"Mas matimbang pa rin ang pagmamahal kaysa sa mga pagkukulang at mga pagkakamali. Lahat ng tao ay may kakayahang magpatawad kahit gaano pa man kabigat ang naging kasalanan lalo na kung ang may atraso saýo ay isa sa iyong mga mahal sa buhay."
Third Person's POV
PAGKAMULAT ng mata ni Klea ay agad siyang nagbihis at nag-ayos para puntahan si Don Lenel sa hospital. Nabahala siya nang malaman niyang nag resign na pala sa trabaho ang personal nurse ng kanyang Papa. Tatawagan niya sana si Axie para samahan siya nang bigla siyang pinigilan ni Wade.
"Ako na ang sasama sa'yo sa hospital." Pagpepresenta ni Wade.
"Wag na kaya ko namang magmaneho." Malamig na tugon ni Klea.
"If this is about yesterday, I'm sorry. Sobrang kulit mo kasi tapos yung way mo ng pagsasalita masyadong nakaka offend at mapanakit." Umiwas ng tingin si Wade kay Klea.
Tumalikod si Klea nang hinubad ni Wade ang kanyang suot na damit. Napalunok si Klea nang masilayan niya ang mga abs ng kanyang asawa. Hindi pa rin siya komportableng pakisamahan ang lalaking dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang kaibigan.
"Maaalis ba ng sorry mo itong pasa ko sa braso at itong sakit sa balakang ko? Wag ka nang mag-abala kaya ko namang mag drive. Maghanap ka na lang ng magiging katulong natin dito sa mansyon."
Magsasalita pa sana si Wade nang biglang isara ni Klea ang pinto. Puyat na puyat si Klea kaya sobrang sakit ng ulo niya. Nang makarating siya sa labas ng mansyon ay tinawagan niya sa cellphone si Axie. Wala na siyang pakialam kung mag-away ulit ang dalawa kapag nagtagpo ang kanilang mga landas. Wala pang limang minuto ay nakarating na si Axie sa mansyon dahil hindi naman kalayuan ang bahay nina Don Lenel sa bahay ng mag-asawa.
"Okay ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ng magaling mong asawa?" Tanong ni Axie habang inilalabas ang sasakyan sa garahe. Sumusulyap-sulyap siya kay Klea habang nagcecellphone si Klea.
"I'm fine. Thank you for asking." Matipid na sagot ni Klea.
Nakarating sila ng hospital nang hindi gaanong nag-uusap. Medyo nailang si Klea sa kanyang personal bodyguard dahil sa nangyari kahapon. Si Axie naman ay pasimpleng sumusulyap kay Klea. Hindi na niya sinamahan si Klea sa room ni Don Lenel dahil alam niyang may pag-uusapang importante ang mag-ama.
Hindi malaman ni Klea ang kanyang nararamdaman nang makita niyang nakaswero ang kanyang Papa. Madami ring nakakabit na aparato sa matandang bilyonaryo.
"I didn't know na ganito na pala kalala ang sakit mo. Bakit di mo sinabi sa akin? Doon ko pa nalaman sa kabit mo ang tungkol kondisyon mo. Itinext niya sa akin." Mahinang sambit ni Klea habang ibinababa ang dala niyang mga prutas at paboritong wine ng kanyang Papa.
"Ayokong maabala ka at ayokong mag-alala ka. Alam ko namang mabigat ang responsibilidad na iniatang ko sa'yo. Hindi biro ang magpatakbo ng dalawang kompanya." Mabilis na tugon ni Don Lenel habang nakatitig sa kanyang nag-iisang anak.
Tumalikod si Klea at ipinagbukas ng prutas ang kanyang Papa. Pinipigilan niya ang pagpatak ng kanyang mga luha. Galit siya sa kanyang Papa pero hindi niya maikakaila sa kanyang sarili na siya na lamang ang natitira niyang pamilya. Kakamatay lang ni Shana at hindi pa siya handang mawalan ng isa pang mahal sa buhay.
