Share

The Italian's Three-Year Marriage
The Italian's Three-Year Marriage
Author: Kei

Prologue

Seah's Point of View

Apat na buwan na lang ay masasalba na ang kumpanya ng pamilya namin, at sa apat na buwan na 'yon ay ikakasal na rin ako. Limang buwan pa lang nang makapasa ako sa board exam ng architecture, hindi ko man lang muna nagamit nang matagal ang pagiging arkitekto ko rito sa Pilipinas.

"Seah, kanina ka pa diyan!" tawag sa akin ng nakatatanda kong kapatid na si Riena. Palibhasa hindi naman siya ang agrabyado sa aming magkapatid.

Inis akong tumingin sa kaniya at padabog na ibinaba ang lipstick na hawak ko. "Teka nga lang, 'di ba?"

Nilisan ko ang upuan at dumiretso palabas mula sa kwarto nang hindi pinapansin si Riena. Pagdating sa sala ay tumambad sa akin si Daddy at Mommy, ngunit pinasadahan ko lang sila ng tingin at naglakad na palabas ng bahay. Pagpasok ko sa loob ng kotse ay nakahinga ako nang mabuti sa kadahilanang hindi ko maharap ang pamilya ko dahil sa napagkasunduang kasal.

"Tara na," walang ganang utos ko sa driver.

Bago pa man makaalis ang kotseng sinasakyan ko ay nakita ko si Mommy na kumakaripas ng takbo mula sa bahay, dahilan para mapahinto si manong sa pagmamaneho. Binuksan ni Mommy ang pinto ng kotse at hinila ako para yakapin.

"Anak, patawarin mo kami ng Daddy mo," hinimas niya ang kahabaan ng buhok ko, "hindi ko ginustong pigilan ka mula sa mga pangarap mo at matali sa isang sitwasyon na labag sa loob mo."

Hindi ako kumibo, pero ramdam ko ang kirot sa puso ko.

"You're my daughter, but you're also our last chance," she added.

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Kung hindi niyo lang sana sinugal ang lahat sa istupidong casino na 'yan, edi sana hindi mawawala ang lahat sa atin."

I pushed her away and closed the car's door. "Tara na, manong."

Masama na kung masama, pero hindi mangyayari 'to kung 'di dahil sa kapabayaan nila. Ilang taon akong nag-aral nang mabuti para mahawakan ang kumpanyang pinalaki pa lolo ko. Pinili ko na mag-aral ng architecture para lang sa akin mapunta ang lahat ng pinaghirapan ng pamilya namin, pero nawala ang lahat ng 'yon dahil sa pagiging adik nila sa sugal.

Ayokong matali agad dahil nagsisimula pa lang ang buhay ko sa labas ng kolehiyo. Ilang buwan pa lang akong arkitekto para maibenta ang pagkatao ko sa hindi ko naman mahal. Hindi sana ganito ang buhay ko kung naging responsable lang ang pamilya ko.

It could have been just Arch. Seah Alexandra Garcia, but now it's supposed to be Arch. Seah Alexandra Garcia - De Luca. Kahit pa gaano kagrande ang apilyedong 'yan, mahirap pa rin tanggapin para sa akin dahil hindi ko naman 'to ginusto.

Mikhail De Luca is the man that I'm about to marry. His father owns one of the biggest engineering company around Europe, which makes their name shine bright. He's also the first son, meaning, sa kaniya mapupunta ang halos lahat ng mana.

Hindi lang ako ang may kailangan sa kaniya, siya rin ang may kailangan sa akin. My last name is Garcia — matunog sa industriya ng architecture. Our family owns the most famous architectural company in the Southeast Asia, kaso nga lang ay palugi na ngayon.

Mikhail needs me to be his trophy wife for three years, habang ako naman ay nangangailangan ng malaking halaga ng pera. I need an amount of thirty-million pesos, gano'n kalaking pera para masalba ang negosyo namin.

Money is not an issue for Mikhail's family, lalo na kung gagamitin nila ang imahe ko at ng pamilya ko para mas lumago ang negosyo nila. Laganap ang balita na gusto nilang pagapangin ang engineering company nila sa bawat sulok ng mundo kaya naman kumagat na rin sila sa kasunduang pagpapakasal ni Mikhail sa akin. All that for publicity.

Natanaw ko ang malaking fine dining restaurant na paborito kong puntahan, pero walang tao ngayon rito. Bumaba na ako mula sa kotse at panandaliang nilibot ng tingin ang lugar. Mukhang pina-reserve ng mapapangasawa ko ang buong restaurant para sa aming dalawa.

