Share

THR 7

Author: Docky
last update Last Updated: 2022-02-19 16:06:00

"You can't expect loyalty from people who cherish money more than dignity and reputation."

Third Person's POV

MAGKASABAY umuwi sa Villa Singrimoto ang mag-asawang Klea at Wade. Pagmamay-ari ni Don Lenel ang subdivision na kanilang tinitirhan. Si Don Lenel ay kilala bilang pinakamahusay na entrepreneur at businessman sa buong Pilipinas. May negosyo siya sa larangan ng real estate, banking and finance, construction at manufacturing. Ang mga Singrimoto rin ang may ari ng mga five star hotel sa kamaynilaan at sa Cebu.

"Bakit ka pumirma kanina?" Nagtatakang tanong ni Klea.

"Kailangan ko pa bang iexplain sa'yo yon?" Supladong tugon ni Wade.

"Mahal mo na ba talaga ako Wade o ginagamit mo lang ako para makuha ang yaman ni Papa?" Prangkang tanong ni Klea.

Tumigil bigla sa pagmamaneho si Wade at hinawakan ng mahigpit ang mga braso ni Klea habang nakatitig ito ng diretso sa kanyang mga mata.

"Pinipilit kong magpakatino at magpaka-asawa sa'yo Francine. Two weeks ko nang nagagawa ng maayos pero dahil sa sinabi mo ngayon, tila mapipilitan akong bigyan ka ng aral."

Naging matalas ang mga tingin ni Wade sa kanyang asawa. Kahit hindi nito sabihin ay bakas sa kanyang mukha at mga mata ang galit niya kay Klea.

"Xynon bitawan mo ako. Ano ba? Nasasaktan na ako." Mariing saad ni Klea habang pilit na inaalis ang pagkakahawak ni Wade sa kanyang braso.

Marahas na binitawan ni Wade si Klea at inayos ang buhok niya. Kinuha nito ang sigarilyo sa bulsa ng pantalon niya at nagsimulang humithit at ibinuga kay Klea ang usok ng sigarilyo.

"BASTOS! Xynon ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na ayokong nakakaamoy ng usok galing sa sigarilyo. Ayaw mo bang intindihin o bobo ka lang talaga?" Inis na pagrereklamo ni Klea.

Nagdilim ang paningin ni Wade at bigla siyang nagpakawala ng malakas na sampal na lumapat sa pisngi ng kanyang asawa.

"XYNON ANO BANG PROBLEMA MO HA? KANINA MO PA AKO SINASAKTAN AH!" Galit na sigaw ni Klea.

"Pwede ba Francine hinaan mo yang boses mo. Pinalaki ka bang palengkera ng Mama mo?" Pagsuway ni Wade nang mapansin niyang pinagbubulungan sila ng mga dumaraan.

"Yan ang pinakamalaking pagkakamali mo Xynon. Wag na wag mong idadamay si Mama sa away natin. Pagsisisihan mong sinaktan mo ako." Pagbabanta ni Klea bago bumaba sa sasakyan ng asawa. 

Tumawag siya kay Axie para magpasundo. Buti na lang at nakacoat at naka-facemask siya. Hindi mapapansin ng mga dumaraan ang mapula niyang pisngi at ang pasa sa kanyang braso.

Nang iwan ni Klea si Wade ay agad niyang tinawagan si Joanne.

"Mahal, I can't take this anymore. Hindi ko na masikmura pa ang pag-uugali ni Francine. I have tried my best to show some affection. DALAWANG LINGGO. I have courted her for two f*cking weeks pero hindi man lang niya naappreciate. Lahat ng ginagawa ko kinukwestyon niya and I DON'T KNOW WHY. Ayoko na mahal." Wika ni Wade.

"Relax ka lang Mahal. Sinabi ko naman sa'yo di ba? Klea is a strong woman and hindi siya madaling utuin. Habaan mo pa ang pasensya mo please. You need to gain her trust para ipagkatiwala niya sa'yo ang ilan sa mga kompanya nilang mag-ama. Remember that your business isn't doing well. You need money to cover up your loses. Alagaan mo rin ang mga investors mo. They are the main reason kung bakit hanggang ngayon eh hindi pa rin nababankrupt ang kompanya nyo." Pagpapaliwanag ni Joanne sa kabilang linya.

"Pero mahal miss na miss na kita." Bulong ni Wade habang naninigarilyo.

