Pinunasan ni Eiress ang pawis paglabas sa bahay ni Nuno Karding. Sa nakalipas na limang taon, ngayon ulit siya nakakita ng ganoon kalaki na sugat. Nasusugatan naman sila sa Purok pero hindi ganoon kalaki. "Kamusta siya?" Tanong ni Aline sa kanya. "Maayos na siya, baka maya-maya magising na rin siya." Sagot niya. "Ang galing mo naman Eiress! Nakakagulat talaga ang kakayahan mo." Bilib na sabi ni Kalix. "Nagkataon lang na may konti akong nalalaman," sagot niya at bahagyang ngumiti. "Pabida na naman siya!" "Sarya!" Saway ni Aline sa pinsan. "Bawas-bawasan mo ang pagiging inggitera, nakakamatay 'yan. Ikaw din baka hindi ka magtagal." "Hayaan mo na," saway naman niya sa kaibigan. "Eiress!" Nabaling naman ang tingin nila ng lumapit si Nuno Karding. Tumahimik naman ang magpinsan. "Pupuntahan mo ba siya?" Tanong ng matanda. Nang maalala ang dapat gawin, napangiting muli si Eiress. "Opo, Nuno Karding. Ilang araw ko na siyang hindi nabibisita." "Kung gayon, isama mo si Aline para
"Mama!!!" Mahigpit niyang niyakap ang kanyang baby boy, ang isa sa kambal na isinilang niya noon. Pinaulanan niya ito ng halik sa mukha dahil sobra niyang namiss ang anak. Akala nila isa lang ang batang na sa sinapupunan niya. Ngunit ng sumigaw siya ng pagdadalamhati sa pagkawala ni Lian, lumabas si Liam bago siya tuluyang nawalan ng malay. Kay Liam siya kumuha ng lakas para labanan ang sakit sa pagpanaw ng kapatid nito. "How's your tour? Hindi ka ba naging pasaway kay Nana Saling?" Tanong niya kay Liam. "Hindi po, Mama. Behave po ako," umiiling nitong sagot. Ngumiti siya at bahagyang pinisil ang matambok nitong pisngi. Namumula pa iyon dahil sa init ng araw. "Naku! Napakabait ng anak mong 'yan, Eiress. Natutuwa ang mga nagpapagamot dahil sa pagiging bibo niya." Sambit naman ni Nana Saling. Kasama ni Nana Saling si Liam at dalawa nitong anak patungo sa Luncan upang manggamot doon. Gusto naman ng kanyang anak na sumama para mamasyal sa ibang lugar. Ayaw niya itong payagan d
Location: Center Town, Chipan City "Itigil mo ang karwahe!" Galit na sigaw ni Britany sa nagmamaneho ng sasakyang karwahe. Ang karwahe na ang nagsisilbing pinakamagandang sasakyan sa Chipan. Tanging nakakaangat sa buhay ang may kakayahang mag-adhika ng ganoong sasakyan. Walang kotse o anumang sasakyang may gulong sa Chipan maliban sa karwahe. Hindi pa naaabot ng konkretong daan ang Chipan kaya nagtitiis ang mga tao sa kabayo o karwahe bilang transportasyon sa loob ng bayan. May ilan namang nakakagamit ng helicopter or chopper tulad ni Alpha. Agad bumaba si Britany at hinaklit ang mga larawan ng Huntress na nakadikit sa pader. Wala siyang itinira. Bawat makita niyang mukha ni Huntress ay inaalis niya. Itinapon niya sa lupa ang naipong papel. Tinapakan niya iyon sa galit. Dalawang bagay ang ikinagagalit niya ngayon, ang pagsikat ni Huntress at ang pagtanggi ni Alpha na tulungan siya. Ilang araw na niyang sinusubukan muling kausapin si Alpha para humingi ng tulong na alisin ang mga
