Kumunot ang noo ni Helen at bumuntong-hininga. “Kung ganun… sumusuko na ba tayo?”Sa totoo lang, ayaw niyang manalo si Kallum, pero isa itong imposibleng layunin at hindi niya dapat ipilit ang sarili niya. “Syempre hindi tayo susuko.” Ngumiti si Frank at tumango kay Helen. “May naisip akong ideya. Bumalik ka na lang muna sa Lanecorp at maghintay.”“Talaga?” Nagduda si Helen, pero dahil ito ang sabi ni Frank, tumango na lang siya at sinabihan si Frank na huwag masyadong magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang umalis, nag-inat ng likod si Frank. “Sige, puntahan natin ngayon ang pinakamayamang lalaki ng East Coast.”Umalis siya ng mansyon at sumakay ng taksi sa main street at sinabihan ang tsuper, “Sa Grand Coast Hotel.”Ito rin ang hotel na tinutuluyan nila ni Helen.-"Hello?" Sinagot ng nakakalbong si Gene Pearce ang telepono sa sala. Nakasuot siya ng bathrobe, at sa kabila ng pagiging pinakamayamang lalaki sa East Coast, halatang masama ang kalusugan niya mula sa nangingitim n
Pagkatapos ng isang sandali ng katahimikan, sabi ni Frank, “Medyo kulang sa sinseridad kung pag-uusapan natin to sa telepono. Bakit di tayo mag-usap nang harapan?”“Sige,” mabilis na sagot ni Gene kahit na hihintayin pa niya ang sagot niya. Napaisip siya pagkatapos ibaba ang telepono—para bang bata pa ang lalaki, pero napakakampante niya. “Heh…” Tinawanan niya ang sarili niya. Isang taon na siyang nagkasakit, kahit na pinanatili niya itong isang lihim. Sa umpisa, napagod lang siya at naisip niyang lumamig lang ang kasintahan niya, pero hindi nagtagal ay nalanta ang katawan niya. Pagkatapos, nahirapan na rin siyang maglakad—at ngayon, hindi na niya kayang maglakad nang walang tulong, dahil iikot ang paningin niya at sasakit nang matindi ang kalamnan niya. Sinubukan na ni Gene ang lahat ng magagawa niya, bumisita siya sa bawat isang ospital at kumonsulta sa bawat isang kilalang doktor sa buong Draconia. Sinubukan niya rin ang lahat ng klase ng medical equipment at gamot, n
Nagulat din si Frank. Lalo na't hindi niya inasahang makita rito si Rory Thames, ang top singer ng Draconia na nakaaway niya noon sa opening ceremony ng farm resort niya. Naaalala ni Frank ang okasyong iyon nang parang kahapon lang ito nangyari, kaya hindi siya magkakamali. Halatang nakilala rin siya ni Rory at kaagad niya siyang sinigawan, “Sinong nagsabi sa’yong pumunta ka rito? Layas!” Sinubukan niyang isara ang pinto sa mukha niya, ngunit nasalo ito ni Frank gamit ng isang kamay. Hindi siya interesado kay Rory, pero hindi niya rin hahayaang mawala sa kanya ang pagkakataong ito. Nang nakangiti, sabi niya, “Ms. Thames, nandito ako para gamutin ang sakit ni Mr. Pearce. Hindi ba nakakabastos kung palalayasin mo ako kaagad ngayon?”“Gagamutin mo si Mr. Pearce? Talaga?” Suminghal si Rory, pero sumuko siya sa pagsara ng pinto nang makitang hawak itong maigi ni Frank. Umatras siya nang ilang hakbang, sabay pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya habang suminghal siya,
”Pirmahan mo ‘to para ma-finalize ang divorce niyo kung wala ka nang mga katanungan,” ang sabi ng babaeng nakasuot ng bulaklaking damit at itinulak niya ang isang piraso ng papel papunta may Frank Lawrence. Nakaupo sila sa Lane Manor, at nagsalubong ang matatalas na kilay ni Frank habang nakatitig siya sa divorce agreement bago siya lumingon sa babae na mother-in-law niya, na si Gina Zonda. “Ano ‘to?”Itinupi ni Gina ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib at sinabing, “Kakatapos lang maging pampubliko ang Lane Holdings—ibig sabihin lang nito na lalo lang lumalaki ang agwat sa pagitan ninyo ni Helen. Tutal wala ka namang maitutulong sa kanya sa career niya, ang tanging magagawa mo lang ay hilahin siya pababa, at dahil dito ay mas mabuting hiwalayan mo na siya sa lalong madaling panahon.”Ngumiti ng mapait si Frank. “Ito ba ang iniisip ni Helen, o ito ba ang iniisip mo?”Sumimangot si Gina. “Ito ang iniisip ng bawat miyembro ng pamilya ko. Siguro nga si Henry ang nagtakda
