Velvet Victoire, the point of view.
Nagising ako dahil sa malamig na kamay sa mukha ko. Hindi ko pa minulat ang mga mata ko dahil pinakiramdaman ko muna kung sino 'yon. Hindi naman si tita Aivy 'yon dahil masyadong malaki ang kamay na 'to. Kung kay tito Mig naman--
"You're awake. Stop playing dead." Napamulat ako nang wala sa oras. "Nandito ka sa Mortimer mansion, to be exact. At kung marami kang tanong, mamaya mo na 'yan itanong at lumabas ka, pumunta ka sa kusina at nagluluto pa si Lily doon."
Hindi na ako nakasagot pa at bigla nalang siyang naglaho sa harap ko. Gusto kong matakot, but then, I remembered what the lady said earlier.
"Nasa Mortimer town ka po, ang town na punong-puno ng malalakas na bampira."
Bumangon akomula sa kama at naglakad patungo sa pinto. Same red baggy dress and black lace sandals pa din ang suot ko. Naka-braid ang buhok kong nahati sa dalawa na sinampay sa magkabilang balikat ko.
Medyo nangilabot ako sa paligid. Wala man lang kahit isang ilaw. Puros lang mga torchlight sa magkabilang hallway lang ang meron. Masyado ring mahaba ang pasilyo kaya hindi ko masisilawan kung hanggang saan 'to paroroonan.
"Holy cheese!" Napahawak agad ako sa dibdib ko nang sumulpot bigla si Jake sa harapan ko. "Ano ba?!" inis kong bulyaw.
People in here don't know anything about personal silence. Ay teka, walang konek?
Kumunot naman ang noo ko dahil bigla siyang humagikgik. Kulang nalang, magpagulong-gulong na siya sa carpeted floor.
"You've never changed, Vel. At is pa, ako si Jace," umayos siya ng tayo pero kita ko sa mukha niya na nakangisi. "Ang kakaiba sa kambal ko, pangit siya at seryoso. Ako naman, gwapo at--"
"Pangit na makulit. Kung pangit ang kambal mong si Jake, then pangit ka. Same kayo ng mukha," nakapoker face na putol ko sa kaniya. Bigla naman siyang sumimangot kaya napairap ako.
Although no, hindi siya pangit. Sobrang ganda ng features niya na aakalain kong isa siyang artista.
"Don't you know that vampires can hear thoughts?"
Bigla akong napaatras dahil nakangisi siyang lumapit sa akin.
"Wait, totoo nga ba ang mga bampira?" tanong ko agad para mapahinto siya.
"Yep. At isa na ako doon, ang gwapong bampira," sabay kindat pa niya. Napangiwi ako at tumawa naman siya. "Tara na doon sa kusina. Mali naman ang pinuntahan mo."
"Sorry naman."
༊*·˚༊*·˚༊*·˚༊*·˚༊*·˚༊*·˚˚·*༊˚·*༊˚·*༊˚·*༊˚·*༊˚·*༊
Nakarating kami sa dining hall. Nakahanda na ang mga pagkain sa napakahabang hapag-kainan. Hindi na kami tumuloy sa kusina dahil tapos na raw magluto si Lily. Nagtatampo pa nga siya dahil ayaw niyang walang manonood sa tuwing nagluluto siya.
"Have a seat."
Bigla nalang akong nagulat dahil nagsulputan ang mga hindi ko kakilala, pwera nalang kay Jake, Jace, Lily and Sasha. Tapos si Therese na nakatayo lang sa gilid ng isang magandang babae.
"Velvet, bawal paghintayin ang grasya. Come and have a seat with us."
Nagising nalang ang diwa ko dahil nagsalita ang magandang babae na katabi lang ni Theresa. Pati boses niya, napakaganda pakinggan.
"Opo."
Kahit hindi ko sila kilala at wala akong alam sa nangyayari ngayon dito, sumunod naman ako sa utos niya. Medyo maotoridad kasi ang pagkakasabi niya kaya natatakot ako. Tapos 'yung katabi pa niyang lalake, masyadong seryoso. Tapos 'yung kaharap ko, hindi ko mawari kung si Jake ba o si Jace. They're no different.