"Okay ka na po ba, Mama?" Napakurap si Eiress at mabilis umiwas ng tingin kay Eivan. Kinuha niya mula sa lalaki si Liam. "A-ayos na ako, Anak." Sagot niya. Tumalikod siya sa direksyon ni Eivan. Ayaw niyang makita ang mataman nitong tingin sa kanya. Weird ang kanyang nararamdaman dahil sa uri ng tingin nito. Hindi niya maipaliwanag pero masarap iyon sa pakiramdam. Sa palagay niya, hindi na iyon simpleng attraction lamang. Kahit hindi niya gustuhin, unti-unti na siyang nahuhulog dito. Lumapit sila kina Nana Saling at Nuno Karding. "Eiress, pasensya na sa nangyari. Hindi ko alam na ganoon ang kanilang gagawin." Paumanhin ni Nuno Karding sa kanya. "Huwag na lang po natin sila pansinin Nuno Karding. Ipagpatuloy na lang po natin ang selebrasyon." Ngumiti siya sa matanda para pagaanin ang loob nito. "Salamat. Halina kayo. Kumain na tayo!" Paanyaya nito sa lahat. Nagsalo-salo sila sa tanghalian at kinalimutan ang nangyari sa pagitan nila ni Britany. Mahalaga ang araw na ito kay Nuno K
Kinabukasan, malungkot na gumising si Liam. Halatang nalulungkot ito sa sinabi niya kahapon. Hindi na rin nito nakasama si Eivan ng biglang umalis ang lalaki sa kanilang kubo. Kahit tanungin niya kung bakit nagagalit ang lalaki, alam niyang hindi rin nito masasagot ang tanong niya. Hinayaan na lang niya ito at ipinaliwanag kay Liam ang dahilan ng kanilang pag-alis. Hindi niya sinabi ang tungkol sa mga taong naghahanap sa kanya. Nag-dahilan lang siya na may nakuhang trabaho sa ibang lugar. Hindi naniwala ang bata dahil katwiran nito ay paano siya nakakuha ng ibang trabaho kung hindi siya umaalis sa Purok. Ngunit nakumbinsi pa rin niya ito kaya malungkot ngayon si Liam. "Kailan po tayo aalis, Mama?" Malungkot na tanong ni Liam habang kumakain sila ng agahan. "Mamaya anak," Mas lalong bumagsak ang balikat ni Liam sa sagot niya. "Pwede po bang bukas na lang? Gusto ko pong magpaalam sa mga kalaro ko at kay Lian. Baka malungkot si Lian kasi aalis na tayo rito. Liligo pa kami ni Tito E
Suminghap ng hangin si Eiress ng maramdaman ang bumuhos na tubig sa kanyang mukha. "Akala ko mahirap kang gisingin, hindi pala." Unti-unti niyang inangat ang tingin ng marinig ang boses ng isang babae. "Sarya?" Gulat niyang sabi ng makita ang nakangisi nitong mukha. Hawak nito ang isang maliit na timba. Hindi na niya kailangan alamin kung saan nito ginamit ang timba. Malamang ito ang bumuhos ng tubig sa kanya. Nilibot ni Eiress ang tingin sa paligid. Nakatayo siya sa gitna ng isang silid. Nakatali ang dalawa niyang kamay sa taas habang nakatali rin ang kanyang mga paa sa baba. "Nasaan si Liam?" Seryoso niyang tanong dito ng maalala ang anak. "Si Liam? Sa palagay ko, ligtas naman siya." Nakangisi nitong sagot. Nag-init ang ulo ni Eiress. Sinubukan niyang lapitan ang babae pero napigilan siya ng gapos. Malakas na tumawa si Sarya ng makitang nagwawala siya. "Kahit anong gawin mo, hindi ka makakaalis dito." "Bakit mo ito ginagawa, Sarya? Walang kasalanan sa'yo si Liam!"