Paglabas ni Frank ss Lane Manor, lumingon siya upang tingnan ang lugar kung saan siya tumira ng tatlong taon. Mag-isa siyang pumunta dito at ngayon ay umalis siya ng walang kahit ano. Sa sandaling iyon, isang Rolls-Royce ang mabilis na umaandar papunta sa kanya mula sa malayo, na huminto sa may tabi niya. Bumukas ang pinto, at isang lalaki na nakasuot ng isang suit ang bumaba, at ngumiti habang naglalakad siya papunta kay Frank. “Mr. Lawrence…”“Anong ginagawa mo dito?” Nagtanong si Frank habang pinagmamasdan niya ang lalaki—siya si Trevor Zurich, ang CEO ng Trevor International. “Nakipag-partner ako sa asawa mo kamakailan para sa isang development project sa West City, at nagpunta ako upang pag-usapan ang mga detalye kasama siya,” ang sabi ni Trevor. Tumango si Frank ngunit sinabi niya na, “Hindi niyo kailangang mag-usap—nakuha na ni Helen ang suporta ng Wesley family at hindi na niya kailangan ang suporta natin, at hindi ko na siya asawa.”“Ano?!” Napasigaw si Trevor, hin
Natutulog si Frank sa kotse ni Trevor noong tumunog ang phone niya, kaya nagising siya.Nang makita niya na si Helen ang tumatawag, sinagot niya ito at agad niyang narinig ang kanyang malamig na tanong, “Frank, kasama mo ba si Mr. Zurich ngayon?”Tumingin si Frank kay Trevor, na nakaupo sa tabi niya. “Oo.”Huminga ng malalim si Helen upang pakalmahin ang kumukulo niyang dugo—tila hindi nagsisinungaling si Peter!“Dismayado ako sa’yo, Frank,” ang sabi niya. “Kung masama ang loob mo, pwede mong sabihin sa pagmumukha ko—bakit siniraan mo ang pamilya ko?”Hinimas ni Frank ang kanyang sentido nang sumagot siya, “Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa’yo na hindi ko ginawa ‘yun?”“Kung ganun, bakit aalis si Mr. Zurich pagkatapos niyang dumating sa tapat ng pinto ko?!” Ang tanong ni Helen. “Kinansela din niya ang partnership namin!”“Desisyon ‘yun ni Trevor at wala yung kinalaman sa’kin.”Kumbinsido si Helen na si Frank ay isang duwag at hindi niya ito aaminin, nanggalaiti si Helen at ma
Pow! Pow! Pow!Nagbitak ang hangin sa kwarto.Malakas at puno ng determinasyon ang mga pag-atake ni Yara, nakipagpalitan siya ng higit sa isang dosenang suntok kay Frank nang wala sa oras.Walang intensyong manakit si Frank, gayunpaman, sapat lamang ang ginagawa niya upang ipagtanggol ang kanyang sarili.Kahit na wala siya sa peak condition niya, hinding-hindi siya matatalo ni Yara."Tama na, Yara," ang sabi ni Vicky mula sa kama.Ginawa ni Yara ang sinabi sa kanya, bagama't binigyan din niya si Vicky ng isang naagrabyadong tingin. "Yung batang yun...""Tama na," mataray na sabi ni Vicky. "Magpakita ka naman ng respeto—nandito si Mr. Lawrence para tulungan ako."Sa totoo lang, nagalit din si Vicky kay Frank, dahil ang ama ni Yara ang kanyang guro.Gayunpaman, bilang tagapagmana ng legacy ng kanyang pamilya at bilang isang martial arts prodigy, dapat siyang manatiling kalmado sa lahat ng oras.Bukod dito, nasabi niya kaagad na ang mga kakayahan ni Frank ay namumukod-tangi nang
"Tapos ka na bang tumitig?" Hindi napigilan ni Yara na sitahin si Frank, tiyak na nakikita niyang nakatitig siya kay Vicky.Kahit na napatunayan ni Frank ang kanyang husay sa martial arts, naghinala siya na sinasamantala niya si Vicky, at sinabing para sa panggagamot ang paghuhubad ng kanyang damit.Ngumiti si Frank, walang bakas ng kahihiyan sa kanyang mukha habang seryoso niyang sinabi na, "Hindi ko maiwasang mapatitig. Ganun lang talaga kaganda si Ms. Turnbull.""Haha." Natawa si Vicky. "Tapat ka, hindi ba?"Talagang nagulat siya na inamin ito ni Frank nang buong tapang, hindi tulad ng mga nagpapakilalang maginoo na hindi kailanman umamin sa kanilang mga aksyon.Bigla siyang nagpakita ng kakaibang ngiti kay Frank, sinabi niya na, "Pwede mo akong titigan hangga’t gusto mo kapag napagaling mo ako.""Hindi na kailangan. Ang mga magagandang bagay ay hindi malilimutan mula sa unang tingin," ang sabi ni Frank habang umiiling siya.Paglabas niya ng isang karayom, ang kanyang mga dal
