Share

CHAPTER SIX

Pagsapit ng hapon ay dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya at nagmatyag sa paligid. Tahimik ang pasilyo at hindi niya alam kung saan nagpunta ang mga tao. Nasasakal na siya sa bahay at gusto na niyang lumabas. Baka matuluyan na siyang maging baliw kapag nagkulong pa siya sa kwarto. 

Tahimik ang ginagawa niyang hakbang nang biglang may humawak sa balikat niya. Tutop ang bibig para di mapasigaw na lumingon siya sa humawak sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Manong Gerry pala ang nasa likod niya at hindi ang asawa niya. 

"Ano pong ginagawa niyo dito, Senyorita?" Nakangiting tanong nito sa kanya.

"Ahm... Gusto ko lang po sanag kumuha ng juice sa kusina." Pagsisinungaling niya.

"Sana ay tinawag niyo nalang po ang katulong sa bahay. Kada minuto po siyang dumadaan sa kwarto ninyo, para kung sakaling may kailanganin kayo ay madali niyo lang siyang matatawag. Uutusan ko na lamang po siyang maghatid ng juice sa kwarto ninyo."

Napangiwi siya sa sinabi nito. Ayaw niya sanang mag-isip ng masama pero bakit parang pakiramdam niya ay ikinukulong siya nito sa loob ng mansyon? Para siyang preso na kailangang bantayan. Pakiramdam niya tuloy ay nawalan siya ng kalayaan. Pero kung sa bagay ano pa ba ang aasahan niya? Nang pumayag siyang pakasal kay Hellios ay isinuko na niya ang karapatan niyang maging malaya. Sa kaisipang iyon ay napabuntong-hininga nalang siya.

"Ako nalang po ang kukuha... Gusto ko rin pong malibang habang nandito sa bahay. Hindi rin po kasi maganda sa pakiramdam kapag nakakulong ka ng matagal sa kwarto."

Tumatango ito sa kanya pagkuwa'y itinuro ang hagdanan pababa sa kusina.

"Naiintindihan ko po, My Lady. Kung gusto po ninyong puntahan ang kusina ay nasa kanang bahagi lang po siya ng hagdanan. Kung may mga gusto pa po kayong kainin ay magsabi lang po kayo sa mayordoma na nandon."

Nginitian niya ang matanda. "Thank you."

Bahagya itong yumuko sa kanya at tumalikod na.

Imbes na sa kusina siya oumunta ay dumiretso siya sa bukas na pintuan papuntang garden.

Kung namangha siya sa loob ng bahay ay mas lalong namangha siya sa hardin nito. Alagang-alaga ang mga bulaklak doon dahil maganda ang mga bunga. Puro Red Roses ang nakatanim sa garden ni Hellios. She wondered if he had made this for his mother. Dahil kung ganoon nga ay may itinatago palang sweetness sa katawan si Hellios. Napangiti siya naisip.

Mula sa kinatatayuan ay may nakita siyang maliit na kubo sa di kalayuan. Na-curious siya kaya pumunta siya doon. Tahimik at malamig ang loob ng kubo. Na-miss niya tuloy ang buhay nila sa probinsya. Sa Davao ipinanganak ang ama niya at tuwing bakasyon ay doon sila pumupunta. Dinadalaw nila ang lolo at lola niyang nakatira doon at kung minsan ay doon din sila nagpapasko at nagbabagong taon dati. Napangiti siya ng maalala ang buhay niya dati. Nami-miss na niya ang mga magulang niya at gusto na niyang umuwi sa kanila. She suddenly felt lonely in this big mansion.

Umupo siya sa loob ng kubo at bahagyang ipinikit ang mga mata. Sa lamig ng lugar ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Naalimpungatan siya sa lakas ng boses ng mga katulong na tumatawag sa pangalan niya. She looked outside the hut and saw the maids hysterically searching for some thing or someone?

"My lady!" Rinig niyang sigaw ng isang katulong.

"Senyorita Santina!" 

Napatayo siya ng wala sa oras ng marinig ang boses ni Mang Gerry. Siya nga ang hinahanap ng mga ito! Dali-dali siyang lumabas ng kubo at tahimik na napamura ng makitang gabi na pala. Marahil ay dumating na si Hellios mula sa trabaho at hinanap siya. Lakad-takbo ang ginawa niya para lang makarating sa loob ng bahay. Hinihingal na sinalubong siya ni Mang Gerry. Naawa siya sa itsura nitong namumutla na sa kakahanap sa kanya.

