“I’m glad you’re trying to be happy, princess.” Kalalabas ko lang sa walk-in closet ko nang abutan ko si Akiro sa loob ng kuwarto ko na nakaupo sa couch. “Nasaan si Ashira?” tanong ko sa kan'ya. Naging ugali ko na ang hanapin si Ashi kapag nawawala siya sa paningin ko. Na-trauma na ako sa pagkawala ni Cole. “Nasaan pa ba? ‘Di naro’n sa mahal niya na lola. Ayaw ipahiram at ngayon lang daw niya nasolo.” Iminuwestra niya sa akin ang couch para patabihin ako. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. “How are you?” “Okay. Trying to be okay. Ikaw?” tanong ko rin sa kan’ya. “Just like you, taking it one step at a time. Minsan iniisip ko na I need to be happy in order to move forward. Pero ‘pag naiisip ko na magiging masaya ako ay mas lalo ako na binabagabag ng konsensya ko dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatan na maging masaya. After what happened with Cole, hindi na ako puwede na maging masaya.” Hinimas ko siya sa braso at malungkot na nginitian. “Hindi totoo ‘yan, Aki. You can be happ
Isang malakas na iyak ng sanggol ang gumising kay Kane. Pilit siya na pumikit ulit upang makabalik sa pagtulog. Kinuha niya ang unan sa tabi niya at itinabing iyon sa tainga niya. Ngunit ano man pilit niya ay ‘di siya makatulog dahil sa ingay ng bata na iyak nang iyak. Padabog siya na bumangon at lumabas ng kuwarto. Inis na inis siya sa naistorbo niya na tulog. Ilan linggo na rin siya na naririto sa bahay nila sa probinsiya at ilan linggo na rin siya na hindi napagkakatulog. Puyat na puyat na siya at sumasakit na ang ulo sa kakaisip, tapos kung kailan naman na dinalaw na siya ng antok at makakatulog na sana ay umatungal naman ng pagkalakas-lakas ang bata. “Kane, buti at gumising ka na. Kanina pa iyak nang iyak ang bata. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasa’n ba kasi ang mga magulang niya at bakit ba napunta sa’yo ang bata? Kaguwapo na bata pa naman. Siguro ay may lahi ang mga magulang niya, kaganda ng kombinasyon.” Ito ang dire-diretso na bungad sa kan’ya ng tiyahin niya. Ang aga-
“Auntie, luluwas muna ako ng Maynila bukas. May mga kailangan lamang ako na daluhan na importante na miting at ayusin sa opisina at baka mga isang linggo rin ako na mamalagi sa Maynila.” Pagpapaalam ni Kane sa kan'yang Auntie Sabel nang naghahapunan sila. Matandang dalaga ang Auntie Sabel niya at ang kasama lang din ay ang pamangkin na anak ng namayapa na kapatid. “Iiwanan kita ng pera para sa mga pangangailangan ng bata. Bibilinan ko na lamang din si Dustin na tulungan ka na bantayan si Cole.” “Hanggang kailan ba ang bata rito, Kane? Hindi naman sa ayaw ko siya na nandito. Sa totoo lang ay natutuwa naman ako sa bata kaya nga lang ay minsan iniisip ko na baka hinahanap-hanap din niya ang mga magulang niya kaya madalas ang pag-iyak niya. Nakakaawa lalo na kapag ayaw talaga niya tumigil sa pag-iyak. Baka hindi sanay sa probinsiya ang bata. Isa pa, mukhang anak mayaman iyan baka ba naninibago sa pamumuhay rito. Hindi ba at mas makabubuti na ro’n mo siya itira sa mansyon ninyo?” “Aunti
Isang oras bago pa ang takdang oras nang pagkikita nina Kane Loyola at Yulence Villagomeza ay naro’n na si Kane. Sa dulo na bahagi siya pumuwesto upang walang makagambala sa kanilang pag-uusapan. Inihahanda na niya ang sarili niya. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya ngayon. Ang isang bahagi ng utak niya ay nasisiyahan at hindi mapakali dahil malapit na siya na makaganti kay Colton. Malapit na niya na mapabagsak ang kaibigan. Ngunit may natitira na bahagi ng isip niya na naaawa para kay Cole. Sa sanggol na nakasama niya ng ilang linggo na rin. Alam niya na hindi niya dapat dinadamay ang bata pero sa ngayon si Cole lang ang paraan niya ng paghihiganti. Iwinaksi niya sa kan’yang puso at isipan ang awa. Wala ng lugar ang awa sa ngayon. Hindi siya maaari na maawa dahil poot at galit ang nararamdaman niya sa ama ng bata. “Ano ang pag-uusapan natin.” Tanong ni Yulence habang padabog na naupo sa katapat na upuan niya. “Yulence Villagomeza.” bati niya rito. “Ayaw ko nang magpaligo