Zigzag na tumakbo si Eiress sa gitna ng kapatagan. Walang pwedeng pag-kublihan para maiwasan niya ang mga bala mula sa kalaban. Kahit nakalabas na siya sa lumang warehouse na pinagdalhan sa kanya ni Britany, hindi pa rin maawat ang mga humahabol sa kanya. Duguan na siya pero pilit niyang pinapatatag ang sarili. Kailangan niyang hanapin si Liam bago pa ito tuluyang ilayo sa kanya. "Argh! Bullsh't!" Reklamo niya ng nadaplisan sa hita. Hindi iyon naging sagabal para tumigil siya sa pagtakbo. Kailangan lang niyang makarating sa natatanaw na kagubatan. Mas maayos siyang makakagalaw doon lalo pa't wala siyang hawak na kahit anong armas. Habol ang hininga ni Eiress ng tumigil sa pagtakbo. Nakakubli siya sa katawan ng malaking puno. Pinakiramdaman niya ang paglapit ng mga kalaban sa kanyang pwesto. Nang sigurado na siya sa tamang layo ng kalaban sa kanya, mabilis siyang kumilos. Lumabas siya sa pinagtataguan at sinugod ang pinakamalapit na kalaban. Yumuko siya ng magawa pa nitong magpapu
Location: Luncan City Ikalimang araw ni Marlon sa kanyang biyahe patungo sa bayan ng Luncan. Nagmula siya sa Argenxican, ang bayan kung saan siya nagtatrabaho. Labing dalawang bayan ang layo ng Argenxican mula sa Luncan pero tiniis niya para lang makarating sa lugar na iyon. Kailangan lang niyang puntahan ang manggagamot sa lugar na ito na dalubhasa sa mga kabayo. Nakapagtataka ang panghihina ng mga alaga nilang kabayo at ang iba roon ay namamatay na. Pinarada ni Marlon ang pulang sasakyan sa harapan ng sadyang tahanan. Mula sa labas, natatanaw na agad ang mala-zoo na itsura ng lugar dahil sa iba't-ibang hayop na nakakulong. Halata ang labis na pag-aasikaso sa mga hayop na siyang dahilan kung bakit sinadyang puntahan ang manggagamot. Bukod sa napaka-busy nito sa mga alaga, wala na rin itong panahon at lakas para magtungo sa ibang bayan. Kaagad na natanaw ni Marlon ang nakatungkod na lalaki habang abala sa pagpapakain ng alagang unggoy. "Magandang araw po, Mang Inso." Bati niya s
Pagkatapos ng madugong laban, nagtungo si Eiress sa kanilang mansiyon sa Polican. Walang nagbago sa mansiyon mula sa kung ano ang itsura nito na natatandaan niya noong bata pa lang siya. Kasama niya sina Tandang Kaziro at Lord Scion. Naiwan naman si Trigger kasama si William at si Red ay umalis na rin nang matapos ang laban. Hinayaan na lang niya si Red dahil malaki rin ang nagawa nitong tulong sa laban kanina. Utang na loob din niya ang pagliligtas nito kay Liam kahit isa ito sa inutusan ni Luciano para ipahamak ang pamilya niya sa Chipan.“Your eye color is different from before,” saad ni Lord Scion habang papasok sila sa mansiyon. Magkahawak sila ng mga kamay at may mga bahid pa ng dugo sa katawan nila mula sa nagdaang laban.“Yeah. This is my original eye color.”“I have a vivid memory about a young girl with blue eyes. I don’t remember exactly what happened before, but I love her eyes.”“Do you think, it’s me?” tanong niya kay Scion.“I don’t know. Maybe yes, if we met at a very
Halos mawalan ng malay si Luciano dahil sa galit. Hindi lang ang pagkatalo ng mga tauhan niya ang nagpapainit sa kaniyang ulo. Maging ang palpak na lakad ng magkapatid na Villarama at ang kapalpakan ng sarili niyang anak. Nasa harapan niya ngayon ang walang malay na si Isabella habang nakasilid sa isang kahon sa tabi ng gate ng mansiyon niya. Nagmistula itong regalo dahil sa balot ng kahon at ribbon sa ibabaw no’n.“Sino ang nagpadala ng kahon na ’yan?” galit na tanong ni Luciano.Walang sumagot sa mga tauhan ng matanda na lalo nitong kinagalit. Itinuon na lang nito ang galit kay Isabella. Nilapitan ito ni Luciano at sinipa para gisingin.“P*nyeta! Gumising ka riyan, Isabella. Ikaw ang inaasahan kong alas, pero narito ka ngayon at walang malay. Gising!” sigaw niya habang sinisipa ito.“Wala ka talagang k’wentang ama, Luciano,” saad ng malamig na boses.Naging alerto ang mga tauhan ni Luciano, pero hindi agad kumilos ang mga ito. Tumingin si Luciano sa direks’yon ng nagsalita. Ngumisi
