Nahuli ni Helen si Frank at nagseselos na nagtanong, “Anong sinasabi mo sa babaeng yun?”“Ano?” Nabigla si Frank—ganito ba talaga siya kaselosa noon?Kahit na ganun, tumawa siya pagkatapos mag-isip. “Inimbitahan niya ako sa isang masquerade ball.”“Isang masquerade ball?!” Sumama ang mukha ni Helen, halatang alam na alam niya ang ibig sabihin nito. “Ano? Pumayag ka ba?”“Bakit di ka manghula?” Tumawa si Frank at mabilis na tumakbo papasok ng manor. “Hoy!” Sigaw ni Helen sa inis. Kahit na ganun, kumalma siya kaagad—kilala niya si Frank, at hindi siya mangangahas na pumunta sa ganung klaseng lugar. Lalo na't hindi niya siya pinagsamantalahan kahit noong…Namula si Helen at uminit ang pisngi niya nang naalala niya ang gabing iyon. “Hmph!” Suminghal siya bago nagmadali ring pumasok sa manor. Puno ng tao ang manor, at lahat ng tao roon ay nakatitig nang maigisa iisang tao.Natural na ito ay wala nang iba kundi si Will Zeller.Nakatayo siya sa hagdan suot ng itim na suit niy
Mabilis na sabi ni Will, “Kumalma lang kayong lahat. Ang mga nasa taas ang nagdesisyon nito. Head lang ako ng department at hindi ako pwedeng gumawa ng desisyon rito—sa kasamaang palad, walang mangyayari kung sa'kin kayo magrereklamo.”Doon lumingon si Will kay Frank, at naintindihan ito kaagad ni Frank. Gusto silang tulungan ni Will, pero may nakatataas na mangialam. “Drenam Limited? Narinig mo na ba sila noon?” Tanong ni Frank kay Helen habang tumingin sa nasa apatnapung taong gulang na si Mr. Woss na hindi mukhang may-ari ng isang negosyo. “Hindi. Baka hindi pa nga sila totoo… Kahit na totoo sila, imposibleng maging napakalaking kumpanya nila,” kampanteng sabi ni Helen. Lalo na't nagsaliksik na siya—kaya niyang ilista ang bawat isang kumpanya sa Zamri na may impluwensiya, at hindi pa niya talaga naririnig ang Drenam Limited.At ngayong gumagana pa rin ang kasunduan nina Helen at Kallum, hindi nila hahayaang mapunta sa kamay ng iba ang mga lote. Kinuha ni Frank ang phone
Kumunot ang noo ni Helen at bumuntong-hininga. “Kung ganun… sumusuko na ba tayo?”Sa totoo lang, ayaw niyang manalo si Kallum, pero isa itong imposibleng layunin at hindi niya dapat ipilit ang sarili niya. “Syempre hindi tayo susuko.” Ngumiti si Frank at tumango kay Helen. “May naisip akong ideya. Bumalik ka na lang muna sa Lanecorp at maghintay.”“Talaga?” Nagduda si Helen, pero dahil ito ang sabi ni Frank, tumango na lang siya at sinabihan si Frank na huwag masyadong magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang umalis, nag-inat ng likod si Frank. “Sige, puntahan natin ngayon ang pinakamayamang lalaki ng East Coast.”Umalis siya ng mansyon at sumakay ng taksi sa main street at sinabihan ang tsuper, “Sa Grand Coast Hotel.”Ito rin ang hotel na tinutuluyan nila ni Helen.-"Hello?" Sinagot ng nakakalbong si Gene Pearce ang telepono sa sala. Nakasuot siya ng bathrobe, at sa kabila ng pagiging pinakamayamang lalaki sa East Coast, halatang masama ang kalusugan niya mula sa nangingitim n
Pagkatapos ng isang sandali ng katahimikan, sabi ni Frank, “Medyo kulang sa sinseridad kung pag-uusapan natin to sa telepono. Bakit di tayo mag-usap nang harapan?”“Sige,” mabilis na sagot ni Gene kahit na hihintayin pa niya ang sagot niya. Napaisip siya pagkatapos ibaba ang telepono—para bang bata pa ang lalaki, pero napakakampante niya. “Heh…” Tinawanan niya ang sarili niya. Isang taon na siyang nagkasakit, kahit na pinanatili niya itong isang lihim. Sa umpisa, napagod lang siya at naisip niyang lumamig lang ang kasintahan niya, pero hindi nagtagal ay nalanta ang katawan niya. Pagkatapos, nahirapan na rin siyang maglakad—at ngayon, hindi na niya kayang maglakad nang walang tulong, dahil iikot ang paningin niya at sasakit nang matindi ang kalamnan niya. Sinubukan na ni Gene ang lahat ng magagawa niya, bumisita siya sa bawat isang ospital at kumonsulta sa bawat isang kilalang doktor sa buong Draconia. Sinubukan niya rin ang lahat ng klase ng medical equipment at gamot, n
