Tanggap ko na nga ba si Aldrick sa buhay ko? Natigilan ako sa tanong na ‘yon ni Aki. Alam ko na espesyal sa akin si Aldrick ngayon pero ang nararamdaman ko ba sa kan’ya ay sapat na para makalimutan ko si Colton? Hindi ba isa na naman na pag-rebound ang gagawin ko kung sakali? “Atasha, don’t overthink things and don’t make everything too complicated. Sundin mo kung ano ang sinasabi niyan.” Sabay turo ni Aki sa bahagi ng puso ko. “I think so, Aki. I think I do.” “You think what?” Pareho kami na napalingon ni Akiro sa boses na ‘yon ni Aldrick. Bigla na naman ang pamumula ng pisngi ko dahil hindi ko alam kung saan parte ng pag-uusap namin ni Akiro ang narinig niya. “Sabi ni Tash ay tingin niya nagsinungaling ka na naman sa kan’ya kanina. Sorry, bro, ‘di mo sinabi na ang sabihin ko ay hapon pa ang meeting.” Napabuga ako ng hangin ng mabilis ako na saluhin ni Aki. “Ah, eh, Tash, I didn’t mean to, gusto ko lang talaga sumama sa –“ “I know. You don’t have to explain.” Masuyo ko siya na
“Cole and Ashi! Nandito na ang tito ninong.” Ito ang bungad ni Akiro pagpasok sa kuwarto ng kambal. Kasunod niya ang ilan sa mga katulong na may mga bitbit na mga supot ng iba’t-ibang klase ng laruan. “Aki! Ano na naman ‘yan?” Naiinis na tanong ko sa kan'ya habang nakasimangot. “Toys!” “Yes, toys! Pero puwede na sila na magtayo ng sarili nila na toy store sa ginagawa mo.” “Ashi, Cole! tito daddy is here!” Sumunod na pumasok si Aldrick kasunod ang ilan sa mga bodyguards na mayro’n din bitbit na mga supot ng laruan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “What is this?!” sigaw ko sa dalawa. Sabay na napalingon sa akin sina Akiro at Aldrick. Bakas ang kaba sa mga mukha nila. “T-toys?!” kabado na sagot ni Aldrick. Pinanlakihan ko siya ng mata at ipinagkrus ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko. “Alam ko na mga laruan ‘yan! Ang tinatanong ko ay ano ang ibig sabihin ng ganyan karami na mga laruan? Bakit halos binili ninyo na ang buong tindahan?” “Babe, ‘wag ka na magalit. Napadaan ka
“Hon, let’s go out for lunch.” Bungad ng babae na kakapasok lamang sa opisina ni Colton Mijares. Kasalukuyan siya na nasa pagpupulong kasama ang mga kaibigan nang dumating ang babae kaya napasimangot ang bilyonaryo. “Lia, why are you here? I told Lawrence no visitors allowed as we are in a meeting.” Inis na inis na turan naman ng masungit na CEO habang madilim ang pagkakatingin sa babae na pumasok. “Quit it, hon, I am not a visitor. I work here, remember? And most importantly, I am your girlfriend! And besides, sina Migs at Kane naman ang kausap mo. Kaya come on, let’s have lunch first. What is so important na hindi ka man lang makapag-lunch kasama ang girlfriend mo?” Lumapit si Lia sa kan’ya at dire-diretso na h*****k sa labi niya sa harap ng mga kaibigan. Kitang-kita ang pagkadismaya sa mga mukha ng dalawa sa ginawa ng babae. “Lia, it’s not even lunch break yet. And this is an important matter. Let’s just have dinner later okay?” Halata ang pigil na inis ni Colton sa babae. “Hm
Papunta na kami ngayon sa cathedral upang pormal na ipakilala ang kambal sa taong-bayan. At tulad ng ipinangako sa akin ni Akiro, triple ang seguridad na inihanda ni Nathan para sa amin na mag-iina. Dumagdag pa rito ang karagdagang palace guards mula sa Royal Laureus nila Aldrick. Kinakabahan pa rin ako dahil makalipas ang ilang taon ay muli ako na haharap sa maraming tao. Bukod pa roon ay ang pagpapakilala sa mga anak ko. Napukaw ang atensyon ko nang hawakan ni Aldrick ang mga kamay ko at malambing na ngumiti. “Everything okay, princess?” Tumango ako at nginitian din siya. Nasa kabilang sasakyan ang kambal kasabay si Akiro. Ang sabi ng security detail ay ihiwalay muna sa akin ang mga bata upang hind maging sa isang sasakyan lamang ang sentro kung sakali man na may magtatangka na gumawa ng hindi maganda sa amin. Pagdating sa cathedral ay marami na ang mga tao na nag-aabang. Pagkababa ni Aldrick ay sumunod ako na bumaba. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsalubong sa amin. Inalalay