"Saan po ba kayo nanggaling? Kanina pa po namin kayo hinahanap."

"Pasensya na po kayo sakin. Nakatulog po kasi ako sa loob ng kubo, hindi ko na namalayan yung oras." Nahihiyang sabi niya dito.

"Kanina pa po nandito si Senyorito Hellios. Kanina pa po niya kayo hinahanap. Mas magandang dumiretso nalang po kayo sa mini-office niya sa taas." Tensyonadong sabi nito sa kanya.

"Galit po ba siya?" Kabadong tanong niya dito.

Tahimik na yumuko lang ang matanda. She decided to go upstairs even though she was nervous of Hellios reaction. Nasa likod niya si Mang Gerry at base sa itsura nito ay nasisigurado niyang wala siyang aasahang magandang mangyayari sa mini-office ni Hellios. 

Pagdating niya sa harapan ng mini-office nito ay kumatok muna siya bago pumasok. Nakatayo ito patalikod sa kanya kaya hindi niya makita ang reaksyon nito.

Nilingon niya ang matanda at sinabing pwede na sila nitong iwanang dalawa. Tumango ang Butler at akmang tatalikod na nang tawagin ito ni Hellios.

"You are not leaving, Gerry." May awtoridad na utos nito sa mata.

"I want him to hear what I'm going to say to you so that you would not do what you did today again."

Madilim ang mukhang humarap ito sa kanya. "Where the hell did you go?!" Galit na bulyaw nito sa kanya.

"S-Sa---,"

"Did you do this on purpose? Para mabaliw ang lahat ng tao dito kakahanap sayo na parang isa kang nawawalang prinsesa?!"

"H-Hindi ko naman sinasadya... Nakatulog lang ako sa kubo---,"

"Ha! Buti kapa payapang nakakatulog habang ang mga tao dito kanina pa halos masiraan ng bait kakahanap sayo." Sa kabila ng galit na tono nito ay napataas ang kilay niya.

"Nag-alala kaba na baka lumayas ako dito?"

Mapang-uyam itong ngumisi sa kanya. "Sina Gerry ang tinutukoy ko. Hindi ako."

"Kaya pala ganyan nalang ang reaksyon mo? Kung makabulyaw ka sa'kin akala mo nawala ako ng isang linggo."

"I think it's only natural for me na hanapin ang mga pag-aari ko. Lalo na at malaki ang kinuha ng ama mo sa pamilya ko." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"I'm not your property!"

"Says who? Magmula ng magpakasal ka sa akin ay pag-aari na kita." He maliciously looked at her from head to toe.

"I owned you."

Naningkit ang mga mata niya sa sobrang inis. "Nababaliw kana!"

Galit na lumapit ito sa kanya at gigil na hinawakan siya sa mga braso. Napaangal siya sa sakit.

"Maybe it would be better if I show you how crazy I am,"

Bumaling ito sa matandang lalaki na ikinakaba niya. "She will be grounded for one week,"

"You are really out of your mind! Hindi na ako bata!" Galit na sabi niya dito.

"But since you are acting like one, this will serve as your punishment!" Anito bago muling bumaling sa matanda.

"You better do your job properly and guard her every minute in this house because I would fire you kung pati ito ay hindi niyo pa mababantayan ng mabuti."

Naiiyak na itinulak niya ito palayo sa kanya. Her eyes was filled with anger and disgust while looking at him with her fierce eyes.

"I hate you!"

He just shrugged it off. Walang emosyon na tumingin lang ito sa kanya.

"I know sweetheart... I knew it very well." Anas nito sa kanya. 

Ilang araw na ba?

Tatlong araw na siyang grounded sa bahay ni Hellios, at ilang araw na rin niya itong iniiwasan.

Kadalasan ay wala ito sa mansyon dahil sa trabaho. Kaya hindi na niya kailangan na magtago sa kwarto kapag dumadating ito. Mabuti nalang din at hindi nagtatanong ang mga katulong kung bakit magkaiba sila ng kwarto na tinutulugan. Marahil ay naiintindihan din nila ang kalagayan niya bilang asawa nito. 

