Clesea’s POVBiglang bumukas ang pintuan, niluwa si Knight na seryoso lamang ang mukha. Lahat ay napunta ang atensyon sa kaniya. Wala siyang naging salita. Binasag ni Israel ang katahimikan. Huminga siya nang malalim para kalmado siyang magtanong. “Sinong may gawa niyan sa ‘yo?” Napakagat labi si Aziria, hindi makasagot. Lumapit si Rael sa kaniya. “Lay down.” Naguguluhang sinalubong ni Aziria ang tingin ni Israel. Napataas naman ng kanang kilay ang lalaki dahil sa naging reaksyon ng babae. “I said, lay down, Aziria.”"Y-Yes,” aniya. Nakita ko pa ang paglunok niya. Napangiti ako ng palihim dahil kay Israel lang siya naging ganiyan. Sinusunod niya lang ang lolo’t lola niya kaya nakakapagtaka. Ganito ba talaga si Aziria kapag nadadala sa ospital?“HAHAHAHAHAHAHAHAHA!”Lahat kami ay natawa. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pasimpleng ngiti ni Knight. Nagtataka ang dalawang napatingin sa aming lahat. Masyado naming kilala si Aziria, hindi namin akalaing ganoon! Hindi ko na sana pap
Tyrone’s POVIsang linggo na ang nakalipas simula nang makalabas ng ospital si Aziria. Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa paaralan. Hindi na ako nasanay dahil naiinis pa rin ako sa mga babaeng kinukuha ang aking atensyon. I don’t know them, please, shut up.Maaga akong pumasok dahil alam kong nandirito ang nanay nina Aziria at Azimia, walang iba kun’di si Tita Ashanti. Hindi ko alam ang kaniyang pakay at kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para pumunta rito dahil magkaaway sila ni Tito Morris. Pero sa pagkakaalam ko, sa opisina ni dad ang unang destinasyon niya.Ano pa nga bang aasahan ko? Habang naglalakad ako patungo kay dad, ang daming bodyguards na diretso ang mga tayo. Kumuha lang naman sila ng guwardiya para sa pagpapahanap kay Aziria. Noong nasa puder nila, hindi makalabas si Aziria ng mag-isa dahil kailangan lagi siyang may bantay. Really? Sila mismo ang nagdadala ng kapahamakan kay Aziria. Katulad ni General, nasa murang edad pa si Aziria pero tinuruan agad humawak n
Aziria’s POV“Long time no see, Aziria. Ang tagal mong nawala,” ani Ma’am Gonzales habang nakangiti sa akin.Hindi ko siya pinansin, hinawakan ko ang kamay ni Israel at hinatak papasok ng silid. "Is it true? They are in relationship?""Niligawan siya ni Israel."Ang dami pang mga binulong ng mga kaklase ko pero hindi ko na ‘yon pinansin. Umupo na lang kaming dalawa ni Rael sa upuan. "Miss Sullvian, alam mo na ba ang sagot sa tanong ko?" may nakakalokong ngiti sa kaniyang labi. Tila nakikipaglaro sa akin ngayon. Bigla siyang natawa. "Haha." Napailing-iling pa. "Hindi mo pa rin alam hanggang ngayon? Poor student."What’s her question? Hindi ko alam ang tinutukoy niya. "What is it, ma’am?" I asked. Nagbubulungan sina Rael sa aking likuran pero hindi ko marinig."Can you answer my question?" seryoso na ang kaniyang pananalita. Sinusubok niya talaga ako. Tumango akong nakakunot ang noo. "Anong pinagkaiba ng ugali sa asal?"Kasama ba ‘to sa asignaturang tinuturo niya? Nagtataka nga man,