Nagulat din si Frank. Lalo na't hindi niya inasahang makita rito si Rory Thames, ang top singer ng Draconia na nakaaway niya noon sa opening ceremony ng farm resort niya. Naaalala ni Frank ang okasyong iyon nang parang kahapon lang ito nangyari, kaya hindi siya magkakamali. Halatang nakilala rin siya ni Rory at kaagad niya siyang sinigawan, “Sinong nagsabi sa’yong pumunta ka rito? Layas!” Sinubukan niyang isara ang pinto sa mukha niya, ngunit nasalo ito ni Frank gamit ng isang kamay. Hindi siya interesado kay Rory, pero hindi niya rin hahayaang mawala sa kanya ang pagkakataong ito. Nang nakangiti, sabi niya, “Ms. Thames, nandito ako para gamutin ang sakit ni Mr. Pearce. Hindi ba nakakabastos kung palalayasin mo ako kaagad ngayon?”“Gagamutin mo si Mr. Pearce? Talaga?” Suminghal si Rory, pero sumuko siya sa pagsara ng pinto nang makitang hawak itong maigi ni Frank. Umatras siya nang ilang hakbang, sabay pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya habang suminghal siya,
Pagkatapos ng isang sandali ng katahimikan, sabi ni Frank, “Medyo kulang sa sinseridad kung pag-uusapan natin to sa telepono. Bakit di tayo mag-usap nang harapan?”“Sige,” mabilis na sagot ni Gene kahit na hihintayin pa niya ang sagot niya. Napaisip siya pagkatapos ibaba ang telepono—para bang bata pa ang lalaki, pero napakakampante niya. “Heh…” Tinawanan niya ang sarili niya. Isang taon na siyang nagkasakit, kahit na pinanatili niya itong isang lihim. Sa umpisa, napagod lang siya at naisip niyang lumamig lang ang kasintahan niya, pero hindi nagtagal ay nalanta ang katawan niya. Pagkatapos, nahirapan na rin siyang maglakad—at ngayon, hindi na niya kayang maglakad nang walang tulong, dahil iikot ang paningin niya at sasakit nang matindi ang kalamnan niya. Sinubukan na ni Gene ang lahat ng magagawa niya, bumisita siya sa bawat isang ospital at kumonsulta sa bawat isang kilalang doktor sa buong Draconia. Sinubukan niya rin ang lahat ng klase ng medical equipment at gamot, n
Kumunot ang noo ni Helen at bumuntong-hininga. “Kung ganun… sumusuko na ba tayo?”Sa totoo lang, ayaw niyang manalo si Kallum, pero isa itong imposibleng layunin at hindi niya dapat ipilit ang sarili niya. “Syempre hindi tayo susuko.” Ngumiti si Frank at tumango kay Helen. “May naisip akong ideya. Bumalik ka na lang muna sa Lanecorp at maghintay.”“Talaga?” Nagduda si Helen, pero dahil ito ang sabi ni Frank, tumango na lang siya at sinabihan si Frank na huwag masyadong magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang umalis, nag-inat ng likod si Frank. “Sige, puntahan natin ngayon ang pinakamayamang lalaki ng East Coast.”Umalis siya ng mansyon at sumakay ng taksi sa main street at sinabihan ang tsuper, “Sa Grand Coast Hotel.”Ito rin ang hotel na tinutuluyan nila ni Helen.-"Hello?" Sinagot ng nakakalbong si Gene Pearce ang telepono sa sala. Nakasuot siya ng bathrobe, at sa kabila ng pagiging pinakamayamang lalaki sa East Coast, halatang masama ang kalusugan niya mula sa nangingitim n
