“WINZI, where have you been?” naiinis na tanong ni Ahldrin sa babaeng bagong dating.
“May nakawalang Alundra, kailangan siyang mahuli bago pa man ito makapaminsala,” wika ni Winzi.
“I can handle that.” ani Ahldrin, “Nahil, samahan mo ako.” Walang pasabing lumabas ang itim na pakpak mula sa likuran ng lalaki. Natutulalang tumitingin si Eleand sa dalawang kapwa binalot ng itim at berdeng liwanag sabay biglang nawala sa paningin niya.
They are scaring me like hell! Ilang ulit siyang lihim na napalunok dahil pakiramdam niya ay nanunuyo na ang lalamunan niya sa sobrang takot. Gusto niyang biruin ang sarili na baka nasa shooting lang siya ng isang Hollywood movie na fantasy ang genre. Why those creatures had wings? Kung wala siya sa langit at hindi rin siya nasa Pilipinas, saang parte siya ng mundo napadpad?
He flinched a bit when Winzi scrutinized him. Seryoso ang mukha nito at marahang napailing nang makita ang kanyang kabuuan.
“Eleand Altierra…” napatango-tango ang babae.
Nanlaki ang mata niya sa narinig. “How did you know my name?”
“Well, I can easily read your mind.” Nagkibit ito ng balikat.
Muli siyang kinilabutan sa sinabi ng babae. Kanina ang dalawang nilalang ay may pakpak, ngayon naman ang babaeng ito ay nababasa ang iniisip niya!
“Don’t hurt me, please.” He pleaded again. She may look fragile because she was petite, but he could feel that the woman was dangerous enough to harm him. Kailangan niyang makabalik nang buhay at hanapin kung nasaan ang kanyang kapatid. Naidalangin an lang niya na sana ay walang masamang nangyari kay Elida. It was his fault. Kung hindi lang sana siya nagpadala sa bugso ng emosyon, hindi sana sila maaaksidente.
“Hurt you? I would love to. Pero nindi ko gagawin ‘yon. Dito ka lang, nakalimutan kong dalhin ang damit at pagkain mo. I was chasing the Alundra. That beast is getting to my nerves.”
Bigla itong naglaho sa harapan niya bago pa man siya magsalita. “Wait—”
This is really insane! Kailangan niyang malaman kung nasaan siya. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang isipin ang mga nangyayari sa kanya. Ang mga kakaibang nilalang na kanyang nakita. Kailangan niyang planuhin kung paano makakawala sa lugar na ito.
Lumabas siya mula sa maliit na kubo. Nahigit niya ang paghinga nang makita ang kanyang kinaroroonan. Nasa pinakamataas na bahagi siya ng isang bundok at kitang-kita nita ang napakalawak na kagubatan sa paanan. The forest was really thick and there was a blue lake stretching to the other side.
Napapalibutan din ang kagubatan ng mga bundok na iba-iba ang taas. It was so fascinating to look as the sea of clouds seemed dancing in the wind. Napasinghap din siya nang pumihit siya patalikod dahil tumambad sa kanyang mata ang mataas na talon habang may iba-ibang makukulay na bulalak na nagsisiksikan sa magkabilang gilid na dinadaanan ng tubig. Kulay ginto naman ang mga batong nagkalat sa ibaba ng talon at maraming kabuteng kulay pula at asul.
The place was so magical that he had to close his eyes for a moment and open it again to see if it was not just his imaginations.
What is this place? Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Halos hindi niya makuha ang tamang salita para ilarawan ang ganda ng paligid. Lalo lang siyang naguluhan dahil lalong dumadami ang tanong niya na hindi niya mahanap ang kasagutan. Nasa isang paraiso siya, nakapatahimik at ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin na para bang nakikiusap sa kanya.
“I’m back.”
Napapitlag siya nang marinig ang boses mula sa kanyang likuran. Tumambad sa kanya ang seryosong mukha ni Winzi na may dalang tray. Nakalagay doon ang iba-ibang uri ng prutas. She was carrying a satchel as well.
“Kumain ka at magbihis. Kailangan nating makabalik sa palasyo ng Noyuh bago ka pa mapahamak.” Ibinigay nito sa kanya ang tray pati na rin ang katamtamang laking bag na nakasukbit sa balikat nito.
“I’m not hungry.” Tipid na sagot niya habang nakatingin sa mga prutas na nasa tray na napitilan siyang tanggapin. Sa dami ba naman ang kakaibang nagyayari sa kanya mula pagkagising, hindi pumasok sa isip niya ang pagkalam ng sikmura.
