“Sa wakas at lumabas ka rin sa lungga mo. Ano ang ginagawa mo rito sa probinsya, Kane Loyola?” Tinig na naman ni Samantha Randal ang naulinigan ni Kane nang lumabas siya sa kan’yang kuwarto at nagpasya na magpahangin sa may balkon. Hindi niya alam kung sadya ba siya na inaabangan nito kahit na pilit na siya na nagtatago at umiiwas rito. Simula nang dumating ang babae kahapon ay pilit na iniiwasan ni Kane si Samantha. Nagkulong na lamang siya sa kuwarto niya sa maghapon dahil ayaw niya na makausap ang kaibigan ni Atasha. Alam niya kung gaano kadaldal si Sam at sigurado si Kane na hindi siya makakaligtas sa mga pagtatanong na gagawin ng babae. “It’s none of your business, Samantha. Hindi ba at si Dustin ang pinuntahan mo rito? Bakit mukhang ako ang inaabangan mo?” Sarkastiko na pahayag pa ni Kane sa babae. Pakiramdam niya talaga ay minalas pa siya na masaktuhan ng babae sa paglabas niya sa kan'yang silid. Isa sa dahilan kung bakit pilit na iniiwasan ni Kane ang babae ay dahil sa kadah
Masayang-masaya si Lia Madrigal sa araw na ito. Ilang araw na lamang ang kailangan nila na hintayin upang maisakatuparan ang kanilang mga plano laban kina Colton at Atasha. Konting-konti na pagtitiis na lang ang kailangan nila at hindi lang ang isang Colton Mijares ang magmamakaawa sa kanila kung hindi pati ang Prinsesa Atasha na iyon. Hindi niya akalain na sa hinaba-haba man ng prusisyon ay sa kan’ya pa rin na mga kamay mahuhulog ang Mijares Empire at lalong lalo na ang lalaki na makapagbibigay sa kan'ya ng katanyagan at kapangyarihan na inaasam-asam niya. “Lia, kamusta na ang mga plano natin?” Tanong ni Yulence sa kan’ya na mukhang atat na atat na rin sa mga magiging hakbang nila sa mga susunod na araw. “Siguro naman ay magbubunga na ang halos isang buwan na pagpaplano natin at siguro naman ay maaasahan iyan tao na kausap mo.” “We’re almost at the finish line, Yulence. At huwag ka mag-alala, sigurado ako sa kakampi natin. I am right all along, may mga tao pa rin na nagngingitngit
Noon isang linggo pa nakarating sa Pilipinas si Prinsipe Aldrick kasama ang ilan sa mga tauhan ng mga Laureus sa pangunguna ni Elon. Matapos makakalap ng ilan impormasyon ni Elon ay naging mabilisan ang lahat ng paghahanda nila para agad na makalipad patungo sa Pilipinas. Mabuti na lamang din at naibaba na ang hatol sa reyna bago pa makaalis ng Genova ang prinsipe. Inaasahan na ni Aldrick na hindi lubusan na kapatawaran at ligtas sa sentensya ang kahihinatnan ng kan’yang ina. Alam niya na kailangan pa rin ng kan’yang ina na pagbayaran ang mga masasama na nagawa sa mga Altamirano, lalo na at kamuntik na iyon na ikamatay ng prinsipe na susunod sa trono bilang hari. Kahit paano ay maluwag sa dibdib nila na tinanggap ang hatol na labin-limang taon na pagkakakulong para sa kan’yang ina. Bumuhos ang mga luha sa araw na iyon nang masentensyahan ang kan’yang ina. Kahit ang kan’yang ama na hari ay hindi napigilan ang samu’t-sari na emosyon nang maibaba ang hatol. Pero kagaya ni Aldrick ay wa
Hindi ako makapaniwala nang sabihin sa amin ni Nathan na nakatakda na pumunta si Aldrick dito sa bahay ngayon araw. Hindi ko inaasahan ang balita na iyon lalo na at kabababa lang ng sentensya sa kan'yang ina na reyna. Akala ko nang huli kami na makapagpaalamanan ay matatagalan pa ang muli namin na paghaharap. Bukod sa naging problema namin dalawa ay alam ko ang marami pa na responsibilidad na nakaatang kay Aldrick bilang prinsipe kaya talaga na lubos ang gulat ko nang ibalita ni Nathan na nagpasabi si Aldrick na darating siya. At nang muli ko siya na makita kanina ay hindi ko mapigilan ang galak na nararamdaman ko sa puso ko. Alam ko na hindi pa lubos na nawawala ang sakit ng mga nagawa ko sa kan’ya pero masaya ako na gumagawa ng hakbang si Adrick upang maayos ang relasyon niya kay Colton at muli na manumbalik ang pagkakaibigan namin. Alam ko rin na hindi pa natatapos ang matinding mga problema na kinakaharap niya, kababalita lang din sa amin ni Akiro ang naging sentensya sa reyna. A
