Tyrone’s POVPinanood ko na lang si Aziria’ng maglakad palayo sa akin. Umiiling akong tumalikod sa kaniya. Hindi ako bumalik sa paaralan dahil sigurado akong sermon ang abot ko sa aking tatay. Sasabihin na naman niya sa akin kung bakit hindi ko sinuway ang aking pinsan sa katigasan ng ulo niyon dahil ako ang nagbabantay sa kaniya. Lumihis ako ng daan kung saan puro kakahuyan. Habang naglalakad ako, sinalpak ko sa dalawang tainga ang aking earphones. Mahinahong naglalakad sa ilalim ng musika. Nakasanayan. Gulat akong napadilat nang sumakit ang aking pisngi, may kamaong lumapat doon. Mabilis kong tiningnan kung sinong may kagagawan, itong babaeng nasa harapan ko. Bubulyawan ko sana siya nang makita kong may limang lalaki siyang kaaway. What the? Naglalakad akong nakapikit kaya hindi ko alam na pumasok ako sa gitna ng away. "My angelic face, jeez!" inis kong bulong at tinanggal ang earphones sa mga tainga. Tumuon ako sa babae. "What are you doing, brat?!”"Ikaw nga dapat ang tinatanon
Aziria’s POVDalawang araw na ang nakalipas. Kasama kong naglalakad papasok sina Azimia at Clesea papasok ng paaralan. Bumalik ako kung anong buhay ko ngayon."Bee, ayos ka lang?" tanong ni Clesea. Kanina pa yata siya nakahahalata kung bakit ako tahimik. Hindi ko siya sinagot. Hindi niya alam ang nangyari sa akin matapos ang dalawang araw. Ayokong sabihin sa kanila, hindi naman dapat nilang malaman. Pero kapag nalaman nila ang tungkol sa marriage contract, baka sila pa mismo ang magtago sa akin."I’m fine," sagot ko."Naging ganiyan si ate simula nang may mangyari sa cafe," bulong naman ng kapatid ko."I”m just tired," tamad kong sagot."Everything will be okay, Aziria," Clesea cheered me up. "Don’t streds yourself, nandito pa kami for you!""Thank you." Alam ko naman na lagi silang nandiyan sa akin. "Pero hindi lahat ng sitwasyon ay naaayos."Agad niyang kinontra ang paniniwala ko. "Hindi maayos ang sitwasyon kung walang kikilos, bee.""Kumikilos sila," aniko. "Sa maling paraan nga
Clesea’s POVAno bang araw ngayon?Araw ng mga patay?May kaarawan?O Araw ng mga bayani?Kasi sa akin, araw ni Aziria.UNANG ARAW, Kumatok ako sa pintuan ni Aziria dahil nasa loob siya ng kwarto."Aziria, mag-almusal ka muna. Hindi ka pa kumakain mula kahapon. Papakamatay ka riyan?" pagbibiro ko pa para makuha niyang lumabas pero sadya siyang matigas. "Kumain na lang kayo, Clesea. Hindi ako gutom." Bumubuntong-hininga akong bumalik sa kusina kung nasaan si Azimia. Nagkukulong na siya sa kaniyang kwarto simula nang malaman niya ang tungkol sa gustong gawin ni Sion. Umiiyak na naman siya ngayon. Hindi ko naman siya masisisi dahil nagkwento siya sa akin dati nang magkakilala kami. Sobrang lapit niya sa pinsan niyang iyon at ngayon, iba na pagtrato nila. Mahina rin ako pagdating sa kaibigan at pamilya, ganiyan din siguro ang mararamdaman ko kung pagtataksilan. Hindi ako naniniwalang kayang gawin ni Sion iyon kay Aziria dahil mahalaga sa lalaking iyon ang kaibigan ko. Sana mali ang s