"I miss you so much too Wade and I'm doing this for you, for our future. Don't worry I'll make time to meet you pero not now. Marami pa akong inaasikaso rito sa hospital. Sya nga pala, I am planning to resign here. I can't build my wealth kung ito lang din ang aasahan ko. Sobrang liit ng sahod tapos halos mamatay na ang katawan ko sa sobrang pagod."

"Tiis lang mahal. Matutupad mo rin ang pangarap mong maging CEO ng sarili mong kompanya. I am going to help you. Siya nga pala, I have enrolled myself. I'm taking business administration now, online nga lang." Kwento ni Wade.

"Wow! That's great. Alam ko namang may potential ka mahal eh. Kayang kaya mo yan. I am rooting for you." Masayang sambit ni Joanne."Oh wait mahal I have to go. Tinatawag na ako ni Doc. See you soon. I love you." Pagpapatuloy niya.

"I love you too mahal. Ingat."

Totooot..

Nagmaneho na si Wade papunta sa kanilang bahay para suyuin si Klea. Nagpasya siyang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan. He is now willing to give everything para lang matupad ang mga plano nila ni Joanne.

Nang makarating ng mansyon si Klea ay agad nitong hinubad ang kanyang red coat. Umupo agad ito sa couch para magpahinga. Ilang beses siyang huminga siya ng malalim.

"That f*cking asshole!" Inis na bulong nito.

Hindi niya napansin ang paglapit ni Axie sa kinauupuan niya. Nagitla siya ng biglang sumigaw ang personal bodyguard niya.

"THAT LUNATIC! SI WADE BA ANG MAY GAWA KUNG BAKIT KA MAY PASA SA BRASO MO?" Axie remonstrated.

Tinakpan ni Klea ng kanyang kamay ang pasa sa kanyang braso. Napansin na rin ni Axie ang pamumula ng kanyang pisngi.

"You stay here. I am going to teach your husband some lesson." Usal ni Axie habang mabilis na tinutungo ang pintuan. Pinigilan naman siya kaagad ni Klea.

"Axie, calm down." Suhestyon ni Klea.

Patuloy lang sa paglakad si Axie. He is clenching his fists while murmuring something.

"I SAID CALM DOWN!"

Napahinto si Axie sa paglakad nang marinig niya ang sigaw ng babaeng natutunan na niyang mahalin. Lumakad siya pabalik kay Klea at walang pakundangang niyakap ang amo niya.

"Get out of that relationship Klea. He doesn't deserve you. Nasasaktan ako kapag nakikita kang ganyan. Hindi ko hahayaang saktan ka na lang niya ng basta-basta." Seryosong sabi ni Axie habang nakayakap kay Klea.

Natigilan si Klea sa sinabi ni Axie. Hindi niya malaman kung bakit bigla na lang siyang namula at hindi nakapagsalita.

Nadatnan ni Wade na nakayakap si Axie sa kanyang asawa. Agad naman niyang sinuntok sa mukha si Axie sa di niya malamang dahilan. Hindi nagpatalo si Axie at gigil na gigil na pinagsusuntok sa tiyan si Wade. Galit na galit siya kay Wade dahil pisikal niyang sinaktan ang babaeng pinaka-iingatan niya noon pa man. Hindi magkaintindihan si Klea kung paano aawatin ang dalawa. Kita niyang parehong nagdurugo ang labi nina Wade at Axie. Tumigil lang sila sa pagsusuntukan nang aksidenteng maitulak ni Wade si Klea sa sahig.

Lalapitan sana ni Wade si Klea habang hindi pa nakakabawi ng lakas si Axie para bumangon buhat sa pagkakasuntok niya nang biglang nagsalita si Klea.

"Stay away from me."

"Francine, I'm so--"

"I SAID STAY AWAY FROM ME XYNON! GET OUT OF MY HOUSE!"

Nilapitan ni Axie si Klea para itayo siya. Sumuntok sa hangin si Wade at padabog na naglakad paalis ng mansyon. Makalipas ang ilang minuto ay dumating sina Erin at Matilda. Nakasalubong nila si Wade sa labas.

"What happened here? Galit na galit si Wade ah." Usisa ni Matilda.

"Anong ginagawa mo rito? Kabit ni Papa! Hindi kayo welcome sa pamamahay ko." Mataray na bati ni Klea sa mag-ina.

"Kahit kelan talaga Klea walang preno iyang bunganga mo." Napatingin si Matilda sa braso ni Klea."Oh napano yang braso mo?"

"It's none of your business. Pwede ba kung wala naman kayong matinong pakay sa pagpunta nyo rito, umalis na kayo." Pagtataboy ni Klea sa stepmother at step sister niya.

