Chapter 89: Matchmaker TINITIGAN ni Skylar si Jaxon nang masama sa loob ng ilang segundo bago pa siya nito lingunin.“O, sige na, huwag ka nang magalit. May kailangan lang akong gawin. Kailangan kong maglaro ng poker kasama si Mayor at ang iba pa. Ikaw naman, pumunta ka sa celebration hall kasama si Audrey. Ikukuwento niya sa’yo ang buong pangyayari.”“Ang hassle naman, kailangan ko na namang makisama sa iba,” reklamo ni Skylar pero habang inaayos ang necktie ni Jaxon, nagbuntong-hininga siya at nag-aalalang sinabi, “Honey, bumaba ka agad ha. Naghihintay pa sa ’tin si Papa para umuwi.”“Sige, pupuntahan kita agad pagkatapos kong tapusin ‘to,” sagot ni Jaxon sabay yuko at magaan na hinalîkan ang noo niya.Napailing si Jeandric at napataas ang balahibo. “Aba, hoy, kayo ha! Ang OA niyo! Sandali lang kayong maghihiwalay para namang forever nang magkakahiwalay!”Si Audrey naman na nakatayo sa tabi ni Jeandric ay nakaramdam ng inggit.Gusto rin niyang maranasan ang ganoong klaseng pagmamah
"Kung gusto mong marinig ang dahilan…” Nakangiting tiningnan ni Audrey si Skylar. “Kung sabihin kong dahil sa’yo, maniniwala ka ba?”“Dahil sa’kin?” Nanlaki ang mata ni Skylar, halatang nagulat. Ilang segundo siyang natahimik bago nagtanong, “Bakit?”“Kasi gusto naming tulungan kang patayin si Abram at bawiin ang Letat Gang.” Ngumiti si Audrey at uminom ng alak.Natulala si Skylar. Alam niyang tutulong si Jaxon na ipatumba si Abram, pero si Audrey…“Oo, kami. Bukod sa ’kin, kasama rin si Jeandric. May alyansa kami sa mga tao ni Mayor Tecson. Plano naming patayin si Abram at si Mayor Tecson na siyang sumusuporta kay Abram.”Napanganga si Skylar. Hindi lang ito simpleng paghihiganti—binabago na nila ang buong Vigan City.Walang pakialam si Audrey sa reaksyon ni Skylar at nagpatuloy, “’Yung lalaking umatake kay Leander kanina, tauhan ni Abram, pero isang utusan lang siya. Pero ayon sa alyado naming si Nico, kung mamatay si Leander sa kamay ng tauhan ni Abram, magagalit si Mayor Tecson at
Chapter 90: Hindi mo ako kilalaHINDI NAMAN bobo si Yannie. Alam niyang ang gusto talagang iparating ng nanay ni Leander ay dapat ang magiging manugang ng pamilya Tecson ay isang babaeng tulad ni Audrey—mayaman, makapangyarihan, maganda at may kakayahan.At siya? Bukod sa mukha niyang pwede pang ipakita sa tao, wala na siyang ibang maipagmamalaki.Bukod pa dun, ang daming magagandang babae sa mundo.“Madam Tecson, ang bait niyo naman,” sagot ni Audrey na nakangiti habang palihim na kumurap kay Skylar, humihingi ng tulong.Agad namang sumalo si Skylar, “Aba, Madam Tecson, masyado niyo namang pinuri si Drey! Mukha lang siyang babae pero sa totoo lang, isa ‘yang tomboy na workaholic. Hindi siya bagay maging asawa! Kung maghahanap kayo ng pwedeng ipares kay Mr. Leander, sa tingin ko mas bagay si Miss Yannie. Bukod sa maganda na, handang isakripisyo ang sarili para kay Mr. Leander noong nasa panganib siya. Ang hirap na makahanap ng babaeng ganun sa panahon ngayon!”Napangiti si Madam Tecs
Bahagyang tumango si Yannie, maputla ang mukha bago siya tumalikod at umalis.Napasimangot si Skylar at tumingin kay Audrey. Ang nanay talaga ni Leander, nakakainis! Kung ayaw niyang guluhin ng babaeng ‘to ang anak niya, bakit hindi na lang niya sabihin nang diretsahan? Bakit kailangang paikot-ikutin pa at paulit-ulit si Yannie saktan sa ibang paraan?Nang makaalis na si Yannie, tuloy lang ang kwentuhan ni Audrey at ng nanay ni Leander. Panay naman ang puri nito kay Audrey—ang ganda, ang talino, at kung paano siya ang bagay sa anak niyang si Leander.Ayaw talaga ni Skylar sa mga taong mahilig umakyat sa taas habang tinatapakan ang mahihina. Nagsimula siyang antukin sa kakapakinig kaya naghanap siya ng dahilan para makaalis.Pero kakaalis pa lang niya sa booth at hindi pa gaanong nakakalayo nang biglang lapitan siya ng isang waiter."Miss Skylar, sandali lang po. May isang babaeng nagngangalang Ms. Feliciano sa labas ng celebration hall na gustong makipagkita sa inyo."Miss Feliciano?