“Hello, everybody! Surprise!” Matinis na boses ni Samantha ang bumulaga sa amin habang nag-aalmusal kami nila Colton ilang araw matapos ang pagbisita ni Aldrick sa amin. Hindi ko man inaasahan ang pagdating niya ay tumayo ako upang salubungin siya ng yakap. “Ginulat mo kami, hindi ka nagpasabi na darating ka.” “Hindi na magiging surprise iyon, Atasha, kung sinabi ko ahead of time.” “Sam, join us for breakfast.” Pagyaya naman ni Colton sa kan’ya. “Iyon talaga ang plano ko. Ang aga ko umalis ng Maynila para sumakto sa almusal ninyo.” Umupo pa siya sa tabi ni Nathan na kasalukuyan din na nakasabay namin na kumakain. “Hi, handsome! Na-miss mo ba ako? Ako kasi na-miss kita.” Maarte pa na tanong niya kay Nathan. Hindi inaasahan ni Nathan ang tanong na iyon kaya nasamid pa siya at si Samantha pa mismo ang nag-abot ng tubig sa kan'ya. Naiiling na lamang ako sa kalokohan na ginagawa ng kaibigan ko. “Ayos ka lang ba, Nate? Ikaw naman nakatabi mo lang ako ninerbiyos ka na.” Maarte na tanon
Kabadong-kabado si Samantha Randal ngayon araw na ito. Sa kabila ng mga ngiti sa kan’yang labi ay ang katotohanan na nanlalambot ang kan’yang mga tuhod at patuloy ang pagdagundong ng puso niya. Hindi siya sigurado sa mga mangyayari ngayon araw. Hindi niya alam kung saan siya pupulutin pagdating ng kinabukasan. Iisa lang ang tumatakbo sa isipan niya at ito ay ang kailangan niya na panindigan ang pagpayag niya na pagtulong kay Kane Loyola. “Mam Samantha.” Seryoso na tawag sa kan’ya ni Nathan habang papalapit sa kan’ya kaya naman lalo ang pagdagundong ng puso niya. Natatakot siya sa mga tingin na ipinupukol sa kan'ya ni Nathan dahil ang pakiramdam niya ay lagi nito na pinaghihinalaan ang mga kilos niya. “Hoy, Nathan, maka-mam ka naman diyan ay wagas na wagas. Baby na lang ang itawag mo sa akin, puwede naman iyon.” Pilit ni Samantha na pinapasaya ang boses niya at ginagawa niya na normal na masayahin ang kan’yang disposisyon upang walang makahalata sa nakaamba niya na kalokohan na gagaw
Biglaan ang muli na pagdalaw sa amin ni Aldrick ngayon araw pero sa kabila noon ay masaya ako dahil nararamdaman ko ang kagustuhan niya na mapalapit sa amin. Kasalukuyan kami na nasa study at ibinabalita niya sa amin ang ilan sa kaganapan sa Genova lalo na ang tungkol sa kanilang ina na reyna. Payapa ang kalooban ko na kahit paano ay maayos na rin ang lahat sa pagitan ng pamilya ng Altamirano at pamilya ng Laureus. Alam ko na sa hinaharap ay tuluyan na rin magkakapatawaran ang aming pamilya lalo pa at pinagbabayaran na ni Reyna Isabel ang kan’yang mga pagkakasala sa amin. Sunod-sunod na katok sa pintuan ang gumulat sa amin kasunod ang nagmamadali na makapasok na si Nathan. “Narito si Kane Loyola.” Gulat ang rumehistro sa aming lahat. “Si Kane? Paano nalaman ni Kane ang bahay ko?” Hindi makapaniwala na tanong ni Colton kay Nathan. “Ano ang gusto ng Loyola na iyan?” singit naman ni Aldrick sa usapan. Hindi ko maintindihan pero grabe ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako
Hindi magkamayaw ang mga tauhan sa mansyon ni Colton Mijares. Nagkakagulo at nahihintatakutan ang lahat ng tauhan sa maaari nila na kahantungan lalo na at hindi nila malaman kung paano sila natakasan ng isang babae na bitbit pa ang dalawang anak ng kanilang amo. Lalo pa ang kaba ng bawat isa sa kanila dahil kanina pa nagwawala ang bilyonaryo at hindi na maipinta ang mukha nito dahil sa hanggang ngayon ay wala pa rin malay ang kasintahan na prinsesa. Kanina pa galit na galit ang CEO at binubungangaan ang mga tauhan dahil sa pagkakawala ng mga anak. Hindi niya matanggap na sa kabila ng higpit ng kanilang seguridad ay may magtatangka at makakalusot pa na gawan sila ng masama at ang pinakamatindi ay sa loob pa mismo ng kan’yang pamamahay. “Ano ang nangyari? Nasaan ang mga bata?” Humahangos na tanong ni Miguel nang maabutan ang mga kalalakihan sa sala ng bahay. “Fucking Randal! Kinuha ni Samantha ang mga anak ko at hindi na kinaya ni Atasha ang lahat at hinimatay na at hanggang ngayon a
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at tumangkilik sa istorya nina Colton Mijares at Atasha Altamirano-Mijares. Sana po ay nagustuhan ninyo ang kuwento nila. Sa mga umasa ng isang Aldrick sa buhay nila ay abangan po ninyo ang kuwento niya. Ang kuwento na siya naman ang bida at hindi na pang-second male lead lamang. Sana po ay suportahan ninyo rin ang iba pa na on-going stories ko sa GN: Elliot and Ariella - My back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Mikel and Tamara - Married to the Runaway Bride (Tagalog) Evan and Harper - The Rise of the Fallen Ex-Wife (Tagalog) Kenji and Reiko - Falling for the Replacement Mistress (Tagalog) Again, thank you for all your support. No words to express my gratitude to all of you. Hanggang sa susunod po na kuwento sana ay makasama ko pa kayo.
