WHILE PUTTING HER red lipstick, Nina couldn't help but remember what happened in the garden that night. Even a few days later it was still etched in her mind. Ilang gabi na nga rin siyang hindi makatulog dahil don.
Unti-unti, tila nakikita niya sa salamin ang halimaw na iyon. Ang mga mata nitong nakakapanindig balahibo, ang basa nitong balahibo at nakakatakot na pangil kaya ganon na lang ang gulat niya ng may kumatok sa pinto ng kaniyang walk-in closet saka dumungaw don si Soleil."Miss Nina—" tumigil ito ng mapansin ata ang reaksyon niya at pamumula. "Ayos ka lang ba? May nararamdaman ka ba?"Tuluyan na itong pumasok, punong-puno ng pag-aalala ang mukha. She cleared her throat and before she could even touch her, umatras na siya."I-I'm fine, Soleil. Bakit naman ako hindi magiging maaayos, hindi ba?"Bumalik siya sa paglalagay ng lipstick sa kaniyang labi pero ang mga kamay ay nanginginig pa rin. That's not true, of course, it's not true. But why does it feels so real?When she asked Soleil how she ended up in her room after that night, she said a maid called them and said she was already home. She even said that they even went to her room to check her and saw that she was fine and that she was sleeping well.But the truth is, she can't remember how she got home. The only thing she remembers is what happened in the hotel garden and that monster. So how in the hell did she get home?"Miss Nina, your father has a visitor. They're having breakfast together while your mother left early."Tumango lang siya. She's wearing a soft and light-eyed dress while she let her naturally curly hair loose. Of course, ang lahat ng iyon ay imposibleng mangyari. There are no such things so that's not true. Maybe she's hallucinating or seeing crazy things."You told me that my father has a visitor, Soleil?" She asked as they went down the stairs."Yes, miss—""Nina, come here and I will introduce you to my guest." His father calls her.It's so weird to see her father smiling so wide at her but she knew she was not the reason why he was happy.They were in the living room and when the man stood up and faced her, her mind was completely blank. She couldn't believe the man who is the reason for her sleepless nights was here, standing in front of her."This is Hayes Xavier, one of the new shareholders of the company. He's here because he also wants to be a benefactor of the foundation."His eyes are deep like how she describes him that night, it is still the same. His lips were thinner and even redder than hers. His nose is pointed and he's fair too. He was staring at her like he wanted to know what she was thinking. She even thought he was smiling but he was not."This is my daughter, Mr. Xavier. Nina Celestine."Nina's eyes dropped to the paper she was holding and she saw Xavier written there. That's not just a coincidence. Lagi niya iyong dala dahil hindi niya alam ang eksplenasyon sa lahat ng nangyayari sa kanya.At hindi na rin niya nararamdaman ang paghihirap ng paghinga katulad ng mga panahong nakikita niya ito. Nakapagpa-checkup na rin naman siya at sabi ng kaniyang doctor ay wala namang problema sa kalusugan niya. He even said that she's too healthy.When she looked up at him, she caught him also staring at the paper and she was so sure that everything that happened that night was real."Accompany Mr. Xavier to the company, Nina, and explain everything to him about the foundation."Nina was riddled with fear."B-But, Dad—"He looked at her with a warning but when he gazed at that guy, he smiled."Can my daughter ride to your car, Mr. Xavier? Pwede n'yong pag-usapan ang tungkol sa foundation habang nasa kotse kayo."Suddenly the expression on the man's face changed. At first, Nina thought it was because of the idea that she would go with him but that doesn't seem to be the reason because his treatment with her father has changed.THEY WERE BOTH silents the whole ride. He has his own driver Kaya magkatabi sila sa backseat. While Soleil and Argus were behind them and following his car, Nina was already comfortable at that. But even though she knew that what happened that night was true, she was still not afraid of him and that's what she was wondering to herself. But there's a part of her that says everything that happened