"The most agonizing kind of betrayal does not come from our rival." Third Person's POVRAMDAM ni Klea ang pamumula ng kanyang mga pisngi nang sabihin ni Wade na siya ay liligawan niya simula bukas. Mag-asawa na sila subalit ang kasal nila ay hindi produkto ng pagmamahal. Alam nilang dalawang kailangan pa nilang makilala ng lubusan ang isa't isa. Naguguluhan pa rin si Klea sa tunay na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung si Wade ba ang nilalaman ng puso niya o si Axie."Ma'am Francine, mukhang malalim ang iniisip mo ah." Puna ni Manang Iska habang naghuhugas ng kanilang pinagkainan."W*-W*la to Manang." Pagsisinungaling ni Klea habang nakatingin sa kawalan.Nakita ni Klea ang pag-iling ni Manang Iska. Marahil ay batid na niya kung ano ang gumugulo sa isipan ng kanyang amo. Simula nang makasama niya si Manang Iska sa Palace Costa, pakiramdam niya ay mayroon na ulit siyang magulang o lola na handang gumabay sa kanya sa anumang sitwasyon at pagkakataon."Manang, naranasan nyo na po ban
"Pit has three doorway named lust, wrath, and greed." Third Person's POVMALAGKIT ang mga tingin ni Ricci kay Joanne na ngayon ay tuloy pa rin sa paglaklak ng alak kahit lasing na lasing na. Tinapik niya ang balikat ng kanyang private investigator at inabutan niya ito ng isang puting envelope na naglalaman ng check at pera."Salamat. Manmanan mo si Wade at ireport mo sa akin ang lahat ng kilos niya. Kung may makukuha kang additional information sa kanya, tawagan o itext mo lang ako." Usal ni Ricci bago lumakad palayo sa kanyang private investigator.Pumwesto siya sa bakanteng silya na di kalayuan sa kinaroroonan ni Joanne. Puno man ng galit ang puso niya ay hindi niya maiitangging mahal na mahal pa rin niya ang babaeng ipinagkanulo siya noon sa bingit ng kamatayan. Bigla niyang namiss ang presensya ni Joanne. Bumalik sa kanyang isipan ang mga ala-ala nilang pilit niyang kinakalimutan."One bottle of beer!" Turan niya sa waiter na lumapit sa kanya. Hindi pa rin niya inaalis ang kanyang
"People treasure items with sentimental value." Third Person's POV NAGISING si Klea sa tunog ng isang gitara. Kinukusot pa niya ang kanyang mga mata nang bigla niyang marinig ang boses ni Wade. Napanganga siya nang makita niya ang kanyang asawang nakaupo sa paanan niya habang tumutugtog at umaawit. Hindi niya alam na mala Ed Sheeran pala ang boses ng kanyang napangasawa. Bonus points pa na maalam si Wade gumawa ng sarili niyang kanta. “Hindi ko alam ang pangarap ko palaý makuha ang matamis mong “Oo”. Suplada ka man at mataray, puso ko namaý nabihag mo. Miss Singrimoto, pansinin mo naman ang pagmamahal kong ito. Araw-araw kong patutunayang ikaw lang ang nag-iisang mahal ko.” Pinisil ni Klea ang kanyang mga pisngi para makumpirma niyang hindi siya nananaginip. Nang marinig niya ang pagpalakpak ni Manang Iska ay awtomatikong umirap ang kanyang mga mata sa lalaking nasa harapan niya. “Nagustuhan mo ba ang ginawa kong kanta para saýo, Francine?” Nakangiting tanong ni Wade. Agad na
