MATIIM na tiningnan ni Valentina si Rico. Sa loob ng utak niya ay pinapatay na niya ito. Ang pagkatiwalaan si Rico ang isa sa pinaka malaking pagkakamali na kaniyang nagawa. Masyado siyang nagpadala sa matatamis nitong salita na ang totoo ay mapait at isa palang lason na maaaring pumatay sa kaniya.
“Ang kapal ng mukha mo, Rico! Kayo talagang mahihirap, masyado kayong mapagsamantala—”
“Tumigil ka na sa pang-iinsulto sa akin, tanda! Hindi mo ako masasaktan sa mga ganiyang salita mo. Ang gusto ko ay simulan mo na ngayon ang pagbibigay sa akin ng pera at hihingin ko na sa iyo ngayon din ang para sa buwan na ito. Cash!”
Huminga nang malalim si Valentina kahit ang totoo ay parang imposible siyang kumalma ng dahil sa mga sinabi ni Rico. Ngunit kailangan niyang mag-isip nang maayos. Baka kapag nagmatigas siya ngayon kay Rico ay totohanin nito ang sinabi nito na ikakalat nito ang lahat ng
MATAGAL na nakatingin si Valentina sa katawan ni Rico na nakadapa sa sahig. May kakaiba siyang kasiyahan na naramdaman habang pinagmamasdan ang pag-agos ng dugo mula sa sugat nito sa may batok. Umaagos iyon papunta sa kaniya na parang may sariling isip iyon. Nang maramdaman niya ang mainit-init na dugo ni Rico sa kaniyang paa ay tila nagising siya sa isang mahabang pagkakatulog. Napasinghap siya kasunod ang isang mahabang paghinga. Nagulat siya nang makita ang hawak na kutsilyo. Natitilihang binitiwan niya iyon at itinapon sa sahig.“A-anong ginawa ko?!” Gulat na tanong ni Valentina kahit alam niya ang kaniyang ginawa. Napamura pa siya nang paulit-ulit.Yumukod siya at niyugyog si Rico. “Rico! Gumising ka! Get up!” Ibinaligtad niya ito at muntik na siyang masuka nang makita ang malaking hiwa nito sa leeg. Nakikita na niya ang buto nito roon.Lumayo siya rito at pumunta sa veranda. Suman
NAPAHAWAK si Monica sa ulo nang isang matining na kirot ang naramdaman niya roon na para bang binibiyak ang kaniyang ulo. Ipinilig niya ang ulo at sa ginawa niya ay nabawasan ng kaunti ang sakit.Hinawakan siya ni Valentina nang mahigpit sa isa magkabila niyang braso at iniharap siya nito rito.“Wala kang choice kundi ang tulungan ako sa pagkakataong ito, Monica! Iniligtas kita sa kamatayan at sa pagkakakulong. Binigyan kita ng bagong buhay. Bukod sa ako ang nagsilang sa iyon ay napakalaki na ng utang na loob mo sa akin. Kung hindi mo ako tutulungan kay Rico ay pinapatunayan mo lang talaga sa akin na wala kang kwentang anak. Ito na ang pagkakataon mo para makabawi sa akin!” Nanlilisik ang mga mata ni Valentina habang nakatingin sa kaniya.Magkakasunod na alaala ang magkakasabay na pumasok sa utak ni Monica at hindi niya maintindihan kung bakit lahat ay alaala ni Milagros ang mga iyon. Nakikita niya
“MAY truck!” Malakas na sigaw ni Milagros.Nakita niya ang pagbangga ng truck sa sasakyan na kinalululanan nila ni Monica. Hindi na nito nagawa pang paandarin ang sasakyan dahil naunahan na iyong mabangga ng truck. Akala mo ay isang napakagaan na bagay na lumipad ang sasakyan at tuloy-tuloy iyong nahulog sa bangin. Sumabog iyon at napasigaw sa sakit si Milagros nang mabilis na yumakap sa kaniya ang apoy at sinunog niyon ang buo niyang katawan!Walang pagsidlan ang takot ni Milagros. Alam niya na maaaring iyon na ang kaniyang katapusan…NAPASINGHAP si Monica nang magising siya mula sa panaginip na iyon. Hindi. Hindi pala iyon isang panaginip dahil totoo iyong nangyari. Ipinakita sa pamamagitan ng panaginip ang nangyari noong oras na naaksidente sila ni Milagros.Milagros? Ulit ng utak niya.“Mabuti at nagising ka na. Pin
NAITAKIP ni Martin ang isang kamay sa mukha nang masilaw siya sa napakaliwanag na ilaw mula sa paparating na sasakyan. Huminto iyon sa tabi niya. Pilit niyang inaninag kung sino ang sakay no’n ngunit dahil sa tinted ang salamin ay hindi niya makita ang loob ng sasakyan.Kanina, nang magising siya at malamang wala pa rin si Milagros sa bahay ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na puntahan ito sa bahay ni Valentina. Ang usapan nila ay isang oras lamang itong mawawala pero inabot na ito ng madaling araw ay wala pa ito sa bahay. Naglakad siya mula sa bahay hanggang sa bahay ni Valentina dahil wala nang bumabyahe sa lugar nila ng ganoong oras na tricycle at jeep.Bumukas ang pinto ng sasakyan sa may driver’s seat at bumaba mula roon si Valentina. May pagtataka ito sa mukha. “Martin? Ikaw ang asawa ni Milagros, `di ba? Anong ginagawa mo sa harapan ng bahay ko ng ganitong oras?” tanong ng babae sa k
