Biglang kumislap ang mata ni Skylar, tapos tinukod ang baba sa kamay niya."Drey, Julia, gusto niyo bang magsama-sama at maghanap ng magtuturo sa atin?"Napanganga si Julia sa gulat.Muntik nang mabulunan si Audrey habang kumakain ng prutas."Ano ba? Anong tinitingnan niyo?" Inis na sabi ni Skylar habang nakatingin sa dalawa, "Mga adults na tayo, kailangan ba talagang ganyan ang reaksyon niyo?"Lumingon si Audrey at tumalikod na lang, bitbit ang plato ng prutas na parang ipinapakita ang pagka-ayaw niya kay Skylar sa pinaka-diretsong paraan."Nakakainis ka naman!" Kinuha ni Skylar ang tsinelas at inihagis sa likod ni Audrey. "Tingnan mo lang, sa hinaharap, asawa mo mismo ang magtataboy sa ’yo!"Napakunot ang noo ni Julia at biglang lumapit para titigan si Skylar. "Pinandidirihan ni Jaxon ang galawan mo sa kama kaya ayaw ka na niya?""Bah!" Tiningnan siya ni Skylar nang masama. "Hindi niya ako iiwan!""Eh di ibig sabihin, mababa lang talaga ang score mo sa kama." Nakatawid na ang braso
Chapter 1: Cheap womanNAKAHIGA si Skylar sa malaki at malambot na kama, pabiling-biling ang ulo. Kahit anong gawin niya ay hindi niya maibukas ang mga mata at ang tanging alam niya ay para siyang sinisindihan ng apoy sa sobrang init. “Ang init… tubig. Pahingi ng tubig, please…” iyon ang namutawi sa bibig ni Skylar. Kumakapa ang kamay niya sa kamang kinahihigaan pero wala pa rin siya sa tamang huwisyo. At that moment, the door was harshly opened and a man got inside. Under the lights of the chandelier, it can be seen that the man has a tall and well built body. Pasuray-suray itong naglakad patungo sa kama, halata ang kalasingan. Hinila ng lalaki ang necktie at inalis ito, kasunod ang paghubad din ng polo na kung saan na lang nito hinagis. Sa ilalim na ilaw ng chandelier, kitang-kita doon ang topless body ng lalaki, nadepina rin ang malinaw na linya ng walong abs nito – kung pagbabasehan naman ang itsura nito, mala Adonis na bumaba sa mundong ibabaw ang lalaki. Perpekto at halatang
Chapter 2: Para sa scoopANG GALIT na tingin ni Jaxon kay Skylar ay para bang gusto siya nitong saktan. Nanlamig siya sa takot. Namutla si Skylar at biglang bumagsak ang luha mula sa kanyang mga mata.“H-How could you say that to me? Hindi ako cheap! I'm not a slút!”Hindi niya gustong mapunta sa kama ni Jaxon. Siya itong biktima pero hindi nakikita iyon ni Jaxon. Ang nasa isip nito ay sinilo niya ito.“If you're not cheap, why did you climb my bed, Skylar?! And why are you crying? May karapatan ka bang umiyak sa harap ko?" malamig na sabi ni Jaxon, walang bahid ng awa ang tono ng boses. Sa lamig ng boses nito ay parang hinihiwa noon ang puso ni Skylar at nahihirapan siyang huminga. “Five years ago, I told you I don't wanna see your face again. But here you are, shameless to get in my bed. If you're not cheap, what are you?”Parang bomba ang bawat salitang binitiwan ni Jaxon. Sa narinig, tahimik na umalpas sa mga mata niya ang mga luha, kagat-kagat ni Skylar ang labi para pigilan ang
