Bigla na nagkagulo sa opisina ng Royal Designs sa pagdating ng hindi inaasahan na bisita. Ang lalaki na bagong dating ay nagpupumilit daw na makausap ang CEO na walang iba kung hindi ako. Kahit na ano ang paliwanang ng mga nakabantay sa lobby ay ayaw daw nito na umalis. Ito ang sinabi at ini-report ng isang tauhan kay Nathan nang tawagan nito si Nathan upang ipaalam sa amin ang mga pangyayari na kaguluhan sa baba. “Nathan, sino raw ang bisita? At ano ang kailangan niya?” tanong ko agad kay Nathan. “Prinsesa, si Villagomeza, dumating si Yulence Villagomeza.” Agad ang bahid ng gulat sa aking ekspresyon. Ano na naman ang kailangan ni Yulence at paano niya nalaman na CEO na ako rito sa Royal Designs? “Paano niya nalaman ang tungkol sa pagiging CEO ko, Nathan? Paano niya nalaman ang Royal Designs?” tanong ko na may pag-aalala sa aking tono. “Hindi ako sigurado, prinsesa. Pero pinapakilos ko na ang ilan sa mga tauhan upang makakuha ng impormasyon kung sino ang may pakana ng panibago
Muli na naman ako na nagpupuyos sa galit nang makaalis si Yulence Villagomeza. Hindi ko alam kung kanino nakatuon ang matindi na galit ko. Hindi ako sigurado kung kanino ako mas nagagalit, kay Yulence ba dahil sa lakas ng loob niya na pagbantaan ako sa kabila nang kaalaman niya na isa akong prinsesa? O kay Colton sa pambabastos niya sa akin dahil sa kaalaman na kinuhanan niya ng video ang mga nangyari sa amin ng gabi na iyon. Hindi ko inaasahan na ganito ang pagkato ni Colton Mijares. Ibang-iba sa mga bagay na sinabi nina Samantha at Icel tungkol sa kan'ya. Sa sobrang inis ay malakas ko na nahampas ang lamesa sa akin harapan. “Prinsesa!” Halata ang gulat sa mukha ni Nathan sa inasal ko. “Nathan, hindi ako makapaniwala. I really cannot believe this. Bakit iyon ginawa ni Colton? Nagpupuyos ako sa galit sa dalawang lalaki na iyon. How dare he! How dare the both of them?!” sigaw ko pa. Mataman na nakatingin lamang si Nathan sa akin at dahan-dahan na lumapit sa harapan ng lamesa ko. “
Kasama si Nathan at ang ilan sa mga bodyguards ay maaga kami na tumungo sa opisina ni Colton Mijares. Hindi alam ni Aldrick ang pagpunta namin dito. Kahapon ay mukhang may problema sa kanila dahil nakita ko ang malalim na pag-iisip niya matapos na sagutin ang tawag mula kay Queen Isabel. Alam ko na marami rin na inaasikaso si Aldrick kaya ayaw ko na siyang gambalain pa at dumagdag pa sa mga problema niya. Pagpasok pa lang sa Designers Unlimited lobby ay muli na naman kami na pinagtinginan ng mga empleyado at bisita. Kagaya ng una namin na pagpunta rito, full security entourage na naman ang inihanda ni Nathan. Agad kami na dumiretso sa executive elevator at nagtungo sa executive floor kung saan naroon ang opisina ni Colton. Kumakabog man ang dibdib ko sa kaba ay namumuo pa rin ang galit sa puso ko nang muli ko na maalala ang mga pagbabanta ni Yulence kahapon. Kaya kahit hindi ako sigurado sa mangyayari ngayon ay matapang ko na haharapin si Colton Mijares. Hindi ako papayag na pagtu
Pagkabalik namin ni Nathan sa Royal Designs ay agad ako na nagkulong sa aking opisina. Takot. Nilulukuban ako ng matinding takot dahil sa sinabi na iyon ni Colton. Gulong-gulo ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang daming bahagi nang pag-uusap namin kanina ni Colton ang hindi ko mawaglit-waglit sa aking isipan. Binigyan ako ni Nathan ng espasyo at pinabayaan ako na mag-isa muna sa aking opisina. Alam ko na hindi malayo na malaman na ni Colton ang katotohanan tungkol kay Ashira. At wala na akong magagawa sa pagkakataon na ito kung hindi ang aminin ang lahat-lahat. Pero hindi ako sigurado kung paano maaamin sa kan'ya ang tungkol kay Cole. Kung nasabi na ni Kane sa kan'ya ang lahat nang nalalaman niya nang magpunta siya sa Genova ay maaari na alam na rin ni Colton na kambal ang anak namin. Pero bakit si Ashira lamang ang itinanong niya sa akin kanina? Maaari kaya na hindi pa nasasabi ni Kane ang lahat sa kan'ya? Sumasakit na ang ulo ko dahil sa malaking kasalanan n