HINDI makapaniwala si Milagros na ganoon kabilis na malalaman ni Valentina kung sino ang taong pinagbigyan ni Rico ng mga ebidensiya. Nanlamig siya nang malaman na ang asawa nito ang may hawak no’n. Galit siya kay Rico pero labas na sa galit niyang iyon ang asawa nito. Kilala niya si Valentina at alam niya na hindi ito nagbiro noong sabihin nito na papatayin ito ang taong may hawak ng mga ebidensiya laban dito.Natatakot siya sa maaaring sapitin ni Danica sa kamay ni Valentina o sa mga tauhan nito na handang pumatay. Ngayon alam na niya kung sino ang may hawak ng ebidensiya ay nagkaroon siya ng pakiramdam na meron siyang responsibilidad na iligtas ang taong iyon. Nakakaawa ang mga anak ni Danica kung pati ito ay mawawala.Hindi kakayanin ng konsensiya niya kapag may nangyaring masama kay Danica at wala siyang ginawa upang ito ay iligtas at tulungan.“G-gusto niyo po ba na ako na ang kumausap kay Da
NAKAHINGA ng maluwag si Martin nang magawa niyang takasan si Charlotte. Ewan ba niya sa babaeng iyon kung bakit siya pa ang nagustuhan. Marami namang binata ay gwapong nagtatrabaho sa resort na hindi ito magkakaroon ng problema.Ang totoo nga niyan ay maraming kalalakihan ang nagkakagusto kay Charlotte. Alam niya iyon dahil may mga katrabaho siya na nagsasabi na ang swerte niya dahil sa kaniya nagkakagusto si Charlotte. Ngunit hindi niya magawang isipin na swerte iyon sapagkat nagugulo ni Charlotte ang kaniyang katahimikan.Nangangamba rin siya na baka iyon pa ang pagsimulan ng away nila ni Milagros. Kilala naman niyang hindi selosa si Milagros ngunit hindi niya rin kasi alam ang maaaring maging reaksyon nito kapag nalaman nitong may isang babae na lumalandi sa kaniya. Siya nga na hindi seloso ay nagselos nang makita na nagkakalapit ang kaniyang asawa kay Ambrose at hindi niya inasahan n
NAGHIHISTERIKAL na si Valentina habang paulit-ulit na sumisigaw ng tulong at binabayo nang paulit-ulit ang pinto ng kaniyang silid. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa abot-langit na takot na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon. Hindi na niya alam ang gagawin. Sa buong buhay niya ay iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganoong katinding takot. Ang nakakatawa pa ay sa isang patay!Mabilis siyang lumingon upang tingnan kung naroon pa si Rico at nanlaki ang mga mata niya nang malaman na halos isang dipa na lamang ang layo nito. Nagtatalon na siya sa takot. “Buksan ninyo ang pinto! Ano ba?!” hiyaw niya.“Valentina, samahan mo ako sa hukay…” Pabulong na wika ni Rico.Hindi na kinaya ni Valentina ang takot at napaihi na nga siya. Umagos ang mainit-init na ihi sa kaniyang binti hanggang sa sahig.Biglang bumukas ang pinto at nakita niya ang isa niyang kasambahay na babae na
MATAPOS ang lunch ay dumating na sa bahay ni Milagros ang kaibigang si Clemente. May kasama itong matabang babae na nakasuot ng itim na blouse at palda na umaabot na sa sakong nito. Maging ang lipstick nito ay itim at akala mo ay isang panda dahil ang eyeshadow ay itim din. Kulot at mahaba ang buhok ng babae na nakalugay na akala mo ay hindi kilala ang suklay.Ipinakilala ni Clemente ang kasamang babae bilang si Madam Ursula na siyang kilala nitong ispiritista at marunong din mag-cleanse ng bahay at tao. Ipinagmalaki pa ni Clemente sa kaniya na matagal na niyang kilala si Madam Ursula at alam nito na legit ito at talagang mahusay.“Saang costume party mo naman nahila ang babaeng iyan, Clemente? Sigurado ka ba talaga na kaya niyang paalisin ang multo sa bahay ko?” May duda pa rin na tanong ni Valentina.“Bastos ang bunganga mo, madam. Ako ay tunay na ispiritista. Kung ikaw ay may pagdududa sa