"Eat this." Iniabot niya ang mangostein sa kanyang Papa bago muling nagsalita."I am not ready to say goodbye to you if ever.. kaya please lang magpagaling ka. Alam mo namang ikaw na lang ang meron ako. Kahit ganito akong klaseng anak, takot pa rin akong maiwan mag-isa. Kahit na hindi ka naging mabuting asawa kay Mama, I realized na naging mabuti ka namang ama sa akin."Klea uttered in a low voice.
Napaluha si Don Lenel sa sinabi ng kanyang anak. Buong akala niya ay balewala lang siya kay Klea kaya never siyang nag-open tungkol sa totoong kondisyon niya. Maya-maya pa ay niyakap siya ng mahigpit ni Klea.
"Papa." Tanging salitang binitawan ni Klea. Tumulo na nang tuluyan ang kanyang mga luha.
"I texted Wade. Pinapapunta ko siya rito ngayon. Bakit hindi pa kayo nagsabay? May problema ba kayong mag-asawa?" Don Lenel queried.
Umiling lang si Klea bilang tugon. Matapos mag-iyakan ng mag-ama ay naisipang buksan ni Klea ang usapin tungkol sa kanyang madrasta.
"I'm worried." Klea remarked.
Kumunot ang noo ni Don Lenel na tila ba naghihintay ng susunod na sasabihin ng kanyang tagapagmana.
"I am against your decision na ipahawak kay Matilda ang companies natin under banking and insurance industry. Wala akong tiwala sa kakayahan niya Papa." Paliwanag ni Klea.
"Anak, galit ka lang siguro sa kanya kaya hindi mo makita ang kakayahan niya. She's a Cum Laude before. Marami siyang alam pagdating sa pera at negosyo." Mahinahong saad ni Don Lenel.
"Papa it's not what I meant. I don't trust her and her daughter. It's not their money so I guess hindi magiging kawalan sa kanila kapag bumagsak ang negosyo. Sa dalawang taong kasama mo sila, alam mo na ba ang totoong kulay nila?" Klea raised her black eyebrows while peeling an apple.
"Since ikaw ang legitimate daughter ko, makikinig ako sa'yo pero sa isang kondisyon."
Napatayo si Klea sa kinauupuan niya nang marinig ang sinabi ng kanyang Papa.
"Ano na naman ba yan Papa? We're not getting any younger para sa mga ganyang pakulo." Reklamo ni Klea habang sinusubuan ng mansanas ang kanyang Papa Lenel. Agad na nginuya ni Don Lenel ang mansanas para makapagsalita siya ng malinaw.
"If you don't want Matilda to become the CEO of our bank and insurance company then I will appoint your husband to supervise it and another thing, bigyan nyo na ako ng apo. Gusto kong maranasang maging lolo bago ako kunin ni Lord." Nakangiting saad ni Don Lenel.
Nagdilim ang awra ni Klea. She doesn't trust Matilda pero hindi rin siya nagtitiwala kay Xynon at higit sa lahat, ayaw niyang magka-anak sa lalaking iyon.
"Papa don't do this to me please. You know I also don't like Xynon." Pagmamaktol ni Klea.
"Bakit naman ayaw mo sa anak ko Klea? Di ba sabi mo gusto mo sya kaya hiniling mo sa akin na planuhin ang kasal nyong dalawa?"
Nagulat ang mag-ama nang biglang pumasok si Wensley sa kwarto. Hindi nila namalayan ang pagdating nito.
"Kamusta ka na Lenel? Magpagaling ka agad at mag-aalaga pa tayo ng mga magiging apo natin haha."
Nagtawanan sina Wensley at Lenel samantalang hindi maipinta ang mukha ni Klea. Pansamantalang umalis si Klea para kausapin ang doctor ng kanyang Papa. Magrerequest din siya ng bagong personal nurse ni Don Lenel.
"Kamusta si Waine? I hope God will pardon him with more years to live." Don Lenel said in a serious tone.
