa upuan nya. Pinaupo nya kami sa couch malapit sa kanya. Ipinahinga nya ang baba nya sa likod ng mga palad nya at nakatingin sa amin ni Frea.
“Frea, ano ang ikinilos ng mga Ceruleans?” tinignan nya si Frea at bumaling ang tingin sa akin.
“Gusto po nilang patayin ang lalaking ito…”
“Ang Leviathans kasi ang pinakamalalakas sa buong Rimiera, hindi ko alam paano nila napaslang ang mga ito…”
Natigilan bigla ito at nilingon ako. Tumayo sya at nilapitan nya ako. Nilapat nya ang mga palad nya sa mga sugat ko, mabilis na nawala ang mga ito.
Hinawakan nya ang braso ko. Sa pagkakahawak nya ay naramdaman ko nanaman ang nakakapasong pakiramdam na tila sinusunog ang balat ko, umaabot na sa balikat ko ang kirot. Hindi ko na naitago ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nakita iyon ng headmaster at mabilis na itinaas nya ang manggas ng damit ko at nakita ang itim na parte sa braso ko. Sunog ang ilang parte nito.
Hindi pagkabigla ang makikita sa mukha ng headmaster, takot. Tila tattoo ang sunog na parte ng aking braso, isang dragon tail. Kahit ako ay nabigla. Ito ang kanina pang mainit ,mahapdi at kumikirot.“Mukhang mangyayari na ang kinatatakutan ng karamihan Frea.. Makakaalis ka na, sana ay walang makaalam ng kung ano ang nakita mo rito.”“Masusunod po headmaster.” Tumayo na si Frea at yumuko bilang paggalang at umalis na ng kwartoPagkalabas ni Frea tinabihan ako ng headmaster sa couch, sumeryoso ang itsura ng headmaster, nakikita nya na kahit ako ay naguguluhan na sa mga nangyayari.“Dane, may alam ka pa bang kakaiba sa kakayahan mong kapangyarihan, bukod sa pagiging invisible?”“Pwede nyo po bang ipaliwanag lahat ng nangyayari? Kanina pa sinasabi ni Frea ang tungkol sa isang legend. Nauupos na
Chapter 4 : The ritualPagkalapit ko ay siya namang paglingon ni Rhei, naka brush up na at mas maayos na ang buhok nito at naka pink itong long sleeves shirt, si Frea naman ay naka-dress na puti at dinisenyohan ng bulaklak na halong puti at asul, naka-bun ng maayos ang buhok n'ya, ang fairy ni Rhei ay masiglang bumati kay Dhirma.Nakasuot si Sheena ng asul na cocktail dress at naka-braid ang mahaba nitong buhok. Ngumiti lamang si Dhirma.Frea’s POVHindi ko lubusang maisip kung paano s'ya naging Leviathan sa kanyang kapangyarihan. Pinaliwanag sa amin ni headmaster na isa s'ya sa mga napili ni Charmer Esther.S'ya ang nagtataglay ngayon ng pinakamalakas na kapangyarihan. Pinakiusapan kami ni headmaster na i-train s'ya mabuti para mahasa ang natatagong ability n'ya, at lumabas ang ilang kapang
“H-headmaster” ang tanging naging tugon ni Grethel. Para syang maamong tupa sa pagdating ng headmaster.Matalim ang tingin nya sa amin, “Inside. NOW!”Lahat kami ay nagulat at mabilis na pumasok papunta sa opisina ng headmaster.Ngayon ko lang sya nakita ng ganon, galit na galit ang boses at itsura nya.Nasa loob na kami ng opisina at nakaharap kay headmaster Regina. Nasa harapan si Miss Grethel na umamin na sya ang nagsimula ng gulo, nasa likuran kaming tatlo nasa balikat ko naman si Dhirma.“Sheena, dalhin mo na si Dane sa kwarto nya. Dane, magpahinga ka na. Mahaba ang araw mo bukas.” utos ni Headmaster Regina.Sheena pala ang pangalan ng fairy ni Rhei bulong ko sa sarili ko. Ti
Rhei’s POVPagkatapos namin sa training room ay ibinalita ko kaagad kay Regina ang mga nangyari.“Hindi na nya kailangan magtraining, nagagawa nya ang naisin nya. Sa lawak ng kaya ni Dane ay hindi nya alam kung paano kontrolin iyon at hindi nya alam alin ang dapat na gamitin.” wika ni Headmaster Regina.Kinuwento ko kay Regina ang nangyari sa training room. Labis na pagkabigla ang naipinta sa kanyang mukha. Hindi nya inaasahang ganon ang mangyayari, sabi nya sa akin magsasanay sya sa ilalim ni Grethel at Timmy.“Sigurado ka, Headmaster Regina?”“Kailangan nyang magsanay sa mga kagaya nya. May 3% ng Esther Tattoo si Timmy, samantalang si Grethel ay ampon ng mga Charmers.”Hindi kagaya ng
