”Pirmahan mo ‘to para ma-finalize ang divorce niyo kung wala ka nang mga katanungan,” ang sabi ng babaeng nakasuot ng bulaklaking damit at itinulak niya ang isang piraso ng papel papunta may Frank Lawrence. Nakaupo sila sa Lane Manor, at nagsalubong ang matatalas na kilay ni Frank habang nakatitig siya sa divorce agreement bago siya lumingon sa babae na mother-in-law niya, na si Gina Zonda. “Ano ‘to?”Itinupi ni Gina ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib at sinabing, “Kakatapos lang maging pampubliko ang Lane Holdings—ibig sabihin lang nito na lalo lang lumalaki ang agwat sa pagitan ninyo ni Helen. Tutal wala ka namang maitutulong sa kanya sa career niya, ang tanging magagawa mo lang ay hilahin siya pababa, at dahil dito ay mas mabuting hiwalayan mo na siya sa lalong madaling panahon.”Ngumiti ng mapait si Frank. “Ito ba ang iniisip ni Helen, o ito ba ang iniisip mo?”Sumimangot si Gina. “Ito ang iniisip ng bawat miyembro ng pamilya ko. Siguro nga si Henry ang nagtakda
Paglabas ni Frank ss Lane Manor, lumingon siya upang tingnan ang lugar kung saan siya tumira ng tatlong taon. Mag-isa siyang pumunta dito at ngayon ay umalis siya ng walang kahit ano. Sa sandaling iyon, isang Rolls-Royce ang mabilis na umaandar papunta sa kanya mula sa malayo, na huminto sa may tabi niya. Bumukas ang pinto, at isang lalaki na nakasuot ng isang suit ang bumaba, at ngumiti habang naglalakad siya papunta kay Frank. “Mr. Lawrence…”“Anong ginagawa mo dito?” Nagtanong si Frank habang pinagmamasdan niya ang lalaki—siya si Trevor Zurich, ang CEO ng Trevor International. “Nakipag-partner ako sa asawa mo kamakailan para sa isang development project sa West City, at nagpunta ako upang pag-usapan ang mga detalye kasama siya,” ang sabi ni Trevor. Tumango si Frank ngunit sinabi niya na, “Hindi niyo kailangang mag-usap—nakuha na ni Helen ang suporta ng Wesley family at hindi na niya kailangan ang suporta natin, at hindi ko na siya asawa.”“Ano?!” Napasigaw si Trevor, hin
Natutulog si Frank sa kotse ni Trevor noong tumunog ang phone niya, kaya nagising siya.Nang makita niya na si Helen ang tumatawag, sinagot niya ito at agad niyang narinig ang kanyang malamig na tanong, “Frank, kasama mo ba si Mr. Zurich ngayon?”Tumingin si Frank kay Trevor, na nakaupo sa tabi niya. “Oo.”Huminga ng malalim si Helen upang pakalmahin ang kumukulo niyang dugo—tila hindi nagsisinungaling si Peter!“Dismayado ako sa’yo, Frank,” ang sabi niya. “Kung masama ang loob mo, pwede mong sabihin sa pagmumukha ko—bakit siniraan mo ang pamilya ko?”Hinimas ni Frank ang kanyang sentido nang sumagot siya, “Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa’yo na hindi ko ginawa ‘yun?”“Kung ganun, bakit aalis si Mr. Zurich pagkatapos niyang dumating sa tapat ng pinto ko?!” Ang tanong ni Helen. “Kinansela din niya ang partnership namin!”“Desisyon ‘yun ni Trevor at wala yung kinalaman sa’kin.”Kumbinsido si Helen na si Frank ay isang duwag at hindi niya ito aaminin, nanggalaiti si Helen at ma