Nagpupuyos sa galit si Yulence Villagomeza. Galit na galit siya at hindi niya matanggap na naungusan na naman siya ng walanghiya na si Colton Mijares. At ang lalo na hindi niya matanggap ay kay Atasha pa siya nito naunahan. Oo, inggit, ito ang nararamdaman niya kay Colton. Simula ng makuha ng ina niya si Celsius Mijares ay wala na silang tigil sa kakaplano na mag-ina kung paano isasabotahe ang pamamahala at posisyon ni Colton, ang nag-iisang tagapagmana. Masuwerte si Colton na ipinanganak siya sa mayaman na pamilya. Hindi gaya niya na sa isang kahig at sa isang tuka. Kung ano-ano ang kailangan gawin ng kan’yang ina para lamang maabot ang karangyaan at kasaganaan na tinatamasa nila ngayon. Ito ang dahilan kung bakit gusto niya na angkinin ang lahat ng mayroon si Colton. Tama na ang matagal na panahon na nakaranas siya ng masagana na buhay. Si Atasha Andres. Hindi talaga ang tipo ni Atasha ang nililigawan niya. Pero nang minsan na mahuli niya si Colton na nakatitig sa babae ay alam ni
“Hon, come on. You promised me na sasama ka ngayon sa night-out with my friends. They are really looking forward to meet you.” Ito ang pangugulit ni Lia Madrigal sa kan’yang nobyo na si Colton Mijares sa opisina nito. “I can’t, Lia. Madami akong trabaho ngayon. Hindi ako puwede na umalis just because you asked me to.” naiinis na sagot ng lalaki. “Well, you promised.” Sumimangot pa ang babae sa pag-aakala na makukuha niya ang atensyon ng kasintahan sa ganoon na paraan. Ang hindi niya alam ay lalo lamang na naiirita ang kan'yang nobyo sa mga inaasal niya. Bumuntong-hininga ang lalaki tsaka muli na nagsalita, “Hindi ako nangako, Lia. What I said is I will try. But I never made a promise. Why don’t you go and enjoy the night with your friends.” “But they need to meet you, after all your Colton Mijares. Gusto kita na ipagmalaki sa kanila kaya kailangan mo na sumama.” Lumapit pa ang babae sa kasintahan at masuyo na humawak sa braso nito. “I’m busy, Lia. Really busy right now. And you kn
Hindi makapaniwala si Colton sa narinig buhat kay Ofelia sa mga oras na ‘yon. May anak siya kay Atasha? Bigla ang dami nang tumatakbo sa isipan niya. Isa ba ito sa dahilan kaya umalis si Atasha? Kaya ba hindi niya makita si Atasha dahil sadya niya na itinago ang pagbubutis sa kan’ya? Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman sa mga oras na ito at sa kaisipan na iyon. “I’m giving you enough time to think about your decisions, Colton.” Muli na napabalik si Colton sa kasalukuyan nang magsalita si Ofelia. “What makes you think na maniniwala ako sa’yo? Nasaan ang bata? At paano mo nalaman ito? You don't expect me to believe you without proof, right?” madiin na tanong ni Colton sa babae. “Kung ayaw mo na maniwala hindi ko na problema iyon, Colton. Inilalapag ko sa’yo ang mga kondisyon ko. Ngayon na sa'yo na ang pagdedesisyon kung maniniwala ka o hindi. Basta’t kapag hindi ka nag-resign ay ako mismo ang magsasabi sa ama mo ng katotohanan. Katotohanan na pinabayaan mo ang sarili mo
“Sam, are you sure about this?” may pag-aalala na tanong ni Icel sa kaibigan. “Yes, Icel, just trust me on this. Kailangan natin na mahanap si Atasha. Mahigit isang taon na siya na biglaan na nawala at alam ko si Colton ang makakatulong sa atin. Ice did everything he could para mahanap si Tash, pero wala eh.” sagot niya sa kaibigan. “Pero, Sam, hinanap din siya ni Colton at patuloy na hinahanap pero hindi pa rin siya makita. I’ve got a feeling na sinadya ito ni Tash. Sa kung ano ang dahilan ay hindi ko rin alam. Pero sana ay okay lang siya at sana ay maayos siya kung nasaan man siya ngayon.” Tumahimik na lamang si Sam sa sinabi na ‘yon ng kaibigan na si Icel. Lahat sila ay pursigido na mahanap si Atasha dahil bigla na lamang ito naglaho. Walang kahit na anong paalam sa kahit na sino sa kanila. Kahit ang trabaho na inaasahan nito ay basta na lamang iniwan at tinalikuran. At hindi nila malaman ang dahilan. Pamilya ang turing nila kay Atasha dahil nag-iisa lang dito sa Maynila ang kai
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at tumangkilik sa istorya nina Colton Mijares at Atasha Altamirano-Mijares. Sana po ay nagustuhan ninyo ang kuwento nila. Sa mga umasa ng isang Aldrick sa buhay nila ay abangan po ninyo ang kuwento niya. Ang kuwento na siya naman ang bida at hindi na pang-second male lead lamang. Sana po ay suportahan ninyo rin ang iba pa na on-going stories ko sa GN: Elliot and Ariella - My back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Mikel and Tamara - Married to the Runaway Bride (Tagalog) Evan and Harper - The Rise of the Fallen Ex-Wife (Tagalog) Kenji and Reiko - Falling for the Replacement Mistress (Tagalog) Again, thank you for all your support. No words to express my gratitude to all of you. Hanggang sa susunod po na kuwento sana ay makasama ko pa kayo.
