Pagkatapos, habang gulat na tumingin sina Bravo sa kanya, matalim na nagbago ang tono ni Frank nang nagdeklara siya, “Hindi sa huling hininga niyo—Ililigtas ko kayo kahit huminto kayo sa paghinga.”“Puta!”“Ang galing!”“Ang arogante niya!”Lahat sila, kabilang si Bravo, ay nagulat na magpapakumbaba si Frank, iyon pala ay idedeklara niya ang matinding kumpyansa niya. Dahil dito ay nabuhayan ng loob ang mga tauhan at biglang wala na sa kanila ang natakot sa lason ng mga Salazar. Sumisigaw pa nga sila, handa na silang turuan ng leksyon ang mga Salazar!“Wala nang maduduming taktika! Wala tayong dapat katakutan!”“Tara na! Pabagsakin natin ang mga Salazar!”“Tara!”Maingay silang sumakay sa MPV nila pagkatapos ay nagmaneho sila sa kalsada, na nakagawa ng isang malaking convoy at nakatawag ng maraming atensyon. -Ang totoo, napatunayang totoo ang pag-aalala ni Bravo. Kahit matagal nang sarado ang pabrika ng mga Salazar, naroon si Jaud White na mayabang na tinatawagan si Do
"Naghanda ng patibong ang mga Salazar!” Sumigaw sa galit si Bravo. "Nahulog na sana tayo sa patibong nila kung hindi natin kasama si Mr. Lawrence!”Pagkatapos, lumingon siya kay Frank, at nagtanong, “Mga sinulid ba ‘yun…?”Tumawa ng malamig si Frank nang tingnan niya ito ng maigi. “Ang mga ito ang bumubuo sa pinakalabas na layer, at binahiran ang mga ito ng dagta ng Araneus Floret. Kapag nahawakan mo ito, mawawalan ka agad ng malay bago mo pa ito mapansin, ngunit hindi ka kayang patayin nito.”"Madali lang ‘to,” dagdag niya. “Itutok niyo lang ang mga patalim niyo sa harap at iwasiwas niyo ito. Siguraduhin niyo na hindi didikit ang dagta sa balat niyo. Magiging ligtas kayo sa ganoong paraan.”"Narinig niyo siya, mga bata!” Lumingon si Bravo sa mga tauhan niya at sumigaw, "Huwag niyong hayaang dumikit sa balat niyo yung mga sinulid!”Pagkatapos nun, pinangunahan niya ang daan, winasiwas niya ng walang tigil ang kanyang machete sa harap niya upang putulin ang mga sinulid.-"Hmmm…?
”Atras na!” Sigaw ni Bravo, alam niya na hindi ito ang oras para magtapang-tapangan sila pagkatapos magsalita ni Frank.Nandoon lang ang lupa nila at hindi ito tatakbo, at kaya naman umalis siya, inalalayan siya ng mga tauhan niya habang tumatakbo sila palabas ng pabrika.Doon lamang nila nakita ang manipis na asul na usok sa hangin, halos hindi ito makita ng ordinaryong mga mata.“Nakita ‘yun ni Mr. Lawrence bago natin ‘yun mapansin.” Bumuntong-hininga ang isa sa mga goons, pakiramdam niya ay maswerte siya na nakaligtas sila. “Talagang kahanga-hanga siya!”“Talaga? May mga moves din siya—pinabagsak niya si Mr. Lambert sa loob lang ng ilang sandali, at napakalinis ng kilos niya!”“Sige na, tumahimik na kayo!” Sigaw ni Bravo.Namumula siya habang medyo kinikilabutan siya na napabagsak siya ni Frank.Bilang pinakamahusay na fighter ni Kurt, binuo niya ang reputasyon niya sa nakalipas na mga taon. Natural, medyo hindi madaling tanggapin para sa kanya na madali siyang napabagsak ni