Chapter 3: Hindi kilalaGULAT na gulat sa nalaman at sobrang emosyonal si Skylar habang umiiyak. Ang sakit na nararamdaman niya ay parang pinupunit ang kanyang puso.Alam ng Diyos kung gaano niya sinubukang umiwas kay Jaxon nitong mga nakalipas na taon.Para makalimutan si Jaxon at makalayo sa buhay nito, iniwan niya ang lugar kung saan siya lumaki. Iniwan din niya ang kanyang kapatid na may malubhang sakit sa kanilang iresponsableng ama—lahat para makapamuhay nang tahimik at hindi na muling madamay sa gulo.Pero ngayon, nangyari ang kinatatakutan niya. Ginamit siya ng boss para sa sariling interes—ipinadala siya sa kwarto ni Jaxon para lang makagawa ng scoop.Alam niyang hindi na siya palalampasin ni Jaxon. Parang mauulit ang mga araw na hindi niya gusto pang alalahanin. Mauulit iyon dahil sa mga taong kaharap niya ngayon."Idedemanda ko kayo!" sigaw niya habang umiiyak at tumalikod para umalis.Biglang sinara ni Linda ang pinto ng opisina. "Skylar, tigilan mo na 'yan," sabi ni Lin
Chapter 4: Ipagbibili muli"Oh, nandito ka na pala, Sky," bati nito na may pilit na ngiti. "Bilisan mo, bigyan mo ako ng 50 thousand pesos. Meron ka naman yata n'on. Suwerte ako ngayon sa tingin ko. Babawiin ko lahat ng natalo ko sa sugal!""Tumigil ka na! Huwag mong hawakan ang bag ko!" galit na sigaw ni Skylar habang tinutulak ang ama palayo. Ang natitirang pera niya ay para sa pagpapagamot ng kapatid niya. Hindi niya ito maaaring ibigay sa walang kwentang bisyo ng ama niya."Anong walang pera? Hindi ba't pokpok ka? Ang laki ng kita ng trabaho mong 'yan!" sabi ni Lito na may halong pang-iinsulto."Reporter ako, hindi pokpok!" balik ni Skylar. "Bakit ba gusto mo lagi akong ibenta? Tatay kita!""Wala akong pakialam kung reporter ka o pokpok, ibigay mo ang bag mo!" sigaw ni Lito sabay hablot sa bag niya."Huwag mong kunin 'yan! Para sa pagpapagamot ni Terra ‘yan!" umiiyak na sigaw ni Skylar habang pilit na binabawi ang bag."Tumigil ka! Tatamaan ka sa akin!" anito at itinulak siya at
Chapter 5: Sinong nanakit sa ‘yo"MR. LARRAZABAL, hindi pa nagsisimula ang usapan natin tungkol sa deal! Saan ka pupunta?" Tanong ng negosyanteng kausap ni Jaxon, halatang nag-aalala na baka hindi na bumalik si Jaxon. Tumayo ito mula sa sofa at sinubukang pigilan si Jaxon.Pero parang hindi narinig ni Jaxon ang mga salita nito. Nagpatuloy lang siya sa paglakad palabas ng kwarto habang mabigat ang ekspresyon. Malamig at madilim ang ekspresyon sa mukha ni Jaxon, takot ang mga napapatingin sa kanya. Malakas na isinara ni Jaxon ang pinto nang maraan doon. Sa lakas ng tunog, napatalon ang negosyanteng sumubok magpigil kay Jaxon at natakot nang humabol pa. Mas kalmado ang isa pang negosyanteng naroon. Nang makitang umalis si Jaxon, tiningnan nito si Jeandric at tinanong, "Sir Jeandric, mukhang galit na galit si Mr. Jaxon. Ano bang nangyari? Parang world wàr 3, ah."Ngumiti si Jeandric pero halata sa mukha na ayaw nitong sumagot sa tanong. "Looks like the deal's pause for tonight. Mag-enjo
Chapter 6: Huwag kayong lumapitHINDI namalayan ni Skylar na umalis na si Jeandric dahil sa lalim ng iniisip at naiwan sila ni Jaxon sa mahabang pasilyo. Naninibago at kinakabahan si Skylar; mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung paano makitungo kay Jaxon. Nag-iisip si Skylar kung magsasalita siya para basagin ang katahimikan pero bigla nang naglakad palayo si Jaxon.“Jaxon...” Agad niyang hinawakan ang kamay nito. Mainit iyon, hindi tulad ng malamig at walang emosyon na ekspresyon ng mukha nito.“Sa nangyari ngayong gabi... Salamat... Maraming salamat...” Nauutal ang boses niya habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng lalaki.Hindi sumagot si Jaxon. Tila hindi niya narinig ang sinabi ni Skylar. Nakatitig lang ito sa kamay ng babae, tila naguguluhan.Dahil doon, inakala ni Skylar na galit si Jaxon sa paghawak na ginawa niya. Agad niya itong binitiwan at yumuko para humingi ng paumanhin. “S-Sorry, Jaxon.”Nang bitiwan niya ang kamay nito, bahagyang gumalaw ang kamay n