Palakad-lakad ang reyna ng mga Laureus sa study hall. Hindi malaman kung ano ang kan’yang gagawin. Hindi niya alam kung ano ang kahahantungan ng lahat ng mga pangyayari. Alam niya na nalalapit na ang araw na mabubunyag ang lahat. Ang lahat ng sikreto na kan’yang pinakaingatan sa mahabang panahon. Alam niya na isang araw ay sisingaw na lamang ang mga katotohanan na pilit niya na ikinubli at iniwan sa kan'yang nakaraan. Batid ni Reyna Isabel na may nalalaman na si Prinsipe Akiro Altamirano. Nahuli na ang espiya na pinasok nila sa mga Altamirano, kaya bago pa niya maisambulat kay Aldrick ang katotohanan ay kailangan na niya maunahan ang prinsipe na magsabi sa kan'yang anak. Agad na pinabalik ng reyna si Aldrick sa Genova dahil ayaw niya na pati ang anak ay maipit sa gulo na pinasok niya laban sa mga Altamirano. Alam niya na gumagawa na ng hakbang si Akiro. Matalino ang prinsipe at madami ang koneksyon nito at alam niya na isa-isa na nahuhulog sa bitag ang kan’yang mga espiya at tauhan.
Kasama ang ilan sa mga tauhan niya ay dire-diretso na nagtungo si Celsius Mijares sa condo unit nang nag-iisa na anak na si Colton Mijares. Pagkatapos nang natanggap niya na hindi inaasahan na tawag buhat kay Isabel Diana Laureus, and Reyna ng Laureus clan ay kailangan niya na masigurado ang lagay ng anak. Ito ang kumpirmasyon na hinahanap niya upang mapatunayan ang mga sinasabi nina Ofelia at Yulence tungkol kay Colton. Walang kaalam-alam si Colton sa isa pa na nagbabadya na pagsambulat ng isa na naman na lihim sa kan’yang pagkatao. Kasalukuyan na nakamasid si Colton sa anak na tulog na tulog. Pilit niya na pinagkakabit-kabit ang mga impormasyon na hawak tungkol sa katotohanan ng posibilidad na kambal na anak niya. Gulong-gulo si Colton sa rami ng problema na bumuhos ngayon sa buhay niya. Ang pagbabalik ni Atasha, ang pagkakaroon nila ng mga anak, at ang sex video. Hindi nya inaasahan kahit sa hinagap na iisipin ni Atasha na siya ang may pakana ng sex video. Hindi niya lalo matang
Matapos ang pag-uusap nina Colton at Celsius ay nakaramdam siya ng kakalmahan. Bawas na sa kan’yang alalahanin ang banta ni Ofelia. Pagkatapos siguruhin ng ama na tangi na siya lamang ang may karapatan sa Mijares Empire ay alam na niya na kahit na ano pa ang gawin nina Ofelia at Yulence ay hinding-hindi siya mapapatalsik sa puwesto. Ang suporta na nanggagaling sa ama niya ang siyang nakapagbibigay sa kan’ya ng kumpiyansa at kapanatagan. Ngayon ang aatupagin ni Colton ay ang muli na pagtuklas sa katotohanan sa pagkatao ni Ashira Coline. Sigurado siya na hindi aaminin ni Atasha ang tungkol sa bata. Nakita niya ang matindi na kagustuhan nito na mailihis sa kan’ya ang katotohanan. Hindi niya malaman ang dahilan ni Atasha at hindi niya na kaya antayin na maging handa siya na isambulat ang katotohanan. Kaya siya na mismo ang gagawa nito para magkaroon ng katahimikan ang isip niya. Alam ni Colton na hindi pa nakikipagkita si Atasha sa mga matalik na kaibigan niya. Base sa huli na pagbisita
Hindi maintindihan ni Prinsipe Aldrick kung ano ang mahalaga na bagay na sasabihin sa kan’ya ng kan’yang ina at pinauwi siya agad nito sa Genova. At sa tono ng pananalita nito nang huli sila na magkausap ay hindi bukas sa diskusyon ang ina. Ito ay isang utos na galing sa reyna na kailangan niya sundin. Kaya kahit ayaw niya sana na iwan sina Atasha at Ashira ay wala siyang magawa, kailangan niya na harapin ang ka'yang ina. Pagdating ni Aldrick sa palasyo ay agad na hinanap niya ang kan’yang ina. “Prinsipe Aldrick.” Bati sa kan’ya ng isang tauhan at yumukod pa upang magbigay-galang sa kan’ya. Tango lamang ang isinagot niya rito bago nagsalita. “Nasaan ang hari at reyna?” “Nasa study hall, prinsipe.” sagot nito. Mabilis siya na naglakad patungo sa direksyon ng study hall upang magpakita sa mga magulang. Dalawang bantay ang nakatayo sa may pintuan at magalang na yumukod sa kan'yang pagdating bago kumatok at binuksan ang pinto para siya ay makapasok. Pagpasok ni Prinsipe Aldrick ay s
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at tumangkilik sa istorya nina Colton Mijares at Atasha Altamirano-Mijares. Sana po ay nagustuhan ninyo ang kuwento nila. Sa mga umasa ng isang Aldrick sa buhay nila ay abangan po ninyo ang kuwento niya. Ang kuwento na siya naman ang bida at hindi na pang-second male lead lamang. Sana po ay suportahan ninyo rin ang iba pa na on-going stories ko sa GN: Elliot and Ariella - My back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Mikel and Tamara - Married to the Runaway Bride (Tagalog) Evan and Harper - The Rise of the Fallen Ex-Wife (Tagalog) Kenji and Reiko - Falling for the Replacement Mistress (Tagalog) Again, thank you for all your support. No words to express my gratitude to all of you. Hanggang sa susunod po na kuwento sana ay makasama ko pa kayo.