Napaangat ang kilay ni Winzi. “Kailangan mo ng lakas kaya kumain ka. Huwag kang mag-alalala dahil wala namang lason ang mga ‘yan.”
“I just want to know where I really am. Kanina pa ako naguguluhan—why you guys look so… different?”
Ipinitik nito ang daliri at sa isang iglap ay naglaho ang tray na may mga prutas sa kamay niya. Nanlalaki ang matang napatitig siya sa babae.
“Hindi ba nila nabanggit sa’yo na nandito ka sa Erganiv? Well, in the land of Noyuh, the Summer Region to be precise. The portals were open during the night of Lunar Trifecta and you accidentally entered here.”
“I’m sorry, what?” Lumalim ang gatla sa kanyang noo. Wala pa rin siyang maintindihan. Anong portal ba ang sinasabi nito?
Namilog ang mata ng babae. “Erganiv is a hidden realm. Hindi ito nakikita ng mga mortal na kagaya mo. Nahahati ang Erganiv sa apat na bahagi—ang Argia, Alsache, Gwiazda, at Noyuh. Ito ay pinamumunuan ng iba-ibang diwatang dugong bughaw,” marahas na nagbuntong-hininga si Winzi bago muling nagsalita, “I’m not in the mood to discuss history. Malalaman mo din naman ang lahat dahil siguradong magtatagal ka rito.”
“Hidden realm—diwata? You mean, faeries?” Muling bumuka ang bibig niya pero walang katagang lumabas. Goodness gracious, nasa mundo siya ng mga diwata! Ngayon ay lumilinaw na ang lahat sa kanya. Mukhang na-engkanto siya!
“Yes, that’s correct. Now, suit yourself. Bago pa may maligaw na halimaw dito.”
“I need to go home. Paano ba ako makakabalik? Kailangan ako ng pamilya ko. Hindi ko rin alam kung saan napadpad ang kapatid ko.”
“Matatagalan bago ka makabalik sa mundo ng mga mortal. Kailangan nating hintayin ang paglabas ng asul na buwan bago mabuksan ang lagusan mula sa kagubatan ng Noyuh.”
“You mean, blue moon? Kailan naman mangyayari ‘yon? I’m in a hurry, mahalaga sa akin bawat segundo. At saka malay ko ba naman na magkaiba ng takbo ng oras dito at sa mundong pinanggalingan ko.”
“Don’t worry, tingin ko magkapareho naman ang takbo ng oras dito sa Erganiv at sa mundo ng mga mortal. As for the blue moon, you’re gonna wait at least two and a half years for that. Iyon ay kung makakayanan mong mabuhay dito sa loob ng mga panahong ‘yan. Because with that weak body of yours, I don’t think so. Even the weakest faerie can kill you in just a snap.”
Lalong pinaghinaan ng loob si Eleand sa narinig. Halos hindi pa nga siya nagtatagal ng ilang oras sa lugar na ito ay parang malalagutan na siya ng hininga dahil sa takot at pagkagulat sa mga kakaibang nakikita niya. Paano na lang ang dalawa at kalahating taon? Buhay pa ba siya pagdating ng araw na iyon?
“Wala bang ibang paraan para makabalik ako? Hindi ko kakayanin na magtagal dito.” Napahilamos siya sa mukha. Sana pala ay hindi na lang siya nagising. Natapos na sana ang paghihirap niya. Thanks to his parents that he was not born a loser. Hindi siya ang tipo ng taong basta na lang susuko. Kaya kakayanin niya ang problemang ito.
“I’m afraid there’s no other way.” Nagkibit ng balikat si Winzi.
Damn! Kaya ba niyang manatili dito?
“Then what I’m gonna do?” Wala sa loob na napasabunot siya sa sariling buhok na wala na sa ayos ang pagkakapusod.
“Nothing. You just need to stay alive until the Blue Moon. Best of luck.” Her lips formed a wicked smile. Na para bang ipinapahiwatig nito na mamamatay siya sa ayaw at sa gusto niya.
“I am just dreaming, right? This can’t be true.” Mariin siyang pumikit. Umaasa pa rin siyang hanggang ngayon ay nagkakaroon lang siya ng napakasamang bangungot. Hidden realm? Faeries? Damn it! Those things did not exist. He needed to wake up from this nightmare.