Clesea’s POV"Aziria, may gana ka bang pumasok?" tanong ko sa kaniya.Tumango lang ito, hindi nakuhang sumagot. Dumiretso na lang siya sa banyo. Matapos niyang himatayin ay naging ganiyan na siya. Hindi mo makausap ng matino at malalim pa rin ang iniisip. Mabuti nga ngayon ay papasok na sa school. Hindi na siya nagkukulong sa kwarto."Ate, papasok na si ate?" pangungumpirma ni Azimia. Gusto na ring pumasok ang ate niya.Matapos ang pangyayaring ‘yon, parang nailang si Azimia kay Aziria. Hindi ko alam ang dahilan niya, para bang nabigla siyang makita kaming ganoon ng ate niya. Siguro ay dissapointed siya."She’s okay now. Papasok na siya," I answered plainly."Mabuti naman."Maya-maya ay lumabas na si Aziria. Nakaayos na siya, may bago sa kaniya because she wearing a make up, dati niyang gawain. Babaeng-babae siya kumilos ngayon."Bilisan niyo," bulong nito sa amin.Sumunod na naligo ay si Azimia, sunod ako. Dapat nag-umagahan muna kami kaso madaling-madali itong si Aziria. Kumakain ka
Israel’s POVMag-isa akong tumungong papuntang cafe dahil wala naman akong ganang makipag-usap. Papasok na sana ako sa loob nang makita kong naglalakad si Aziria habang tulala, hindi ko maintindihan ang kaniyang reaksyon. Susundan ko sana agad pero dahil wala akong alam sa nangyari at mukhang may nangyayari sa loob, pinakinggan ko muna iyon."What do you think you’re doing, Sion?" Hindi na kalmado ang boses at reaksyon ni Tyrone. Nakayukom na ang kaniyang kamao at umiigting ang panga. "Pumunta ka rito para sirain ulit siya? Ano bang papel mo rito? Wala, hindi ba?"Determinadong sumagot ang isang lalaki, hindi ko kilala. "Wala naman akong pakialam.""Dapat lang!" agad na sagot nito. "Mas maganda ‘yon, hindi ba? Dahil wala kang kwenta!"Nakuha ni Tyrone ang atensyon ng malapit sa kanila nang sapakin niya si Sion. Nagulat ako roon dahil iwas na iwas siya sa gulo, hindi ko akalain na gagawin niya iyon. Pumunta agad si Trill para awatin ‘to.Nagpupunas ng labing hinarap ni Sion si Tyrone.
Aziria’s POVNakaupo kami ngayon sa sofa ng bahay ni Israel. Nandirito kami ngayon. Pagod kaming lahat dahil sa kakaayos ng mga gamit."Hays," rinig kong buntong-hininga ni Clesea."Love, may guest room naman, ‘di ba? Doon na lang ako matutulog,” aniko.Umurong siya sa akin. Hinawakan ang aking baywang at hinalikan ang aking balikat. “Tabi tayo.”“Hmm? Hindi ba ang ano tingnan niyon?”Agad siyang napasimangot. “Wala naman tayong gagawin. Hindi pa p’wedeng gusto lang kitang katabi? Hmp.”"Oo nga!" sang-ayon ng dalawa kaya napataas ako ng kilay. Napakamot ako ng aking kilay. “E, isa lang iyong maid. Sina Clesea at Azimia lang ang kasama natin. But... okay, fine.”Lumapit pa siya at pinitik ang aking noo. "Si Manang Lina? Mabait iyon. Wala naman akong gagawin sa ‘yo. We are both young, love. Trust me.”“Sure?” pangungumbinsi ko pa na may ngiti sa labi. "Yes, love. I respect you.”“That’s good.”"Akala ko hindi ka maniniwala e.”"Oo nga! Oo nga!" Iyong dalawa.“Malaki tiwala ko sa ‘yo,
Klyde’s POVNagmamaneho ako ngayon. Katatapos lang namin pumunta kila Keeno. Hindi na ako nakapagpaalam at hindi ko na sila hinintay dahil pupuntahan ko pa si Agata. Nagvibrate ang cellphone ko kaya agad kong binasa ang mensahe. Mensahe galing sa aking ex-girlfriend. Bilisan ko raw dahil kanina pa siya naghihintay. Tsk, masyadong obsessed sa akin. Pagkarating ko sa resto, agad akong sinalubong ng mga staffs."Good morning, sir. Welcome back! This way po!"Tinanguhan ko lang ang babae at naglakad na. Hinanap agad ng mga mata ko si Agata, mabilis ko siyang nakita. Lumapit ako sa kaniyang gawi. "Babe!" she shouted.Yayakap sana sa akin nang pigilan ko siya gamit ang isang kamay. Senyales na huwag ituloy ang kaniyang balak gawin. Halata ang pagkadismayado sa kaniya pero wala akong pakialam.Nagseryoso ako bago umupo. Gusto ko agad siyang diretsuhin. "Sa tingin mo bakit ako nakipagkita sa ‘yo?"She smiled wildly. Mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili. "God, babe, tinatanong pa ba iy