“Why are you staring at me, love?” Pupungas-pungas pa na tanong ni Atasha sa kan’yang asawa. Hindi namalayan ni Colton ang pagdilat ng asawa na si Atasha dahil masyado na natuon ang atensyon niya sa pagbabalik-tanaw niya sa naging love story nilang dalawa. Ang love story na hindi niya inakala na mapagtatagumpayan nila sa huli. Ngumiti siya at ginawaran ang asawa ng isang matamis na halik sa labi, "I’m just looking back at our love story. How far we’ve come along since that day that I saw you at the airport and met you in DU again." Namilog ang mga mata ni Atasha sa kan’yang sinabi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ni Colton. “You saw me at the airport? Kailan mo ako nakita sa airport? Paano?” Napasimangot si Colton sa kaalaman na hindi man lamang talaga siya tumatak sa isipan ni Atasha. Siya lang yata talaga ang tanging babae na hindi naapektuhan ng kan’yang presensya. Is he that ordinary to her, kaya hindi man lamang nabighani si Atasha sa kan’ya? “Ibig
Darkness. I was consumed by total darkness at hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kadiliman na kinasasadlakan ko. Pinipilit ko na makaalpas kung saan lugar ako na naro’n pero may pumipigil sa akin. At kahit na anong pilit ko ay patuloy lamang ako na paikot-ikot sa madilim na lugar na ito. Ang sabi nila kapag oras mo na ay makakakita ka ng liwanag na gagabay sa’yo sa direksyon na patutunguhan mo, pero bakit sa akin ngayon ay walang kahit na anong liwanag? Wala akong maaninag na kahit na anong senyales ng buhay kung hindi ang patuloy na kadiliman lamang. I am lost and I am scared. Natatakot ako dahil hindi ko masilayan ang pamilya ko. Hindi ko makita si Atasha at ang kambal. Hindi ko maramdaman ang presensya ng babaeng mahal ko at ang mga anak ko. Is this the end? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? Hanggang dito na lamang ba ang pakikipaglaban ko sa buhay? And because of the darkness, I found myself engulfed in it. Napapagod na ako na lumaban, napapagod na rin ako sa lahat.