Pow! Pow! Pow!Nagbitak ang hangin sa kwarto.Malakas at puno ng determinasyon ang mga pag-atake ni Yara, nakipagpalitan siya ng higit sa isang dosenang suntok kay Frank nang wala sa oras.Walang intensyong manakit si Frank, gayunpaman, sapat lamang ang ginagawa niya upang ipagtanggol ang kanyang sarili.Kahit na wala siya sa peak condition niya, hinding-hindi siya matatalo ni Yara."Tama na, Yara," ang sabi ni Vicky mula sa kama.Ginawa ni Yara ang sinabi sa kanya, bagama't binigyan din niya si Vicky ng isang naagrabyadong tingin. "Yung batang yun...""Tama na," mataray na sabi ni Vicky. "Magpakita ka naman ng respeto—nandito si Mr. Lawrence para tulungan ako."Sa totoo lang, nagalit din si Vicky kay Frank, dahil ang ama ni Yara ang kanyang guro.Gayunpaman, bilang tagapagmana ng legacy ng kanyang pamilya at bilang isang martial arts prodigy, dapat siyang manatiling kalmado sa lahat ng oras.Bukod dito, nasabi niya kaagad na ang mga kakayahan ni Frank ay namumukod-tangi nang
"Tapos ka na bang tumitig?" Hindi napigilan ni Yara na sitahin si Frank, tiyak na nakikita niyang nakatitig siya kay Vicky.Kahit na napatunayan ni Frank ang kanyang husay sa martial arts, naghinala siya na sinasamantala niya si Vicky, at sinabing para sa panggagamot ang paghuhubad ng kanyang damit.Ngumiti si Frank, walang bakas ng kahihiyan sa kanyang mukha habang seryoso niyang sinabi na, "Hindi ko maiwasang mapatitig. Ganun lang talaga kaganda si Ms. Turnbull.""Haha." Natawa si Vicky. "Tapat ka, hindi ba?"Talagang nagulat siya na inamin ito ni Frank nang buong tapang, hindi tulad ng mga nagpapakilalang maginoo na hindi kailanman umamin sa kanilang mga aksyon.Bigla siyang nagpakita ng kakaibang ngiti kay Frank, sinabi niya na, "Pwede mo akong titigan hangga’t gusto mo kapag napagaling mo ako.""Hindi na kailangan. Ang mga magagandang bagay ay hindi malilimutan mula sa unang tingin," ang sabi ni Frank habang umiiling siya.Paglabas niya ng isang karayom, ang kanyang mga dal
Huminto ang isang Rolls-Royce sa tabi ni Frank nang makalabas siya sa villa ng mga Turnbull.Bumaba si Vicky, at nagtanong, "Saan ka nakatira, Mr. Lawrence? Pwede ba kitang ihatid?"Napaisip si Frank at napabuntong-hininga. "Balak ko lang sanang tumuloy sa isang hotel."Wala siyang sariling bahay sa Riverton, at hindi na siya makakabalik sa Lane Manor pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Helen."Oh..." Napaisip si Vicky ngunit hindi na siya nagtanong tungkol dito. "Kung ganun maswerte ka—mayroon kaming mahigit limampung hotel sa Riverton. Hayaan mong maghanda ako ng isang suite para sa’yo, para maihatid ko sa’yo ang wonderroot pagdating nito."Napaisip si Frank at tumango. "Sige."Sumakay siya sa backseat kasama si Vicky habang nagmamaneho si Yara, ngunit huminto siya sa gate.“Anong problema?” Tanong ni Vicky."May humintong kotse sa unahan, at hindi ko alam kung para saan," reklamo ni Yara.Sumilip si Frank sa bintana ng kotse at napansin ang isang lalaking nakasuot ng suit na
Hindi man lang natakot si Peter at inambahan niya ng kamao niya si Frank habang sinasabing, "May lakas ng loob ang isang walang kwentang katulad mo na sagutin ako?! Tuturuan kita ng leksyon para sa kapatid ko ngayon din!"Bigla siyang sinipa ni Frank sa sikmura sa mga sandaling iyon, dahilan upang tumalsik siya ng parang isang bala."Argh!" Namutla sa takot ang girlfriend ni Peter at nagmadaling lumapit sa kanya. "Ayos ka lang ba, mahal?!"Sa malapit, malamig na nakangiti si Vicky.Sinubukan niyang saktan si Frank? Ang tapang talaga ng bwisit na ‘to.Pagkatapos nun, mas naging interesado si Vicky sa 'Helen' na binanggit ni Frank."Bwisit ka..." Namilipit ang mukha ni Peter dahil sa sakit sa kanyang tiyan—parang isusuka niya ang kanyang bituka!Nanlilisik ang tingin niya kay Frank, at sinabi niya na, "A-Ang lakas ng loob mo na saktan ako!"Nanatiling kalmado at mahinahon si Frank. "Palalampasin ko ang ginawa mo alang-alang sa ate mo. Pero ngayong pinutol ko na ang ugnayan ko sa