last night wasn't real.With his good looks and dignified stance, he can't be a monster. He looks so aristocratic in his suit. But his frightening eyes will never be erased from her memory.Maybe he was just a dream. Like those restless nights. Those nightmares and troubled sleep."Relax, I won't hurt you."She was playing with her fingers and trying to relax but because of what he said she was even more uncomfortable. She wanted to ask him a lot of questions but what if he denied it and laughed at her?She gathered herself and put aside all her fear and worries. Not just someone like him would cause her to lose her poise and herself. It's not her, she's not like this but this man brings out her weaknesses and personality that she tries to hide.As her father had instructed, even though she was not comfortable being around this man and his stares made her weak she ignored that and accompanied him and toured him around their company."I will prepare your contract, Mr. Xavier. Do you want anything? Just tell me—""Call me Hayes, that's all I want." He said with a growl."But Mr. Xavier—""Call me that again and I will kiss you."Tumigil si Nina sa paglalakad dahil sa sinabi nito. Ang mga nakarinig ay napasinghap naman, pati si Soleil. Good thing Argus wasn't there otherwise he might have gotten into trouble.If Titus is too straightforward then he is bold.He turned when he noticed that she was no longer following him. His eyes are serious but full of mischief."I'll sign the contracts now, Miss Gabriel. I don't want you to get tired anymore." Then he even has the guts to wink at her."SIR DIETHER CALLED earlier, miss Nina while we were with the new benefactor of the foundation. I'm sorry that I forgot to tell you about it."Nina just nodded to Soleil and when she sat comfortably on her swivel chair, she picked up her phone and as she said, Diether did call."Just don't answer it, Soleil. One of these days, he will be here too."She has known Diether since they were a child, he's too stubborn and full of ego and pride. If he thinks that he can control her and manipulate her to follow him without a question like how he treats his women then he still doesn't know her that much.She began arranging the contracts that Hayes Xavier signed earlier. He stayed there for a few more hours, the whole company was really a mess because of his presence. And she no longer wonders why women in their company are talking about him. Well, he's really worth being the main topic of all women because of his looks and charm.So she is thankful that he finally left, but the commotion in their company has not been reduced."Baka masaktan ka sa mga ginagawa mo, miss Nina."Nina smiled at Soleil, a smile that she was scared to witness."You know why I'm confident to do this, Soleil? Because I have you. You and Argus. You two both gave me strength and I trust you both. You two are the only ones I trust. I can do everything and impossible things as long as you two are by my side. "Soleil's face softened but the worry is still etched on her face."All Argus and I care about is what your parents will do to you once they find out about your plans, miss Nina.""Don't worry, Soleil. Oras na mangyari iyon ay sinisigurado ko na wala na silang magagawa at hindi na rin nila ako masasaktan.""But what if that woman doesn't agree with your terms?""She will. I will make sure of that." Nina said with so much confidence and trust in herself. "Ang taong naiipit na sa isang sitwasyong hindi niya alam kung paano makakaalis ay siguradong gagawin ang lahat kahit labag man iyon sa kaniyang kalooban."She knew that it's bad to threaten someone who is suffering already and used them for your own benefits but what can she do? Whether that woman knew about her and Diether or not, she would still use that situation for her own cause.And she only hopes that in the next life of that woman, she will be lucky.NAGTATAKA SI NINA ng makita si Hayes Xavier sa labas ng kanilang kompanya. Nakasandal ito sa kotse nito habang nakapamulsa na tila ba may hinihintay. Kalalabas lang nilang dalawa ni Soleil sa gusali, doon sila maghihintay dahil kinuha pa ni Argus sa parking lot ang kanilang sasakyan."Gusto mo bang itanong ko kung ano ang ginagawa niya dito, miss