I cleared my throat at natigilan silang dalawa. Umupo kami sa damuhan malapit sa entrance ng Valiant Forest.“Okay, Dane makinig kang mabuti.” pagsisimula ni Miss Grethel na inayos ang robe bago umupo ng tuluyan sa damuhan.“Ang crest na ibinigay sayo ni Dhirma ay galing pa kay Esther habang binubuo pa lamang nya ang Charm City. Magkaiba ang crest nyo ni Frenny, although may pagkakahawig ito ay ginawa lang iyon ng ama nya. Masama ang idudulot non pag iba ang nagsuot, sa iyo ito nagreact ng maayos.”Tahimik kami nina Rhei na nakikinig, kahit sya ay interesado sa sinasabi ng tinuring nyang ina.“Ano ang mangyayari pag iba ang nagsuot?” Tanong ko sa kanya.Hindi sya sumagot, she hesitated yet, what she did surprised us. She opened her buttoned robe from her neck down to her upper chest.Isang malaking peklat na kulay pula ang naroon, kahit si Rhei ay nagulat. Ilang segundo lamang nya i
Maraming nagkalat na fairies sa Rimiera, pero bihira ang pinagkakatiwalaan nito.Malaking tulong ang pagkakaroon ng fairies, pero pahirapan ang pagkakaroon.Sa kalagayan ko ay iba, si Dhirma na isang pious fairy ay may kakayahang magpagaling ng mga sugat, ang bilis ng paggaling ay depende sa natamong pinsala.Si Sheena naman ang rarest fairy. Kaya nyang baguhin ang itsura ng isang ordinaryong bagay at lagyan ito ng ability gaya ng ginawa nya sa bulaklak na nakita lang nya sa Valiant Forest , kaya nya ring bawiin ang mahikang iyon kapag hindi nagamit.Si Timber na taga-pangalaga ng mga gubat sa buong Rimiera, si Yajima ang isang fairy na kayang sumuporta tuwing combat, kaya nyang magtransform sa iba't ibang weapons sambitin lang ng summoner.“Dane maaari kang maglabas masok sa Cha
Dane’s PoVBumabalik lahat ng alaala ko nang tumapak muli ako sa Forest of Levi.Mas lamang ang numero ng masasayang bata na naglalaro, mga matatanda na tahimik na namumuhay.Wala silang kaalam alam sa mangyayaring wipeout.“Psst! Dane.”Lumingon lingon ako sa paligid.“Psst! Dane.”“Sino ang nandyan? Ipakita mo ang sarili mo.” hindi ko man lang nadala ang mga dagger ko, patuloy lamang ang pagtawag sa akin ng tinig na iyon.Maingat akong naglakad papasok sa gubat, nang may biglang lumitaw na fairy sa harap ko,“Ano ang pakay mo sa Gubat ni Levi?” alam kong si Timber iyon dahil sa pananamit nya na mukha syang wood cu
Third Person’s POVPagkaalis nina Travis at Dane ay saka bumalot ang kulay lila at pula na barrier. Itinulak nito lahat ng mga kaaway palabas ng Charm City.Kinontrol ni Yui ang panahon at umulan sa lungsod ng mga charmers, binigyan naman ni Frenny ang ilang kalaban ng ilusyon na nakikipaglaban pa rin.Pagkahatid ni Travis kay Dane sa Gubat ni Levi ay tinungo naman nito ang Valiant Forest, bago pa man nya marating ang gubat ay marami syang nakasagupa. Pagkarating nya sa bahay nina Timmy at Esther ay kaagad nya na nilikas sila papunta sa academy.“Ligtas na sa academy, Esther.” sabi ni Travis.Maraming sugatan na charmers ang pinagagaling ng mga healers. Unti unti namang nagising si Regina at nabawi ang kanyang lakas. Mabilis na nakabalik si Travis kasama ang mag ina.“Nasaan si Dane?” Sabay na tanong nina Regina at Esther.Walang may balak
Habang nakasakay sila kay Hikaru, si Travis naman ang hindi mapakali.“Dane, maraming akong tanong na hanggang ngayon at hindi pa rin nasasagot.”“Hangga’t kaya ko, Travis sasagutin ko lahat ng katanungan mo.” Tugon ni Dane na hindi nilingon ang kausap.“Hikaru, descend.” Utos nito sa gryphus nya.Dahan dahang bumaba si Hikaru, nasa isang isla sila lagpas ng Rimiera. Isa isa silang bumaba at nagpahinga sa paligid.Nagpunta sa isang lugar sina Travis at Dane, hindi malayo sa kanilang mga kasama. Si Hikaru ay tahimik na nakikipaglaro kay Frea, si Sheena at Rhei ay nag uusap din sa kabilang banda.“Ano ang iyong mga tanong, Travis?”Nakatingin ng diretso si Travis sa kanya, alam ni Dane na may alinlangan ito sa mga nagaganap. Mabilis lahat ng pangyayari. Sumandal si Dane sa puno malapit sa kanila.Nagsimula na si Travis magtanong, “Saan napunta s