Abala sa pakikipaglaban si Eiress nang palibutan siya ng mga kalaban. Nahati ang atensiyon ng mga ito sa kaniya at sa mga tauhan ng Nesselio. Hindi pa tuluyang nakapapasok sa bayan ang mga ito. Ilan pa lang sa kampo ng Nesselio ang nakita niyang nakikipaglaban at ang karamihan sa mga iyon ay nagbabantay sa malaking gate sa bungad ng bayan.“Oh, sh*t!” saad ni Eiress nang tamaan siya ng sipa mula sa kalaban. Tumalsik siya sa isa pang kalaban at inambahan siya ng baril. Mabilis naman niyang inagaw ang baril ng lalaki at pinutok sa kasama nito. Alam niyang nag-aalangan ang mga itong paputukan siya dahil sa kanilang distansiya. Nakapalibot sa kaniya ang mga kalaban at sa simpleng pag-iwas niya ay tatama ang bala sa kasama ng mga ito.“You can’t kill me, idiots!”Inagaw niya ang baril ng lalaki at sunod-sunod niya itong hinampas hanggang bumagsak ito. Ginamit naman niya ang baril sa mga kalaban. Sunod-sunod siyang nagpaputok, ngunit agad naubos ang bala ng hawak niyang baril.“Patayin niyo
Pawang mga tahimik ang grupo ni Eiress sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan papasok sa bayan ng Canixer. Alerto ang bawat isa dahil sa mabilis nilang pagpasok na wala man lang sagabal. Tahimik din sa bayan at mabibilang sa daliri ang mga tao sa kalye.“Tulad ng inaasahan sa kapatid ko, hahayaan niya tayong pumasok sa teritoryo niya para ikulong dito. Inaasahan mo rin ba ito, Marchesa?”“Yes. Any moment from now, enemies will be scattered around us,” sagot ni Eiress.“Wala na rin silbi ang isang ’to sa atin. Bakit hindi mo pa siya patayin?” muling reklamo ni Trigger kay Eiress patukoy kay Red.“May silbi pa rin ako sa inyo, Trigger Wilt. Ibang lugar ang sadya ni Eiress sa loob ng Canixer at doon niya ako kailangan. Tama ba ako, Eiress?”Hindi naman sumagot si Eiress. Nanatiling nakatuon ang tingin nito sa paligid ng sasakyan. Wala na siyang nakikitang tao sa dinadaanan nila.“Itigil mo ang sasakyan,” utos ni Eiress kay Trigger.Walang pagdadalawang isip na sumunod si Trigger.
Sa mansiyon ng mga Nesselio ay sabay-sabay at tahimik na kumakain ng agahan si Isabella kasama ang mag-asawang Carolina at Arturion. Hindi pa rin sanay si Isabella sa buhay ng pagiging Nesselio, pero kailangan niyang tiisin iyon para sa plano nila ng daddy niya.“Am I late with your breakfast?”Namilog ang mga mata ni Isabella nang marinig ang boses ni Cario.“Cario! Why are you here?” bulalas niyang tanong nang makita ang lalaki sa pintuan ng dining room. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Akala niya ay matatagalan si Cario sa bayan ng Boran.“Where should I go, except to my home?”Peke namang ngumiti si Isabella. “Ahm… I’m just surprised. I thought you’d stay in Boran for some weeks,” palusot niya.Hindi pinahalata ni Isabella ang pagtutol sa itsura niya dahil sa pagdating ni Cario. Hindi pa siya nakahahanap ng tiyempo para gawin ang plano niya sa mga Nesselio, at malaking sagabal si Cario sa gagawin niya. Alam niyang malakas at matalino si Cario, kaya kailangan niyang doblehi