Chapter 91: Spiked DrinkSI SKYLAR ay nanlaki ang mga mata sa takot. Sa usapin ng self defense arts, totoo namang wala siyang laban sa isang black-band master ng Taekwondo. Ano ang gagawin? Hindi siya maaaring tumayo lang doon nang walang ginagawa at hintayin na lang na bugbugin. Mabilis na gumana ang utak niya. Napatingin siya sa gilid at nasilayan ang swimming pool. Biglang may naisip siyang plano. Naalala niya ang kwento ni Julia tungkol sa kapatid nitong si Olga na minsang binully si Julia kaya itinulak ito sa tubig at muntik nang malunod. Simula noon, nagkaroon ng matinding takot si Olga sa tubig at hanggang ngayon, hindi pa rin ito marunong lumangoy. Kaya nang papalapit na ang kamao ni Olga sa mukha niya, agad niyang hinawakan ang pulso nito, hinatak nang malakas at sabay silang tumalon sa swimming pool. Bago pa makapag-react si Olga, lumagapak na sila sa tubig at bumula ang malakas na pagsaboy nito. "Ahhh! Tulungan niyo ako!" Sigaw ni Olga nang mahulog sa tubig. N
"Miss Skylar, narinig ko na itinulak ka ng ignoranteng si Olga sa tubig. Kumusta ka na? May nararamdaman ka bang hindi maganda?" Paglapit ng asawa ng mayor, agad nitong pinakita ang pag-aalala kay Skylar. Tinawag pa nitong "ignorante" si Olga, dahilan para mamutla sa galit ang babae na nasa gilid. Ngumiti si Skylar. "Ayos lang po ako. Baka lang sipunin ako, medyo giniginaw ako ngayon." "Totoo ba? Halika nga, tingnan ko." Hinawakan ng asawa ng mayor ang kamay ni Skylar at naramdaman niyang malamig ito. Napangiwi siya sa awa. "Aba, ang lamig ng kamay mo! Kawawa ka naman." Pagkatapos, lumingon si Madam Tecson kay Olga at sinermunan ito. "Tingnan mo ang ginawa mo! Humingi ka agad ng tawad kay Miss Skylar. Ayusin mo ang paghingi ng sorry para mapatawad ka niya at mapakiusapan si Mr. Jaxon Larrazabal na huwag ka nang pahirapan. Kung hindi, malilintikan ka." Napatingin si Skylar kay Audrey nang walang magawa. Alam na niya kung bakit lumapit sa kanya ang matandang babae—para ipagtang
Chapter 92: Masamang planoNAAMOY ni Skylar ang amoy ng pabango na hinaluan ng pawis mula sa lalaking nasa harap niya at bigla siyang nakaramdam ng hilo. Mas lalong naging masama ang ngiti ng lalaki. Nang akmang hahawakan siya para alalayan, sinamantala nito ang pagkakataon para kapain siya. Nang maramdaman niya ang makinis na balat ni Skylar, mas lalo siyang naengganyo. "Lumayas ka!" Itinulak ni Skylar ang lalaki nang may galit pero dahil sa lakas ng kanyang pagtulak, natumba rin siya at bumagsak sa sahig. Kasama niyang bumagsak ang manyakis na lalaki na gustong samantalahin ang pagkakataon. Hindi nito kilala si Skylar at hindi rin niya alam na siya ay girlfriend ni Jaxon. Ang alam lang ng lalaki ay maganda ito, lasing yata at madaling pagsamantalahan. Pero hindi niya inakala na ganun kalakas si Skylar—isang tulak lang, napadapa ang lalaki sa sahig na nakabukaka pa. Napansin ito ng mga tao sa paligid at biglang nagkagulo ang lahat. Ang lalaking manyakis ay isang matabang