Azimia’s POVWagi ang ngiti ko habang hatak-hatak ako ni Baby Klyde. Mahina akong bumubungisngis, nakatakip pa ang isang kamay sa bibig para hindi niya marinig. Kaso bigla siyang tumingin sa akin.“Ano ‘yon?” inosente kong tanong."Anong binubungisngis mo riyan?" Tinaasan niya pa ako ng kanang kilay. Para siyang nababanas sa mahina kong bungisngis. "M-My hand."Napatingin siya sa aking kamay na hawak-hawak niya. Napangiti ako nang makita ko ang kaniyang pagkailang. Hinawakan niya ‘to ng mahigpit at muli akong hinatak. My role for today is hatak-hatakin. Pero ngayon, hindi na ako kinilig dahil nilipat niya ang hawak niya sa akin. Nakanguso akong sumusunod. "Stop pouting, I’ll kiss you,” pagbibiro niya. Mas lalo akong ngumuso. "Naging pato ka na riyan, Azimia."I rolled my eyes. "Nye. Where’s Knight?" kunwari akong lumingon-lingon sa paligid. "Knight stole your first kiss. Paano na ‘yan?""What do you mean paano na ‘yan?" Bakit gusto niya bang maging first kiss ko? "Ikaw nga nagpahal
Knight’s POVKasalukuyan akong nagmamaneho papuntang Delicacy Cafe para mag-almusal matapos naming magkasagutan ni Clesea. Kinausap pa ako ni Trill bago ako umalis. Grabe, kilala ko siyang palatawa, ang mga tingin at boses niya ay nakakakaba. Mabuti na lang exception ako sa makakaramdam niyon, hehe. "You want to get revenge to Aziria using Clesea, huh? Sino ba sa dalawa ang gusto mo? Alam mo, iniisip ko ngang tama lang na iniwan kayo ni Aziria. Patapon ang mga isip niyo," ani Trill. Makikipag-usap na iniinsulto ako. Halata rin sa kaniya ang galit. I smirked. "Why would I do that?""She don’t deserve that kahit si Azimia. Kung nakakapag-isip ka ng tama, maayos ang gagawin mo," matigas niyang sabi. "Lalaki ka ba talaga? Kawawa ka naman. Hindi makausad about Aziria."I laughed. Natatawa sa kaniyang sinabi. "Give me a reason, Trill."“She’s a girl,” ikli niyang tugon.Masyado siyang seryoso. Masarap asarin. “Invalid, give me another one."“She’s a girl.""Another again.""She’s a girl."
Aziria’s POVLahat ng tanong ni Sir Buical ay nakuha kong sagutin. Natulog ako dahil alam ko na ang tungkol doon. Alam ko rin namang makikita niya akong matutulog kaya may lakas akong loob. "Where gases are exchanged?" tanong niya pa sa akin.Alam kong wala na siyang maitanong, ramdam ko iyon dahil kanina pa siya nangangapa maliban na lang kung may pinuputok pa ang butsi niya. Gusto niya lang yata akong ipahiya. "Capillaries." Ilang segundo muna ang lumipas bago siya muling magtanong. "Windpipe?""Trachea."Puro key words na lang ang itinatanong niya sa akin. Kahit naman kasi habaan niya at laliman ang mga salita, naiintindihan ko pa rin. "Breathing in?""Inhaling.""Surround the air sacs?""Air sacs.""Breathing out?""Exhaling.""Sit down. Mabuti naman at nakakapagreview ka sa lesson natin," nakangiting sabi ni sir. Tinuro niya na ba ‘yon? Saka alam ko lang talaga. "Actually our lesson for today is about blood. Kailangan natin ‘tong isingit dahil kulang na tayo sa araw. Gahol a
Aziria’s POV“Sus, si Klyde na lang mamahalin ko,” ani Trill at bahagya pang yumakap kay Klyde.Nagtawanan ang lahat. “HAHAHAHAHAHA!”“What the fuck, Trill?! Eww!” reaksyon ni Klyde. Tinanggal ang pagkakayakap sa kaniya ng kaibigan.Nakangusong nakatitig si Trill sa kaibigan. Tila masama ang loob. “Joke lang. Grabe ka na, huh. Nakakadiri ba ako?”Hindi nasagot ni Klyde ang tanong ni Trill nang may biglang nagsalita. Lahat kami ay napatingin doon.“Miss President.”Kunot-noo ko ‘tong hinarap. "Bakit?" Isang estudiyante.“Pinapatawag po kayo ni dean sa office niya.”“I’ll go,” aniko. Tumango-tango siya, ngumiti at umalis."Lovy, sama ako." Lumingkis agad si Israel. Ayaw na ayaw mahiwalay sa akin.Umiling ako sa kaniya. “Hindi na, love. Kakausapin lang naman ako.”Maglalakad na sana ako nang may isang baldeng bumuhos sa akin. Nadamay ang iba kong kaibigan lalo na’t si Israel dahil malapit siya sa akin. Natahimik ang lahat dahil sa pagkabigla.Who the hell are you?"S-Sorry, Israel." Bos
