”Atras na!” Sigaw ni Bravo, alam niya na hindi ito ang oras para magtapang-tapangan sila pagkatapos magsalita ni Frank.Nandoon lang ang lupa nila at hindi ito tatakbo, at kaya naman umalis siya, inalalayan siya ng mga tauhan niya habang tumatakbo sila palabas ng pabrika.Doon lamang nila nakita ang manipis na asul na usok sa hangin, halos hindi ito makita ng ordinaryong mga mata.“Nakita ‘yun ni Mr. Lawrence bago natin ‘yun mapansin.” Bumuntong-hininga ang isa sa mga goons, pakiramdam niya ay maswerte siya na nakaligtas sila. “Talagang kahanga-hanga siya!”“Talaga? May mga moves din siya—pinabagsak niya si Mr. Lambert sa loob lang ng ilang sandali, at napakalinis ng kilos niya!”“Sige na, tumahimik na kayo!” Sigaw ni Bravo.Namumula siya habang medyo kinikilabutan siya na napabagsak siya ni Frank.Bilang pinakamahusay na fighter ni Kurt, binuo niya ang reputasyon niya sa nakalipas na mga taon. Natural, medyo hindi madaling tanggapin para sa kanya na madali siyang napabagsak ni
Naglakad si Frank palapit kay Jaud, tumalim ang kanyang mga mata.“H-Hindi…”Nagsimulang pagpawisan ang mga kilay ni Jaud, matagal na niyang sinukuan ang ideya na labanan si Frank ng harapan.At ngayong nakita niya si Frank, ang unang naisip niya ay tumakbo—mas malayo, mas mabuti!‘Bwisit! Hindi ba nangako si Chaz Graves na dadalhin niya dito ang mga Lionheart at papatayin nila ang hayop na ‘to?! Ang tagal na nun, pero heto siya, buhay na buhay pa rin!’Habang nagmumura si Jaud sa isip niya, mayroong ngiti sa mukha niya na mistulang nakasimangot. “Ah, hello, Mr. Lawrence! Matagal tayong hindi nagkita…”Nagpatuloy sa paglalakad si Frank, bumubugso ang nakakatakot niyang aura. “Matagal tayong hindi nagkita, ano? Totoo nga ‘yun, dahil hindi ko pa natapos ang away namin ng mga Salazar.”“Ah, hindi, hindi, hindi…” Mabilis na itinaas ni Jaud ang kanyang mga kamay, mabilis siyang nag-isip ng plano. “Ano ka ba, Mr. Lawrence?! Mula noong mamatay ang anak niya, nagsisi na si Donald Salaza
Nakilala ni Jaud ang mga kilos ni Frank. “Ang Five-Peat Archaeus… ng Mystic Sky Sect?!”“Hindi inasahan na alam mo ang tungkol sa’min.” Lumapit si Frank, nakahanda siyang tapusin ang buhay ni Jaud.Agad na itinaas ni Jaud ang kanyang mga kamay sa pagkataranta. “Hindi, pakiusap! Huwag mo akong patayin, Mr. Lawrence… Tama, sasabihin ko sayo ang isang sikreto ng mga Salazar kapalit ng buhay ko!”Nakahanda na ang kamay ni Frank upang atakihin si Jaud ngunit huminto siya. “Isang sikreto ng mga Salazar?”“Oo.” Umubo si Jaud habang nakahiga siya sa sahig. “Gusto ka pa ring patayin ng mga Salazar. Hayaan mo akong mabuhay, at sasabihin ko sayo ang sikreto nila.”“Magsalita ka na,” sabi ni Frank, malamig ang kanyang ekspresyon.“Kung ganun… Masisiguro mo ba na mabubuhay ako?”“Papatayin kita ngayon kapag hindi mo sinabi sa’kin!”Muling bumugso ang vigor ni Frank, at nanlaki ang mga mata ni Jaud sa harap ng napakalakas na pressure na nagmumula kay Frank.Kahit na nagmamakaawa siya, tinat
Sumimangot si Frank habang ginagamit niya ang kanyang purong vigor. Gumawa siya ng isang martilyo mula sa hangin, at winasiwas niya ito papunta sa dibdib ni Jaud!”“Hindi maaari!”Biglang tumalon sa ere si Jaud, iniwasan niya ang martilyo ni Frank.Malinaw na wala siyang intensyon na labanan si Frank habang tumatakas siya palabas ng pabrika.Base sa kung gaano kabilis ang kilos niya, malinaw na nagpapanggap lang siyang sugatan kanina.“Tatakas ka ngayon? Huli na para dyan!”Konektado pa rin sa kanya ang purong vigor ni Frank kahit na pagkatapos niya itong palabasin—isa itong natatanging kakayahan ng Five-Peat Archaeus.At sa isang kumpas ng kamay niya, pinabalik ni Frank ang martilyo na lumampas kay Jaud pabalik sa kanya.“Ano?!”Inakala ni Jaud na ligtas na siya noong naiwasan niya ang martilyo kanina at hindi niya inasahan na kontrolado pa rin ito ni Frank!Nang lumiko ang martilyo pabalik sa kanya, tumama ito sa dibdib ni Jaud sa pagkakataong ito, dahilan upang tumilapon s
Itinaas ni Bravo ang isang kamay bilang hudyat, at ang lahat ng mga tauhan niya na nagsasawa nang maghintay ay tumayo.May hawak silang lahat na mga sandata, kumikislap ang mga mata nila sa pananabik.Pagkatapos ay dinilaan ni Bravo ang 5Qakanyang mga labi at sumigaw siya, "Nagawan na ni Mr. Lawrence ng paraan yung pangunahing problema natin, at mga tauhan na lang ng mga Salazar ang natitira. Anong kailangan nating ikatakot?! Tara na mga bata! Sugod!”Pinangunahan niya ang mga tauhan niya patungo sa mga tauhan ng mga Salazar na kakalabas lang mula sa pabrika.Nang magsalpukan ang dalawang grupo at nagsimula silang maglaban, hindi na nangialam si Frank. Kung sabagay, laban ito ni Kurt, at dapat ay hayaan din niya ang mga tauhan ni Kurt na magkaroon ng pagkakataong lumaban.Sa halip, dinala ni Frank ang bangkay ni Jaud sa isang tahimik na lugar at hinalughog niya ito.Maraming iba’t ibang klaseng mga lason ang lalaki kasama ang isang libro na tinatawag na Hundred Bane Anthology.P
Habang umiiling si Frank, bigla siyang nagkaroon ng mas magandang ideya at sinabi niya ito kay Bravo, “Paano kung ganito? Malamang wala kayong paggagamitan ng lupang ‘to pagkatapos niyo itong mabawi mula sa mga Salazar. Bakit hindi niyo na lang paupahan ang lupa at ang pabrika kasama ang mga makinarya dito sa’kin? Ten percent na mas mataas kaysa sa binayad sa inyo ng mga Salazar noon ang ibabayad ko sa inyo.”“Ano?!” Napanganga si Bravo at mariin siyang umiling. “Hindi, hindi pwede!”Sumimangot naman si Frank. “E kung twenty percent?”“Hindi, nagkakamali ka, Mr. Lawrence.” Agad na naunawaan ni Bravo na mali ang iniisip ni Frank noong tinaasan niya ang presyo. “Hinding-hindi ka namin sisingilin ng halaga na siningil namin sa mga Salazar—labag ito sa konsiyensya namin.”Pagkatapos ay dinagdag niya na, “Paano kung ganito na lang? Yung renta lang sa paggamit sa lupa namin ang sisingilin namin sayo. Hindi rin naman nanggaling sa pera namin ang pabrika at mga makinarya, kaya pwede mo na
Nanigas si Donald. “Ibalik kayo sa Sage Lake Sect? Anong nangyayari dito?”Higit pa rito, mapagpakumbaba ang tono ni Bocek taliwas sa tono niya noong pumunta siya dito noong inuutusan niya si Donald na gawin ang sinasabi niya.Anong nangyari?Habang nakatulala si Donald, bumuntong-hininga si Bocek. “Hindi ako magsisinungaling sayo. Nabigo ang plano ko, at kinuha ni Frank Lawrence ang Goldeater Cane habang sinira naman niya ang cultivation ko. Wala kaming laban sa kanya… Hindi, maging ang buong Sage Lake Sect ay walang laban sa kanya. ‘Yun ang dahilan kung bakit babalik kami ng anak ko upang balaan ang chief, pagkatapos ay aalis kami sa sect at iiwan na namin ang lahat ng gulong ito.“Payo ko lang din sayo na isuko mo na ang balak mong paghihiganti kay Frank Lawrence… ‘Yun ay, kung mahalaga pa sayo ang buhay mo.”Halos mabasag na ang armrest ng upuan ni Donald sa sobrang higpit ng hawak niya dito, namumula ang kanyang mga mata habang unti-unti siyang nawawala sa katinuan.Mga wala
Kahit na tumingin si Bocek sa lumuluha na mga mata ni Quinn, sumigaw siya, "Tumakbo ka! Huwag kang mag-alala sa akin—nabaliw na si Donald, at dapat mong sabihin sa pinuno ang tungkol sa nangyari rito! Babalaan siyang huwag maghiganti kay Frank... Kung ipipilit niya , maaari niyang makuha ang ulo ni Donald!""Father!" Miserable si Quinn.Siya ang nagmungkahi na humingi sila ng tulong kay Donald. Pagkatapos ng lahat, wala silang pupuntahan, at si Bocek ay nangangailangan ng agarang paggamot o ang kanyang mga pinsala ay lumala nang sapat upang mapatay siya.Naturally, naniniwala siyang tutulong ang mga Salazar para sa kapakanan ni Drakon Salazar, para lang biglang sumimangot si Donald.Ngayon, papatayin sila ni Donald at isisi kay Frank ang kanilang pagkamatay!"Tumakbo ka lang, Quinn!" Inulit ni Bocek, nang makitang si Donald ay tunay na nawala sa kanyang isip at patay na patay sa pagpatay kay Frank.Walang paraan na tatakbo siya dahil nasaktan siya nang husto at nasa kamay ni Do
Halatang sinusubukang umiwas ni Peter sa responsibilidad. Gayunpaman, tumayo si Kit, naglakad papunta kay Peter, at hinablot siya sa kwelyo habang sumigaw siya, “Ikaw ang nakaisip ng lahat ng ito! Niloko mo ang nanay mo gamit ng lupang yun para makuha ang pera niya—tignan mo ang nangyari! Binigyan mo lang sila ngayon ng pera!” Binato niya si Peter sa sofa at sumigaw, “May tatlong araw ka. Bawiin mo ang lupang iyon sa kung magkano mo ito ibinenta, kundi ay pupugutan kita ng ulo!”"Security!"Habang hinampas ulit ni Kit ang mesa niya, bumukas ang mga pinto ng opisina niya. Pumasok ang dalawang maskuladong bodyguard na may taas na dalawang metro habang tinuro ni Kit si Peter at sumigaw, “Iitsa niyo siya palabas!” “Masusunod, Mr. Jameson,” sagot ng mga bodyguards, pagkatapos ay dinampot si Peter nang parang pusa at initsa siya sa kalsada. “Sumosobra na kayo!” Sumigaw si Peter habang bumangon siya, pinaglaban ang damit niya, at sumigaw sa opisina ng Zomber Group, “Paano ko nam
Pagkatapos ay iniabon ni Frank si Winter mula sa bathtub at nilagay siya sa kama. Pwede niya siyang iwan nang ganyan, pero nang makitang malalim ang tulog niya at basang-basa siya, sumuko siya pagkatapos ng mahabang pagdadalawang-isip. Tiyak na magkakasipon siya kapag nagpatuloy siyang matulog nang ganito, at wala siyang malalaman dahil tulog siya. Pinunasan siya ni Frank, pagkatapos ay kumuha ng damit mula sa damitan niya at tinulungan siyang magbihis. Ginawa niya ang lahat para hindi tumingin, pero nakita pa rin naman niya. Nakakailang ito, pero natapos niya ito sa huli at nakahinga nang maluwag habang tumakas siya mula sa kwarto ni Winter. -Natakot din si Frank na manatili sa Skywater Bay dahil magiging nakakailang ang sitwasyong paggising ni Winter, kung kaya't tumakas siya ng Riverton pagsapit ng gabi. Sa sumunod na araw, nagpakita siya sa opisina ng Lanecorp sa Zamri at maagang pumasok sa trabaho. Kahit na ganun, bilang head ng health and security department ng
“Nadroga ka. Magtiis ko na lang muna—tutulungan kita pag-uwi natin.”Pinagngitngit ni Frank ang ngipin niya para tiisin ang lambot habang nakatuon ang mga mata niya sa daan. “Oh… Sige…” umungol si Winter habang maamo siyang tumango. Nang nakauwi na sila sa wakas sa Skywater Bay, dinala niya si Winter sa kwarto niya. Mabuti na lang at walang ibang tao sa mansyon. Aligaga si Carol Zims sa snackbar niya, habang bumalik sina Noel York at Kat Yego sa opisina ni Noel pagkatapos ng perfomance nila sa convocation at hindi pa sila nakakauwi. Isa itong pambihirang pagkakataon…Sinampal ni Frank ang sarili niya at mapait na tumawa—pambihirang pagkakataon?! Ano yun?!Hinanda niya ang pampaligo, tinunaw niya ang antidote dito at pinalakas ang solusyon gamit ng pure vigor niya. Hindi nagtagal, isang sariwang bango ang nagmula sa bathtub. “Sige na, Winter. Ngayon—”Lumingon si Frank, ngunit nakita niya si Winter na nakasuot lang ng underwear at parang lasing na nakangiti sa kanya n
"Frank…"Biglang lumapit si Winter kay Frank, sabay sumandal sa kanya at kumapit sa braso niya habang hiningal at nagmakaawa, “K-Kalma ka lang, Frank… Magkakaproblema ka… kapag pinatay mo siya—”Bago pa siya nakatapos, pumikit ang mga mata niya at bumagsak siya sa lapag nang walang malay. "Winter!"Nang makitang mawalan ng malay si Winter, walang oras si Frank para kay Bill—initsa niya siya, pagkatapos ay binuhat niya si Winter at pumikit para pakiramdam siya. Hindi nagtagal, nakaramdam siya ng apoy na nagsisimula sa loob ng katawan niya at nagtaka siya sa umpisa. Kahit na ganun, bigla niyang naalalang pinilit siya ni Bill na uminom ng wine, na nilagyan siguro ng gamot na nagpapasabik sa katawan. “Hayop ka!”Nakikita ni Frank kung anong binabalak ni Bill at kaagad siyang nagalit. Ngunit sa dami ng mga nanonood sa kanila, hindi niya pwedeng gamutin si Winter dito at napilitan siyang pakawalan si Bill. Kahit na ganun, habang dala niya si Winter palabas ng hall, inapakan n
Whoosh!Inihampas ni Frank ang machete pababa ngunit huminto sa tapat ng mukha ng sanggano. Kaagad na natakot ang sanggano at naihi sa pantalon niya sa sandaling iyon. “Lumayas kayo!” Sigaw ni Frank na tumingin sa paligid—huminto lang siya dahil maraming mga estudyante sa paligid, at matatakot sila kapag pinagpapatay niya silang lahat. At nang dahil nakita nila kung anong nangyari naintindihan ng mga sangganong kayang lumaban ni Frank at baka nga isa pa siyang martial artist. Hindi magiging banta sa kanya ang mga mahihinang kagaya nila at malulumpo lang sila habangbuhay. Nang maisip iyon, nagsimulang tumakas ang bawat isang sanggano, nang hindi nababahala sa pagsigaw nang malakas ni Bill, “Tumigil kayong mga hayop kayo! Hindi ko kayo binayaran para maging duwag! Sugurin niyo siya!”Nahuli pa nga niya ang isa sa mga tumatakas na sanggano. Hinawakan niya siya sa manggas at pinigilan siya tumakbo. Nakatitig ang sanggano habang naglakad si Frank papunta sa kanya at tumitig na
“Wag mo kong alalahanin, Frank! Umalis ka na!”Sigaw ni Winter, kahit na nanlalaban siya sa hawak ni Bill. Isa talaga siyang mabuting bata. Kumbinsido siyang walang laban si Frank sa limampung nakakatakot na sanggano!“Hah!” Suminghal naman si Bill. “Kasalanan mo to sa pagpapahiya mo sa'kin, pero wag kang mag-alala—pagkatapos ko sa'yo, mamahalin ko nang maayos ang kapatid mo.”Hinila niya si Winter sa buhok, pagkatapos ay pinadaan ang ilong niya sa pisngi niya at huminga nang malalim bago umungol, “Oh, ang kababaihan ng Draconia. Napakatamis talaga ng amoy nila, di ba? Tsk, tsk… Nakakahanga talaga ang kapatid mo! Hahaha!”Habang tumawa si Bill, tumulo ang mga luha ni Winter sa sakit ng anit niya, ngunit nanlaban pa rin siya. “Takbo, Frank!” sigaw niya. “Pasensya ka na talaga… hindi na dapat kita sinabihang pumunta…”Nanatili lang si Frank sa kinatatayuan niya. Pumikit siya at huminga nang matagal. Nang binuksan niya ulit ang mga mata niya, napakalamig ng titig niya. “Bibigya