Napatingin ako sa isa pang Jake o Jace na katabi din ng Jake o Jace na kumakaway sa akin at nakangiti.
Oh. Siya si Jace, si Jake ang kaharap ko na masyadong seryoso kung makatingin. Tapos ang katabi ko ay si Lily na katabi naman si Sasha na ang sama ng timpla sa mukha. Katabi naman ni Jace ay ang isa pang lalake na hindi ko pa kilala.
"Velvet, hindi mo ba talaga kami natandaan?" tanong ng babaeng nasa dulo ng table. They started to eat those uncooked meats tapos may red wine pa silang kasama. Ako lang ata ang may orange juice, tubig sa water goblet at cooked steak sa pinggan.
"Hindi...?"
Narinig kong tumawa ang babae at uminom saglit ng red wine--or should I say, blood? Sabi nga nila, bampira sila.
"Kung hindi pa, we'll introduce one by one. Ako si Bella Mortimer, ang kanilang ina."
Halos mabilaukan ako sa iniinom kong tubig. Mabuti naman at nalunok ko agad at kung hindi, kay Jake 'yon mapupunta.
Seryoso ba siya? Sa ganda niyang 'yan at sa bata niyang 'yan, isa na siyang ina ng, like, limang 'to?!
"And beside me is my husband, si Edward Mortimer, their father."
Gusto kong pumalakpak sa mga jokes nila. Pero, anak ng tilapia, mukhang seryoso sila dahil hindi man lang tumawa si Jace o ngumiti.
"In front you, he's my eldest son, si Jake. Our heir. Beside him is Jace, his twin brother."
Yeah, kilala ko na sila.
"Kasunod naman ni Jace ay si Drew. He may be the spoiled brat but he have a soft heart inside." Napatingin ako sa katabi ni Jace. Medyo masama ang tingin niya sa akin pero agad din niyang binawi ang tingin niya at nagpatuloy sa paglantak ng pagkain niya.
"Ang kasunod naman ni Drew ay si Sasha. At ang pinakabunso ko, si Lily."
Okay, hindi nga siya nagbibiro. Masyado silang seryoso. At mukhang ako lang ata ang hindi pa ginagalaw ang pagkain dahil hindi ako komportable na lantakan iyon. But I appreciate Lily's cooking dahil kahit papaano ay may alam siyang lutong pagkain. Kasi kung hindi, ewan ko nalang kung ano ang ipapahanda nila para sa 'kin lalo na't mukhang sanay sila sa raw meat.
"And Velvet, Lily will accompany you later. Pwede kang magtanong sa kaniya about sa nangyari. About sa Tita at Tito mo and why you're here. My husband and I are very busy lately kaya hindi ka namin maasikaso the way I planned it."
Tumango ako at napagpasyahang kumain kasama sila. I cut the steak and took a bite. Sobrang tahimik ng buong dining hall at tanging ang pagnguya, ang tunog ng mga utensils na tumatama sa plates at ang pagbaba ng goblet at wineglass lang ang maririnig.
I cut the steak once again and ate it. Sa huling paghiwa ko ay biglang tumayo si Lily dahilan para masagi niya ang siko ko at imbes na sa karne ko 'yon hihiwain, napunta sa kaliwang daliri ko 'yon.
"Sh*t," I hear Drew mumble.
"Oh my fangs, I'm so sorry, Ate!" Lumapit kaagad sa 'kin si Lily at hinawakan ako sa kamay pero laking gulat ko nang biglang namula ang pares ng mga mata niya. And she's shaking. Para bang nagrereists siya sa kung anumang iniisip niya.
"Jake! Get Drew!"
Sa isang iglap, biglang inilayo mula sa 'kin si Lily at sa Jake naman ay pinipigilan si Drew. Someone grabbed me by my wrist at kinaladkad ako.