Nagmamadaling nilapitan ni Lord Scion si William. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang kaniyang kapatid.“Kagigising ko lang, pero gusto mo yatang matulog ulit ako. Babalian mo ba ako ng buto sa higpit ng hawak mo? Bitiw na, Scion. Kailangan nating mag-usap muna bago ako matulog ulit,” biro ni William.Mabilis namang binitiwan ni Scion ang balikat ni William. “Pasensiya na, William. Hindi lang ako makapaniwala na gising ka na ngayon. Kumusta ang pakiramdam mo?”“Bukod sa mahina kong katawan, mukhang maayos naman ako.”“Kailan ka pa nagising?”“Dalawang linggo na mula ngayon.”“Dalawang linggo? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Nag-aalala ako sa ’yo dahil walang nagsasabi kung nasaan ka, pero dalawang linggo na pala simula nang magising ka.”“Huminahon ka muna, Scion. May dahilan kaya ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon na magpakita sa ’yo.”“Tell me your reason, William,” seryoso niyang sabi.Sinara muna ni Willi
Nanatili si Red sa ospital ng Janduran kahit maaari na siyang lumabas. Hating-gabi na at hindi pa rin siya natutulog. Wala naman siyang gagawin doon kun’di tumitig sa kisame ng kaniyang silid. Naiinip na siya at gusto na lang niyang bumalik sa Canixer, pero hindi niya ginawa. May pakiramdam siyang pupunta roon si Huntress.“Based on your looks, you’re waiting for me, right?”Bahagyang nagulat si Red sa walang buhay na boses na narinig niya sa loob ng silid. Bumaling siya sa may bintana at nakita niya roon ang taong hinihintay niya. Nakaupo ito sa bintana at walang buhay na nakatingin sa kaniya. Base sa itsura nito, alam niyang bumalik na ang mga nawala nitong alaala.“Bakit diyan ka pa dumaan kung p’wede mo namang gamitin ang pintuan?” normal niyang tanong. Hindi siya natatakot kay Huntress kahit alam niyang bumalik na ito sa dati. Siguro hindi siya nakakaramdam ng takot, dahil tanggap na niyang mamatay na rin siya kapag nagpakita ito sa kaniya.Bumaba si Eiress mula sa bintana at lum
Walang pagsidlan ang tuwa ni Runo Villarama nang hindi na nila naririnig ang mga putok mula sa loob ng gubat. Ilang minuto na ring walang sumasabog sa paligid. Hinala niya ay naubusan na ng bala ang mga ito.“Pasukin niyo na ang gubat. Mahina na ang depensa nila,” utos niya sa mga tauhan.Walang pagdadalawang-isip namang umabante paloob ang mga tauhan ni Runo. Dahan-dahan ang pagkilos ng mga ito. Pawang mga alerto sa paligid. Ngunit hindi nila namamalayan ang mabilis na kilos ng isang pigura dahilan para unti-unting mabawasan ang mga ito. Isa sa mga ito ang nakapansin sa pigura.“May kala—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang mabilis itong inatake ng pigura. Bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa lupa kasunod ng pagbagsak din ng iba pang mga kasama nito.Nagtaka naman si Runo kung bakit wala pa rin siyang naririnig na putok sa loob ng gubat. Dapat sa oras na iyon ay narating na ng mga tauhan niya ang bahay ni Tandang Kaziro.“Sundan niyo!” muli niyang utos sa panibagong gru
Sa kagubatan ng Janduran, muling nagising si Trigger ilang minuto pagkatapos mawalan ng malay. Tulad ng sinabi ng matanda, bumalik na rin ang lakas niya. Pinasan niya ulit si Eiress patungo sa tahanan ni Tandang Kaziro. Nasa unahan niya ang matanda at sinusundan lang niya ang tinatahak nitong daan. Malamig at bahagyang madilim sa gubat dahil sa malalaki at matatayog na punong kahoy. Maging ang sinag ng araw ay nahihirapang lumusot sa mga puno.“Mawalang galang na po, Tandang Kaziro. Bakit mo tinawag na Marchesa si Eiress?” tanong ni Trigger sa matanda habang naglalakad sila. Kanina pa iyon bumabagabag sa kaniya. Para bang may malalim na pakahulugan ang tawag nito kay Eiress.“Malalaman mo rin kapag nagising siya,” makahulugan nitong sagot na patuloy lang sa paglalakad.“Sigurado ka po ba na hindi lason o anumang mapanganib na gamot ang itinusok sa kaniya?” nag-aalala niyang tanong.“Sigurado ako, iho. Normal ang tibok ng puso niya at wala akong nakikitang problema sa katawan niya. Kun