Aziria’s POV"Ahhhh!" unat ko mula sa pagkakahiga. Mabigat ang baywang ko kaya tiningnan ko kung anong nakadagan. Natawa ako nang makita ang ulo ni Israel na nakadagan sa aking tiyan, tila pinapakinggan ang loob niyon. Ang dami-daming unan, nakuha pang sa tiyan ko mahiga. "Love," gising ko sa kaniya habang nagkukuskos ng mata. Inaalog ko rin ang kaniyang balikat. "Tulog ang Isarel," aniya."Love, wake up. Tatayo na ako. May pasok tayo ngayon." Marahan kong inihulog ang ulo niya sa kama."Maya na.""Anong mamaya na—" Natigil ako sa pagsasalita nang tumayo siya. Ngayon ko lang napansin na nakaboxer lang ito. Walang pang-itaas na damit. Kagabi ay hindi ko naman nakitang naghubad siya."Love, tara na," aniya. Napangiti nang makitang natigilan ako. "Gulat, huh? Parang noong natutulog tayo, panay yakap.""Hambog!" bulyaw ko. "Tara na, gigisingin ko pa sina Clesea."Lumabas na ako ng kwarto, sumunod naman siya. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Clesea. Animo tuloy nakakahiya dahil ta
Third Person’s POV"Love." Yumakap si Aziria sa baywang ng kaniyang asawa habang nagluluto ito. "I miss your kiss. Kiss mo na ako.""Nagluluto ako, love," natatawang tugon dito ni Israel. "Saka bago ako magluto, I kissed you. Miss mo na agad?""Please? Sinong hindi makakamiss kong 8 years akong walang kiss from you?" lihim na napairap ang babae. "Dad is cooking, mom," mahinahong suyaw ng anak nila. Nakasalong-baba ito sa lamesa. Naghihintay matapos ang tatay niyang magluto. Lumapit si Aziria at pinisil ang pisngi ng anak. "Nagmana ka talaga sa tatay mo, baby.""I’m not baby anymore, mom," reklamo pa ni Ishezea."I’m handsome and she’s beautiful, right, baby? Talagang mana iyan sa akin," gatong pa ni Israel. Ngumiti nang malawak ang bata. "Yes, dad! I agree!""Hays, napagtutulungan na ako," mahinang bulong ng ina.Nasa ganoon silang sitwasyon nang bumukas ang pintuan at pumasok si Tyrone."Nandirito ka?" agad na tanong ni Aziria. Inis na naupo si Tyrone sa sofa. Napasabunot pa sa
Third Person’s POV8 years later...Pagod na bumagsak ng upo si Aziria dahil sa pagod na nararamdaman. Sinalubong siya ng kaniyang mga magulang."How’s your business trip?" tanong ng ama habang sumisimsim ng kape. Ang mga mata ay nakatuon sa kaniya. "It’s okay, dad. Too tired," antok niyang tugon dito. Pabagsak na hiniga ang sarili."I told you magpasama ka kay Azimia, baby," ani naman ng ina na nakaharap sa cellphone. Namimili ng kung anu-anong damit.Bumuntong-hininga siya at muling umupo para hubarin ang sapatos. "Hays, mom. Wala naman pong maitutulong ‘yon sa akin."Napatango-tango na lang ang ina. "Tulog na ang anak mo, umakyat ka na lang doon sa taas.""Yes, mom. Pupuntahan ko."May anak si Aziria. Kilala ng mga magulang niya kung sino ang tatay. Ayaw ipaalam ni Aziria sa tatay nitong nagkaanak sila dahil hindi pa siya handa roon. Ayos lang naman sa mga magulang ng dalaga ang maaga niyang pagbubuntis dahil kaya naman nilang tustusan ang gastusin. Kahit ganoon, natupad ni Aziria