"In a world full of lies and cruel people, you should always double-check your facts; it could be the biggest lie you've ever known in your entire life." Third Person's POVOne Week LaterBUHAT nang makita ni Wade ang family photo nina Klea ay nagsimula na siyang managinip gabi-gabi. Nakikita niya ang mukha ng Mama ni Klea. Nakasapo ito sa kanyang dibdib habang humihingi ng tulong sa kanya. Hindi na siya nakatiis. Sa palagay niya ay may kahulugan ang bagay na iyon. Ngayon ay nakatayo na si Wade sa harap ng pinto ng kwarto ni Klea. Nagdadalawang isip pa siya kung kakatok ba siya o hindi. Halos mapatalon siya nang biglang buksan ni Klea ang pinto. Agad na tinapunan ni Klea ng matatalim na titig si Wade.“Oh anong ginagawa mo rito?” Masungit na bungad ni Klea.“Galit ka pa rin ba sa akin, Francine?”Isinara ni Klea ang pinto at naglakad na papunta sa kinaroroonan ng elevator. Nasa likod niya si Wade, pilit siyang kinakausap at hinahabol. Mas lalo pang nilakihan ni Klea ang kanyang pagha
"Ang mga bagay na nakuha mo sa pamamagitan ng pagkakasala ay madali ring mawawala sa iyo sa hindi mo pinaka inaasahang paraan at pagkakataon." Third Person's POV "PAANO? Paano muling yumaman si Klea? Nag-asawa ba siya ng apat na M (Matandang Mayamang Madaling Mamatay)? Nagbenta ba siya ng puri? Ano? Bakit wala man lamang nag inform sa akin?" Nanlilisik ang mga mata ni Matilda habang nagsesermon sa mga tauhan nila ni Del Mundo. "Relax ka lang Honey." Minasahe ni Del Mundo ang mga balikat ni Matilda habang pinandidilatan ng mata ang kaniyang mga tauhan. "Paano ako magrerelax matapos ang nangyari? A week had passed at hanggang ngayon wala pa ring makapagbigay linaw sa mga tanong ko! Ano bang silbi ng mga private investigators mo?" Hinilot ni Matilda ang kaniyang sintido at umupo sa couch. Pinagkrus niya ang kaniyang mga binti habang nakatitig kay Del Mundo. Tumabi si Del Mundo kay Matilda at sinenyasan ang mga tauhan niyang lumabas muna ng opisina. Pilit niyang pinapakalma si Matilda
"Life is full of unexpected twists and turns so do not forget to buckle up." Third Person's POV "KLEA, sigurado ka ba sa nakalap mong impormasyon? Nagulat ako nang makita kita sa news kanina!" "Kinailangan ko pang tapalan ng pera sa mukha ang doctor na iyon para lang malaman ang totoo tungkol sa cause of death ni Mama. Axie, kahit ako nabigla pero mas nangibabaw ang galit sa puso ko kaya kahit ayokong humarap sa publiko, ginawa ko. I’m going to rip Julia’s mouth kapag hindi siya kumanta, the moment na matagpuan ko siya." “Ten Million Pesos reward is huge! I’m sure maraming mag-iinterest do’n. Are you ready to cater if ever may mga prank calls?” “Naisip ko na iyan before pa ako mag appear sa screen. I have hired people to verify all the calls. I have my team already.” “You’re really smart. Nakabuo ka kaagad ng team without telling anybody.” Bakas sa mga mata ni Axie ang pagkamangha kay Klea. Tumayo si Klea buhat sa pagkaka-upo sa wing chair at kumuha siya ng dalawang kopita sa ma
"Minsan, alam na natin ang totoo. Pilit lang natin itong kinakalimutan dahil nasaktan tayo ng lubusan ng tinatawag nating katotohanan." Third Person's POV "WHO THE HELL ARE YOU? BAKIT KAMUKHANG-KAMUKHA MO SI PAPA?" Halos lumuwa ang mga mata ni Klea sa kaniyang nakikita ngayon. Ang tibok ng kaniyang puso ay napakabilis at nakakabingi. Ngayon ay nasa harapan niya ang isang lalaking parang replica ng yumaong si Don Lenel. Nang hindi agad sumagot ang lalaki ay ibinaling ni Klea ang kaniyang paningin kay Axie. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay at hindi maipinta ang kaniyang mukha. "Explain everything to me. Bakit mo hinayaang may gumaya sa facial features ni Papa?" Sinulyapan niya ang lalaking kamukha ng kaniyang ama. "I can't believe this! They really look the same!" Tumikhim ang lalaki sa harapan niya, "Ganito ba pinalaki ng kapatid ko si Klea?" Nabingi si Klea sa kaniyang narinig. She smirked and said, "Retokado na nga ang mukha mo, may mga lamat pa ang brain cells mo. Manong, m