"He's doing well. Salamat sa pagpapagamot mo sa kanya. Sobrang grateful ako sa'yo Lenel kaya kahit anong iutos mo sa akin gagawin ko talaga without hesitations. Just say it." Pahayag ni Wensley habang nakatingin ng diretso sa kanyang balae.
Dumaan ang ilang minutong katahimikan bago muling nagsalita si Don Lenel. Pumihit siya ng pagkakahiga sa direksyon ni Wensley. Ngumiti siya ng bahagya nang makita si Wade na nakasandal sa may pintuan at sinenyasan niyang wag munang lalapit sa kanilang dalawa ni Wensley.
"Be a father to Klea. Guide her whenever she's lost. Comfort her whenever she's down in the dumps. Love her when no one does. You can repay me with those." Don Lenel whispered.
Natigilan si Wensley sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya inakala na iyon ang hihinging kabayaran ni Lenel sa kanilang mga pagkakautang. Nanunubig ang mga mata ni Wensley habang sumasang-ayon sa sinabi ni Don Lenel. Ayaw niyang maging emosyonal sa harap ng kanyang balae at anak na lalaki kaya agad siyang nagpaalam. Naiwan sina Don Lenel at Wade sa loob ng silid. Pinalapit ni Don Lenel si Wade sa kanyang pwesto.
"Ipagkakatiwala ko sa'yo ang dalawang kompanya ko. Don't disappoint me Wade. I will be your biggest investor kapag naging maganda ang pamamalakad mo sa bangko at insurance company ko. Kaya kong buhaying muli ang naluluging kompanya na iniwan sa'yo ng iyong Mama kung magiging tapat ka sa akin at sa aking anak na si Klea." Diretsahang saad ni Don Lenel sa kanyang manugang.
Ngumiti si Wade at buong-pusong tinanggap ang offer ng kanyang biyenan subalit hindi rin nagtagal ang kurba sa kanyang mukha nang sabihin ni Don Lenel na gusto na niyang magka-apo sa lalong madaling panahon.
Nang makita ni Klea na nasa loob ng silid si Wade ay hindi na siya bumalik sa room ng kanyang Papa. Inutusan niya ang doctor na bantayan ng ayos ang kalagayan ni Don Lenel. Hiniling din niya na isend agad sa email niya ang resume ng magiging bagong personal nurse ni Don Lenel. Inutusan niya si Axie na irecord ang pangalan ng mga bibisita sa kanyang papa. Mag-isang umalis si Klea sa hospital.
Habang nagmamaneho ay naisipan niyang dumaan sa libingan ng kanyang kaibigang si Shana. Masakit pa rin ang kanyang braso at balakang pero hindi niya iyon ininda dahil halos tatlong linggo na niyang hindi nabibisita ang kanyang kaibigan. Ulila na si Shana at gaya niya, nag-iisa siyang anak ng kanyang mga magulang. Sina Klea at Axie ang nag-intindi ng libing ni Shana. Si Klea rin ang gumastos sa pag-aaral noon ni Shana maging sa lahat ng gastusin ng dalaga.
Bumili siya ng dalawang bouquet ng bulaklak sa daan. Bumili rin siya ng paboritong pagkain ni Shana at ng kanyang Mama. Nang makarating siya sa Eternal Gardens ay dahan-dahan niyang ipinark ang kanyang sasakyan. Naglakad siya patungo sa puntod ng kanyang kaibigan na halos katabi lang ng puntod ng kanyang Mama. Una niyang dinalaw ang kanyang Mama pagkatapos ay ang puntod naman ni Shana.
"Kamusta ka na Shana? Sana masaya ka kung saan ka man naroroon. Sorry ha. Ano kasi...pinakasalan ko yung lalaking mahal na mahal mo pero don't worry, hindi ko siya gusto. Sorry din kasi alam kong hindi mo gusto itong ginagawa ko. Alam kong ayaw mo nang naghihiganti pero hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nasisira ang buhay nina Xynon at Joanne. They had set us apart at hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa'yo."