"How sweet naman Ate Klea." Sarkastikong biro ni Erin.

Klea rolled her eyes. Inalalayan siya ni Axie na umupo sa couch. Masakit ang kanyang balakang dahil sa aksidenteng pagkakatulak sa kanya ni Wade habang nag-aaway sila ni Axie. Nilapatan na rin ni Axie ng first aid ang braso at balakang ni Klea.

"Ate Klea hindi ba magagalit si Wade sa ginagawa nyong dalawa?" Nakataas ang kilay ni Erin habang nagtatanong.

"Stop calling me Ate. Hindi tayo magkadugo. Axie please send them outside. Lalong sumasakit ang ulo ko sa kanila eh. Tumataas ang presyon ko kapag nagkikita ako ng mga anay na umaaligid sa paligid." Pagsusungit ni Klea sa kanyang madrasta at sa anak nito.

"Klea nagpunta ako rito para sabihin sa'yo na ite-take over ko ang pamamahala sa Singrimoto Banks at sa Singrimoto Insurance Company." Taas noong pagyayabang ni Matilda.

"WHAT? Alam ba to ni Papa?" Dahan-dahang tumayo si Klea sa pagkakaupo para tingnan ng diretso sa mga mata si Matilda.

"Actually nasa hospital ngayon ang Papa mo at ibinilin niya muna sa akin ang pamamahala sa banking and finance companies niya." Salaysay ni Matilda.

"I doubt that he allowed you to manage it. Pupuntahan ko si Papa at kakausapin ko siya tungkol diyan." Pinilit na lumakad ni Klea ngunit dahil nagambol ang balakang niya sa pagkakabagsak niya kanina ay hindi siya nakalapit sa kanyang madrasta.

"Wag kang gahaman Klea. Hawak mo na ang real estate at construction companies ng Papa mo. Isa pa, may degree naman ako sa business administration. I can manage it."

"Hindi iyon ang pinangangambahan ko. I don't like your attitude. Baka isang araw bumagsak na lang bigla ang mga negosyong hawak mo dahil unti-unti mo nang ninanakaw ang pera ng kompanya." Klea grimaced.

"Hinay-hinay ka sa pagsasalita mo Klea. Pwede kitang kasuhan ng libel sa mga paratang mong walang katotohanan. Anyway, Erin let's go. Marami pa akong paperworks. Good luck sa relasyon nyong dalawa Axie." Matilda winked her eyes.

"Mama! Akin si Axie eh! May Wade na si Klea." Saad ni Erin habang naka-pout ang bibig.

Umalis na ang mag-ina at naiwan sina Axie at Klea sa mansyon. Tahimik lang ang dalawa at nagpapakiramdaman. Nailang bigla si Klea kay Axie. Si Axie naman ay nagdadalawang-isip kung magtatapat na ba siya kay Klea o maghihintay pa siya ng kaunti pang panahon para aminin ang kanyang nararamdaman.

"Ah. Klea labas muna ako ha. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka." Pamamaalam ni Axie.

Tumango lang si Klea. Nang tatalikod na si Axie ay hinawakan siya ni Klea sa kamay. Mabilis din namang binitawan ni Klea si Axie.

"Uhm.. Axie pwede mo ba akong ibili ng dinner? Hehe nagugutom na kasi ako. Wait ah isulat ko kung anong ipapabili ko." Nahihiyang request ni Klea.

"Si..sige. Yun lang pala eh. Akala ko naman kung ano na hehe. Sige Klea maiwan na muna kita. Mabilis lang ako."

Naiwang mag-isa si Klea sa mansyon. Iniisip niya ang kaguluhang nangyari kanina. Bakit galit na galit si Xynon kanina kay Axie? Nakatulog na si Klea kakahintay kay Axie. Nang dumating si Axie ay iniwan na lamang niya ang pagkain sa lamesa at nilagyan niya ng message sa sticky notes ang mga pagkain. Kinumutan niya rin si Klea at nilagyan ng unan bago siya umalis ng tuluyan.

Binuhat ni Wade si Klea patungo sa kanilang silid nang madatnan niyang mahimbing na natutulog ang kanyang asawa.

"Sorry Francine. Hindi ko ginustong gamitin ka para sa mga plano ko. I need to try everything para madugsungan pa ang buhay ni Waine. I need a lot of money. Siya na lang ang meron ako at si Joanne. Kung hindi mo sana ginulo ang kasal ko, kung hindi ka nakialam.. may chance pa sana tayong maging magkaibigan. Alam kong matapang ka at alam kong hindi ka magpapatalo sa akin..sa amin ng jowa kong si Joanne. Siguro sa kabilang buhay nanaisin kong maging matalik kang kaibigan."