Mahihina na katok sa pintuan ng aking silid ang nagpatigil sa malalim ko na pag-iisip. Paglingon ko ay nakadungaw sa may pintuan si Aldrick. "Are you ready, babe?” Malungkot na tanong niya habang papalapit sa akin. Umiling ako sa kan’ya. Hindi pa ako handa. Kailan ba magiging handa ang isang ina na magpaalam sa kan’yang anak? Marahil hindi kailanman. “Hinding-hindi ako magiging handa, Aldrick. Hinding-hindi.” Muli na naman nagsimula magsilagasan ang mga luha sa aking mga mata. Limang araw na ang nakakaraan. Limang araw buhat nang mangyari ang malagim na aksidente na ‘yon. Aksidente na kumuha sa isa sa mga kambal ko at nagdala kay Akiro sa ospital na hanggang sa mga oras na ito ay wala pa rin malay. “Alam ko masakit, Tash dahil nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Hindi lang ikaw, Atasha. Para ko na rin anak si Cole at lahat tayo ay apektado sa pagkawala niya. Alam ko higit ang sakit na nararamdaman mo kumpara sa amin lahat pero pangako, babe, mananagot ang dapat m
Naninibago ako rito sa palasyo. Muli ito na nabalot ng lungkot sa pagkawala ni Cole. Ang dati na masaya na kapaligiran ay naging payak. Hindi kayang punuan ni Ashira ang lahat ng lungkot na dala ng pagkamatay ni Cole. At pakiramdam ko hindi lang si Cole ang kinuha sa akin ng aksidente na ‘yon. Ramdam ko ang distansiya ni Akiro sa akin. Simula ng makalabas siya sa ospital at muli na makabalik dito sa palasyo ay parati na lamang siya na nagkukulong sa kan’yang kuwarto. Gusto ko siya na damayan at bigyan ng lakas. Pero paano mo nga ba bibigyan ng lakas at suporta ang isang tao kung alam mo sa sarili mo na ikaw mismo ay nangangailangan nito? Pareho kami na nangangapa ni Akiro sa dilim. Pareho kami na napupuno ng pagsisisi. Pareho kami na patuloy na nagdadalamhati at nasasaktan. “Akiro.” Mahina na katok ko sa pintuan ng silid niya. Hindi siya sumagot ngunit alam ko na gising siya. Nakita ko siya na kababalik lamang sa kan’yang silid. “Papasok na ako, Akiro.” Binuksan ko ang pintuan at
Tahimik na naglalaro si Ashira sa play area. Simula nang mawala si Cole ay hindi ko na ginusto na pumupunta sa kuwarto nila ni Ashira. Masyado na marami ang memorya na naro'’n at hindi ko kakayanin na lagi na maalala ang mga iyon. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon at alam ko na hindi mawawala ang sakit na ito. Gumapang si Ashira upang abutin ang isang bola na malimit nila na pinaglalaruan ng kan’yang kakambal. Pagkaabot niya ay bigla siya na tumawa na akala mo ay naro’n lang si Cole at kalaro niya. Muli ako na napaluha sa tanawin na ‘yon. Marahil nilalaro si Ashi ng kan’yang kambal na isa nang anghel ngayon. Bigla rin nanumbalik sa alaala ko si Colton, ang kanilang ama na pinagtaguan ko. Hindi pa man niya nakikilala ang kan’yang mga anak ay nawala na ang isa. Hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na makilala at makasama ang mga anak niya. Natatakot ako na malaman niya ang lahat at sumbatan niya ako sa mga pagkukulang ko. Kaya ngayon isa lang ang tangi na hiling ko, ang sana ay ‘
“I’m glad you’re trying to be happy, princess.” Kalalabas ko lang sa walk-in closet ko nang abutan ko si Akiro sa loob ng kuwarto ko na nakaupo sa couch. “Nasaan si Ashira?” tanong ko sa kan'ya. Naging ugali ko na ang hanapin si Ashi kapag nawawala siya sa paningin ko. Na-trauma na ako sa pagkawala ni Cole. “Nasaan pa ba? ‘Di naro’n sa mahal niya na lola. Ayaw ipahiram at ngayon lang daw niya nasolo.” Iminuwestra niya sa akin ang couch para patabihin ako. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. “How are you?” “Okay. Trying to be okay. Ikaw?” tanong ko rin sa kan’ya. “Just like you, taking it one step at a time. Minsan iniisip ko na I need to be happy in order to move forward. Pero ‘pag naiisip ko na magiging masaya ako ay mas lalo ako na binabagabag ng konsensya ko dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatan na maging masaya. After what happened with Cole, hindi na ako puwede na maging masaya.” Hinimas ko siya sa braso at malungkot na nginitian. “Hindi totoo ‘yan, Aki. You can be happ
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at tumangkilik sa istorya nina Colton Mijares at Atasha Altamirano-Mijares. Sana po ay nagustuhan ninyo ang kuwento nila. Sa mga umasa ng isang Aldrick sa buhay nila ay abangan po ninyo ang kuwento niya. Ang kuwento na siya naman ang bida at hindi na pang-second male lead lamang. Sana po ay suportahan ninyo rin ang iba pa na on-going stories ko sa GN: Elliot and Ariella - My back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Mikel and Tamara - Married to the Runaway Bride (Tagalog) Evan and Harper - The Rise of the Fallen Ex-Wife (Tagalog) Kenji and Reiko - Falling for the Replacement Mistress (Tagalog) Again, thank you for all your support. No words to express my gratitude to all of you. Hanggang sa susunod po na kuwento sana ay makasama ko pa kayo.