Nang muli siyang magmulat ng mata. Napaatras lang siya nang makita ang iritadong mukha ni Winzi. Her silver eyes were shining.
“Shit! Shit!” Ilang ulit pa siyang napamura. Gusto niyang sumigaw nang malakas dahil sa sari-saring emosyong namumuo sa kanyang dibdib.
“You’re not dreaming. Gusto mong ihulog kita sa bangin at nang maramdaman mong hindi ka nananaginip?” Lumapit ito sa kanya at akmang itutulak siya, “Might as well you rest in peace for eternity.”
“Huwag!” Nanlaki ang mata niyang umiwas sa babae.
Tipid na ngumiti ang babae. “Magbihis ka na. Pupunta tayo sa palasyo at doon ka mananatili para makapagpahinga.”
Nag-aalinlangan siyang tumingin sa bag na hawak niya. Nagtatalo ang isip niya kung susunod sa babae o tatakbuhan na lang ito.
“Malapit na akong maubusan ng pasensya sa’yo. Do you want me to you use magic for you to change clothes?” may bahid ng pananakot ang timbre ng boses nito.
“Magbibihis na.” Mabilis siyang tumalikod at tinungo ang bahay kubo. Tahimik siyang nagbihis kahit labag sa loob niya ang klase ng damit na ipinalit niya. Mukha siyang dadalo sa isang costume party. He was wearing a brown pants paired with black leather boots. Kulay puti at ginto naman ang damit niyang pang-itaas—a white tunic and gold waistcoat adorned with small white diamonds. Ilang sandali pang nagtalo ang kanyang isip kung isusuot ba niya ang kulang pulang kapa na mayroong gintong marka.
Nagulat pa siya nang makita ang puting liwanag na tila mga alitaptap ang bumalot sa katawan niya. Namalayan na lang niya na suot na niya ang kapa.
“Now you look like a native Noyuhian from the Autumn Region.”
Napapitlag si Eleand sa boses ni Winzi. Hindi ba ito marunong ng salitang ‘privacy’? Bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya kahit mahigpit niyang isinara ang pintuan ng bahay kubo. She even used her magic!
“Darn! Wala ba kayong privacy sa mundong ito?” Nagbuga siya ng hangin.
“Ayaw ko lang ng naghihintay. Tara na!” Walang pasabing hinablot siya ng babae sa braso. Binalot sila ng puting liwanag at pakiramdam niya ay umikot-ikot sila dahilan para mahilo siya. Ilang sandali pa ay tumambad sila sa harap ng isang malaking palasyo sa gitna ng kagubatan.
Pigil ang kanyang hiningang pinagmasdan ang paligid. The palace was gold—high and enormous. Its architectural designs seem to be a combination of Gothic and Romanesque. Nakakamangha ang malilit na detayleng disenyo ng palasyo. Malawak ang hagdan sa harapan ng malaking pintuan at tiyak na hihingalin doon ang simumang mortal na aakyat lalo kung kulang sa ehersisyo. There was river on the right side of the palace. Ang tubig na dumadaloy ay patungo sa isang malaking talon na hindi niya matantiya kung gaano kataas.
The trees around were gigantic and colourful flowers were sprawling everywhere. Napansin din niya ang iba-ibang klase ng malalaking ibon na tila naglalaro sa himpapawid. They were Peregrines, Ravens, and Owls. Pero nakapagtatakang walang ibang nilalang na nandoon. Wala siyang makita pero nananayo ang mga balahibo niya sa katawan. Parang may kung anong puwersang naglalaro sa katawan niya at naidalangin niya na sana hindi dito magtatapos ang buhay niya.