“Why are you staring at me, love?” Pupungas-pungas pa na tanong ni Atasha sa kan’yang asawa. Hindi namalayan ni Colton ang pagdilat ng asawa na si Atasha dahil masyado na natuon ang atensyon niya sa pagbabalik-tanaw niya sa naging love story nilang dalawa. Ang love story na hindi niya inakala na mapagtatagumpayan nila sa huli. Ngumiti siya at ginawaran ang asawa ng isang matamis na halik sa labi, "I’m just looking back at our love story. How far we’ve come along since that day that I saw you at the airport and met you in DU again." Namilog ang mga mata ni Atasha sa kan’yang sinabi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ni Colton. “You saw me at the airport? Kailan mo ako nakita sa airport? Paano?” Napasimangot si Colton sa kaalaman na hindi man lamang talaga siya tumatak sa isipan ni Atasha. Siya lang yata talaga ang tanging babae na hindi naapektuhan ng kan’yang presensya. Is he that ordinary to her, kaya hindi man lamang nabighani si Atasha sa kan’ya? “Ibig
Darkness. I was consumed by total darkness at hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kadiliman na kinasasadlakan ko. Pinipilit ko na makaalpas kung saan lugar ako na naro’n pero may pumipigil sa akin. At kahit na anong pilit ko ay patuloy lamang ako na paikot-ikot sa madilim na lugar na ito. Ang sabi nila kapag oras mo na ay makakakita ka ng liwanag na gagabay sa’yo sa direksyon na patutunguhan mo, pero bakit sa akin ngayon ay walang kahit na anong liwanag? Wala akong maaninag na kahit na anong senyales ng buhay kung hindi ang patuloy na kadiliman lamang. I am lost and I am scared. Natatakot ako dahil hindi ko masilayan ang pamilya ko. Hindi ko makita si Atasha at ang kambal. Hindi ko maramdaman ang presensya ng babaeng mahal ko at ang mga anak ko. Is this the end? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? Hanggang dito na lamang ba ang pakikipaglaban ko sa buhay? And because of the darkness, I found myself engulfed in it. Napapagod na ako na lumaban, napapagod na rin ako sa lahat.