“ANG akala mo yata ay makakatakas ka sa akin? Hindi, Milagros! Sa dami ng naging atraso mo sa akin, hindi ako makakapayag na mabubuhay ka pa. Ako mismo ang dapat na pumatay sa iyo!” Nangingilid na ang luha ni Valentina sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon.Nakatutok sa mukha ng Milagros ang baril na kaniyang hawak.Mula sa umiiyak na mukha ni Milagros ay naging matigas iyon. “Wala akong atraso sa iyo, Valentina! Ikaw ang nagsabi sa akin na ako si Monica at totoong wala akong naaalala noon! Kung anuman ang nangyayari sa iyo ngayon, ikaw ang lahat ng may kagagawan. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka bumagsak! Masyado kang nagpabulag sa pera kahit mayaman ka na at lahat na ay nasa iyo. Ang pagiging ganid at makasarili mo ang nagtulak sa iyo kung nasaan ka ngayon! Kaya huwag mo akong sisisihin!”Nanlisik ang mga mata niya. Tumagos sa puso niya ang mga sinab
KINSE minutos pa lamang ang nakakalipas simula nang makausap ni Martin si Ambrose ngunit parang isang araw na siyang naghihintay sa may gilid ng kalsada papunta sa kasukalan na maaaring kinaroroonan ni Milagros.Hindi niya kayang pakalmahin ang sarili gayong alam niya na si Valentina ang may hawak sa asawa niya at alam na pala nito na hindi si Monica ito. Kaya alam niya kung gaano kagalit ngayon si Valentina at base sa mga patong-patong na kaso nito ngayon ay hindi maipagkakaila na kaya nitong patayin si Milagros.Kanina pa rin siya nagdadasal na sana ay maging ligtas si Milagros at buhay nila itong mabawi kay Valentina dahil hindi niya magagawang patawarin ang sarili sa sandaling may nangyaring hindi maganda sa kaniyang asawa at sa anak nila na nasa sinapupunan nito.Palakad-lakad siya at hindi mapirmi sa iisang pwesto. Nagtatalo ang utak niya kung dapat na ba siyang sumuong sa kasukalan o hintayin niya si Am
HINDI makapaniwala si Milagros na maging si Ambrose ay idadamay ni Valentina sa masasama nitong balak lalo na’t alam niya na walang ginawang masama ang lalaki rito. Base sa pagkakarinig niya sa pakikipag-usap ni Valentina kay Ambrose sa cellphone ay papapuntahin ng una ang huli sa lugar na iyon. Kunwari ay ipagpapalit siya ni Valentina sa dalang pera ni Ambrose ngunit hindi iyon totoo sapagkat kapag nakuha na ni Valentina ang pera ay papatayin na nito si Ambrose.Talagang ubod ito ng sama kaya kahit natatakot siya ng sandaling iyon ay hindi niya pa rin ito dapat hayaan na magtagumpay!Sa oras na iyon ay mahimbing na ang tulog ni Valentina at ng babaeng kasama nito na narinig niya na ang pangalan ay Lukring.Kaya naman pala hirap na hirap ang mga pulis na malaman kung nasaan si Valentina ay dahil sa gitna ng kasukalan ito nagtatago. Sino nga ba namang mag-aakala na ang sosyal at ubod ng yaman na si Valent
“SIGURADO ka ba na hindi na makakawala ang babaeng iyan?” Paninigurong tanong ni Valentina kay Lukring matapos nitong itali si Milagros sa isang haligi ng kubo nito.Nakaupo sa sahig sa Milagros habang nakatali ang mga kamay sa likod na nakatali rin sa haligi. Maging ang mga paa nito ay may tali rin upang makasiguro sila na hindi nito magagawang manipa. May busal din ito sa bibig. Kahit naman magsisigaw ito ay walang makakarinig dito ngunit mas mabuti na ang sigurado. Nang sandaling iyon ay wala pa rin itong malay.“Of course naman! Matibay na matibay iyan! Wala ka bang tiwala sa akin?” Turo pa ni Lukring sa sarili.“Talaga bang tinatanong mo ako niyan, Lukring? Of course din! Wala!”“Wala rin. Wala ka ring choice kundi magtiwala sa akin kasi ako lang ang kakampi mo ngayon!” At nakakalokong tumawa si Lukring na ikinairita niya. Akala mo kasi ay isa itong m
“MILAGROS, nandito na ako!” Masiglang turan ni Martin pagkapasok niya sa bahay.Napakunot-noo siya nang mapagtantong nakapatay lahat ng ilaw. Una siyang nagpunta sa kusina dahil ang inaasahan niya ay naroon ang kaniyang asawa dahil ang sabi nito ay magluluto ito pero hindi niya rin natagpuan roon si Milagros. Maging sa banyo, kwarto at likod-bahay ay wala rin ito. Nagbalik siya sa sala at umupo.Inilabas niya ang cellphone upang tawagan si Milagros. Ilang beses na niyang tinawagan ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.Kahit hindi pa man niya alam kung nasaan ang kaniyang asawa ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Kapag kasi ganoong hindi niya alam kung nasaan si Milagros ay talagang kung anu-ano na ang pumapasok sa kaniyang isip. Hindi na niya iyon maiwasan matapos ang mga nangyari. Ang hirap alisin na maging paranoid lalo na at alam niya na hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin nah