Sumakay si Frank ng taxi papuntang Laneville kinagabihan at nagulat siya nang makitang naghihintay si Gina sa pintuan.Nang makita siyang dumating, agad na lumapit sa kanya si Gina at nagbabala, "Alam ko na alam mo kung ano ang dapat at hindi dapat sabihin kapag nakita mo ang matanda mamaya."Humalakhak si Frank. "Dapat itaboy mo na lang ako kung nag-aalala ka ng ganyan.""Ano?!" Tiningnan siya ng masama ni Gina, gulat na gulat siya na pagsasalitaan siya ng ganun ni Frank.Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Frank at pumasok na si Frank sa loob.Kung tutuusin, wala na siyang dahilan para magbait-baitan sa Lane family ngayong hiwalay na sila ni Helen!Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya, nakita niya si Henry na nakatayo doon suot ang isang apron, at kakatapos lang magluto."Anong okasyon sir? Ang daming pagkain," ang sabi ni Frank.Nakangiti si Henry nang makita niya si Frank at lumapit siya para hawakan ang kanyang kamay. "Oh, nandito ka na pala, Frankie—malalaman mo din maya-
”Ah, tama…”Mukhang problemado ang mga stewardess, ngunit dahil hindi nagsalita si Frank, wala silang pagpipilian kundi damputin ang mga piraso sa paligid niya, at nilagay nila ang lahat ng ito sa isang bag bago nila ito ibinigay sa kanya.“Salamat." Pinasalamatan sila ni Frank.Nagulat ang mga stewardess, dahil inakala nila na magagalit si Frank, ngunit sa halip ay nagpasalamat siya sa kanila.“Sige na, sigurado ako na may sariling dahilan si Mr. Lawrence, at hindi na mahalaga kahit na mga piraso lang ito.” Agad na sinubukang magdahilan ni Travis para kay Frank.Kung sabagay, nabasag ang bato sa mga kamay ni Frank—sapat na iyon para depensahan ang kanyang sarili kung sakaling magreklamo si Frank.Gayunpaman, kailangan niyang maging mabait kay Frank, at agad niyang inilabas ang susunod na item sa kanyang koleksyon.Sa kabilang banda, nakatuon ang buong atensyon ni Frank sa sarili niyang katawan, hindi siya interesado sa anumang bagay na pinapakita ni Travis mula sa puntong iyon.
At ang dugo sa bato ay ang essence ng chief ng Mystic Sky Sect, na nabigo sa kanyang transcendence nang salakayin siya ng hukbo ng mga martial artist.Sa kabila ng pagkabigo niya, ang chief ng Mystic Sky Sect—ang guro ni Frank—ay nagawang magcultivate ng kaunting sage aura.At taglay ito ng dugo na nasa batong ito.Mula man ito sa prinsipyo o sentimyento, hindi hinayaan ni Frank na mapunta ang bato sa mga kamay ng ibang tao.Ang dugo sa batong iyon ay kumakatawan sa poot at galit ng kanyang guro.Ang kumakatawan sa trahedyang nangyari sa Mystic Sky Sect.Ang kumakatawan sa tatlong taon na nagpalutang-lutang si Frank.Kaya naman, napakahalaga ng batong ito para kay Frank—bibilhin niya ito kahit sa halagang isang trilyon, lalo na sa halagang limang bilyon.Nang makabayad na si Frank, ibinigay sa kanya ang pulang bato gaya ng hiling niya.Naramdaman niya na mainit ito nang mahawakan niya ito, para bang hindi pa tuyo ang dugo sa batong ito.Halos hindi mapigilan ni Frank ang kany
