Location: Argenxican City Bumalikwas ng bangon si Eiress ng magising. Agad siyang napangiwi ng maramdaman ang kirot sa buong katawan. Kahit ayaw niya, muli siyang humiga upang palipasin ang sakit. "Kailangan mong magpahinga. Hindi ka pa lubusang magaling." Nilibot ni Eiress ang tingin. Na sa isang simpleng silid siya. Nakatayo naman sa pintuan ang isang lalaki. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanya. Matangkad ang lalaki. Maganda rin ang hubog ng katawan nito na halata sa suot na fitted blue shirt. "Nasaan ako?" Kunot noo niyang tanong sa lalaki. "Kumain ka muna. Hindi ka ba nagugutom?" Nang sabihin iyon ng lalaki, saktong kumulo ang kanyang tiyan. Naamoy din niya ang pagkain kaya tumingin siya roon. May nakahandang pagkain sa maliit na mesa katabi ng higaan niya. Palihim siyang lumunok ng makita ang nakakatakam na putahe. "Kumain ka muna. Babalik ako mamaya." Sambit nito bago umalis. Dahan-dahan naman siyang bumangon at lumapit sa naroong pagkain. Inamoy muna niya iyon
"Who are you?" Bumundol ang kaba sa kanyang dibdib ng marinig ang pamilyar na baritonong boses sa kabilang linya. Pumikit si Eiress para alalahanin kung saan niya narinig ang boses na iyon. Sigurado siyang narinig na ang boses nito pero hindi niya lang maalala. "Who are you?" Balik tanong ni Eiress sa lalaki. "I have no time to talk with-" "Then, bye." Putol niya sa sasabihin ng lalaki bago patayin ang tawag. Binaba ni Eiress ang cellphone sa mesa at muling humiga. Hindi niya pinansin ng muling umilaw iyon. Pumikit siya para piliting makatulog. Mabuti na lang nakatulog pa rin siya sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon. Kinabukasan, tambak na messages at miscalls ang sumalubong sa kanya ng tingnan ang phone. Ini-scan niya ang mga messages at hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga miscalls. Lahat iyon ay galing sa sender na Ms. Lorrein. Hindi niya iyon binasa at nilampasan lang. Ngunit pagdating sa dulo nakita niya ang mensahe mula sa unregistered number. Na-curious siya kaya binuks
Location: Luncan City "Mga inutil! Walang silbi! Hanggang ngayon hindi nyo pa rin siya nakikita? Napaka-bobo niyo!!" Galit na sigaw ni Britany ng bumalik ang grupo ni Tiger. Ang grupo nito ang inatasan niyang maghanap kay Huntress. Mag-iisang buwan na niya itong pinapahanap pero bigo pa rin ang kanyang mga tauhan. Hindi naman siya makababa sa bundok na pinagtaguan niya. Pinapahanap pa rin siya ni Alpha dahil sa ginawa niyang kaguluhan sa Chipan. Maging ang kanyang pamilya, hindi niya makontak. Nagtitiis tuloy siyang kasama ang mga bobo niyang tauhan. "Pasensya na Madam, madulas talaga ang isang 'yon. Agad siyang nawala ng makarating sa gubat. Hanggang ngayon hindi pa namin siya nakikita." Katwiran ni Tiger. "Nawala? Hindi nakikita?" Pagak na tumawa si Britany. Hindi siya makapaniwala sa katwiran ng gunggong niyang tauhan. "Bakit hindi niyo sinuyod ang lahat ng parte ng kagubatan para mahuli siya? Bakit hinayaan niyo lang makatakas ang babaeng 'yon?! Dapat sinundan niyo kahit isa
