Kaagad na napansin ni Sif kung anong sinabi niya pagkatapos niya itong sabihin. Para na rin niyang inaming tinulungan niya si Yed na patayin si Ciril!Hindi lang ito magdadala ng diplomatic crisis sa pagitan ng mga Lionheart at mga Janko, pero mabilis na hindi sasang-ayunan ang mga ginawa niya kapag kumalat ang balita. At saka walang dudang napakatindi ng lakas at impluwensiya ng mga Lionheart para hindi sila matakot sa mga Janko. Pero kung talagang itulak nila ang mga Janko, tiyak na lalaban sila at baka magtagumpay pa nga silang pingasan nang kaunti ang mga Lionheart bago sila bumagsak. Sa ibang salita, isa itong hindi kinakailangang away. Habang nasa isip iyon, mabilis na nagbago ng isip si Sif. Malamig ang tono niya nang sinabi niyang, “Malapit akong kaibigan ni Yed, at hindi ako uupo na lang ngayong inaabuso siya. Wala akong pakialam sa kahit na anong away-pamilya na nangyari rito.”“Ang mangyari sa pamilya namin ay mananatili sa pamilya namin,” diretsong sabi ni Ned. “A
Kapag kumalat ang balitang nakipagsabwatan ang mga Lionheart para patayin ang head ng isa sa Four Families ng Morhen, malaki ang magiging pinsala nito sa reputasyon nila. Masasabing mas malala ito nang malubha kumpara sa problema ni Sif sa Norsedam!Dahil dito, takot na ngayong huminga si Sif. Kapag nadulas siya ngayon, hindi lang si Ciril—kahit ang sariling elders ng pamilya niya ay babalatan siya nang buhay sa tindi ng kasamaan ng binabalak niya!Hindi nagtagal, magkakagulo ang Morhen dahil kanya-kanya na sila, habang maging ang mga Lionheart mismo ay magiging desperado. “H-Hindi, sir,” mabilis na sabi ni Sif nang may pagpapakumbaba. “Nagpunta ako rito para magpadala ng imbitasyon—ikakasal ang kapatid kong si Titus kay Vicky Turnbull sa susunod na ilang araw, at iniimbitahan ang pamilya niyo para dumalo.”“Hmph. Isa na namang arranged marriage?” Tumawa si Ciril at kinawayan siya. “Naiintindihan ko. Pwede ka nang umalis.”“Ah… oo, syempre. Mauuna na ako, Mr. Janko.” Bahagyang
“Ano?” “Bakit?”Nagkatinginan ang karamihan sa retainers at bodyguards ng Janko family sa pagtataka sa biglaang anunsyo ni Ciril. Ang malalakas na retainers lang ang nakakunot ang noo habang pinag-isipan nila ang pangalan ni Frank Lawrence, at parang nakuha nila ang ibig niyang sabihin. “Hindi kaya isa siyang miyembro ng Lawrence family, ang dating isa sa Four Families ng Morhen?!”“Siya ba ang tagapagmana ng Lord of the Southern Woods?!”Habang hindi sigurado ang lahat, dalawang beses na umubo nang malakas si Ciril at tumawa, “Wag kang mag-alala, Mr. Lawrence. Matagal na akong nabubuhay—at ayaw na ayaw ko sa mga ingrato. Kung may hiling ka, magsabi ka lang! Naiintindihan kong wala lang ang pera para sa'yo… Basta't kaya namin itong tuparin, gagawin namin ang makakaya namin!”“Oo, Mr. Lawrence! Wag kang mahiya sa'min!”“Magtanong ka lang, Mr. Lawrence!”Nang makita kung gaano kasigla ang mga Janko, napaisip sandali si Frank bago lumingon sa imbitasyon a hawak ni Ned. “Kung
Walang kaalam-alam si Kat sa dramatikong pangyayari sa loob.Ito ang unang beses na bumisita siya sa engrandeng tirahan ng isa sa pinakamayamang pamilya ng Morhen, at sabik siyang naglakad-lakad sa kung saan-saan sa ilalim ng pagbabantay ng family butler. Hindi siya nalingat sa kabila ng kidlat o ang shockwave na nangyari nang nagbanggaan ang kamao nina Frank at Ciril. Masaya pa rin siya habang pauwi sila ni Frank. “Pag yumaman ako, tiyak na mabubuhay ako nang ganyan!”Sa kabaliktaran, masakit sa mata ang bahay niya kahit gaano niya pa ito tignan ngayon!Hanggang sa malapit na sila sa cottage ay doon lang naalala ni Kat na bumisita si Frank sa Janko Gardens para kumita ng pera. “Siya nga pala, hindi ba gagamitin mo ang sakit ni Ciril Janko? Gumana ba?”Para hindi siya magtanong pa ng detalye, umiling na lang si Frank. “Ah, di gumana?” Umiling si Kat sa dismaya. “Ibig kong sabihin, 800 million dollars… Tsk, tsk! Sayang at di mo nakuha, ano?”Natural na wala siyang ideya na na