Nina?" Soleil asked, she seemed to have noticed her staring at the man.Umiling siya. "Pakihintay na lang ako dito, Soleil."As the heiress of the Gabriels, kailangan niyang pakisamahan ang lalaki. Add to that, he gave fifty million to the foundation. She was sure that her father would be very happy about it and she's not be shocked anymore once he threw a party.Hindi pa nga siya nakakahakbang ay tumingin na ito sa direksyon niya. Dumiretso ito ng tayo, humarap sa kanya na para bang siya talaga ang hinihintay nito.She shouldn't feel this way, she never felt this even before. Even when men try to court her or flirt with her. Even Diether. Kahit ilang beses siya nitong nilambing noon, sinuyo, binigyan ng kung anu-ano at dinala sa paborito niyang mga lugar. Walang nakapagparamdam sa kanya na ganito. And to think that he's still a stranger for her.And he's not even doing anything. Nakatitig lang ito sa kanya pero nababalisa na siya. She will remember not to wear such high heels when facing him because she almost lost her balance and tripped a few times.Habang hindi pa siya sigurado kung sino talaga ito ay hindi niya dapat maramdaman iyon. At dapat din ang itatak niya sa isipan ay ang nakakatakot na kaanyuan nito ng gabing iyon para hindi siya mailang dito."Mr—"Nina stopped immediately when she remembered his warning this morning. Tumaas pa nga ang isang kilay nito na tila ba naghahamon. Lihim siyang napamura. "Hayes, what are you doing here? Waiting for someone?" Nina said in her friendliest tone but a fake smile plastered on her face."I'm waiting for you." Diretso naman nitong sabi, diretso din ang tingin sa kanya.Hindi niya maintindihan kung bakit parang may ibang kahulagan itong gustong iparating sa kanya ng sabihin iyon."Have we met before?" Unable to restrain herself, she asked because she would go crazy if she would keep that to herself.Tiningnan lang siya nito na para bang sinasabi nitong matagal na niyang alam ang sagot sa kaniyang katanungan."Who are you?" She asked like how she asked him that night.Umigting ang panga nito pero kahit ganon ay nanatili pa ring malamig ang ekspresyon ng mukha nito. His hypnotic eyes were sucking her deeper, melting all of her strength and destroying her walls that she didn't even get the chance to start building.He's somewhat scary, too grand. He's oozing with power. He was even greater than his father. Actually,he has soft features, but his eyes and gazes make him more ruthless. His thick eyebrows alone can intimidate someone."I only came here to ask you for dinner but I guess some other time maybe."Hindi niya iyon inasahan kaya alam niyang lumarawan ang gulat sa kaniyang mukha. Maraming lalaki ang nag-aayang ilabas siya kaya bakit ba siya magugulat ngayon? Wake up, Nina Celestine Gabriel!"Nina," tawag sa kanya ni Argus na dahilan ng pagtikhim niya.She thinks that's her wake-up call. Pero hindi niya pa rin alam ang gagawin.Hayes cocked his head. "See you again, Miss Gabriel."Tumango si Nina, umatras pero huminto din agad."Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." She said eagerly."I am Hayes Xavier.""'The second one I asked." She murmured impatiently."Yes. We already met."Kung sasabihin nitong sa party, imposibleng makapasok ito doon dahil hindi naman ito kabilang sa guest's list. Maliban na lang kung may nagsama dito sa party."Thank you for helping me that night, Hayes."Bukal sa loob niya ng sabihin iyon.His face lightened up, giving her a soft genuine smile. "You're welcome, Miss Gabriel."She almost rolls her eyes. "Kailangan ko rin bang sabihin na hahalikan kita kapag nagpatuloy kang tawagin akong Miss Gabriel?""Why don't you try it and let's see what will be the outcome."Nag-init ang pisngi niya ng bumaba sa kaniyang labi ang mga mata nito. At nandon na naman ang mainit na pakiramdam na umaalipin sa kaniyang sistema.Dapat katakutan niya ito pero bakit iba ang nararamdaman niya para dito? She feels comfortable around him at kahit wala sa itsura nito, magaan itong kausap."Miss Gabriel." He teases, challenging her more. "Miss... Gabriel..."Kahit anong pigil niya ay tuluyan na siyang napangiti, isang totoong ngiti na hindi inaral. Isang ngiti na hindi pilit. Isang ngiti na ngayon niya lang din ginawa. At ngayon lang siya nakipagbiruan