Narinig ni Quinn ang sinabi ni Skylar at ngumiti nang may nakakalokong ekspresyon. Sa isip niya, walang babaeng tunay na malinis sa mundong ito. Kahit gaano pa kahinhin ang isang babae, pag nakainom siya ng ganung klaseng gamot, siguradong bibigay siya sa kahit sinong lalaking lalapit sa kanya. Pagkatapos tanggalin ang sinturon, hinawakan ito ni Skylar at hinigpitan ang hawak, saka tumingin kay Quinn nang pababa ang mga mata. "Gusto mong subukan ang mas matindi? Mr. Quinn, game ka ba?" Malambing ang boses ni Skylar, kaya mas lalo siyang naging kaakit-akit, parang isang magandang bulaklak na namumulaklak sa tag-init—mapanganib pero hindi matanggihan. Hindi nagsalita si Quinn, pero ramdam niya ang pag-iinit ng katawan niya. Hinila niya si Skylar sa kanyang dibdib at pinilit na siya ang umibabaw. Nang makita ito, may kakaibang ngiti sa madilim at nagniningning na mata ni Skylar. Sa susunod na segundo, isinabit niya ang sinturon sa leeg ni Quinn, at nawala ang ngiti niya—napalitan
Agad itong itinulak ni Audrey at sinigawan ito habang tumutulo ang luha sa kanyang mukha, “Paano mo nagawang gawin ito sa akin?! Hindi ba’t magkaibigan lang tayo?! Gusto mo bang sirain ang samahan natin at magkalimutan tayo nang tuluyan?!”Nararamdaman ni Jeandric ang kirot sa kanyang dibdîb habang pinapanood ang malalaking luha na pumapatak mula sa mukha ni Audrey.Ngayon lang niya nakita si Audrey na umiyak nang ganito, malungkot at desperado.Sa pagkakatanda ni Jeandric, bihira lang talagang umiyak si Audrey. Kahit noong nagkaroon ng sakit sa pag-iisip ang kanyang ina, nadulas sa hagdan, at muntik nang mamatay, hindi si Audrey umiyak nang ganito kalungkot.Pero kahit ganoon, hindi siya nagsisisi sa ginawa. "Audrey..." mahinang tawag ni Jeandric, habang pinapahid ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Tinitigan niya ito nang seryoso at saka halos pabulong na nagsalita, "Ayoko nang maging kaibigan mo lang. Gusto kong maging boyfriend mo."Nasabi niya rin sa wakas ang matagal na niyang i
Chapter 100: Ipipilit koNARINIG ni Audrey ang sinabi ni Skylar at biglang nangilabot ang kanyang balat. Ang tibok ng puso niya ay bumilis nang bumilis.Totoo namang natatakot siyang parusahan siya ni Jeandric pero ang pakiramdam niya ay parang may mali.Kumunot ang kanyang maganda at makinis noo. Si Jeandric ay kaibigan lang niya, at hindi naman ito ang mahal niya. Bakit siya matatakot sa lalaki dahil lang sa “isang dosenang adult video” na hiningi niya?Hindi iyon logical, hindi ba? Kaya huminga si Audrey nang malalim, pinilit ang sarili na kumalma at bumuga nang malakas gamit ang ilong. Tapos ay mayabang niyang sinabi, “Hmph, parurusahan ako? Kahit may sampung tapang siya, hindi niya magagawa iyon!”Napangiti si Skylar, “Ibig sabihin lang niyan, hindi mo talaga naiintindihan ang mga lalaki.”KNOCK KNOCK! Patuloy ang malakas at galit na katok ni Jeandric sa pinto.“Heto na! Heto na!” Dali-daling tumakbo si Skylar para buksan ang pinto.Pagkabukas ng pinto, nakita niya ang madilim
Biglang kumislap ang mata ni Skylar, tapos tinukod ang baba sa kamay niya."Drey, Julia, gusto niyo bang magsama-sama at maghanap ng magtuturo sa atin?"Napanganga si Julia sa gulat.Muntik nang mabulunan si Audrey habang kumakain ng prutas."Ano ba? Anong tinitingnan niyo?" Inis na sabi ni Skylar habang nakatingin sa dalawa, "Mga adults na tayo, kailangan ba talagang ganyan ang reaksyon niyo?"Lumingon si Audrey at tumalikod na lang, bitbit ang plato ng prutas na parang ipinapakita ang pagka-ayaw niya kay Skylar sa pinaka-diretsong paraan."Nakakainis ka naman!" Kinuha ni Skylar ang tsinelas at inihagis sa likod ni Audrey. "Tingnan mo lang, sa hinaharap, asawa mo mismo ang magtataboy sa ’yo!"Napakunot ang noo ni Julia at biglang lumapit para titigan si Skylar. "Pinandidirihan ni Jaxon ang galawan mo sa kama kaya ayaw ka na niya?""Bah!" Tiningnan siya ni Skylar nang masama. "Hindi niya ako iiwan!""Eh di ibig sabihin, mababa lang talaga ang score mo sa kama." Nakatawid na ang braso
Chapter 99: TwelveDING! Tumunog ang cellphone ni Jaxon sa loob ng isang limited edition na Rolls-Royce, ang nag-iisang modelong ganito sa buong bansa.Nang marinig ang tunog ng message notification, kinuha ni Jaxon ang kanyang telepono nang hindi namamalayan at tiningnan ito.Matapos basahin ang message ni Kris, bahagya siyang napangiti at tinipa ang sagot sa kanyang cellphone. "Huwag kang mag-alala, hinding-hindi mo makukuha ang pagkakataong iyon."Matapos mag-reply, ibinalik niya ang kanyang cellphone sa bulsa. Si Skylar na nakaupo sa tabi niya ay may hawak na stack ng mga resulta ng pagsusuri habang nakakunot-noo."Hubby ko, okay naman ang resulta ng pagsusuri sa'yo. Sa tingin mo ba may problema talaga sa katawan ko kaya hindi ako mabuntis?"Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya may depekto siya pagdating sa pagbubuntis at panganganak."Wala kang dapat ipag-alala." Hinaplos ni Jaxon ang kanyang ulo nang may lambing. "Kung may problema ka man, gagamutin natin iyan. At k
Napuno ng pait ang puso ni Kris. Paano niya hindi malalaman na sinasadya ni Skylar na magpanggap na walang alam, na kunwari ay hindi ni Skylar alam ang nararamdaman niya para rito?Gusto niyang ipahayag ang matagal nang nakatagong pagmamahal niya pero nang makita niya ang mga mata nitong puno ng saya at tamis dahil kay Jaxon, napilitan siyang ngumiti na lang at sabihing, "Oo, tayo ay magkaibigan na maaaring mag-usap tungkol sa kahit ano.""Skylar." Isang mababa at malamig na boses ang narinig mula sa di kalayuan.Lumingon si Skylar at nakita si Jaxon na nakatayo hindi kalayuan. Ang mukha niya ay parang perpektong likha ng isang iskultor, may matitigas na linya at malalalim na madilim na mata. Ang kanyang tingin ay malamig, walang kahit anong init.Alam ni Skylar na hindi ito natutuwa na makita siyang kasama si Kris. Kaya, agad siyang lumapit at hinawakan ang braso nito.Ang simpleng kilos na iyon ay nagsasabing siya ay pag-aari ni Jaxon.Naramdaman ni Kris ang sakit sa puso niya. Ang
Chapter 98: Kahit kalabanin ang buong mundoNANG MAISIP ni Jessie ang sinapit ng kanyang anak na puno ng sugat ang katawan, bigla siyang nanginig at tahimik na bumagsak ang kanyang luha.Tama si Skylar, masyado siyang duwag. Nahihiya siya kay Yannie, parang hindi siya karapat-dapat maging ina.Nang makita ni Skylar ang malungkot na luha ni Jessie, sandali siyang nakaramdam ng awa.Sa totoo lang, isa lang namang ordinaryong maybahay si Jessie. Wala siyang kapangyarihan, ni hindi siya sanay lumaban para sa sarili. Simula pagkabata, palagi siyang nasa ilalim ng proteksyon ng kanyang pamilya.Ngayon na nasa kulungan si Philip, wala na siyang kakampi. Para hindi makagalit ang mayor ng Vigan City, ibinigay mismo ng kanyang kapatid na si Abram si Yannie para ipapatay. Napakalupit ng puso ng lalaki. Sa tingin ni Skylar, siguradong hindi rin magiging madali ang buhay ni Jessie sa bahay ni Abram.Dahil sa awa, hindi niya namalayang lumambot ang kanyang boses."Tita, mali ang taong kinamumuhian