Magarbo ang libingan ni Shana at ng kanyang Mama. Fully polished at pinturado ang bawat dingding.Nakatiles ang sahig at may dining area at single bed pa. Minsan ay doon natutulog si Klea sa tabi ng kanyang Mama o kaya ay sa tabi ni Shana. Hindi siya takot sa mga patay dahil mas takot siya sa mga may buhay. Nakatulog ng halos thirty minutes si Klea. Hindi niya namalayan ang pagdating ni Wade Xynon.
Punong-puno ng mga katanungan ang isip ni Wade habang pinagmamasdan ang natutulog na si Klea. Every week siyang bumibisita sa puntod ni Shana dahil nagi-guilty siya sa sinapit ng dati niyang kasintahan. Alam niya sa sarili niyang siya ang huling kasama ni Shana bago nag suicide ang dalaga.
Aaminin na ba ni Klea ang totoong koneksyon niya kay Shana o patuloy pa rin siyang gagawa ng kwento para mapagtakpan ang kanyang mga pinaplano laban kina Wade at Joanne?
"People who have been traumatized experience immobility and sudden outbursts of wrath." Third Person's POV “ANONG ginagawa mo rito sa puntod ng ex-fiance ko?” Napatayo mula sa pagkakahiga si Klea nang makita niya sa harapan niya ang lalaking kinamumuhian niya. Pinawisan siya ng malamig at tila ba na estatwa sa kinatatayuan niya. Hindi agad nakaimik si Klea. Kinakabahan siya pero pilit niya itong itinago sa pamamagitan ng pag-ngiti. Buong akala niya ay sinabi na ni Joanne ang ugnayan niya kay Shana. “She’s my best friend.” Sa pagkakataong ito ay si Wade naman ang nagulat sa nalaman niya. Bumalik sa ala-ala niya ang araw kung kailan nag-suicide si Shana. Si Klea Francine Singrimoto pala ang babaeng nakita niya ng araw na iyon. Lumipas ang tatlong minutong katahimikan sa pagitan ng dalawa. Ngayon ay magkatabi silang nakaupo habang pinagmamasdan ang lapida ni Shana. “Siya ba ang rason kung bakit mo ako biglang pinakasalan, Francine?” Napalunok si Klea sa itinanong ni Wade. Bumuntong
"Life often leaves us with no choice. Kahit ayaw nating gawin, mapipilitan tayo dahil iyon na lang ang tanging pagpipilian. Stop blaming people for their choices dahil hindi natin alam ang totoong kwento sa likod ng bawat desisyon." Third Person's POV "ANG BABABOY NYO! DITO NYO PA TALAGA NAISIP NA GAWIN YANG BAGAY NA YAN! WALA KAYONG KAHIHIYAN!" Napabalikwas sina Joanne at Wade sa higaan nang marinig ang malakas at matinis na sigaw ni Klea. Mabilis na nagtapis si Joanne ng blanket nang makita ang nagngingitngit sa galit na si Klea. Niyapos naman siya ni Wade na lalong nagpasiklab ng galit ng kanyang asawa. "Look at here assholes!" Mariing utos ni Klea. Ipinakita ni Klea sa kanyang iPhone ang mga kuha niyang litrato habang mahimbing na natutulog ang dalawa. Nakaramdam ng takot si Joanne sa kayang gawin ni Klea. "Nanginginig na ba ang mga tuhod nyo sa takot?" Klea laughs wickedly. "Francine, burahin mo yan." Mariing sabi ni Wade. "Alam mo Xynon kahit burahin ko pa to marami akon
"Be the person you want to become. If you want to become successful, you need to sacrifice time and energy to unleash your full potential. If you don't want to be left stagnant, you need to do something different." Third Person's POV Six months later "XYNON, stop dragging our name in the mud!" Nanggagalaiting saad ni Klea. Nagbabasa siya ng dyaryo nang mahagip ng mga mata niya ang litrato ni Xynon na may kahalikang babae. "Ano na naman bang problema mo ha, Francine? Ilang linggo na akong hindi umaalis sa pamamahay na to! I am attending my classes. Tigil-tigilan mo ako. Ang aga pa para sa mga talak mong walang preno." Tugon ni Wade habang nakaharap sa kanyang iPad. Pumapasok siya ngayon sa klase. Napahilamos ang kamay ni Francine nang biglang magsalita ang professor ni Wade, "Mr. Wade Xynon Landicho kindly mute your microphone so that we cannot hear your arguments with your beloved wife." "I'm sorry for that Ma'am. Sige po i-mute ko na po." Agad na responde ni Wade. Nanlaki ang
