"Sometimes, we despise someone but can't help but fall in love with them for some inexplicable reason." Third Person's POVMASIGLANG sinalubong ni Klea si Manang Iska sa pag-aakalang kasama nito ang kanyang asawang si Wade. Nang makita niyang mag-isa lang si Manang Iska ay agad napawi ang matamis na ngiti sa kanyang mapulang labi."You look dissatisfied." Nakangiting wika ni Manang Iska habang inaayos ang mga gamit na dala niya.Iniikot lang ni Klea ang kanyang mga mata at ibinaling ang kanyang atensyon sa mga gamit na bitbit ng matandang katulong."Are you sure na wala kang naiwang importanteng gamit sa mansyon?" Klea spoke authoritatively."Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa nakatatanda sa'yo, Iha?" Manang Iska expressed her dissatisfaction.Napaawang ang bibig ni Klea bago tumawa ng ubod ng lakas."I used to be polite and courteous, but when adults began to expose their ugliness, things started to change." Mapait na tugon ni Klea. Napatango naman si Manang Iska sa kanyang sinabi.
"Kapag inaapi ka, lumaban ka. Wag na wag kang papayag na tapak-tapakan ka lang nila lalo na kung sagad na sa mga ulap ang atraso nila sa'yo." Klea Francine's POVKALMADO akong naglalakad patungo sa kinaroroonan nina Matilda at Del Mundo. Nakasuot ako ng itim na dress at Brent Black's Hat. Ngayong araw na ito gaganapin ang business sales.Kapag may ganitong event, the assets and contracts of the business being sold must all be transferred to the winner of the bidding and the consent of customers, suppliers, landlords, licensors, and others is more likely to be required. Contracts, agreements, real estate, and intellectual property rights will all need to be formally transferred. Everything else remains with the company except the assets and liabilities that the buyer expressly agrees to purchase. Furthermore, the employees' current terms of employment will be automatically transferred to the buyer, and the buyer will become their employer.Ibebenta ni Matilda ang pinaghirapang kompanya
"Masakit gumanti ang kapalaran sa mga taong may maruming adhikain sa kanyang kapwa." Third Person's POV "ARE you sure you want to see my face, Matilda?" Klea asked while smiling behind her black hat."Oo naman Miss F. WE want to see your beautiful face. Right Honey?" Matilda kissed Del Mundo in his cheeks. Tumango naman si Del Mundo at hinalikan sa noo si Matilda bago sumulyap kay Klea.Nagsigawan ang mga elitista at pinuri ang pagiging sweet ng dalawa. Kabi-kabila rin ang pag flash ng camera.Napataas ang kilay ni Matilda nang biglang lumapit si Axie sa kanila."Anong ginagawa mo rito, Laxamana?" Tiningnan ni Matilda si Axie mula ulo hanggang paa.Axie gave her a silly laugh. Umiling pa siya na siyang ikinainis ni Matilda.“Kung si Erin ang sadya mo rito, bumalik ka na sa pinanggalingan mo. Binabalaan kita. Layuan mo ang anak ko. Hindi siya nababagay sa isang dukhang kagaya mo. I am going to find a CEO for her kaya tigilan mo na ang ambisyon mong maging kasintahan ang anak ko!” May
"Pinapatay ng paghihiganti ang ating pagkakataong maging masaya at maging malaya." Third Person's POV"NASAAN si Ricci?" Tanong ni Klea habang lumilinga-linga sa paligid.Ngumiti lang si Axie sabay kamot ng kanyang batok."Axie, akala ko ba hinahanap ako ni Ricci?" Kunot noong tanong ni Klea. May halong pagkainis ang tono ng boses niya."Ang totoo niyan .."Tumaas ang kilay ni Klea nang biglang huminto si Axie sa pagsasalita. Nakatitig lang siya ng diretso habang naghihintay sa sasabihin ni Axie."Ang totoo niyan Klea, ayaw ko kasing nakikita kang kasama mo si Wade." Nakatungong saad ni Axie."WHAT?" Gulat na reaksyon ni Klea."Tatapatin na kita. Klea, gusto kita at nagseselos ako kapag na kay Wade ang atensyon mo. Matagal na akong may pagtingin sa iyo. Siguro naman aware ka ron." Tinitigan ni Axie ng diretso sa mga mata si Klea.Natigilan si Klea sa sinabing iyon ni Axie. Hindi niya alam ang isasagot niya dahil miski siya ay hindi niya rin alam kung si Axie ba ang gusto niya o ang ka