"Velvet, linisin mo muna 'yang sugat mo at takpan." Jace handed me a red pouch na may tatak na first aid. I immediately open it and went to the bathroom para linisin 'yon gamit ng tubig.
Oh God. Mga bampira nga pala sila. This tiny wound can attract them. I could've died back there.
Velvet Victoire, the point of view. I wrapped the wound here inside the bathroom. Sinigurado kong tightly wrapped ito ng bandaid at bandage para hindi nila maamoy--o ng kahit nino na katulad nila. Paglabas ko mula sa banyo ay nadatnan ko si Lily na nakatulalang nakaupo sa higaan. Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat para makuha ang atensyon niya. "Hey," bati ko. "Hello, Ate. Pinapunta ako ni Mama dito para asikasuhin ka." "Naku, hindi naman kailangan 'yon. Kaya ko na sarili ko." "Hindi mo kaya sarili mo, Ate. This place is not just an ordinary town. It's where the other vampires live, too. Kaya if ever maamoy nilang may dugong tao dito, mababaliw sila kakahanap sa 'yo." Woah, that's way too scary than what I imagined. "Nga pala, Ate Vel. About sa nangyari... Someone wants to abduct you and take granted from you. They've been hunting you since before you lost your memories." "Ha?" ang tanging lumabas mula sa bibig ko. I mean I understand her. But what I don't understand i
Velvet Victoire, the point of view. I decided to take a bath at magbihis ng panibagong damit. Medyo malagkit na rin ang katawan ko dahil sa pinagsamang pawis at mga alikabok sa library habang nililinisan ko 'yon. Matapos kong maligo, pumasok naman ako sa isang silid na hindi ko pa napasukan. Nakatapis lang ako ng tuwalya at nakarolyo naman ang isa pang tuwalya sa buhok ko. Pagpasok ko, isang maluwag na silid ang tumambad sa akin. Ay hindi, puno ng mga damit pambabae ang silid na 'to. A walk-in closet, to be exact. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad na naghanap ng pwedeng suotin. Simpleng black t-shirt at leggings lang ang kinuha ko. Matapos kong magbihis ay tinanggal ko na rin ang tuwalya sa buhok ko at sinampay sa nakita kong hook na nakapaskil sa dingding. "Hello, Ate Vel!" Lumingon ako sa likod ko at nakita si Lily na mukhang kakapasok lang. Nginitian ko siya. Inaya ko siyang pumasok muna sa library dahil doon naman talaga ako pupunta. Pero umangal siya. "Please wear s
Velvet Victoire, the point of view."Why are you so quiet?" Basag ni Jake sa katahimikang bumabalot sa loob ng sasakyan pabalik ng mansyon nila.Ang saklap pa ay kaming dalawa lang dito. Sa pagkakaalam ko ito yung sinakyan ni Jace dahil nakita ko siya kanina na mag-isang pumasok at pumarada ng sasakyang 'to.So Jake ended up driving the car and I'm on the passenger's seat. Pinilit ko naman na sumama lang ako kay Lily, but she refused dahil may pupuntahan pa sila ng kapatid niyang si Sasha.I sighed. Hindi ako magsasalita."Why on earth is so quiet?!" Napatingin agad ako kay Jake dahil bigla siyang nagdabog. Umigting pa ang panga niya dahil siguro sa inis dahil hindi ko siya pinansin."Kasi ayokong magsalita." Inirapan ko siya. Kita ko sa gilid ng mata ko na ang sama ng titig niya sa akin."What?" Iritableng tanong niya. Hindi ko siya pinansin at sa halip ay inayos ang sarili kong upo sabay hila ng du
Velvet Victoire, the point of view. Sa paggala-gala ko ay napunta ako sa kusina at nadatnan si Lily doon na nagluluto. "Morning, Ate!" she greeted me while stirring the curry she's curently working on. "Since nandito ka rin naman, tikman mo 'tong luto ko!" Umupo ako sa high stool chair at hinayaan siyang magsandok sa maliit na bowl para tikman ko. Nakangiti niyang inilahad 'yon sa counter table sa harapan ko. Without thinking twice, I scooped the viand. "Wow," manghang sabi ko sa gitna ng pagnguya ng karne. "Saan mo nakuha skills mo sa pagluluto?