ng ganito sa kahit na sino, at sa lalaki pa.Bigla itong sumeryoso."You're more beautiful when you smile."Her heart skipped a beat. Tila naduling din siya habang nakatitig dito."Thank you, Mr..." She intentionally paused, teasing him too. "Hayes Xavier."He chuckled softly. "About the dinner, sana pag-isipan mo iyon, Miss Gabriel.""Miss Nina," tawag na din ni Soleil at narinig niya ang papalapit nitong hakbang.Tinanguan lang ni Nina si Hayes dahil hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin dito saka mabibigat ang mga hakbang na tinalikuran ito.AGAD SINAGOT NI Argus ang telepono ng tumunog iyon. Kanina pa siya nakaupo sa sofa sa kaniyang silid habang nakalatag ang mga papel at larawan sa kaniyang harapan habang hinihintay ang importanteng tawag na iyon mula sa malapit na kaibigan.Ilang taon din siyang nagtrabaho at nakasama sa investigation team noon bago niya iyon tinalikuran kaya alam niya kung gaano kahirap ang tiktikan ang isang tao at alamin ang mga bagay tungkol dito."This is Argus speaking." He said seriously with his deep voice.Nakatitig siya sa printed ng lumang larawan ng isang lalaki sa mesa. Siguro ang orihinal non ay isang painting at talagang lumang-luma na. Mahaba ang buhok nito at nakasuot din ng makalumang damit."Iyong pinaulit mo sa akin na imbestigahan, ganon pa rin ang kinalabasan. Kahit anong gawin ko ay paulit-ulit na iyon pa rin ang lumabas, walang nagbago. Talagang matagal ng patay ang pinaiimbestigahan mo, Argus. Ilang libong taon na iyon. Pahirapan pa nga na makahanap ng impormasyon tungkol sa taong iyon.""How can he be dead when I've seen him a lot of times?""Baka naman kamukha lang, Argus. Ang imposible naman kasi ng sinasabi mo. Siguradong buto-buto na lang iyon sa lupa. Sino ba ang kayang mabuhay ng ilang libong taon? Ano ka diyos?"He tilted his head and messaged his neck, he stood up before he stood up then got out of the veranda. It was adjacent to Nina's room."Kung ganon ay may isang tao pa akong ipa-iimbestigahan sa iyo."Napapalatak ito sa kabilang linya. "Iyong kaya ko namang hanapin, Argus o di kaya gumamit ka na lang ng historical book baka nakasulat pa doon iyang mga hinahanap mo. If only you weren't my friend, our comrades will think that you are crazy."He frowned at him, gaze at Nina's room again before looking up at the sky."Sino ba ang ipapahanap mo? Anong pangalan?" Mayamaya ay tanong ng kaniyang kaibigan."Hayes Xavier."SO WHAT SHOULD you wear, Nina Celestine Gabriel? She asked herself habang nakatayo sa harapan ng kaniyang life-size mirror at tinititigan doon ang sarili niyang repleksyon.May hawak siyang mga hanger at nakasabit don ang mga dress na pinagpipilian niyang suotin at sinusubukang sukatin kung ano ang mas babagay sa kanya."Miss Nina.""Yes?" Nina murmurs without looking at Soleil."I want to inform you that house Huxley is here."Kunot noong nilingon ito ni Nina. "Sa anong dahilan? Mayroon ba tayong kasiyahan ngayon na nakaligtaan ko?"House Huxley is where Nina gets her clothes from. They've been styling her since she was a kid. At ang mga bagong designs, bagong labas at mga limited editions na damit, sapatos at bag ay sa kanya muna ipinapakita bago ito ilabas sa Mercado. Pero siyempre, ang mga nagustuhan niya ay siya lang dapat ang puwedeng mag-suot."Pinapunta ko na sila, miss dahil mukhang nahihirapan ka
"LET'S GO, HAYES." Pagpupumilit ni Nina, nagpapanic na rin.Tuluyan na niyang hinawakan ang braso nito. Pinaamo din niya ang kaniyang mukha, nagbabakasakaling mapasunod ito. Napapiksi siya at muntikan pang mapatili ng may kung sino na lang na basta hinampas ang bumper ng kotse ni Hayes.Mas humigpit ang hawak niya dito, dalawang kamay na nga ang nakakapit sa braso nito. She's trembling too. All her life, she's never been this scared."Get in the car, miss Gabriel."Napamaang siya sa lalaki."No, hindi kita basta na lang iiwan dito." Puno ng pagtanggi niyang sabi.She won't ever do that, she's maybe a bitch sometimes pero hindi siya aalis para lang sa sariling kaligtasan lalo pa kung nasa kapahamakan ang isang taong kilala niya. That's not her."Come on, baby, this isn't the time for your stubbornness. Now, I want you to get inside so I won't be worrying about you getting hurt while I'm playing with these dxxkheads."