"Learn to value the efforts of those who show you love and concern. Not everyone is brave enough to tell you how they truly feel about you." Third Person's POVNIYAKAP bigla ni Wade si Klea matapos nitong tumayo sa pagkakahiga sa damuhan. Nanlaki ang mga mata ni Klea sa ginawang iyon ng kanyang asawa."Don't move." Malambing na utos ni Wade.Hindi maintindihan ni Klea ang sensasyong kanyang nararamdaman. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Nabibingi na siya sa napakalakas na tibok ng puso niya. Nagpumiglas siya pero hindi siya nakawala sa maskuladong mga braso ni Wade."I said, don't move." Giit ni Wade."Ba-Bakit mo ba ginagawa to Xynon?" Naguguluhang tanong ni Klea."Seriously, you have no idea?" Inalis ni Wade ang pagkakayapos niya kay Klea. Hinawakan na lang niya ang kanyang asawa sa balikat. Nakataas ang kanyang kilay habang walang kakurap-kurap na nakatitig kay Klea.Iniiwas ni Klea ang ang kanyang mga mata sa mga mata ni Wade dahil pakiramdam niya ay hinihila siya ng mga ito para
"There's no harm in trying new things. Don't limit yourself just because you think that you can't do it. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan." Third Person's POVTAMBAKOL ang mukha ni Klea nang bumalik siya sa kanyang silid. Isinalampak niya ang kanyang sarili sa malambot na kama. Naistress siya sa mga kaganapan maghapon. Hindi niya mawari ang kanyang gagawin kapag nagkaharap silang muli ni Axie dahil sa pagtatapat nito ng nararamdaman sa kanya. Ayaw din muna niyang makita ang pagmumukha ni Wade dahil bumibilis ang tibok ng puso niya kapag nasisilayan niya ito. Pakiramdam niya ay hahapuin siya anytime kapag kaharap niya ito."Kamusta ang lakad mo, Ma'am?" Tanong ni Manang Iska habang nagtitiklop ng mga damit ni Klea."Okay naman po, Manang. Nagawa ko ang dapat kong gawin." Walang buhay na sagot ni Klea."Kung ganon pala eh bakit parang hindi ka masaya? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa eh. Tingnan mo ang hitsura mo sa salamin. Nababawasan ang ganda mo kapag nakasimangot
"You cannot easily put a stop to your feelings for someone. You cannot deceive yourself either. Your heart and mind are well aware of the truth, so speak up before it's too late." Third Person's POVUTAS sa katatawa si Manang Iska sa ginawa ng kanyang among si Klea sa tilapia. Lalo pang gumanda ang mood niya nang aminin sa kanya ni Klea na isinearch pa niya sa internet kung ano ang hitsura ng isdang ito.Ngayon ay nagluluto na si Manang Iska ng sinigang na hipon samantalang si Klea naman ay matiyaga siyang pinapanood.“Sayang po yung isda Manang Iska. Hindi na po ba talaga yun pwedeng lutuin?” Tanong ni Klea habang nakahalukipkip sa tabi ng matandang katulong.“Pasensya ka na Ma’am. Hindi na talaga eh kasi sobrang liit ng hiwa mo. Hindi ko pa nilalagay sa kaserola, durog na durog na agad.” Paliwanag ni Manang Iska na may kasamang tawa.“Ang mahal pa naman ng bilihin ngayon. Ang bilis tumaas ng inflation rate noh Manang?”Tumango si Manang Iska. Habang inaayos na niya ang timpla ng sin
"The most agonizing kind of betrayal does not come from our rival." Third Person's POVRAMDAM ni Klea ang pamumula ng kanyang mga pisngi nang sabihin ni Wade na siya ay liligawan niya simula bukas. Mag-asawa na sila subalit ang kasal nila ay hindi produkto ng pagmamahal. Alam nilang dalawang kailangan pa nilang makilala ng lubusan ang isa't isa. Naguguluhan pa rin si Klea sa tunay na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung si Wade ba ang nilalaman ng puso niya o si Axie."Ma'am Francine, mukhang malalim ang iniisip mo ah." Puna ni Manang Iska habang naghuhugas ng kanilang pinagkainan."W*-W*la to Manang." Pagsisinungaling ni Klea habang nakatingin sa kawalan.Nakita ni Klea ang pag-iling ni Manang Iska. Marahil ay batid na niya kung ano ang gumugulo sa isipan ng kanyang amo. Simula nang makasama niya si Manang Iska sa Palace Costa, pakiramdam niya ay mayroon na ulit siyang magulang o lola na handang gumabay sa kanya sa anumang sitwasyon at pagkakataon."Manang, naranasan nyo na po ban
Iniwan ko muna sa loob ng penthouse si Xynon at si Tito Wensley. Yes, my father-in-law is my biggest surprise to my husband. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kaniyang papa. He even paid a fortune para lang ipahanap ito pero nabigo ang mga tao niya."My husband is crying because of joy. I loved seeing him genuinely happy," I murmured."Ma'am Klea, paano niyo po nahanap si Sir Wensley?" usisa ng sekretarya ko.Nginitian ko siya. "It's a secret."Bumalik sa isip ko ang nangyari. Isang araw, nagulat na lang ako nang biglang lumitaw sa harapan ko si Tito Wensley. Akala ko minumulto niya ako dahil sa pagsusungit ko nang sunod-sunod na araw sa anak niya! Buong akala namin ay napaslang na siya nina Emil! He fought my securities to penetrate my place dahil ayaw siyang papasukin ng mga tauhan ko. Hindi ko naman siya nakilala agad dahil sa hitsura niya. Sobrang dungis niya tapos sobrang lago na ng mga buhok, bigote at balbas niya! Nangangamoy kanal rin siya noon. Natakot pa nga ako pero noong