“ANO bang ginagawa natin dito, Valentina? Hindi ba tayo papasok sa loob ng resort? Magbe-beach ba tayo para makapag-relax? Sayang, wala akong dalang bathing suit!” Pangungulit na tanong ni Lukring.Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Valentina sa kasama. Kasalukuyan silang nasa labas ng resort ng hapon na iyon. May nakabalabal na scarf sa kaniya ulo upang walang makakilala sa kaniya. “Tumahimik ka nga! Hindi mo ba alam kung magkano ang entrance sa resort na iyan? Kung makapagsalita ka ay parang meron tayong pera! Basta, maghintay ka lang diyan at meron akong hinihintay na lumabas! Saka kilabutan ka nga sa sinasabi mong bathing suit! Hindi bagay sa iyo!” Inis niyang wika.Sumimangot si Lukring at mukhang disappointed. “Wow, ha! Body shamer yarn?!” Hindi na ulit ito nagsalita pa.Matiyaga silang naghintay sa labas ng resort. Medyo malayo sila sa mismong gate entra
“GOOD morning, S-sir Ambrose…” Ang nahihiyang pagbati ni Milagros nang pumasok sa opisina si Ambrose. Hindi siya makatingin dito nang diretso sapagkat kahit paano ay may nararamdaman pa rin siyang pagka-ilang rito nang dahil sa mga nangyari.“Good morning, Milagros!” ganting bati ng lalaki.Bahagya siyang nabigla nang mapansin niya ang sigla sa boses ni Ambrose. Maging ang dating nito sa umagang iyon ay tila masaya at maaliwalas ang mukha nito. Maganda yata ang gising ng kaniyang boss ng umaga na iyon.Ang akala niya ay didiretso ito sa table nito ngunit sa kaniya ito lumapit at umupo sa upuan sa kaniyang harapan. “Milagros, gusto kong malaman mo na hindi ako galit sa iyo. Naiintindihan ko ang mga ginawa mo at biktima ka rin ng mga naging kilos noon ni Valentina,” seryosong turan nito.Hindi niya alam kung paano nalaman ni Ambrose ang kaniyang nararamdaman ngun
“IF you don’t want to help me, sabihin mo. Hindi `yong may suggestion ka pa na sumuko ako sa mga pulis. Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Ambrose. Hindi mo alam kung bakit ayokong sumuko at mas pinipili kong magtago ngayon!” Malakas na itinulak ni Valentina si Ambrose.Labis ang disappointment na nararamdaman niya dahil umasa siya nang malaki na si Ambrose ang makakatulong sa kaniya at hindi siya nito bibiguin. Pero nagkamali siya ng akala dahil ang nais nito ay sumuko siya.Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad na ibinalabal ni Valentina ang scarf sa kaniyang ulo.“Sir, ready na po—” Nagulat ang babaeng dumating na base sa suot ay alam niyang masahista. “Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!”“It’s okay. Nanlilimos lang siya at pumasok dito,” turan ni Ambrose.Tumalim ang mga mata ni Valentina habang nakatingin
SUMABOG na ang kalungkutan at paninisi sa sarili ni Milagros nang muli niyang binalikan ang mga nangyari kung bakit humantong sa aksidenteng bumago sa buhay niya ang lahat. Nasa puso niya pa rin ang pagsisisi kung bakit namatay si Monica. Alam niya na kung hindi lang sana siya sumunod sa lahat ng sinabi ni Monica at mas kinumbinse niya itong sumuko na lang ay baka buhay pa ang kaniyang kaibigan. Baka nagawa pa nitong sabihin ang katotohanan at paniwalaan ito ng lahat hanggang sa mapawalang-sala ito sa ibinato rito noon.Ngunit wala na. Huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi ang kaniyang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay na nawala.Kahit masakit para sa kaniya na balikan ang pangyayaring iyon ay hindi niya naisipan na ipagdamot iyon kay Ambrose. Dapat nitong malaman na wala talagang kasalanan si Monica at hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol dito.Habang halos hindi na siya makahinga sa pag-iy