Things were never easy dahil patuloy kami na sinusubok ng tadhan at ng pagkakataon. It’s as if the world is conniving against us. Pilit kami na pinagtatagpo pero pilit din kami na binibigyan ng rason upang magkahiwalay. But this time, we both stood with each other. Hindi na kami makakapayag na mawala at mahiwalay sa bawat isa lalo na at inuumpisahan na namin na buuin ang aming pamilya. At lahat ay gagawin namin para lamang makamit ang matagal na namin na pangarap na ito. And then another challenge came over us. Samantha Randal kidnapped our twins. At hindi ko alam kung ano ang gusto ko na gawin kay Samantha sa mga oras na iyon. She is Atasha's fucking bestfriend, but she is a traitor. “Colton.” “Fucking Samantha, Migs! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, pero pagsisisihan niya ito for hurting Atasha this way.” galit na galit na turan ko kay Miguel. At sa mga oras na ito ay wala akong pakikinggan na eksplanasyon. No words of wisdom from Miguel can change th
“Ano? Sigurado ka ba sa mga plano mo na ito, Colton?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Miguel na sigurado ako ay hindi sang-ayon sa mga plano ko. “Yes, I need to make a diversion, Migs, and Lia is the available option that I have. She likes me so everything will be easier at wala na rin magiging pagtatanong pa ang pamilya namin kung sakali.” “I’m not sure about this. Hindi ganito kadali mo lamang na malilinlang ang mag-ina na iyon. At higit sa lahat, are you sure about Lia Madrigal? Alam natin ang background ni Lia and it’s not good, Colton.” “I need to try, Migs. I need to try to get them away from planning something against Atasha. Alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala niya at kailangan ko na patuloy na siguruhin ang kaligtasan niya.” “We’ve been trying to find evidence, Colton, pero hanggang ngayon ay wala tayong link na may kinalaman nga sila sa pagkawala ni Atasha. Hindi kaya sinadya ni Atasha na umalis?” “Why would you even say that? Everything is good between us at wal
“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mo sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babaeng napupulot mo sa bar gabi-gabi?” Those words coming from her totally destroyed me. Ang maalab na gabi na pinagsaluhan namin ay nauwi sa pagtatalo nang magising siya at mahimasmasan sa kalasingan. She thought that I always engaged in one-night stands, but I never did. Last night was the first, and she was my first. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kan’ya lalo na at iniwan niya na lang ako ng basta-basta. And what’s worst? She never bothered to know who I am, wala siyang pakialam sa presensya ko sa kan’ya. I don’t matter to her, and it’s that simple for her to leave me after what happened. Tang-ina lang talaga na parang nagkabaligtad pa kami ng papel dahil ako pa ang nag-iisip dahil sa nangyari sa pagitan namin habang siya ay walang pakialam. Mas lalo ko siya na hindi makalimutan pagkatapos nang nangyari sa amin. How ca
I continued admiring her and loving her from afar. Kahit na ano ang gawin ko, Atasha Andres is clouding my mind. But I am a gentleman at marunong ako na tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit na masakit sa akin na kay Yulence siya napunta ay wala akong ginawa upang magkasira silang dalawa. Her happiness is my happiness even if it hurts me deep inside. “Tasha!” Gulat na gulat si Atasha habang naglalakad sa labas ng DU building nang marinig ang malakas na boses ni Yulence. Nasaktuhan ko ang paglabas niya kanina kaya naisipan ko na tingnan kung saan siya papunta dahil hindi ko nakita na sinundo siya ni Yulence. Sinadya ko na magtago upang hindi nila malaman ang presensya ko. “I have to go, Yulence.” Pilit niya na nilampasan si Yulence ngunit hinatak siya nito sa braso dahilan upang bumangga siya sa dibdib nito. Bumangon ang inis ko dahil sa nakita ko na marahas na pagtrato sa kan’ya ni Yulence. “We need to talk, Tash. Please talk to me.” Pagsusumamo ni Yulence. “Wala na tayong dapat p
“Hi Atasha!” Gulat na lumingon ang babae sa tumawag sa pangalan niya at paglingon niya ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti sa kan’yang labi. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit ng lalaki na tumawag sa kan’ya. May dala-dala na tsokolate ang lalaki na ngiting-ngiti rin na nakatunghay kay Atasha. Inabot niya kay Atasha ang bitbit niya kaya mabilis naman na pinamulahanan pa ng mukha si Atasha habang hiyang-hiya na nagpasalamat. “Thank you, Yulence. Para saan ba ang mga ito?” Hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya habang titig na titig sa kanya si Yulence Villagomeza, my fucking step-brother. “I told you last time na liligawan kita, hindi ba? Don’t tell me na nakalimutan mo na kaagad.” Lalo na pinamulahanan ng mukha si Atasha Andres sa sinabi ni Yul pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya, “Let’s go and let’s have dinner at pagkatapos ay ihahatid na kita sa apartment mo.” Pagyaya pa ni Yulence sa kan’ya habang nakahawak ang mga kamay sa beywang ni
Mataman na pinagmamasdan ni Colton ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay asawa na niya ang babae na kan’yang pinapangarap. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kabutihan na nagawa niya upang pagbigyan siya sa naging hiling niya na maging asawa ang babae na bumihag sa puso niya. Napangiti pa siya nang maalala kung gaano nila pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan kagabi. Hinimas niya ang ulo ng tulog na tulog na asawa at muli na binalikan ang kanilang nakaraan. --- “Ouch!” Shit! Napatigil at napalingon ako nang marinig ang mahina na impit na boses na ‘yon ng isang babae. Dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko siya at nagsilaglagan ang mga gamit na dala-dala niya. Itinaas ko ang shades na suot-suot ko at inilagay iyon sa aking ulo at muli ako na napatingin sa babae na nakayuko na nagpupulot ng mga gamit na nalaglag. “I’m sorry, miss, hindi kita napansin. Are you alright?” Tanong ko pa pero ang aking atensyon ay