Mabilis na sabi ni Will, “Kumalma lang kayong lahat. Ang mga nasa taas ang nagdesisyon nito. Head lang ako ng department at hindi ako pwedeng gumawa ng desisyon rito—sa kasamaang palad, walang mangyayari kung sa'kin kayo magrereklamo.”Doon lumingon si Will kay Frank, at naintindihan ito kaagad ni Frank. Gusto silang tulungan ni Will, pero may nakatataas na mangialam. “Drenam Limited? Narinig mo na ba sila noon?” Tanong ni Frank kay Helen habang tumingin sa nasa apatnapung taong gulang na si Mr. Woss na hindi mukhang may-ari ng isang negosyo. “Hindi. Baka hindi pa nga sila totoo… Kahit na totoo sila, imposibleng maging napakalaking kumpanya nila,” kampanteng sabi ni Helen. Lalo na't nagsaliksik na siya—kaya niyang ilista ang bawat isang kumpanya sa Zamri na may impluwensiya, at hindi pa niya talaga naririnig ang Drenam Limited.At ngayong gumagana pa rin ang kasunduan nina Helen at Kallum, hindi nila hahayaang mapunta sa kamay ng iba ang mga lote. Kinuha ni Frank ang phone
Nahuli ni Helen si Frank at nagseselos na nagtanong, “Anong sinasabi mo sa babaeng yun?”“Ano?” Nabigla si Frank—ganito ba talaga siya kaselosa noon?Kahit na ganun, tumawa siya pagkatapos mag-isip. “Inimbitahan niya ako sa isang masquerade ball.”“Isang masquerade ball?!” Sumama ang mukha ni Helen, halatang alam na alam niya ang ibig sabihin nito. “Ano? Pumayag ka ba?”“Bakit di ka manghula?” Tumawa si Frank at mabilis na tumakbo papasok ng manor. “Hoy!” Sigaw ni Helen sa inis. Kahit na ganun, kumalma siya kaagad—kilala niya si Frank, at hindi siya mangangahas na pumunta sa ganung klaseng lugar. Lalo na't hindi niya siya pinagsamantalahan kahit noong…Namula si Helen at uminit ang pisngi niya nang naalala niya ang gabing iyon. “Hmph!” Suminghal siya bago nagmadali ring pumasok sa manor. Puno ng tao ang manor, at lahat ng tao roon ay nakatitig nang maigisa iisang tao.Natural na ito ay wala nang iba kundi si Will Zeller.Nakatayo siya sa hagdan suot ng itim na suit niy
Si Frank ang nagmamaneho, at nang dumating sila ni Helen, nakita nilang isa pala itong pribadong hardin. Pinalamutian ang lugar na para bang para ito sa isang social ball, kasama ang buffet, wine, at classical music. Naglabas-masok ang mga waiter sa gitna ng mga tao at nagsilbi para sa mga bisita. Natural na ang lahat ng naroon ay mga representante ng malalaking negosyo sa Zamri—kahit na hindi mahina ang Lanecorp kumpara sa kanila, wala rin silang maipagmamayabang. Ang bawat isang bisita ay may tag na nagpapakita ng grupong kinakatawan nila, at napansin pa nga ni Frank si Victor Sorano mula sa malayo. “Hmm…? Hindi na si Kallum ang kumakatawan sa Lanecorp ngayon?” tanong ng isang matandang lalaking may hawak na red wine habang nilapitan niya si Helen kasama ng isang babaeng nasa dalawampung taong gulang na nakakapit sa braso niya. Isa itong malinaw na kaso ng pagiging sugar daddy—nasa animnapung taong gulang na ang lalaki. Magalang naman siyang binati ni Helen. “Ikaw si Mr.
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n
Malokong ngumiti si Frank. “Magsimula tayo sa ‘Oh, darling, takot ako sa dilim… pwedeng wag kang umalis?’” Bumuka ang labinni Helen at sinubukang ipaliwanag ang sarili niya sa pagkataranta. “Hindi, naisip ko lang na di tayo dapat mag-book ng magkahiwalay na kwarto. Mahal ito at maraming posibleng mangyari…”“Hahaha…” Tumawa nang malakas si Frank nang makita ang nahihiya at mala-dalagang reaksyon niya. At nang makitang tinatawanan niya siya, ayaw nang ipaliwanag ni Helen ang sarili niya at sumimangot habang tumalikod siya.”“Sige, hindi na kita aasarin.” Umupo si Frank sa tabi niya at hinila siya sa mga bisig niya nang nakangiti. “Pwede tayong matulog sa isang kwarto, pero isa akong lalaking may integridad—papakasalan kita nang maayos kapag talagang maayos na ako. Hindi natin kailangang magmadali, di ba?”Naantig ang damdamin ni Helen sa katapatan sa mga mata niya habang nakasimangot siya nang parang isang inosenteng dalaga. “At kailan naman yun?”“Kailan nga ba…”Habang yakap
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka