Sa security room, magkasamang pinapanood ni Lord Scion, William at bagong dating na si Trigger ang nagaganap na examination. Magkakatabi ang tatlo sa harap ng malaking monitor. Dumating ang tatlo bago pa magsimula ang examination. Hindi lang sila nagpakita sa mga examinees. Dumiretso na sila sa underground kung saan ang lokasyon ng kanilang security room. Abala naman si Bingo sa pagmomonitor sa mga kalahok. Ito ang kanilang security expert. "Marami sa kalahok ngayon ang kahina-hinala. Hindi talaga nagpapahinga ang mga kalaban mo Scion. Sinamantala nila ang pangangalap mo ng tao para makapagtanim ng kasapi sa tabi mo." Komento ni William."It's a good thing na pinabalik mo ako. Mas mapapaigting natin ang seguridad mo." Sambit naman ni Trig. Halata ang pagod at puyat nito sa byahe pero hindi nito pinalampas ang panonood sa nagaganap na examination.Ngumiti ng may panunudyo si William kay Trig."Sa pagkakaalam ko, ikaw lang ang pinapabalik ni Scion. Bakit may kasama kang babae? Sino 'yu
Nagpupuyos ang dibdib ni Eiress sa nalaman. Muntik na siyang mapahamak sa pambatang dahilan ni Lorrein. Hindi na niya pinapansin ang mga ginagawa nito pero hindi pa rin ito tumitigil. Gusto pa rin nitong umalis siya sa Hacienda at hindi na magpakita roon. Gumamit pa ito ng ibang tao. Mga lampa naman. Ni hindi siya pinagpawisan sa laban. "Congratulations! Ikaw ang kumukumpleto sa inyong lima." Salubong sa kanya ni William ng bumalik siya sa oval. Malawak ang ngiti nito sa kanya pero matalim lang niya itong tingnan. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang sinabi nito kahapon. Tahimik niyang ibinigay ang badge. Nakaupo roon ang apat na lalaki. Sa tingin niya, ito ang nakakuha sa apat na badge. "First time in history. Ngayon lang may babaeng nakakuha sa badge." Sambit ng lalaking may malaking hikaw sa tainga. Ngumisi ito sa kanya kaya nakita niya ang silver nitong braces. "I wonder who's helping you to get the badge." Pahayag naman ng isa pang lalaki. Wala sa ayos ang pananamit nito. Para
"You are the shadow guard, Lord Scion." Pahayag ni Eiress.Sigurado siya sa bagay na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. "Hindi si Lord Scion ang shadow guard, Miss. Isa sa dalawang ito ang shadow guard." Sansala ng lalaking may inaantok na itsura.Na sa loob na rin ng coffee shop ang apat. Hawak ng mga ito ang dalawang pigura na lumitaw kanina. "Alright. Mukhang tapos na ang physical test nyo." Sambit ni William. Lumabas ito mula sa isang pintuan sa loob ng coffee shop. May bitbit itong kape. Humigop muna ito sa umuusok na kape bago ibaba sa mesa ang tasa. "So? Paano nyo papatunayan ang inyong hinala kung sino si Solid?" Tanong ni William. "It's obvious. Lumitaw agad ang dalawang ito nang manganib si Lord Scion. Sa taglay nilang bilis at lakas, walang duda, isa sa kanila ang shadow guard." Paliwanag ng isa sa apat na lalaki."Okay. How about you?" Tanong ni William sa kanya. "Logic. It's impossible not to see a guard protecting his master. Unless, it's not exist. Shadow can't do