Naglakad si Frank palapit kay Jaud, tumalim ang kanyang mga mata.“H-Hindi…”Nagsimulang pagpawisan ang mga kilay ni Jaud, matagal na niyang sinukuan ang ideya na labanan si Frank ng harapan.At ngayong nakita niya si Frank, ang unang naisip niya ay tumakbo—mas malayo, mas mabuti!‘Bwisit! Hindi ba nangako si Chaz Graves na dadalhin niya dito ang mga Lionheart at papatayin nila ang hayop na ‘to?! Ang tagal na nun, pero heto siya, buhay na buhay pa rin!’Habang nagmumura si Jaud sa isip niya, mayroong ngiti sa mukha niya na mistulang nakasimangot. “Ah, hello, Mr. Lawrence! Matagal tayong hindi nagkita…”Nagpatuloy sa paglalakad si Frank, bumubugso ang nakakatakot niyang aura. “Matagal tayong hindi nagkita, ano? Totoo nga ‘yun, dahil hindi ko pa natapos ang away namin ng mga Salazar.”“Ah, hindi, hindi, hindi…” Mabilis na itinaas ni Jaud ang kanyang mga kamay, mabilis siyang nag-isip ng plano. “Ano ka ba, Mr. Lawrence?! Mula noong mamatay ang anak niya, nagsisi na si Donald Salaza
Nakilala ni Jaud ang mga kilos ni Frank. “Ang Five-Peat Archaeus… ng Mystic Sky Sect?!”“Hindi inasahan na alam mo ang tungkol sa’min.” Lumapit si Frank, nakahanda siyang tapusin ang buhay ni Jaud.Agad na itinaas ni Jaud ang kanyang mga kamay sa pagkataranta. “Hindi, pakiusap! Huwag mo akong patayin, Mr. Lawrence… Tama, sasabihin ko sayo ang isang sikreto ng mga Salazar kapalit ng buhay ko!”Nakahanda na ang kamay ni Frank upang atakihin si Jaud ngunit huminto siya. “Isang sikreto ng mga Salazar?”“Oo.” Umubo si Jaud habang nakahiga siya sa sahig. “Gusto ka pa ring patayin ng mga Salazar. Hayaan mo akong mabuhay, at sasabihin ko sayo ang sikreto nila.”“Magsalita ka na,” sabi ni Frank, malamig ang kanyang ekspresyon.“Kung ganun… Masisiguro mo ba na mabubuhay ako?”“Papatayin kita ngayon kapag hindi mo sinabi sa’kin!”Muling bumugso ang vigor ni Frank, at nanlaki ang mga mata ni Jaud sa harap ng napakalakas na pressure na nagmumula kay Frank.Kahit na nagmamakaawa siya, tinat
Sumimangot si Frank habang ginagamit niya ang kanyang purong vigor. Gumawa siya ng isang martilyo mula sa hangin, at winasiwas niya ito papunta sa dibdib ni Jaud!”“Hindi maaari!”Biglang tumalon sa ere si Jaud, iniwasan niya ang martilyo ni Frank.Malinaw na wala siyang intensyon na labanan si Frank habang tumatakas siya palabas ng pabrika.Base sa kung gaano kabilis ang kilos niya, malinaw na nagpapanggap lang siyang sugatan kanina.“Tatakas ka ngayon? Huli na para dyan!”Konektado pa rin sa kanya ang purong vigor ni Frank kahit na pagkatapos niya itong palabasin—isa itong natatanging kakayahan ng Five-Peat Archaeus.At sa isang kumpas ng kamay niya, pinabalik ni Frank ang martilyo na lumampas kay Jaud pabalik sa kanya.“Ano?!”Inakala ni Jaud na ligtas na siya noong naiwasan niya ang martilyo kanina at hindi niya inasahan na kontrolado pa rin ito ni Frank!Nang lumiko ang martilyo pabalik sa kanya, tumama ito sa dibdib ni Jaud sa pagkakataong ito, dahilan upang tumilapon s
Itinaas ni Bravo ang isang kamay bilang hudyat, at ang lahat ng mga tauhan niya na nagsasawa nang maghintay ay tumayo.May hawak silang lahat na mga sandata, kumikislap ang mga mata nila sa pananabik.Pagkatapos ay dinilaan ni Bravo ang 5Qakanyang mga labi at sumigaw siya, "Nagawan na ni Mr. Lawrence ng paraan yung pangunahing problema natin, at mga tauhan na lang ng mga Salazar ang natitira. Anong kailangan nating ikatakot?! Tara na mga bata! Sugod!”Pinangunahan niya ang mga tauhan niya patungo sa mga tauhan ng mga Salazar na kakalabas lang mula sa pabrika.Nang magsalpukan ang dalawang grupo at nagsimula silang maglaban, hindi na nangialam si Frank. Kung sabagay, laban ito ni Kurt, at dapat ay hayaan din niya ang mga tauhan ni Kurt na magkaroon ng pagkakataong lumaban.Sa halip, dinala ni Frank ang bangkay ni Jaud sa isang tahimik na lugar at hinalughog niya ito.Maraming iba’t ibang klaseng mga lason ang lalaki kasama ang isang libro na tinatawag na Hundred Bane Anthology.P
Habang umiiling si Frank, bigla siyang nagkaroon ng mas magandang ideya at sinabi niya ito kay Bravo, “Paano kung ganito? Malamang wala kayong paggagamitan ng lupang ‘to pagkatapos niyo itong mabawi mula sa mga Salazar. Bakit hindi niyo na lang paupahan ang lupa at ang pabrika kasama ang mga makinarya dito sa’kin? Ten percent na mas mataas kaysa sa binayad sa inyo ng mga Salazar noon ang ibabayad ko sa inyo.”“Ano?!” Napanganga si Bravo at mariin siyang umiling. “Hindi, hindi pwede!”Sumimangot naman si Frank. “E kung twenty percent?”“Hindi, nagkakamali ka, Mr. Lawrence.” Agad na naunawaan ni Bravo na mali ang iniisip ni Frank noong tinaasan niya ang presyo. “Hinding-hindi ka namin sisingilin ng halaga na siningil namin sa mga Salazar—labag ito sa konsiyensya namin.”Pagkatapos ay dinagdag niya na, “Paano kung ganito na lang? Yung renta lang sa paggamit sa lupa namin ang sisingilin namin sayo. Hindi rin naman nanggaling sa pera namin ang pabrika at mga makinarya, kaya pwede mo na
“Imposible! Hindi natin sila hahayaang kunin si Walter!”“Oo nga! Lalaban tayo kapag umabot ito sa sukdulan!”“Tama! Hindi tayo natatakot sa kamatayan!”Sumama ang mukha ni Glen habang nakipagtalo ang mga Turnbull. “Lalaban?! Madaling sabihin yan para sa'yo!” sigaw niya. “Wala ba sa inyong nakaisip kung gaano seryosong dagok ito sa pamilya natin kapag nakipaglaban tayo sa mayor ng Morhen?! Hindi lang ang Martial Alliance—kapag pinadala ng mayor ang garrison, talagang katapusan na natin!”Habang nakatitig nang masama sa mga tao sa paligid niya, nagpatuloy siya, “Sa puntong iyon, hindi natin malilinis ang pangalan natin habang tumalon tayo sa bangin na inihanda ng mga kalaban natin para sa'tin! At iyon mismo ang gusto nila—ang labanan natin ang Martial Alliance!”Habang natulala ang karamihan sa mga Turnbull, mayroon pa ring nakipagtalo. “Ano, dapat na lang ba tayong sumuko?”“Oo nga. Kahit sa pinakamagandang sitwasyon, mawawala sa'tin si Walter… At mawawala ang reputasyon nati
“Sandali! Hindi kayo pwede rito!”Matapat na nanindigan ang Turnbull bodyguards at pinigilan ang mga miyembro ng Martial Alljance sa gate. Sumigaw naman si Silverbell sa kanila, “May ebidensya ako ng mga krimen ni Walter Turnbull! Nag-isyu na ng warrant ang mayor ng Morhen! Humarang kayo sa daan namin, at ituturing kayong kalaban ng Martial Alliance at ng Draconia!”Nagkatinginan ang Turnbull bodyguards, ngunit sa huli ay sumuko sila at pinaraan sila. Kahit na magpasya silang makipaglaban sa Martial Alliance, hindi sila ang magdedesisyon nito. Higit pa roon, hindi sila ang nasa tama—may ebidensya ang Martial Alliance at ligal silang nang-aaresto. Kapag nagmatigas sila, katumbas ito ng pagtatanggol sa isang kriminal. Malinaw na naghintay si Silverbell ng ebidensya para makaiwas sa pagpatay, dahil magkakagulo kapag sumugod sila sa Turnbull Estate ng dahil lang sa ilang akusasyon. “Sugod!” Habang pinangunahan ni Silverbell ang mga miyembro ng Martial Alliance, hindi nagtagal