Nagulat din si Frank. Lalo na't hindi niya inasahang makita rito si Rory Thames, ang top singer ng Draconia na nakaaway niya noon sa opening ceremony ng farm resort niya. Naaalala ni Frank ang okasyong iyon nang parang kahapon lang ito nangyari, kaya hindi siya magkakamali. Halatang nakilala rin siya ni Rory at kaagad niya siyang sinigawan, “Sinong nagsabi sa’yong pumunta ka rito? Layas!” Sinubukan niyang isara ang pinto sa mukha niya, ngunit nasalo ito ni Frank gamit ng isang kamay. Hindi siya interesado kay Rory, pero hindi niya rin hahayaang mawala sa kanya ang pagkakataong ito. Nang nakangiti, sabi niya, “Ms. Thames, nandito ako para gamutin ang sakit ni Mr. Pearce. Hindi ba nakakabastos kung palalayasin mo ako kaagad ngayon?”“Gagamutin mo si Mr. Pearce? Talaga?” Suminghal si Rory, pero sumuko siya sa pagsara ng pinto nang makitang hawak itong maigi ni Frank. Umatras siya nang ilang hakbang, sabay pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya habang suminghal siya,
“Nagkataon lang talaga ito.” Matapat na sabi ni Frank. “Bumalik tayo sa kung saan tayo huminto, Mr. Lawrence. Ano ang gusto mong gantimpala?” Tanong ni Gene. Hindi siya nag-aalalang baka subukan siyang lokohin ni Frank—nag-aalala siya sa mga mas pambihirang hiling. Kilala ang mga espesyalista sa pagiging kakaiba at nanghihingi ng mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera. At kung pera lang ito, marami nito si Gene, kundi ay hindi niya magiging kasintahan ang top songstress ng Draconia. “Sige pala, didiretsuhin kita.” Ngumiti si Frank. “Kanina, gumawa kami ng asawa ko ng bid para sa ilang lote sa South Zamri, ngunit may nauna sa'min.”“Hmm?” Bulong ni Gene, at mabilis niyang napagtantong gusto ni Frank ang mga loteng iyon at tumawa siya, “Oh, maliit na bagay lang yun. Sasabihan ko si Zorn Woss ngayon din at tignan kung nakaalis na siya sa bid. Kung oo, sasabihan ko siyang gawin ang paperwork—sa’yo na ang lahat ng lote, Mr. Lawrence.”“Ano?!” Sumigaw si Rory Thames sa sandalin
“Ano…”Naiilang na bumulong si Frank, sabay lumingon kay Rory na nakatayo sa malayo. "Hmm…?"Mabilis na naintindihan ni Gene ang ibig niyang sabihin at kinawayan si Rory para umalis. May bakas ng inis na lumitaw sa mukha ni Rory sa isang iglap, at tinitigan niyang maigi si Frank habang nagpunta siya sa kwarto niya. Ngayong wala na siya, nagtanong si Gene, “Sige, malaya ka nang makakapagsalita ngayon, Mr. Lawrence. May kinalaman ba kay Rory ang sakit ko?”Bahagyang tumango si Frank. “Ang totoo, kailangan mong kumalma at makinig sa sasabihin ko sa'yo ngayon, Mr. Pearce.”“Sabihin mo sa'kin.” Sumama ang timpla ni Gene kahit nang nakita niya ang masamang ekspresyon sa mukha ni Frank. “May nagtanim ng Chestbusters sa loob mo… Ang totoo, may tatlo nito sa loob mo, nasa kalahating metro ang haba ng bawat isa nito. Kapag naging magulang ito, bubutasin nito ang dibdib mo.”Bumagsak ang ekspresyon sa mukha ni Gene kahit na binalaan siya ni Frank na kumalma. Nagsimula siyang matara
Naghinala na noon si Gene, ngunit nawala ang lahat ng pagdududa niya salamat sa sinabi ni Frank nang napagtanto niya kung sino ang may gawa nito. Wala siyang tagapagmana, kaya maaga niyang sinulat ang will niya, na nagsabing sina Zorn at Rory ang magkasamang magmamana ng estate niya. “Rory Thames… Zorn Woss…” Nalukot sa galit ang mukha ni Gene habang sinara niya ang kamao niya. May pakiramdam na siyang ‘napakamalapit’ nina Zorn at Rory sa isa't-isa, at sa totoo lang, dapat magkaaway sila para sa estate niya kung sakaling mamatay siya. Ngunit ang kakaiba rito, mas naging malapit pa nga sila sa isa't-isa at hindi nagpakita ng senyales ng pag-aaway. Naisip ni Gene na sinusubukan lang nilang panatilihin payapa ang lahat para sa kanya bago siya mamatay, ngunit kaduda-duda na lang ang lahat ngayon. Ayaw niya talaga itong aminin, pero siguradong-sigurado na siya ngayong nagtutulungan ang dalawang iyong patayin siya para sa pera niya! Nakita ni Frank ang sari-saring ekspresyong n
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita
“Hindi interesado si Frank.”Tumayo kaagad si Helen sa pagitan nila Gina at Frank habang nakatitig nang maigi sa nanay niya nang sumigaw siya, “Alam ko kung anong binabalak mo g gawin, pero ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito, kaya akuin mo yan. Wag mong isiping idamay si Frank sa problema mo!”“Bakit ba palagi kang kumakampi sa iba?!” Sigaw ni Gina sa kanya sa inis. “Mamamatay ako kung hindi ko maibebenta ang lupang iyon! Hindi ba dapat may gagawin si Frank kung gusto niyang pakasalan ang anak ko?!”“Binigyan ka ni Frank ng ruby, pero nawala mo yun!” Sagot ni Helen na nagbanggit ng dating hinanakit dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Yun… Iba yun!” Sagot ni Gina, na halatang walang kumpyansa, ngumiti di nagtagal ay nagmatigas at sumigaw, “Nawala namin ang ruby, pero nakaraan na yun! Anak kita, at iba na ang posisyon mo ngayong kontrolado mo na ang Lane Holdings at ang Lanecorp. Hindi lang yun, meron ka lang magarang farm resort na kumikita ng milyones
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah
Walang naisagot si Gina sa sagot ni Helen at bumangon mula sa kama para tumakbo papunta sa pader at iuntog ang ulo niya rito habang sumisigaw. “Oh, Helen! Pasensya na talaga… Wala akong ibang pagpipilian… Magpapakamatay na lang ako para makabawi sa'yo—”Sa ilang untog lang, tumulo na ang dugo mula sa benda niya. Gayunpaman, nahawakan siya ni Helen at sumigaw, “Tigil! Hindi ako makakapagbayad kapag namatay ka rito! Mag-isip ka ng paraan para mabawi ang pera! Tawagan mo si Peter at sabihan mo siyang pumunta rito ngayon din!”“S-Sige…” Dinampot ni Gina ang phone niya at mabilis na tinawagan ang numero ni Peter, ngunit binaba ito ni Peter pagkatapos itong tumunog nang kaunti. “Ano? Anong nangyayari?” Gulat na sabi ni Gina. Kasabay nito, lumingon si Helen kay Frank—hindi kaya nakuha na ni Kit Jameson si Peter?“Tatawagan ko siya.” Lumapit si Frank kay Gina, kinuha ang numero ni Peter mula sa kanya, at tumawag. Sumagot si Peter pagkatapos ng dalawang ring nang may kalmadong tono.
Pagkatapos murahin sandali ng lahat si Peter, binalik ni Helen ang usapan. “Ma, paano ka nasaktan?”Umiling si Cindy at mahinang nagsabi, “Hindi mahanap ni Tita Gina si Peter o si Larry, kaya nagpunta siya sa Zomber Group para bawiin ang pera niya. Tumanggi sila dahil pumirma siya sa kasunduan, kaya nakipagtalo siya. Pagkatapos, medyo nagkapisikalan sila at nauntog siya sa pader.”“Ma… Talagang ang laki ng pagkakamali mo ngayon!” Bumuntong-hininga si Helen dahil alam niyang hindi lang si Gina ang may kasalanan dito. Masyado lang talagang masama ang anak niyang lalaki, na niloko pa ang sarili niyang nanay at pagkatapos ay ginawa rin iyon sa ate niya. Binenta pa nga niya ang sarili niyang ate para sa pera. Masasabi ngang hindi lang siya walanghiya, napakasama pa niya. Kumunot ang noo ni Helen. “Kalma ka lang, Ma. Sabihin mo lang sa'kin—magkano ang nawala sa'yo? Titignan ko kung kaya kitang matulungang bayaran ito.”Binuksan ni Gina ang bibig niya, ngunit lumingon siya kay Cindy
“Oh? Helen, nandito ka na pala!” Sigaw ni Cindy Zonda habang pumasok siya sa ward ni Gina sa sandaling iyon, at bumuntong-hininga siya nang nakita niya si Helen. “Kailangan mo na talagang tulungan si Tita Gina ngayon.” “Ano yun?” Tanong ni Helen kahit na naiinip na siya. “Ano nang magsasabi sa kanya,” sabi ni Gina. Biglang naglaho ang galit niya habang sinubukan niyang umiyak, ngunit hindi niya ito magawa. “Oh, Helen… Patawad talaga!” sigaw niya at mukhang handa nang iuntog ang ulo niya sa pader, pero pinigilan siya ni Helen. “Anong nangyayari, Mama?” Takang-taka si Helen—anong problema na naman ang dinala ni Gina sa kanya?!“Helen, kilala mo ba si Larry Jameson? Isa sa Three Bears ng Zamri?” Tanong ni Cindy sa sandaling iyon. “Larry Jameson?” Napatalon ang puso ni Helen sa pangalang iyon. “Oo. Bakit?”“Bumalik kasi si Peter sa Riverton ilang araw ang nakaraan at dumiretso siya sa'kin, sabi niya may seryosong business deal siya para sa'kin…” huminto si Gina nang humihikbi.