"Alpha!" Tiim-bagang na sabi ni Eiress. Hawak pa rin nito ang leeg niya. Hindi naman iyon mahigpit pero kung magkakamali siya ng kilos, madali siya nitong masasakal.Bahagyang tumawa si Trigger bago siya bitawan. "Nakapasa na ba ako bilang tagapag-alaga ng anak mo?" Tanong nito sa kanya. "Bakit ikaw ang mag-aalaga sa kanya? Ikaw ang dahilan kaya muntik na siyang mapahamak! Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo? Pinadukot mo siya!" "Really? Sinong nagsabi sa'yo na kagagawan ko iyon? Sigurado ka ba na nagsasabi siya ng totoo?"Pumasok sa isip ni Eiress si Red. Ito ang nagsabi sa kanya na may ibang hunter na kumuha kay Liam. Sa pagitan ni Alpha at Red, mas pinaniniwalaan niya si Red. Matagal na niya itong kilala. Kabisado na niya ito. Kung magsisinungaling ito, alam niya. Ramdam niya iyon dahil hindi ito nakakapag-sinungaling sa harap niya. Si Alpha naman, simula pa lang iniiwasan na niya. Hindi niya alam kung kailan ito nagsasabi ng totoo at kung kailan ang kasinungalingan."K
"You can't escape from me."Natauhan si Eiress nang muling nagsalita ang lalaki. Malakas niya itong tinulak. Bahagya itong umatras pero hindi iyon sapat para lumayo ang kanilang distansya. Nahawakan pa rin nito ang kanyang braso. "Get off me!" Sigaw niya sa lalaking nagtatago sa dilim ng paligid. Hindi niya makita ang buo nitong itsura pero ramdam niya ang mabigat nitong presensya. Katulad iyon nang lalaking nakaitim na maskara noon. Ngayon sigurado na siya. Hindi pag-aari ni William ang presensyang ito. Magkaibang tao si William at ang lalaking nakatalik niya. "I said, get off me! Lumayo ka sa'kin!" Muli niyang sabi.Napaigik si Eiress nang muli siyang hapitin palapit ng lalaki. Bumangga ang katawan niya sa matigas nitong katawan. Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang baywang at idiniin sa katawan nito. Hindi siya nakagalaw sa ginawa nito. "It's been six years. Don't you try to escape again or you'll regret it." Pagbabanta nito sa kanya. Sinubukan ni Eiress na pakalmahin ang kan
"Mama, mag-ingat ka po ah. Tawagan mo ako lagi sa selpon ni Tita Aline. Mamimiss po kita." Malungkot na sabi ni Liam.Aalis na ang grupo ni Eiress para sa business meetings ni Lord Scion sa labas ng Argenxican. Magkakaiba sila ng sasakyan. Bilang shadow guard, hindi siya kabilang sa mga ito. Gagamit siya ng motorsiklo at magpapanggap na normal na motorista.Niyakap ni Eiress si Liam. Sa totoo lang, mabigat sa kanyang loob ang iwanan si Liam. Ngayon lang sila magkakahiwalay ng anak niya."Syempre lagi akong tatawag. Magpakabait ka kay Tita Aline ah. Huwag kang magpapasaway." Bilin niya rito."Opo, Mama!"Hinalikan ni Eiress si Liam. Bumaling naman siya kay Aline. Niyakap niya ang kaibigan."Don't worry. Hahanap ako ng paraan." Bulong niya rito.Tumango si Aline habang nakayakap sa kanya."Mag-iingat ka." Bilin din nito sa kanya.Nang handa ng umalis ang lahat, nagpaalam na si Eiress kay Aline at Liam."Sandali lang po!" Sigaw ni Liam.Akala ni Eiress siya ang tinutukoy ni Liam. Inalis
Location: Candiran City"Starting today, stop working from a distance. Pretend as my secretary and work beside me."Nagulat si Eiress sa pahayag ni Lord Scion. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Bilang shadow guard, sumumpa siyang itatago ang presensya habang pino-protektahan ito. Walang maaaring makaalam sa katauhan niya maliban sa kanyang mga kasama. "I'm sorry Lord Scion but it's not-" "No more arguments. I'm exhausted. Let's go back to the hotel." pagputol nito sa kanyang sasabihin. Sumakay si Lord Scion sa kotse. Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataon para tumanggi. Sasakay na rin sana siya sa kanyang motorsiklo ng muli itong nagsalita "Where do you think you're going? Get in!" Bahagyang nagulat si Eiress sa mataas nitong tono. Wala siyang nagawa kundi ibigay sa kasama ang susi ng motorsiklo at sumakay sa kotse nito."Drive," walang buhay nitong utos sa kanya. Huminga nang malalim si Eiress. Umikot siya patungo sa driver seat at nagmaneho.... Habang na sa sasakyan,