Kahit na ganun, nagdalawang-isip sandali si Frank bago tinapik si Susan sa balikat. “Pasensya na, Mrs. Turnbull—hindi ngayon ang oras para diyan. Kailangan nating malaman kung anong nangyari.”“Anong nangyari…?” Bulong ni Walter. Takang-taka siya habang tumingin siya sa mga miyembro ng pamilya niyang nakapalibot sa kanya. Pagkatapos ay sinampal niya ang noo niya at kumunot ang noo nang naalala niya, “Teka lang, hindi ba dapat dadalo ako sa coming-of-age ceremony ni Denise Laine? Paano ako nakarating dito?”“Iniuwi ka ni Jet.” Lumingon si Glen sa matangkad na lalaking may seryosong mukha na mukhang nasa tatlompung taong gulang. “Jet…?” Nabigla si Walter, dahil si Jet ang lider ng mga blackguard ng mga Turnbull at ang ampon ni George Turnbull. Kung kinailangang ipadala ng pamilya ni Walter ang mga blackguard para iuwi siya, ibig sabihin ay nagkaroon ng malaking problema. “Naaalala mo ba kung anong nangyari sa ceremony kahapon?”“Kahapon?”Napangiwi si Walter habang nagsikap s
"Phew…"Nakahinga nang maluwag si Silverbell nang nakita niya ang tango ni Frank, at lumuwag ang pagkakahawak niya sa espada niya. “Lady Silverbell, ang lalaking iyon…”“Kapatid ko siya,” sabi niya at hindi na nagpaliwanag. “Kapatid, ha… At Lawrence ang apelyido niya… Sa tingin ko naiintindihan ko na,” bulong ng isa sa mga elder sa tabi ni Silverbell. Lumingon si Silverbell sa kanya, ngunit nanatiling tahimik. -Bang!Sinipa ni Frank ang pinto ng Turnbull Hall at halatang naiinis ang lahat ng tao sa loob. Ang iba ay handa pang sigawan siya, ngunit mabilis na tinitigan nang masama ni Glen Turnbull silang lahat kahit na nagulat din siya. Sa sobrang seryoso ng insidente ay nakabitin ang kapalaran ng pamilya niya—hindi ito oras para sa wastong pag-uugali. Lumapit si Glen kay Frank nang nakatango at nagsabing, “Nagkita tayong muli, Mr. Lawrence. Nabanggit na ba sa'yo ng hipag ko ang sitwasyon?”“Oo.” Tumango si Frank. “Nasaan si Mr. Walter? Titignan ko siya ngayon din.”
Sa wakas, sumuko na si Kallum kay Helen. Kahit na malaking dahilan ang investment ni Gene sa tagumpay niya, naintindihan ni Helen na si Frank ang dahilan kung bakit kaya niyang maging chairwoman ng Lanecorp nang ganito kadali at ayusin ang lahat ng problemang kinaharap nila. Gayunpaman, hindi nagtagal si Frank sa Lanecorp. Nang makahinga nang maluwag matapos marinig na sumuko na si Kallum, kaagad siyang umalis. Sumakay siya sa kotse niya at nagmaneho diretso sa Morhen. Halos maluha na si Susan Redford, ang nanay ni Vicky. “Frank… Hindi ako hinayaan ni Vicky na magsabi sa'yo kasi… kumplikado ito. Nilason si Walter at wala pa rin siyang malay, at hindi namin siya matanong kahit na gustuhin namin. At patuloy kaming ginagambala ng Martial Alliance na ibigay siya… Malapit nang sumuko ang mga Turnbull…”“Kalma ka lang, Mrs. Turnbull,” kalmadong sabi ni Frank habang hawak ang manibela sa isang kamay at ang phone niya sa kabila. “Nasaan si Vicky? Nasa Morhen siya ngayon, di ba?”“S
Tumango si Frank kay Will nang binigay niya sa kanya ang pill. “Magaling ang nagawa mo—kagaya ng pinangako ko, heto ang antidote. Aalisin nito ang lason sa katawan mo.”“Salamat, Mr. Lawrence,” sabi ni Will habang marespeto niya itong kinuha.Pagkatapos ay nagtanong si Frank, “Nakikita kong nagsanay ka rin sa martial arts, tama?”“Oh, uh…” Kinamot ni Will ang ulo niya sa hiya at naiilang na ngumiti. “Oo, pero isang basic na style lang kaya…”“Mabuti.” Binigyan siya ni Frank ng isa pang pill. “Isa tong Ichor Pill na magpapalakas sa vigor mo. Hindi ito milagroso, pero maganda rin ito. Inumin mo ito kapag nagsimula kang magsanay ulit, at magiging vigor wielder ka.”“Salamat, Mr. Lawrence!” Sabi ni Will habang masaya niyang tinanggap ang pill, nang may pasasalamat sa mga mata niya. Natural na natuto siya ng martial arts mula kay Sif, na walang pakialam dahil napatunayang mabagal siyang matuto. Para mas lalo pa siyang insultuhin, sinabi niya sa kanyang wala siyang ibang masisisi sa