Things were never easy dahil patuloy kami na sinusubok ng tadhan at ng pagkakataon. It’s as if the world is conniving against us. Pilit kami na pinagtatagpo pero pilit din kami na binibigyan ng rason upang magkahiwalay. But this time, we both stood with each other. Hindi na kami makakapayag na mawala at mahiwalay sa bawat isa lalo na at inuumpisahan na namin na buuin ang aming pamilya. At lahat ay gagawin namin para lamang makamit ang matagal na namin na pangarap na ito. And then another challenge came over us. Samantha Randal kidnapped our twins. At hindi ko alam kung ano ang gusto ko na gawin kay Samantha sa mga oras na iyon. She is Atasha's fucking bestfriend, but she is a traitor. “Colton.” “Fucking Samantha, Migs! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, pero pagsisisihan niya ito for hurting Atasha this way.” galit na galit na turan ko kay Miguel. At sa mga oras na ito ay wala akong pakikinggan na eksplanasyon. No words of wisdom from Miguel can change th
“Ano? Sigurado ka ba sa mga plano mo na ito, Colton?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Miguel na sigurado ako ay hindi sang-ayon sa mga plano ko. “Yes, I need to make a diversion, Migs, and Lia is the available option that I have. She likes me so everything will be easier at wala na rin magiging pagtatanong pa ang pamilya namin kung sakali.” “I’m not sure about this. Hindi ganito kadali mo lamang na malilinlang ang mag-ina na iyon. At higit sa lahat, are you sure about Lia Madrigal? Alam natin ang background ni Lia and it’s not good, Colton.” “I need to try, Migs. I need to try to get them away from planning something against Atasha. Alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala niya at kailangan ko na patuloy na siguruhin ang kaligtasan niya.” “We’ve been trying to find evidence, Colton, pero hanggang ngayon ay wala tayong link na may kinalaman nga sila sa pagkawala ni Atasha. Hindi kaya sinadya ni Atasha na umalis?” “Why would you even say that? Everything is good between us at wal
“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mo sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babaeng napupulot mo sa bar gabi-gabi?” Those words coming from her totally destroyed me. Ang maalab na gabi na pinagsaluhan namin ay nauwi sa pagtatalo nang magising siya at mahimasmasan sa kalasingan. She thought that I always engaged in one-night stands, but I never did. Last night was the first, and she was my first. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kan’ya lalo na at iniwan niya na lang ako ng basta-basta. And what’s worst? She never bothered to know who I am, wala siyang pakialam sa presensya ko sa kan’ya. I don’t matter to her, and it’s that simple for her to leave me after what happened. Tang-ina lang talaga na parang nagkabaligtad pa kami ng papel dahil ako pa ang nag-iisip dahil sa nangyari sa pagitan namin habang siya ay walang pakialam. Mas lalo ko siya na hindi makalimutan pagkatapos nang nangyari sa amin. How ca
I continued admiring her and loving her from afar. Kahit na ano ang gawin ko, Atasha Andres is clouding my mind. But I am a gentleman at marunong ako na tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit na masakit sa akin na kay Yulence siya napunta ay wala akong ginawa upang magkasira silang dalawa. Her happiness is my happiness even if it hurts me deep inside. “Tasha!” Gulat na gulat si Atasha habang naglalakad sa labas ng DU building nang marinig ang malakas na boses ni Yulence. Nasaktuhan ko ang paglabas niya kanina kaya naisipan ko na tingnan kung saan siya papunta dahil hindi ko nakita na sinundo siya ni Yulence. Sinadya ko na magtago upang hindi nila malaman ang presensya ko. “I have to go, Yulence.” Pilit niya na nilampasan si Yulence ngunit hinatak siya nito sa braso dahilan upang bumangga siya sa dibdib nito. Bumangon ang inis ko dahil sa nakita ko na marahas na pagtrato sa kan’ya ni Yulence. “We need to talk, Tash. Please talk to me.” Pagsusumamo ni Yulence. “Wala na tayong dapat p
“Hi Atasha!” Gulat na lumingon ang babae sa tumawag sa pangalan niya at paglingon niya ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti sa kan’yang labi. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit ng lalaki na tumawag sa kan’ya. May dala-dala na tsokolate ang lalaki na ngiting-ngiti rin na nakatunghay kay Atasha. Inabot niya kay Atasha ang bitbit niya kaya mabilis naman na pinamulahanan pa ng mukha si Atasha habang hiyang-hiya na nagpasalamat. “Thank you, Yulence. Para saan ba ang mga ito?” Hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya habang titig na titig sa kanya si Yulence Villagomeza, my fucking step-brother. “I told you last time na liligawan kita, hindi ba? Don’t tell me na nakalimutan mo na kaagad.” Lalo na pinamulahanan ng mukha si Atasha Andres sa sinabi ni Yul pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya, “Let’s go and let’s have dinner at pagkatapos ay ihahatid na kita sa apartment mo.” Pagyaya pa ni Yulence sa kan’ya habang nakahawak ang mga kamay sa beywang ni
Mataman na pinagmamasdan ni Colton ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay asawa na niya ang babae na kan’yang pinapangarap. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kabutihan na nagawa niya upang pagbigyan siya sa naging hiling niya na maging asawa ang babae na bumihag sa puso niya. Napangiti pa siya nang maalala kung gaano nila pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan kagabi. Hinimas niya ang ulo ng tulog na tulog na asawa at muli na binalikan ang kanilang nakaraan. --- “Ouch!” Shit! Napatigil at napalingon ako nang marinig ang mahina na impit na boses na ‘yon ng isang babae. Dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko siya at nagsilaglagan ang mga gamit na dala-dala niya. Itinaas ko ang shades na suot-suot ko at inilagay iyon sa aking ulo at muli ako na napatingin sa babae na nakayuko na nagpupulot ng mga gamit na nalaglag. “I’m sorry, miss, hindi kita napansin. Are you alright?” Tanong ko pa pero ang aking atensyon ay