MABILIS na sumusunod si Nahil sa himpapawid kasama si Ahldrin. Both of them were chasing the Alundra. Hindi niya maiwasan ang mapangiti habang nakatingin sa seryosong mukha ng kasama. He was tracking the scent of the beast.Hindi na siya nagtaka dahil alam naman nilang lahat na ang lalaki ang pinakamagaling na tracker sa buong Erganiv. He was the General of the Land and Aerial Army of Noyuh. Sanay na sanay itong makipaglaban maging sa lupa man o sa himpapawid.“Hurry!” Ahldrin shouted.“All right,” bulong ni Nahil na nakangiti.Erganiv was magically created ten thousand years ago using ancient spells that caused a continental drift. Sinadya itong buuin para sa katahimikang inaasam ng mga diwata kaya hiniwalay ang Erganiv sa kontinenteng nasasakupan ng Alegerio. Ito ang napagdesisyonan ng mga malalakas na diwatang dugong bughaw na nagtataglay ng kapangyarihang lumikha. Dahil napakalaking pinsala ang nilik
AGAD na yumuko si Ahldrin nang madatnan nila ni Nahil si Aserah na nakaupo sa trono. She wore her green off-shoulder gown embroidered with gold. Suot nito ang gintong korona na may malaking ruby sa harapan. Aserah was the Lady of Noyuh. Ito ang may pinakamataas na katungkulan sa buong Noyuh na siyang namamahala sa buong kaharian.“Naidispatsa na namin ang Alundra,” wika ni Ahldrin matapos magbigay galang.Tumayo si Aserah mula sa trono. “Mabuti.”“Nakapagtataka lang kung paano nakatakas ang halimaw mula sa kulungan,” sabat ni Nahil. She was her second in command and he was third. Wala naman sa kanyang problema kung anong posisyon ang ibigay sa kanya. Malaki ang utang na loob niya kay Aserah dahil sa pagtanggap nito sa kanya sa nasasakupan nito.He originally came from Gwiazda. Siya ang bunsong anak ni Lord Lavino, na siyang namamahala sa kaharian ng gabi at bituin. Pero pinili niyang iwan ang
RAMDAM ni Eleand ang panginginig ng kanyang kalamnan nang magsalubong ang mata nila ni Aserah. There was something about her, something ancient. A goddess. Iyon ang tamang description sa itsura nito. Her golden hair was swirling in curls. Bagay na bagay dito ang suot na korona. Her eyes were emerald green with a ring of gold!Napapalibutan siya ng mga nilalang na wala siyang itulak kabigin pagdating sa kagandahan ng hitsura. Their curved and pointed ears, glowing skin, and colourful bright eyes were impeccable. But no matter how perfect they look; he knew that they were also deadly. Isang pagkakamali niya lang, tiyak na sa kabilang buhay siya pupulutin.“T-Thank you,” sinikap niyang huwag mabulol nang marinig ang sinabi ni Aserah.Hindi na niya muling sinalubong ang mata nito dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Itinutok na lang niya ang mata sa gintong chandelier na nakasabit sa kisame. He noticed that the room h
"SLOW DOWN!" Elida was reaching for the seat belt. Kitang-kita ni Eleand ang pagkataranta sa mukha ng kapatid. Pero nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Then there was a loud thud! Nakita niya ang duguang katawan ng kapatid. He saw the tears from her eyes; it was red because of blood dripping from her injured head. Paulit-ulit nitong tinatawag ang pangalan niya bago ito tuluyang pumikit. “Elida!” he screamed. Panaginip lang ang lahat pero bakit parang totoo? Humihingi ng tulong sa kanya ang kapatid. Shit. Ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. Mabilis siyang bumangon at tinungo ang bintana. Madilim na. Nagkalat ang mga bituin sa langit at nakasilip na ang bilog na buwan. Mukhang mahabang oras siyang nakatulog mula kanina. I need to find Elida. Hindi siya nagdalawang isip na lumabas sa kuwarto. Mabuti na lang at walang ibang nilalang siyang nakita habang pababa sa grand stair
NAGISING si Eleand kinabukasan dahil sa kaluskos ni Lifa. Nakita niyang galing ito sa loob ng banyo. Nagsalita ang babae nang makita nitong gising na siya.“Inihanda ko na ang pampaligo mo. Kailangan mo nang mag-ayos ng sarili dahil sasabay ka sa almusal ng pinuno.”Hindi siya nagdalawang isip na bumangon nang marinig ang sinabi ni Lifa. Minsan pa siyang nagulat nang makita ang loob ng banyo. The bathroom was spacious enough to be his bedroom. Mayroon itong pool size na Jacuzzi! Wala siyang ideya kung anong uri ng mahika ang ginamit dito pero kailangan na niyang maligo para makasabay sa almusal.Mabilis siyang nagbihis matapos maligo. Ilang sandali pang nagtalo ang kanyang isip kung ano ang isusuot. He chose the light blue tunic and black pants. Napangiti din siya nang makita ang mga nakahilerang sapin sa paa. Pinili niyang isuot ang itim na boots. He did not wear cloak because the morning temperature was