Pagkasambit ng mga salitang iyon ay natulog na rin si Wade sa kanyang kama. Nang mahimbing nang natutulog si Wade ay naalimpungatan naman si Klea.

"Why I am here? Ah siguro binuhat ako ni Axie. Oh! Andito na pala ang sadista kong asawa. Mukhang anghel kapag tulog tapos para namang si Lucifer kapag gising. Naguguluhan talaga ako sa ikinikilos mo Xynon. Ang hirap mong basahin." Bumuntong hininga si Klea bago bumangon sa kanyang kama.

Bumaba siya para kainin sana ang pinabili niya kay Axie. Nainis siya nang makitang nasa basurahan na ang pinaorder niyang pagkain. Napansin din niya ang punit-punit na papel sa basurahan. She tried to organize it pero hindi na niya mabasa ang mga nakasulat. Bumalik siya sa kwarto na kumakalam ang sikmura. Maraming pagkain sa refrigerator nila ang kaso, hindi niya bet ang mga ito kaya nagtiis na lang siya sa gutom at humiga ulit.

Hindi siya mapakali dahil gutom na gutom na siya kaya naisipan niyang umorder na lang sa foodpanda. Hihiga na sana siya habang naghihintay sa kanyang order nang biglang tumunog ang cellphone ni Wade. Nakita niyang tumatawag si Joanne kaya sinagot niya ito. Napangiti siya nang may maisip siyang kalokohan.

"Oh shit Xynon! I don't know you're this good! Shit! Ugggh .. Ahhh .. Faster Xynon! Faster!" Wika ni Klea with feelings.

Napahagalpak si Klea nang makitang pinatay na ni Joanne ang tawag. Nagising naman si Wade sa lakas ng kanyang tawa.

"PAMBIHIRA FRANCINE! ANONG ORAS NA! BAKA GUSTO MONG MAGPATULOG?" Reklamo ni Wade habang kinukusot-kusot ang kanyang mga mata.

"I'm ppfffffff." Nagpipigil ng tawa si Klea."I'm sorry Wade. Sige na matulog ka na ulit. Inaantay ko lang yung inorder kong pagkain." Masayang saad ni Klea.

Takang-taka naman si Wade sa inaasal ni Klea. Natulog na lang ulit si Wade habang si Klea naman ay masayang kumakain sa kalagitnaan ng gabi.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
sana kayo ni Axie Ang nagkatuloyan Kasi mahal ka nya
goodnovel comment avatar
Adora Miano
hahaha dami kalokohan Ang bida kahit masaktan sya sa ginawa maingat ka sana klea saka magtagumpay ka Pera lang Ang habol yang wade mo,,,
goodnovel comment avatar
Salto
Kaluka ni Klea francine haha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 8

    "Mas matimbang pa rin ang pagmamahal kaysa sa mga pagkukulang at mga pagkakamali. Lahat ng tao ay may kakayahang magpatawad kahit gaano pa man kabigat ang naging kasalanan lalo na kung ang may atraso saýo ay isa sa iyong mga mahal sa buhay." Third Person's POV PAGKAMULAT ng mata ni Klea ay agad siyang nagbihis at nag-ayos para puntahan si Don Lenel sa hospital. Nabahala siya nang malaman niyang nag resign na pala sa trabaho ang personal nurse ng kanyang Papa. Tatawagan niya sana si Axie para samahan siya nang bigla siyang pinigilan ni Wade. "Ako na ang sasama sa'yo sa hospital." Pagpepresenta ni Wade. "Wag na kaya ko namang magmaneho." Malamig na tugon ni Klea. "If this is about yesterday, I'm sorry. Sobrang kulit mo kasi tapos yung way mo ng pagsasalita masyadong nakaka offend at mapanakit." Umiwas ng tingin si Wade kay Klea. Tumalikod si Klea nang hinubad ni Wade ang kanyang suot na damit. Napalunok si Klea nang masilayan niya ang mga abs ng kanyang asawa. Hindi pa rin siya kom

    Last Updated : 2022-02-21
  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 9