Pagkatapos ng trabaho, dumiretso agad si Eiress sa bahay. Hindi sumalubong si Liam na palagi nitong ginagawa kapag dumadating siya."Liam?" Tawag niya sa bata. "Narito na ako, Anak. Nasaan ka?" Tiningnan niya ang kwarto pero wala ito. Maging sa banyo at kusina, wala rin ito. Muling lumabas ng bahay si Eiress. "Tatay Norberto, nakita mo po si Liam?" Tanong niya sa matandang kapitbahay. "Kasama ni Toto at Yoyo." Tukoy nito sa dalawang teenager na apo. "Pupunta raw sila sa lambak. Ayaw pa nga sumama ni Liam dahil magagalit ka raw. Pinilit lang noong dalawa. Kawawa naman daw 'yung at nag-iisa lang sa bahay." "Sige po, Tay. Salamat po. Pupuntahan ko lang po sila. Malapit na po kasing dumilim." Paalam niya sa matanda. Karaniwang pasyalan sa Hacienda ang lambak. Maganda ang tanawin doon at mayroong ilog. Malapit lang iyon sa kanilang bahay kaya agad niyang nakita si Toto at Yoyo. Pasan ni Yoyo si Liam sa likuran habang si Toto naman ay may hawak na pamingwit. "Liam!" Tawag niya rito ka
Pamilyar na dilim, maruming paligid at malansang amoy ang sumalubong kay Eiress ng dalhin siya sa lumang bodega. Tagong parte iyon sa likod ng mansyon.Itinulak siya sa loob ng dalawang guwardiya. Tuwang-tuwa naman si Cristein ng mawalan siya ng balanse at natumba sa sahig. "Hanggang sa muli!" Kumaway pa ito sa kanya bago isara ang pintuan. Tumayo si Eiress at pinagmasdan ang buong paligid. May maliit na bintana roon kung saan nagmumula ang kakarampot na liwanag. Sumandal siya sa dingding at pinalipas ang oras. Kung plano ito ni Lorrein, sigurado siyang pupunta roon ang babae. Kailangan muna niya itong kausapin bago lumabas sa bodega. Hindi naman iyon mahirap para sa kanya. Kaya niyang buksan ang pintuan o kaya naman ay dumaan sa maliit na bintana pero hindi niya muna gagawin iyon. Hihintayin niya ang babae at lilinawin ang lahat. Tulad ng inaasahan ni Eiress, muling bumukas ang pintuan makalipas ang ilang oras. Nakangising mukha ni Lorrein ang bumungad sa kanya kasama ang kaibigan
"Eivan?" Bulong ni Eiress habang nakatingin sa lalaki."You're wasting the food." Malakas nitong sabi na pumukaw sa bahagya niyang pagkatulala. "Who hired you?" Muli nitong tanong. May bahid na galit ang boses nito pero hindi niya makita iyon sa mukha ng lalaki. Wala itong emosyon na nakatingin sa kanya. "Dude, Scion! Kanina pa kita hinahanap. Narito ka lang pala. May problema ba? Anong nangyari rito? Bakit ang tahimik nyo?" Tanong ni William ng lumapit sa lalaki. Salitan sila nitong tinitingnan."I'm talking to you, Maid." Muli nitong sabi. Bahagya siyang napaigtad dahil sa boses nito. Parang lagi iyong nagbabanta. Hindi pa rin makapaniwala si Eiress na kamukha ito ni Eivan. Ayaw naman niyang isipin na iisa si Lord Scion at Eivan dahil nagsasalita ang kaharap niyang lalaki. Magkaiba rin ang presensya ng dalawa. Presensya pa lang ni Lord Scion, kinikilabutan na siya pero si Eivan, magaan lang kahit misteryoso. "Ano ka ba? Huwag mong sigawan si Eiress. Chix 'yan ni Marlon." Singit
"Deal. Starting today, you'll be part of my private security.""Private security?" Gulat na tanong ni Eiress. "Yes. You will protect me outside the Hacienda. Why? Is there any problem with that?" Umiling si Eiress. "It's fine with me, Lord Scion.""Good. Expect the head security call. Mr. Chan will test your ability and explain everything about your task. Don't be too confident because I hired you. You'll still undergo a physical test like everyone else.""Noted, Lord Scion." Sang-ayon niya. "Go back to your work and focus. Don't waste anything. Dismiss." Paalala nito bago siya talikuran. Bumuntong hininga si Eiress. Kailangan niyang tiisin ang nararamdaman kapag nagsimula siya sa panibagong trabaho. Kailangan niyang mag-tiis kasama ang kamukha ni Eivan para sa kaligtasan ni Liam. Binuksan ni Eiress ang nag-iisang pintuan sa silid na iyon. Binaybay niya ang pasilyo pero nagulat siya ng lumabas sa isang silid si Lorrein. Iba na ang gown nito kaysa kanina. "Why are you here?" Mat