NATANAW NI HAWTHORNE si Nina sa labas ng balkonahe, tahimik niya itong nilapitan at ang unang nakaagaw sa kaniyang atensyon ay ang manipis nitong suot.Bumabakat don ang maganda nitong katawan at naaninag niya na wala ni kahit ano man itong saplot maliban don. Her sweet scent filled his nostrils.Napalunok siya, pilit nilalabanan ang nararamdamang init kahit unti-unti na siyang binubulag ng mga iyon.He cleared his throat to inform her about his presence."Can't sleep, miss Gabriel?"Nakangiti itong bumaling sa kanya, alam niyang wala iyong ibang kahulugan pero pakiramdam pa rin niya ay inaakit siya nito. The breeze blew her hair gently and her eyes reflected the moon.Agad siyang nag-iwas ng tingin, tila ito isang napakasarap na putahe ngunit ipinagbabawal naman para sa kaniyang kalusugan.To hell with my health. Hayes cursed."Napakaganda ng lugar na ito. Sobrang ganda din ng buwan, kaya paano ako makakatulog? Ayaw ko itong palagpasin dahil hindi ko ala
HALO-HALO NA ang emosyong nararamdaman ni Nina. Fear, confusion, nervousness... Excitement..."The world will take us a part," Hayes whispered, running his thumb across Nina's bottom lip. "Your mind will forget me too but my heart will always be yours."She's maybe sheltered but she's not ignorant of such things, alam na alam niya ang ginagawa ni Hayes at ang patutunguhan non pero hindi naman niya magawang itulak ito. Hindi niya rin ito kayang pigilan.Her eyes close slightly. She's even anticipating every move he makes, savoring it. The fact that she's letting him do this to her really scares her. He can control her without him knowing it and she even likes it.Siguro dahil nasanay siya na laging kinokontrol ng sariling ama."And if ever we meet in our next lifetime, let me love you more than love itself." He growls out against her lips.Naramdaman niya ang labi nito sa kaniyang leeg habang dahan-dahan nitong hinuhubad ang suot niyang tank
PAGKAPASOK PA LANG sa kaniyang bahay ay agad ng sinalubong ng mga kasambahay si Nina. Hindi makatingin ang mga ito sa kanya at tila takot na takot, nanginginig pa nga ang mga ito.Ang mga magulang niya ay nakatira sa mismo nilang mansion samantalang siya ay may sarili ding bahay na katabi lang din ng mansion. Kasama niya doon sila Soleil at Argus."What is it? What's wrong?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya ngunit nagkaroon na siya ng idea kung bakit nagkakaganito ang mga ito."Miss Nina, ang iyong ama, ang senyor ho. Hinihintay ka sa kaniyang opisina. Galit na galit. Nagwawala ng dumating kanina, pati si Madame ay hindi siya mapigilan. Sinisigaw ho ang iyong pangalan, kanina ka pa ho hinahanap."At alam ni Nina, ang takot na nararamdaman ng mga ito ay para sa kanya.Huminga siya ng malalim, hinubad ang coat at ibinigay kay Soleil. Inalis din niya ang mga suot na alahas at wala ni isang itinirang kolorete sa katawan."N
ANG NAKANGISING MUKHA ni Diether ang bumungad kay Nina ng pumasok siya sa opisina nito. Sinadya niya talaga itong puntahan dahil parang pinagtataguan siya nito, she was there not because she missed him but because she really wanted to finish the plans she had started.Tumayo ito at gustong burahin ni Nina ang kasiyahan sa pagmumukha ng lalaki ngunit nanatili pa rin siyang kalmado."Ah! Alam kong hinding-hindi mo ako matitiis, Nina. Nakapag-isip ka na ba ng maayos at napagtanto mo na ang lahat na hindi mo kayang mabuhay ng wala ako kaya pumunta ka dito para humingi ng tawad sa akin? Don't worry, I will forget everything and I will forgive you, Nina. For old time's sake."Hahalikan sana siya nito pero nilagpasan niya ito saka siya umupo sa guest's chair kahit hindi pa naman siya nito inaalok."Your mom told me you spent your whole weekend on one of your beach houses."Gagawa talaga ng kasinungalingan ang mga magulang para lang pagtakpan siya. Kababalik lang nila ni Haye