"Spend more time with your family, with your loved ones dahil hindi natin hawak ang mga buhay nila. We should cherish and value them habang buhay pa sila." Third Person's POV NAWALAN ng malay si Klea matapos malaman na isinugod sa ICU si Don Lenel. Her father has been suffering from severe pneumonia for about six months and now she can’t imagine na magkakaroon ng another illness and kanyang Papa which is COPD (Chronic Obstructive Pulmonary Disease). Hindi smoker si Don Lenel but he has a genetic condition called Alpha-1 deficiency which caused his COPD. Hindi na rin nagulat ang doctor ni Don Lenel dahil mayroon na ngang history ng respiratory infection ang kanyang pasyente. Klea can spend any amount maisalba lang ang buhay ng kanyang Papa. Good thing, mayroong health insurance si Don Lenel kaya hindi ganon kasakit sa bulsa ang pagpapagamot sa kanya. Bumigay na rin ang katawan ni Klea dahil sa sobrang stress at pagod niya lately. Siya lang kasi ang maasahan ng kanyang Papa na mag ma
"When your answer to a question is just silence, it means yes or maybe but definitely not a "no"." Third Person's POV NANG magkamalay si Klea ay agad niyang pinuntahan ang kanyang Papa. Inalis niya ang dextrose na nakatusok sa kanyang kanang kamay habang tulog na tulog ang bantay niyang si Axie. Tumulo ang kanyang mga luha nang makita niya kung gaano karami ang nakakabit na aparato kay Don Lenel. She became too busy managing their businesses at nakaligtaan na niya ang kalagayan ng kanyang Papa. “Papa..” Mahinang sambit ni Klea habang pinupunasan niya ang mga luha niya sa kanyang mga pisngi. Bumalik sa ala-ala niya kung gaano siya naging pasaway sa Papa niya noong malakas pa ang pangangatawan ni Don Lenel. She loathed him because of a valid reason but this day, she regrets na hindi niya agad pinatawad ang kanyang Papa. “Pa-Papa.. I am so-sorry.” Sisinga sana siya sa kanyang suot na hospital gown nang biglang may kamay na nag-abot sa kanya ng panyo. “Bakit hindi mo ako ginising?”
“Kahit hindi natin aminin, hindi natin kayang gawin ang lahat ng tayo lang. We need someone to encourage us. We need someone who will stick with us through thick and thin. For me, life is empty when you are alone.” Klea Francine's POV HALOS isang linggo rin akong nagbantay kay Papa sa hospital. Isang linggo na rin akong hindi bumisita sa aking mga opisina. Habang nagmamaneho ako papunta sa bahay naming mag-asawa ay sumagi sa isip ko ang imahe ng lalaking iyon. “Where the hell are you, Xynon?” Hindi ko namalayan na hinahanap ko na pala si Xynon. Napahinto ako sa pagda-drive nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko agad ang aking wireless earphone at sinagot ang tawag. “Who’s this?” Malumanay kong tanong. Sa sobrang tagal sumagot ng nasa kabilang linya ay agad kong ibinlocked ang numero niya. “Waste of time. Tsss.” Antok na antok ako dahil sa ilang gabi na akong puyat pero hindi naman halata sa beauty ko. Nang makarating ako sa mansyon namin ni Xynon ay sinalubong ako ng