"Love has the power to calm the storm in our minds and the fire from our hearts." Third Person's POV "WHY did you return? You have already abandoned me a long, long time ago. What's the point of coming back here to the Philippines?" mapait na usal ni Klea habang umiinom ng red wine. Katabi niya ngayon sa couch ang kaniyang tunay na daddy- si Don Linel. "Klea, I'm sorry if I left you here. Kung nanatili ako rito, baka naging mamamatay tao na ako. Umalis ako ng bansa to calm myself and to heal my heart and soul. Sana maintindihan mo ako anak," paliwanag ni Linel. "You're selfish. Hindi mo man lamang ba naisip na mas kailangan ko ng isang ama ng mga panahong 'yon? Imagine, ten year old me saw Mommy Lea and Tito Lenel kissing, with my own eyes! Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? Sa sobrang poot ko sa kanila, kusa ng nakalimot ang utak ko. Their betrayal inflicted too much pain on me and you failed to see it! Sarili mo lang ang inisip mo noon!" garalgal na sambit ni Klea. Yumuko si Li
Iniwan ko muna sa loob ng penthouse si Xynon at si Tito Wensley. Yes, my father-in-law is my biggest surprise to my husband. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kaniyang papa. He even paid a fortune para lang ipahanap ito pero nabigo ang mga tao niya."My husband is crying because of joy. I loved seeing him genuinely happy," I murmured."Ma'am Klea, paano niyo po nahanap si Sir Wensley?" usisa ng sekretarya ko.Nginitian ko siya. "It's a secret."Bumalik sa isip ko ang nangyari. Isang araw, nagulat na lang ako nang biglang lumitaw sa harapan ko si Tito Wensley. Akala ko minumulto niya ako dahil sa pagsusungit ko nang sunod-sunod na araw sa anak niya! Buong akala namin ay napaslang na siya nina Emil! He fought my securities to penetrate my place dahil ayaw siyang papasukin ng mga tauhan ko. Hindi ko naman siya nakilala agad dahil sa hitsura niya. Sobrang dungis niya tapos sobrang lago na ng mga buhok, bigote at balbas niya! Nangangamoy kanal rin siya noon. Natakot pa nga ako pero noong
"Lahat nang ginawa mong masama, babalik at babalik sa iyo. Hindi man agad-agad pero sigurado."KLEA FRANCINE'S POVShocked. Disappointed. Dismayed. Irked. Those emotions were clearly painted on their faces while here I am, raising my chin while slowly putting a beautiful smile on my fúcking pretty face."Aren't you going to kneel before me? Joanne?" I averted my gaze to that bítch and then to her husband. "Ricci?"I clearly saw how Joanne smirked at me. She still has the audacity to do it despite their current situation."Diyos ka ba para luhuran?" sambit ni Joanne."Hindi ka pa rin nagbabago," bulong ko sabay tawa."How did you do it?" Joanne asked."Did what?" I want to provoke her even more."Huwag na tayong maglokohan dito, Klea. Sinadya mo ang lahat, 'di ba? You hid yourself at the back of other people. Gano'n ka ba kaduwag?" ani Joanne."Ako? Duwag? Ha! Alam mo ba ang salitang STRATEGY, JOANNE? Kung nagpakilala ako bilang Miss KF sa inyo, sa tingin mo ba papayag kayong tulungan