"Lahat nang ginawa mong masama, babalik at babalik sa iyo. Hindi man agad-agad pero sigurado."KLEA FRANCINE'S POVShocked. Disappointed. Dismayed. Irked. Those emotions were clearly painted on their faces while here I am, raising my chin while slowly putting a beautiful smile on my fúcking pretty face."Aren't you going to kneel before me? Joanne?" I averted my gaze to that bítch and then to her husband. "Ricci?"I clearly saw how Joanne smirked at me. She still has the audacity to do it despite their current situation."Diyos ka ba para luhuran?" sambit ni Joanne."Hindi ka pa rin nagbabago," bulong ko sabay tawa."How did you do it?" Joanne asked."Did what?" I want to provoke her even more."Huwag na tayong maglokohan dito, Klea. Sinadya mo ang lahat, 'di ba? You hid yourself at the back of other people. Gano'n ka ba kaduwag?" ani Joanne."Ako? Duwag? Ha! Alam mo ba ang salitang STRATEGY, JOANNE? Kung nagpakilala ako bilang Miss KF sa inyo, sa tingin mo ba papayag kayong tulungan
"The greatest revenge is to become successful than your foes."THIRD PERSON'S POVSLAP!Napahawak si Ricci sa kaniyang magkabilang pisngi nang bigla na lamang siyang salubungin ng sampal ng isang matandang lalaki."You're a disgrace to this family! How could you enter such dirtiest businesses? You and your father are the same! Mga inútil!" sigaw ng matandang lalaki."L-lolo? B-buhay pa po kayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Ricci. Kung may kinatatakutan man siya, iyon ay walang iba kung hindi si Rivero Costa…ang kaniyang lolo."Tarantàdo! Anong gusto mo? Mamatay na ako? Malamang buhay na buhay pa ako. Kung hindi dahil kay Xenon ay hindi ko pa malalaman ang mga kagaguhan mo! Hindi pa sana ako uuwi ng Pilipinas kung hindi lang dahil sa'yo!" Kitang-kita ang galit sa mukha ni Rivero habang titig na titig ito kay Ricci."Sino pong Xenon?""Hindi na iyon mahalaga. Ang importante sa ngayon ay kailangan mong bumaba sa lahat ng posisyon mo." Nanigarilyo si Rivero.Walang imik na nakikinig sa k
"You can't escape your conscience. Hindi lahat nang ibinaon mo sa limot ay mababaon nang tuluyan. Sisingaw at sisingaw pa rin ang baho kahit na tabunan pa ito ng sangkatutak na pabango."THIRD PERSON POV“Yaya, bantayan mo nang maayos si Rianne ha. Don’t let her eat junk foods and chocolates. Also, please stop hugging and kissing her, okay? Kapag nagkasakit ‘ang anak kong ‘yan, ikakaltas ko sa sahod mo ang lahat ng magagastos niya sa pagpapagamot. Maliwanag ba?” mataray na sabi ni Joanne sa kanilang katulong.“Masusunod po, madam,” nakayukong sagot ng katulong.“Honey, masyado ka namang harsh kay manang. Siya ang nagpalaki sa akin kaya sigurado akong hindi niya pababayaan ang anak natin. Stop stressing yourself too much. Tingnan mo, nagkaroon ka na ng wrinkles. Ikaw rin, mababawasan ang ganda mo,” pabirong sabi ni Ricci.“Ah basta! Ayokong makikitang kumakain ng hindi masustansyang pagkain si Rianne,” giit ni Joanne bago siya tuluyang pumasok sa kanilang sasakyan.Ngayong araw ay may
"Sometimes, someone who survived the strongest storm in his life became merciless and cold-hearted."KLEA FRANCINE POVI removed my sunglasses as I stared at an ideal family. It’s been five years since they killed my loved ones.“Ma’am Klea, tumatawag po si sir,” ani ng katulong kong si Aling Rosa.Kamukhang-kamukha talaga siya ng dati kong katulong…I mean, ng lola ko. Bumuntong hininga ako at nginitian siya.“Tell him that I will call back later,” utos ko kay Aling Rosa.“Sige po ma’am, masusunod po,” tugon niya sabay labas ng aking kwarto.Ibinalik ko ang tingin ko sa magandang tanawin. Kinuha ko ang kopita sa may mesa at nilagyan iyon ng red wine. I swayed the goblet before I took a sip. Tingnan mo nga naman, ikinasal na pala si Joanne kay Ricci at ngayon ay may isa na silang anak na babae. They looked perfectly fine and happy. I smirked. Now, I have something to ruin.Hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko na kasi naalis ang paningin ko sa mag-anak na Costa habang nakaupo ako sa