“Paano natin aaminin sa ating sarili ang bagay na kailanman ay hindi natin gustong mangyari o inisip na mangyayari man lang? Paano natin maiitago ang katotohanan ganong halos araw-araw at gabi-gabi na tayong minumulto nito?” Wade Xynon's POV MATAPOS ang libing ni Waine ay nagdesisyon akong mag stay muna rito sa States ng isang buwan para makapag-isip-isip at makabonding si Papa. Siya na lang ang meron ako ngayon kaya pahahalagahan ko ang bawat oras na pwede ko pa siyang makasama. I don’t want to regret it again - wasting my time with people who really don’t matter to my life. I have spent six months with Francine instead of spending it with Waine. “Anak, natawagan mo na ba si Klea?” Heto na naman si Papa sa pauli-ulit niyang tanong. “Papa, can you stop asking me about it? I’m too fed up with that. She didn’t even bother to find me or to call me kaya para saan pa?” I answered him coldly. “Paano ka niya tatawagan eh itinapon mo yung sim mo? Mainam kang bata ka tsss.” Napaisip nama
"Lahat ng tao ay may dalawang klase ng kwento: the story of their goodness and the story of their pain, struggles and wickedness." Wade Xynon's POV NANG tumama sa aking gwapong mukha ang sinag ng araw ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sobrang sakit ng aking ulo, linawin ko lang yung ulo sa taas ha. (wink) Nagulat ako ng bumungad sa akin ang pagmumukha ni Papa na ngayon ay halos halikan na ako sa sobrang lapit. Naitulak ko siya sa sobrang pagkagitla ko sa kanya.“PAPA ANG AGA-AGA! Wala ka bang magawa sa buhay mo?” Saad ko habang nakakunot ang aking noon at nakasapo sa aking dibdib. Tumawa ng pagkalakas-lakas si Papa bago nagsalita, “Naipag-impake na kita. Uuwi na tayo sa Pilipinas.”Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Papa. Anong nakain niya? Dahil ba to sa nangyari sa amin kahapon?“Papa, seryoso ka ba? Akala ko next month pa tayo uuwi?” “Nagbago na ang isip ko. Siya nga pala kinuha ko ang abo ni Waine. Isasama natin siya pag-uwi. Napagpasyahan kong itabi siya sa iyo
Iniwan ko muna sa loob ng penthouse si Xynon at si Tito Wensley. Yes, my father-in-law is my biggest surprise to my husband. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kaniyang papa. He even paid a fortune para lang ipahanap ito pero nabigo ang mga tao niya."My husband is crying because of joy. I loved seeing him genuinely happy," I murmured."Ma'am Klea, paano niyo po nahanap si Sir Wensley?" usisa ng sekretarya ko.Nginitian ko siya. "It's a secret."Bumalik sa isip ko ang nangyari. Isang araw, nagulat na lang ako nang biglang lumitaw sa harapan ko si Tito Wensley. Akala ko minumulto niya ako dahil sa pagsusungit ko nang sunod-sunod na araw sa anak niya! Buong akala namin ay napaslang na siya nina Emil! He fought my securities to penetrate my place dahil ayaw siyang papasukin ng mga tauhan ko. Hindi ko naman siya nakilala agad dahil sa hitsura niya. Sobrang dungis niya tapos sobrang lago na ng mga buhok, bigote at balbas niya! Nangangamoy kanal rin siya noon. Natakot pa nga ako pero noong
"Lahat nang ginawa mong masama, babalik at babalik sa iyo. Hindi man agad-agad pero sigurado."KLEA FRANCINE'S POVShocked. Disappointed. Dismayed. Irked. Those emotions were clearly painted on their faces while here I am, raising my chin while slowly putting a beautiful smile on my fúcking pretty face."Aren't you going to kneel before me? Joanne?" I averted my gaze to that bítch and then to her husband. "Ricci?"I clearly saw how Joanne smirked at me. She still has the audacity to do it despite their current situation."Diyos ka ba para luhuran?" sambit ni Joanne."Hindi ka pa rin nagbabago," bulong ko sabay tawa."How did you do it?" Joanne asked."Did what?" I want to provoke her even more."Huwag na tayong maglokohan dito, Klea. Sinadya mo ang lahat, 'di ba? You hid yourself at the back of other people. Gano'n ka ba kaduwag?" ani Joanne."Ako? Duwag? Ha! Alam mo ba ang salitang STRATEGY, JOANNE? Kung nagpakilala ako bilang Miss KF sa inyo, sa tingin mo ba papayag kayong tulungan