Chapter 7: First day"‘HUWAG kayong lumapit sa akin—’Biglang tumayo sa pagkakaupo si Skylar, pinagsiklop ang kanyang mga kamao at gumawa ng kilos na parang aatake sa mga lalaking lalapit sa kanya. Sumigaw siya ng malakas, "Kahit mamatay ako, hindi ko hahayaang magtagumpay kayo sa balak n'yo!"Pagkatapos niyang sabihin iyon, ginamit niya ang lahat ng lakas niya para buksan ang pinto ng sasakyan nang malakas. Kaysa maabuso ng mga nakakadiring lalaking ito, mas mabuti pang wakasan niya ang lahat! Mamàtay na kung mamamàtay! Dahil sa gulong likha ni Skylar, nagkagulo sa loob ng sasakyan, naging baliko ang pagmamaneho ng kotse kaya nauntog siya sa matigas na bintana ng sasakyan. Nahilo siya at pakiramdam niya ay may mainit na likido na dumadaloy sa kanyang noo. Hinipo niya ito at nang makita ang kanyang kamay, puno ito ng dugo."Hoy, bigote, ayusin mo! Huwag mong hayaang mamatay siya."Naging maingay bigla ang loob ng sasakyan. Sa sobrang hilo, parang nakikita ni Skylar ang mga anyo ng mg
Biglang kumislap ang mata ni Skylar, tapos tinukod ang baba sa kamay niya."Drey, Julia, gusto niyo bang magsama-sama at maghanap ng magtuturo sa atin?"Napanganga si Julia sa gulat.Muntik nang mabulunan si Audrey habang kumakain ng prutas."Ano ba? Anong tinitingnan niyo?" Inis na sabi ni Skylar habang nakatingin sa dalawa, "Mga adults na tayo, kailangan ba talagang ganyan ang reaksyon niyo?"Lumingon si Audrey at tumalikod na lang, bitbit ang plato ng prutas na parang ipinapakita ang pagka-ayaw niya kay Skylar sa pinaka-diretsong paraan."Nakakainis ka naman!" Kinuha ni Skylar ang tsinelas at inihagis sa likod ni Audrey. "Tingnan mo lang, sa hinaharap, asawa mo mismo ang magtataboy sa ’yo!"Napakunot ang noo ni Julia at biglang lumapit para titigan si Skylar. "Pinandidirihan ni Jaxon ang galawan mo sa kama kaya ayaw ka na niya?""Bah!" Tiningnan siya ni Skylar nang masama. "Hindi niya ako iiwan!""Eh di ibig sabihin, mababa lang talaga ang score mo sa kama." Nakatawid na ang braso
Chapter 99: TwelveDING! Tumunog ang cellphone ni Jaxon sa loob ng isang limited edition na Rolls-Royce, ang nag-iisang modelong ganito sa buong bansa.Nang marinig ang tunog ng message notification, kinuha ni Jaxon ang kanyang telepono nang hindi namamalayan at tiningnan ito.Matapos basahin ang message ni Kris, bahagya siyang napangiti at tinipa ang sagot sa kanyang cellphone. "Huwag kang mag-alala, hinding-hindi mo makukuha ang pagkakataong iyon."Matapos mag-reply, ibinalik niya ang kanyang cellphone sa bulsa. Si Skylar na nakaupo sa tabi niya ay may hawak na stack ng mga resulta ng pagsusuri habang nakakunot-noo."Hubby ko, okay naman ang resulta ng pagsusuri sa'yo. Sa tingin mo ba may problema talaga sa katawan ko kaya hindi ako mabuntis?"Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya may depekto siya pagdating sa pagbubuntis at panganganak."Wala kang dapat ipag-alala." Hinaplos ni Jaxon ang kanyang ulo nang may lambing. "Kung may problema ka man, gagamutin natin iyan. At k