Tanging mga torches ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na paligid ng Evening Island. Lahat ng Colossians at ilang Ceruleans ay nagtitipon para sa pag iisa nina Luna at ni Dane.Ito ang pinakahinihintay ni Luna, ang mapasa kanya ang kapangyarihan ng mga Leviathan. Napasakamay na nya ang Island Beast.Magiging masalimuot ang mangyayari sa oras na makuha na nya ang mga kapangyarihan ng mga ito.Mula sa labas ng Great Hall ay nakati dig ang isang binata. Matingkad na kahel ang suot nyang robe na hanggang tuhod lamang ang haba, simpleng sandals lang ang suot nya. Strikto ang itsura nito at kulay kape ang kulay ng buhok.Ang buong katawan nya ang napapalibutan ng kakaibang awra. Iniangat nya ang kanyang manggas na bumabalot sa kanyang kamay. Inilagay nya ang mga palad sa pintuan at itinulak iyon.Nakuha nya ang atensyon ng lahat. Una nyang napansin ay ang
Hinarap ni Emrys sina Grethel, Rhei at Frea. Ikinumpas nya ang kanyang kamay at mula sa kanyang palad ay lumabas ang kulay pulang ilaw. Inilapat nya ang kanyang palad sa ulunan ng isa’t isa.Isa isa silang pumikit habang nilalapat ni Emrys ang kanyang palad.Mainit ang mahika na iyon, ramdam nila ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kanilang katawan. Nang matapos iyon ay minulat nila ang kanilang mata.Pagkatapos nun aay ang biglang pagdating ni Regina, kasama ang kanyang mga tinipon na mga Charmers. Kasama roon si Dhirma na nakilala agad ang bathalang si Emrys.Agad nyang inilapat ang kanyang kanang palad sa kanyang dibdib at yumuko, tanda ng pag galang nya.Nakita nya ang pagbabago sa tatlong Charmers.Lahat sila ay napapalibutan ng kulay pulang aura.Tinignan ni Emrys ang mga bagong dating, “Half Leviathan, maiwan ka rito.”Matalim ang tingin nya
Nakatingin lamang sa amin si Dane, ang buong braso nya ay napapalibutan na ng tattoo ni Esther.Iba na ang kasuotan nya, ibang iba na sya sa Dane na nakasanayan naming down to Earth, masayahin at inosente. Yung Dane na minahal ng mga Charmers, yung Dane Nialle na minahal ni Frea, yung Dane na Leviathan na handang iligtas ang iba bago ang sarili nya.Halos gumuho ang mundo ni Frea nang marinig nya ang winika ni Levi.“Sya si Emrys.”Halos umecho yun sa aming isipan.Umiiyak si Frea nang itanong nya si Levi, “Anong ginawa nyo kay Dane?!”Hawak hawak sya ni Lucent.Lahat ng fairies ay nakayuko, batid ang kalungkutan sa mukha nila.Tinignan ni Levi si Emrys bago nya lapitan si Frea.Bago pa man makapagsalita si Levi ay lumapit si Emrys sa amin at nagbasbas ng kakaibang spell.“Si Dane ang nagmakaawa sa akin na iligt
Pinatamaan ni Frea ang kaisar ng kanyang “curse” spell, pero walang nangyari. Naging itim ang aura ni Emrys at nagwika, “Sinabi ko na hindi ako pumunta rito upang pakipaglaban.” Unti unti syang lumingon, napaatras si Frea…Isang mabilis na itim na mahika ang naipon sa kaniyang kamao at ibinato sa pwesto ni Frea, hindi makagalaw ang diwata sa paparating sa kaniya.“DISPERSE!” sigaw ni Regina at nawala ang mahika na ibinato ni Emrys papunta kay Frea. Napaupo si Frea sa pagkabigla.“Tayo na ,Emrys” utos ni Regina at lumabas na sila.Patakbo silang pumunta sa higaan ni Dane. Iba ang barrier na nakabalot sa kanya.Nagkatinginan sina Travis at Rhei, “Tara.”Napatingin sina Frea at Timmy sa dalawa, “Huwag nyo na ituloy ang plano nyo, kung anuman yan.”“Hayaan mo muna kami, Timmy. Mag iingat kami ni Travis.” Tugon ni Rhei na may kakaibang ngiti.