"The greatest revenge is to become successful than your foes."THIRD PERSON'S POVSLAP!Napahawak si Ricci sa kaniyang magkabilang pisngi nang bigla na lamang siyang salubungin ng sampal ng isang matandang lalaki."You're a disgrace to this family! How could you enter such dirtiest businesses? You and your father are the same! Mga inútil!" sigaw ng matandang lalaki."L-lolo? B-buhay pa po kayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Ricci. Kung may kinatatakutan man siya, iyon ay walang iba kung hindi si Rivero Costa…ang kaniyang lolo."Tarantàdo! Anong gusto mo? Mamatay na ako? Malamang buhay na buhay pa ako. Kung hindi dahil kay Xenon ay hindi ko pa malalaman ang mga kagaguhan mo! Hindi pa sana ako uuwi ng Pilipinas kung hindi lang dahil sa'yo!" Kitang-kita ang galit sa mukha ni Rivero habang titig na titig ito kay Ricci."Sino pong Xenon?""Hindi na iyon mahalaga. Ang importante sa ngayon ay kailangan mong bumaba sa lahat ng posisyon mo." Nanigarilyo si Rivero.Walang imik na nakikinig sa k
"You can't escape your conscience. Hindi lahat nang ibinaon mo sa limot ay mababaon nang tuluyan. Sisingaw at sisingaw pa rin ang baho kahit na tabunan pa ito ng sangkatutak na pabango."THIRD PERSON POV“Yaya, bantayan mo nang maayos si Rianne ha. Don’t let her eat junk foods and chocolates. Also, please stop hugging and kissing her, okay? Kapag nagkasakit ‘ang anak kong ‘yan, ikakaltas ko sa sahod mo ang lahat ng magagastos niya sa pagpapagamot. Maliwanag ba?” mataray na sabi ni Joanne sa kanilang katulong.“Masusunod po, madam,” nakayukong sagot ng katulong.“Honey, masyado ka namang harsh kay manang. Siya ang nagpalaki sa akin kaya sigurado akong hindi niya pababayaan ang anak natin. Stop stressing yourself too much. Tingnan mo, nagkaroon ka na ng wrinkles. Ikaw rin, mababawasan ang ganda mo,” pabirong sabi ni Ricci.“Ah basta! Ayokong makikitang kumakain ng hindi masustansyang pagkain si Rianne,” giit ni Joanne bago siya tuluyang pumasok sa kanilang sasakyan.Ngayong araw ay may
"Sometimes, someone who survived the strongest storm in his life became merciless and cold-hearted."KLEA FRANCINE POVI removed my sunglasses as I stared at an ideal family. It’s been five years since they killed my loved ones.“Ma’am Klea, tumatawag po si sir,” ani ng katulong kong si Aling Rosa.Kamukhang-kamukha talaga siya ng dati kong katulong…I mean, ng lola ko. Bumuntong hininga ako at nginitian siya.“Tell him that I will call back later,” utos ko kay Aling Rosa.“Sige po ma’am, masusunod po,” tugon niya sabay labas ng aking kwarto.Ibinalik ko ang tingin ko sa magandang tanawin. Kinuha ko ang kopita sa may mesa at nilagyan iyon ng red wine. I swayed the goblet before I took a sip. Tingnan mo nga naman, ikinasal na pala si Joanne kay Ricci at ngayon ay may isa na silang anak na babae. They looked perfectly fine and happy. I smirked. Now, I have something to ruin.Hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko na kasi naalis ang paningin ko sa mag-anak na Costa habang nakaupo ako sa