    "People who have been traumatized experience immobility and sudden outbursts of wrath." Third Person's POV “ANONG ginagawa mo rito sa puntod ng ex-fiance ko?” Napatayo mula sa pagkakahiga si Klea nang makita niya sa harapan niya ang lalaking kinamumuhian niya. Pinawisan siya ng malamig at tila ba na estatwa sa kinatatayuan niya. Hindi agad nakaimik si Klea. Kinakabahan siya pero pilit niya itong itinago sa pamamagitan ng pag-ngiti. Buong akala niya ay sinabi na ni Joanne ang ugnayan niya kay Shana. “She’s my best friend.” Sa pagkakataong ito ay si Wade naman ang nagulat sa nalaman niya. Bumalik sa ala-ala niya ang araw kung kailan nag-suicide si Shana. Si Klea Francine Singrimoto pala ang babaeng nakita niya ng araw na iyon. Lumipas ang tatlong minutong katahimikan sa pagitan ng dalawa. Ngayon ay magkatabi silang nakaupo habang pinagmamasdan ang lapida ni Shana. “Siya ba ang rason kung bakit mo ako biglang pinakasalan, Francine?” Napalunok si Klea sa itinanong ni Wade. Bumuntong

    Last Updated : 2022-02-23
  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 10

    "Life often leaves us with no choice. Kahit ayaw nating gawin, mapipilitan tayo dahil iyon na lang ang tanging pagpipilian. Stop blaming people for their choices dahil hindi natin alam ang totoong kwento sa likod ng bawat desisyon." Third Person's POV "ANG BABABOY NYO! DITO NYO PA TALAGA NAISIP NA GAWIN YANG BAGAY NA YAN! WALA KAYONG KAHIHIYAN!" Napabalikwas sina Joanne at Wade sa higaan nang marinig ang malakas at matinis na sigaw ni Klea. Mabilis na nagtapis si Joanne ng blanket nang makita ang nagngingitngit sa galit na si Klea. Niyapos naman siya ni Wade na lalong nagpasiklab ng galit ng kanyang asawa. "Look at here assholes!" Mariing utos ni Klea. Ipinakita ni Klea sa kanyang iPhone ang mga kuha niyang litrato habang mahimbing na natutulog ang dalawa. Nakaramdam ng takot si Joanne sa kayang gawin ni Klea. "Nanginginig na ba ang mga tuhod nyo sa takot?" Klea laughs wickedly. "Francine, burahin mo yan." Mariing sabi ni Wade. "Alam mo Xynon kahit burahin ko pa to marami akon

    Last Updated : 2022-03-01
  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 11

    "Be the person you want to become. If you want to become successful, you need to sacrifice time and energy to unleash your full potential. If you don't want to be left stagnant, you need to do something different." Third Person's POV Six months later "XYNON, stop dragging our name in the mud!" Nanggagalaiting saad ni Klea. Nagbabasa siya ng dyaryo nang mahagip ng mga mata niya ang litrato ni Xynon na may kahalikang babae. "Ano na naman bang problema mo ha, Francine? Ilang linggo na akong hindi umaalis sa pamamahay na to! I am attending my classes. Tigil-tigilan mo ako. Ang aga pa para sa mga talak mong walang preno." Tugon ni Wade habang nakaharap sa kanyang iPad. Pumapasok siya ngayon sa klase. Napahilamos ang kamay ni Francine nang biglang magsalita ang professor ni Wade, "Mr. Wade Xynon Landicho kindly mute your microphone so that we cannot hear your arguments with your beloved wife." "I'm sorry for that Ma'am. Sige po i-mute ko na po." Agad na responde ni Wade. Nanlaki ang

    Last Updated : 2022-03-02
  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 12

    "Spend more time with your family, with your loved ones dahil hindi natin hawak ang mga buhay nila. We should cherish and value them habang buhay pa sila." Third Person's POV NAWALAN ng malay si Klea matapos malaman na isinugod sa ICU si Don Lenel. Her father has been suffering from severe pneumonia for about six months and now she can’t imagine na magkakaroon ng another illness and kanyang Papa which is COPD (Chronic Obstructive Pulmonary Disease). Hindi smoker si Don Lenel but he has a genetic condition called Alpha-1 deficiency which caused his COPD. Hindi na rin nagulat ang doctor ni Don Lenel dahil mayroon na ngang history ng respiratory infection ang kanyang pasyente. Klea can spend any amount maisalba lang ang buhay ng kanyang Papa. Good thing, mayroong health insurance si Don Lenel kaya hindi ganon kasakit sa bulsa ang pagpapagamot sa kanya. Bumigay na rin ang katawan ni Klea dahil sa sobrang stress at pagod niya lately. Siya lang kasi ang maasahan ng kanyang Papa na mag ma

    Last Updated : 2022-03-05
  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 13