HINDI itinago ni Eleand ang pagkamangha nang marating nila ang kabundukan ng Autumn Region. Mahigit isang oras na silang naglalakad pero hindi naman niya alam kung ano ang hinahanap nila. Kahit saan siya tumingin lahat ng halaman at puno ay taglagas. The leaves were red and yellow while the other trees were bald. Nagkalat sa lupa ang makukulay na dahon ng mga punong kahoy.“Anong klaseng hayop ba ang huhulihin natin?” Hindi siya nakatiis na magtanong. Mabuti na ang alam niya para hindi siya magulat kung kakaiba ito.“We are not hunting animals. Manghuhuli tayo ng Migus para mas challenging.” Nakangiting wika ni Zanti.“What is that?” kunot-noong tanong niya. Pangalan pa lang nagdududa na siya. Sa klase ng ngiti ni Zanti parang gusto niyang kabahan.“That is a lesser faery living in shadow. You’ll see, mabibilis sila kaya masusubukan ang galing natin sa pangangaso. We just need to
NAPATAYO si Aserah mula sa pagkakaupo sa trono dahil sa pagdating ni Zanti kasama si Eleand. Ilang sandali pa ay tumambad sa kanyang paningin ang humahangos na mukha ni Winzi at si Ahldrin na duguan ang braso.“Ano ang nangyari sainyo?” tanong ni Aserah na hindi itinago ang pagkunot ng noo.“Naglilibot ako sa Rehiyon ng Tagsibol at may nakita akong nakakatakot na pangitain,” wika ni Winzi na hindi kumukurap.“Anong pangitain?” tanong ni Ahldrin. Binitawan na nito ang nagdurugong braso at nakita niyang unti-unti nang naghilom ang mga sugat nito. Ang mga diwatang dugong bughaw ay may kakayahang pagalingin ang sarili. Except when they were heavily wounded. Natatagalan bago makabawi ng lakas kapag grabe ang tama sa katawan.“Nakita ko ang Sinaunang Reyna kasama ang isang lalaking alagad niya dito sa loob ng palasyo.”Tumango si Aserah sa narinig. Lihim siyang nagtangis ng bagan
NAKATITIG si Eleand sa mata ni Winzi. Her silver eyes glimmered as she gave her a warning. Agad itong humarap sa kanya nang may pumasok na nakaitim na babae kasama ang isang lalaki. Naririnig niya sa utak ang sinasabi ni Winzi. Mariin itong nakahawak sa magkabilang balikat niya.Don’t look at her. Just look at me.Hindi naman siya nagmatigas pa at sumunod rito. Alam niya ang panganib. Kusang nanginginig ang kanyang kalamnan sa matinding takot dahil sa presensya ng nakaitim na babaeng dumating. Her voice was dangerous but sweet. Normal lang siguro iyong katangian ng isang diwata.Naririnig niya ang mahinang tawa ng babae. Parang may kung anong puwersang nagtutulak sa kanyang tingnan ito. Thanks to the gift of fae eyes, he could vividly see the woman. Wala sa sariling pinag-aralan niya ang itsura nito. Maybe it was because of the magic, he was instantly drawn.There she was, moving with lethal grace, wearing a shim
ICY WORLD THE mortal world was covered in ice. Nagpatuloy sa paglalakad si Zaza patungo sa landas na walang kasiguraduhan. Samantalang si Yiyi, sa kanyang anyong pusa ay kumportableng nakaupo sa tuktok ng ulo ng kapatid para mabigyan ito ng init. Zaza’s small body was filled with frostbite. “Yiyi, kailangan natin na makahanap ng pansamantalang masisilungan…” bulong niya habang pinagmamasadan ang naiipong maitim na mga ulap. His gut feeling was telling him that something horrible would happen. Thunder had roared and the flash of lightning seemed enraged that it never halted. Iniisip ni Zaza kung bakit ni isang buhay na nilalang ay wala silang makita sa ginawa nilang paglalakbay. Halos ay mga bangkay na nagkalat sa makapal na niyebe. Napakaraming patay at hindi niya maintindihan ang nangyayari. Hanggang sa natagpuan niya ang sarili na nagpapahinga sa loob ng isang kuweba. Naupo siya sa isang malaking nakausling bato habang gumalaw naman si Yiyi at tumungo sa kanyang mga hita. Ramdam
CURSE OF AYI AND AZACRIMSON lightning filled the dark sky and the entire armada of the aerial army led by King Airoh launched a full-scale attack against the Shadow Army of the Muhler Empire. Ang pulang kidlat ay pinakakawalan ng makapangyarihang si Reyna Rieska. Nagmistulang dagat ng dugo and malawak na disyerto habang nakikipaglaban ang libong mga diwatang kawal sa pamumuno ng hari at reyna ng Alegerio.As the two heads of the Kingdom of Alegerio were busy holding the line, another sinister plan was set to harm their twin offspring—Ayil and Azahil.Tahimik na natutulog ang tatlong taong gulang na kambal na supling na walang kamalay-malay sa digmaang nagaganap sa labas ng Palasyo ng Raledia. Their room was heavily warded.Ten Alegerian high guards were there overseeing the twins, and their hands gracefully waved to produce bright yellow magic circle to strengthen the protection shield.Pero isang hindi inaasahang bisita ang biglang nagpakita at pumasok sa silid ng kambal. He wore a