“Why are you staring at me, love?” Pupungas-pungas pa na tanong ni Atasha sa kan’yang asawa. Hindi namalayan ni Colton ang pagdilat ng asawa na si Atasha dahil masyado na natuon ang atensyon niya sa pagbabalik-tanaw niya sa naging love story nilang dalawa. Ang love story na hindi niya inakala na mapagtatagumpayan nila sa huli. Ngumiti siya at ginawaran ang asawa ng isang matamis na halik sa labi, "I’m just looking back at our love story. How far we’ve come along since that day that I saw you at the airport and met you in DU again." Namilog ang mga mata ni Atasha sa kan’yang sinabi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ni Colton. “You saw me at the airport? Kailan mo ako nakita sa airport? Paano?” Napasimangot si Colton sa kaalaman na hindi man lamang talaga siya tumatak sa isipan ni Atasha. Siya lang yata talaga ang tanging babae na hindi naapektuhan ng kan’yang presensya. Is he that ordinary to her, kaya hindi man lamang nabighani si Atasha sa kan’ya? “Ibig
Darkness. I was consumed by total darkness at hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kadiliman na kinasasadlakan ko. Pinipilit ko na makaalpas kung saan lugar ako na naro’n pero may pumipigil sa akin. At kahit na anong pilit ko ay patuloy lamang ako na paikot-ikot sa madilim na lugar na ito. Ang sabi nila kapag oras mo na ay makakakita ka ng liwanag na gagabay sa’yo sa direksyon na patutunguhan mo, pero bakit sa akin ngayon ay walang kahit na anong liwanag? Wala akong maaninag na kahit na anong senyales ng buhay kung hindi ang patuloy na kadiliman lamang. I am lost and I am scared. Natatakot ako dahil hindi ko masilayan ang pamilya ko. Hindi ko makita si Atasha at ang kambal. Hindi ko maramdaman ang presensya ng babaeng mahal ko at ang mga anak ko. Is this the end? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? Hanggang dito na lamang ba ang pakikipaglaban ko sa buhay? And because of the darkness, I found myself engulfed in it. Napapagod na ako na lumaban, napapagod na rin ako sa lahat.