"The greatest revenge is to become successful than your foes."THIRD PERSON'S POVSLAP!Napahawak si Ricci sa kaniyang magkabilang pisngi nang bigla na lamang siyang salubungin ng sampal ng isang matandang lalaki."You're a disgrace to this family! How could you enter such dirtiest businesses? You and your father are the same! Mga inútil!" sigaw ng matandang lalaki."L-lolo? B-buhay pa po kayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Ricci. Kung may kinatatakutan man siya, iyon ay walang iba kung hindi si Rivero Costa…ang kaniyang lolo."Tarantàdo! Anong gusto mo? Mamatay na ako? Malamang buhay na buhay pa ako. Kung hindi dahil kay Xenon ay hindi ko pa malalaman ang mga kagaguhan mo! Hindi pa sana ako uuwi ng Pilipinas kung hindi lang dahil sa'yo!" Kitang-kita ang galit sa mukha ni Rivero habang titig na titig ito kay Ricci."Sino pong Xenon?""Hindi na iyon mahalaga. Ang importante sa ngayon ay kailangan mong bumaba sa lahat ng posisyon mo." Nanigarilyo si Rivero.Walang imik na nakikinig sa k
"You can't escape your conscience. Hindi lahat nang ibinaon mo sa limot ay mababaon nang tuluyan. Sisingaw at sisingaw pa rin ang baho kahit na tabunan pa ito ng sangkatutak na pabango."THIRD PERSON POV“Yaya, bantayan mo nang maayos si Rianne ha. Don’t let her eat junk foods and chocolates. Also, please stop hugging and kissing her, okay? Kapag nagkasakit ‘ang anak kong ‘yan, ikakaltas ko sa sahod mo ang lahat ng magagastos niya sa pagpapagamot. Maliwanag ba?” mataray na sabi ni Joanne sa kanilang katulong.“Masusunod po, madam,” nakayukong sagot ng katulong.“Honey, masyado ka namang harsh kay manang. Siya ang nagpalaki sa akin kaya sigurado akong hindi niya pababayaan ang anak natin. Stop stressing yourself too much. Tingnan mo, nagkaroon ka na ng wrinkles. Ikaw rin, mababawasan ang ganda mo,” pabirong sabi ni Ricci.“Ah basta! Ayokong makikitang kumakain ng hindi masustansyang pagkain si Rianne,” giit ni Joanne bago siya tuluyang pumasok sa kanilang sasakyan.Ngayong araw ay may
"Sometimes, someone who survived the strongest storm in his life became merciless and cold-hearted."KLEA FRANCINE POVI removed my sunglasses as I stared at an ideal family. It’s been five years since they killed my loved ones.“Ma’am Klea, tumatawag po si sir,” ani ng katulong kong si Aling Rosa.Kamukhang-kamukha talaga siya ng dati kong katulong…I mean, ng lola ko. Bumuntong hininga ako at nginitian siya.“Tell him that I will call back later,” utos ko kay Aling Rosa.“Sige po ma’am, masusunod po,” tugon niya sabay labas ng aking kwarto.Ibinalik ko ang tingin ko sa magandang tanawin. Kinuha ko ang kopita sa may mesa at nilagyan iyon ng red wine. I swayed the goblet before I took a sip. Tingnan mo nga naman, ikinasal na pala si Joanne kay Ricci at ngayon ay may isa na silang anak na babae. They looked perfectly fine and happy. I smirked. Now, I have something to ruin.Hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko na kasi naalis ang paningin ko sa mag-anak na Costa habang nakaupo ako sa
"Living without your loved ones is more painful than death itself."KLEA FRANCINE'S POVDahil sa pagsabog na iyon ay nagkagulo sa hospital. Kaniya-kaniyang dampot ng kanilang mga gamit. Kaniya-kaniyang hakot ng mga pasyente. Hindi sila magkamayaw sa gagawin samantalang ako ay nakatayo lang sa tabi ni Xynon habang nakatulala."Francine, kailangan na nating lumabas dito. Hindi na ligtas na manatili pa rito," narinig kong sabi ni Xynon.Habang hinahanap ko ang sarili ay napaupo ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Nakayuko ako habang hawak-hawak ko ang aking dalawang tainga. Napatunghay lang ako nang marinig ko ang aking pangalan."Long time no see, Klea Francine!"Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung kaninong boses iyon. "R-Ricci?" bulong ko.Isa pang putok ng baril ang aking narinig. Pakiramdam ko ay nagkaroon na ako ng ugat sa aking posisyon. Naalala ko si Axie. Umagos mula sa aking mga mata ang mga luhang pilit kong itinatago buhat nang bumalik ang akin