THE QUEEN walked in the path of darkness. She fought hard with her weakened body. Esdras did this to her. And she would not let him succeed. Hindi siya mangingiming tapusin ang sariling buhay kaysa maging daan siya sa mga masasamang plano nito. Paubos na ang kanyang mahika. From the time she was imprisoned in the iron room in the watchtower, her power was slowly draining. The ritual. The excruciating pain. She cried. Her beautiful dream. Halos walang katapusan ang pagdaloy ng mga alaala sa isip niya simula ng una niyang naramdaman ang enerhiya ng mahika ni Airoh pagkatapos ng mahigit sampung libong taon. She managed to follow the flickering ember of the king’s mana in the mortal realm. She had seen how he bargained his life to Sorath, and she was just there unbelievingly staring while the king’s body transformed into a human baby. Sinigurado niyang mababantayan palagi ang mortal na katawan ng sinaunang hari habang nasa mundo ito ng mga tao na walang alam sa tunay nitong pinagmul
NAGBIGAY-DAAN si Airoh para ma tingnan ni Phali si Rieska. The Aogian faerie seemed to scan Rieska’s body using the light from her eyes. Matapos ay hinawakan ni Phali ang dibdib ng reyna at may maliit na magic circle na lumabas sa palad nito.“Nasa katawan ko ang lahat ng kristal. Inipon ko iyon isa-isa sa napakahabang panahon pero sa lakas na taglay ng kapangyarihan nito ay tuluyang nawala ang aking paningin. Dahil sa iyong pagtulong sa amin, hayaan n’yong ako naman ang tumulong. Sinisiguro kong ibabalik ko sainyo ang reyna sa dati niyang estado.” Nakatinginan sina Winzi at Harewyn. Samantalang tulala naman si Airoh at hindi makapaniwala sa takbo ng mga pangyayari. “Maraming salamat, Phali.” Nagagalak na sambit ni Airoh.“Napakakumplikado ng mahikang sumpa na nakapaloob sa katawan ng reyna.” Nilingon ni Phali si Winzi, “Kakailanganin ko ang tulong mo Winzi.”Winzi assisted the blind faerie. It took them a while before Phali fully reconstructed the queen’s inner core. Paunti-unti at
NAGULAT si Airoh nang biglang palibutan sila ng mga kalaban sa himpapawid kahit nakalayo na sila sa kinaroonan nina Zanti.“King, use the transportation magic to get them in a safe place, if you can still make it. Let me handle this, kaya ako sumama sa ‘yo dahil inaasahan ko nang mangyayari to. Hindi mo puwedeng sagarin ang kapangyarihang nasa katawan mo, nararamdan ko ang mahinang tibok ng iyong pulso.” Tumalon si Zaza mula kay Griga at lumutang ito sa hangin pero hindi nito kasama ang kambal.Yiyi, in her cat form, was being held by Phali. Samantalang napagitnaan nila ang dalawang batang Aogian.Ipinusisyon ni Airoh ang dalawang daliri sa kanyang noo at lumabas doon ang dilaw na liwanag matapos ay ipinasa niya iyon sa ulo ni Zaza. He just shared information about Raledia. Hindi niya maintindihan kung bakit sadyang magaan ang pakiramdam niya sa diwatang ito.“Zaza, mag-iingat ka. Hihintayin kita sa aking palasyo. Ako nang bahala sa kapatid mo,” Airoh assured him.“Alam ko, handa na b
“SIRE, I’m glad you’re back!” Tila nakahinga nang maluwag si Neilmyr nang makita ang hari. Kung walang maraming buhay ang nakasalalay ay kanina pa sana niya pinakawalan ang buong lakas. His barrier magic was very basic compared to Airoh and being outnumbered like this was unexpected.“What heck is wrong with these creatures?” Iritadong sambit ni Zenus. Habang nakatayo lang sila roon ay parami nang parami ang kalaban. “We fought around fifty of them at first.” Nahihirapan wika ni Winzi. Ginagamot nito ang sarili dahil malaki ang sugat nito sa tagiliran. Namumutla na rin ang kulay nito pero sinisikap nitong tumayo nang tuwid.“Winzi, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Airoh sa diwata. Akma sana niya itong tutulungan sa paggamot pero pinigilan siya nito. “Maayos lang ako. Kaya ko na ito. Ang mga nilalang na iyan ay bigla na lang sumulpot mula sa ilalim ng lupa,” ani Winzi. “Mahal na Hari, ano na ang gagawin natin?” tarantang wika ni Phali. Nasa unahan ito ng mga batang Aogian.
