Share

The Forbidden Love
The Forbidden Love
Author: iyangg

Chapter 1

Author: iyangg
last update Huling Na-update: 2021-08-29 21:25:24

“Mariel David, a senior student of Saint benilde university, found unconscious in an alley 1 meter away from Saint benilde school, ——" patuloy lang akong nagbabasa ng mga article tungkol sa mga namatay nang makarinig ako ng ingay sa baba kaya naisipan kong silipin ito na sana hindi ko na lang ginawa. 

Sumandal ako sa may hawakan ng hagdan at pinagmasdan ko silang kumakain ng masaya sa iisang hapag kainan. Nangangarap na sana ako rin, sana tinuturing din nila akong pamilya. Hindi naman ako ang may gustong mabuhay sa mundong ito, sila naman ang gumawa sa akin pero bakit parang pinagsisisihan nilang nabuhay pa ako.

Lumabas ako ng bahay nang umiiyak, naglakad ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa makakita ako ng playground kaya doon muna ako nagpapalipas ng oras para makapag-isip.

Isang ring ng cellphone ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Luminga-linga ako para hanapin kung saan nanggaling ang ingay na ito at napahampas nalang ako sa noo ko ng malaman kung sa bulsa ko pala ito nanggaling kaya hinugot ko ang cellphone sa akong bulsa at nakitang si Ate ito. Napabuntong hininga nalamang ako.

“Bakit?”mahinang tanong ko.

“Nasaan ka nanaman ba?Gabi na.” Muntik na akong mapangiti dahil akala ko’y nag-aalala na sila saakin ngunit naputol ang kasiyahang namumuo sa kalooban ko ng dugtungan ito ni ate

“Umuwi kana at hugasan ang mga pinagkainan namin, magi-skin care pa kami ni mommy and ayokong ma-damage ang hand ko." Sa huling pagkakataon ngayong araw pumatak nanaman ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Pinatayan ko si ate at naglakad pauwi.

Habang nasa daan, naramdaman kong parang may nagmamasid sa akin kaya agad na naging alerto ang katawan ko at kinuha ang suklay kong may kutsilyo.

Pinakiramdaman ko ang buong paligid hanggang sa nakarating ako sa harap ng bahay. Luminga-linga ako sa paligid ngunit wala ng kahit sinong tao ang nasa labas kaya pumasok na lamang ako sa bahay.

“Nandito na ako.” Mahinang sabi ko. Tumingin ito sa likuran ko na para bang may hinahanap.

“Oh, nasaan ang ate mo? Ang sabi nya ay hahanapin ka nya pero bakit ikaw lang ang bumalik? ” nagtatakang tanong nito.

“Wala pong sumundo sa akin sa may playground malapit dito sa bahay natin.” Walang ganang sabi ko.

Nag-ring ang cellphone ni mama kaya agad nya itong sinagot, hindi pa nakaka isang minuto ang tawag nang nabitawan ni mama ang cellphone. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil alam kong may hindi magandang nangyari.

“Rudolf ang anak natin nasa hospital,” pagka sabi ni Mommy non ay humarap sya sa akin at sinampal ako.

“Kapag may nangyaring masama sa ate mo hinding hindi kita mapapatawad, Althea.” Nanginginig sa galit na sabi nya at umalis na sa harap ko.

Nasaktan nanaman ako ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang ito at sumunod kila Mommy. Nang makarating kami sa hospital agad naming hinanap ang room ni ate.

Iniwan ko sila mama sa labas upang kausapin ang doctor. Hindi parin ako makapaniwala sa lagay ni ate, walang kulay ang balat nito at kulay pula ang mata. Nakatulala lang ito sa gilid at paulit-ulit na sasabihin ang tatlong salita, Blood, Fangs, Red eyes.

“Ahhhhh! Please help! Tama na, lumayo ka sakin!” pagkatapos niyang paulit-ulit na banggitin ang mga salitang iyon ay bigla malang syang nagwala at pinagbabato lahat ng gamit na nasa paligid nya.

Lalapitan ko sana sya nang may malakas na pwersang tumulak sakin kaya napahiga ako sa sahig.