“Why are you staring at me, love?” Pupungas-pungas pa na tanong ni Atasha sa kan’yang asawa. Hindi namalayan ni Colton ang pagdilat ng asawa na si Atasha dahil masyado na natuon ang atensyon niya sa pagbabalik-tanaw niya sa naging love story nilang dalawa. Ang love story na hindi niya inakala na mapagtatagumpayan nila sa huli. Ngumiti siya at ginawaran ang asawa ng isang matamis na halik sa labi, "I’m just looking back at our love story. How far we’ve come along since that day that I saw you at the airport and met you in DU again." Namilog ang mga mata ni Atasha sa kan’yang sinabi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ni Colton. “You saw me at the airport? Kailan mo ako nakita sa airport? Paano?” Napasimangot si Colton sa kaalaman na hindi man lamang talaga siya tumatak sa isipan ni Atasha. Siya lang yata talaga ang tanging babae na hindi naapektuhan ng kan’yang presensya. Is he that ordinary to her, kaya hindi man lamang nabighani si Atasha sa kan’ya? “Ibig
Darkness. I was consumed by total darkness at hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kadiliman na kinasasadlakan ko. Pinipilit ko na makaalpas kung saan lugar ako na naro’n pero may pumipigil sa akin. At kahit na anong pilit ko ay patuloy lamang ako na paikot-ikot sa madilim na lugar na ito. Ang sabi nila kapag oras mo na ay makakakita ka ng liwanag na gagabay sa’yo sa direksyon na patutunguhan mo, pero bakit sa akin ngayon ay walang kahit na anong liwanag? Wala akong maaninag na kahit na anong senyales ng buhay kung hindi ang patuloy na kadiliman lamang. I am lost and I am scared. Natatakot ako dahil hindi ko masilayan ang pamilya ko. Hindi ko makita si Atasha at ang kambal. Hindi ko maramdaman ang presensya ng babaeng mahal ko at ang mga anak ko. Is this the end? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? Hanggang dito na lamang ba ang pakikipaglaban ko sa buhay? And because of the darkness, I found myself engulfed in it. Napapagod na ako na lumaban, napapagod na rin ako sa lahat.