Kinabukasan, nagulat si Eiress ng makita si Lady Lorrein pagbukas niya sa pintuan. Halatang kagagaling lang nito sa pag-iyak."Lady Lorrein, anong-" Natigilan siya ng sampalin siya nito."Kasalanan mo ito. Kasalanan mo! Kung hindi dahil sa anak mo, hindi mangyayari 'yon kay Marlon. Kasalanan nyo 'to kaya nakulong siya!" Umiiyak nitong sabi. Halata ang galit nito sa matalim na tingin sa kanya."Nakulong? Bakit nakulong si Marlon?" Nagtataka niyang tanong dahil wala siyang ideya sa sinasabi nito."Nagkukunwari ka pa na hindi alam? Pwes! Sasabihin ko sa'yo! Ikinulong si Marlon dahil sa pasaway mong anak na muntik ng mapahamak kahapon. Siya ang pinarusahan dahil sa katigasan ng ulo nang anak mo. Hindi mo ba siya tinuturuan ng tamang asal? Palibhasa disgrasyada ka!" Paninisi nito sa kanya."I'm sorry. Hindi ko alam na ganoon ang nangyari." Paumanhin pa rin niya kahit nakakainsulto ang sinabi nito.Halos mawalan siya ng ulirat kahapon ng makita niyang nagpapatakbo ng kabayo si Liam. Kaagad
Pagkatapos ng madugong laban, nagtungo si Eiress sa kanilang mansiyon sa Polican. Walang nagbago sa mansiyon mula sa kung ano ang itsura nito na natatandaan niya noong bata pa lang siya. Kasama niya sina Tandang Kaziro at Lord Scion. Naiwan naman si Trigger kasama si William at si Red ay umalis na rin nang matapos ang laban. Hinayaan na lang niya si Red dahil malaki rin ang nagawa nitong tulong sa laban kanina. Utang na loob din niya ang pagliligtas nito kay Liam kahit isa ito sa inutusan ni Luciano para ipahamak ang pamilya niya sa Chipan.“Your eye color is different from before,” saad ni Lord Scion habang papasok sila sa mansiyon. Magkahawak sila ng mga kamay at may mga bahid pa ng dugo sa katawan nila mula sa nagdaang laban.“Yeah. This is my original eye color.”“I have a vivid memory about a young girl with blue eyes. I don’t remember exactly what happened before, but I love her eyes.”“Do you think, it’s me?” tanong niya kay Scion.“I don’t know. Maybe yes, if we met at a very
Halos mawalan ng malay si Luciano dahil sa galit. Hindi lang ang pagkatalo ng mga tauhan niya ang nagpapainit sa kaniyang ulo. Maging ang palpak na lakad ng magkapatid na Villarama at ang kapalpakan ng sarili niyang anak. Nasa harapan niya ngayon ang walang malay na si Isabella habang nakasilid sa isang kahon sa tabi ng gate ng mansiyon niya. Nagmistula itong regalo dahil sa balot ng kahon at ribbon sa ibabaw no’n.“Sino ang nagpadala ng kahon na ’yan?” galit na tanong ni Luciano.Walang sumagot sa mga tauhan ng matanda na lalo nitong kinagalit. Itinuon na lang nito ang galit kay Isabella. Nilapitan ito ni Luciano at sinipa para gisingin.“P*nyeta! Gumising ka riyan, Isabella. Ikaw ang inaasahan kong alas, pero narito ka ngayon at walang malay. Gising!” sigaw niya habang sinisipa ito.“Wala ka talagang k’wentang ama, Luciano,” saad ng malamig na boses.Naging alerto ang mga tauhan ni Luciano, pero hindi agad kumilos ang mga ito. Tumingin si Luciano sa direks’yon ng nagsalita. Ngumisi
Abala sa pakikipaglaban si Eiress nang palibutan siya ng mga kalaban. Nahati ang atensiyon ng mga ito sa kaniya at sa mga tauhan ng Nesselio. Hindi pa tuluyang nakapapasok sa bayan ang mga ito. Ilan pa lang sa kampo ng Nesselio ang nakita niyang nakikipaglaban at ang karamihan sa mga iyon ay nagbabantay sa malaking gate sa bungad ng bayan.“Oh, sh*t!” saad ni Eiress nang tamaan siya ng sipa mula sa kalaban. Tumalsik siya sa isa pang kalaban at inambahan siya ng baril. Mabilis naman niyang inagaw ang baril ng lalaki at pinutok sa kasama nito. Alam niyang nag-aalangan ang mga itong paputukan siya dahil sa kanilang distansiya. Nakapalibot sa kaniya ang mga kalaban at sa simpleng pag-iwas niya ay tatama ang bala sa kasama ng mga ito.“You can’t kill me, idiots!”Inagaw niya ang baril ng lalaki at sunod-sunod niya itong hinampas hanggang bumagsak ito. Ginamit naman niya ang baril sa mga kalaban. Sunod-sunod siyang nagpaputok, ngunit agad naubos ang bala ng hawak niyang baril.“Patayin niyo
Pawang mga tahimik ang grupo ni Eiress sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan papasok sa bayan ng Canixer. Alerto ang bawat isa dahil sa mabilis nilang pagpasok na wala man lang sagabal. Tahimik din sa bayan at mabibilang sa daliri ang mga tao sa kalye.“Tulad ng inaasahan sa kapatid ko, hahayaan niya tayong pumasok sa teritoryo niya para ikulong dito. Inaasahan mo rin ba ito, Marchesa?”“Yes. Any moment from now, enemies will be scattered around us,” sagot ni Eiress.“Wala na rin silbi ang isang ’to sa atin. Bakit hindi mo pa siya patayin?” muling reklamo ni Trigger kay Eiress patukoy kay Red.“May silbi pa rin ako sa inyo, Trigger Wilt. Ibang lugar ang sadya ni Eiress sa loob ng Canixer at doon niya ako kailangan. Tama ba ako, Eiress?”Hindi naman sumagot si Eiress. Nanatiling nakatuon ang tingin nito sa paligid ng sasakyan. Wala na siyang nakikitang tao sa dinadaanan nila.“Itigil mo ang sasakyan,” utos ni Eiress kay Trigger.Walang pagdadalawang isip na sumunod si Trigger.
Sa mansiyon ng mga Nesselio ay sabay-sabay at tahimik na kumakain ng agahan si Isabella kasama ang mag-asawang Carolina at Arturion. Hindi pa rin sanay si Isabella sa buhay ng pagiging Nesselio, pero kailangan niyang tiisin iyon para sa plano nila ng daddy niya.“Am I late with your breakfast?”Namilog ang mga mata ni Isabella nang marinig ang boses ni Cario.“Cario! Why are you here?” bulalas niyang tanong nang makita ang lalaki sa pintuan ng dining room. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Akala niya ay matatagalan si Cario sa bayan ng Boran.“Where should I go, except to my home?”Peke namang ngumiti si Isabella. “Ahm… I’m just surprised. I thought you’d stay in Boran for some weeks,” palusot niya.Hindi pinahalata ni Isabella ang pagtutol sa itsura niya dahil sa pagdating ni Cario. Hindi pa siya nakahahanap ng tiyempo para gawin ang plano niya sa mga Nesselio, at malaking sagabal si Cario sa gagawin niya. Alam niyang malakas at matalino si Cario, kaya kailangan niyang doblehi
Nagmamadaling nilapitan ni Lord Scion si William. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang kaniyang kapatid.“Kagigising ko lang, pero gusto mo yatang matulog ulit ako. Babalian mo ba ako ng buto sa higpit ng hawak mo? Bitiw na, Scion. Kailangan nating mag-usap muna bago ako matulog ulit,” biro ni William.Mabilis namang binitiwan ni Scion ang balikat ni William. “Pasensiya na, William. Hindi lang ako makapaniwala na gising ka na ngayon. Kumusta ang pakiramdam mo?”“Bukod sa mahina kong katawan, mukhang maayos naman ako.”“Kailan ka pa nagising?”“Dalawang linggo na mula ngayon.”“Dalawang linggo? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Nag-aalala ako sa ’yo dahil walang nagsasabi kung nasaan ka, pero dalawang linggo na pala simula nang magising ka.”“Huminahon ka muna, Scion. May dahilan kaya ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon na magpakita sa ’yo.”“Tell me your reason, William,” seryoso niyang sabi.Sinara muna ni Willi
Nanatili si Red sa ospital ng Janduran kahit maaari na siyang lumabas. Hating-gabi na at hindi pa rin siya natutulog. Wala naman siyang gagawin doon kun’di tumitig sa kisame ng kaniyang silid. Naiinip na siya at gusto na lang niyang bumalik sa Canixer, pero hindi niya ginawa. May pakiramdam siyang pupunta roon si Huntress.“Based on your looks, you’re waiting for me, right?”Bahagyang nagulat si Red sa walang buhay na boses na narinig niya sa loob ng silid. Bumaling siya sa may bintana at nakita niya roon ang taong hinihintay niya. Nakaupo ito sa bintana at walang buhay na nakatingin sa kaniya. Base sa itsura nito, alam niyang bumalik na ang mga nawala nitong alaala.“Bakit diyan ka pa dumaan kung p’wede mo namang gamitin ang pintuan?” normal niyang tanong. Hindi siya natatakot kay Huntress kahit alam niyang bumalik na ito sa dati. Siguro hindi siya nakakaramdam ng takot, dahil tanggap na niyang mamatay na rin siya kapag nagpakita ito sa kaniya.Bumaba si Eiress mula sa bintana at lum
Walang pagsidlan ang tuwa ni Runo Villarama nang hindi na nila naririnig ang mga putok mula sa loob ng gubat. Ilang minuto na ring walang sumasabog sa paligid. Hinala niya ay naubusan na ng bala ang mga ito.“Pasukin niyo na ang gubat. Mahina na ang depensa nila,” utos niya sa mga tauhan.Walang pagdadalawang-isip namang umabante paloob ang mga tauhan ni Runo. Dahan-dahan ang pagkilos ng mga ito. Pawang mga alerto sa paligid. Ngunit hindi nila namamalayan ang mabilis na kilos ng isang pigura dahilan para unti-unting mabawasan ang mga ito. Isa sa mga ito ang nakapansin sa pigura.“May kala—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang mabilis itong inatake ng pigura. Bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa lupa kasunod ng pagbagsak din ng iba pang mga kasama nito.Nagtaka naman si Runo kung bakit wala pa rin siyang naririnig na putok sa loob ng gubat. Dapat sa oras na iyon ay narating na ng mga tauhan niya ang bahay ni Tandang Kaziro.“Sundan niyo!” muli niyang utos sa panibagong gru
Sa kagubatan ng Janduran, muling nagising si Trigger ilang minuto pagkatapos mawalan ng malay. Tulad ng sinabi ng matanda, bumalik na rin ang lakas niya. Pinasan niya ulit si Eiress patungo sa tahanan ni Tandang Kaziro. Nasa unahan niya ang matanda at sinusundan lang niya ang tinatahak nitong daan. Malamig at bahagyang madilim sa gubat dahil sa malalaki at matatayog na punong kahoy. Maging ang sinag ng araw ay nahihirapang lumusot sa mga puno.“Mawalang galang na po, Tandang Kaziro. Bakit mo tinawag na Marchesa si Eiress?” tanong ni Trigger sa matanda habang naglalakad sila. Kanina pa iyon bumabagabag sa kaniya. Para bang may malalim na pakahulugan ang tawag nito kay Eiress.“Malalaman mo rin kapag nagising siya,” makahulugan nitong sagot na patuloy lang sa paglalakad.“Sigurado ka po ba na hindi lason o anumang mapanganib na gamot ang itinusok sa kaniya?” nag-aalala niyang tanong.“Sigurado ako, iho. Normal ang tibok ng puso niya at wala akong nakikitang problema sa katawan niya. Kun