Tyrone’s POVPinanood ko na lang si Aziria’ng maglakad palayo sa akin. Umiiling akong tumalikod sa kaniya. Hindi ako bumalik sa paaralan dahil sigurado akong sermon ang abot ko sa aking tatay. Sasabihin na naman niya sa akin kung bakit hindi ko sinuway ang aking pinsan sa katigasan ng ulo niyon dahil ako ang nagbabantay sa kaniya. Lumihis ako ng daan kung saan puro kakahuyan. Habang naglalakad ako, sinalpak ko sa dalawang tainga ang aking earphones. Mahinahong naglalakad sa ilalim ng musika. Nakasanayan. Gulat akong napadilat nang sumakit ang aking pisngi, may kamaong lumapat doon. Mabilis kong tiningnan kung sinong may kagagawan, itong babaeng nasa harapan ko. Bubulyawan ko sana siya nang makita kong may limang lalaki siyang kaaway. What the? Naglalakad akong nakapikit kaya hindi ko alam na pumasok ako sa gitna ng away. "My angelic face, jeez!" inis kong bulong at tinanggal ang earphones sa mga tainga. Tumuon ako sa babae. "What are you doing, brat?!”"Ikaw nga dapat ang tinatanon
Third Person’s POV"Love." Yumakap si Aziria sa baywang ng kaniyang asawa habang nagluluto ito. "I miss your kiss. Kiss mo na ako.""Nagluluto ako, love," natatawang tugon dito ni Israel. "Saka bago ako magluto, I kissed you. Miss mo na agad?""Please? Sinong hindi makakamiss kong 8 years akong walang kiss from you?" lihim na napairap ang babae. "Dad is cooking, mom," mahinahong suyaw ng anak nila. Nakasalong-baba ito sa lamesa. Naghihintay matapos ang tatay niyang magluto. Lumapit si Aziria at pinisil ang pisngi ng anak. "Nagmana ka talaga sa tatay mo, baby.""I’m not baby anymore, mom," reklamo pa ni Ishezea."I’m handsome and she’s beautiful, right, baby? Talagang mana iyan sa akin," gatong pa ni Israel. Ngumiti nang malawak ang bata. "Yes, dad! I agree!""Hays, napagtutulungan na ako," mahinang bulong ng ina.Nasa ganoon silang sitwasyon nang bumukas ang pintuan at pumasok si Tyrone."Nandirito ka?" agad na tanong ni Aziria. Inis na naupo si Tyrone sa sofa. Napasabunot pa sa
Third Person’s POV8 years later...Pagod na bumagsak ng upo si Aziria dahil sa pagod na nararamdaman. Sinalubong siya ng kaniyang mga magulang."How’s your business trip?" tanong ng ama habang sumisimsim ng kape. Ang mga mata ay nakatuon sa kaniya. "It’s okay, dad. Too tired," antok niyang tugon dito. Pabagsak na hiniga ang sarili."I told you magpasama ka kay Azimia, baby," ani naman ng ina na nakaharap sa cellphone. Namimili ng kung anu-anong damit.Bumuntong-hininga siya at muling umupo para hubarin ang sapatos. "Hays, mom. Wala naman pong maitutulong ‘yon sa akin."Napatango-tango na lang ang ina. "Tulog na ang anak mo, umakyat ka na lang doon sa taas.""Yes, mom. Pupuntahan ko."May anak si Aziria. Kilala ng mga magulang niya kung sino ang tatay. Ayaw ipaalam ni Aziria sa tatay nitong nagkaanak sila dahil hindi pa siya handa roon. Ayos lang naman sa mga magulang ng dalaga ang maaga niyang pagbubuntis dahil kaya naman nilang tustusan ang gastusin. Kahit ganoon, natupad ni Aziria