Maaaring ang bato ay talagang isang kayamanan, pero baka sinadyang pababain ni Frank ang halaga nito para hindi makipagkumpetensya ang ibang bisita?Sa isip na iyon, biglang naging interesado ang lahat, habang si Travis ay natuwa.Ang ginawa ni Frank ay talagang nagpo-promote ng bato!Ngumingiti, tinanong niya, "Patawarin mo ang aking kamangmangan, Ginoong Lawrence, pero palagi ko itong tinatrato bilang isang pulang batong mahalaga. Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ito, kung hindi ito isang batong mahalaga?""Talagang isang normal na bato lang ito," sabi ni Frank nang kalmado, sa kabila ng naguguluhang tingin sa kanyang mga mata. "Gayunpaman, may espesyal na kahulugan ito sa akin, kaya't bibilhin ko ito.""Pfft."Tumatawa si Hugh—talaga bang iniisip ni Frank na mga tanga sila?Isa man itong gemstone o hindi, ang katotohanan na sinabi ni Frank na wala itong halaga habang sinusubukan niya itong bilhin ay nangangahulugan na may kakaibang nangyayari dito.Malamang nag-aalala
Walang kaduda-duda, ang kahoy na iskultura ay hindi gaanong mahalaga, at ito ay binili sa halagang 400 grand.Pagkatapos noon, nagpakita si Travis ng isang set ng porselanang pinggan.Tumango si Frank, na walang nakitang depekto—kahit na wala namang tumatawag sa kanyang pansin, hindi peke ang mga pinggan, at ito ay ibinenta sa halagang 150 milyon.Sa simula, huminga ng maluwag si Travis dahil hindi nagsasalita si Frank—tila ang pagpipinta ang naging eksepsyon.Habang ang kanyang isip ay napakalma, ipinakita niya ang isa pang bagay mula sa kanyang koleksyon: isang pulang coral na kristal."Mga kaibigan, ang pulang kristal na korales na ito ay hinugot mula sa Timog Dagat," sabi niya nang may pagmamalaki. "Ito ay isang tunay na bihira at nagkakahalaga ng kayamanan ng isang hari, at hindi ko ito kailanman ibebenta kung hindi dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.""Sinasabing nagdadala ito ng aura at puno ng spiritrons—ilagay mo lang ito sa bahay mo, at magdadala ito ng magandang
Iba't ibang ekspresyon ang nagpalitan sa mukha ni Travis, at muling sumigaw siya sa mga stewardess, "Pumunta kayo, bilhan niyo ako ng kahon ng posporo!" "Oo, Mr. Dali…" Napaatras ang mga stewardess at nagmadaling umalis.Si Hugh ay galit na galit na nakatitig kay Frank. "Frank, hindi mo ba narinig ang kasabihang 'live and let live'?""Magpaka-buhay at hayaan ang iba, talaga?"Tumawa si Frank bilang sagot. "Pinakinggan mo ba ako nang sinubukan kong pigilan ka na ipa-appraise mo sa akin ang painting na iyon? Akala mo ba nagtatakbo ako, kahit na hinihingi mong lumuhod ako sa lahat?"Naguluhan si Hugh. Wala siyang magawa kundi humiyaw at kuminang ang kanyang panga.Maya-maya, bumalik ang mga stewardess na may dalang posporo.Tumatagilid ang mga kamay ni Travis, pero sa huli ay sinunog niya ang painting habang pinapanood ng lahat.Kahit na ang canvas ay naging abo, ang pisngi ni Travis ay kumunot sa sakit ng puso.Ngunit wala nang magagawa—nangako siya, at kailangan niyang tuparin
Humarap si Frank, pagkatapos ay lumapit siya sa painting at agad niyang napansin ang ilang mga depekto sa isang sulyap lang."Heh. So, may naisip ka na bang pakulo ngayon, Frank?" Ngumisi si Hugh na puno ng paghamak, galit na galit siya mula pa sa simula sa hindi malamang dahilan.Hindi siya pinansin ni Frank at kampante siyang tumango habang tinuturo ang pirma sa sulok."Tingnan niyo ang pirma," sabi niya. "Kahit na pinagmukha pa itong luma, malinaw na hindi ito tumutugma sa edad ng canvas. Sa katunayan, hindi pa ganun katanda ang pirma sa canvas—anong painting ang pipirmahan pagkaraan ng daan-daang taon matapos itong makumpleto at matagal na panahon na pagkatapos mamatay ng artist nito?""Ano?!"Agad na nabalisa ang lahat, lalo na si Travis.Inilabas niya ang isang magnifying glass at lumuhod habang sinisiyasat ang painting.Pagkatapos, habang tinitingnan niya itong maigi, itinuro ni Frank ang mga brush strokes at tahimik na idinagdag, "Marami na akong nakitang mga oil painti