“Mas magaling kaysa sa'yo?”Tumaas ang kilay ni Jean at tumawa siya nang malakas. “Nakakatawa ka talaga, Mr. Lawrence—mas magaling ka pang manloko kaysa sa mga negosyante. Ang ganda ngang pakinggan, pero gaano karaming tao ba sa mundong ito ang mas magaling kaysa sa'yo?”“Ahem. Masasabi kong… napakarami nila.” Kinamot ni Frank ang tungki ng ilong niya. “Alam mo talaga kung paano mambola ng lalaki, Jean, pero isa lang akong lalaking ikinasal sa pamilya ng asawa niya at pinalayas pagkatapos.”“Sige, wala nang halong nito.” Naging seryoso ang ekspresyon ni Jean habang tinitigan niya siya nang maigi. “Sapat na ang pag-oobserba ko kay Winter para makitang seryoso siya sa'yo. Pero kung may pakialam ka kay Winter, hindi ka dapat magpakita ngayong araw o masyadong nagyabang. Ngayong ginawa mo yan, kailangan mong maging responsable—naiintindigan mo ba yun, Mr. Lawrence?”Gayunpaman, nahiya si Frank. Mas bata si Winter sa kanya, at ipinagkatiwala siya ng mentor niya sa kanya. Kapag nagka
Halatang marami pang sasabihin si Winter, pero wala siyang nagawa kundi umalis sa entablado. Pagkatapos niya, habang tinanggap ni Jean ang sertipiko niya, nagtanong siya nang pabulong, “Mr. Lawrence, sabihin mo sa'kin—anong tingin mo kay Winter?”“Kay Winter?” Kampanteng ngumiti si Frank. “Siya ang nakababata kong kapatid na ipinagkatiwala sa'kin ng mentor ko para alagaan habangbuhay.”“Ah, naiintindihan ko na.”Tumango si Jean, na yumuko kay Frank bago umalis sa entablado kasama ng sertipiko niya. Nanood si Frank habang umalis siya. Inisip niyang mas matanda siyang mag-isip kumpara sa mga kaedaran niya. -May aftershow pagkatapos ng convocation ceremony, kung saan tumayo si Noel sa entablado para kumanta sa mga tao. Isa talaga siyang sikat na bituin, natulala ang lahat sa kanya niya kahit na pag-arte ang espesyalidad niya. Pagkatapos niyang umalis sa entablado, isang nakakagulat na mukha ang lumitaw. “Hoy, Master Lawrence! Pumasa ako sa entrance exams para sa Riverton
Pagkatapos lumabas ni Bill ng convocation hall, tahimik na tahimik ang seremonya—sa sobrang tahimik ay baka kaya nilang marinig ang karayom na bumagsak sa lapag. “Urgh… Ang tigas ng ulo niya. Sayang lang ang pagsisikap ng tatay niya.” Bumuntong-hininga si Dan habang nanood siya. May talento si Bill at ginusto niyang kunin siya bilang estudyante. Ang totoo, ginawa ni Dan iyon para palusugin ang isip ni Bill, para matutunan niya ang pagpapakumbaba at katapatan. Natural na binalak niya ring ipakita kay Frank ang iniisip niya sa usaping ito, at malay nila baka palampasin ni Frank ang ginawa ni Bill at magbigay pa ng ilang payo?Gayunpaman, hindi ito tinanggap ng batang iyon, na lumayas pa nga at iniwang dismayado si Dan. Nahimasmasan rin si Dan. “Umalis siya, at yun na yun. Walang pagkadismaya rito—malinaw na masama ang pag-iisip niya sa kabila ng talento niya.”Gayunpaman, ang hindi alam ni Dan, binigyan si Bill ng tatay niya ng malinaw na utos na kunin ang Riverton University g