Pagkatapos, biglang naningkit ang mga mata niya sa pagbabanta. “Kapag nalaman kong binastos mo uli si Mr. Lawrence o sumobra ka, kahit si Ms. Lane ay hindi ka mapoprotektahan mula sa'kin!”Pagkatapos nito, suminghal siya at umalis Nakahinga nang maluwag si Cindy pagkatapos niyang umalis at lumingon naman siya kay Frank. Handa na siyang tumingin nang masama kay Frank, ngunit mabilis siyang yumuko nang naalala niya ang babala ni Gene. “Umalis ka na. Walang lugar ang kumpanya para sa'yo, at wala nang makakapagligtas sa'yo kapag nangyari to ulit!”Pagkatapos ng malalamig na salitang iyon, hinabol ni Helen si Gene at naiwan si Frank kasama ni Will. Mukhang kabado si Will dahil kanina pa siya naghihintay na magsalita. “May mahalagang bagay kang dapat malaman, Mr. Lawrence.”“Mahalagang bagay?” Napahinto ang puso ni Frank dahil alam na niyang kumilos na si Sif Lionheart base lang sa ekspresyon ni Will. Pinasunod niya si Will sa opisina niya, at sa sandaling naupo sila, nagpaliwan
Kahit na paparusahan nang matindi ni Gene si Cindy kung naibang okasyon lang ito, nasa presensya siya ni Frank at nirespeto niya siya. Dahil dito, nagtanong siya, “Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin rito, Mr. Lawrence?”“Ako—”Bago pa nakapagsalita si Frank, bumukas ang pinto ni Helen, at nagmadaling lumabas si Helen matapos marinig ang kaguluhan sa hallway. Muntik na siyang mahimatay sa inis nang nakita niya si Cindy—paanong naroon pa siya at nagdala ng mas marami pang gulo para a kanya?Kahit na ganun, hindi niya hahayaang magkamali siya sa presensya ng iba, at tumango siya kay Frank. “Nakabalik ka na.”Pagkatapos, lumingon siya kay Gene at nagtanong, “At sino naman ang ginoong ito?”Ngumiti naman si Gene. “Isang lalaking binayaran ni Frank para magpanggap na si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast.”Natulala si Helen sa kakaibang pagpapakilala, ngunit may talino siya para maintindihan ito pagkatapos tumingin kay Cindy. “Urgh, malas ka talaga…”Nakahilo
Pasensyoso at seryosong lalaki si Gene pasalamat sa mga taon niya bilang isang negosyante, at hindi talaga siya bababa sa lebel ni Cindy. Gayunpaman, ang mga salita niya ay halatang isang insulto para kay Frank at sa posisyon niya.“Ayos lang, Mr. Lawrence. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko.”Tinaas niya ang isang kamay niya para pigilan si Frank bago siya kumilos at bumunot siya ng isang makintab na gintong cars mula sa bulsa niya. Sa katotohanan, sa sobrang kintab nito ay nasilaw sandali ang mga empleyado ng Lanecorp. “Ano yan?” Kumunot naman ang noo ni Cindy at hindi niya ito nakilala. “Isa itong custom gold card na gawa mismo para sa executives ng Pearce Group. Ang kahit na sinong may dala nito ay kayang bumili nang hindi kailangang magbayad sa kahit na anong establisimyento sa ilalim ng tatak namin.”Nang nakangiti, tinuro ni Gene ang mukhang nakatatak sa gold card. “Ms. Zonda, hindi ba kamukha ko ang tao sa larawang ito?”“Kamukha?” Kinuha ni Cindy ang gold card na