PINANUOD LANG NI Nina ang pagtunog ng kaniyang cellphone, ipinapakita sa screen doon ang pangalan na Hayes Xavier at wala siyang balak na sagutin iyon. Ilang oras na rin siya sa opisina ng kaniyang clinic. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa utak niya ang mga inihayag ni Argus o sadyang ayaw niya lang iyon na paniwalaan.Paulit-ulit niya nga rin tinitipa ang pangalan ni Hayes sa search bar pero katulad nga ng sinabi ni Argus, wala talagang ni isang bagay tungkol dito ang And when she searched about Hawthorne Salvatrix but Hayes' face always came out. Their faces are one hundred percent matched to each other as if they were really one person.Siguradong hinahanap na rin siya ng mga magulang at galit na galit ang mga ito. She watched Diether on the TV this afternoon and he already announced that their wedding will be off. Dahil don ay bumaba ang sales at stocks ng kompanya ng mga Lexington na ngayon ay pagmamay-ari niya samantalang tumaas naman ang sa kompanya ng ka
MULA SA LABAS ng silid ay pinapanuod lang ni Hawthorne si Nina kung paano nito gamutin si Draco habang nakaalalay naman dito si Kyon. Mayroon din naman siyang alam sa panggagamot, sa tagal ba niyang namuhay sa mundo ay nsubukan na niyang gawin ang lahat ng bagay pero pinalabas siya ni Nina ng sagutin niya ang tanong nito kung mayroon ba raw siyang lisensya. He doesn't need that kind of things kaya heto siya, nasa labas."It's the woods," Safiya said.Hinarap niya ito at nasira ang mukha niya ng maagaw ng kaniyang atensyon ni Constantine habang gumagawa ng kape nito na para bang nasa bahay lang ito."Nakita ko ang palatandaan nila sa mga ginamit nilang bala." Pagpapatuloy nito."Hindi ba at mahigpit kong bilin na huwag kayong gagawa ng kahit anong bagay ng walang pahintulot ko?" Pigil ang galit niya ng sabihin iyon.Nakadikwatro ito sa sofa, may bahid na dugo ang damit, madumi at magulo ang buhok. May ilang sugat din ito sa braso."Then what do you expect us to do,
NINA SHUT HER eyes in anticipation as she felt Hayes' lips on her toe and slowly rising on her knee up to her legs and thighs leaving small and sweltering kisses on her skin.Natutop niya ang bibig para pigilan ang pag-alpas ng anumang ingay dahil sinipsip na nito ang balat sa loob ng kanyang hita, malapit na malapit lang sa kanyang pagkababae habang ang mga kamay naman nito ay parehong hinihimas ang binti niya.Hubo't hubad na siya at malamig din ang cabin dahil sa aircon kaya dapat lang na lamigin siya pero ang init lang ang mas nangingibabaw sa nararamdaman niya. Gusto niyang humiyaw, isigaw ang pangalan nito. Gusto niyang malaman nito na kung ano man ang ginagawa nito ay gustong-gusto niya iyon pero ni hindi niya magawang umungol dahil baka marinig sila ng mga nasa labas. But she didn't want him to stop.Nina's chest is heaving while her eyes are closed. Her hands mindlessly start sliding down her stomach to reach the thing between her legs, to release some tension and relief. But
HUMINGA NG MALALIM si Nina.Ayaw man niya pero nakaramdam siya ng pagkahabag sa mga pinagdaanan ni Rosemarie kahit sabihin pa na siya din iyon. Ilang beses pa ba siyang makakaranas ng pagdurusa?Para sa kanya ay nakakalungkot ng naging buhay niya. Noon man o kahit ngayon. At ayaw na niyang isipin pa ang mga naging buhay niya bago pa ang buhay niyang ito. Pakiramdam niya, tila siya isang patay na paulit-ulit pang pinapatay."Come." Hayes held Nina's hand and pulled her inside the library.Pagpasok do'n ay may bubungad agad na malaking mesa na may holographic map."This is the map of Mysticshire. The old Mysticshire. We called it Arlan and Ariston, two of the most powerful place back then along with Psicadiasis."He zoomed in on the holographic map and it showed a detailed castle that she's sure it's in Arlan. Ipinaikot ni Nina iyon hanggang sa tumigil sa Psicadiasis. She had one of their lessons about Psicadiasis when she was in college. Some students even wrote an essay and thesis abo