Ang masaklap pa roon, parte nito ang kapatid ni Larry!Bumuntong-hininga si Helen. “Wala lang si Larry kumpara sa kapatid niya—ang lalaking iyon ang tunay na puso ng Zomber Group na nagtatago sa dilim. Siya ang nagplanong gamitin ka, dahil sinabi niya yun sa'kin!”Napaluhod si Peter at nanigas. Kapag nalaman ng kapatid ni Larry kung sinong pumatay kay Larry, tiyak na madudurog ang isang kagaya niyang hindi pinoprotektahan at hindi mahalaga!“A-Anong dapat kong gawin?! Helen… Frank! Pakiusap, kailangan niyo kong tulungan!”Pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya at suminghal, nang halatang hindi siya interesadong masangkot dito. “Hahayaan ko sanang mabuhay si Larry, pero nagpumilit kang patayin siya. Kailangan mo lang harapin ang kapalit nito ngayon.”“Tama si Frank. Harapin mo yan nang mag-isa,” malamig na pagsang-ayon ni Helen. “Sa tingin mo tutulungan pa rin kita pagkatapos mo kong ibenta, nang walang pakialam kung anong mangyayari sa Lanecorp o sa dangal ko?!”H
Malinaw na alam na alam ni Helen kung sino ang nagdala sa kanya sa gulong ito. Kahapon lang, nang nagbalik si Peter, inisip niya sandaling pwede niya siyang bigyan ng trabaho hindi kagaya ni Cindy, ngunit binenta siya nito sa isang kurap. “Nataga na kita kung hindi lang kita kapatid!” Sigaw ni Helen. Napangiwi kang si Peter sa sarili niya nang nakayuko. Hindi pa niya nakitang nagalit nang ganito si Frank, at lalapit na sana siya para pakalmahin siya… ngunit siya na mismo ang yumakap sa kanya nang umiiyak, “Bakit, Frank?! Bakit ganito ang pamilya ko…?”“Ayos lang yan. Nandito ako.” Tinapik siya ni Frank sa likod habang maingat siyang dinadamayan. “P-Pasensya na, ate. Napilitan lang ako…” utal ni Peter sa sandaling iyon. “Kalimutan mo na yan. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo,” sagot ni Helen, nang parang pa ring isang girlboss habang mabilis niyang pinakalma ang sarili niya at pinunasan ang mga luha niya. Habang tinataboy si Peter, bumuntong-hininga siya. “Pwede kang ma
Kahit na ganun, bumuntong-hininga si Larry habang nagsimula siya, “Nagkataong nakita ko ang babaeng iyon sa isang business trip sa Talnam. L-Lumapit siya sa'kin, at pinilit akong mag-invest sa dalawang piraso ng lupa na sinabi niyang kikita nang malaki. Naloko ako, at nilayasan niya ako ilang araw lang ang nakaraan habang tangay-tangay ang malaking parte ng ari-arian ng kumpanya ko..” Umubo nang malakas si Larry, na halatang naaalis sa galit habang nagtapos siya, “H-Hindi ako mag-aalala sa pag-akyat ng Lanecorp kung hindi dahil doon…”“Ganun ba.” Tumango si Frank sa mga sinabi ni Larry nang napagtanto niya ito. Sabi ni Larry, nakilala niya si Juno sa Talnam… Kung ganun, Talnamese siya?“S-Siya nga pala, Mr. Lawrence….”Nang makitang interesado si Frank kay Juno, mabilis na nagdagdag si Larry para lang makaligtas, “Allergic ang babaeng iyon sa lilies… at sa matinding lebel pa nga.”“Matinding allergy sa mga lily?” Bumulong si Frank habang tinandaan niya ito—mukhang tama siyang p