Inis na hindi siya makalabas ng kwarto dahil sa sinabi ni Mang Gerry na maagang umuwi ang halimaw na asawa niya ngayong gabi. Mamamatay nalang siya sa gutom pero hinding-hindi siya lalabas ng kwarto!

Nagkunwari siyang tulog ng may kumatok na katulong sa pinto ng kwarto niya. 

"Senyorita, pinapatawag po kayo ni Senyorito Hellios sa ibaba. Sumabay na po daw kayo s kanya maghapunan."

Nagkunwari siyang tulog at hindi gumalaw sa ilalim ng kumot. Nang mapansin ng katulong na hindi siya gumagalaw ay marahil inakala nitong tulog parin siya kaya tahimik na itong lumabas ng kwarto.

Nagngingitngit parin siya sa inis kapag naaalala niya ang lalaki. Nang kumalam ang sikmura niya ay mas lalo lamang nadagdagan ang inis niya dito. Kahit ang mga magulang niya ay hindi siya trinato ng ganito. Ikinulong siya nito sa bahay ng isang linggo dahil lamang sa hindi sinasadya niyang pagtulog sa kubo! Ang lupit talaga ng lalaking 'yon!

Narinig niya ang pagbukas ng pintuan sa kwarto. Alam niyang katulong iyon na may dalang pagkain galing sa ibaba pero hindi parin siya bumangon. She just closed her eyes and sleep. For her to forget her hunger and pain. Bukas nalang niya iisipin ang mga bagong torture ni Hellios sa kanya. Sa ngayon ay gusto nalang muna niyang magpahinga.

Nagising siya kinaumagahan na parang minamartilyo ang ulo. Masakit ang ulo sa pinaghalong gutom at kakaisip ng sitwasyon nilang mag-asawa. Pihikan pa siya dati sa mga manliligaw dahil ayaw niyang makapag-asawa ng hindi matino, pero tingnan mo nga naman at bumagsak naman siya sa matino nga may topak lang.

Nasa ganoon na pag-iisip siya ng biglang bumukas ang pinto ng banyo sa harap niya. Mula doon ay lumabas ang asawa niyang tanging tuwalya lang ang saplot sa katawan. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at naghinang ang mga mata nilang dalawa. Napatanga siya dito. She couldn't help but appreciate the view. 

Kitang-kita niya ang paglawak ng ngisi nito habang nakatitig sa mukha niya.

"Why just stare at it, when you can have it." Napataas ang kilay niya dito.

"Come here, sweetheart... Feel me." Mayabang na sabi nito.

Ano bang meron sa mayabang na ito at kinakabahan ako kapag kasama ko 'to, e puro lang naman

hangin at kasungitan ang laman ng katawan! Kung

tutuusin

ay

hindi

ko

naman siya

ideal

manKaya

bakit?!

"No thanks... Baka mamaya ay mas lalo pang lumaki yang ulo mong dati ng malaki. Ano nga palang ginagawa mo dito sa loob ng kwarto ko? Huwag mo sabihin sa'kin na dito ka natulog kagabi?!" Kaagad niyang kinapa ang katawan at tumingin dito. Pinakiramdaman ang sariling katawan kung may nagbago ba.  

"What a way to greet me a good morning, sweetheart. Unfortunately, walang nangyari sa ating dalawa kagabi. Tulog kana ng pumasok ako dito sa kwarto at wala rin sa ugali kong manamantala ng tulog, kaya wala talagang nangyari." Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi nito.

"Kaya dapat imbes na kung ano-anong mga bagay ang isipin mo ay mabuti pang ipaghanda mo na ako ng agahan. Hindi mo dapat kalimutan ang mga obligasyon mo sa akin bilang asawa mo, Santina."

Gigil na binato niya ito ng unan. Kung makaasta ito ay parang wala itong atraso sa kanya tatlong araw na ang nakakaraan.

Tumayo siya sa kama at kumuha ng tuwalya. Gigil na binangga pa niya ang balikat nito sa sobrang inis.

"Hey!"

"Maghintay ka lang muna sandali sa baba, kamahalan... Dahil lulutuin ko pa ang lason na ipapakain ko sayong buweset ka!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status