Kumalat na sa braso nya at tinahak na ng tattoo ang likuran ni Dane.Malakas na sampal ang ibinigay ni Zele kay Dane. Halos masubsob na ang binata sa lupa sa lakas nito.Tila natauhan si Dane nang tumayo ito. Kitang kita sa kanyang mukha na nasaktan ito.Pulang pula ang pisngi ng binata. May dugo rin ito sa labi, na mabilis nyang pinunasan.“Ano? Gising ka na?” pagtataray ni Zele habang nakapamewang.Nakatingin lang si Dane dito, sinubukang alalayan ni Frea si Dane ngunit pinigilan sya ni Lucent, “Huwag mong hahawakan ang kaisar,lalo na ang may mga marka ng tattoo.”“Ano ba ang nangyari sayo?” tanong ni Frea.“Pagkalapag namin ni Hikaru ay nakita ko ay naliligo ang damuhan ng dugo. Wala kayo roon, pasensya na kung pinag alala ko kayo.” Mahinahong sagot ni Dane.“Narito lang kami, Dane. Buhay kami, maaaring isang ilusyon ang nakita mo.” Tugon ni Luce
Ang Charm City ay may higit dalawang daang charmers na nahahati sa iba’t ibang klase. May nullifying class, attack, defend at rare class. Ang headmaster na si Regina ay nahahanay sa rare class. Bibihira ang mga nasa rare class gaya ni Timmy, ang anak ni Esther.Si Timmy Seigfrid ay isa sa maituturing na pinakamatandang charmer na nakatira sa Charm City. Inilayo sya ni Esther sa ama nito na isang Elder Charmer, pero ang sabi ng iba ay anak ni Pietro si Timmy kaya may dugo itong Leviathan.Lahat ng elder charmer ay nakatira sa pinakaliblib na lugar sa Charm city, sila ang huling nakausap ni Headmaster Regina.Maraming kakayahan si Timmy na wala si Dane. Isa rito ang telepathy at ang pinakarare ang pagkakaroon nya ng Godlike Allure.Siya rin ay half Leviathan kaya nagkaroon sya ng Esther’s Tattoo..Si Travis Wursch ang isa sa mga na-train ni Timmy. Matalino ito at madaling turuan pero pagdating sa academics ay tu
Parehong napabalikwas sina Dane at Frea tila galing ang matinding pagsabog sa gitna ng academy. Patayo na sana si Dane pero pinigil sya ni Frea, “Huwag mong pilitin ang sarili mo, Dane. Hindi ka pa magaling. Matindi ang mga natamo nyong sugat ni Yajima.”Itinulak ng mahinahon ni Frea ang binata pabalik sa pagkakahiga nito.Lumingon si Dane kay Hikaru, “Samahan mo siya, protektahan mo sya gaya ng pagprotekta no sa akin.”Alam ni Dane na magiging labag iyon kay Hikaru pero sumunod naman iyon. Lumipad iyon sa balikat ni Frea. Tinignan nya ang dalawa at ngumiti, “Mag iingat kayo.”Binalot sina Frea ng mga talulot at unti unting naglaho.“Zele…” bulong ni Dane at lumabas ito agad.Imbes na kumustahin ang summoner ay pinagalitan nya ito. “Huwag mo ng balakin, Dane”Lumabas si Lucent kahit hindi tinatawag ni Dane, lumitaw sa paanan ni Dane ang isa pa nyang summon.“Mukhang nakalimutan mo
“Kuya, tignan mo to oh.” Masiglang sabi ni Faye sa kakambal habang pinapakita ang kakaibang itim na usok na lumalabas sa kaniyang mga palad.Tahimik lang na nanunuod si Dane, bakas ang inggit sa kaniyang mukha. Dahil wala syang ganoong kapangyarihan. Pinilit lang ngumiti ni Dane at maging masaya para sa kapatid nya.Hindi kalayuan sa kanilang puwesto ay nakamasid ang kanilang mga magulang na kausap ang matandang leviathan, si Chief Pietro.Natarantang tumakbo ang kanilang ama nang makita nitong palapit na ang mga palad ni Faye kay Dane.Bago pa man ito nakalapit sa kanila ay biglang naglaho ang kanyang mga anak.Gulat at pagtataka ang naipinta sa mukha ng kanilang ama.“Dane! Faye! Nasaan na kayo?” Tawag ng kanilang ama, pero walang sagot ang maririnig.“Papa, narito lang kami.” Tugon ni Dane sabay ang hagikgik ni Faye.“Papa, may kakaibang nangyari