ANG ISANG DAMDAMIN kapag pinipigilan ay mas lalo lang sumisidhi, tila isa itong sikreto o katotohanan na kahit anong pilit ng sinuman na itago o labanan at pigilan ay siguradong lalabas at lalabas pa rin ito.Iyon ang napatunayan ni Rosemarie.At paano niya nagustuhan ang isang taong kinamumuhian niya ng sobra? Kahit anong gawin niya ay hindi din niya alam ang sagot sa katanungan na iyon.Nagtaka siya ng hindi gantihan ni Damascus ang kanyang ngiti, dati ay ito pa ang unang bumabati sa kanya. Ramdam din niya ang malamig nitong pakikitungo sa kanya samantalang si Greige naman ay hayagan ang ipinapakita nitong disgusto kanya na hindi niya alam kung bakit. Si Sergei lang ang hindi nagbago pero dati naman na itong tahimik.Mayroong pagpupulong ang mga ito at nagtataka man si Rosemarie kung bakit siya nando'n ay masaya pa rin siya na pinagkakatiwalaan siya ng hari."Naghanda ho ako ng tsaa at tinapay para sa inyo. Ang tsaa ay siguradong makakatulong sa inyong mabilis na metabolismo—""Wala
"HINDI NAGKATAON LANG ang pagkakakilala ko sa kanya. Siguradong pinagplanuhan niya ang lahat ng ito, Kamahalan." Galit na bigkas ni Damascus habang nakakuyom ang mga kamao nito. "Kasalanan ko ito. Ako ang dahilan kung bakit siya nakapasok ng palasyo. Hindi ako naging maingat, ni hindi ko inalam ang lahat ng tungkol sa kanya. Naging padalos-dalos ako at pinagkakatiwalaan ko siya.""Parehas silang taga-Psicadiasis, siguradong magkakuntsaba sila ng lalaking iyon. Iutos mo na ang pagdakip sa kanya, Kamahalan, habang wala pa siyang ginagawang hakbang para saktan ka." Suhestiyon naman ni Greige na halatang kaligtasan lang ni Hawthorne ang inaalala nito.Kanina pa nakatanaw sa kadiliman ng kalangitan si Hawthorne. Umaasang makakahanap doon ng kasagutan sa isang bagay na ilang araw ng bumabagabag sa kanya nang oras na mapagtanto niya ang lahat ng mga nangyari simula ng bumalik sila ng Arlan.Nakangiting nilingon niya ang mga ito. "Maari bang kapag tayo-tayo lang ay ituring n'yo ako na parang
NAPAATRAS SI ROSEMARIE nang makita na si Salem ang pumipigil sa kanyang balak na patayin ang hari. Isang malakas na sampal sa kanyang pisngi ay nabitawan niya ang hawak na patalim sa sobra pa ring gulat. Tila ba namanhid ang kanyang mukha at nabingi din siya dahil sa sobrang lakas no'n."Hindi ka ba talaga nag-iisip?" Pabulong na sigaw nito saka siya patulak na binitawan. "Hindi ba at binalaan na kita? Ilang beses pa ba dapat kitang pagsabihan bago ka magising sa katotohanan na hindi mo na maibabalik ang buhay ng iyong amain?""Nasasabi mo iyan dahil hindi ikaw ang nasa katayuan ko.""Makinig ka sa akin." Madiin nitong hinawakan ang balikat niya. "Ang mga magulang ko hinatulan ng kamatayan ng bata pa ako. Si ama, pinagbintangan na pumatay sa isang maharlikang pamilya samantalang si ina naman ay pinagbintangan na magnanakaw. Para lang may makain kaming magkakapatid ay nagnakaw siya, para sa amin ngunit binawian pa rin ng buhay ang lahat ng mga kapatid ko. Ako lang ang natira at kahit k