Aziria's POV"KUYA!" rinig kong sigaw ng isang babae habang nasa taas ako ng hagdan. Kanina ko pa naririnig itong sumisigaw. "KUYA!"Nagtaka naman ako dahil nilapitan ako ni Israel at pahatak papasok sa kwarto."B-Bakit?"Problema nito?"Magtago ka.""Huh, love? Pinagsasabi mo?""Magtago ka nga," pilit niya pa at walang hirap-hirap akong pinasok sa kwarto. Napasimangot ako at labag sa loob kong ginagawa niya sa akin 'to. Kuya? Sino ba ang babaeng 'yon para itago pa ako ng boyfriend ko rito sa kwarto?"Ano ba?! Wala nga! Kulit naman!" sigaw ni Rael.Rinig ko ang kanilang usapan dahil kung magsagutan silang dalawa ay pagalit. Akala mo may mga sama ng loob sa isa't isa."No way!" matinis na tugon ng babae. Baka naman babae ito ni Israel kaya tinago niya ako rito? Joke.Lumabas ako ng kwarto. Napahinto ako sa railings ng hagdan nang maisip kong kailangan ko magtago, baka kailangan talaga. Mapait akong napangiti sa naisip. Tumigin ako sa ibaba, nakita ko ang dalawang postura ng tao na na
Aziria’s POVNilapag ko ang cellphone ko sa lamesa matapos kong kausapin ang tumawag. Humarap ako kay Israel nang magtanong siya."Sino ‘yon?" tanong niya."Si dad?""Ano raw ang kailangan?"Lihim akong napabuntong-hininga. "Kailangan naming mag-usap, kaming lahat. Pupunta ako.""With me," matigas niyang sabi."Huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko.""Sabi mo sa tabi mo lang ako," nakanguso niyang turan kaya napangiti ako roon. "Babalik naman akong buo. Pamilya ko naman ang kakausapin ko. Don’t worry, okay?""Kukunin ka na nila sa akin," giit niya pa. "I will not leave you," lansak akong tumitig sa kaniya."Hmm? Naniniwala naman ako sa ‘yo."Pinisil ko ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay at ngumiti rito. "That’s goods."Lumabas akong nakangiti ng bahay ni Rael. Sumakay na ako sa kotse. Bago ako magmaneho, tiningnan ko muli si Israel na nakatayo sa gate. Malungkot ang kaniyang mga mata. Wala naman akong balak iwan siya. Para mapanatag ang loob nito, ngumiti ako ng matamis.Na
Aziria’s POVBumalik na ako sa aking condo simula nang mangyari iyon sa akin. Pinauwi na ako ni Tyrone at iyon ang hindi ko alam na dahilan. Ngayon, papunta ako kay Lianna. Kakausapin ko siya tungkol sa back up ng gang. Halos lahat ng suot ko ay itim. Black jeans, black jacket, black shades glasses at black mask. Mapapahamak ako kung hindi ganito ang aking ayos. Delikado ang maglakad daraanan ko dahil puro may gangs ang tumatambay doon. Lumabas na ako ng condo nang matapos mag-ayos ng sarili. Pinaharurot agad ang sasakyan. Kalmado lamang akong nagmamaneho dahil maganda ang aking gising sa hindi ko alam na dahilan. Dahil sa katahimikan, rinig ko agad ang tunog ng cellphone ko nang may tumawag."Hello?"[Aziria, where are you now? Kailangan ka namin dito ngayon. Fuck it!]Si Heart."Nasaan ba kayo? Tarantang-taranta ka."[Nasa school, almost all of student are here in the gymnasium.]"Oh, anong gagawin ko sa mga estudiyante?"She sighed.[Gosh, ngayon ang punta ng mga co-stock holders
Aziria's POVNakikinig ako sa tinuturo ng guro. Tinatamad akong makinig dahil alam ko ang kaniyang tinuturo, bawat bigkas ng kaniyang bibig ay walang pinagkaiba sa nalaman ko. Mabigat ang aking mga mata kaya mas pinili ko na lang yumuko sa arm rest at pumikit upang matulog. Nainis ako nang may kumalabit sa akin. "Ano?!" Agad na lumambot ang aking ekpresyon nang makitang si Israel. "May guro."Huminga ako nang malalim. Umayos ako ng upo at pinilit ang sariling makinig sa harapan. Habang ginagawa ko 'yon, nakahaba ang aking nguso. Kanina pa ako naghihintay ng break time. Bakit ba kasi ang tagal ng oras?!Papikit-pikit kong tinitingnan si ma'am. Mata lamang ang aking ginagamit, hindi ang aking tainga para makinig sa kaniyang tinuturo. Nabuhayan lang ako nang matapos ang klase. Mabilis akong tumayo at inayos ang aking mga gamit na nakapatong sa arm rest na hindi ko naman nagamit. Ang nobyo ko naman ay halatang namimili kung anong iiiwan niya sa lockrer. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan
Aziria’s POV"ENOUGH!"Hingal na hingal kaming napatigil dahil sa sumigaw na ‘yon. Napalingon kaming lahat at nakita ko ang galit na galit na mukha ni dean. Napalunok ako nang makitang nasa likuran ni dean si Israel. Nangungusap ang aking mga mata sa kaniya pero siya ay walang emosyon. Senyales na hindi niya nagustuhan ang naabutan ngayon. "Ano na naman ‘to, Miss Sullvian?!" sobrang lakas ng boses ni tito. Rinig na rinig. "Sangkot ka na naman sa gulo!" Walang sumagot. "Pagod na akong disiplinahin kayo!" he sighed. "Go to my office now!"Mabigat ang paghinga ni titong umalis. Nauna ‘tong maglakad, sumunod sina Clesea at Butiki. Ang naiwan ay ako, Israel at ang aking mga kagrupo. Lalapitan ko sana ang boyfriend ko nang umatras siya, sunod niyon ay tumalikod at naglakad na. Napayuko ako sa nakita. Sinisi ang sarili. Napakatanga mo, Aziria. Tangina, may boyfriend ka. Huwag kang kumilos na parang walang nag-aalala sa ‘yo. "Hayaan mo muna siya," bulong ni Ryxel sa aking likuran.Pinatig
Aziria’s POVNagmamaneho ako ngayon papasok ng paaralan, nauna na ang aking mga kasama. Pinauna ko na sila dahil anong oras na akong nagising. Kausap ko ngayon si Israel sa phone, gamit ko ang earpiece.[Nasaan ka na, love?]"Malapit na ako."[Bilisan mo but careful? You’re going to be late.]"Hayaan mo ‘yan, pangingialam naman ng buhay ang tinuturo niyan," tukoy ko sa aming guro ngayon. [Pabayaan mo na ang mga guro dito, love. Huwag mo na lang sila bigyan ng pansin dahil alam ko namang tigil din sila.]"Okay, fine. Hindi ko makalimutan ang pagtatalo namin ni tito kahapon."[Love, calm down. Nasa atin pa rin naman ang desisyon kung magpapaapekto tayo sa kanila. Hayaan mo na ang tito mo kung anong sasabihin niya, huwag na sanang maulit ang nangyari kahapon.]Hindi ako nakasagot dahil malakas akong napapreno nang biglang may dumaang matanda. Napahilamos ako dahil aaminin kong kinabahan ako roon. "Sandali, love," paalam ko at bumaba na ng kotse.Nakita ko ang matandang nakahiga sa kals
Israel’s POV"She really needs to hide," aniko. Agad na nangunot ang kanilang noo. "Why?"Humarap ako sa kanila na nangungusap ang mga mata. "Trill, Klyde. Her mommy will take Aziria to New York, like her, I don’t want to either. Sino bang gustong mahiwalay sa girlfriend nila? Fuck."Napangiti si Klyde at tumango-tango. “You’re really in love, huh.”Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil totoo. "Kaya ba ayaw niyang sabihin kung sino siya dahil kilala natin ang kaniyang mga magulang? Hindi niya rin nababanggit sa akin." I sighed. "I'm confused. Wala ba siyang tiwala sa akin?""Mayroon." Tinapik ni Trill ang aking balikat. "Ayaw niyang malaman ng iba kung sino ang kaniyang mga magulang dahil nagtatago nga siya. Pagkapasok pa lang sa Klent International School, she has a lot of secrets na, right? Magagalit ka sa kaniya kapag nalaman mong nanlinlang siya or she lied?"Agad na umigting ang panga ko roon. "Bakit naman ako magagalit? Mas matutuwa pa ako dahil mas pinili niyang magsabi sa a