    "When your answer to a question is just silence, it means yes or maybe but definitely not a "no"." Third Person's POV NANG magkamalay si Klea ay agad niyang pinuntahan ang kanyang Papa. Inalis niya ang dextrose na nakatusok sa kanyang kanang kamay habang tulog na tulog ang bantay niyang si Axie. Tumulo ang kanyang mga luha nang makita niya kung gaano karami ang nakakabit na aparato kay Don Lenel. She became too busy managing their businesses at nakaligtaan na niya ang kalagayan ng kanyang Papa. “Papa..” Mahinang sambit ni Klea habang pinupunasan niya ang mga luha niya sa kanyang mga pisngi. Bumalik sa ala-ala niya kung gaano siya naging pasaway sa Papa niya noong malakas pa ang pangangatawan ni Don Lenel. She loathed him because of a valid reason but this day, she regrets na hindi niya agad pinatawad ang kanyang Papa. “Pa-Papa.. I am so-sorry.” Sisinga sana siya sa kanyang suot na hospital gown nang biglang may kamay na nag-abot sa kanya ng panyo. “Bakit hindi mo ako ginising?”

    Last Updated : 2022-03-05
  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 14

    “Kahit hindi natin aminin, hindi natin kayang gawin ang lahat ng tayo lang. We need someone to encourage us. We need someone who will stick with us through thick and thin. For me, life is empty when you are alone.” Klea Francine's POV HALOS isang linggo rin akong nagbantay kay Papa sa hospital. Isang linggo na rin akong hindi bumisita sa aking mga opisina. Habang nagmamaneho ako papunta sa bahay naming mag-asawa ay sumagi sa isip ko ang imahe ng lalaking iyon. “Where the hell are you, Xynon?” Hindi ko namalayan na hinahanap ko na pala si Xynon. Napahinto ako sa pagda-drive nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko agad ang aking wireless earphone at sinagot ang tawag. “Who’s this?” Malumanay kong tanong. Sa sobrang tagal sumagot ng nasa kabilang linya ay agad kong ibinlocked ang numero niya. “Waste of time. Tsss.” Antok na antok ako dahil sa ilang gabi na akong puyat pero hindi naman halata sa beauty ko. Nang makarating ako sa mansyon namin ni Xynon ay sinalubong ako ng

    Last Updated : 2022-03-07
  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 15

    “Paano natin aaminin sa ating sarili ang bagay na kailanman ay hindi natin gustong mangyari o inisip na mangyayari man lang? Paano natin maiitago ang katotohanan ganong halos araw-araw at gabi-gabi na tayong minumulto nito?” Wade Xynon's POV MATAPOS ang libing ni Waine ay nagdesisyon akong mag stay muna rito sa States ng isang buwan para makapag-isip-isip at makabonding si Papa. Siya na lang ang meron ako ngayon kaya pahahalagahan ko ang bawat oras na pwede ko pa siyang makasama. I don’t want to regret it again - wasting my time with people who really don’t matter to my life. I have spent six months with Francine instead of spending it with Waine. “Anak, natawagan mo na ba si Klea?” Heto na naman si Papa sa pauli-ulit niyang tanong. “Papa, can you stop asking me about it? I’m too fed up with that. She didn’t even bother to find me or to call me kaya para saan pa?” I answered him coldly. “Paano ka niya tatawagan eh itinapon mo yung sim mo? Mainam kang bata ka tsss.” Napaisip nama

    Last Updated : 2022-03-08

Latest chapter

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR THE END

    Iniwan ko muna sa loob ng penthouse si Xynon at si Tito Wensley. Yes, my father-in-law is my biggest surprise to my husband. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kaniyang papa. He even paid a fortune para lang ipahanap ito pero nabigo ang mga tao niya."My husband is crying because of joy. I loved seeing him genuinely happy," I murmured."Ma'am Klea, paano niyo po nahanap si Sir Wensley?" usisa ng sekretarya ko.Nginitian ko siya. "It's a secret."Bumalik sa isip ko ang nangyari. Isang araw, nagulat na lang ako nang biglang lumitaw sa harapan ko si Tito Wensley. Akala ko minumulto niya ako dahil sa pagsusungit ko nang sunod-sunod na araw sa anak niya! Buong akala namin ay napaslang na siya nina Emil! He fought my securities to penetrate my place dahil ayaw siyang papasukin ng mga tauhan ko. Hindi ko naman siya nakilala agad dahil sa hitsura niya. Sobrang dungis niya tapos sobrang lago na ng mga buhok, bigote at balbas niya! Nangangamoy kanal rin siya noon. Natakot pa nga ako pero noong