“Anong ginawa mo?! Napaka walang hiya mo Althea, nakita mo? Nakita mo ba ang ginawa mo sa ate mo?! Sana ay hindi ka nalang talaga ipinanganak, lumayas ka!” sinipa, sinampal at kinaladkad nya ako palabas ng silid na iyon, ngunit may mas sasakit pa pala sa pananakit na ginagawa niya sakin. Ang mga huling salitang binitawan nya sa harapan ko.

“Bumalik kana kung saan ka nanggaling. Sana ay hindi ka nalang namin inampon, halimaw ka!” para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi ako makagalaw sa at wala ring luha o boses man lang na lumalabas mula sakin.

Pagkatapos mabulgar ng katotohanan ay lumabas ako ng hospital at tumambay sa pinakamalapit na playground.

Umupo ako sa swing at inayos ang buhok ko dahil patuloy itong isinasayaw ng hangin. Nakaramdam ako ng panlalamig sa buong katawan nang may maramdaman akong dumaan sa likod ko, tatayo na sana ako para umalis ngunit natuod ako sa aking inuupuan ng may maramdaman akong hininga sa leeg ko. Handa na sana akong suntukin ito nang magsalita sya.

“Oras na. Kailangan mo nang bumalik kung saan ka nararapat, dahil kung hindi ay isa-isang mauubos ang tao sa lugar na ito.”

Isinantabi ko muna ang nangyari kanina dahil baka isa lang ‘yon sa mga taong walang magawa sa buhay. Nong umalis s’ya sa harap ko kanina ay hindi ko na rin s’ya sinundan dahil marami pa akong kailangan intindihin.

Kasalukuyan akong nasa hospital ngayon at palihim na binabantayan si ate habang wala sila Mommy dahil tingin ko ako pa rin ang may kasalanan kung bakit nagkaganito si ate ngayon. Pinagmasdan ko ang natutulog na muka ni ate at hinaplos ang noo nya.

“Ano ba talagang nangyari?” mahinang tanong ko sa kanya. Nagulat ako nang hinawakan nya ang kamay ko at umiyak.

“Althea, wag kang lalabas ng bahay, hinahanap ka nila, gusto ka nilang kunin. Althea, kailangan mong labanan ang kung ano mang mararamdaman mo sa unang solar eclipse na mangyayari ngayong taon. Totoong hindi ka anak nila Mommy pero totoong kapatid mo ako, sinisiraan kita kila Mommy para hindi sila maging obsessed sayo katulad ng ginagawa nila sakin.” Tila nabingi ako sa panibagong rebelasyon narinig ko, hinaplos ni ate ang kamay ko,

“Althea, wag kang sasama sa kanila.” Unti-unting sumara ang mata ni ate at tumunog ang makinang nagsasabing wala na si ate. Lumabas ako para tumawag ng doctor ngunit sa pagbalik ko ay wala na si ate sa hospital bed.

Isang linggo na ang nakakalipas ngunit hindi parin namin mahanap si ate. Palaisipan para sa akin ang mga huling salita na iniwan nya. Wag ako sasama?Kanino?

Simula nang nangyari ang insedenteng ‘yon hindi na ako pinapansin nila Mommy at paulit-ulit nilang sinasabi sa akin na hindi nila ako anak at dapat bumalik nalang ako kung saan ako nanggaling hanggang sa na pagod na lang sila at nagdesisyon umalis ng bansa. 

Iniwan nila sa akin ang bahay at binigyan ako ng pera dahil kailangan ko na raw matuto mabuhay ng mag-isa dahil kahit kailan ay hindi na sila babalik dito.

Dahil sa sobrang pagod buong maghapon ay napag-desisyonan ko ng magpahinga upang may lakas ako bukas dahil bukas ang unang araw ng klase namin, kahit na maraming kaguluhan at hindi maipaliwanag na pangyayari sa buhay ko ay kailangan ko parin magpatuloy.

Paakyat palang ako sa kwarto ngunit nang nasa hagdan na ako, isang maliit na hangin ang tumama sa pagitan ng leeg at tenga ko. Hindi ko alam kung ang mga salitang narinig ko ay dala lang ng pagod o guni-guni ko lang.

“Please comeback, My Princess.”

Kaugnay na kabanata

  • The Forbidden Love   Chapter 2

    Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, wala pa sana akong balak bumangon nang maalala ko na ngayon nga pala ang klase ko at 7:30 ang first subject ko. Nagpapanic akong bumangon mula sa kama ko at mabilis na naligo, nag bihis at nag ayos ng sarili. Patakbo akong bumaba ng hagdan at sa kasamaang palad ay nadulas pa ako. “Ang malas naman oh.” Inis na bulong ko sa sarili ko at ipinagsawalang bahala ang masakit kong tuhod, wala rin akong pakialam kung may sugat o wala dahil simula bata ako ay mabilis gumaling ang mga sugat ko. Ako nalang mag-isa sa bahay na ‘to dahil umalis sila Mommy papuntang US para magluksa at mag move-on sa pagkawala ni ate at kahit kailan ay hindi na raw sila babalik dito. Iniwan nila sakin ang bahay, kotse at kaunting pera para makapag simula ako ng bagong buhay na wala sila. First year college nako at Bs in nursing ang kinuha kong kurso. Since junior highschool i loved to take

    Huling Na-update : 2021-08-29
  • The Forbidden Love   Chapter 3

    Nang magising ako ay kisame ng aking kwarto ang una kong nasilayan. Napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot ito, napahawak din ako sa kamay ko nang kumirot ito na parang may sugat ngunit wala naman.“Grabeng panaginip naman ‘yon, masyadong realistic. Ako? Bampira? Kalokohan.” Napailing nalang ako at nahagip ng mata ko ang orasan na syang dahilan kung bakit nanlalaki ang mata kong tumayo sa higaan at mas mabilis pa sa kidlat kumilos.Nang matapos ako sa morning routine ko mabilis akong nag sapatos habang naglalakad palabas, hindi ko narin nagawang mag-agahan sa sobrang pagmamadali.Nang makarating ako sa university ay lakad-takbo na ang ginawa ko para makarating agad sa room, pero dahil sa sobrang malas ko ay nabangga pa ako sa matigas na bagay, tumayo ako at aalis na sana nang may humigit sa braso ko.“Hindi ka man lang ba mag so-sorry?” matigas na sabi nito. Humarap

    Huling Na-update : 2021-08-29
  • The Forbidden Love   Chapter 4

    Nagising ako na nasa hospital na, sabi saakin ni Erica ay nakita niya ako na parang babagsak na kaya agad siyang tumakbo saakin, nong tinanong ko sya kung bakit sya nandoon ang sabi nya ay napadaan lang kaya tumango nalang ako.1am na nung nagising ako kaya pinauwi ko na si Erica at umuwi narin ako. Ang sabi ng doctor ay kailangan ko raw ng pahinga dahil masyado raw akong nai-stress.Naalala ko na naman lahat ng ala-alang bumalik sa akin kahapon, ang akala ko ay panaginip lang ‘yon, kaya pala paggising ko kahapon ay masakit ang ulo at kamay ko pero wala naman akong sugat. Dumiretso ako sa public library at hinanap doon ang libro ngunit wala na ito doon.Agad akong sumakay ng taxi at umuwi sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ni ate at hinanap ang scrapbook ngunit pati yon ay wala na doon, napaupo nalang ako sa may kama ni ate at hindi napigilang umiyak, ako? Bampira? Pa'no?Ang sabi sa libro bago

    Huling Na-update : 2021-08-29

Pinakabagong kabanata

  • The Forbidden Love   Chapter 1

    “Mariel David, a senior student of Saint benilde university, found unconscious in an alley 1 meter away from Saint benilde school, ——" patuloy lang akong nagbabasa ng mga article tungkol sa mga namatay nang makarinig ako ng ingay sa baba kaya naisipan kong silipin ito na sana hindi ko na lang ginawa. Sumandal ako sa may hawakan ng hagdan at pinagmasdan ko silang kumakain ng masaya sa iisang hapag kainan. Nangangarap na sana ako rin, sana tinuturing din nila akong pamilya. Hindi naman ako ang may gustong mabuhay sa mundong ito, sila naman ang gumawa sa akin pero bakit parang pinagsisisihan nilang nabuhay pa ako. Lumabas ako ng bahay nang umiiyak, naglakad ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa makakita ako ng playground kaya doon muna ako nagpapalipas ng oras para makapag-isip. Isang ring ng cellphone ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Luminga-linga ako para hanapin kung saan nanggaling

DMCA.com Protection Status