Sasha Mortimer, the point of view. It's already twelve in midnight. No one bothered to rest, even me. Hindi kami natutulog o nagpapahinga. Perks of being a vampire. Nakaupo lang ako sa couch, holding a glass of a deer's blood. We don't drink human blood, and never pa ako nakakainom no'n. Only my brother, Drew, tasted the blood of human. Ewan ko. 'Di ko maimagine na iinom ng dugo sa isang tao. But most of the people I know says it tastes different--it tastes better. "You're here." Umirap ako nang
Velvet Victoire, the point of view. Maaga akong nagising at ginawa ang morning routine ko. I choose the black skirt na hanggang tuhod and white shirt. Simple lang, hindi naman ako pupunta sa mall o sa party. Ime-meet ko lang yung ibang pamilya ng Mortimer. "Jake!" Napahawak agad ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Nyemas. Bigla-bigla nalang susulpot sa kung saan sa loob ng kwarto. "When will you ever knock?" "Pasensya at ginulat kita. Shall we?" Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Nagdadalawa
Lily Mortimer, the point of view. Holding the cup of my freshly brewed coffee, naglakadlakad lang ako dito sa labas ng mansion. Hindi pa naman lumalabas ang araw, kaya pwede pa akong gumala dito. I wanted to invite Ate Velsa humans' again but I can't. Kasi pinagbawalan na ako ni kuya Jake. And yes, kuya Jake knew about what happened dahil sinusundan niya kami no'n. I was shocked, of course. Pero he begged me not to do it again dahil sa susunod, matutuluyan nang makukuha si Ate Vel. And I don't want that to happen to her. Kasi this time, we want to make it right for her even if it costs our lives. She don't deserve what happened to her life before she ca
Velvet Victoire, the point of viewPumarada ang sinasakyan namin at gaya ng sabi ni Jace, siya ang naging escort ko. Pinabayaan niya lang ako na kumapit sa braso niya papasok sa loob. Everyone greeted the man beside me, pero sa 'kin, isang matatalim na tingin ang natanggap ko.Great.Hindi ko nalang sila pinansin at sa halip ay umupo sa Mortimer reserved table. And as usual, wala si Jake dito dahil nandun sa fiancee niya. Tumikhim ako bago tumayo at nagpaalam sa kanila na kukuha lang ako ng pagkain.Kahit na marami nang tao--er, vampire dito ay panay titig lang sa 'ki nang mga n
Velvet Victoire, the point of view.Hindi ko nabigyan ng alay ang mga enchanters dahil pinaglaho ko ng para bula ang tunay na kalaban sa buhay namin. I bid good bye to them as they vanish through thin air to finally have their own rest. "Magiingat ka palagi, Velvet.""Mahal na mahal ko kayo, Ina, Itay..."It was the first time in centuries that I called them that. Bago tuluyang nawala ay nasaksihan ko sa huling pagkakataon ang matamis niyang mga ngiti."Wife." Jake calls me behind when I watch the city sleeps peacefully. "Tara na. Para hindi tayo abutin ng araw pagdating do'n."Tumango ako at lumapit sa kaniya para kunin yung bag ko."Sino may sabing may dadalhin kang bag?" Tinaasan pa ako ng kilay ni Jake. Humagikgik lamang ako at kumapit sa braso niya.Every thirty years, lumilipat kami ng tirahan para hindi kami pagsuspetyahan na hindi kami isang tao. Jake and I decided to have an adventure outside our safe place and live our life like an ordinary people.Lumipat kami sa bagong co