"Making a good first impression, huh?" I said to myself.

Naglakad ako papasok at dalawang waiter ang bumati sa akin. The lady guided me to the rooftop kung saan isang lamesa lang ang nakaayos habang ang paligid ay napupuno na ng mapupulang bulaklak.

Pero ang nakaagaw ng atensiyon ko ay ang matangkad na lalaking nakadungaw sa railings ng rooftop. He's wearing a rolled-up plain white long sleeves and a black trousers. Even though he isn't facing me, I can see that he is fit enough because wide back says it all.

He faced me while taking a sip from a wine glass, at pagbaba ng wine glass na humaharang sa mukha niya ay nakita ko ang Italyanong mapungay ang mata. His hazel eyes roamed my body from head to toe na para bang sinusuri niyang mabuti ang aking postura. When his eyes met mine, I did my best to keep them locked, kahit pa naglalakad na siya papalapit sa akin.

I won't lie, he's gorgeous.

"Seah Alexandra Garcia?" he fluently pronounced.

"Mikhail De Luca," I responded.

"A worthy one," he said, describing me, I suppose. "Sei bellissima."

That made me smirk. Of course, I am beautiful.

"Grazie," I said, thanking him.

We walked our way into the dining table. He pulled out a chair for me so I sat there at sunod naman siyang umupo sa harap ko.

"How long have you been here in the Philippines?" I asked, trying to start a conversation.

Inilapag niya ang wine glass sa lamesa. "Dalawang linggo."

I tilted my head and raised an eyebrow. "Paano ka natutong magsalita ng Tagalog?" I then curiously asked.

"Several relatives of mine are Filipino, a reason why my family used to visit here when I was a still a child," he looked at me curiously, "paano ka naman natutuong magsalita ng Italyano?"

"I did not know that you can speak in Tagalog, that's why I decided to learn a bit."

He just nodded his head as a response. Itinaas niya ang kanang kamay niya na agarang nagpalapit sa isang waiter.

Nagsimula na kaming um-order ng mga pagkain. I ordered my usual while he ordered the most expensive ones. After that, he continued our conversation.

"The wedding is in four months. You can do the wedding plan, hindi ko 'yon pakikialaman."

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"What I mean is you can do anything you want with the wedding," sagot nito. "You get to pick everything and anything," aniya pa.

"You're not going to demand?" tanong ko ulit.

"This is just a business marriage contract. I don't care if you want to get married at home, basta't magpapakasal tayo."

He sounds cocky. Although, it's expected for rich businessmen to be a cocky one.

"Just send me the list of our wedding expenses, I will wire you the money," he added.

Hindi na 'ko kumibo pa dahil sakto namang dumating ang pagkain, I just want to get over this.

"Don't you have any question to me?" kalmadong tanong niya habang hinihiwa ang beef na nakahain sa harap niya.

"I'm expecting that you have a house here in Cebu," I said.

Napahinto siya sa paghiwa ng beef at binitawan ang utensils. "Hindi ba nasabi sa'yo ni Don Garcia?"

Alam kong halata na sa mukha ko ang pagtataka. Hindi nasabi ang ano?

"You're coming with me in Italy. We're going to live in Naples," he responded.

Napuno ng pagkagulat ang mukha ko dahil hindi ko alam na kailangan kong manirahan sa ibang bansa. Wala 'yon sa desisyon ko.

"Hindi puwede 'yon! Dito lang tayo sa Pilipinas!" laban ko.

"Then don't marry me if you want to stay here," he stated with a mad voice. "Kaya kong humanap ng ibang babae kung ayaw mo."

Para akong nakuryente sa mga huling salita niya. Why did it have to go this far?

Itinuloy niya ang pagkain habang ako naman ay naiwang nakatulala. "Thirty-million is not a small amount. I am not asking for much, Seah."

"Marrying you for money is already too much for me. What makes you think that I can live in Italy with you?" I protested.

Padabog niyang ibinaba ang utensils which shaken me from my seat. "Iyon ang napagkasunduan ng magulang natin. Live with me in Naples, work as an architect under me, and be a loyal wife."

Para bang ang daling sabihin ng lahat ng 'yon para sa kaniya, like it's just the two of us planning a vacation out of town. Mas pinili ko na lang na manahimik kaysa magsalita.

Sa mga panahong 'to, siya lang ang pag-asa ng pamilya ko. Sa laylayan ang deretso namin kung hindi ako makikisama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status