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 55

    "Lahat nang ginawa mong masama, babalik at babalik sa iyo. Hindi man agad-agad pero sigurado."KLEA FRANCINE'S POVShocked. Disappointed. Dismayed. Irked. Those emotions were clearly painted on their faces while here I am, raising my chin while slowly putting a beautiful smile on my fúcking pretty face."Aren't you going to kneel before me? Joanne?" I averted my gaze to that bítch and then to her husband. "Ricci?"I clearly saw how Joanne smirked at me. She still has the audacity to do it despite their current situation."Diyos ka ba para luhuran?" sambit ni Joanne."Hindi ka pa rin nagbabago," bulong ko sabay tawa."How did you do it?" Joanne asked."Did what?" I want to provoke her even more."Huwag na tayong maglokohan dito, Klea. Sinadya mo ang lahat, 'di ba? You hid yourself at the back of other people. Gano'n ka ba kaduwag?" ani Joanne."Ako? Duwag? Ha! Alam mo ba ang salitang STRATEGY, JOANNE? Kung nagpakilala ako bilang Miss KF sa inyo, sa tingin mo ba papayag kayong tulungan

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 54

    "The greatest revenge is to become successful than your foes."THIRD PERSON'S POVSLAP!Napahawak si Ricci sa kaniyang magkabilang pisngi nang bigla na lamang siyang salubungin ng sampal ng isang matandang lalaki."You're a disgrace to this family! How could you enter such dirtiest businesses? You and your father are the same! Mga inútil!" sigaw ng matandang lalaki."L-lolo? B-buhay pa po kayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Ricci. Kung may kinatatakutan man siya, iyon ay walang iba kung hindi si Rivero Costa…ang kaniyang lolo."Tarantàdo! Anong gusto mo? Mamatay na ako? Malamang buhay na buhay pa ako. Kung hindi dahil kay Xenon ay hindi ko pa malalaman ang mga kagaguhan mo! Hindi pa sana ako uuwi ng Pilipinas kung hindi lang dahil sa'yo!" Kitang-kita ang galit sa mukha ni Rivero habang titig na titig ito kay Ricci."Sino pong Xenon?""Hindi na iyon mahalaga. Ang importante sa ngayon ay kailangan mong bumaba sa lahat ng posisyon mo." Nanigarilyo si Rivero.Walang imik na nakikinig sa k

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 53

    "You can't escape your conscience. Hindi lahat nang ibinaon mo sa limot ay mababaon nang tuluyan. Sisingaw at sisingaw pa rin ang baho kahit na tabunan pa ito ng sangkatutak na pabango."THIRD PERSON POV“Yaya, bantayan mo nang maayos si Rianne ha. Don’t let her eat junk foods and chocolates. Also, please stop hugging and kissing her, okay? Kapag nagkasakit ‘ang anak kong ‘yan, ikakaltas ko sa sahod mo ang lahat ng magagastos niya sa pagpapagamot. Maliwanag ba?” mataray na sabi ni Joanne sa kanilang katulong.“Masusunod po, madam,” nakayukong sagot ng katulong.“Honey, masyado ka namang harsh kay manang. Siya ang nagpalaki sa akin kaya sigurado akong hindi niya pababayaan ang anak natin. Stop stressing yourself too much. Tingnan mo, nagkaroon ka na ng wrinkles. Ikaw rin, mababawasan ang ganda mo,” pabirong sabi ni Ricci.“Ah basta! Ayokong makikitang kumakain ng hindi masustansyang pagkain si Rianne,” giit ni Joanne bago siya tuluyang pumasok sa kanilang sasakyan.Ngayong araw ay may

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 52

    "Sometimes, someone who survived the strongest storm in his life became merciless and cold-hearted."KLEA FRANCINE POVI removed my sunglasses as I stared at an ideal family. It’s been five years since they killed my loved ones.“Ma’am Klea, tumatawag po si sir,” ani ng katulong kong si Aling Rosa.Kamukhang-kamukha talaga siya ng dati kong katulong…I mean, ng lola ko. Bumuntong hininga ako at nginitian siya.“Tell him that I will call back later,” utos ko kay Aling Rosa.“Sige po ma’am, masusunod po,” tugon niya sabay labas ng aking kwarto.Ibinalik ko ang tingin ko sa magandang tanawin. Kinuha ko ang kopita sa may mesa at nilagyan iyon ng red wine. I swayed the goblet before I took a sip. Tingnan mo nga naman, ikinasal na pala si Joanne kay Ricci at ngayon ay may isa na silang anak na babae. They looked perfectly fine and happy. I smirked. Now, I have something to ruin.Hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko na kasi naalis ang paningin ko sa mag-anak na Costa habang nakaupo ako sa