Velvet Victoire, the point of view.Nagkatitigan kaming dalawa ni Jake nang bumalik ako sa reyalidad. He's holding me in his arms while I lie down on the ground. I hear screams and magics. Tinitigan ko sa mga mata si Jake at napagtantong mali ako. I judged him based on what I saw. "Mahal..." I head him mumble as I try to raise my hand. Gusto kong maiyak sa sambit niya. He loves me still even if I started this war. He loves me still even if he lost some of his families before because of my people.He loves me still after all those years.Ngumiti lamang ako sa kaniya at pinitik ang mga daliri ko. Everyone stopped moving except us. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinimas ito."I miss you..." I said while I started to tear up. "And I'm sorry.""Shh," tanging sinabi niya. Inabot niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha kong tumakas mula sa mga mata ko. "Hindi ako galit sa 'yo at hinding hindi ako magagalit sa 'yo. Hindi kailanman tumumbas ang pagmamahal ko sayo sa ibang emosyon.""I lov
Velvet Victoire, the point of view."Gusto mo bang pumunta d'yan?"Everything changed from fighting enchanters and vampires to a peaceful forest and a small village from afar. Nasa tuktok ako ng isang punong kahoy habang nakatanaw sa malalaking bahay sa unahan.I look down below to see a boy holding on a branch of a tree. Maputla ang kaniyang balat, ang itim niyang buhok ay umaabot hanggang leeg. His features looks like the typical crush of a boy nextdoor -- matangos ang ilong, nakakaintimidate na mata, at malusog na labi."Kung pwede lang... pero pinagbawal ako ng Ina at Itay ko." Words suddenly came out from my mouth. Doon ko lang napagtantong wala ako sa kasalukuyan. I was from the past."Bakit?" tanong ng lalaki. I look back at the village and even though it's night, I can see them clearly like I had a night vision."Bampira ka ba?" muling lumabas ang mga salita mula sa bibig ko. I look down again to see the young long haired boy."Oo," naging tugon niya. "Pero hindi ako masama. H
Velvet Victoire, the point of view.Truth be told, I don't want a blood shed across the town. I don't like to see people suffer and die. I'm scared.Pero nang makita ko 'yung memoryang 'yon ay hindi mawala sa puso ko ang pagliyab nito at ang sabik na maipaghiganti ang pamilya ko. My only family lies waiting for me to act and offer them a dead body. I want revenge and bring back my family. Sa isang alay ng katawan ay maaari kong maibalik ng buhay ang mga kauri ko - kung magagawa ko nang tama ang ritwal."Handa ka na ba, anak?" tanong sa 'kin ni Leona habang hinihimas ang likod ko. Even if she's dead I can still feel her solid hand on my back.Tumango ako. I look up to see the moon on the small circle window on the roof. Nasa gitna na ito at hudyat na nasa hatinggabi na.I stood up and turn to Leona. "Nasaan si Douglas?" Batid sa mukha niya ang biglang pagbago ng itsura niya pero hindi niya ito tinuon ng pansin at tinuro ang pinto sa labas. I nodded."Kailan mo kami ituring na magula
Lily Mortimer, the point of view.Ate Velvet is nowhere to be found. Aligaga na si kuya Jake samantalang si Mama naman ay kinokontak ang iba pa naming pamilya para ibalita ang kasalukuyang nangyayari. Probably bukas ay darating sila rito para tulungan kami. "Baka nando'n siya sa dati nilang tirahan, kuya?" I asked kuya Jake, hoping to help something."Hindi mo ba natanong kay Althea kung nasaan si Velvet?" tanong pabalik ni kuya habang naglalakad back and forth sa gitna ng sala. Ako na yung nahihilo sa ginagawa niya. Si kuya Jace naman ay nasa tabi ko, si Ate Sasha ay nakatayo malapit sa fireplace, si Tita Aivy ay nasa kabilang couch samantalang si Papa ay nakatayo sa likod ni Mama na nasa isa pang couch. Kuya Drew is nowhere to be found. Ilang araw na rin siyang hindi nagpapakita sa 'min. Though according to Ate Sasha, nagrerebelde na naman 'yon.I shook my head in response to kuya Jake's question dahil unfortunately au nawala sa isip kong tanungin ang tungkol do'n. All I think abou