"Living without your loved ones is more painful than death itself."KLEA FRANCINE'S POVDahil sa pagsabog na iyon ay nagkagulo sa hospital. Kaniya-kaniyang dampot ng kanilang mga gamit. Kaniya-kaniyang hakot ng mga pasyente. Hindi sila magkamayaw sa gagawin samantalang ako ay nakatayo lang sa tabi ni Xynon habang nakatulala."Francine, kailangan na nating lumabas dito. Hindi na ligtas na manatili pa rito," narinig kong sabi ni Xynon.Habang hinahanap ko ang sarili ay napaupo ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Nakayuko ako habang hawak-hawak ko ang aking dalawang tainga. Napatunghay lang ako nang marinig ko ang aking pangalan."Long time no see, Klea Francine!"Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung kaninong boses iyon. "R-Ricci?" bulong ko.Isa pang putok ng baril ang aking narinig. Pakiramdam ko ay nagkaroon na ako ng ugat sa aking posisyon. Naalala ko si Axie. Umagos mula sa aking mga mata ang mga luhang pilit kong itinatago buhat nang bumalik ang akin
"Once in a while, free yourself from any worries. Always choose what will make your heart flutter. Time is ticking. We only have one life to live."KLEA FRANCINE POVAgad kong inaya ng kasal si Xynon matapos ang aking medical examinations. Maybe, God showered His mercy on me today. Himalang luminaw ang aking paningin at himalang naalala ko na ang tungkol sa pangyayaring iniiwasan kong maalala. Isang putok lang pala ng baril ang makakapagpaalala sa akin ng isa sa pinakamasakit na pangyayari sa aking buhay. I cried a lot in front of my doctor and personal nurse. Axie's death gave me excruciating pain that no one can heal. Only vengeance can make me feel better. Hindi ko alam kung bakit nagsinungaling sa akin si Xynon pero sigurado akong mahal niya ako."Pakasalan mo na ako ngayon din," muli kong sabi sa nakangangang si Xynon. Before I start my revenge, I want to be the happiest woman alive kahit sa loob lamang ng isang linggo."Pero Francine, h-hindi ka pa o-okay," nag-aalalang turan ni
"Huwag na huwag mong tatalikuran ang mga taong nandiyan para sa'yo noong walang-wala ka. Hindi iyon dahil sa may utang na loob ka sa kanila kung hindi dahil maalam kang magpasalamat at magpakatao."WADE XYNON'S POVI was patiently waiting for Francine. Halos isang oras at kalahati na siya sa loob. Masyado akong nasabik nang pumayag siyang magpakasal ulit sa akin. It will be our second wedding pero para sa akin, iyon ang unang beses na ikakasal ako sa kaniya. Our first wedding happened because of revenge, confusion and hatred. Akala ko ay iyon na ang pinakamasamang nangyari sa buong buhay ko. I guess, hindi talaga dapat tayo magsalita ng tapos. Our first wedding became the most memorable time of my life. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko ang mga pinagdaanan namin ni Francine.Napatayo ako sa kinauupuan ko nang bigla na lang mag-vibrate ang cell phone ko. Tumatawag na naman si Joanne. Hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip na kamumuhian ko siya nang ganito. They still have my f
"Minsan, tuso ang utak ng tao. Kapag hindi na nito kayang dalahin ang sakit, pinipili na lamang nitong ibaon sa limot ang lahat. Lilinlangin ka nito na okay lang ang lahat kahit na ang totoo ay durog na durog ka na."Klea Francine's POVNagising ako mula sa pagkakahimlay nang tumama sa aking mga mata ang liwanag mula sa bintana. Agad akong napahawak sa aking ulo dahil ramdam na ramdam ko ang pagkirot noon pero walang-wala iyon sa bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang may nakapatong na tone-toneladang bato sa ibabaw ng aking dibdib. Ano nga ba ang nangyari? Bakit ganito na lang kabigat ang nararamdaman ko?Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko nang tawagin niya ako sa aking buong pangalan."Klea Francine, kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" tanong ng lalaki.Pilit kong inaaninag ang kaniyang hitsura pero nanlalabo ang aking mga mata."Anak, si Daddy Linel ito. Nakikita mo ba ako?"Biglang gumapang ang takot sa aking katawan. Bakit hindi ko makita ang mukha ni daddy? Anong na