"Once in a while, free yourself from any worries. Always choose what will make your heart flutter. Time is ticking. We only have one life to live."KLEA FRANCINE POVAgad kong inaya ng kasal si Xynon matapos ang aking medical examinations. Maybe, God showered His mercy on me today. Himalang luminaw ang aking paningin at himalang naalala ko na ang tungkol sa pangyayaring iniiwasan kong maalala. Isang putok lang pala ng baril ang makakapagpaalala sa akin ng isa sa pinakamasakit na pangyayari sa aking buhay. I cried a lot in front of my doctor and personal nurse. Axie's death gave me excruciating pain that no one can heal. Only vengeance can make me feel better. Hindi ko alam kung bakit nagsinungaling sa akin si Xynon pero sigurado akong mahal niya ako."Pakasalan mo na ako ngayon din," muli kong sabi sa nakangangang si Xynon. Before I start my revenge, I want to be the happiest woman alive kahit sa loob lamang ng isang linggo."Pero Francine, h-hindi ka pa o-okay," nag-aalalang turan ni
"Huwag na huwag mong tatalikuran ang mga taong nandiyan para sa'yo noong walang-wala ka. Hindi iyon dahil sa may utang na loob ka sa kanila kung hindi dahil maalam kang magpasalamat at magpakatao."WADE XYNON'S POVI was patiently waiting for Francine. Halos isang oras at kalahati na siya sa loob. Masyado akong nasabik nang pumayag siyang magpakasal ulit sa akin. It will be our second wedding pero para sa akin, iyon ang unang beses na ikakasal ako sa kaniya. Our first wedding happened because of revenge, confusion and hatred. Akala ko ay iyon na ang pinakamasamang nangyari sa buong buhay ko. I guess, hindi talaga dapat tayo magsalita ng tapos. Our first wedding became the most memorable time of my life. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko ang mga pinagdaanan namin ni Francine.Napatayo ako sa kinauupuan ko nang bigla na lang mag-vibrate ang cell phone ko. Tumatawag na naman si Joanne. Hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip na kamumuhian ko siya nang ganito. They still have my f
"Minsan, tuso ang utak ng tao. Kapag hindi na nito kayang dalahin ang sakit, pinipili na lamang nitong ibaon sa limot ang lahat. Lilinlangin ka nito na okay lang ang lahat kahit na ang totoo ay durog na durog ka na."Klea Francine's POVNagising ako mula sa pagkakahimlay nang tumama sa aking mga mata ang liwanag mula sa bintana. Agad akong napahawak sa aking ulo dahil ramdam na ramdam ko ang pagkirot noon pero walang-wala iyon sa bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang may nakapatong na tone-toneladang bato sa ibabaw ng aking dibdib. Ano nga ba ang nangyari? Bakit ganito na lang kabigat ang nararamdaman ko?Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko nang tawagin niya ako sa aking buong pangalan."Klea Francine, kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" tanong ng lalaki.Pilit kong inaaninag ang kaniyang hitsura pero nanlalabo ang aking mga mata."Anak, si Daddy Linel ito. Nakikita mo ba ako?"Biglang gumapang ang takot sa aking katawan. Bakit hindi ko makita ang mukha ni daddy? Anong na