"DINIG NINYO NA ba ang usap-usapan tungkol sa mahal na hari at kay Rosemarie?""Totoo ba talaga iyon?""Kung totoo ngang may pagtatangi ang kamahalan kay Rosemarie, paano na tayo? Paano na kung maging babae siya ng hari o 'di kaya ay maging reyna siya?""Kung magiging reyna nga si Rosemarie, hindi kaya gantihan niya tayo sa mga pang-aapi at pang-aabuso natin sa kanya? Naalala n'yo ba iyong sinandya natin na matapon ang kinakain niya?""Ikaw lang naman ang nagplano no'n tapos binuhusan mo pa siya ng tubig sa ulo niya kaya siguradong ikaw lang ang paparusahan niya. Tapos inutos-utusan mo pa siya, kahit ang mga nakatokang gawain mo ay ipinapagawa mo sa kanya."Iyon ang mga narinig ni Rosemarie sa kusina kaya hindi siya tuluyang pumasok dahil hindi niya alam kung saan nakukuha ng mga ito ang ganoong usapan.Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago siya tahimik na pumasok at ng makita ng mga ito ay agad siyang nilapitan ng mga ito."Rosemarie, kami na ang magbubuhat at gagawa ng pag-iigib n
NAGKAKAGULO ANG MGA kasamahang manggagamot ni Rosemarie ng bumalik siya sa bahay pagamutan."Anong nangyari sa 'yo at basang-basa ka, Rosemarie?" Nakakunot ang noo at nagtatakang tanong ng kanilang pinuno ng makita siya. "Ikaw lang ba ang naglaba?"Binanlawan niya ulit ang mga nilabhan at siniguradong malinis ang mga iyon bago siya bumalik kaya hapon na no'n at wala na ring masyadong pasyente doon."Bakit wala ni isa man ang tumulong kay Rosemarie samantalang hindi naman ngayon ang araw ng kanyang paglalaba?"Natahimik naman ang ibang mga manggagamot, iniiwasan na mapatingin sa mga mata ng kanilang pinuno."Wala ho silang kasalanan." Pagpigil ni Rosemarie sa babae. "Ako ho mismo ang nagprisinta na maglaba.""Ganon ba? Pero kahit na, dapat lahat tayo dito ay nagtutulungan.""Ano ka ba, pinuno?" Nilapitan ito ng isa nilang kasamahan, hinawakan siya sa braso habang ang isang kamay nito ay may hawak na maganda at mamahalin na palamuti. "Natapos naman na ni Rosemarie ng maayos ang kanyang
NAIIRITANG TUMAYO SI Rosemarie, pinagpupulot ang mga damit saka inilagay sa batya pagkatapos ay binuhat iyon at nagmamadali siyang umalis doon kahit madulas at mabato ang ilog.Parang tila sa kumukulong tubig ang nararamdaman niya at kapag tuluyan ng umapaw ay talagang hindi na niya mapipigilan ang galit. Kinamumuhian niya ito at nasasaktan siya ng sobra dahil sa ginawa nito. Sa ginawa nitong pagkuha sa kaisa-isang taong nagmahal sa kaniya ng lubusan at itinuring siya na anak.At mas nasasaktan siya dahil hindi niya masabi dito ang katotohanan. Wala itong kaalam-alam sa paghihinagpis at mga kalungkutan niya."Ano bang problema at nagkakaganyan ka?" Humarang si Hawthorne sa harapan ni Rosemarie.Ganon na lang ang pagpigil ng dalaga na huwag itong singhalan."Kamahalan, baka ho may makakita at makakilala sa inyo dito. Dapat ang mga kawal sa palasyo ang kasama ninyo at hindi ang isang hamak na tulad ko lang, makakasira ho iyon sa reputasyon n'yo at ayaw ko na hong pag-usapan ka pa ng iban
"HINDI MO NA ako kailangan pang iligtas. Bumalik ka na sa Psicadiasis at ipinapangako ko sa 'yo na babalik din ako don. Magkakasama ulit tayo."Iyon ang huling mga salitang sinabi ni Tariq kay Rosemarie. Ang kanyang amain, ang lalaking kinilala niyang ama simula ng nagkaisip siya ngunit sa isang iglap ay hindi na niya ito makakausap at makikita pa. Hinding-hindi na niya ito makakasama pa.Napaluhod siya at sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang luha habang kitang-kita niya ang paggulong ng ulo nito sa kalupaan at pagbagsak ng wala na nitong buhay na katawan.Alam ni Rosemarie na nakita siya ng amain dahil iniangat pa nito ang kamay sa kanya at nakuha pa nitong ngumiti bago ito tuluyang pugutan ng ulo ni Hawthorne.Nang wala ng natirang mga kawal, nang makaalis na sila Hawthorne ay doon lang inalis ng babae ang kamay sa kanyang bibig. Doon na lang din siya humagulgol at nagsisigaw. Pinagsusuntok niya ang lupa sa sobrang sakit at galit na nararamdaman, na para bang sa paraan na iyon ay mapap