Para sa paggamot ng infertility, mas simple ang mga hakbang para sa mga lalaki, kailangan lang nilang suriin kung may problema sa kalidad ng kanilang sperm.Pero para sa mga babae, mas maraming kailangang suriin, tulad ng pagkuha ng medical history, kung normal ba ang ovulation, kung maayos ang paggana ng ovary, kung gumagana nang tama ang fallopian tubes at kung may iba pang sakit sa katawan. Kailangan ding suriin kung may defect ang matris mula pa noong ipinanganak sila.Sa madaling salita, hindi matatapos agad ang mga pagsusuri ni Skylar. Sa ngayon, maaari lang niyang gawin ang mga simpleng pagsusuri gaya ng kung normal ba ang kanyang ovulation pero kailangang hintayin ang panahon ng ovulation para sa ibang pagsusuri.Ang nakakainis lang para kay Skylar ay natapos na niya ang lahat ng pwedeng gawin na pagsusuri pero si Jaxon, na iisa lang ang kailangang ipasuri—ang kalidad ng kanyang sperm—ay hindi pa ito nagagawa."Ano bang ginagawa mo? Ayaw mo na bang magkaanak?" Galit na pumasok
Chapter 97: False alarmNOONG GABING iyon, bumuhos ang malakas na ulan sa Vigan City at hindi ito tumigil mula alas-otso ng gabi hanggang alas-otso ng umaga kinabukasan.Mahimbing na natulog si Skylar sa mga bisig ni Jaxon at walang kahit anong panaginip buong gabi.Pagkagising niya, nakaupo na si Jaxon sa sala at kumakain ng almusal."Magandang umaga, Mrs. Larrazabal."Narinig niya ang boses nito na tila nasa magandang mood, kaya tinapunan lang niya ito ng malamig na tingin."Hindi na ito umaga, Mr. Larrazabal."Eksaktong alas-nuebe na ng umaga. Para sa mga maagang nagigising para magtrabaho, hindi na nga ito maagang oras para bumangon.Alam ni Jaxon na sinisisi siya ni Skylar dahil ginulo niya ito hanggang dis-oras ng gabi. Nang maalala niya kung paano ito umiiyak at nagmamakaawang magpahinga kagabi, hindi niya napigilang ngumiti nang may kasiyahan.Umupo si Skylar sa tapat niya, kumuha ng sandwich at kumain ng isang kagat. Tiningnan niya si Jaxon nang masama."Mr. Larrazabal, simul
Hindi nakaiwas si Jaxon. Unti-unting naging mainit ang kanyang titig habang dahan-dahang bumaba ang tingin niya mula sa mga mata ni Skylar, pababa sa ilong, hanggang sa mapako sa malambot nitong labi. Para bang hinuhubaran niya ito gamit ang kanyang mata imbes na ang kanyang mga kamay.Puno ng tensyon ang paligid. Tahimik na lumilipas ang oras habang nag-iinit ang pakiramdam ni Skylar dahil sa paraan ng pagtingin ni Jaxon sa kanya."Wag mong gawin 'yan." Tinaas niya ang kamay at marahang tinulak ang dibdîb nito.Tiningnan si Skylar ni Jaxon habang nahihiya siyang yumuko, saka ito ngumiti nang bahagya. "Napag-isipan mo na ba?"Alam ni Skylar kung ano ang gusto ni Jaxon na sabihin kaya agad niya itong pinutol."Hindi.""Hindi? Eh bakit ang pula ng mukha mo?" Tinitigan siya ni Jaxon nang malalim, bahagyang nakangiti sabay abot ng kamay sa dibdib nito. "At bakit ang bilis ng tibok ng puso mo, ha?"Tinitigan siya ni Skylar.Sinadya ng lalaking ito. Habang nagsasalita, sadyang hinipan nito