Pinagpawisan ang noo ni Aria habang nakatayo siya sa may sulok. Sa may White Court Hall siya naghanda para mapaniwala niya si Frank na may nangyari sa kanila ng lasing ito.Alam niya na may mga kamera sa may pasilyo at sa elevators, pero meron ding mga voyeurs…?!Ibig sabihin ba nito ay nakuhanan ng video ang ginawa niya kagabi, at ang anak ni Eron ay gustong sabihin kay Frank ang tungkol dito?Kalimutan mo na ang galit ni Frank kapag nabuking siya at bawiin lahat ng binigay nito sa kanya—ang buhay marangya niya na inaasam ay maglalaho na parang bula!Kahit na naisip niya ang bagay na yun, pinilit ni Aria na ngumiti sabay nilingon si Frank. “Medyo napagod ako… Mauuna na akong pumasok ng kwarto ko.”“Sige, sige,” tugon ni Frank, na naghihinala na matapos makita ang kakaibang reaksyon nito. Bukod pa doon, isa siyang Birthright rank elite at may matinding disiplina, bukod sa sinuri niya ang buo niyang katawan pagkatapos at wala naman siyang nahanap na kakaiba. At kung talagang
Subalit, hindi man lang natinag si Frank.Ngayon na pinaghihinalaan na niya si Aria, hindi na niya ito bibigyan pa ng pagkakataon. “Abala ako,” sabi niya, saka binato ng jacket si Aria at tinulak ito palabas at kinandado ang kwarto pagkatapos. “Sa susunod na lang.”“Hoy!”Naiwan si Aria na nagpapapadyak sa labas sa sobrang inis.Nagkataon naman na nakita ni Winter ang pangyayari nang lumabas ito ng kwarto, at mukhang may iniisip ito. Sumunod na umaga at matapos ang isang mahimbing na tulog, sinama ni Frank si Aria at dumiretso sa White Hall sa may Southstream. Halatang nag-aalangan si Aria na umabot na sa punto na hinikayat siya nito. “Frank, bakit hindi na lang ikaw ang pumunta doon? Abala din ako…”“May kailangan lang akong tiyakin. Huwag kang mag-alala, wala akong gagawin sayo,” malamig na tugon ni Frank. Lalong nataranta si Aria dahil sa malamig na reaksyon nito , at lalo naging madilim ang ekspresyon nito habang papunta sila ng Southstream. Dalawang oras lang ang
Hindi natuwa si Frank habang naglalakad siya papasok ng guest room, kung saan kanina pa naghihintay si Kim kasama si Liv Dawson. Napakaganda ni Kim dahil sa mahaba, medyo kulot na itim na buhok at puting dress, at kaagad itong tumayo nang makita nito si Frank. “Mr. Lawrence.”‘Kamusta ka naman? Tuluyan ka na bang magaling?” Magalang na tanong ni Frank.“Opo, salamat lahat sa inyo, Mr. Lawrence,” tugon ni Kim. “Mabuti naman.” Tumango si Frank, pakiramdam na para bang nag-aksaya lang siya ng laway—mas alam niya ang kondisyon ng katawan ni Kim kaysa kay Kim mismo. Bukod sa ginamot niya ang natamo nitong pinsala sa loob, tinanggalan din niya ng bara ang mga meridians nito para maging mas madali ang cultivation nito. Si Aria, na kakapasok pa lang sa loob ng guest room, ay napatingin kay Frank dahil sa pagkabigla, dahil hindi nito inaasahan na may alam pala ito sa medisina. Gayunpaman, ang atensyon nito ay mabilis na nabaling sa walang kapantay nitong kagandahan. Kahit na naape
Habang tumatawa si Frank, nabigla naman si Kim. “Anong sinabi niyo, Mr. Lawrence?”“Wala lang.” Kumaway si Frank. “Kung ganun, kailan gaganapin ang recruitment tourney?”“Bukas ng tanghali.”“Bukas?” Napaisip si Frank. Sinuri ni Kim ang ekspresyon nito at sinabi, “Tatlumpung minuto lang ang layo nito mula dito. Bakit hindi ka na lang magpalipas ng gabi dito kung ayos lang sayo?”“Sige,” tugon ni Frank, hindi nahiya mula sa pagtanggap sa alok nito. At base sa naging reaksyon ni Kim, marami pa itong gustong sabihin—ngayon naman ay tungkol sa kung ano ang nangyari sa White Court Hotel.Bigla, tumayo si Aria at pilit na ngumiti, “Mukhang isa itong sensitibong isyu, kaya lalabas na muna ako sandali.”Sinuri siya ni Kim at hindi ito pinigilan, nilingon pa nga ni Kim si liv. “Samahan mo si Ms. Lond na mamasyal sa hardin.” Subalit, halatang ayaw ni Liv kay Aria. “Ayoko ko nga.”Hindi naman nagwala si Aria kagay ng kanina, sa halip ay naiilang itong ngumiti. “Huwag kang mag-alala.
Inis. Ito lang ang nag-iisang bagay na naramdaman ni Aria habang naglakad siya sa hardin ng White Hall. Hindi niya makita ang kagandahan ng matingkad na bulaklak sa paligid niya. Hindi niya makalimutan ang kalmadong ngiti ni Kim at humigpit ang mga kamao niya habang nagmura siya, “Bwisit silang lahat! Si Jean, si Winter, ang White family… Lahat sila! Wala sa kanila ang kayang makakitang mas gumanda ang buhay ko kaysa sa kanila! Sinaktan ko ba sila?!”Tumindi ang pagmamaktol niya habang nagpatuloy siyang magreklamo, bago siya napagod at bumagsak sa sofa nang umiiyak. “Ano bang ginawa kong mali? Gusto ko lang ng magandang buhay! Tapos sinira niyong lahat ang mga pangarap ko!”Habang lumakas ang mga hikbi niya, natawag niya ang atensyon ni Eron.May pagkamuhi sa una niyang tingin sa kanya, ngunit bigla siyang nagkaideya. Pumalakpak siya habang nakangisi, pagkatapos ay nagpakita ng mabait na mukha nang nagtanong siya, “Aria Lond, tama? Di ba ikaw ang kasintahan ni Mr. Lawrence?”
Gayunpaman, napangiwi si Aria nang may naalala siya at mabilis na nagtanong, “Paano naman pagkatapos kong umalis sa White Hall? M-Mapoprotektahan mo pa rin ba ako pagkatapos nito, Mr. White?”“Oh, yun lang…” Umiling si Eron nang para bang namomroblema. “Pasensya na, Ms. Lond… Pero kapag umalis ka, hindi makikisama sa’tin si Mr. Lawrence.”Nagulat si Aria at bumagsak muli ang puso niya pagkatapos niyang makahanap ng ginhawa kanina lang. “Mr. White, pakiusap, kailangan mo kong tulungan,” nagmakaawa siya. “Kausapin niyo si Frank. N-Nagkamali lang ako. Wala akong binabalak na masama. Mahal na mahal ko lang talaga siya kaya…”Nang makita kung gaano kadaling utuin si Aria, mas lalong minata ni Eron si Aria sa puntong ito. Kahit na ganun, pinigilan niyang makita ang iniisip niya dahil kailangan niya siya para sa mga plano niya. Nagpanggap siyang nag-iisip nang malalim, pagkatapos ay lumapit siya para tulungan siyang tumayo at bumulong sa tainga niya, “Ang totoo, walang paraan para ma
Sa hapon, pumunta si Liv sa kwarto ni Frank habang nagsasanay siya at prangkang nagsabi, “Frank Lawrence, mas mabuti kung lumayo ka na.”Kumunot ang noo ni Frank at nagtaka sa mga sinabi niya. Lumayo? Bakit?”“Wag mo kong simulan.” Suminghal si Live habang umupo siya sa sofa at dumekwatro habang mayabang siyang nagpatuloy, “Nakahanap na ang tatay ni Kim ng fiance para sa kanya. Dumistansya ka na mula kay Jim kung alam mo kung anong makabubuti sa'yo.”“At ano namang kinalaman nito sa'kin?” Nagtaka lang si Frank kay Liv. Nainis si Liv sa sagot niya at napatayo siya, dinuro ang ulong niya habang nagwala siya, “Di mo ba nakikita?! Gusto ka ni Kim! Hindi ko nga malaman kung ano bang meron sa'yo, pero baliw na baliw siya sa'yo sa paglipas ng bawat isang araw! Kaya makabubuti sa'yo kung lalayo ka sa kanya para sa kaligayahan niya!”“Kung ganun, siya ang kausapin mo. Bakit ako?”Walang nasabi si Frank at sinenyasan siyang umalis. “Wala akong pakialam sa kung anong gawin ni Ms. White, en
Sa Skywater Bay, nabigla si Winter.“Magbakasyon? Paano si Aria…”“Wag kang mag-alala, Winter,” pinagaan ni Frank ang loob niya. “Lumalabas na isa lang itong hindi pagkakaunawaan—walang nangyari sa’min ni Aria.”Napahinto si Winter at nabagsak niya ang phone ni Carol nang may malakas na kalabog. “Winter? Winter?” Tinawag siya ni Frank mula sa kabilang linya. Lumingon si Winter sa nanay niya ang hindi makapaniwala. “Ma… Tama ba ang narinig ko? Kurutin mo ko! Totoo ba to?” “Ikaw talaga.” Ngumiti si Carol at umiling habang umalis siya para magluto ng hapunan. “Oh, nandito pa rin ako, Frank,” sabi ni Winter habang nagmamadali niyang dinampot ang phone mula sa lapag at kaagad na nanumbalik ang kadalasang sigla niya. “Sa susunod na dalawang araw ba? Walang problema—wala akong gagawin sa araw na yun.”“Sige, pangako yan.”“Sige!”Napatalon sa tuwa si Winter nang binaba niya ang tawag at ibinagsak ang sarili niya sa sofa, pagkatapos ay sinabi kaagad kay Jean ang tungkol sa mabuti