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 51

    "Living without your loved ones is more painful than death itself."KLEA FRANCINE'S POVDahil sa pagsabog na iyon ay nagkagulo sa hospital. Kaniya-kaniyang dampot ng kanilang mga gamit. Kaniya-kaniyang hakot ng mga pasyente. Hindi sila magkamayaw sa gagawin samantalang ako ay nakatayo lang sa tabi ni Xynon habang nakatulala."Francine, kailangan na nating lumabas dito. Hindi na ligtas na manatili pa rito," narinig kong sabi ni Xynon.Habang hinahanap ko ang sarili ay napaupo ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Nakayuko ako habang hawak-hawak ko ang aking dalawang tainga. Napatunghay lang ako nang marinig ko ang aking pangalan."Long time no see, Klea Francine!"Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung kaninong boses iyon. "R-Ricci?" bulong ko.Isa pang putok ng baril ang aking narinig. Pakiramdam ko ay nagkaroon na ako ng ugat sa aking posisyon. Naalala ko si Axie. Umagos mula sa aking mga mata ang mga luhang pilit kong itinatago buhat nang bumalik ang akin

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 50

    "Once in a while, free yourself from any worries. Always choose what will make your heart flutter. Time is ticking. We only have one life to live."KLEA FRANCINE POVAgad kong inaya ng kasal si Xynon matapos ang aking medical examinations. Maybe, God showered His mercy on me today. Himalang luminaw ang aking paningin at himalang naalala ko na ang tungkol sa pangyayaring iniiwasan kong maalala. Isang putok lang pala ng baril ang makakapagpaalala sa akin ng isa sa pinakamasakit na pangyayari sa aking buhay. I cried a lot in front of my doctor and personal nurse. Axie's death gave me excruciating pain that no one can heal. Only vengeance can make me feel better. Hindi ko alam kung bakit nagsinungaling sa akin si Xynon pero sigurado akong mahal niya ako."Pakasalan mo na ako ngayon din," muli kong sabi sa nakangangang si Xynon. Before I start my revenge, I want to be the happiest woman alive kahit sa loob lamang ng isang linggo."Pero Francine, h-hindi ka pa o-okay," nag-aalalang turan ni

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 49

    "Huwag na huwag mong tatalikuran ang mga taong nandiyan para sa'yo noong walang-wala ka. Hindi iyon dahil sa may utang na loob ka sa kanila kung hindi dahil maalam kang magpasalamat at magpakatao."WADE XYNON'S POVI was patiently waiting for Francine. Halos isang oras at kalahati na siya sa loob. Masyado akong nasabik nang pumayag siyang magpakasal ulit sa akin. It will be our second wedding pero para sa akin, iyon ang unang beses na ikakasal ako sa kaniya. Our first wedding happened because of revenge, confusion and hatred. Akala ko ay iyon na ang pinakamasamang nangyari sa buong buhay ko. I guess, hindi talaga dapat tayo magsalita ng tapos. Our first wedding became the most memorable time of my life. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko ang mga pinagdaanan namin ni Francine.Napatayo ako sa kinauupuan ko nang bigla na lang mag-vibrate ang cell phone ko. Tumatawag na naman si Joanne. Hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip na kamumuhian ko siya nang ganito. They still have my f

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 48

    "Minsan, tuso ang utak ng tao. Kapag hindi na nito kayang dalahin ang sakit, pinipili na lamang nitong ibaon sa limot ang lahat. Lilinlangin ka nito na okay lang ang lahat kahit na ang totoo ay durog na durog ka na."Klea Francine's POVNagising ako mula sa pagkakahimlay nang tumama sa aking mga mata ang liwanag mula sa bintana. Agad akong napahawak sa aking ulo dahil ramdam na ramdam ko ang pagkirot noon pero walang-wala iyon sa bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang may nakapatong na tone-toneladang bato sa ibabaw ng aking dibdib. Ano nga ba ang nangyari? Bakit ganito na lang kabigat ang nararamdaman ko?Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko nang tawagin niya ako sa aking buong pangalan."Klea Francine, kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" tanong ng lalaki.Pilit kong inaaninag ang kaniyang hitsura pero nanlalabo ang aking mga mata."Anak, si Daddy Linel ito. Nakikita mo ba ako?"Biglang gumapang ang takot sa aking katawan. Bakit hindi ko makita ang mukha ni daddy? Anong na

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status