Sapo ni Eiress ang dibdib paglabas niya sa silid ni Lord Scion. Mahigpit niyang hinawakan iyon patungo sa kanyang silid. "Stop!" utos niya sa sariling puso. Paulit-ulit niyang hinampas ang dibdib. Umaasa siyang mapapawi noon ang sakit na umukit sa kanyang puso. "Pakiusap, bumalik ka na lang sa dati. Maging manhid ka na lang ulit! Huwag ka ng magmahal para hindi ka nasasaktan!" Mariin niyang pinaglapat ang mga ngipin. Pinipigilan niyang lumuha. Nangako siya na hindi na iiyak dahil sa lalaking iyon. Ngunit parang sirang plaka na bumabalik sa kanyang isip ang sinabi ni Lord Scion bago ito muling nakatulog. 'I miss you... Isabella.' Naririnig pa niya ang pangungulila sa boses nito. Ang nangungusap nitong mga mata habang nakatingin sa kanya. Puno ng pagmamahal ang mga salitang iyon pero hindi para sa kanya. Kundi para sa babaeng may pangalang Isabella. "Argh!" Sinuntok ni Eiress ang katabing pader. Naramdaman niya ang sakit sa kamao ngunit mas masakit pa rin ang nararamdaman ng kanyan
Pagkatapos ng madugong laban, nagtungo si Eiress sa kanilang mansiyon sa Polican. Walang nagbago sa mansiyon mula sa kung ano ang itsura nito na natatandaan niya noong bata pa lang siya. Kasama niya sina Tandang Kaziro at Lord Scion. Naiwan naman si Trigger kasama si William at si Red ay umalis na rin nang matapos ang laban. Hinayaan na lang niya si Red dahil malaki rin ang nagawa nitong tulong sa laban kanina. Utang na loob din niya ang pagliligtas nito kay Liam kahit isa ito sa inutusan ni Luciano para ipahamak ang pamilya niya sa Chipan.“Your eye color is different from before,” saad ni Lord Scion habang papasok sila sa mansiyon. Magkahawak sila ng mga kamay at may mga bahid pa ng dugo sa katawan nila mula sa nagdaang laban.“Yeah. This is my original eye color.”“I have a vivid memory about a young girl with blue eyes. I don’t remember exactly what happened before, but I love her eyes.”“Do you think, it’s me?” tanong niya kay Scion.“I don’t know. Maybe yes, if we met at a very
Halos mawalan ng malay si Luciano dahil sa galit. Hindi lang ang pagkatalo ng mga tauhan niya ang nagpapainit sa kaniyang ulo. Maging ang palpak na lakad ng magkapatid na Villarama at ang kapalpakan ng sarili niyang anak. Nasa harapan niya ngayon ang walang malay na si Isabella habang nakasilid sa isang kahon sa tabi ng gate ng mansiyon niya. Nagmistula itong regalo dahil sa balot ng kahon at ribbon sa ibabaw no’n.“Sino ang nagpadala ng kahon na ’yan?” galit na tanong ni Luciano.Walang sumagot sa mga tauhan ng matanda na lalo nitong kinagalit. Itinuon na lang nito ang galit kay Isabella. Nilapitan ito ni Luciano at sinipa para gisingin.“P*nyeta! Gumising ka riyan, Isabella. Ikaw ang inaasahan kong alas, pero narito ka ngayon at walang malay. Gising!” sigaw niya habang sinisipa ito.“Wala ka talagang k’wentang ama, Luciano,” saad ng malamig na boses.Naging alerto ang mga tauhan ni Luciano, pero hindi agad kumilos ang mga ito. Tumingin si Luciano sa direks’yon ng nagsalita. Ngumisi