Things were never easy dahil patuloy kami na sinusubok ng tadhan at ng pagkakataon. It’s as if the world is conniving against us. Pilit kami na pinagtatagpo pero pilit din kami na binibigyan ng rason upang magkahiwalay. But this time, we both stood with each other. Hindi na kami makakapayag na mawala at mahiwalay sa bawat isa lalo na at inuumpisahan na namin na buuin ang aming pamilya. At lahat ay gagawin namin para lamang makamit ang matagal na namin na pangarap na ito. And then another challenge came over us. Samantha Randal kidnapped our twins. At hindi ko alam kung ano ang gusto ko na gawin kay Samantha sa mga oras na iyon. She is Atasha's fucking bestfriend, but she is a traitor. “Colton.” “Fucking Samantha, Migs! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, pero pagsisisihan niya ito for hurting Atasha this way.” galit na galit na turan ko kay Miguel. At sa mga oras na ito ay wala akong pakikinggan na eksplanasyon. No words of wisdom from Miguel can change th
“Ano? Sigurado ka ba sa mga plano mo na ito, Colton?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Miguel na sigurado ako ay hindi sang-ayon sa mga plano ko. “Yes, I need to make a diversion, Migs, and Lia is the available option that I have. She likes me so everything will be easier at wala na rin magiging pagtatanong pa ang pamilya namin kung sakali.” “I’m not sure about this. Hindi ganito kadali mo lamang na malilinlang ang mag-ina na iyon. At higit sa lahat, are you sure about Lia Madrigal? Alam natin ang background ni Lia and it’s not good, Colton.” “I need to try, Migs. I need to try to get them away from planning something against Atasha. Alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala niya at kailangan ko na patuloy na siguruhin ang kaligtasan niya.” “We’ve been trying to find evidence, Colton, pero hanggang ngayon ay wala tayong link na may kinalaman nga sila sa pagkawala ni Atasha. Hindi kaya sinadya ni Atasha na umalis?” “Why would you even say that? Everything is good between us at wal
“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mo sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babaeng napupulot mo sa bar gabi-gabi?” Those words coming from her totally destroyed me. Ang maalab na gabi na pinagsaluhan namin ay nauwi sa pagtatalo nang magising siya at mahimasmasan sa kalasingan. She thought that I always engaged in one-night stands, but I never did. Last night was the first, and she was my first. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kan’ya lalo na at iniwan niya na lang ako ng basta-basta. And what’s worst? She never bothered to know who I am, wala siyang pakialam sa presensya ko sa kan’ya. I don’t matter to her, and it’s that simple for her to leave me after what happened. Tang-ina lang talaga na parang nagkabaligtad pa kami ng papel dahil ako pa ang nag-iisip dahil sa nangyari sa pagitan namin habang siya ay walang pakialam. Mas lalo ko siya na hindi makalimutan pagkatapos nang nangyari sa amin. How ca
I continued admiring her and loving her from afar. Kahit na ano ang gawin ko, Atasha Andres is clouding my mind. But I am a gentleman at marunong ako na tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit na masakit sa akin na kay Yulence siya napunta ay wala akong ginawa upang magkasira silang dalawa. Her happiness is my happiness even if it hurts me deep inside. “Tasha!” Gulat na gulat si Atasha habang naglalakad sa labas ng DU building nang marinig ang malakas na boses ni Yulence. Nasaktuhan ko ang paglabas niya kanina kaya naisipan ko na tingnan kung saan siya papunta dahil hindi ko nakita na sinundo siya ni Yulence. Sinadya ko na magtago upang hindi nila malaman ang presensya ko. “I have to go, Yulence.” Pilit niya na nilampasan si Yulence ngunit hinatak siya nito sa braso dahilan upang bumangga siya sa dibdib nito. Bumangon ang inis ko dahil sa nakita ko na marahas na pagtrato sa kan’ya ni Yulence. “We need to talk, Tash. Please talk to me.” Pagsusumamo ni Yulence. “Wala na tayong dapat p
“Hi Atasha!” Gulat na lumingon ang babae sa tumawag sa pangalan niya at paglingon niya ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti sa kan’yang labi. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit ng lalaki na tumawag sa kan’ya. May dala-dala na tsokolate ang lalaki na ngiting-ngiti rin na nakatunghay kay Atasha. Inabot niya kay Atasha ang bitbit niya kaya mabilis naman na pinamulahanan pa ng mukha si Atasha habang hiyang-hiya na nagpasalamat. “Thank you, Yulence. Para saan ba ang mga ito?” Hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya habang titig na titig sa kanya si Yulence Villagomeza, my fucking step-brother. “I told you last time na liligawan kita, hindi ba? Don’t tell me na nakalimutan mo na kaagad.” Lalo na pinamulahanan ng mukha si Atasha Andres sa sinabi ni Yul pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya, “Let’s go and let’s have dinner at pagkatapos ay ihahatid na kita sa apartment mo.” Pagyaya pa ni Yulence sa kan’ya habang nakahawak ang mga kamay sa beywang ni
Mataman na pinagmamasdan ni Colton ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay asawa na niya ang babae na kan’yang pinapangarap. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kabutihan na nagawa niya upang pagbigyan siya sa naging hiling niya na maging asawa ang babae na bumihag sa puso niya. Napangiti pa siya nang maalala kung gaano nila pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan kagabi. Hinimas niya ang ulo ng tulog na tulog na asawa at muli na binalikan ang kanilang nakaraan. --- “Ouch!” Shit! Napatigil at napalingon ako nang marinig ang mahina na impit na boses na ‘yon ng isang babae. Dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko siya at nagsilaglagan ang mga gamit na dala-dala niya. Itinaas ko ang shades na suot-suot ko at inilagay iyon sa aking ulo at muli ako na napatingin sa babae na nakayuko na nagpupulot ng mga gamit na nalaglag. “I’m sorry, miss, hindi kita napansin. Are you alright?” Tanong ko pa pero ang aking atensyon ay