”Hmph!” Suminghal ng malamig si Travis.Kapag pinayagan niya si Frank na umalis pagkatapos ng sinabi nito, papatunayan lang nito ang sinabi ni Frank—na binebenta niya ang kanyang reputasyon, hindi mga kayamanan.At dahil buong buhay niyang sinuri ang mga antigong bagay, tiyak na hindi niya matanggap ang insultong iyon!Galit siyang nagsalita, "Sisirain ng mga salita mo ang reputasyon ng aking establisimyento, sir, tapos inaasahan mong makakaalis ka dito ng payapa?""Talaga? At hindi pwedeng masira ang reputasyon mo?"Ngumisi ng may panghahamak si Frank. "Pinahahalagahan niyo ang mga pekeng bagay na parang tunay ang mga ito, ginagamit niyo ang reputasyon niyo para sa mga kalakal at nagagalit kayo kapag may kumontra sa inyo… Nakakahiya—hindi mahalaga sa’kin ang reputasyon niyo, at hindi ako natatakot sa pagbabanta niyo."Nagulat si Travis—sa kabila ng lahat ng iyon, inaakusahan pa rin siya ni Frank na nagbebenta siya ng mga pekeng produkto?!Nakaramdam siya ng kaunting inis, dahan
Ang tanging panauhin na hindi nagsalita ay si Frank.Subalit, nang lumingon ang lahat kay Frank, inunahan siyang magsalita ni Hugh. "Hah! Anong alam ng isang ignoranteng p*ta tungkol sa sining? Kahit na may kaunti siyang alam, hindi pa rin niya ito kayang bilhin.”Nagtawanan ang ilan sa loob ng silid sa mga sinabi ni Hugh, dahil naging masyadong halata ang pang-iinsulto sa ‘p*ta’.Gayunpaman, nanatiling kalmado si Frank habang nakatingin siya sa ibang mga panauhin at nagtanong siya, "Tapos na ba kayong tumawa? Kung tapos na kayo, ibabahagi ko ang opinyon ko.”“Syempre naman, iho. Huwag kang mahiyang magsalita.”Nagulat si Travis na hindi nag-bid si Frank, at sa halip ay nagsalita siya upang ibahagi ang kanyang opinyon.Aakusahan ba niya siya na peke ang binebenta niya?Para bang sinadya, lumingon si Frank sa painting sa tabi ni Travis habang lahat ay nakatingin, tumango siya at sinabi, "Hindi tunay ang painting na 'yan… O kalahating tunay, kung tutuusin.""Hahaha!!!" Naunang tu
Nang makita na hindi siya binabati ni Frank, hindi na lang siya pinansin ng matanda at napilitang ngumiti. "Sigurado akong alam ng lahat dito na ako, si Travis Dali, ay kamakailan lang nagkamali ng desisyon, bumili ng pekeng jade na estatwa ng fox na nagkakahalaga ng higit sa isang bilyong dolyar."Huminto siya, nagbuntong-hininga. "Ibig sabihin, hindi ko pa natutugunan ang utang kong 600 milyong dolyar. At upang makabawi, inilalabas ko na ang mga kayamanan sa aking koleksyon. Sana'y handa kayong bilhin ang mga ito sa mabuting presyo—may utang na loob na ako sa inyo."Si Hugh ang unang tumayo, iniunat ang kanyang mga kamay at ngumiti. "Haha… nagmamalabis ka, Ginoong Dali—alam ng lahat na ikaw ang dealer na may pinakamagagandang mata sa Blooming Junction, at ang iyong mga kayamanan ay talagang pambihira. Bibilhin namin ang mayroon ka sa tamang presyo.""Exactly.""Ang utang mo ay mababayaran nang walang problema!"Sumang-ayon ang ibang mga bisita."Sige." Parang humilom ang nakatu