Abala sa pakikipaglaban si Eiress nang palibutan siya ng mga kalaban. Nahati ang atensiyon ng mga ito sa kaniya at sa mga tauhan ng Nesselio. Hindi pa tuluyang nakapapasok sa bayan ang mga ito. Ilan pa lang sa kampo ng Nesselio ang nakita niyang nakikipaglaban at ang karamihan sa mga iyon ay nagbabantay sa malaking gate sa bungad ng bayan.“Oh, sh*t!” saad ni Eiress nang tamaan siya ng sipa mula sa kalaban. Tumalsik siya sa isa pang kalaban at inambahan siya ng baril. Mabilis naman niyang inagaw ang baril ng lalaki at pinutok sa kasama nito. Alam niyang nag-aalangan ang mga itong paputukan siya dahil sa kanilang distansiya. Nakapalibot sa kaniya ang mga kalaban at sa simpleng pag-iwas niya ay tatama ang bala sa kasama ng mga ito.“You can’t kill me, idiots!”Inagaw niya ang baril ng lalaki at sunod-sunod niya itong hinampas hanggang bumagsak ito. Ginamit naman niya ang baril sa mga kalaban. Sunod-sunod siyang nagpaputok, ngunit agad naubos ang bala ng hawak niyang baril.“Patayin niyo
Pawang mga tahimik ang grupo ni Eiress sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan papasok sa bayan ng Canixer. Alerto ang bawat isa dahil sa mabilis nilang pagpasok na wala man lang sagabal. Tahimik din sa bayan at mabibilang sa daliri ang mga tao sa kalye.“Tulad ng inaasahan sa kapatid ko, hahayaan niya tayong pumasok sa teritoryo niya para ikulong dito. Inaasahan mo rin ba ito, Marchesa?”“Yes. Any moment from now, enemies will be scattered around us,” sagot ni Eiress.“Wala na rin silbi ang isang ’to sa atin. Bakit hindi mo pa siya patayin?” muling reklamo ni Trigger kay Eiress patukoy kay Red.“May silbi pa rin ako sa inyo, Trigger Wilt. Ibang lugar ang sadya ni Eiress sa loob ng Canixer at doon niya ako kailangan. Tama ba ako, Eiress?”Hindi naman sumagot si Eiress. Nanatiling nakatuon ang tingin nito sa paligid ng sasakyan. Wala na siyang nakikitang tao sa dinadaanan nila.“Itigil mo ang sasakyan,” utos ni Eiress kay Trigger.Walang pagdadalawang isip na sumunod si Trigger.
Sa mansiyon ng mga Nesselio ay sabay-sabay at tahimik na kumakain ng agahan si Isabella kasama ang mag-asawang Carolina at Arturion. Hindi pa rin sanay si Isabella sa buhay ng pagiging Nesselio, pero kailangan niyang tiisin iyon para sa plano nila ng daddy niya.“Am I late with your breakfast?”Namilog ang mga mata ni Isabella nang marinig ang boses ni Cario.“Cario! Why are you here?” bulalas niyang tanong nang makita ang lalaki sa pintuan ng dining room. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Akala niya ay matatagalan si Cario sa bayan ng Boran.“Where should I go, except to my home?”Peke namang ngumiti si Isabella. “Ahm… I’m just surprised. I thought you’d stay in Boran for some weeks,” palusot niya.Hindi pinahalata ni Isabella ang pagtutol sa itsura niya dahil sa pagdating ni Cario. Hindi pa siya nakahahanap ng tiyempo para gawin ang plano niya sa mga Nesselio, at malaking sagabal si Cario sa gagawin niya. Alam niyang malakas at matalino si Cario, kaya kailangan niyang doblehi
Nagmamadaling nilapitan ni Lord Scion si William. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang kaniyang kapatid.“Kagigising ko lang, pero gusto mo yatang matulog ulit ako. Babalian mo ba ako ng buto sa higpit ng hawak mo? Bitiw na, Scion. Kailangan nating mag-usap muna bago ako matulog ulit,” biro ni William.Mabilis namang binitiwan ni Scion ang balikat ni William. “Pasensiya na, William. Hindi lang ako makapaniwala na gising ka na ngayon. Kumusta ang pakiramdam mo?”“Bukod sa mahina kong katawan, mukhang maayos naman ako.”“Kailan ka pa nagising?”“Dalawang linggo na mula ngayon.”“Dalawang linggo? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Nag-aalala ako sa ’yo dahil walang nagsasabi kung nasaan ka, pero dalawang linggo na pala simula nang magising ka.”“Huminahon ka muna, Scion. May dahilan kaya ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon na magpakita sa ’yo.”“Tell me your reason, William,” seryoso niyang sabi.Sinara muna ni Willi