Napuno ng pait ang puso ni Kris. Paano niya hindi malalaman na sinasadya ni Skylar na magpanggap na walang alam, na kunwari ay hindi ni Skylar alam ang nararamdaman niya para rito?Gusto niyang ipahayag ang matagal nang nakatagong pagmamahal niya pero nang makita niya ang mga mata nitong puno ng saya at tamis dahil kay Jaxon, napilitan siyang ngumiti na lang at sabihing, "Oo, tayo ay magkaibigan na maaaring mag-usap tungkol sa kahit ano.""Skylar." Isang mababa at malamig na boses ang narinig mula sa di kalayuan.Lumingon si Skylar at nakita si Jaxon na nakatayo hindi kalayuan. Ang mukha niya ay parang perpektong likha ng isang iskultor, may matitigas na linya at malalalim na madilim na mata. Ang kanyang tingin ay malamig, walang kahit anong init.Alam ni Skylar na hindi ito natutuwa na makita siyang kasama si Kris. Kaya, agad siyang lumapit at hinawakan ang braso nito.Ang simpleng kilos na iyon ay nagsasabing siya ay pag-aari ni Jaxon.Naramdaman ni Kris ang sakit sa puso niya. Ang
Chapter 98: Kahit kalabanin ang buong mundoNANG MAISIP ni Jessie ang sinapit ng kanyang anak na puno ng sugat ang katawan, bigla siyang nanginig at tahimik na bumagsak ang kanyang luha.Tama si Skylar, masyado siyang duwag. Nahihiya siya kay Yannie, parang hindi siya karapat-dapat maging ina.Nang makita ni Skylar ang malungkot na luha ni Jessie, sandali siyang nakaramdam ng awa.Sa totoo lang, isa lang namang ordinaryong maybahay si Jessie. Wala siyang kapangyarihan, ni hindi siya sanay lumaban para sa sarili. Simula pagkabata, palagi siyang nasa ilalim ng proteksyon ng kanyang pamilya.Ngayon na nasa kulungan si Philip, wala na siyang kakampi. Para hindi makagalit ang mayor ng Vigan City, ibinigay mismo ng kanyang kapatid na si Abram si Yannie para ipapatay. Napakalupit ng puso ng lalaki. Sa tingin ni Skylar, siguradong hindi rin magiging madali ang buhay ni Jessie sa bahay ni Abram.Dahil sa awa, hindi niya namalayang lumambot ang kanyang boses."Tita, mali ang taong kinamumuhian
Para sa paggamot ng infertility, mas simple ang mga hakbang para sa mga lalaki, kailangan lang nilang suriin kung may problema sa kalidad ng kanilang sperm.Pero para sa mga babae, mas maraming kailangang suriin, tulad ng pagkuha ng medical history, kung normal ba ang ovulation, kung maayos ang paggana ng ovary, kung gumagana nang tama ang fallopian tubes at kung may iba pang sakit sa katawan. Kailangan ding suriin kung may defect ang matris mula pa noong ipinanganak sila.Sa madaling salita, hindi matatapos agad ang mga pagsusuri ni Skylar. Sa ngayon, maaari lang niyang gawin ang mga simpleng pagsusuri gaya ng kung normal ba ang kanyang ovulation pero kailangang hintayin ang panahon ng ovulation para sa ibang pagsusuri.Ang nakakainis lang para kay Skylar ay natapos na niya ang lahat ng pwedeng gawin na pagsusuri pero si Jaxon, na iisa lang ang kailangang ipasuri—ang kalidad ng kanyang sperm—ay hindi pa ito nagagawa."Ano bang ginagawa mo? Ayaw mo na bang magkaanak?" Galit na pumasok
Chapter 97: False alarmNOONG GABING iyon, bumuhos ang malakas na ulan sa Vigan City at hindi ito tumigil mula alas-otso ng gabi hanggang alas-otso ng umaga kinabukasan.Mahimbing na natulog si Skylar sa mga bisig ni Jaxon at walang kahit anong panaginip buong gabi.Pagkagising niya, nakaupo na si Jaxon sa sala at kumakain ng almusal."Magandang umaga, Mrs. Larrazabal."Narinig niya ang boses nito na tila nasa magandang mood, kaya tinapunan lang niya ito ng malamig na tingin."Hindi na ito umaga, Mr. Larrazabal."Eksaktong alas-nuebe na ng umaga. Para sa mga maagang nagigising para magtrabaho, hindi na nga ito maagang oras para bumangon.Alam ni Jaxon na sinisisi siya ni Skylar dahil ginulo niya ito hanggang dis-oras ng gabi. Nang maalala niya kung paano ito umiiyak at nagmamakaawang magpahinga kagabi, hindi niya napigilang ngumiti nang may kasiyahan.Umupo si Skylar sa tapat niya, kumuha ng sandwich at kumain ng isang kagat. Tiningnan niya si Jaxon nang masama."Mr. Larrazabal, simul
Hindi nakaiwas si Jaxon. Unti-unting naging mainit ang kanyang titig habang dahan-dahang bumaba ang tingin niya mula sa mga mata ni Skylar, pababa sa ilong, hanggang sa mapako sa malambot nitong labi. Para bang hinuhubaran niya ito gamit ang kanyang mata imbes na ang kanyang mga kamay.Puno ng tensyon ang paligid. Tahimik na lumilipas ang oras habang nag-iinit ang pakiramdam ni Skylar dahil sa paraan ng pagtingin ni Jaxon sa kanya."Wag mong gawin 'yan." Tinaas niya ang kamay at marahang tinulak ang dibdîb nito.Tiningnan si Skylar ni Jaxon habang nahihiya siyang yumuko, saka ito ngumiti nang bahagya. "Napag-isipan mo na ba?"Alam ni Skylar kung ano ang gusto ni Jaxon na sabihin kaya agad niya itong pinutol."Hindi.""Hindi? Eh bakit ang pula ng mukha mo?" Tinitigan siya ni Jaxon nang malalim, bahagyang nakangiti sabay abot ng kamay sa dibdib nito. "At bakit ang bilis ng tibok ng puso mo, ha?"Tinitigan siya ni Skylar.Sinadya ng lalaking ito. Habang nagsasalita, sadyang hinipan nito
Chapter 96: Hitting two birds with one stoneSI SKYLAR ay nakatitig kay Jaxon habang kausap nito ang nasa kabilang linya, parang sobrang interesado siya sa pinag-uusapan nito.Hindi agad nagbigay ng utos si Jaxon kay Wallace. Bagkus, tumingin muna siya kay Skylar na nasa tabi, ang matalim na mga mata ay kumikislap sa pag-aalinlangan. Ang madilim at maliwanag na mga mata ni Skylar ay parang malinaw at malinis na tubig, napakaganda at mukhang inosente.Muntik nang mapahamak si Skylar kay Quinn dahil kay Yannie. Alam niyang mas masahol pa sa hayop ang taong si Quinn. Sa totoo lang, dapat ay inutusan na niya si Wallace na siguruhing hindi na Yannie mabubuhay pa.Pero nang makita niya ang maliwanag na mga mata ni Skylar, bigla si Jaxon nagdalawang-isip. Para bang natatakot siyang sabihin ang madugong utos sa harap nito, baka kasi matakot ito sa kanya at makita ang madilim at malupit niyang pagkatao."Amay problema ba?" tanong ni Skylar na may ngiti."Wala," sagot ni Jaxon. "Tumawag si Wall
"Kuya, isama mo ako sa kulungan para bisitahin si Philip. Gusto ko rin siyang makita." Binaba ni Abram ng telepono at tumingin kay Jessie. "Kaya kita pinatawag dito tungkol diyan. Bumalik ka muna sa kwarto mo at maghanda. Tingnan mo kung may gusto kang dalhin kay Philip. Aalis tayo papuntang Metro Manila sa loob ng kalahating oras." "Sige," sagot ni Jessie at agad na umalis. Susunod na sana si Yannie pero tinawag siya ni Abram. "Yannie, sandali lang." Lumingon si Yannie. "Uncle, bakit po?" Kinuha ni Abram ang isang credit card sa mesa at iniabot ito sa kanya. "Ano 'to?" Hindi agad kinuha ni Yannie ang card. Diretsong inilagay ni Abram ang credit card sa kamay niya. "Bumili ka ng mga pampalakas at pumunta ka sa ospital para bisitahin si Quinn. Narinig ko, kalahati ng dahilan kung bakit siya napilayan ni Jaxon ay dahil sa'yo." "Uncle, alam mo na lahat?" Namutla si Yannie sa takot. Alam na pala ni Abram na siya ang naglagay ng gamot kay Skylar at nagsulsol kay Quinn par