"Living without your loved ones is more painful than death itself."KLEA FRANCINE'S POVDahil sa pagsabog na iyon ay nagkagulo sa hospital. Kaniya-kaniyang dampot ng kanilang mga gamit. Kaniya-kaniyang hakot ng mga pasyente. Hindi sila magkamayaw sa gagawin samantalang ako ay nakatayo lang sa tabi ni Xynon habang nakatulala."Francine, kailangan na nating lumabas dito. Hindi na ligtas na manatili pa rito," narinig kong sabi ni Xynon.Habang hinahanap ko ang sarili ay napaupo ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Nakayuko ako habang hawak-hawak ko ang aking dalawang tainga. Napatunghay lang ako nang marinig ko ang aking pangalan."Long time no see, Klea Francine!"Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung kaninong boses iyon. "R-Ricci?" bulong ko.Isa pang putok ng baril ang aking narinig. Pakiramdam ko ay nagkaroon na ako ng ugat sa aking posisyon. Naalala ko si Axie. Umagos mula sa aking mga mata ang mga luhang pilit kong itinatago buhat nang bumalik ang akin
"Once in a while, free yourself from any worries. Always choose what will make your heart flutter. Time is ticking. We only have one life to live."KLEA FRANCINE POVAgad kong inaya ng kasal si Xynon matapos ang aking medical examinations. Maybe, God showered His mercy on me today. Himalang luminaw ang aking paningin at himalang naalala ko na ang tungkol sa pangyayaring iniiwasan kong maalala. Isang putok lang pala ng baril ang makakapagpaalala sa akin ng isa sa pinakamasakit na pangyayari sa aking buhay. I cried a lot in front of my doctor and personal nurse. Axie's death gave me excruciating pain that no one can heal. Only vengeance can make me feel better. Hindi ko alam kung bakit nagsinungaling sa akin si Xynon pero sigurado akong mahal niya ako."Pakasalan mo na ako ngayon din," muli kong sabi sa nakangangang si Xynon. Before I start my revenge, I want to be the happiest woman alive kahit sa loob lamang ng isang linggo."Pero Francine, h-hindi ka pa o-okay," nag-aalalang turan ni
"Huwag na huwag mong tatalikuran ang mga taong nandiyan para sa'yo noong walang-wala ka. Hindi iyon dahil sa may utang na loob ka sa kanila kung hindi dahil maalam kang magpasalamat at magpakatao."WADE XYNON'S POVI was patiently waiting for Francine. Halos isang oras at kalahati na siya sa loob. Masyado akong nasabik nang pumayag siyang magpakasal ulit sa akin. It will be our second wedding pero para sa akin, iyon ang unang beses na ikakasal ako sa kaniya. Our first wedding happened because of revenge, confusion and hatred. Akala ko ay iyon na ang pinakamasamang nangyari sa buong buhay ko. I guess, hindi talaga dapat tayo magsalita ng tapos. Our first wedding became the most memorable time of my life. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko ang mga pinagdaanan namin ni Francine.Napatayo ako sa kinauupuan ko nang bigla na lang mag-vibrate ang cell phone ko. Tumatawag na naman si Joanne. Hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip na kamumuhian ko siya nang ganito. They still have my f
"Minsan, tuso ang utak ng tao. Kapag hindi na nito kayang dalahin ang sakit, pinipili na lamang nitong ibaon sa limot ang lahat. Lilinlangin ka nito na okay lang ang lahat kahit na ang totoo ay durog na durog ka na."Klea Francine's POVNagising ako mula sa pagkakahimlay nang tumama sa aking mga mata ang liwanag mula sa bintana. Agad akong napahawak sa aking ulo dahil ramdam na ramdam ko ang pagkirot noon pero walang-wala iyon sa bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang may nakapatong na tone-toneladang bato sa ibabaw ng aking dibdib. Ano nga ba ang nangyari? Bakit ganito na lang kabigat ang nararamdaman ko?Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko nang tawagin niya ako sa aking buong pangalan."Klea Francine, kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" tanong ng lalaki.Pilit kong inaaninag ang kaniyang hitsura pero nanlalabo ang aking mga mata."Anak, si Daddy Linel ito. Nakikita mo ba ako?"Biglang gumapang ang takot sa aking katawan. Bakit hindi ko makita ang mukha ni daddy? Anong na