Athena La Croix, the point of view.Isang matalik na kaibigan ko si Velvet. Hindi pa man sila nagkakilala ni Jake at ng mga Mortimer ay kami ang naunang nagkikita at nagkamabutihan ng loob. I admit, what happened to her made me mourn every year and what I saw in her vision angers me. Nais kong maghiganti para kay Velvet. Marami akong pagkakataong maghiganti para sa kaniya lalo at nagkaroon kami ng koneksyon ng mga Mortimer.But upon seeing them happy that Velvet is back, umabante lahat ng mga pinaplano ko. That night when I asked my dad to imprison Velvet, I was trying to bring back her memories. I tortured her, yes. I let a guard follow her and threatened her from that night after we saw each matapos ang napakaraming siglo. I did all that to bring her back."Are you certain about this, ate?" nagaalalang tanong ni Althea sa 'kin habang naglalakad kami papasok sa napakalaking double door ng mansion ng La Croix.Huminto ako saglit para tignan si Althea."If it means it's what her heart
Velvet Victoire, the point of view.I've never felt a raging fire inside me for years. Kahit noong panahong marami akong gustong gawin at pinagbabawalan ako ni Tita Aivy, I've never felt mad towards her. She's just being protective and I know it.But this time... It was as if I was sitting on a big wok with fire underneath. Isa palang trap ang pagpunta ko sa Mortimer. All of it was a lie. Ang pagsulpot sa bahay, ang pag kuha nila sa 'kin mula sa bahay ng mga Constantine, ang pagpapanggap nila na tinutulungan nila akong makaalala.Yet they did not helped me a single memory. Palagi nalang silang nagdedepende sa 'kin. Na dapat ay ako ang makakaalala ng mga 'yon pero pilit nilang nilalayo sa 'kin 'yon. And probably, pilit nilang iniiba ang memorya.They manipulated me.I should've listened to Leona. I should've stayed at that protected forest. I should've stayed away from them even from the beginning - no'ng hindi pa ako nailigtas ni Douglas. Buo pa sana ang pamilya at mga lahi ko.Pagka
Velvet Victoire, the point of view.There are two types of friends. A friend that we could trust forever, and a friend that would betray us. I can say that the family Mortimer is both. I can trust them forever and be betrayed behind my back silently; until I caught them wearing sheep clothes in a wolf's body. How pathetic."Velvet..."Habang umiilaw pa rin ang bilog na mahika na nasa aking noo ay hinawakan ko si tita Bella sa braso at idiniin ang mga daliri ko sa balat niya. I can see in her face that she's in pain. This magical circle is indeed powerful. I can crush her with it."Nasaan si tita Aivy?" giit kong tanong. I stared at her for so long while I dug deep into her skin pero hindi siya pumapalag."Hindi kita maintindihan -""Quit playing around, Bella! Nasaan si tita Aivy?!" "Ano?"Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa braso niya. "Alam ko na ang lahat. You all betrayed me. And when you try changing the fate, you will still betray me and that will keep going on for centuries
Velvet Victoire, the point of view.Athena guessed it right. I will be meeting with the Blacke family this evening as per Therese for a formal dinner.Since it's a formal dinner this evening, I was asked to choose a formal attire.Ang pamilya Blacke ay isa sa mga makapangyarihang pamilya ng bampira noong mga nakaraang siglo. They went here a few weeks back. Hindi ko lang sila nakaharap at nakilala. Ayon pa kay Athena ay pabalik balik lamang sila dito sa bansa at sa Amerika. They visit here as often as they could dahil may properties sila dito and they want to make sure everything is still under their name.Though I remember one. Camille Blacke. "Pupunta ba si Athena mamaya?" I asked Therese while she help me find a dress."Oo, Velvet. Sa tingin ko ay ngayong gabi na paguusapan ang kasal nila ni Jake. Kukunin nilang sponsor ang Blacke."Tumango ako. I continue pushing the hangers on the cabinet while carefully choosing for the right formal dress aka the dress. When I push the very las