Aziria's POV"KUYA!" rinig kong sigaw ng isang babae habang nasa taas ako ng hagdan. Kanina ko pa naririnig itong sumisigaw. "KUYA!"Nagtaka naman ako dahil nilapitan ako ni Israel at pahatak papasok sa kwarto."B-Bakit?"Problema nito?"Magtago ka.""Huh, love? Pinagsasabi mo?""Magtago ka nga," pilit niya pa at walang hirap-hirap akong pinasok sa kwarto. Napasimangot ako at labag sa loob kong ginagawa niya sa akin 'to. Kuya? Sino ba ang babaeng 'yon para itago pa ako ng boyfriend ko rito sa kwarto?"Ano ba?! Wala nga! Kulit naman!" sigaw ni Rael.Rinig ko ang kanilang usapan dahil kung magsagutan silang dalawa ay pagalit. Akala mo may mga sama ng loob sa isa't isa."No way!" matinis na tugon ng babae. Baka naman babae ito ni Israel kaya tinago niya ako rito? Joke.Lumabas ako ng kwarto. Napahinto ako sa railings ng hagdan nang maisip kong kailangan ko magtago, baka kailangan talaga. Mapait akong napangiti sa naisip. Tumigin ako sa ibaba, nakita ko ang dalawang postura ng tao na na
Aziria’s POVNilapag ko ang cellphone ko sa lamesa matapos kong kausapin ang tumawag. Humarap ako kay Israel nang magtanong siya."Sino ‘yon?" tanong niya."Si dad?""Ano raw ang kailangan?"Lihim akong napabuntong-hininga. "Kailangan naming mag-usap, kaming lahat. Pupunta ako.""With me," matigas niyang sabi."Huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko.""Sabi mo sa tabi mo lang ako," nakanguso niyang turan kaya napangiti ako roon. "Babalik naman akong buo. Pamilya ko naman ang kakausapin ko. Don’t worry, okay?""Kukunin ka na nila sa akin," giit niya pa. "I will not leave you," lansak akong tumitig sa kaniya."Hmm? Naniniwala naman ako sa ‘yo."Pinisil ko ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay at ngumiti rito. "That’s goods."Lumabas akong nakangiti ng bahay ni Rael. Sumakay na ako sa kotse. Bago ako magmaneho, tiningnan ko muli si Israel na nakatayo sa gate. Malungkot ang kaniyang mga mata. Wala naman akong balak iwan siya. Para mapanatag ang loob nito, ngumiti ako ng matamis.Na
Aziria’s POVBumalik na ako sa aking condo simula nang mangyari iyon sa akin. Pinauwi na ako ni Tyrone at iyon ang hindi ko alam na dahilan. Ngayon, papunta ako kay Lianna. Kakausapin ko siya tungkol sa back up ng gang. Halos lahat ng suot ko ay itim. Black jeans, black jacket, black shades glasses at black mask. Mapapahamak ako kung hindi ganito ang aking ayos. Delikado ang maglakad daraanan ko dahil puro may gangs ang tumatambay doon. Lumabas na ako ng condo nang matapos mag-ayos ng sarili. Pinaharurot agad ang sasakyan. Kalmado lamang akong nagmamaneho dahil maganda ang aking gising sa hindi ko alam na dahilan. Dahil sa katahimikan, rinig ko agad ang tunog ng cellphone ko nang may tumawag."Hello?"[Aziria, where are you now? Kailangan ka namin dito ngayon. Fuck it!]Si Heart."Nasaan ba kayo? Tarantang-taranta ka."[Nasa school, almost all of student are here in the gymnasium.]"Oh, anong gagawin ko sa mga estudiyante?"She sighed.[Gosh, ngayon ang punta ng mga co-stock holders
Aziria's POVNakikinig ako sa tinuturo ng guro. Tinatamad akong makinig dahil alam ko ang kaniyang tinuturo, bawat bigkas ng kaniyang bibig ay walang pinagkaiba sa nalaman ko. Mabigat ang aking mga mata kaya mas pinili ko na lang yumuko sa arm rest at pumikit upang matulog. Nainis ako nang may kumalabit sa akin. "Ano?!" Agad na lumambot ang aking ekpresyon nang makitang si Israel. "May guro."Huminga ako nang malalim. Umayos ako ng upo at pinilit ang sariling makinig sa harapan. Habang ginagawa ko 'yon, nakahaba ang aking nguso. Kanina pa ako naghihintay ng break time. Bakit ba kasi ang tagal ng oras?!Papikit-pikit kong tinitingnan si ma'am. Mata lamang ang aking ginagamit, hindi ang aking tainga para makinig sa kaniyang tinuturo. Nabuhayan lang ako nang matapos ang klase. Mabilis akong tumayo at inayos ang aking mga gamit na nakapatong sa arm rest na hindi ko naman nagamit. Ang nobyo ko naman ay halatang namimili kung anong iiiwan niya sa lockrer. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan
Aziria’s POV"ENOUGH!"Hingal na hingal kaming napatigil dahil sa sumigaw na ‘yon. Napalingon kaming lahat at nakita ko ang galit na galit na mukha ni dean. Napalunok ako nang makitang nasa likuran ni dean si Israel. Nangungusap ang aking mga mata sa kaniya pero siya ay walang emosyon. Senyales na hindi niya nagustuhan ang naabutan ngayon. "Ano na naman ‘to, Miss Sullvian?!" sobrang lakas ng boses ni tito. Rinig na rinig. "Sangkot ka na naman sa gulo!" Walang sumagot. "Pagod na akong disiplinahin kayo!" he sighed. "Go to my office now!"Mabigat ang paghinga ni titong umalis. Nauna ‘tong maglakad, sumunod sina Clesea at Butiki. Ang naiwan ay ako, Israel at ang aking mga kagrupo. Lalapitan ko sana ang boyfriend ko nang umatras siya, sunod niyon ay tumalikod at naglakad na. Napayuko ako sa nakita. Sinisi ang sarili. Napakatanga mo, Aziria. Tangina, may boyfriend ka. Huwag kang kumilos na parang walang nag-aalala sa ‘yo. "Hayaan mo muna siya," bulong ni Ryxel sa aking likuran.Pinatig
Aziria’s POVNagmamaneho ako ngayon papasok ng paaralan, nauna na ang aking mga kasama. Pinauna ko na sila dahil anong oras na akong nagising. Kausap ko ngayon si Israel sa phone, gamit ko ang earpiece.[Nasaan ka na, love?]"Malapit na ako."[Bilisan mo but careful? You’re going to be late.]"Hayaan mo ‘yan, pangingialam naman ng buhay ang tinuturo niyan," tukoy ko sa aming guro ngayon. [Pabayaan mo na ang mga guro dito, love. Huwag mo na lang sila bigyan ng pansin dahil alam ko namang tigil din sila.]"Okay, fine. Hindi ko makalimutan ang pagtatalo namin ni tito kahapon."[Love, calm down. Nasa atin pa rin naman ang desisyon kung magpapaapekto tayo sa kanila. Hayaan mo na ang tito mo kung anong sasabihin niya, huwag na sanang maulit ang nangyari kahapon.]Hindi ako nakasagot dahil malakas akong napapreno nang biglang may dumaang matanda. Napahilamos ako dahil aaminin kong kinabahan ako roon. "Sandali, love," paalam ko at bumaba na ng kotse.Nakita ko ang matandang nakahiga sa kals
Israel’s POV"She really needs to hide," aniko. Agad na nangunot ang kanilang noo. "Why?"Humarap ako sa kanila na nangungusap ang mga mata. "Trill, Klyde. Her mommy will take Aziria to New York, like her, I don’t want to either. Sino bang gustong mahiwalay sa girlfriend nila? Fuck."Napangiti si Klyde at tumango-tango. “You’re really in love, huh.”Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil totoo. "Kaya ba ayaw niyang sabihin kung sino siya dahil kilala natin ang kaniyang mga magulang? Hindi niya rin nababanggit sa akin." I sighed. "I'm confused. Wala ba siyang tiwala sa akin?""Mayroon." Tinapik ni Trill ang aking balikat. "Ayaw niyang malaman ng iba kung sino ang kaniyang mga magulang dahil nagtatago nga siya. Pagkapasok pa lang sa Klent International School, she has a lot of secrets na, right? Magagalit ka sa kaniya kapag nalaman mong nanlinlang siya or she lied?"Agad na umigting ang panga ko roon. "Bakit naman ako magagalit? Mas matutuwa pa ako dahil mas pinili niyang magsabi sa a