Share

Chapter 4

Author: iyangg
last update Last Updated: 2021-08-29 21:26:41

Nagising ako na nasa hospital na, sabi saakin ni Erica ay nakita niya ako na parang babagsak na kaya agad siyang tumakbo saakin, nong tinanong ko sya kung bakit sya nandoon ang sabi nya ay napadaan lang kaya tumango nalang ako.

1am na nung nagising ako kaya pinauwi ko na si Erica at umuwi narin ako. Ang sabi ng doctor ay kailangan ko raw ng pahinga dahil masyado raw akong nai-stress.

Naalala ko na naman lahat ng ala-alang bumalik sa akin kahapon, ang akala ko ay panaginip lang ‘yon, kaya pala paggising ko kahapon ay masakit ang ulo at kamay ko pero wala naman akong sugat. Dumiretso ako sa public library at hinanap doon ang libro ngunit wala na ito doon.

Agad akong sumakay ng taxi at umuwi sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ni ate at hinanap ang scrapbook ngunit pati yon ay wala na doon, napaupo nalang ako sa may kama ni ate at hindi napigilang umiyak, ako? Bampira? Pa'no?

Ang sabi sa libro bago ako ginulo ng kung sino mang lalaki na ‘yon ay isa akong bampira, Althea Dela Vega ang nakasulat doon may karugtong pa pero hindi ko na alam kung ano. At siguro ang lalaking nagsabi na isa-isang mamamatay ang tao sa lugar na ito ay isa ring bampira, sila siguro ang pumapatay sa mga tao rito. Sila rin siguro ang pumatay kay ate.

Agad na namuo ang galit sa puso ko dahil sa posibilidad na sila nga ang pumatay sa ate ko, sila ang dahilan kung bakit wala na ang kapatid ko ngayon. Naikuyom ko ang aking kamay dahil sa galit.

Pumunta na ako sa kwarto ko at nag desisyon na magpahinga na, dahil kailangan ko ng maraming lakas bukas lalo na at kailangan kong alamin ang totoo, lahat-lahat.

Kinabukasan pagpasok ko sa school agad na naman akong kinulit ni Erica na mag mall kami. Dahil wala naman akong gagawin pagkatapos ng klase ay sumama na lang ako para mapag-bigyan ang baklang ‘to, mahirap na, baka ipakulam ako. Joke.

“Bakla, kain muna tayo, gutom na ako.” Sambit ni Erica kaya dumiretso kami sa Jollibee dahil favorite nya raw ito.

Dahil nakaramdam ako ng pananakit sa pantog ko, nagpaalam ako kay bakla na magc-cr lang, agad nan itong tumango. Habang naglalakad ako papuntang cr may nabunggo akong lalaki.

“Sorry po, nagmamadali po talaga ako.” Sabi ko sa kanya at naglakad ng mabilis ngunit hinigit ako notp pabalik kaya napapikit ako sa sobrang inis, ngunit nawala rin ito nang maamoy ko ang lalaki, parang napaka bango nya para saakin, ang tamis ng amoy nya. Unti-unti kong inilapit ang bibig ko sa leeg nya para maamoy pa sya ng maayos ngunit tinulak ako nito.

“Ano ba, Miss! Okay lang sana yung nabangga mo ako eh, bakit parang may pagnanasa ka pa saakin? Hinila lang kita para sabihin na nahulog ‘tong wallet mo,” masungit na sabi nito, inabot niya sa akin ang wallet at tumalikod na habang bumubulong pa. “Babaeng tao, manyakis.”

Tulala lang ako hanggang makabalik sa Jollibee, nakapag-order narin si Cedrick ng makakain, alam kong nagtataka sya sa ikinikilos ko pero mas pinili na lang nyang manahimik.

Nang matapos kaming kumain ni Cedrick ay pumunta naman kami sa fun house, ipinagsawalang bahala ko nalang ang nangyari kanina dahil baka dahil lang iyon sa gutom o baka dahil sa kung sino talaga ako. 

“Bakla, anong plano mo after this?” umupo sya sa tabi ko para punasan ang sarili dahil kakatapos nya lang maglaro ng baril-barilan dito sa fun house, bakla pero nag babaril-barilan? Seriously? -,

“Sa Public library, mag babasa-basa lang.” kibit balikat na sagot ko sa kanya at kumuha ng chips sa kinakain nya.

“Wala ka bang balak mag trabaho? Sorry ha, i heard namatay ang ate mo akala ko chismis lang, pero nong nakita kita sa harap ng simenteryo naisip kong totoo nga. May mga chismis din na iniwan ka raw ng mga magulang mo.” Napangiti ako dahil ngayon ko lang nalaman na pinag chi-chismisan pala ako, akala ko ay walang nakakaalam.

“Okay lang. Magtatrabaho ako, naghihintay lang ako mag bakasyon. May pera naman silang iniwan at kakasya ‘yon sa loob ng tatlong taon.” Natatawang ani ko sa kanya.

“Wow ha, bilang na bilang ‘te?” maarteng sabi nito at sumandal sa balikat ko, grabe ‘tong bakla na ito. “Alam mo ‘te, wala narin akong magulang. Pero syempre hindi ko ichi-chika sayo bala ipagkalat mo, charot. Ayoko munang magkwento, basta ang nasa isip ko lang nandito ako sa mundo na ito dahil may misyon ako.” Tumayo sya at nag pagpag, “Tara na, pupunta kapa sa Public library diba? Sabay na tayo, dadaanan ko rin ‘yon pauwi.” Nauna itong naglakad sa akin kaya sumunod na lang ako.

Habang naglalakad kami papunta sa public library ay may nararamdaman akong nasunod sa amin kaya naman lumilikot ang aking mata, na alam kong napansin ni Cedrick. Humarap sya sa akin at nag cross-arms.

“Alam mo ‘te, kanina ka pa talaga, ang weird mo ha! Kinikilabutan mga balahibo ko sa balat dahil sayo.” Nakataas ang kilay na sabi nito. “Ano ba kasi iyon? Para kang sinasapian sa ginagawa--” tinakpan ko ang kanyang bunganga at tumingin sa paligid, pinipilit niya itong tanggalin ngunit hinila ko sya at mabilis na tumakbo papunta sa public library.

Nang makarating kami sa library ay tulala akong umupo sa isa sa mga silya doon. Nang mahimasmasan ay binalik ko ang tingin ko kay Cedrick at nginitian ko ito, napag desisyonan ko na wag nang sabihin sa kanya dahil baka mabahala lang sya ay maguluhan pa.

“Joke lang ‘yon bakla, niloloko lang kita,” tumawa ako at tinuro sya. “Ang epic ng mukha mo, halatang natakot karin.” Akala ko ay tatawa sya pero nang tumingin ako sa kanya ay seryoso siyang nakatingin saakin, umirap ito at tumayo.

“Hindi nakakatawang biro ha.” Umalis na ito sa harap ko at lumabas sa public library. Hindi ko na ito hinabol, bukas nalang ako mag so-sorry sa kanya.

Tumayo ako at hinanap ang librong tungkol sa bampira o kahit nobela na tungkol sa bampira. Nang makita ko ito ay agad akong naupo sa isang silya doon at nagsimulang magbasa.

Napatingin ako sa relo ko at hindi ko namalayan na ala-sais na pala ng gabi kaya itinabi ko na ang libro at magpasya ng umuwi sa sa bahay, marami akong nalaman tungkol sa mga bampira katulad ng; May sarili silang mundo, may mga bampira na hindi nasusunog sa araw. Sabi sa nabasa ko may dalawang klase ng bampira, ang masama at ang mabuti, ang mga bampirang mabubuti raw ay hindi nainom ng dugo ng tao, at ang masama ay siyang pumapatay ng tao.

Umuwi ako sa bahay na dala-dala ang mga iniisip ko. Pag bukas ko ng ilaw ay tumambad sa akin ang mga kalat kalat na papel na parang binagyo ang buong bahay ko napakunot ang noo ko sa nakita, tumakbo ako papunta sa kwarto ko at nakita ang malaking papel na nakaipit sa study table ko. Lumapit ako dito at binasa ang nasa loob nito

“1,” napakunot ang noo ko nang makita ko ang numerong nakasulat sa loob ng malaking papel.

“1?” bulong ko sa aking sarili nang mabasa ko ang sulat doon, maraming katanungan ang pumasok sa isip ko hanggang sa makita ko ang nakasulat sa baba ng papel. “V,” anong ibig sabihin non? Vampire?

Ipinagsawalang bahala ko nalang ito at hinayaan ang mga nakakalat na gamit. Nakakatawa lang dahil kahit konting takot ay hindi ko maramdaman sa sistema ko, humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Bumalik na naman sakin ang nangyari kanina sa mall,Ang pagiging mabango ng dugo ng tao sakin, ang minsang mabilis na kilos ko, ang malakas kong pakiramdam, ang maputla kong balat at ang kulay pula kong mata.

Yes, kulay pula ang mata ko. Nakasuot lang ako ng contact lenses na nakakatulong upang hindi ako mapag-usapan ng mga tao, bukod sa akin ay walang ibang nakakaalam nito, kahit si ate.

May isang babae, nakasuot ito ng magarang damit para syang isang reyna sa isang palabas. May hawak syang isang sanggol at isang batang babae na nasa tatlong taong gulang na, may kasama rin syang isang lalaki na nakasuot din ng magarang damit at mukang sya ang hari.

“Wala na tayong oras, kailangan na natin silang maiwan sa mundong ito.” Sambit ng lalaki sa sa babae at tiningnan ang sanggol.

“Ngunit paano natin sya maiiwan sa mga taong iyon? Hindi na rin tayo makakahanap ng iba dahil sabi mo nga kulang na tayo sa oras.” Pinagmasdan din ng ginang ang sanggol.

“Wala tayong ibang pagpipilian kung hindi gamitin ang kapangyarihan natin sa mundo ng mga mortal. Buburahin natin at banaguhin ang ala-ala ng mag-asawang iyon.” Final na sabi ng ginoo sa kanyang asawa.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa panaginip na iyon, hindi ko kilala ang mga tao room bukod sa batang tingin ko ay nasa tatlong taong gulang na.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa kwarto ni ate upang alamin kung tama ang hinala ko. Kinalkal ko ang kanyang damitan hanggang sa makita ang picture nya, sya ang batang babae na iyon. Ibig sabihin, nanay at tatay namin ang dalawang nasa panaginip ko. Ngunit paano ko maalalala ang mga iyon kung sanggol pa lamang ako non.

Sumakit bigla ang batok ko hanggang sa napahawak ako dito. Itinaas ko ang aking buhok at humarap sa salamin, nakita ko na umiilaw ang marka ko sa batok. Letter V ito na may korona na nakasabit sa taas.

Lalo pa itong sumakit kaya napaluhod ako, naalala ko ang nabasa ko kanina. Ang mga bampira ay may mga marka sa iba't-ibang bahagi ng kanilang katawan, ito ay hindi tattoo dahil ito ay dala na nila mula nang isinilang sila.

Related chapters

  • The Forbidden Love   Chapter 1

    “Mariel David, a senior student of Saint benilde university, found unconscious in an alley 1 meter away from Saint benilde school, ——" patuloy lang akong nagbabasa ng mga article tungkol sa mga namatay nang makarinig ako ng ingay sa baba kaya naisipan kong silipin ito na sana hindi ko na lang ginawa. Sumandal ako sa may hawakan ng hagdan at pinagmasdan ko silang kumakain ng masaya sa iisang hapag kainan. Nangangarap na sana ako rin, sana tinuturing din nila akong pamilya. Hindi naman ako ang may gustong mabuhay sa mundong ito, sila naman ang gumawa sa akin pero bakit parang pinagsisisihan nilang nabuhay pa ako. Lumabas ako ng bahay nang umiiyak, naglakad ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa makakita ako ng playground kaya doon muna ako nagpapalipas ng oras para makapag-isip. Isang ring ng cellphone ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Luminga-linga ako para hanapin kung saan nanggaling

    Last Updated : 2021-08-29
  • The Forbidden Love   Chapter 2

    Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, wala pa sana akong balak bumangon nang maalala ko na ngayon nga pala ang klase ko at 7:30 ang first subject ko. Nagpapanic akong bumangon mula sa kama ko at mabilis na naligo, nag bihis at nag ayos ng sarili. Patakbo akong bumaba ng hagdan at sa kasamaang palad ay nadulas pa ako. “Ang malas naman oh.” Inis na bulong ko sa sarili ko at ipinagsawalang bahala ang masakit kong tuhod, wala rin akong pakialam kung may sugat o wala dahil simula bata ako ay mabilis gumaling ang mga sugat ko. Ako nalang mag-isa sa bahay na ‘to dahil umalis sila Mommy papuntang US para magluksa at mag move-on sa pagkawala ni ate at kahit kailan ay hindi na raw sila babalik dito. Iniwan nila sakin ang bahay, kotse at kaunting pera para makapag simula ako ng bagong buhay na wala sila. First year college nako at Bs in nursing ang kinuha kong kurso. Since junior highschool i loved to take

    Last Updated : 2021-08-29
  • The Forbidden Love   Chapter 3

    Nang magising ako ay kisame ng aking kwarto ang una kong nasilayan. Napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot ito, napahawak din ako sa kamay ko nang kumirot ito na parang may sugat ngunit wala naman.“Grabeng panaginip naman ‘yon, masyadong realistic. Ako? Bampira? Kalokohan.” Napailing nalang ako at nahagip ng mata ko ang orasan na syang dahilan kung bakit nanlalaki ang mata kong tumayo sa higaan at mas mabilis pa sa kidlat kumilos.Nang matapos ako sa morning routine ko mabilis akong nag sapatos habang naglalakad palabas, hindi ko narin nagawang mag-agahan sa sobrang pagmamadali.Nang makarating ako sa university ay lakad-takbo na ang ginawa ko para makarating agad sa room, pero dahil sa sobrang malas ko ay nabangga pa ako sa matigas na bagay, tumayo ako at aalis na sana nang may humigit sa braso ko.“Hindi ka man lang ba mag so-sorry?” matigas na sabi nito. Humarap

    Last Updated : 2021-08-29

Latest chapter

  • The Forbidden Love   Chapter 4

    Nagising ako na nasa hospital na, sabi saakin ni Erica ay nakita niya ako na parang babagsak na kaya agad siyang tumakbo saakin, nong tinanong ko sya kung bakit sya nandoon ang sabi nya ay napadaan lang kaya tumango nalang ako.1am na nung nagising ako kaya pinauwi ko na si Erica at umuwi narin ako. Ang sabi ng doctor ay kailangan ko raw ng pahinga dahil masyado raw akong nai-stress.Naalala ko na naman lahat ng ala-alang bumalik sa akin kahapon, ang akala ko ay panaginip lang ‘yon, kaya pala paggising ko kahapon ay masakit ang ulo at kamay ko pero wala naman akong sugat. Dumiretso ako sa public library at hinanap doon ang libro ngunit wala na ito doon.Agad akong sumakay ng taxi at umuwi sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ni ate at hinanap ang scrapbook ngunit pati yon ay wala na doon, napaupo nalang ako sa may kama ni ate at hindi napigilang umiyak, ako? Bampira? Pa'no?Ang sabi sa libro bago

  • The Forbidden Love   Chapter 3

    Nang magising ako ay kisame ng aking kwarto ang una kong nasilayan. Napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot ito, napahawak din ako sa kamay ko nang kumirot ito na parang may sugat ngunit wala naman.“Grabeng panaginip naman ‘yon, masyadong realistic. Ako? Bampira? Kalokohan.” Napailing nalang ako at nahagip ng mata ko ang orasan na syang dahilan kung bakit nanlalaki ang mata kong tumayo sa higaan at mas mabilis pa sa kidlat kumilos.Nang matapos ako sa morning routine ko mabilis akong nag sapatos habang naglalakad palabas, hindi ko narin nagawang mag-agahan sa sobrang pagmamadali.Nang makarating ako sa university ay lakad-takbo na ang ginawa ko para makarating agad sa room, pero dahil sa sobrang malas ko ay nabangga pa ako sa matigas na bagay, tumayo ako at aalis na sana nang may humigit sa braso ko.“Hindi ka man lang ba mag so-sorry?” matigas na sabi nito. Humarap

  • The Forbidden Love   Chapter 2

    Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, wala pa sana akong balak bumangon nang maalala ko na ngayon nga pala ang klase ko at 7:30 ang first subject ko. Nagpapanic akong bumangon mula sa kama ko at mabilis na naligo, nag bihis at nag ayos ng sarili. Patakbo akong bumaba ng hagdan at sa kasamaang palad ay nadulas pa ako. “Ang malas naman oh.” Inis na bulong ko sa sarili ko at ipinagsawalang bahala ang masakit kong tuhod, wala rin akong pakialam kung may sugat o wala dahil simula bata ako ay mabilis gumaling ang mga sugat ko. Ako nalang mag-isa sa bahay na ‘to dahil umalis sila Mommy papuntang US para magluksa at mag move-on sa pagkawala ni ate at kahit kailan ay hindi na raw sila babalik dito. Iniwan nila sakin ang bahay, kotse at kaunting pera para makapag simula ako ng bagong buhay na wala sila. First year college nako at Bs in nursing ang kinuha kong kurso. Since junior highschool i loved to take

  • The Forbidden Love   Chapter 1

    “Mariel David, a senior student of Saint benilde university, found unconscious in an alley 1 meter away from Saint benilde school, ——" patuloy lang akong nagbabasa ng mga article tungkol sa mga namatay nang makarinig ako ng ingay sa baba kaya naisipan kong silipin ito na sana hindi ko na lang ginawa. Sumandal ako sa may hawakan ng hagdan at pinagmasdan ko silang kumakain ng masaya sa iisang hapag kainan. Nangangarap na sana ako rin, sana tinuturing din nila akong pamilya. Hindi naman ako ang may gustong mabuhay sa mundong ito, sila naman ang gumawa sa akin pero bakit parang pinagsisisihan nilang nabuhay pa ako. Lumabas ako ng bahay nang umiiyak, naglakad ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa makakita ako ng playground kaya doon muna ako nagpapalipas ng oras para makapag-isip. Isang ring ng cellphone ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Luminga-linga ako para hanapin kung saan nanggaling

DMCA.com Protection Status