Things were never easy dahil patuloy kami na sinusubok ng tadhan at ng pagkakataon. It’s as if the world is conniving against us. Pilit kami na pinagtatagpo pero pilit din kami na binibigyan ng rason upang magkahiwalay. But this time, we both stood with each other. Hindi na kami makakapayag na mawala at mahiwalay sa bawat isa lalo na at inuumpisahan na namin na buuin ang aming pamilya. At lahat ay gagawin namin para lamang makamit ang matagal na namin na pangarap na ito. And then another challenge came over us. Samantha Randal kidnapped our twins. At hindi ko alam kung ano ang gusto ko na gawin kay Samantha sa mga oras na iyon. She is Atasha's fucking bestfriend, but she is a traitor. “Colton.” “Fucking Samantha, Migs! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, pero pagsisisihan niya ito for hurting Atasha this way.” galit na galit na turan ko kay Miguel. At sa mga oras na ito ay wala akong pakikinggan na eksplanasyon. No words of wisdom from Miguel can change th
“Ano? Sigurado ka ba sa mga plano mo na ito, Colton?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Miguel na sigurado ako ay hindi sang-ayon sa mga plano ko. “Yes, I need to make a diversion, Migs, and Lia is the available option that I have. She likes me so everything will be easier at wala na rin magiging pagtatanong pa ang pamilya namin kung sakali.” “I’m not sure about this. Hindi ganito kadali mo lamang na malilinlang ang mag-ina na iyon. At higit sa lahat, are you sure about Lia Madrigal? Alam natin ang background ni Lia and it’s not good, Colton.” “I need to try, Migs. I need to try to get them away from planning something against Atasha. Alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala niya at kailangan ko na patuloy na siguruhin ang kaligtasan niya.” “We’ve been trying to find evidence, Colton, pero hanggang ngayon ay wala tayong link na may kinalaman nga sila sa pagkawala ni Atasha. Hindi kaya sinadya ni Atasha na umalis?” “Why would you even say that? Everything is good between us at wal
“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mo sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babaeng napupulot mo sa bar gabi-gabi?” Those words coming from her totally destroyed me. Ang maalab na gabi na pinagsaluhan namin ay nauwi sa pagtatalo nang magising siya at mahimasmasan sa kalasingan. She thought that I always engaged in one-night stands, but I never did. Last night was the first, and she was my first. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kan’ya lalo na at iniwan niya na lang ako ng basta-basta. And what’s worst? She never bothered to know who I am, wala siyang pakialam sa presensya ko sa kan’ya. I don’t matter to her, and it’s that simple for her to leave me after what happened. Tang-ina lang talaga na parang nagkabaligtad pa kami ng papel dahil ako pa ang nag-iisip dahil sa nangyari sa pagitan namin habang siya ay walang pakialam. Mas lalo ko siya na hindi makalimutan pagkatapos nang nangyari sa amin. How ca
I continued admiring her and loving her from afar. Kahit na ano ang gawin ko, Atasha Andres is clouding my mind. But I am a gentleman at marunong ako na tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit na masakit sa akin na kay Yulence siya napunta ay wala akong ginawa upang magkasira silang dalawa. Her happiness is my happiness even if it hurts me deep inside. “Tasha!” Gulat na gulat si Atasha habang naglalakad sa labas ng DU building nang marinig ang malakas na boses ni Yulence. Nasaktuhan ko ang paglabas niya kanina kaya naisipan ko na tingnan kung saan siya papunta dahil hindi ko nakita na sinundo siya ni Yulence. Sinadya ko na magtago upang hindi nila malaman ang presensya ko. “I have to go, Yulence.” Pilit niya na nilampasan si Yulence ngunit hinatak siya nito sa braso dahilan upang bumangga siya sa dibdib nito. Bumangon ang inis ko dahil sa nakita ko na marahas na pagtrato sa kan’ya ni Yulence. “We need to talk, Tash. Please talk to me.” Pagsusumamo ni Yulence. “Wala na tayong dapat p
“Hi Atasha!” Gulat na lumingon ang babae sa tumawag sa pangalan niya at paglingon niya ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti sa kan’yang labi. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit ng lalaki na tumawag sa kan’ya. May dala-dala na tsokolate ang lalaki na ngiting-ngiti rin na nakatunghay kay Atasha. Inabot niya kay Atasha ang bitbit niya kaya mabilis naman na pinamulahanan pa ng mukha si Atasha habang hiyang-hiya na nagpasalamat. “Thank you, Yulence. Para saan ba ang mga ito?” Hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya habang titig na titig sa kanya si Yulence Villagomeza, my fucking step-brother. “I told you last time na liligawan kita, hindi ba? Don’t tell me na nakalimutan mo na kaagad.” Lalo na pinamulahanan ng mukha si Atasha Andres sa sinabi ni Yul pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya, “Let’s go and let’s have dinner at pagkatapos ay ihahatid na kita sa apartment mo.” Pagyaya pa ni Yulence sa kan’ya habang nakahawak ang mga kamay sa beywang ni
Mataman na pinagmamasdan ni Colton ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay asawa na niya ang babae na kan’yang pinapangarap. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kabutihan na nagawa niya upang pagbigyan siya sa naging hiling niya na maging asawa ang babae na bumihag sa puso niya. Napangiti pa siya nang maalala kung gaano nila pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan kagabi. Hinimas niya ang ulo ng tulog na tulog na asawa at muli na binalikan ang kanilang nakaraan. --- “Ouch!” Shit! Napatigil at napalingon ako nang marinig ang mahina na impit na boses na ‘yon ng isang babae. Dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko siya at nagsilaglagan ang mga gamit na dala-dala niya. Itinaas ko ang shades na suot-suot ko at inilagay iyon sa aking ulo at muli ako na napatingin sa babae na nakayuko na nagpupulot ng mga gamit na nalaglag. “I’m sorry, miss, hindi kita napansin. Are you alright?” Tanong ko pa pero ang aking atensyon ay