Nanatili si Red sa ospital ng Janduran kahit maaari na siyang lumabas. Hating-gabi na at hindi pa rin siya natutulog. Wala naman siyang gagawin doon kun’di tumitig sa kisame ng kaniyang silid. Naiinip na siya at gusto na lang niyang bumalik sa Canixer, pero hindi niya ginawa. May pakiramdam siyang pupunta roon si Huntress.“Based on your looks, you’re waiting for me, right?”Bahagyang nagulat si Red sa walang buhay na boses na narinig niya sa loob ng silid. Bumaling siya sa may bintana at nakita niya roon ang taong hinihintay niya. Nakaupo ito sa bintana at walang buhay na nakatingin sa kaniya. Base sa itsura nito, alam niyang bumalik na ang mga nawala nitong alaala.“Bakit diyan ka pa dumaan kung p’wede mo namang gamitin ang pintuan?” normal niyang tanong. Hindi siya natatakot kay Huntress kahit alam niyang bumalik na ito sa dati. Siguro hindi siya nakakaramdam ng takot, dahil tanggap na niyang mamatay na rin siya kapag nagpakita ito sa kaniya.Bumaba si Eiress mula sa bintana at lum
Walang pagsidlan ang tuwa ni Runo Villarama nang hindi na nila naririnig ang mga putok mula sa loob ng gubat. Ilang minuto na ring walang sumasabog sa paligid. Hinala niya ay naubusan na ng bala ang mga ito.“Pasukin niyo na ang gubat. Mahina na ang depensa nila,” utos niya sa mga tauhan.Walang pagdadalawang-isip namang umabante paloob ang mga tauhan ni Runo. Dahan-dahan ang pagkilos ng mga ito. Pawang mga alerto sa paligid. Ngunit hindi nila namamalayan ang mabilis na kilos ng isang pigura dahilan para unti-unting mabawasan ang mga ito. Isa sa mga ito ang nakapansin sa pigura.“May kala—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang mabilis itong inatake ng pigura. Bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa lupa kasunod ng pagbagsak din ng iba pang mga kasama nito.Nagtaka naman si Runo kung bakit wala pa rin siyang naririnig na putok sa loob ng gubat. Dapat sa oras na iyon ay narating na ng mga tauhan niya ang bahay ni Tandang Kaziro.“Sundan niyo!” muli niyang utos sa panibagong gru
Sa kagubatan ng Janduran, muling nagising si Trigger ilang minuto pagkatapos mawalan ng malay. Tulad ng sinabi ng matanda, bumalik na rin ang lakas niya. Pinasan niya ulit si Eiress patungo sa tahanan ni Tandang Kaziro. Nasa unahan niya ang matanda at sinusundan lang niya ang tinatahak nitong daan. Malamig at bahagyang madilim sa gubat dahil sa malalaki at matatayog na punong kahoy. Maging ang sinag ng araw ay nahihirapang lumusot sa mga puno.“Mawalang galang na po, Tandang Kaziro. Bakit mo tinawag na Marchesa si Eiress?” tanong ni Trigger sa matanda habang naglalakad sila. Kanina pa iyon bumabagabag sa kaniya. Para bang may malalim na pakahulugan ang tawag nito kay Eiress.“Malalaman mo rin kapag nagising siya,” makahulugan nitong sagot na patuloy lang sa paglalakad.“Sigurado ka po ba na hindi lason o anumang mapanganib na gamot ang itinusok sa kaniya?” nag-aalala niyang tanong.“Sigurado ako, iho. Normal ang tibok ng puso niya at wala akong nakikitang problema sa katawan niya. Kun