Mukhang nagulat si Kat, ngunit hindi nagtagal ay dinutdot niya ang isang daliri niya sa pisngi ni Frank, sabay mahinang bumulong, “Master Lawrence?”Nagpatuloy na magpanggap na natutulog si Frank. “Nagpapanggap kang natutulog, ano?” Naiinip na sabi ni Kat habang tumayo siya sa tabi ng kama niya. Hindi pa rin kumilos si Frank. “Heh. Kung ganun, di ko na'to kasalanan…”Tahimik niyang hinubad ang sapatos niya at tinapat ito sa harapan ng ilong ni Frank. Nagsalubong ang kilay ni Frank doon, pagkatapos ay umupo siya at naiinis na sumigaw, “Tama na!”Nakita niya sa ilalim ng ilaw ng buwan na nilagyan na naman niya nang makapal na makeup ang pisngi niya at nagsuot din ng puting wig. “Babae ka,” naiinis na sabi ni Frank. “Bakit kailangan mong pumuslit sa kwarto ko nang para bang may binabalak tayo? Paano kung makita tayo ng tatay mo? Anong iisipin niya tungkol sa'kin?!”“Hehe… Alam kong nagpapanggap ka lang,” malokong tumawa si Kat bago misteryosong nagsabi, “May pabor akong hihi
“Hindi ang panganib ang tinutukoy ko. Yung… ano…”Bumuntong-hininga si Nash na hindi makapagpatuloy. “Hindi ka ba nagsasawang magpaulit-ulit?!” Naiinis na sabi ni Kat sa sandaling iyon. “Gusto ko lang lumabas, at sinasamahan ako ng martial elite na si Mr. Lawrence. Ano bang masamang mangyayari? Gusto mo ba talagang mawalan ako ng kaibigan?!”“Syempre hindi. Gusto ko lang na makipagkaibigan ka sa mga normal—”“Sa nakikita ko, ikaw ang hindi normal dito!” Sinigawan ni Kat si Nash bago nagdabog papalayo. Bumuntong-hininga ulit si Nash. “Naku, ang batang yun talaga…”Tumango si Frank sa kanya. “Wag kang mag-alala, Nash. Magiging ayos lang siya basta't nasa paligid ako.”Tinitigan naman siya ni Nash—si Frank mismo ang pinag-aalala niya… Gayunpaman, hindi niya ito masabi. Nang nakabuntong-hininga, binigyan niya si Frank ng isang maliit na kahon at umalis nang walang imik at nakayuko. Naiwang nakatitig si Frank nang nagtataka pag-alis niya at nanigas siya nang tinitigan niyang
Hindi lang sinungaling si Soren, wala rin siya sa katwiran, seloso, at mayabang. Kasuklam-suklam talaga ang lalaking ito, at nagtaka si Kat kung paanong hindi niya iyon napansin noon. Habang pinapakalma ang sarili niya, nagpamaywang si Kat habang tinitigan niya nang masama si Soren. “Hindi ko maalalang inimbitahan kita.”“Si Lily ang nag-imbita sa'kin,” sagot ni Soren, na mas lalong sumama ang mukha tingin kay Frank dahil napapansin niyang iba ang trato sa kanya ni Kat. Mabilis na sinubukan ni Lily na pakalmahin ang sitwasyon. “Sige—kailangan pa nating simulan ang palabas dito. Malapit na tayo, Kat… Handa ka na ba?”“Hmph. Syempre naman,” tinapik ni Kat ang dibdib niya at mapagmalaking tinignan si Frank, nang parang isang batang gustong magpakitang-gilas. Napapagod na bumuntong-hininga si Frank. “Kung ganun, hindi na ako mangingialam. Babalik ako para sunduin ka pag tapos ka na.”“Hindi!” Sumimangot si Kat sa sandaling iyon. “Ito ang dahilan kung bakit kita pinasama. Papanoo
Ngumiti ulit si Lily at nakita ang dimples niya. “Habang dumarami ang shows namin at tumitindi ang kasikatan namin, binigyan kami ng offer ng isang entertainment company—magsasagawa kami ng show para sa kanila. Kukunin niya kami kung pasok sa pamantayan nila ang perfomance namin, at magde-debut kami bilang mga pro. Kaya ka dinala ni Kat dito sa pag-asang magch-cheer ka para sa'min.”“Syempre,” dagdag niya nang may mapait na ngiti, “Kung hindi ka interesado sa band music, hindi ka naman namin pipilitin… Manatili ka lang dito at hintayin mong matapos si Kat.”Lumingon si Frank kay Kat sa gulat pagkatapos marinig ang sinabi ni Lily. Malinaw na hindi mahirap si Nash, pero hindi gugustuhin ni Kat ng pera sa suporta ng mga Turnbull—ang mas malamang pa roon, ang pagtugtog sa banda siguro ang paraan niya para suportahan ang mga kaibigan niya. “Kaya ka pala pumupuslit nang gabing-gabi.” Bumuntong-hininga si Frank sa napagtanto niya. Dahil ganun ang pagkakasabi ni Lily, parang wala siya