NANG masiguro ni Airoh na wala nang magiging balakid sa pakikipaglaban sa mga nilalang na naroon. He unleashed his black fire in an instant. Napuno ng matinis na sigaw mula sa mga halimaw ang paligid nang matamaan sila ng itim na apoy. Wala ring inaksayang sandali sina Zaza at Zenus. Magkasabay nilang pinakawalan ang buong lakas na taglay. Zenus was eradicating the creatures using his hell fire. Pero hindi naging madaling lipulin ang mga kalaban. “Sire, these shadow hybrids are far stronger than the soul stealers,” ani Zenus na namumuo ang pawis sa noo. The temperature was getting humid. Marahil iyon sa haring na ginawa ni Airoh na walang hangin na nakakapasok.“I know.” Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Airoh kay Hasmal. Kagaya sa Kaluwah, may kakayahan ang mga nilalang na magpalit anyo. They could shapeshift to red particles. The only difference was that these creatures were built not just to possess a living being, but also to suck the life of anything it touched. Kaya p
“WHAT is going on here?” Tiningnan ni Airoh si Zaza. The young fae took his human form. At halos magkapantay na ang tangkad nilang dalawa. “Nagmadali kaming pumunta rito nang maramdaman ko ang malakas na enerhiyang mula sa kailaliman ng lupa. It took us a while to look for the portal. But the dark magic doesn’t come from that tentacled beast earlier,” paliwanag ni Zaza. “What do you mean?” sabat ni Zenus. “I’m talking about…” sandali g tumigil si Zaza at waring may hinintay bago nagpatuloy, “that thing.”Itinuro nito ang isang nilalang na malaki ang pagkakahawis sa isang Muhlerian Shadow. It was a cloaked creature with bat wings and probably eight meters tall. Wala itong mukha kundi usok na pula lamang. It was like a hellfire crafted as a head while its body had six hands with deadly claws. “I have never seen a creature like that.” Hindi maalis ni Winzi ang mata sa nilalang na lumilipad. “It’s like the Shadow hybrid,” wika ni Zenus at idinagdag sa sarkastikong tono, “The enemies
SAMANTALA sa loob ng Gintong Palasyo. Napukpok ni Nahil ang mesa nang marinig ang sinabi ni Ahldrin. Dahilan para magulat ang dalawang diwatang tagasilbi na nakatayo sa hindi kalayuan. Katatapos lang nilang maghapunan at tanging silang dalawa lang ang naroon sa malaking parihabang mesa. Magkaharap ang dalawa at seryosong nag-uusap sa lenggawahe ng mga diwata. “Nahihibang ka na ba, Ahldrin?” Naikuyom ni Nahil ang kamao. “Nagsasabi lang ako ng totoo, Nahil. Ilang linggo nang nawawala si Aserah at hindi puwedeng manatiling ganito ang Mirasaen lalo na at paparating na ang napipintong digmaan,” kaswal na wika ni Ahldrin. “Hindi ako kailanman interesado sa trono. Tandaan mo 'yan.” Patuloy ang pagtaas-baba ng dibdib ni Nahil dahil sa nararamdamanang tensyon. Pero pilit niyang kinakalma ang sarili. Handa na nga ba siyang gawin ang napakalaking responsilibilidad na iniatang sa kanya ni Aserah? “Ano bang mali sa pagpapatawag ng pulong sa mga pinuno ng apat na rehiyon? Sila ang magdedes